Pasensya na po kung iisa ang update ko. Waiting pa po ako sa eyeglass ko kasi may myopia po ako saka astigmatism. But I'll try to keep updating everyday kahit once. Kapag po kinaya ko, twice.
Kabanata 27 - Ang DiaryWALA ng magagawa si Aslan dahil hinihingi na ng pagkakataon ang katotohanan. He could no longer protect Caroline's secret. Isa pa, tama si Alexa.Hindi niya gugustuhin na dagdagan pa ang pagmumukha nitong tanga. Matagal na dapat niyang sinabi pero sinunod niya ang hiling ni caroline sa kanya.He slightly looked back. Kakasunod na niya ang dalaga na parang nakatulala sa hangin.He's kind of afraid of what this woman might do now that she knows everything. Lalayas nga kaya ito?Dumiretso si Aslan sa kanyang kwarto matapos na makapanhik. Iniwan lang niya na nakaawang ang pintuan. Nauna siya sa loob dahil wala pa si Alexa. Binuksan niya ang vault at tahimik na kinuha ang diary na noong isang araw lang ay tiningnan pa niya.Sumilip si Alexa sa pinto at sinalubong ito ni Jumbo."Come in," aniya sa dalaga."Dito na lang. Akin na kung ano man ang ibibigay mo. It's too dangerous to come inside your room," anito sa kanya kaya sinarili niya ang pagngiti."It's not. Come h
Kabanata 28 - Nagbago NaGeronimo was accused of raping a woman. Iyon ang paratang sa kanyang ama nang magtrabaho iyon sa Saudi. Nakapagtataka man na paanong ang solong anak na tulad ng ama niya ay mas pinili na magtrabaho sa ibang bansa kaysa maging haciendero. It was his father's choice. Ayaw nun na magbungkal ng lupa, ayon sa kanyang ina, at dahil sa pagsuway sa mga magulang ay nag-abroad iyon at nagtranaho bilang isang Engineer sa airport, pero nang nasa ikatlong taon na ng kontrata ay nangyari ang masamang pangyayari sa buhay ni Geron.A woman came into his life, young woman.It wasn't rape. Her mom's story told it. Nakipagtalik ang babae sa ama niya pero nang magising ay isinisigaw daw ng babae na rape iyon. At dahil kakapasok pa lang nun sa legal na edad, kaso ang inabot ni Geron dahil sa pagtataksil.Ang masakit sa lahat at hindi matanggap ni Alexa, napaniwala ang Mommy niya na hindi iyon totoo. Ang sabi raw ng kanyang ama ay walang nangyari. Paniwala si Caroline at iniyakan
Kabanata 29 - Maamong DilagTHE moment Alexa held onto his waist for support, he inwardly smiled. Nasa likod na niya ito nakaangkas.Napakalaking himala na naisakay niya ito nang walang bangayan.Naaaawa siya rito na sobra. Malungkot ang mga mata nito nang lumabas kanina."Hindi ka pa kumakain?" Tanong niya sa dalaga."Hindi pa," anito nang madaanan nila si Sharon na binabantayan si Jumbo para magpaihi sa aso, "Bye, Jumbo!" She yelled.Kumahol ang aso kaya naman bumusina siya habang papalabas na sila ng bakuran."Pupunta tayo sa tower. Kukuha ako ng upa tapos sa mall, at sa commercial building. Sa mall na lang kita pakakainin," aniya rito."Ang dami mong kokolektahin. Hindi ka ba ma-holdup?""Walang holdupper sa Escobar, Lexa. Magdadalawang isip sila lalo kung ako ang ho-holdup-in nila. Alam nilang ako ang may-ari ng lupa.""Dapat pa rin may guards ka," anito sa kanya kaya medyo tumawa siya."Hindi sa akin uso 'yan. Tauhan natin lahat ng nakatira rito. Kung may mga bagong salta man, m
Kabanata 30 - Masungit Pero SweetILANG na ilang si Alexa habang kumakain sila ni Aslan. Hindi na siya ang Alexa na parang boss kung umasta, na nakataas ang mga kilay kapag si Aslan ang kaharap niya.De numero ang subo niya at parang ayaw nga niyang sumubo dahil bawat butil ng kanin na isusubo niya, sa pagod ni Aslan galing dahil ito ang magbabayad.Naiinis na siya na sobra. Gusto niyang umiyak. Bakit nagkaganun ang sitwasyon niya? Kinakapalan na niya ang mukha sa pakikiharap dito. Malay ba niya kung nagpapanggap lang ito ng balewala rito lahat, pero sa loob nito ay pinagtatawanan pala siya. Nakakahiya siya. Buong buhay niya ay para siyang pangkaskas ng yelo sa sama ng ugali rito, yun pala ay siya pa ang dapat na magsilbi rito."Hindi ka mabubusog sa ginagawa mo," ani Aslan pero sa pagkain nakatingin.Walang humpay ang subo nito ng pagkain. Nakasuot ito ng plastik na gloves, nakakamay. Um-order ito ng mga grilled.Iyon ang paborito niya mula pa noon. Laging nag-iihaw ang kanyang yaya
Kabanata 31 - Bad PeopleSO, that explains everything.Iyon ang nasa isip ni Aslan habang hinihila niya si Alexa papalabas ng Mall.They went to the parking area. Umuulan na naman. Akala niya ay tuloy-tuloy na ulit ang pagganda ng panahon dahil nalusaw na raw ang LP, yun pala ay may mga pag-ulan pa. Hindi naman niya pwedeng iiwan si Alexa rito sa mall. May kalaban dito at hindi niya pwedeng pabayaan ang anumang sa kanya.It was clear and he heard it. Nalaman na niya kung nasaan ang pera na kanyang ipinadala, na naglaho lang na parang bula. Nasa kay Maxus iyon.He stood up for a while, watching the rain. Katabi niya si Alexa."Aslan…" Alexa said beside him.Binitiwan niya ito at namulsa siya pero hindi pa rin ito tiningnan.Alexa blinked. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag. She knows that she badly needs to explain to him. It was his money though it was from her shares.Again, wala siyang ni anumang katiting na karapatan sa kahit na ano sa hasyenda dahil lahat ng sentimo ay
Kabanata 32 - Mapait na NakaraanHINDI matiyak ni Aslan kung namalikmata ba siya sa mga taong kanyang nakita na lulan ng truck ng JSSEC.Nasa loob na sila ni Alexa ng bangko ay tulala pa rin siya habang naghihintay sa harap ng isang Accountant, na nagbibilang ng pera na nakolekta niya.Ang hayop. Bakit napili pa ang hayop na iyon na magtrabaho sa kanyang resort? He has to confirm it if it's really for him. Iyon kaya ang manpower ng JSSEC? Why? Bakit buong angkan ang dala ni Balbon? Bakit kasama ang kanyang ina?Bakit sa dalawampu't dalawang taon na kinalimutan na niya ang mga tao na iyon, napadpad iyon sa lupa ng kanyang ama? Bakit dito pa?Halos hindi makapaglakad nang maayos si Aslan mula sa likod bahay, kung saan siya inabot ni Balbon ng bugbog.Lasing ang lalaki at kadarating lang niya sa paaralan. Hindi nun mapaapoy ang lutuang de gatong dahil medyo basa ang mga iyon ng ulan.Bitbit pa niya ang sapatos dahil lulubog siya sa lubak na maputik. Kapag nabasa ang kanyang sapatos ay wa
Kabanata 33 - Open BookHINDI maintindihan ni Alexa ang koneksyon sa kanya ni Aslan nang mga sandaling iyon, habang nakatitig siya sa mukha nito, at matinding lungkot at poot ang sumusungaw sa mga mata.Sino kaya ang nakita nito at di niya mapilit na magsalita. By the look on his handsome face, those people perhaps brought so much pain into his life. Halos maluha-luha pa nga ang mga mata nito kaya di niya maunawaan."Sir Aslan, okay na po. Kumpleto po lahat at tama ang bilang."Tumango ito at binitiwan ang kamay niya. Pasimple naman niyang iniusog ang upuan na hinila nito kanina para ilapit siya.Parang naglibang lang ito sa kamay niya, na marahan nitong minamasahe. Buti nga di siya binalian ng kamay dahil sa masungit nitong aura kanina, na mamaya-maya ay parang nalulungkot na.May pinirmahan ito, "Pasok mo ang thirty percent sa dating account," anito kaya napakurap siya.Kanya yun, alam niya. Nahiya tuloy siya."Sa beneficiary po?" Tanong ng babae at tango ang sinagot ng binata.Siya
Kabanata 34NAKATITIG si Aslan sa papel na hawak niya, partikular sa mga nakasulat na pangalan doon. Listahan iyon ng mga tauhan ng JSSEC.He had just confirmed that his mother was really one of those people. Naroon lang siya sa loob ng sasakyan, matapos nilang kunin si Janice at ang anak nun sa kabilang bayan. Nasa tapat siya ng hotel, matyagang naghihintay sa dalaga.Apparently, ang hotel lang na ito ang may bakante, sa tatlong hotels na mayroon ang Escobar.Hindi niya alam kung ipapatanggal niya sina Balbon dahil sa sinabi ni Zuria sa kanya na wala ng matirhan ang mga iyon, damay ang nanay niya.Nahahati ang galit at pagiging mabuting tao ni Aslan. And he's so confused. Sumasakit ang ulo niya. Pakiramdam niya ay gusto niyang bawian ang mga taong nanakit sa kanya at nagbigay ng miserableng buhay.He sighed and slammed the papers on the dash. Tumingin siya sa wristwatch na suot at tumingin sa entrance ng hotel.There's still no sign of Alexa. Bumaba siya ng sasakyan at naglakad papas
SCASLAN stood mightily in front of the door of the church. Sabi ng mga bakla, siya raw ang pinakagwapong groom na nakita ng mga iyon. Panis daw ang mga local actors sa kanya.Kinuha niya ang pinakasikat na mga coordinators sa kanilang probinsya, na namamayagpag ngayon sa ibang lugar hanggang Maynila.He wants the best wedding for Alexa, para naman hindi masabi ni Caroline na pinabayaan niya ang unica hija nun.His mother hopped out of the car with Kiko. Lumapit ang mga iyon sa kanya."Ang pogi ng anak ko," ani Mariela sa kanya pero hindi siya ngumiti."Kulang lang ng kaunting hulma ng nguso," anaman ni Mang Kiko kaya napangiti na siya."Ayan!" Bulalas ng ina niya."Okay, the bride is on her way. Nasa may munisipyo na raw!" The coordinator informed everyone.Ang daming tao. Halos puno ang buong cathedral. May mga nanonood sa labas at matyagang naghihintay. Paano ba naman na hindi ganun ay ikalasal ang hasyendero ng Escobar?Napakalaki ng preparasyon nila, katulong ang mga trabahante.
Kabanata 71ANG bilis na nakipkip ni Alexa ang nakatapis na twalya sa katawan niya. Kulang na lang ay mapatili pa siya nang walang pakundangan na bumukas ang kanyang pinto sa kwarto.Kanina lang silang umaga naghiwalay ni Aslan pero parang isang taon na ang nakalipas. Miss na miss niya ito."Aslan," she murmured.His eyes slightly traveled across her body and shut the door."H-How are you?" Kandautal na tanong niya rito. Para naman siyang tanga. May pautal-utal pa siya habang kanina naman ay magkausap silang dalawa.Naupo ito sa kama niya habang nakatingin sa kanya, pagod na hinilot ang batok nito."Kanina pa ako, nakipag-usap ako sa mga tao natin. Kumakain sila ng gabihan. Ikaw, kumain ka na?" Muli siya nitong tiningnan."Even just for now, stop worrying about me. I worry about you.""Halik lang katapat nito," anito sa kanya kaya pinigil niya ang mapangiti."Sa itsura kong ito mukhang hindi lang halik ang magagawa mo," anaman niya kaya napangiti ito sa kanya.Napabuntong hininga siya
Kabanata 70HINDI kaagad nakaalis si Alexa sa condo dahil sumugod ang ilan sa mga kaibigan niya roon, kasama si Bea. Inabutan pa ng mga iyon ang ayaw umalis na si Mayumi.Nag-chat na rin kasi kaagad ang babae sa gc kaya napasugod ang mga kaibigan nila, iyong mga hindi busy."How dare you? Tama pala talaga ang kutob ko," ani kaagad ni Bea."Kaya pala, ang insist mo na kunwari akitin si Aslan, yun pala talagang may plano lang kayo na sirain ang relasyon nila ni Alexa. Kami naman si tanga, payag to the Max," ani naman ni Zia, galit ang mukha.Si Mayumi ay tahimik na nakaupo sa may sofa."Ayaw mong masira ang relasyon mo sa bf mo kapag lumabas ang sex video mo kaya ibang relasyon ang sinira mo," Bea spat again ang shook her head.Huminga si Alexa nang malalim at umiling. Kahit na pigain nila ito ay hindi na maibabalik ang kahapon.Bea looked at her, "uuwi ka sa hacienda?""Yes. I'll talk to Aslan. He needs me. All my life, siya ang parating nagbabantay sa akin kasi iniwan ako ni Dad sa kan
Kabanata 69ALEXA blinked and wiped her tears, "I'm going to Escobar to see Aslan. I am willing to listen to him. I can't…I can't just let him go without trying to give him a chance. Ramdam ko ang katotohanan sa mga salita niya, Yumi. May the gang forgive me but…Aslan was the only man who showed me things that I couldn't just forget," aniya rito.Naglakad siya papunta sa kanyang mesita at tiningnan ang smartphone niyang iba ang naksaksak na sim card.Hindi iyon ang numero niya. Diyos ko. Sino bang naglalaro sa kanya? Perhaps it happened when she was still in hacienda Escobar and she had lost her phone."Alex," ani Mayumi na napahagulhol ng iyak, "I'm sorry! Di ko sinasadya…sinadya ko…hindi ko alam!" Bulalas nito kaya napatingin siya rito."W-What do you mean?" Mahinang usal ng dalaga rito pero napayukyok ito sa may sahig at umiyak nang malakas."Si Maxus…sabi niya ikakalat niya ang video namin kapag di ako sumunod…"Oh my God.Napanganga siya at nangilid na muli ang mga luha. Did Mayu
Kabanata 67HINDI alam ni Aslan kung saan siya pupunta. Humawak siya sa manibela at tumitig sa condo unit na nilabasan niya. Sa nasaksihan niya kaninang ginawa ni Maxus kay Alexa, hindi siya mapapanatag.He was wrong for thinking that she invited that man in. Marahas pa rin ang lalaking iyon at pwersahan kung manuyo kay Alexa. Panunuyo nga ba ang sadya nun o iba?Kailangan niyang pag-ingatan si Alexa. Hindi niya alam pero sa kabila ng galit nito sa kanya ay hindi niya kayang putulin ang obligasyon niya rito.Not that fast, Aslan. Aniya sa sarili. Pasalamat siya at kahit nasasaktan siya kanina ay mas pinili niyang bumalik agad. Kung hindi siya bumalik, baka kung ano ng ginawa ni Maxus Wilson sa mag-yaya.Up until this time, he's the one deserving of her trust. Siya pa rin ang kaisa-isang lalaki na handa itong ipagtanggol at mahalin sa kabila ng lahat.His phone rang so he was pulled out of his reverie. Si Attorney Fulgar ang tumatawag.He answered it right away."Aslan, Narito sa opisi
Kabanata 67"PAKAKASALAN ka lang niya para masolo na niya ang shares na nasa iyo! You're so foolish to believe a man like him. Kay Donna rin ang balik niya pagkatapos niyang makuha ang buong kita sa hasyenda," daldal ni Maxus na nagpaliyo sa kanya.Masakit pa ang ulo niya bakit naman kailangan pang dagdagan ng lalaking ito?"Get off me, you idiot!" Nagpumiglas siya."Bitiwan mo siya, hinayupak ka!" Galit na sabi ni Guada kay Maxus nang hindi talaga bitiwan ng lalaki ang dalaga."After this, I'll make sure na di ka na makakalapit sa akin!" Alexa yelled and struggled.Nagpaatras na siya dahil sa pagpipilit na kumawala rito.Kumakahol na rin si Jumbo at nananapang na sinusugod si Maxus, pero hindi natatakot ang isa."Talaga? At anong igagastos mo laban sa akin ay nasa kuya-kuyahan mong manloloko ang lahat ng pera mo?" Nakakainsulto na tanong nito sa kanya kaya nanlumo siya.Kailangan ba talaga siya nitong insultuhin at papagmukhain na mahirap?"K-Kahit na!" Buong katapangan na sagot niya
Kabanata 66Nasa trenta minutos lang ang pagitan ay dumating na rin ang mga kaibigan ni Alexa sa condo. Pinapasok ang mga iyon ng yaya Guada niya, habang siya naman ay nakahilata sa kama niya, katabi si Jumbo.She wanted to rest and gain her peace of mind bit how? Imposible ang iniisip niyang makakamit niya ang kanyang gustong katahimikan, dahil may sariling player ang utak niya, na inuulitzulit a g .ga eksena na hindi kaaya-aya sa pakiramdam niya.Hindi tulad ng una niyang pagkabigo, ngayon ay para siyang lantang gulay. Ayaw nga niyang kumilos at ang bibig niya sa panlasa niya ay ang pait-pait. It's so weird but she's really experiencing this ting right now."Narito na ang mga kaibigan mo, anak," Guada said to her but she didn't move.Si Jumbo ang tumingin sa mga kababaihan na pumasok sa kwarto niya."Alex," si Bea ang nagsalita pero di pa rin niya tiningnan, "Dumaan kami to make sure na okay kayo ni yaya.""Thank you," mahinang sagot niya rito.Sa isip niya ay nakikinita pa rin niya
Kabanata 65"ASLAN!" galit na sigaw ni Mariela sa anak na nakatulala at nag-iigting ang mga panga.Napatayo ang babae mula sa pagkakaupo sa sofa at mataman na tiningnan ang binata na walang imik.Maluha-luha ang mga mata niya, at mula nang dumating siya ay wala na siyang imik, ni anuman. He didn't want to talk to anyone, to anybody except for Alexa. He wanted to tell her what happened but she was so mad and was so hurt.Siya man ay hindi makapaniwala sa nangyari. Para siyang nasa ibang mundo kanina at para siyang binangungot nang gising."Magsalita ka nga! Kung anu ano ng sinasalita sa iyo hindi ka pa umiimik! Ano ka ba?! Ano bang ginawa mo?!" Namimiyok na galit ni Mariela sa kanya pero nakatingin pa rin siya sa sahig, lagpasan sa sahig."Papatay ako," aniya kaya napatutop ito ng bibig."Susko! Anong papatay?! Nag-iisip ka ba?!""Nag-iisip ako!" Galit na sigaw niya sa ina na napatahimik, "Ang mga hayop na gumawa nito sa amin, nag-iisip ba?! Putang-ina! Mula nang umapak ako sa Escobar
Kabanata 64BASTA na lang niya isinaksak ang kanyang mga gamit sa loob ng kanyang maleta. Ang ilan ay hindi na niya nakuha dahil sa kanyang pagmamadali hanggang sa tumunog ang pintuan niya."Yaya, pakibilis!" Suminghot na sabi niya saka siya pumihit para ilagay ang kanyang mga damit sa maleta na nasa ibabaw ng kama, pero laking dismaya niya na si Aslan ang pumasok at hindi si Guada."You're a demon!" Bulalas niya rito at saka niya ito pinaghahampas ng dala niyang mga damit, "Magpaliwanag ka!"Aniya at halos maubos ang lakas niya. Lumuluhang napatingala siya rito."I'm…I'm sorry…" anito kaya lalo siyang nanlumo.Sorry?Umiiling na tumalikod siya at humagulhol."H-Hindi ko alam paano ako magpapaliwanag.""Talaga! Dahil wala kang maipapaliwanag! Mas malinaw pa sa sinag ng araw ang nakita ko! Wala kang kwenta!""Huwag kang umalis, Alexa. Magpakasal sa akin.""Demon!" She snapped, "Ang kapal mo! Kahit na hindi ko na magalaw ang shares ko tulad ng sabi sa last will ni Mommy, it's totally ok