Share

Chapter 9

Author: Riel
last update Last Updated: 2022-07-04 01:43:31

Agad rin akong napamulat dahil sa gulat. Unang nguya ko pa lamang ay rinig at ramdam ko na ang lutong ng kinakain ko na para bang kinakain ko 'yong balat ng fried chicken. Sa mga sumunod na nguya ay para ko namang kinakain ngayon ang laman ng fried chicken. Nakatulala lamang ako habang ngumunguya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa kinakain ko ngayon.

Papaanong… nangyari ang ganito? Dahon pero lasang fried chicken?

Nang matapos akong ngumuya ay napalingon ako sa kanila Mark at Dave na pareho rin palang nakatingin sa akin habang ngumunguya rin. They're waiting for my reaction. Pinagtaasan nila ako ng kilay para itanong ang opinyon ko.

Hindi ko nagawang makasagot. Muli lamang akong napatingin sa platong hawak ko bago agad na kumuha ng isa pang dahon at isinubo iyon. Napapikit ako nang malasahan naman ang isa pang dahong kalasa ng isa pang putahe sa mundo namin—ang sinigang. Lasang sinigang ang dahon!

Kumuha ako ng isa pa, at ng isa pa, at ng isa pa. Walang salita akong kumain. Hindi ako makapaniwala na nangyayari 'to pero hindi ko na nagawang magtanong pa sa mga kasamahan ko at patuloy na lamang na kumain. Mas nangibabaw ang tunog ng sikmura ko kaysa sa mga tanong sa utak ko. Mabilis ang bawat pagnguya ko dala na rin ng gutom. Nang muli kong inangat ang tingin ko ay bumalik na rin sa pagkain sina Mark at Dave.

Ang bilis-bilis naming kumain. Para kaming nag-uunahan tatlo. Para kaming kasali sa paligsahan ng pabilisang kumain. Kung nasa ibang sitwasyon lang kami ngayon ay malamang na pagtatawanan ko na ang sarili ko sa bilis at lakas kong kumain ngayon, subalit wala nang oras para sa ganyan. Wala na rin akong balak pang pigilan ang gutom ko. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong patay gutom basta't magkalaman lamang ang tiyan ko.

Ilang minuto lamang ay natapos na akong kumain, maging sina Mark at Dave ay inilagay na ang mga plato nila sa pinaglagyan nito kanina. Tumayo na rin ako para ilagay 'yong akin. Nang sandaling mailagay ko na iyon ay bahagya akong napaatras nang kusa itong magsara. Bumalik na ito sa pagiging isang sphere na may mga paa.

Bumalik na lamang ako sa kama ko at umupo habang nakatulala. Ilang saglit pa ay nakita ko na namang paparating ang isang alien. Hindi pa man siya nakakapasok sa selda namin ay agad nang nagtama ang mga mata namin kung kaya't alam kong si Blue na naman ito. Muli niyang idinikit ang palad niya sa gilid ng selda at agad naman iyong bumukas.

Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang may mga naninirahan talaga sa ibang planeta. Oo, matagal ko na talagang naiisip at pinaniniwalaang may mga katulad nila sa ibang planeta pero hindi ko naman aakalaing makakaharap ko mismo sila.

Para rin talaga silang kami. May dalawang mga braso at kamay, may dalawang mga paa. Maging ang tindig nila, at ang porma ng mga katawan nila ay katulad sa amin. Naiisip ko tuloy na baka… kamukha namin sila. Hindi kaya? Pero baka hindi rin. Baka iyong mga parang helmet talaga ang mga ulo nila.

At iyong mga mata nila iba rin sa amin. Well, may pagkakatulad ang hugis at ang pwesto ngunit 'yong kulay ay iba. Makukulay ang sa kanila. Para iyong mga bituin at kung anu-ano pang makikita sa kalawakan. Parang mga makukulay na galaxy.

Ngunit dahil sa kulay ng mga mata nila, hindi ko sila mabasa. Hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa mga isipan nila. Malay ko ba baka pinagpaplanuhan na pala nila ang kamatayan namin.

Nang tuluyang makapasok si Blue ay muli niyang nilapitan iyong lamesang sphere at hinawakan iyon sa magkabilang gilid. Kusang natiklop ang mga paa no'n kaya naman ang bilog na lamang ang hawak niya katulad kanina.

Saglit siyang huminto at napatingin sa amin nina Mark at Dave. Tiningnan niya kami isa-isa bago muling huminto sa akin ang mga tingin niya. Napaayos ako ng upo nang biglang umilaw ang dibdib niya. Saglit lamang iyon at agad na siyang lumabas.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung bumibigat ba ang pakiramdam ko katulad kanina pero mabuti na lamang at hindi naman. So, ano 'yong ginawa niya? Ano 'yong… sinabi niya? Iyon ba talaga ang paraan ng pagsasalita nila? Litong-lito na 'ko. Ang daming tanong na nabubuo sa utak ko. Masyado silang misteryoso.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko at kapareho ko rin silang naguguluhan. Nagkibit-balikat lamang si Mark. Si Dave naman ay nagawa pa akong asarin.

"Baka trip ka," tumatawang aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Akala ko pa naman napakaseryoso mong tao. Katulad ka lang din pala ni Josh. Mapang-asar." Napailing ako. Totoo naman kasi. Akala ko mature siya at katulad ni Mark kung mag-isip. Medyo may pagka-Josh din pala. Ang kulit.

"Siyempre, magkaibigan kami eh. Parehas kami ng ugali kaya kami nagkasundo. 'Yon nga lang, mas mature pa rin ako sa kaniya. Pero mapang-asar din." Natatawang aniya. Muli na lamang akong napailing at napairap.

Napabuntong hininga ako bago muling napahiga sa kama ko. Tumayo naman si Mark at nag-inat-inat. Mag-eexercise ata siya. Gusto ko rin sana para mawala kahit papaano ang stress ko kaya lang ang daming tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makakapagfocus. Sinusubukan ko ring mag-isip ng paraan kung paano kami makakatakas sa lugar na 'to. Naisip ko rin na maghanap ng ibang planeta sa oras na makaalis na kami sa kamay ng mga alien na nagkulong sa amin. Kaso wala talaga akong maisip. Ang hirap.

Paano na ngayon? Ganito nalang ba kami? Paano na ang mga tao sa Earth? Sina Mara at May? Hindi namin sila pwedeng biguin. Kami na lamang ang pag-asa nila.

"Hanggang kailan tayong ganito?" Napabalikwas ako ng upo nang makarinig ng ibang boses.

Hindi iyon si Mark dahil nag-eexercise siya, at hindi rin si Dave dahil kanina pa siyang pakanta-kanta. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng silid kung saan kami nakakulong hanggang sa napatingin ako sa glass wall. Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang mapagtantong si Josh 'yong nagsasalita.

Nakikita namin sila mula sa selda nila. Ang pader ay parang naging TV monitor at nakikita namin sila mula ro'n. Halos magkasabay kaming napatayong tatlo nina Mark at Dave at lumapit sa harapan para mas masilayan ang sitwasyon nila sa kabilang selda.

Halos magkapareha lang din ang sitwasyon namin. May tatlo rin silang kama at isang toilet bowl. Nakaupo lamang sa kama si Josh at nakatulala. Si Lei naman ay nakaupo sa kama at itinitirintas ang buhok ni Rina na nakaupo naman sa sahig.

"Hindi ko alam. Parang mauuwi lang sa wala ang ilang taong pagt-train natin." Nanlulumong sabi naman ni Lei.

"Hmm, kahit ako nawawalan na rin ng pag-asa. Pilit kong iniisip na malalampasan natin 'to, pero hindi ko na alam. Baka hanggang dito nalang tayo." Mahinang sabi ni Rina pero sapat pa rin para marinig namin iyon.

Napakunot ang noo ko. Seriously, gano'n na lang 'yon? Mawawalan sila ng pag-asa? Sa lahat ng paghihirap na sinuong namin, sa isang iglap mawawalan nalang sila ng pag-asa? Oo, alam kong mahirap na magtiwala. Maghirap nang paniwalaang makakaya pa naming lampasan ang pagsubok na 'to, pero kahit pa gano'n, kailangan naming subukang umasa. Kailangan naming maniwala. Hindi lang para sa amin at sa mga pamilya namin ang misyong 'to kundi para na rin sa bilyon-bilyong pamilya sa Earth na umaasa sa amin. Kaya kahit ano pa ang mangyari, kailangan naming kayanin.

"Alam ko na ngayon kung bakit tayo at sila ang pinagsama-sama ng mga alien sa iisang selda." Agad akong napalingon kay Dave na nasa kaliwa ko.

"Bakit?" Sabay na tanong namin ni Mark.

"Nawalan na sila ng pag-asa. Samantalang tayo ay patuloy na nagiging matatag." Huminto siya sa pagsasalita at tumingin sa sahig bago muling tumingin sa monitor. "Pinagsama-sama nila ang mga mahihina ang loob para mas panghinaan pa sila ng loob. Habang tayo naman ay patuloy na nananalig na makakaalis pa tayo sa lugar na 'to."

Napakunot ang noo ko. Hindi ko naiintindihan ang pinupunto ni Dave.

"Ano? Hindi ko maintindihan ang ibig mong sabihin." Maging si Mark ay hindi rin pala nakuha ang sinasabi ni Dave.

"This is a test. Tinitingnan nila kung ano ang kakayahan natin. Kung hanggang saan tayo tatagal," Dave said and stared at us.

Ilang sandali akong napatulala bago muling lumingon sa pader kung saan namin nakikita ang mga kasamahan namin.

Lugmok na lugmok na nga ang iba pang mga kasamahan naming nasa kabilang selda. Pare-pareho na lamang silang nakatulala sa kawalan. Hindi na rin sila nagsasalita na tila maging ang pagsasalita ay wala na ring silbi pa dahil sa sitwasyon namin.

I inhaled a large amount of breath.

Test, huh? Okay, let's ace this test then.

Akmang babalik na kami nina Mark at Dave sa kaniya-kaniya naming mga kama nang biglang nag-iba ang imaheng pinapakita ng monitor. Nawala sila Josh, Lei, at Rina. Pumalit sa monitor ang imahe ng dalawang tao. Nasa loob din sila ng isang kulungang kagaya ng kinasasadlakan namin.

Naningkit ang mga mata ko sa pagtataka. May iba pang bilanggo? Mga alien din ba sila na nagkasala? Katulad ba sa mundo namin ang sistema nila sa tuwing may nakakagawa ng masama? Ikinukulong din ba nila bilang kaparusahan?

Nadagdagan na naman ang mga tanong sa utak ko. Ngunit ang mga katanungang 'yon ay agad ring nasagot nang mas matitigan ko pa ang dalawang tao mula sa monitor.

"It can't be..." Mahinang sabi ko.

"Ano?" Sabay na tanong nina Mark at Dave.

"S-sila..." Napalunok ako nang bigla akong pumiyok dahil sa sobrang panginginig ng boses ko. "They're humans."

"Are you sure? Tayo pa lang naman ang mga taong nakapunta rit—" Naputol ni Mark ang sinasabi niya nang makuha ang pinupunto ko. "Unless they're the..."

"The first batch of Searchers." Dugtong naman ni Dave.

I nodded and gulped. Mara and May's parents. My parents' co-workers.

"Tita! Tito! Can you hear me?! Please, answer me! Where are my parents?! Where are they?!" Hindi ko na napigilan pa ang emosyon ko at napaiyak na ako nang tuluyan.

Pinaghahampas ko ang monitor na nasa harapan namin, nagbabakasakaling maririnig nila ang mga kalampag ko. Nagbabakasakaling maririnig at makikita nila kami gaya nang kung paano namin sila naririnig at nakikita ngayon.

Natigil lamang ako nang maramdaman kong inaawat ako nila Mark at Dave. Hawak-hawak ni Dave ang dalawang kamay ko habang pilit naman akong hinihila ni Mark sa bewang palayo sa monitor.

Hindi ko alam ang sumunod na nangyari. Naramdaman ko na lamang na parang umikot ang paningin ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.

-----

Related chapters

  • Earth Meets Berethemus   Prologue

    Madaming sorpresa ang buhay, ang mundo. Hindi ko aakalaing mangyayari ang ganito sa tanang buhay ko.Naalala ko noon, iniimagine ko lang ang sarili kong nasa ibang planeta na raw. Mahirap mag-adjust no'ng una pero kalaunan ay nasanay din naman daw ako. Ngayon kaya, masasanay din kaya ako rito? Sa bagong planeta na 'to?Bagong planeta... hays.Sino ang mag-aakalang ang isang Tyria Petreon ay makakarating sa ibang planeta? At hindi lamang basta planeta. Isang planetang kamukhang-kamukha ng planetang pinanggalingan ko. Ang Earth.Ang bilis ng mga pangyayari. Parang noong nakaraang mga buwan lang ay iniisip ko pa kung ano kaya ang magiging itsura ng panibago naming planeta. Ngayon eto na siya sa harapan ko.Ang ganda. Sobrang ganda niya. Never in my entire existence that I've seen such beauty. This is different from what we have on Earth. This is amazing. It's... magical.Nagkalat ang mga makukulay na halaman sa paligid.

    Last Updated : 2021-09-09
  • Earth Meets Berethemus   Chapter 1

    “Why are we here?” Rinig kong tanong ng kung sino. Sa tingin ko ay isa siya sa mga taga gobyerno na pinatawag. Nagpatawag kasi ng pagpupulong ang mga scientist, meteorologists, at iba pang mga may alam sa nangyayari sa mundo dahil may importante raw silang sasabihin sa aming lahat. We call them the “seniors”. Habang nag-uusap-usap sila ay nakayuko lamang ako habang naglalaro ng Dumb Ways to Die. Ang tanging laro noong 2000’s na buhay pa rin hanggang ngayon sa taong 3025. Ang dami nang nagbago sa mundo. Sabi ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila ay ang pinakamatinding naranasan daw ng mga ninuno nila ay iyong pandemiya. Coronavirus daw ang tawag do’n. Hindi ko man alam ang totoong nangyari noong mga panahong ‘yon, alam ko naman kung gaano itong nakaapekto sa mundo ngayon. Mas naging high-tech na ang mundo ngayon. Noon daw kasi ay hindi sila nakakalabas ng mga bahay nila dahil sa pandemiya kaya palaging teknolohiya ang m

    Last Updated : 2021-09-09
  • Earth Meets Berethemus   Chapter 2

    Nakangiti ang ibang seniors habang ang ilan naman ay sobrang seryoso ng mga mukha. Sa harapan nilang lahat ay nakatayo ang isang matandang lalaki. Nakasuot siya ng puting polo shirt na nakatuck-in sa gray na slacks. May suot ding siyang salamin habang nakatanaw sa amin at bahagyang nalilipad ang buhok. Matanda na siya pero mababakas pa rin sa kaniya ang otoridad. I know him. Everyone knows him. He’s the founder of HPSAE, Mr. Ignacio Martino. Siya rin ang namuno noon sa paglalakbay ng grupo ng mga magulang ko at mga magulang ng kambal. Dahan-dahang bumaba ang helicopter na sinasakyan namin sa tapat ng mga Seniors. Saglit lamang ang ginawa kong pagtingin sa ibaba, agad ko ring ibinalik ang mga mata ko sa mga kasamahan ko. Pansin kong mukha na naman silang kinakabahan, maliban kay Mark. Sa oras na tuluyan ng makapaglanding ang helicopter na sinasakyan namin ay nagkanya-kanya na kami ng baba. Bumuo rin kami ng pahalang na linya na base sa naka-assign na number sa amin ang pagkakasunod-s

    Last Updated : 2021-09-09
  • Earth Meets Berethemus   Chapter 3

    Hingal akong nagpupunas ng pawis. Kakatapos ko lang tumakbo sa treadmill. May mga gym equipment kasi rito sa may common area. Ako at ang mga lalaki lang ang nandito para magkondisyon. Sina Lei at Rina ay mamaya na lamang daw magpapapawis. Sa ganitong pagkakataon ko namimiss ang kambal. Sila kasi ang palagi kong nakakasabay sa mga work out ko. Kahit masyadong tamad si May, nagagawa pa rin naman niyang magwork-out at sumabay sa amin. Habang si Mara naman ay mahilig din magwork-out. Siya ang nagiging dahilan para magising kami ni May. Ang daldal niya kasi kaya gising na gising talaga kami ni May sa tuwing kasama namin siya. Hays, nakakamiss. Pagkatapos mag-ehersisyo ay sabay-sabay na kaming pumunta sa maliit na kusina ng spaceship namin. Nando’n na agad sina Lei at Rina at kumakain na ng ready to eat foods na siyang natatanging pagkaing meron kami sa spaceship. Hindi kasi pwedeng magdala ng mga pagkaing pwedeng masira sa space. “Wala bang

    Last Updated : 2021-09-10
  • Earth Meets Berethemus   Chapter 4

    Walang buhay kong sinusuklay ang mahaba kong brown na buhok. Dati ay palaging si mama ang nagsusuklay ng buhok ko bago matulog. Kapag naman hindi pa ako makatulog ay kinukwentuhan niya ako ng mga bed time stories na galing din sa mga ninuno nila. Ngayon, walang magkukwento sa akin para makatulog ako at makalimutan ang nangyari kanina. Gabi na pero hindi ko pa rin makalimutan 'yong nangyari kanina. I'm suspended. For a week. Damn. Hays, bakit din ba kasi ang tigas tigas ng ulo ko? Hindi ko alam kung likas lang ba talaga akong ganito o may pinagmanahan ako eh. Sa pagkakaalala ko hindi naman matigas ang ulo nina mama at papa noon. Palagi nga silang napupuri dahil sa pagiging masunurin nila At maging sa husay sa trabaho eh. Hindi ko lang alam sa'kin ba't ganito ako. Naisip ko tuloy na sana ako nalang mismo 'yong nag-insist kay Dave na samahan ako. Kapag gano'n ba hindi na ako masususpende? Ang unfair naman ni Sir. Ginawa ko na nga ng maayos 'yong trabaho ko tapos n

    Last Updated : 2021-09-15
  • Earth Meets Berethemus   Chapter 5

    Matapos ang madamdaming panonood namin ng mga recorded videos na iyon galing sa mga mahal namin sa buhay, ay muling nagpatuloy ang paglalakbay namin. Ilang sandali pa muna silang nag-iyakan. Hagulhol kung hagulhol. Nangingibabaw sa lahat kanina ang iyak ni Josh. Matanda na raw kasi ang mga magulang niya and he wants them to see and be part, be citizen of the new Earth. Mas naging pursigido kami ngayong mapagtagumpayan ang misyong 'to. We need to make this mission a success. Hindi lamang para sa mga pamilya namin, kung hindi para na rin sa mga pamilyang naiwan sa Earth. Those kids out there, they deserve to play around without thinking about when will the Earth end. They deserve more than what's Earth has to offer. They deserve to see more, and Earth can't give them that. That's why we'll be the one to give that to them. A new planet to stay in. A new planet where they can play, laugh, cry, and enjoy. A new planet where they can learn new things, discover new things.

    Last Updated : 2021-09-17
  • Earth Meets Berethemus   Chapter 6

    Ilang segundo pa kaming nagkatitigan hanggang sa napagtanto kong hinihila na palayo sa spaceship at patungo sa kung saan ang mga kasamahan ko. Hindi pwedeng ganito nalang kami. I need to do something. Kailangan naming makatakas para mapagtagumpayan ang misyon namin.Walang pagdadalawang isip kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ng alien at agad na sinipa siya sa parteng hindi nasisikatan ng araw. Pero gano'n na lamang ang ngiwi ko nang ako ang masaktan dahil bakal pala 'yon. Hindi ko alam kung bakal ba ang kasuotan niya o balat niya mismo iyon.Biglang lumiwanag ang dibdib niya kaya napaatras ako. Katulad na katulad iyon no'ng mga speakers no'ng araw na lumiliwanag kapag tumutunog. Muli akong napaatras nang muli kaming nagkatinginan sa mata. Ang ganda ganda ng mga mata niya. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n sa tanang buhay ko. Isang hakbang pa ay nanlaki ang mga mata ko nang m

    Last Updated : 2021-10-09
  • Earth Meets Berethemus   Chapter 7

    Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad nang hinila na naman kami ulit ng mga alien patungo sa kung saan. Dumaan kami sa isang hallway at iniangat ko ang kamay ko para hawakan ang pader. Bahagya ko itong kinatok at napagtantong isa iyong uri ng bakal.Agad ko ring binawi ang kamay ko nang makita sa unahan na bababa kami sa isang hagdan. Bahagyang tumigil do'n ang alien na may hawak kay Mark at itinapat ang kaniyang kamay sa pader. Agad namang nabuhay ang ilaw dahil sa ginawa niya. Pagkatapos ay nagsimula na silang bumaba. Ako ang panghuli sa linya kasama ang isang alien kaya naman mas nahuhuli kong nakikita ang mga bagay sa binabaan namin. Napaayos ako ng tayo nang marinig ang pagwawala nina Rina at Lei."Lei! Rina!" Rinig ko namang sigaw ni Dave.Nang tuluyan kaming makababa ng kasama kong alien ay nakita ko ang dahilan ng pagwawala ni

    Last Updated : 2021-10-11

Latest chapter

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 9

    Agad rin akong napamulat dahil sa gulat. Unang nguya ko pa lamang ay rinig at ramdam ko na ang lutong ng kinakain ko na para bang kinakain ko 'yong balat ng fried chicken. Sa mga sumunod na nguya ay para ko namang kinakain ngayon ang laman ng fried chicken. Nakatulala lamang ako habang ngumunguya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa kinakain ko ngayon.Papaanong… nangyari ang ganito? Dahon pero lasang fried chicken?Nang matapos akong ngumuya ay napalingon ako sa kanila Mark at Dave na pareho rin palang nakatingin sa akin habang ngumunguya rin. They're waiting for my reaction. Pinagtaasan nila ako ng kilay para itanong ang opinyon ko. Hindi ko nagawang makasagot. Muli lamang akong napatingin sa platong hawak ko bago agad na kumuha ng isa pang dahon at isinubo iyon. Napapikit ako nang malasahan naman ang isa pang dahong kalasa ng isa pang putahe sa mundo namin—ang sinigang. Lasang sinigang ang dahon!Kumuha ako ng isa pa, at ng isa pa, at ng isa pa. Walang s

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 8

    Ilang saglit pa ay napaangat ang tingin ko nang makarinig ng mga yabag. Nakita ko ang tatlong alien na kakababa lang sa hagdan na dinaanan namin kanina o kahapon o kagabi. Hays, hindi ko pa pala alam kung umaga ba ngayon, tanghali o gabi. Ang mga alien na 'to ngayon ay 'yong mga nakaarmor kanina na naghatid sa amin sa gusaling ito.May kaniya-kaniyang bitbit ang tatlong alien. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong sa amin papunta 'yong isa, 'yong isa pa ay sa daang tinahak nina Lei, Rina, at Josh kanina, at ang huli ay sa kabilang dulo. Hindi namin makita ang mga kasamahan namin dahil napapalibutan ang selda na kinaroroonan namin ng mga bakal na pader. Para siyang isang kwarto at tanging ang selda lang namin ang laman. Sa palagay ko'y ganito rin ang setup do'n sa selda ng mga kasamahan namin."Mark, Dave, gising," Saad ko nang makitang binubuksan

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 7

    Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad nang hinila na naman kami ulit ng mga alien patungo sa kung saan. Dumaan kami sa isang hallway at iniangat ko ang kamay ko para hawakan ang pader. Bahagya ko itong kinatok at napagtantong isa iyong uri ng bakal.Agad ko ring binawi ang kamay ko nang makita sa unahan na bababa kami sa isang hagdan. Bahagyang tumigil do'n ang alien na may hawak kay Mark at itinapat ang kaniyang kamay sa pader. Agad namang nabuhay ang ilaw dahil sa ginawa niya. Pagkatapos ay nagsimula na silang bumaba. Ako ang panghuli sa linya kasama ang isang alien kaya naman mas nahuhuli kong nakikita ang mga bagay sa binabaan namin. Napaayos ako ng tayo nang marinig ang pagwawala nina Rina at Lei."Lei! Rina!" Rinig ko namang sigaw ni Dave.Nang tuluyan kaming makababa ng kasama kong alien ay nakita ko ang dahilan ng pagwawala ni

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 6

    Ilang segundo pa kaming nagkatitigan hanggang sa napagtanto kong hinihila na palayo sa spaceship at patungo sa kung saan ang mga kasamahan ko. Hindi pwedeng ganito nalang kami. I need to do something. Kailangan naming makatakas para mapagtagumpayan ang misyon namin.Walang pagdadalawang isip kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ng alien at agad na sinipa siya sa parteng hindi nasisikatan ng araw. Pero gano'n na lamang ang ngiwi ko nang ako ang masaktan dahil bakal pala 'yon. Hindi ko alam kung bakal ba ang kasuotan niya o balat niya mismo iyon.Biglang lumiwanag ang dibdib niya kaya napaatras ako. Katulad na katulad iyon no'ng mga speakers no'ng araw na lumiliwanag kapag tumutunog. Muli akong napaatras nang muli kaming nagkatinginan sa mata. Ang ganda ganda ng mga mata niya. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n sa tanang buhay ko. Isang hakbang pa ay nanlaki ang mga mata ko nang m

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 5

    Matapos ang madamdaming panonood namin ng mga recorded videos na iyon galing sa mga mahal namin sa buhay, ay muling nagpatuloy ang paglalakbay namin. Ilang sandali pa muna silang nag-iyakan. Hagulhol kung hagulhol. Nangingibabaw sa lahat kanina ang iyak ni Josh. Matanda na raw kasi ang mga magulang niya and he wants them to see and be part, be citizen of the new Earth. Mas naging pursigido kami ngayong mapagtagumpayan ang misyong 'to. We need to make this mission a success. Hindi lamang para sa mga pamilya namin, kung hindi para na rin sa mga pamilyang naiwan sa Earth. Those kids out there, they deserve to play around without thinking about when will the Earth end. They deserve more than what's Earth has to offer. They deserve to see more, and Earth can't give them that. That's why we'll be the one to give that to them. A new planet to stay in. A new planet where they can play, laugh, cry, and enjoy. A new planet where they can learn new things, discover new things.

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 4

    Walang buhay kong sinusuklay ang mahaba kong brown na buhok. Dati ay palaging si mama ang nagsusuklay ng buhok ko bago matulog. Kapag naman hindi pa ako makatulog ay kinukwentuhan niya ako ng mga bed time stories na galing din sa mga ninuno nila. Ngayon, walang magkukwento sa akin para makatulog ako at makalimutan ang nangyari kanina. Gabi na pero hindi ko pa rin makalimutan 'yong nangyari kanina. I'm suspended. For a week. Damn. Hays, bakit din ba kasi ang tigas tigas ng ulo ko? Hindi ko alam kung likas lang ba talaga akong ganito o may pinagmanahan ako eh. Sa pagkakaalala ko hindi naman matigas ang ulo nina mama at papa noon. Palagi nga silang napupuri dahil sa pagiging masunurin nila At maging sa husay sa trabaho eh. Hindi ko lang alam sa'kin ba't ganito ako. Naisip ko tuloy na sana ako nalang mismo 'yong nag-insist kay Dave na samahan ako. Kapag gano'n ba hindi na ako masususpende? Ang unfair naman ni Sir. Ginawa ko na nga ng maayos 'yong trabaho ko tapos n

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 3

    Hingal akong nagpupunas ng pawis. Kakatapos ko lang tumakbo sa treadmill. May mga gym equipment kasi rito sa may common area. Ako at ang mga lalaki lang ang nandito para magkondisyon. Sina Lei at Rina ay mamaya na lamang daw magpapapawis. Sa ganitong pagkakataon ko namimiss ang kambal. Sila kasi ang palagi kong nakakasabay sa mga work out ko. Kahit masyadong tamad si May, nagagawa pa rin naman niyang magwork-out at sumabay sa amin. Habang si Mara naman ay mahilig din magwork-out. Siya ang nagiging dahilan para magising kami ni May. Ang daldal niya kasi kaya gising na gising talaga kami ni May sa tuwing kasama namin siya. Hays, nakakamiss. Pagkatapos mag-ehersisyo ay sabay-sabay na kaming pumunta sa maliit na kusina ng spaceship namin. Nando’n na agad sina Lei at Rina at kumakain na ng ready to eat foods na siyang natatanging pagkaing meron kami sa spaceship. Hindi kasi pwedeng magdala ng mga pagkaing pwedeng masira sa space. “Wala bang

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 2

    Nakangiti ang ibang seniors habang ang ilan naman ay sobrang seryoso ng mga mukha. Sa harapan nilang lahat ay nakatayo ang isang matandang lalaki. Nakasuot siya ng puting polo shirt na nakatuck-in sa gray na slacks. May suot ding siyang salamin habang nakatanaw sa amin at bahagyang nalilipad ang buhok. Matanda na siya pero mababakas pa rin sa kaniya ang otoridad. I know him. Everyone knows him. He’s the founder of HPSAE, Mr. Ignacio Martino. Siya rin ang namuno noon sa paglalakbay ng grupo ng mga magulang ko at mga magulang ng kambal. Dahan-dahang bumaba ang helicopter na sinasakyan namin sa tapat ng mga Seniors. Saglit lamang ang ginawa kong pagtingin sa ibaba, agad ko ring ibinalik ang mga mata ko sa mga kasamahan ko. Pansin kong mukha na naman silang kinakabahan, maliban kay Mark. Sa oras na tuluyan ng makapaglanding ang helicopter na sinasakyan namin ay nagkanya-kanya na kami ng baba. Bumuo rin kami ng pahalang na linya na base sa naka-assign na number sa amin ang pagkakasunod-s

  • Earth Meets Berethemus   Chapter 1

    “Why are we here?” Rinig kong tanong ng kung sino. Sa tingin ko ay isa siya sa mga taga gobyerno na pinatawag. Nagpatawag kasi ng pagpupulong ang mga scientist, meteorologists, at iba pang mga may alam sa nangyayari sa mundo dahil may importante raw silang sasabihin sa aming lahat. We call them the “seniors”. Habang nag-uusap-usap sila ay nakayuko lamang ako habang naglalaro ng Dumb Ways to Die. Ang tanging laro noong 2000’s na buhay pa rin hanggang ngayon sa taong 3025. Ang dami nang nagbago sa mundo. Sabi ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila ay ang pinakamatinding naranasan daw ng mga ninuno nila ay iyong pandemiya. Coronavirus daw ang tawag do’n. Hindi ko man alam ang totoong nangyari noong mga panahong ‘yon, alam ko naman kung gaano itong nakaapekto sa mundo ngayon. Mas naging high-tech na ang mundo ngayon. Noon daw kasi ay hindi sila nakakalabas ng mga bahay nila dahil sa pandemiya kaya palaging teknolohiya ang m

DMCA.com Protection Status