31-LESTER POVNapapailing ako ng marinig ko ang sinabi ni Anthony. Hindi ko maintindihan kung bakit ganuon na lang kabilis siyang nakapag-desisyon?! Nakatunog na kaya siya? Nagkatinginan na lang kami ni Maise. Sabay baling ng matalim na tingin nito kay Anthony. Hindi ko pa rin maisip ang kabaliwang pumasok sa isip nitong si Anthony! Ganuon ba siya katanga para ma-uwi isang estranghero sa bahay niya? Nang kasama siya! Knowing na may fiance siya. Hindi normal sa isang tao ang gumawa ng ganitong klaseng hakbang.Hindi niya talaga pinahahalagahan si Maise, mabuti na din iyon para mapasakamay ko ng walang kahirap hirap si Maise. Fvck ano bang binabalak niya na hindi niya sinasabi sa akin?! Sigurado akong may tiwala siya sa akin, alam kong naging maingat ako kaya hindi naman siya magdududa sa akin. Isa pa nagiging maingat kami ni Maise. Kaya nga hindi ako umaalis sa tabi niya para hindi niya ako pagdudahan. Kagaya ng orihinal na plano ko, palagi akong handang lumaban, handa ko silang pr
Damn. Hindi magandang senyales ito. Hindi kailanman ngumiti si Anthony ng ganito ng dahil sa isang babaeng hindi niya kilala. Kalimitan ng mga babaeng naikakama niya ay sa hotel lang niya dinadala. Walang kahit na isang babae siyang inuwi dito sa bahay niya. Fvck ano kayang pinaplano niya? Hindi pwedeng magtagal ang babaeng yun sa tabi ni Anthony dahil pag nagkataon ay magiging delikado ang lahat para sa amin ni Maise. Hindi pwedeng dumulas ang dila ni Louisse kay Anthony. “Ipapahanda ko na ang kwarto niya kay Ate Beb, ipautos mong bilhin ang lahat ng pangunahing kailangan niya. Kung maari ay bilhan mo din siya ng mga bagong damit na komportable niyang magagamit. At saka nga pala nahanap mo na pa ang mga magulang niya?” seryoso nitong tanong , wala siyang pakielam kahit na umalis na si Maise. ANg tuon ng kaniyang isip ay nakay Louisse pa din. Napakamot ako sa aking ulo sa pagkainis sa sarili ko “ah– e— pasensya na boss. Nakalimutan ko . ANg dami ko kasing inasikaso nitong mga nak
LOUISSE POVPakiramdam ko ang buong katawan ko ay matinding nananakit . Pinupuno ako ng mga doktor ng mga painkiller na pansamantalang nagDaddywala ng kirot sa loob ng ilang oras, pero pagkatapos ay bumabalik ulit ang lahat ng hapdi. Palagi akong nahihilo, parang lutang, at pinapangarap ko na sana makahiga na ako sa sarili kong kama. Hindi man sinabi ng doktor na may matindi akong problema, hindi nito binabago ang katotohanang parang rollercoaster ang pakiramdam ng ulo ko. Kumikirot ito, na para bang may nagbabarena sa loob gamit ang drill. Nakasandal lang ako sa likod ng barandila ng aking kama, dahil ang bawat pagta-tangka kong bumaling sa kanan ay nauuwi sa matinding pagsisisi. Sa tulong ng isang nurse, nakakagamit ako ng banyo. Hindi ko akalaing ganito kahina ang katawan ko. Binalaan ako ni Doktor na nawalan ako ng maraming dugo, napakaseryoso ng kalagayan ko, at kailangang bigyan ko ng sapat na oras ang sarili kong makarekober.Kinabukasan, sa ikalawang araw matapos ang paMommy
“Hindi niyo naman po kailangang magpasalamat sa akin. Mahalaga sakin na ligtas si Louisse” Ano? Tinutok ko ang mga mata ko sa kaniya, naguguluhan ako, hindi ko maintindihan kung anong pinag-sasasabi niya. Dalawang bese pa lang kaming nakakapag usap. At nooong unang beses na nag usap kami , nagwala pa ako at nawalan ng malay ng dahil sa pampatulog na tinurok sakin!“Baka hindi pa nababanggit ng anak ninyo sa inyo na magkaibigan kami” Pinipigilan kong hindi tumawa habang pinagMommysdan ang mga magulang ko. Lalo na si Daddy. Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinasabi ni Anthony pero parang nakuha na niya ang loob ni Mommy. Para siyang ginto sa paningin ni Mommy. Alam ko ang mga ganyang klaseng ngitian ni Mommy. This damn guy is so good. Kahit si Mommy ay nakuha niya sa isang tingin. At inaamin ko nakuha niya ang atensyon ko!“wag kayong mag-alala . Kaya ko siya gustong , para mabilis siyang gumaling.““Hindi mo na kailangan isipin yan, papel naming mga magulang yan” mariing pagtutol n
“Sa apartment mo? Ang dumi-dumi ng lugar na iyon! Ang gulo at ang sikip-sikip! Ano ba, Louisse, nag-iisip ka ba? Hindi karapat-dapat tawaging apartment iyon! Gusto mong mahiga sa banig samantalang ang lambot ng kamang hinihigaan mo sa atin!” galit niyang sigaw sa akin.Hinaplos ni Mommy ang kamay ko. Ngumiti siya ng payapa, parang inaalo ako sa galit ni Daddy.“Huwag mo siyang pansinin, anak. Kailangan mong magpahinga at magpalakas. Basta tandaan mong palagi lang kaming nandito para suportahan ka.”Hinaplos niya ang pisngi ko bago siya tumayo. “O siya, babalik la kami bukas. Magpagaling ka, ha at magpahinga ka na?”Ngumiti ako nang bahagya. “Sige po, Mommy, Daddy. Mag-ingat kayo pag-uwi. Salamat sa pagbisita”Nginitian ako ni Mommy bago lumabas ng kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Anthony.“I’m sorry, Louisse, pero hindi ka babalik sa apartment mo,” madiin niyang sabi nang tuluyan ng sumara ang pintuan. Pagbalik niya, naupo siya sa gilid ng kama ko at inilapit ang mukha niya sa akin. Na
Seryoso kong pinagmamasadan siya, pinipilit kong basahin ang totoong Athony Eduardo. Dahil sa totoo lang , ang dami kong naririnig tungkol sa Eduardo Clan. At ang magulong buhay pamilyang iyon. Habang nakatingin ako sa kaniya ay hindi ko maiwasang laitin sa isip ko king gaano kagulo ang pamilya nila. Alam kaya ni Anthony ang kataksilan ng kaniyang ama. Hindi kaya may kinalaman ang pagkamatay ng Daddy niya sa totoong pagkatao ni Lester? Bibilib na sana ako kaya lang hindi niya kayang makita ang mga taong nasa paligid niya. Maisip ko pa lang na ang puno’t dulo ng buong gulong ito ay si Lester at ang fiance niyang cheater ay nasusuka na ako. Napakagulo ng pamilyang ito. Ang mas nakakaalarma? Alam kong hindi lang din basta negosyante si Anthony. Sa dami ng mga bodyguard niya sa tuwing umaalis siya. Alam kong malaking tao siya. Taong hindi basta-basta na magagalaw ninuman. Kaya naiintindihan ko din kung bakit siya maingat. Pareho naman kami. Hindi namin lubos na kilala ang isa’t isa,
Kinabukasan ay muling nagbalik si Anthony dala ang pagkaing gusto kong kainin. Sinaluhan niya akong kumain sa dala niyang chowpan. Pagkatapos naming kumain ay tinulungan niya akong mag ayos ng aking sarili at naupo na rin sa tabi ng aking kama.Kung saan-saan na lang umabot ang aming kwentuhan hanggang sa kalagitnaan ng aming pag-uusap ay biglang tumahimik si Anthony. Tila may may malalim siyang iniisip habang pinaglalaruan ang kanyang baso ng softdrinks.“Louisse…” bungad niyang tawag sa akin, mas seryoso ang boses niya kaysa kanina.“Ano yun?” tanong ko, pilit na hindi nagpapahalata ng kaba.“May alam ka ba tungkol kay Lester? Sa tingin ko kasi parang may gusto kang sabihin sa akin pero hindi mo masabi,” tanong niya nang diretso habang tinitigan ako nang mariin.Natigilan ako. Dapat ko bang sabihin ang totoo? O mas mabuti bang manahimik na lang? Alam kong mas magiging magulo ang lahat kung malaman niya ang buong katotohanan tungkol kay Lester at sa kanyang fiancée na si Maise.“Wala
Tumawa siya, pero ang tawa niya ay may halong kakaibang lungkot. “Wag mo na akong bolahin? Malayo ako sa kung anumang iniisip mo, Louisse. May mga parte ng buhay ko na mas gugustuhin kong hindi na maungkat.”“Pwedeng malaman kung ano yun?” tanong ko, medyo nagbibiro pero may halong kaba.“Haha kakasabi ko lang sayo, pero sa tamang panahon lahat ng tungkol sakin ay malalaman mo din,” sabi niya habang muling nagsimulang maglakad. “Pero ikaw, Louisse. Kung may gusto kang sabihin sa nangyari sayo, ngayon na ang pagkakataon. Hindi kita huhusgahan. Gusto ko lang malaman kung bakit nangyari ang ganitong bagay sayo?” Nag-isip ako nang mabuti. Alam kong oras na para sabihin ang tungkol kay Lester at kay Maise. Pero paano ko sisimulan? Kaya tumigil ako sa paglalakad, tumingin sa kanya, at sinabi nang may halong kaba, “May gusto akong sabihin, pero… baka magbago ang tingin mo sa akin.”Nagtama ang aming mga mata, at ngumiti siya ng bahagya sa akin, tila pinapalakas niya ang loob ko. “Subukan mo
Matapos ang hapunan, unti-unting lumambot ang tensyon sa paligid. Ang bigat ng katahimikan ay napalitan ng mahihinang bulungan at tunog ng kubyertos na tinatanggal mula sa mesa. Ngunit kahit na naging mas magaan ang atmosphere, ramdam pa rin ni Louisse ang nananatiling banta na hindi pa tuluyang nawawala.“Manang, hayaan niyo na po akong tulungan kayo! Hindi kasi talaga ako sanay na walang ginagawa.” Malambing ngunit matigas ang tono ni Louisse habang sinusubukan niyang tumulong sa pagliligpit.Agad naman siyang itinaboy ng matandang kasambahay. “Naku, Ma’am Louisse, hindi po pwede! Wag na po kayong mag-alala, kaya ko na ito! Dun ka na lang sa may lanai area,” sagot ni Beb. Napansin niyang umiling si Anthony sa gilid na tila sinasang-ayunan ang sinabi ng kasambahay. Napakunot ang noo ni Louisse at gusto sana niyang magreklamo, pero alam niyang wala rin siyang magagawa.Lumayo siya mula sa hapag-kainan at tinungo ang pool area, hawak ang tasang puno ng mainit na kape na inihanda ni A
Ang katahimikan sa loob ng dining table ay tila isang manipis na pisi na handa nang maputol anumang oras. Sa bawat galaw ng kutsara at tinidor, sa bawat malalim na buntong-hininga, ramdam na ramdam ang bigat ng hindi sinasabing alitan.Sa gitna ng lahat, si Lester ay nakaupo mahigpit ang hawak sa kanyang tinidor na tila ba gustong tuhugin nang tuluyan ang inosenteng karne sa kanyang plato. Halos maubos na rin ang whisky sa kanyang baso isang bagay na hindi niya karaniwang ginagawa habang kumakain. Ngunit ngayong gabi, tila walang saysay ang mga dati niyang nakasanayan.Sa tabi niya si Louisse ay tahimik na nakaupo at mapagkumbaba ngunit halatang balisa. Ang dating palaging may ngiti sa kanyang labi ngayon ay napalitan ng matinding kaba. Kahit naman anong tanong niya sa sarili niya, alam niyang wala siyang nagwang mali. Kaya siguradong kung anong ginagawa niyang mali, pero sa titig pa lang ni Lester ay niyang siya ang dahilan ng bigat sa hapag-kainan.Si Anthony ay tahimik lang na
Hindi ko pinansin ang magandang damit, nakatutok ako sa mukha ko. Lumapit ako, itinagilid ang aking ulo, at kinuha ang mala-rosas na pisngi, hindi ko maitatago ang nanginginang kong mata, ang gusot na buhok, at ang langib sa aking pisngi. Hinalikan lang ako ni Anthony, at parang buong gabi niya akong pinapahirapan, ang kakaiba niyang halik, at ang masama, nagustuhan ko ito.Ano pa nga ba? Siyempre ang bawal ay palaging masarap!“Damt in!”Pagbaba ko ay may naririnig akong usapan at tawanan sa hagdan. Huminto ako saglit at huminga ng malalim, hinanda ko na ang aking sarili na makaharap ng malapitan ang mapapang-asawa ni Anthony. Hindi ko maiwasang manlait sa loob-loob ko ng finally makita ko na ang babaeng ito na nakiki-apid sa step-brother ni Anthony. Paano ko titignan ang babaeng ito sa mata, alam kung ano ang ginawa niya? Nakita niya ako, alam niya na alam ko ang totoo, at makaramdam siya ng pananakot sa akin. Natural na manahimik lang ako sa harapan nilang lahat, hindi pa ako na
LOUISSE POVAng unang beses na makipagtalik ako ay kay Neil, ang una at nag-iisang boyfriend ko. Dala ng kapusukan ng mga kabataan, pati na ng tukso ng mga kaibigan ko noong ika-labing labing limang kaarawan ko ay binigyan niya ako ng isang espesyal na regalo sa pamamagitan ng pagdadala sa aking pagkabirhen sa malambot na kama sa kanyang silid. Ito ay kakila-kilabot, na may kapital na F*CK! Hindi niya ako binigyan ng anumang foreplay para ihanda ako, bigla na lang niyang ipinasok ang kanyang tit* at itulak ito nang napakalakas. Pagkatapos ay tumakbo ako palayo, sinara ang pinto at sinira ang aming maikling relasyon. Sobra akong natakot noon.Dumating si Melo pagkalipas ng dalawang taon. Dahil sa ka-sweetan niya, pinaulanan ako ng pagmamahal, mga halik, at hindi na ako pinilit para sa anumang bagay. Hindi ko siya boyfriend, magkaibigan lang kami. Hindi planado ang aming pagtatalik, nanood lang kami ng movie sa sofa sa kanyang apartment at nagsimulang maghalikan. Dahil sa biglang pagl
Pagkababa ni Anthony ay maganda ang mood niya. Kinuha niya ang inumin na inihanda ni Ate Beb at naupo sa veranda, pinagmamasdan niya ang hardin habang nilalagok ang malamig na inumin.Simula noong unang nabuo sa isip niya ang plano para kay Louisse, handa na siya na kahit na anu pa mang kahihinatnan nitong kalokohang naisip niya. Napuno na niya ang wardrobe nito, inihanda ang silid, at nakipagplano ng bagong menu kay Ate Beb. Kailangang maging komportable si Louisse sa bahay na ito na parang nasa sarili niyang tahanan siya. “Hey.”Naputol ang pag-iisip ni Anthony nang marinig ang matamis na tinig ni Louisse mula sa kaniyang likuran. Napangiti siya at agad na itinaas ang kaniyang ulo, bahagyang napataas ang kilay niya sa gulat. Damn, she's too hot,Naisip niya, ngunit pinigilan niya ang sarili na matawa sa suot nitong kasuotan.“My God, Louisse, ano yang suot mo?” ibinaba niya ang baso at tumayo, sinipat niya si Louisse mula ulo hanggang paa.“ ano pa nga ba? Edi mga damit ko,” sago
"Halika na, may utang ka pa at hindi ka pa nakakabayad sa akin.” Piniga niya ang panga niya upang pigilan ang sarili na suntukin ito. Natutukso siyang ipakita ang hindi niya pagkagusto, pero alam niyang wala itong epekto kay Anthony kahit pa magwala siya ngayon sa harapan nito, wala rin namang silbi. Dahil kung gaano kataas ang pride niya ay ganuon din ito kakulit. "Let’s go." Inutusan siya ni Anthony, sabay kuha sa kanyang kamay upang akayin siya pataas. "Ayan ganyan nga? Oh diba mas okay kung susunod ka na lang muna sa gusto ko?, para naman ito sa ikabubuti mo.”Naglakad sila sa maliwanag at maluwag na pasilyo na tahimik, bago sila nakarating sa isang pintuan na binuksan ni Anthony para sa kanya. Tulad ng ibang bahagi ng bahay, ang kwarto ay nakakasilaw sa kalinisan at kaayusan. Sa kaliwang bahagi nito ay may malaking kama na may puting kumot. Ang pader sa itaas nito ay pinalamutian ng brown brick, at ang sahig ay natatakpan ng mga light panel at isang malambot na karpet. Ang buong
"Kung ang ibig mong sabihin ay kung kasama ko sila Mommy?Ang sagot ay hindi.Kasama ko dito si Ate Beb. Halos parang pangalawang ina ko na siya, matagal na siyang naninilbihan sa akin, pero hindi siya dito nakatira. Stay out siya, malapit lang ang bahay niya dito. Araw-araw siyang pumupunta para mag-asikaso ng mga kailangan dito sa bahay. Kaya kung may kailangan ka, siya ang sabihan mo kung sakaling wala ako dito.”Nanlaki ang mga mata ni Louisse. "Seriosuly? Isa lang ang katulong mo dito? Sa laki ng bahay mo?” Umiling siya ng may pagka-dismaya. "Nakupo kung ako ang katulong mo, kahit gaano kalaki ang sahod ko dito hindi ko talaga tatanggapin ang offer dito. Hindi ko ma imagine kung paano nagtagal sayo ang katulong mo”Naglakad lakad siya na animo’y sinusuri ang buong lugar, mula naman sa kaniyang likuran ay piit na napapangiti si Anthony. Para sa kaniya ay normal lang ang bahay na iyon. Wala pa iyon kung makikita ni Louisse ang bahay ng kaniyang Lola Kate.“Sorry, pero kanina Momm
Mabilis siyang lumingon dito, ang ekspresyon na may seryosong ekspresyon. "Hindi ka niya pwedeng galawin. I make my own rules in life," sagot ni Anthony ng walang bahid ng pag-aalinlangan sa kanyang boses.Sa totoo lang, ang engagement nila ni Maiseh ay isang desisyon hindi nagmula sa kaniya kundi para sa kanyang ama. Isa iyong kasunduang dulot ng pagkakaibigan ng kanilang mga pamilya. Bata pa lang siya, kilala na niya si Maiseh at kailanman, hindi siya binigyan ng pagkakataong mamili kung tatanggapin ito o hindi.Honestly, sa buong buhay niya, ang pagpayag sa kasalang ito ang pinakawalang-kwentang desisyong nagawa niya."Hindi ba magiging issue ako sa pagitan niyo ng pamilya mo o ni Maiseh?" tanong ni Louisse at halatang nag-aalinlangan.Huminto si Anthony at tumingin nang direkta sa kanya. "Mmm… Kaya ko namang i-handle ang lahat. Hindi rin gusto ni Mommy ang naging desisyon ni Daddy…" Saglit siyang nagbuntong-hininga, bago ipinagpatuloy ang sasabihin. "Alam mo ba kung gaano kahirap
"Naku naman Louisse. Huwag mo na akong pahirapan, pag nag traffic dito mas nakakahiya!” mahinahong sabi ni Anthony habang marahang tumayo sa harapan niya. Mas matangkad siya kesa kay Louisse, kaya nang tumingala ito upang salubungin ang kanyang tingin, lalo siyang naakit sa maliit nitong pangangatawan. Maganda ang hubog ng katawan ni Louisse, at mahirap hindi mapansin ang kaakit-akit nitong postura lalo na sa suot nitong masikip na itim na leggings. Napalunok si Anthony. Oh God, dapat ipagbawal ang mga leggings na ’yan!"Hindi ka mapapahamak kapag sumama ka sakin, pangako ko yan. Isang buwan lang ang hihilingin ko sayo at hahayaan na kitang umalis ng bahay basta masigurado ko lang ligtas ka. Isipin mo na lang na nag staycation ka.” sabi nito habang mapang akit na nakatingins kaniya. Bahagyang bumuka ang bibig ni Louisse at parang may gusto pang sabihin pero agad itong sinara ni Anthony gamit ang kaniyang daliri. Napansin ni Anthony na tuwing lumalapit siya rito, tila hindi ito ma