Ilang saglit pa ay napaangat ang tingin ko nang makarinig ng mga yabag. Nakita ko ang tatlong alien na kakababa lang sa hagdan na dinaanan namin kanina o kahapon o kagabi. Hays, hindi ko pa pala alam kung umaga ba ngayon, tanghali o gabi. Ang mga alien na 'to ngayon ay 'yong mga nakaarmor kanina na naghatid sa amin sa gusaling ito.
May kaniya-kaniyang bitbit ang tatlong alien. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong sa amin papunta 'yong isa, 'yong isa pa ay sa daang tinahak nina Lei, Rina, at Josh kanina, at ang huli ay sa kabilang dulo. Hindi namin makita ang mga kasamahan namin dahil napapalibutan ang selda na kinaroroonan namin ng mga bakal na pader. Para siyang isang kwarto at tanging ang selda lang namin ang laman. Sa palagay ko'y ganito rin ang setup do'n sa selda ng mga kasamahan namin.
"Mark, Dave, gising," Saad ko nang makitang binubuksan na no'ng alien ang selda namin. Nakatitig lamang ako sa alien habang ginigising ang mga kasamahan ko.
"Mark! Dave!" Muli'y pabulong na singhal ko.
"Ha?" Wala pa sa sariling tanong ni Dave.
"What's wrong?" Tanong naman ni Mark na napaupo na rin sa kama niya.
Itinuro ko ang alien sa may pinto ng selda. Sakto namang nabuksan na niya iyon at nakapasok na siya. Idinikit lamang niya ang palad niya sa gilid ng pintuan ng selda, katulad sa ginawa no'ng mga nakaputi kanina.
May bitbit na bilog na bagay 'yong alien. Inilapag niya iyon sa tabi ng pintuan ng selda at kusa itong nagkaroon ng parang mga paa na naging dahilan ng pagtayo nito. Pagkatapos ay bumukas ang itaas no'n at bumungad sa amin ang mga hindi pamilyar na mga dahon.
Muli akong napatingin sa alien at itinuro lamang niya iyong bitbit niya kanina. Tumayo ako at dahan-dahang lumapit do'n. Naramdaman kong sumunod rin sa 'kin sina Mark at Dave. Nang makalapit ay sinulyapan ko lang 'yong mga dahon at muli nang napatingin sa alien. Napasinghap ako nang mapatingin ako sa mga mata no'ng alien. Those dark and bluish yet full of glistening stars eyes. 'Yong alien na kasama ko kanina.
"Amoy fried chicken," Napalingon ako kay Dave nang magsalita siya. Tila hindi niya namalayang naisatinig niya iyon.
"Anong—" Hindi na natapos ni Mark ang sasabihin niya dapat nang maamoy niya rin iyong mga dahon.
"Amoy adobo rin 'tong isa!" Nanlalaki ang mga matang turo ni Dave do'n sa kulay asul na dahon.
Kunot noo akong mas lumapit sa bilog na bagay at bahagyang iniyuko rin ang ulo ko palapit sa mga dahon. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong tama nga sila. Kahit mga dahon lang 'to ay ang amoy nito ay iyong mga pagkain sa Earth.
Muli akong napalingon sa alien. Nakatalikod na siya sa amin at parang palabas na. Hindi pupwede. Hindi pwedeng ganito na lang kami.
Agad kong inabot ang braso niya at pabagsak siyang idinikit sa pader ng selda. Magkaharap kami habang nakadiin sa leeg niya ang braso ko. Tiim bagang ko siyang tinitigan. Mas lalo pa akong nainis dahil parang wala man lang sa kaniya ang ginawa ko. Tila hindi siya natatakot sa akin.
"Bakit niyo ba ginagawa 'to? Wala kaming ginagawa sa inyo!" Gigil na singhal ko. Naghalo-halo na ang emosyon sa dibdib ko. Parang gusto ko na ring umiyak dahil sa sobrang frustration.
Umilaw ang dibdib niya kaya bahagya akong napatingin do'n. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umingay ang paligid. Parang isang… alarm.
Muli ko siyang tiningnan sa mga mata at mas idiniin pa ang braso ko sa leeg niya. "What did you do?! Answer me!"
Ilang saglit pa ay nagulat ako nang maramdamang bumigat ang katawan ko. Pagtingin ko sa mga kasamahan ko ay nakikita ko rin sa kanilang nahihirapan din silang kumilos. Hanggang sa unti-unti na ngang lumuluwag ang pagkakahawak ko sa alien.
"Argh!" Inda naming tatlo.
Sobrang bigat sa pakiramdam. Para akong napapalibutan ng mga bloke ng yelo. Malamig na nga, mabibigat pa. Hindi kalauna'y napaluhod na lamang ako sa sahig dahil sa bigat ng katawan ko. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang pamamanhid ng mga bahagi ng katawan ko. Iniluhod naman ng alien ang isang tuhod niya para magpantay kami. Bahagya akong napaigtad nang inilagay niya ang hintuturo niya sa ilalim ng baba ko. Ginamit niya iyon para maitaas niya ang ulo ko at mapatingin niya ako sa kaniya.
Sinalubong ko ang magaganda niyang mga mata. Nakipagtitigan ako sa kaniya habang iniinda pa rin ang bigat ng katawan ko para iparating na kahit ano pa mang sakit at paghihirap ang ibato nila sa akin, sa amin, ay lalaban pa rin kami. Kakayanin pa rin namin. Kakayanin namin para sa mga mahal namin sa buhay, at para sa mga susunod pang henerasyon.
Determinado ko siyang tinitigan nang maagi. Walang umiiwas ng tingin sa aming dalawa. Dinig pa rin ang tunog ng alarm sa paligid at ramdam pa rin namin ang bigat ng mga katawan namin. Ngunit sa hindi malamang dahilan, habang nakatingin ako sa mga mata ng alien ay tila gumagaan ang pakiramdam ko at unti-unting lumalambot ang tingin ko sa kaniya.
"Please… Help us…" Nanghihinang saad ko dala ng labis na sakit.
Sa isang iglap ay gumaan ang lahat at naramdaman ko na lamang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig ng selda. Then everything went black.
"Ate yaya, sino po sila?" Mahinang tanong ko sa yaya ng kambal. Kapwa kami nakasuot ng itim sa burol ng lolo at lola ko. Si yaya ang nag-asikaso ng lahat. Mula sa pag-aayos ng mga papeles na kailangan hanggang sa pag-aayos ng burol.
Simula noong araw na sinabi ni yaya na wala na sila lolo at lola, at nawawala sila mama at papa ay sa bahay ng kambal muna ako nakitira. Narinig ko noong isang araw na may kausap si yaya sa sala at noong sumilip ako ay nakita ko iyong lalaking pumunta noong isang araw na naghahanap ng matanda. May pinag-uusapan silang tungkol sa pera kaya naman umalis na ako roon. Sabi kasi nila mama bad raw makinig sa usapan ng mga matatanda, lalo na kapag tungkol sa pera.
"Mga kaibigan sila ng lolo at lola mo. Batiin mo na sila, dali," Agad naman akong tumalima sa kaniya at ngumiti sa mga bagong dating. Ginabayan ko rin sila at bahagyang kinausap saglit.
"Ilang taon ka na ulit, hija?" Tanong no'ng isang lola habang hinihimas ang buhok ko.
"Magseseven na po ako sa susunod na linggo, lola. Sayang nga po at hindi na maaabutan nila lola at lolo ko 'yon. Tapos sina mama at papa, nawawala pa raw po." Malungkot na saad ko.
Malungkot din siyang napangiti habang hinihimas pa rin ang buhok ko. "Matalino kang bata. At maganda." Bahagya niyang pinisil ang pisngi ko. "Magpakatatag ka, ah? May mga kaibigan ka, hindi ba? Magpakatatag kayo, okay? Kaya niyo 'to. Dapat niyong kayanin."
Nakangiti akong napatango-tango bago napatingin sa gawi ng kambal. Kanina pang pinapatahan ni May si Mara. Simula noong malaman naming wala na sila lolo at lola ko, at nawawala ang mga magulang namin, ay tila pinagbagsakan kami ng langit at lupa. Kahit kasi nariyan pa si yaya, hindi naman namin siya kapamilya. Wala rin kasi kaming mga tito at tita o mga pinsan.
Bahagya akong napabuntong hininga bago nagpaalam sa mga kaibigan nila lola at lolo at sinabing lalapitan ko muna ang kambal. Pagkarating ko sa tapat nila ay bahagya akong yumuko para magpantay kami ni Mara na siya namang nakaupo.
"Mara," Tawag ko sa pansin niya. Sabay silang napaangat ng tingin sa akin.
"B-bakit?" Humihikbing tanong niya.
Ngumiti ako nang malapad. "Stop crying na. Magagalit mama't papa niyo niyan. Baka akalain pinaiyak ko kayo."
Napanguso siya at muling napayuko. "Wala na raw sila. Hindi na sila… babalik," Pagkatapos ay muli na naman siyang umiyak nang umiyak.
Nagkatinginan kami ni May, kapwa naiiyak na rin. Muli akong napabuntong hininga bago umupo sa tabi ni Mara. Napagigitnaan namin siya ni May.
"Mara, babalik sila, okay? Babalikan nila tayo. Kung hindi man, tayo ang hahanap sa kanila. Gusto mo ba 'yon? Mag-aadventure tayo!" Pilit kong pinasigla ang boses ko.
"Oo nga! Hahanapin natin sila kapag big na tayo! Promise 'yan!" Masigla ring aniya ni May at itinaas pa ang pinky finger niya.
Nag-angat ng tingin si Mara at tinitigan ang daliri ni May na nakaharap sa kaniya. Tiningnan niya ang kapatid pagkatapos ay ngumiti at tinanggap ang daliri nito. They did the pinky promise. Pagkatapos ay nagpinky promise din kami ni Mara sa kabila niyang daliri, habang sa kabilang daliri naman ni May ay nagpinky promise din kami gamit din ang kabila kong daliri.
Ilang araw ang lumipas ay nagpatuloy ang buhay namin. Nailibing na sila lolo at lola ko noong nakaraang araw. Iyak ako nang iyak no'n. Maging ang kambal ay hindi rin matigil sa pag-iyak. Ngayon naman ay si yaya pa rin ang nag-aalaga sa amin. Narinig kong binibigyan siya ng pera no'ng pinagwowork-an nila mama at papa at ng parents ng kambal. Parang tulong daw nila 'yon sa amin.
Isang gabi, nagpaalam si yaya na lalabas muna para bumili ng hapunan namin. Tumango lang kami ng kambal no'n nang hindi tumitingin sa gawi niya dahil busy kami sa kakalaro.
Lumipas ang isang oras ay napansin naming hindi pa nakakabalik si yaya. Nagsisimula na rin kaming magutom.
"Ba't kaya ang tagal ni yaya? Malapit lang naman ang bilihan ng food." Nakangusong tanong ni Mara. Napapahawak na rin si May sa tiyan niya.
Dahil hindi pa rin dumadating si yaya ay napagpasiyahan ko nang ako na lamang ang bibili ng hapunan namin. Pumunta ako sa kwarto ni yaya para sana kumuha ng barya pero napansin kong bahagyang nakabukas ang aparador niya.
Napakunot ang noo ko habang dahan-dahang lumalapit sa nakaawang na aparador. Nang buksan ko na ito ng tuluyan ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang walang mga damit do'n maski isa.
"Mara! May! Wala ang mga damit ni yaya!" Sigaw ko. Agad ko namang narinig ang nagmamadaling mga yabag nila.
"Ano?! Bakit?! Asan ang mga damit niya?!" Nababahalang sigaw ni Mara.
"Hindi ko alam. Basta pagtingin ko, wala na rito."
"Hindi kaya iniwan na niya tayo?" Mahinang tanong naman ni May. Alam kong ayaw niyang itanong 'yon dahil alam namin kung gaano ka daling maiyak ni Mara.
"Hala! H-hindi!" At nagsimula na ngang humikbi si Mara.
Ilang oras namin siyang pinatahan bago namin napagdesisyunang matulog na lamang. Hindi nalang kami kumain sa pag-aakalang babalik pa si yaya at baka may nangyari lang. Pero hindi… Walang dumating. Buong gabi kaming nagutom. Gutom na gutom kami sa pagkain, atensiyon, at pagmamahal. Gutom na gutom kami sa kalinga ng aming mga magulang. Simula ng gabing iyon, ipinangako ko sa sarili kong tatayo ako sa sarili kong mga paa. Magtatrabaho, maghahanap buhay kahit sa murang edad, para mabuhay lamang kaming tatlo. Ang isa't isa nalang ang aasahan namin sa mundong 'to.
Napangiwi ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa katawan ko. Dahan-dahan akong nagmulat at ang nakaupong si Dave ang bumungad sa akin. Prente siyang nakaupo sa kama niya habang… kumakain?
Napakunot ang noo ko at dahan-dahang bumangon. Napatingin naman siya sa akin. Naramdaman ko rin ang paggalaw ni Mark sa likod ko para lumapit sa akin.
"Ayos ka na ba? Halika na, kain na," Saad ni Dave.
Sinulyapan ko ang platong hawak niya. Transparent iyon. Ibang-iba talaga ang kagamitan ng mga alien sa kagamitan namin sa Earth. Ang nakalagay sa plato ni Dave ay iyong mga dahon kanina.
Napalingon din ako kay Mark na siyang tuluyan nang nakalapit sa amin. Nakatayo lamang siya sa harapan ng kama namin ni Dave. May hawak din siyang plato at kumakain din.
"Bakit kayo kumakain? Isn't it dangerous?" Kunot-noong tanong ko. Namamaos pa ang boses ko dahil na rin siguro sa sobrang intense no'ng nangyari kanina. Ramdam ko pa rin ang bigat ng katawa ko.
"Hindi naman delikado. Kung may lason man 'to, sana kanina pa kaming natigok. Okay naman siya, masarap pa. Tikman mo na! Nando'n ang plato mo oh," Napalingon ako sa itinuro niya. Nando'n pa rin iyong sphere na parang lamesa na dala no'ng alien kanina. That bluey monster. Kapag nakita ko siya ulit, masasapak ko talaga siya.
Napalingon ako kay Mark na busy rin sa pagkain. Nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya ay pinagtaasan niya ako ng kilay bago lumapit sa kinalalagyan no'ng 'pagkain'. Kinuha niya iyon at inabot sa akin. Dahil dahon lamang ang mga laman niyon ay wala nang kahit utensils ang nakalagay kasama no'ng transparent na plato.
"It's safe. Saka 'yong mga dahon kanina na amoy fried chicken, adobo, at iba pa ay kalasa rin no'ng mga putaheng iyon. Tikman mo na." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at napatitig sa iba't ibang uri at kulay ns dahon na nakalagay sa platong hawak ko.
Amoy na amoy ko nga ang fried chicken, adobo, chicken curry, at kung anu-ano pa. Imposible namang maging ang lasa ng mga iyon ay katulad rin ng lasa ng mga dahong ito. There's only one way to find out.
Kinuha ko 'yong kulay berdeng dahon, iyong amoy fried chicken at inilapit sa tapat ng bibig ko. Pikit mata akong ngumanga at ipinasok ang isang buong dahon sa bibig ko.
--------
Agad rin akong napamulat dahil sa gulat. Unang nguya ko pa lamang ay rinig at ramdam ko na ang lutong ng kinakain ko na para bang kinakain ko 'yong balat ng fried chicken. Sa mga sumunod na nguya ay para ko namang kinakain ngayon ang laman ng fried chicken. Nakatulala lamang ako habang ngumunguya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa kinakain ko ngayon.Papaanong… nangyari ang ganito? Dahon pero lasang fried chicken?Nang matapos akong ngumuya ay napalingon ako sa kanila Mark at Dave na pareho rin palang nakatingin sa akin habang ngumunguya rin. They're waiting for my reaction. Pinagtaasan nila ako ng kilay para itanong ang opinyon ko. Hindi ko nagawang makasagot. Muli lamang akong napatingin sa platong hawak ko bago agad na kumuha ng isa pang dahon at isinubo iyon. Napapikit ako nang malasahan naman ang isa pang dahong kalasa ng isa pang putahe sa mundo namin—ang sinigang. Lasang sinigang ang dahon!Kumuha ako ng isa pa, at ng isa pa, at ng isa pa. Walang s
Madaming sorpresa ang buhay, ang mundo. Hindi ko aakalaing mangyayari ang ganito sa tanang buhay ko.Naalala ko noon, iniimagine ko lang ang sarili kong nasa ibang planeta na raw. Mahirap mag-adjust no'ng una pero kalaunan ay nasanay din naman daw ako. Ngayon kaya, masasanay din kaya ako rito? Sa bagong planeta na 'to?Bagong planeta... hays.Sino ang mag-aakalang ang isang Tyria Petreon ay makakarating sa ibang planeta? At hindi lamang basta planeta. Isang planetang kamukhang-kamukha ng planetang pinanggalingan ko. Ang Earth.Ang bilis ng mga pangyayari. Parang noong nakaraang mga buwan lang ay iniisip ko pa kung ano kaya ang magiging itsura ng panibago naming planeta. Ngayon eto na siya sa harapan ko.Ang ganda. Sobrang ganda niya. Never in my entire existence that I've seen such beauty. This is different from what we have on Earth. This is amazing. It's... magical.Nagkalat ang mga makukulay na halaman sa paligid.
“Why are we here?” Rinig kong tanong ng kung sino. Sa tingin ko ay isa siya sa mga taga gobyerno na pinatawag. Nagpatawag kasi ng pagpupulong ang mga scientist, meteorologists, at iba pang mga may alam sa nangyayari sa mundo dahil may importante raw silang sasabihin sa aming lahat. We call them the “seniors”. Habang nag-uusap-usap sila ay nakayuko lamang ako habang naglalaro ng Dumb Ways to Die. Ang tanging laro noong 2000’s na buhay pa rin hanggang ngayon sa taong 3025. Ang dami nang nagbago sa mundo. Sabi ng mga magulang ko noong nabubuhay pa sila ay ang pinakamatinding naranasan daw ng mga ninuno nila ay iyong pandemiya. Coronavirus daw ang tawag do’n. Hindi ko man alam ang totoong nangyari noong mga panahong ‘yon, alam ko naman kung gaano itong nakaapekto sa mundo ngayon. Mas naging high-tech na ang mundo ngayon. Noon daw kasi ay hindi sila nakakalabas ng mga bahay nila dahil sa pandemiya kaya palaging teknolohiya ang m
Nakangiti ang ibang seniors habang ang ilan naman ay sobrang seryoso ng mga mukha. Sa harapan nilang lahat ay nakatayo ang isang matandang lalaki. Nakasuot siya ng puting polo shirt na nakatuck-in sa gray na slacks. May suot ding siyang salamin habang nakatanaw sa amin at bahagyang nalilipad ang buhok. Matanda na siya pero mababakas pa rin sa kaniya ang otoridad. I know him. Everyone knows him. He’s the founder of HPSAE, Mr. Ignacio Martino. Siya rin ang namuno noon sa paglalakbay ng grupo ng mga magulang ko at mga magulang ng kambal. Dahan-dahang bumaba ang helicopter na sinasakyan namin sa tapat ng mga Seniors. Saglit lamang ang ginawa kong pagtingin sa ibaba, agad ko ring ibinalik ang mga mata ko sa mga kasamahan ko. Pansin kong mukha na naman silang kinakabahan, maliban kay Mark. Sa oras na tuluyan ng makapaglanding ang helicopter na sinasakyan namin ay nagkanya-kanya na kami ng baba. Bumuo rin kami ng pahalang na linya na base sa naka-assign na number sa amin ang pagkakasunod-s
Hingal akong nagpupunas ng pawis. Kakatapos ko lang tumakbo sa treadmill. May mga gym equipment kasi rito sa may common area. Ako at ang mga lalaki lang ang nandito para magkondisyon. Sina Lei at Rina ay mamaya na lamang daw magpapapawis. Sa ganitong pagkakataon ko namimiss ang kambal. Sila kasi ang palagi kong nakakasabay sa mga work out ko. Kahit masyadong tamad si May, nagagawa pa rin naman niyang magwork-out at sumabay sa amin. Habang si Mara naman ay mahilig din magwork-out. Siya ang nagiging dahilan para magising kami ni May. Ang daldal niya kasi kaya gising na gising talaga kami ni May sa tuwing kasama namin siya. Hays, nakakamiss. Pagkatapos mag-ehersisyo ay sabay-sabay na kaming pumunta sa maliit na kusina ng spaceship namin. Nando’n na agad sina Lei at Rina at kumakain na ng ready to eat foods na siyang natatanging pagkaing meron kami sa spaceship. Hindi kasi pwedeng magdala ng mga pagkaing pwedeng masira sa space. “Wala bang
Walang buhay kong sinusuklay ang mahaba kong brown na buhok. Dati ay palaging si mama ang nagsusuklay ng buhok ko bago matulog. Kapag naman hindi pa ako makatulog ay kinukwentuhan niya ako ng mga bed time stories na galing din sa mga ninuno nila. Ngayon, walang magkukwento sa akin para makatulog ako at makalimutan ang nangyari kanina. Gabi na pero hindi ko pa rin makalimutan 'yong nangyari kanina. I'm suspended. For a week. Damn. Hays, bakit din ba kasi ang tigas tigas ng ulo ko? Hindi ko alam kung likas lang ba talaga akong ganito o may pinagmanahan ako eh. Sa pagkakaalala ko hindi naman matigas ang ulo nina mama at papa noon. Palagi nga silang napupuri dahil sa pagiging masunurin nila At maging sa husay sa trabaho eh. Hindi ko lang alam sa'kin ba't ganito ako. Naisip ko tuloy na sana ako nalang mismo 'yong nag-insist kay Dave na samahan ako. Kapag gano'n ba hindi na ako masususpende? Ang unfair naman ni Sir. Ginawa ko na nga ng maayos 'yong trabaho ko tapos n
Matapos ang madamdaming panonood namin ng mga recorded videos na iyon galing sa mga mahal namin sa buhay, ay muling nagpatuloy ang paglalakbay namin. Ilang sandali pa muna silang nag-iyakan. Hagulhol kung hagulhol. Nangingibabaw sa lahat kanina ang iyak ni Josh. Matanda na raw kasi ang mga magulang niya and he wants them to see and be part, be citizen of the new Earth. Mas naging pursigido kami ngayong mapagtagumpayan ang misyong 'to. We need to make this mission a success. Hindi lamang para sa mga pamilya namin, kung hindi para na rin sa mga pamilyang naiwan sa Earth. Those kids out there, they deserve to play around without thinking about when will the Earth end. They deserve more than what's Earth has to offer. They deserve to see more, and Earth can't give them that. That's why we'll be the one to give that to them. A new planet to stay in. A new planet where they can play, laugh, cry, and enjoy. A new planet where they can learn new things, discover new things.
Ilang segundo pa kaming nagkatitigan hanggang sa napagtanto kong hinihila na palayo sa spaceship at patungo sa kung saan ang mga kasamahan ko. Hindi pwedeng ganito nalang kami. I need to do something. Kailangan naming makatakas para mapagtagumpayan ang misyon namin.Walang pagdadalawang isip kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak ng alien at agad na sinipa siya sa parteng hindi nasisikatan ng araw. Pero gano'n na lamang ang ngiwi ko nang ako ang masaktan dahil bakal pala 'yon. Hindi ko alam kung bakal ba ang kasuotan niya o balat niya mismo iyon.Biglang lumiwanag ang dibdib niya kaya napaatras ako. Katulad na katulad iyon no'ng mga speakers no'ng araw na lumiliwanag kapag tumutunog. Muli akong napaatras nang muli kaming nagkatinginan sa mata. Ang ganda ganda ng mga mata niya. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n sa tanang buhay ko. Isang hakbang pa ay nanlaki ang mga mata ko nang m
Agad rin akong napamulat dahil sa gulat. Unang nguya ko pa lamang ay rinig at ramdam ko na ang lutong ng kinakain ko na para bang kinakain ko 'yong balat ng fried chicken. Sa mga sumunod na nguya ay para ko namang kinakain ngayon ang laman ng fried chicken. Nakatulala lamang ako habang ngumunguya. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala sa kinakain ko ngayon.Papaanong… nangyari ang ganito? Dahon pero lasang fried chicken?Nang matapos akong ngumuya ay napalingon ako sa kanila Mark at Dave na pareho rin palang nakatingin sa akin habang ngumunguya rin. They're waiting for my reaction. Pinagtaasan nila ako ng kilay para itanong ang opinyon ko. Hindi ko nagawang makasagot. Muli lamang akong napatingin sa platong hawak ko bago agad na kumuha ng isa pang dahon at isinubo iyon. Napapikit ako nang malasahan naman ang isa pang dahong kalasa ng isa pang putahe sa mundo namin—ang sinigang. Lasang sinigang ang dahon!Kumuha ako ng isa pa, at ng isa pa, at ng isa pa. Walang s
Ilang saglit pa ay napaangat ang tingin ko nang makarinig ng mga yabag. Nakita ko ang tatlong alien na kakababa lang sa hagdan na dinaanan namin kanina o kahapon o kagabi. Hays, hindi ko pa pala alam kung umaga ba ngayon, tanghali o gabi. Ang mga alien na 'to ngayon ay 'yong mga nakaarmor kanina na naghatid sa amin sa gusaling ito.May kaniya-kaniyang bitbit ang tatlong alien. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong sa amin papunta 'yong isa, 'yong isa pa ay sa daang tinahak nina Lei, Rina, at Josh kanina, at ang huli ay sa kabilang dulo. Hindi namin makita ang mga kasamahan namin dahil napapalibutan ang selda na kinaroroonan namin ng mga bakal na pader. Para siyang isang kwarto at tanging ang selda lang namin ang laman. Sa palagay ko'y ganito rin ang setup do'n sa selda ng mga kasamahan namin."Mark, Dave, gising," Saad ko nang makitang binubuksan
Muli kaming nagpatuloy sa paglalakad nang hinila na naman kami ulit ng mga alien patungo sa kung saan. Dumaan kami sa isang hallway at iniangat ko ang kamay ko para hawakan ang pader. Bahagya ko itong kinatok at napagtantong isa iyong uri ng bakal.Agad ko ring binawi ang kamay ko nang makita sa unahan na bababa kami sa isang hagdan. Bahagyang tumigil do'n ang alien na may hawak kay Mark at itinapat ang kaniyang kamay sa pader. Agad namang nabuhay ang ilaw dahil sa ginawa niya. Pagkatapos ay nagsimula na silang bumaba. Ako ang panghuli sa linya kasama ang isang alien kaya naman mas nahuhuli kong nakikita ang mga bagay sa binabaan namin. Napaayos ako ng tayo nang marinig ang pagwawala nina Rina at Lei."Lei! Rina!" Rinig ko namang sigaw ni Dave.Nang tuluyan kaming makababa ng kasama kong alien ay nakita ko ang dahilan ng pagwawala ni