Chapter: Chapter 9Agad rin akong napamulat dahil sa gulat. Unang nguya ko pa lamang ay rinig at ramdam ko na ang lutong ng kinakain ko na para bang kinakain ko 'yong balat ng fried chicken. Sa mga sumunod na nguya ay para ko namang kinakain ngayon ang laman ng fried chicken. Nakatulala lamang ako habang ngumunguya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa kinakain ko ngayon.Papaanong… nangyari ang ganito? Dahon pero lasang fried chicken?Nang matapos akong ngumuya ay napalingon ako sa kanila Mark at Dave na pareho rin palang nakatingin sa akin habang ngumunguya rin. They're waiting for my reaction. Pinagtaasan nila ako ng kilay para itanong ang opinyon ko. Hindi ko nagawang makasagot. Muli lamang akong napatingin sa platong hawak ko bago agad na kumuha ng isa pang dahon at isinubo iyon. Napapikit ako nang malasahan naman ang isa pang dahong kalasa ng isa pang putahe sa mundo namin—ang sinigang. Lasang sinigang ang dahon!Kumuha ako ng isa pa, at ng isa pa, at ng isa pa. Walang s
Last Updated: 2022-07-04
Chapter: Chapter 8Ilang saglit pa ay napaangat ang tingin ko nang makarinig ng mga yabag. Nakita ko ang tatlong alien na kakababa lang sa hagdan na dinaanan namin kanina o kahapon o kagabi. Hays, hindi ko pa pala alam kung umaga ba ngayon, tanghali o gabi. Ang mga alien na 'to ngayon ay 'yong mga nakaarmor kanina na naghatid sa amin sa gusaling ito.May kaniya-kaniyang bitbit ang tatlong alien. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong sa amin papunta 'yong isa, 'yong isa pa ay sa daang tinahak nina Lei, Rina, at Josh kanina, at ang huli ay sa kabilang dulo. Hindi namin makita ang mga kasamahan namin dahil napapalibutan ang selda na kinaroroonan namin ng mga bakal na pader. Para siyang isang kwarto at tanging ang selda lang namin ang laman. Sa palagay ko'y ganito rin ang setup do'n sa selda ng mga kasamahan namin."Mark, Dave, gising," Saad ko nang makitang binubuksan
Last Updated: 2021-11-15
Chapter: Chapter 7Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad nang hinila na naman kami ulit ng mga alien patungo sa kung saan. Dumaan kami sa isang hallway at iniangat ko ang kamay ko para hawakan ang pader. Bahagya ko itong kinatok at napagtantong isa iyong uri ng bakal.Agad ko ring binawi ang kamay ko nang makita sa unahan na bababa kami sa isang hagdan. Bahagyang tumigil do'n ang alien na may hawak kay Mark at itinapat ang kaniyang kamay sa pader. Agad namang nabuhay ang ilaw dahil sa ginawa niya. Pagkatapos ay nagsimula na silang bumaba. Ako ang panghuli sa linya kasama ang isang alien kaya naman mas nahuhuli kong nakikita ang mga bagay sa binabaan namin. Napaayos ako ng tayo nang marinig ang pagwawala nina Rina at Lei."Lei! Rina!" Rinig ko namang sigaw ni Dave.Nang tuluyan kaming makababa ng kasama kong alien ay nakita ko ang dahilan ng pagwawala ni
Last Updated: 2021-10-11
Chapter: Chapter 6Ilang segundo pa kaming nagkatitigan hanggang sa napagtanto kong hinihila na palayo sa spaceship at patungo sa kung saan ang mga kasamahan ko. Hindi pwedeng ganito nalang kami. I need to do something. Kailangan naming makatakas para mapagtagumpayan ang misyon namin.Walang pagdadalawang isip kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ng alien at agad na sinipa siya sa parteng hindi nasisikatan ng araw. Pero gano'n na lamang ang ngiwi ko nang ako ang masaktan dahil bakal pala 'yon. Hindi ko alam kung bakal ba ang kasuotan niya o balat niya mismo iyon.Biglang lumiwanag ang dibdib niya kaya napaatras ako. Katulad na katulad iyon no'ng mga speakers no'ng araw na lumiliwanag kapag tumutunog. Muli akong napaatras nang muli kaming nagkatinginan sa mata. Ang ganda ganda ng mga mata niya. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n sa tanang buhay ko. Isang hakbang pa ay nanlaki ang mga mata ko nang m
Last Updated: 2021-10-09
Chapter: Chapter 5Matapos ang madamdaming panonood namin ng mga recorded videos na iyon galing sa mga mahal namin sa buhay, ay muling nagpatuloy ang paglalakbay namin. Ilang sandali pa muna silang nag-iyakan. Hagulhol kung hagulhol. Nangingibabaw sa lahat kanina ang iyak ni Josh. Matanda na raw kasi ang mga magulang niya and he wants them to see and be part, be citizen of the new Earth. Mas naging pursigido kami ngayong mapagtagumpayan ang misyong 'to. We need to make this mission a success. Hindi lamang para sa mga pamilya namin, kung hindi para na rin sa mga pamilyang naiwan sa Earth. Those kids out there, they deserve to play around without thinking about when will the Earth end. They deserve more than what's Earth has to offer. They deserve to see more, and Earth can't give them that. That's why we'll be the one to give that to them. A new planet to stay in. A new planet where they can play, laugh, cry, and enjoy. A new planet where they can learn new things, discover new things.
Last Updated: 2021-09-17
Chapter: Chapter 4Walang buhay kong sinusuklay ang mahaba kong brown na buhok. Dati ay palaging si mama ang nagsusuklay ng buhok ko bago matulog. Kapag naman hindi pa ako makatulog ay kinukwentuhan niya ako ng mga bed time stories na galing din sa mga ninuno nila. Ngayon, walang magkukwento sa akin para makatulog ako at makalimutan ang nangyari kanina. Gabi na pero hindi ko pa rin makalimutan 'yong nangyari kanina. I'm suspended. For a week. Damn. Hays, bakit din ba kasi ang tigas tigas ng ulo ko? Hindi ko alam kung likas lang ba talaga akong ganito o may pinagmanahan ako eh. Sa pagkakaalala ko hindi naman matigas ang ulo nina mama at papa noon. Palagi nga silang napupuri dahil sa pagiging masunurin nila At maging sa husay sa trabaho eh. Hindi ko lang alam sa'kin ba't ganito ako. Naisip ko tuloy na sana ako nalang mismo 'yong nag-insist kay Dave na samahan ako. Kapag gano'n ba hindi na ako masususpende? Ang unfair naman ni Sir. Ginawa ko na nga ng maayos 'yong trabaho ko tapos n
Last Updated: 2021-09-15