Matagal na namang walang galaw sa sala.Tumingin si Anthony at nakita ang maliit na anak sa sofa, hawak hawak ni Khate si Katerine sa kanyang mga braso, naawa siya sa pwesto ng dalawa, nakasandal ng bahagya sa likod ng sofa, at natutulog si Khate.Tila pinanindigan nito ang kanyang sinabi na doon lang silang dalawa.Dahil hawak niya si Katerine, ang posisyon ng itaas na bahagi ng katawan ng maliit na babae ay medyo hindi komportable, at natutulog siya nang hindi stable, ngunit sa bawat galaw ng bata napansin niyang ito ay kalahating gising at kalahating tulog, automatiko niyang hinahapit ang kanyang mga braso upang maging maayos ang pwesto ng bataSa mga nakikita ni Anthony na mga eksena, bahagyang nahuhulog ang kanyang puso.Muling dumaan si Auntie Meryl upang silipin ang kalagayan ng maliit na babae. Pagdating sa sofa, nakita niya ang ginawa ni Anthony na tila nagbibigay ng isang senyas na mag kalma sa lalakad.Dahil dito, pinabagal ni Auntie Meryl ang kanyang mga hakbang, at mainga
Si Khate ay talagang pagod na. Hindi karaniwan sa kanya ang maging mahimbing sa kanyang tulog, ngunit ngayon ay nakatulog siya nang malalim, hanggang sa hindi niya namalayan nang dalhin siya pataas sa guest room.Lumakad si Anthony patungo sa kama, yumuko at dahan-dahang inilapag ang dating asawa sa kama, at pagkatapos ay inayos ang kanyang ulo bago unti-unting tumayo.Sinundan siya ni Auntie Meryl buong daan. Nakita niyang inaalagaan ni Anthony si Khate ng ganito, kaya't lalo pang lumiwanag ang kanyang ngiti. Lumapit siya at inilipat si Katerine sa tabi ni Khate, at tinakpan silang dalawa ng kumot, pagkatapos ay tumayo siya at lumayo.Nakita niyang ang mga mata ng kanyang young master ay nanatili sa mukha ng young lady, kaya't nag-alala siya at nagsalita, "Young master, magpahinga ka na rin sandali. Ako na ang bahala dito. Hindi ba't may trabaho ka din po bukas?"Pagkatapos niyang magsalita, nakita niyang nagkunot ang noo ng young master at nag-shake ng ulo, "Hindi, hindi ako pagod
Tumigil si Khate at tumingin pabalik ng may kalituhan sa kanyang mga mata.Si Anthony ay nagkunot ng noo, "Ika-apat na ng umaga ngayon, at ilang sandali ka lang natulog, maaring pagod at tulog pa rin ang iyong diwa. Hindi ko kayang hayaan kang magmaneho pabalik nang ganito. Bukod pa rito, kung aalis ka na, hindi ko ito kayang ipaliwanag kay Katerine. Ipinangako mo sa kanya na hindi ka aalis, di ba? Kung magising siya bukas at hindi ka niya makita, tiyak magwawala na naman siya. Baka pumunta pa siya sa bahay mo. At isa pa, hindi pa siya ganap na magaling. Paano kung magkasakit siya ulit?"Nang marinig ito, medyo nagkunot ang noo ni Khate. Dahil sa bangungot kanina, hindi na niya gustong manatili kasama ang lalaking ito.Pero ipinangako niya sa batang babae na hindi siya aalis...Nang makita ang kalituhan niya, medyo nagdilim ang mukha ni Anthony at ang tono niya ay naging malamig at matigas, "Huwag kang mag-alala, ngayon lang ako makakagambala sa iyo si Katerine. Sa hinaharap, kung wal
Tinirintas ni Khate ang buhok ni Katerine at isinama siya palabas.Paglingon niya, nakita niya ang lalaki na nakatayo sa may pintuan ng kwarto ni Katerine.Dumiin ang tingin ni Anthony, at ang init sa kanyang mga mata ay biglang nawala, naging magalang at malamig. "Handa na ang ating almusal. Bumaba ka na at kumain."Matapos niyang sabihin iyon, tumalikod siya at naunang lumakad.Napahinto sandali si Khate.Parang may napansin siyang kakaibang ekspresyon sa mukha ng lalaki kanina, pero napakabilis lamang at hindi niya alam kung imahinasyon lang niya iyon.Pagbalik sa ulirat, isinama ni Khate si Katerine pababa para kumain.Habang kumakain, natural na umupo si Katerine sa tabi ni Anthony.Nais sanang umupo ni Khate sa tapat nilang dalawa, pero hinila siya ni Katerine sa manggas at pinigilan."Madam, dito ka na sa tabi ng bata," sabi ni Auntie Meryl na nakangiti habang inaayos ang upuan sa tabi ni Katerine.Tumango si Katerine na may kasiyahan at tumingin kay Khate na puno ng pag-asam.
Kinahapunan, Nagpunta sina Cassandra at Carmina sa coffee shop para makipagkita kay Amalia.Pagdating ni Amalia, naabutan niyang naghihintay na ang mag-ina malapit sa may bintana."Pasensya na kayo kung medyo natagalan ako," sabi ni Amalia habang umuupo sa harap nila.Ngumiti nang matamis si Cassandra, "Kadarating lang din namin Auntie. Maupo ka po, nag-order na ako ng ilang dessert. Sana magustuhan mo ang mga ito. Sabi nila marami daw pong bestseller na mga dessert sa shop na ito tikman nyo po ito."Pagkatapos ay kinawayan niya ang waiter upang ihain ang mga pagkain.Makalipas ang ilang sandali, ilang magagarang maliliit na dessert ang inilapag sa harapan nila.Ngumiti si Amalia ng kontento, "Cassandra, talagang maalalahanin ka. Alam mo kung gaano ko kagusto ang mga sweets. Pero si Anthony, wala talagang ganitong atensyon na ibinibigay sa akin."Nag-usap ang tatlo nang saglit hanggang sa sinimulan ni Carmina na banggitin si Khate."Siya nga pala Amalia, noong pumunta si Cassandra ka
Pagkauwi mula sa coffee shop, lalong hindi mapakali si Amalia. Nang makauwi si Richard mula sa trabaho, agad siyang nagpatawag para magtungo din sa manor.Pagkatapos ng trabaho, sinundo agad ni Anthony si Katerine. Pagpasok nila sa bahay, nadatnan nilang nakaupo sa sofa ang dalawang nakatatanda sa pamilya Lee, parehong seryoso ang mga mukha, na halatang may nais pag-usapan.“Dad, Mom, bakit hindi ninyo sinabi na pupunta kayo? May problema ba?” tanong ni Anthony na halatang naguguluhan.Pagkatapos niyang magsalita, sumimangot si Amalia at sumagot, “May gusto akong pag-usapan tayo, ngayon mismo.”Napansin ang seryosong ekspresyon ng ina, bahagyang kumunot ang noo ni Anthony. Binalingan niya si Katerine at iniabot ito kay Auntie Meryl, sabay utos na dalhin ang bata sa taas.Sumang-ayon si Auntie Meryl, at magalang namang nagpaalam si Katerine sa mga lolo’t lola bago sumunod kay Auntie Meryl.Umupo si Anthony sa single sofa na malapit sa kanyang mga magulang. “Ano po ba ang pag-uusapan
Tahimik lang si Anthony.Matapos magsalita ng dalawa, kalmado siyang nagsabi, "Masado kayong nag-aalala. Wala akong balak na pabalikin dito sa manor si Khate."Sa ngayon, hindi pa.Habang nagsasalita ang kanyang mga magulang kanina, iniisip ni Anthony ang mga nakaraang pagkakataon na nagkaroon siya ng ugnayan kay Khate. Napagtanto niyang ang koneksyon nila nitong mga nakaraang araw ay halos tungkol lamang kay Katerine.Sa pag-iisip nito, naramdaman niyang medyo nakakatawa ang sitwasyon.Base sa naging asal ni Khate noong una silang magkita, kung hindi dahil kay Katerine, malamang na iniiwasan pa rin siya ng babae.Ang pinangangambahan ng kanyang mga magulang ay malabong mangyari.Nang marinig ni Amalia ang sinabi niya, bahagyang gumaan ang kanyang ekspresyon. "Mabuti kung ganoon. Paano naman si Cassandra? Kailan mo balak ayusin ang inyong relasyon na dalawa? Kung maaga mo itong aayusin, magkakaroon na ng mag-aalaga kay Katerine."Napasimangot si Anthony at tumanggi, "Kung ikukumpara s
Sa daan papunta sa kindergarten, nakaupo si Katerine sa likurang upuan, yakap niya ang kanyang bag, nakababa ang kanyang tingin, at tila wala sa mood na nag aantay na makarating sa kanyang school.Si Cassandra, na gustong mag mukhang mabait sa bata kahit sa panlabas lang, tumingin sa salamin at kunwaring nag-aalala, "Katerine, hindi pa rin ba maganda ang iyong pakiramdam? Gusto mo bang dalhin ka ni Auntie sa ospital?"Hindi man lang tumingala si Katerine nang marinig ang boses nito.Para kay Katerine, hindi naman niya gusto ang taong ito pero pinipilit pa rin sa kanya ng kanyang lola na makasama ito.Napakunot ang noo ni Cassandra at nagpatuloy sa kanyang kunwaring kabaitan, "Paano kung magpaalam na lang tayo sa school? Pwede tayong bumalik at magpahinga muna ng isang araw, ano sa tingin mo?"Pagkatapos niyang magsalita, nanatili pa ring tahimik si Katerine.Ilang segundo ang lumipas, at tila nawalan na ng pasensya si Cassandra. "Katerine, tinatanong kita ng maayos, bakit ganyan ang m
Nang marinig ito, bahagyang bumagsak ang puso ni Khate, at agad siyang nagdepensa, "Ipaliwanag ko muna, hindi ko ito ginawa! Palagi kong nararamdaman na inosente ang bata, at sobrang mahal nina Miggy at Mikey si Katerine, hindi ko siya kayang saktan."Sa kabila ng lahat ng ito, hindi pa rin sila maayos ni Anthony, at ngayong nakita na nasaktan si Katerine sa kanyang mga kamay, talagang mukhang kahina-hinala ito.Bukod pa rito, nagkaroon sila ni Katerine ng oras na magkasama kanina.Kung maghihinala man si Anthony, wala siyang maipapaliwanag.Sa ilang sandali, nakakaramdam ng pangamba si Khate.Habang si Anthony ay may mga hinala, bigla niyang narinig ang sinabi ni Khate. Ang kanyang mga mata ay bahagyang nanlambot, at tinitigan niya siya ng may kalituhan, "Hindi kita pinagdudahan, at may ideya ako kung sino ang gumawa nito."Nakaramdam ng bahagyang ginhawa si Khate ngunit patuloy pa rin ang kanyang pag-aalala kay Katerine. "Sino pa ang iniisip mong gumawa?"Unti-unting bumaba ang p
Inutusan ni Khate ang dalawang batang lalaki na alagaan muna saglit ang kanilang maliit na kaibigan na si Katerine habang siya ay naghahanda ng hapunan para sa kanila.Sinulat niya ang lahat ng mga paalala na sinabi ni Anthony kanina, at habang siya ay nagluluto, sinubukan din niyang iakma ang pagkaing ayon sa nais ni Katerine.Pagkatapos maihanda ang pagkain, inutusan ni Khate sina Miggy at Mikey na dalhin si Katerine pababa.Maya-maya, nakita nila ang tatlong maliit na bata na bumaba sa hagdan. Hawak-hawak ng dalawang batang lalaki ang mga kamay ni Katerine, sabay nilang inaakma ang bawat hakbang niya, pababa ng dahan-dahan, na parang mga prinsipe at prinsesa sa isang fairy tale.Nakita ni Khate ang kanilang itsura at isang mainit na damdamin ang dumaloy sa kanyang puso. Ngunit nang maalala ang kalagayan ni Katerine, muling nanikip ang kanyang dibdib.Sa hapag kainan, mas lalo pang naging maingat sina Miggy at Mikey na paupuin si Katerine sa tabi ng kanilang ina, at sila ay nakaupo
Narinig ni Cassandra ang tono ni Anthony, at agad na nanikip ang kanyang dibdib. Ang munting pag-asang kanina lang ay nabuo sa kanyang isip ay biglang naglaho. Tila wala nang development na mangyayari sa relasyon nilang dalawa.Dapat sana’y nag-ayos siya nang mabuti bago makipagkita kay Anthony, ngunit dahil sa kanyang tawag na hindi man lang tumagal ng kalahating minuto, napilitan siyang dali-daling lumabas dala ang kanyang bag.Malayo pa ang kanyang bahay mula sa restaurant, kaya halos liparin na ng driver ang daan upang makarating siya sa oras.Pagdating niya sa loob, nakita niyang nakaupo na si Anthony sa tabi ng bintana, naghihintay.Nang marinig ng lalaki ang pagbukas ng pinto, agad siyang tumingin. Ang kanyang tingin ay mas malamig pa kaysa sa gabi sa labas."Anthony, may kailangan ka ba?" Mahinang tanong ni Cassandra, at tila hindi mapakali. May kung anong kaba siyang nararamdaman habang dahan-dahang naupo sa harapan nito, mahigpit na hawak ang kanyang bag.Tahimik na tinitiga
Nanatili si Khate kasama si Katerine ng halos buong araw.Ngunit kahit gaano niya ito kinausap, hindi pa rin ito tumugon sa kanya.Nang dumilim na ang paligid, kahit ayaw niyang iwan ang bata, alam niyang kailangan na nilang umalis.Bago siya umalis, niyakap niya nang mahigpit si Katerine at mahinang bumulong, "Babalik si Auntie bukas para makita ka ulit, kaya alagaan mo ang sarili mo, ha?"Pumila rin ang dalawang bata upang yakapin ang kanilang munting kapatid.Handa na silang umalis nang biglang may humawak sa palda ni Khate.Napahinto siya sa gulat at dahan-dahang lumingon. Doon niya nakita na kahit walang ekspresyon sa mukha ni Katerine at tila nakatingin lang ito sa kawalan, ngunit mahigpit pa rin nitong hawak ang kanyang palda.Sa may pintuan, parehong nagulat sina Anthony at Christopher sa nakita.Akala nila ay tuluyan nang isinara ni Katerine ang sarili at hindi na tutugon sa kahit na sino.Ngunit hindi nila inaasahan na nararamdaman pa rin nito ang presensya ni Khate at ayaw
Tumingin si Khate sa direksyon na itinuro ni Christopher at nakita ang munting batang babae na nakaupo sa sulok, nakayakap sa kanyang mga tuhod, at walang laman ang mga mata—parang isang marupok na manikang walang kaluluwa.Bahagyang nahulog ang mga luha ni Khate pagkakita sa bata. At nilukob ng awa ang kanyang puso.Naalala niya ang matamis na ngiti ng bata tuwing nakikita siya, at agad siyang nakaramdam ng matinding kirot sa puso, halos hindi siya makahinga.Kanina lang ng umaga, mahigpit pang nakakapit si Katerine sa kanyang palda, na punong puno ng kislap ang mga mata. Pero ngayon… ganito na siya…Dahan-dahang lumapit si Khate sa bata, lumuhod sa harapan nito, at mahinang tinawag ang kanyang pangalan, "Katerine, nandito si Auntie."Walang anumang reaksyon mula kay Katerine.Napansin ni Khate na tila natulala ito, hindi malaman kung paano siya kakausapin.Mahinang boses na nagsalita si Christopher mula sa likuran niya, "Miss Khate, isinara na ni Katerine ang kanyang puso at tuluyan
Nang makita niyang paalis na sila, mabilis na sinundan sila ni Anthony.Hindi naman mahirap hanapin ang labasan ng Universal Studios, ngunit sa sobrang takot ni Khate, hindi na siya makapag-isip ng maayos, kaya't nagpapatakbo-takbo siya kung saan-saan hanggang sa tuluyan siyang maligaw.Ngayon, kalmado na siya at agad niyang natagpuan ang daan palabas ng haunted house.Ang matinding liwanag ng araw ay tumama sa kanyang mukha, dahilan upang sandali siyang mapatulala.Mabilis siyang sinundan ni Anthony, hindi maalis ang tingin sa kanya.Pareho silang may kanya-kanyang iniisip.Napansin ni Kyrrine ang kakaibang tensyon sa pagitan ng dalawa, kaya hinila niya si Khate palayo at bumulong sa kanyang tainga, "Anong nangyayari Khate? Ano ang gusto niyang ipagawa sa'yo?"Bumalik si Khate sa kanyang ulirat at hindi sinasadyang tumingin kay Anthony, na hindi kalayuan sa kanila. Napansin niyang puno ng pag-aalala at kaba ang mukha ng lalaki.Naalala niya ang sinabi ni Anthony sa haunted house kani
Habang pinagmamasdan ni Anthony ang mukha ni Khate, kitang-kita niya na wala itong bahid ng kasinungalingan.Wala nga itong kaalam-alam na anak pala niya si Katerine!Unti-unting lumalim ang kanyang mga mata habang iniisip ang posibilidad—si Khate ay seryoso na naniniwala na si Katerine ay anak ni Cassandra!Sa loob ng maraming taon, inakala niyang iniwan ni Khate si Katerine nang walang anumang pag-aalala. Noong bumalik ito sa bansa, ang malamig na tingin nito sa bata ay nagpatibay sa kanyang paniniwala na isa itong walang pusong ina.Pero sa kanyang sinabi ngayon, malinaw na hindi niya alam ang totoo.Ano ang nangyayari?O baka naman... magaling lang siyang umarte, kaya't nalinlang pa niya ang mga mata ni Anthony?Napuno ng pagdududa ang puso ng lalaki.Matapos ang ilang sandali, itinago niya ang kanyang iniisip at muling hinigpitan ang hawak sa manipis na pulso ng babae. Sa malamig na tinig, binigkas niya ang bawat salita ng may diin, "Kailan ko sinabi na si Katerine ay anak ni Ca
Biglang nakaramdam ng bahagyang pangungutya si Khate.Malinaw pa rin sa kanyang alaala kung paano, anim na taon na ang nakalipas, buong tapang na ipinahayag ni Anthony na hindi siya magpapakasal sa iba maliban kay Cassandra. Tinalikuran pa nga siya ng lalaki noon, dahil lamang sa inaakala nitong inagaw niya ang lugar ni Cassandra.Ngayon, matapos ang anim na taon, ganito na lang niya malinaw na inihihiwalay ang sarili kay Cassandra.Naisip niya tuloy—ano kaya ang magiging reaksyon ni Cassandra kung maririnig nito ang mga salitang iyon?Pero kahit pa ganoon, ang principal pa rin ay sumunod sa kagustuhan ni Cassandra, at nakapag desisyon na niyang tuluyan ng tapusin ang anumang ugnayan kay Anthony.Kung nangyari na ito minsan, maaaring maulit ito muli. Ayaw niyang lumaki ang dalawang bata sa isang mundong laging may bantang panganib mula sa iba.Dahil dito, tinapos ni Khate ang kanyang iniisip at hindi na gustong makipagtalo pa tungkol sa bagay na ito. Kalmado niyang sinabi, "Narinig ko
Si Khate ay labis na natakot kaya't hindi niya namalayang nanginginig ang kanyang katawan, at instinctively siyang sumiksik sa mga bisig nito.Sa takot niya, kahit hindi niya kilala ang taong kanyang nabangga ay pinilit niyang siniksik ang kanyang sarili.Napansin ni Anthony ang panginginig niya, kaya't bahagyang lumambot ang kanyang puso at kumunot ang kanyang noo. "Kung sobrang takot ka, bakit ka pa pumasok sa horror house?"Nang marinig ang boses na malapit sa kanyang tainga, bahagyang naguluhan si Khate.Napabuntong-hininga si Anthony, "Ilalabas na kita dito para makahinga ka ng maluwag."Dahan-dahang natauhan si Khate at naramdaman niyang pamilyar ang boses na iyon. Pati na rin ang amoy na bumabalot sa paligid niya, na nagpa-bigat sa kanyang loob.Anthony? Hindi… Paano siya nandito? Anong ginagawa niya dito?Muling tumingala si Khate, at tumama ang kanyang paningin sa mata ng lalaki na may nakatagong pag-aalala.Nang magtagpo ang kanilang mga mata, muling natigilan si Khate. Pagk