MABILIS na tumulin ang mga araw. Makalipas ang isang taon, kinabukasan ay kasal na nina Velora at Dewei. Ginanap ang bridal shower ni Velora sa condo ni Dewei. Sabi ng asawa niya mas okay na roon kaysa umupa pa sila ng mamahaling kuwarto sa hotel. Pero ang totoo ayaw ni Dewei payagan ang asawa sa idea ng bridal shower. At dahil kasal na rin nila kinabukasan ay pinagbigyan siya ng kanyang asawa. "Sure ka bang walang palpak ito, Aster? Baka pagalitan ako ni Dewei kapag malaman niyang may lalaki sa bridal shower ko. Ang kondisyon pa naman nun ay dapat walang lalaki," nag-aalalang tanong ni Velora. "Ako pa. Kapag ako ang nagplano walang palpak. Huwag mo ngang intindihin ang asawa mo. First time mo lang mararanasan ang bridal shower. Itodo mo na! Enjoy mo lang ang gabi mo!" May agam-agam naman si Velora. Hindi niya talaga gusto ang idea na 'to ni Aster. Nag-hire ang kaibigan niya ng stripper. Kabado siya sobra. Ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na mag-asawa, lalo na sa
⚠️ Warning: R-18 ‼️ There are some words that may not be suitable for young readers. "V, tawag ka ni manager," sabi ni Marisol kay Velora. Kasalukuyang, naglalagay ng make up si Velora sa mukha nang pumasok sa loob ng kanyang cubicle si Marisol. Ang kanyang baklang kasamahan sa club. Napatigil siya at napalingon kay Marisol. "Sabihin mo kay manager, susunod na ako." "Bilisan mo at baka mainip ang customer na naghihintay sa'yo. Alam mo, bakla, rinig ko, ha. Madatung! Mayaman at guwapo!" Tumitili pang sabi ni Marisol kay V. "Wala akong pakialam kung guwapo siya. Ang mahalaga sa akin ay kung may pera. Baka mamaya niyan barya barya lang ang ibigay sa 'king tip. Sayang lang ang oras ko d'yan." "Promise, galante daw 'to. Makapal nga ang bulsa at hindi mo pagsisihan. May pangdagdag ka na para sa kidney transplant ng kapatid mo." Parang biglang lumaki ang butas ng tenga ni Velora sa narinig. Kailangan na kailangan niyang makaipon para sa kidney transplant ng kanyang kapatid. Kula
UMUWI si Velora na malalim ang iniisip. Una niyang pinuntahan ang kapatid niya sa kuwarto nito. Bago umuwi ay nakapagbihis na siya ng kanyang damit."Bakit gising ka pa?" nakangiting tanong niya nang makita si Vanna na nakaupo sa kama. Payat ito, naninilaw ang mga mata at balat dahil sa sakit sa kidney."Hindi ako makatulog, ate. Bakit maaga ka umuwi ngayon? Di ba, mamaya pa ang tapos ng part time job mo?"Natigilan si Velora. Walang kaalam alam si Vanna tungkol sa kanyang maruming trabaho. Inililihim niya dahil ayaw niyang kasuklaman siya ng sariling kapatid. Lalo pa mataas ang tingin nito sa kanya."P-Pagod lang ako kaya umuwi na lang ako. Nagpaalam na lang ako sa boss ko," alibi ni Velora, pinilit niyang maging kaswal para hindi mahalatang nagsisinungaling. "May pasalubong ako sa'yo, hamburger at fries. Halika, kain tayo."Gumuhit ang masayang ngiti sa mukha ni Vanna. "Talaga po, ate? Yehey!"Nahawa na rin si Velora sa kasiyahan ng kapatid. Simple lamang ito pero ang laki ng hatid
"VELORA, ipinapatawag ka ni Mr. Hughes," sabay na napalingon sina Aster at Velora sa bagong dating na si Mr. Jai."Okay po, Mr. Jai." Magalang na tugon ni Velora at nagyuko pa ng ulo ng pagsang-ayon."Bilisan mo. Alam mong ayaw ni Mr. Hughes ang naghihintay."Opo..." inis niyang sabi sa P.A ng amo nila. At walang paalam na umalis na ito."Alam mo, palagi ka na lang ipinapatawag ni Mr. Hughes. Ano bang iniuutos niya sa'yo? Saka, ang pagkakaalam ko ay hindi siya papasok ngayon. Anong masamang hangin na pumasok si Mr. Terror?" Natanong ni Aster nang nakaalis si Mr. Jai.Napaiwas ng tingin si Velora sa kaibigan. "W-Wala naman. May ipinapagawa lang sa computer niya.""Hmm. Every week bang sira ang computer ni sir? Saka, bakit ikaw pa ang kailangan na mag-aayos? Wala na ba siyang pera para umupa ng computer technician?" Usisa pa ni Aster, hindi na ito natigil katatanong sa kanya tungkol sa amo nila.Nanlaki ang mga mata ni Velora at napalinga sa paligid."Ano ka ba, Aster? May makarinig sa'
"AHH... f^č̣k! I don't know why it felt so good when I felt your hotness." Napapapikit pang ungol ni Dewei.Napangiwi si Velora sa sobrang pagiging brutal ng amo. "Sir, ang bastos n'yo po. Para kayong hindi CEO ng Solara Essence."Pinaglandas ni Dewei ang kanyang daliri sa balikat ni Velora. Nakiliti and dalaga pero hindi niya ipinahalata sa amo n'ya."Sa'yo lang naman ako ganito. May narinig ka bang girlfriend ko o ibang babae dito sa kompanya ko?""Wala po. Pero, hindi po ako bagay sa isang katulad mo..."Natigilan si Dewei at seryosong napatitig sa mukha ni Velora."I'm contented every time you make me feel happy. Mas mapapasaya mo ako kung ibibigay mo sa akin ang nais ko. Sayang nga lang dahil ayaw mo," wika ni Dewei na nagpatitig sa mukha ng dalaga. Tila nanghahamon ang uri ng paninitig."Sabi n'yo nga kuntento na kayo na ganito tayo. Then, let's stay like this. I need you for my sister's operation. At kailangan mo ako para makaraos," walang pasubaling sabi ni Velora.Napangisi s
"VELORA… Velora, are you still there? Come out, the food is already here," katok ni Dewei sa pinto ng washroom.Mabilis na naghilamos si Velora ng mukha at hinagod ng daliri ang kanyang buhok. Muli niyang sinipat ang sarili sa salamin. Medyo namumula pa ang kanyang mga mata, pero umaasa siyang hindi mapapansin ni Dewei na kagagaling lang niya sa pag-iyak.Huminga siya ng malalim, inayos ang blouse at skirt niya, saka marahang lumapit sa pinto."L-Lalabas na..." sagot niya, bago pinihit ang seradura upang buksan ang pinto. Unang bumungad sa kanya ang malapad na ngiti ng amo niyang si Dewei Hughes. Napadako ang tingin niya sa loob ng opisina. Naroon si Mr. Jai, ang assistant ng CEO. Hindi siya nakatagal sa pagtitig sa lalaki kaya kusa niyang ibinaba ang kanyang tingin."You can go, Jai. May pag-uusapan pa kami ni Velora while taking our breakfast," madiing utos ni Dewei, hindi inaalis ang tingin kay Velora.Pagkaalis ni Jai, binalingan ni Dewei si Velora. Naglakad siya palapit sa dalaga
SINABUNANG maigi ni Velora ang kanyang buong katawan at nag-shave din siya ng kanyang gitna. It's her first night at gusto niyang maging memorable kahit na hindi sa lalaking pakakasalan niya.'Di niya maintindihan ang sarili, na-e-excite siya ngayong gabi sa mangyayari. Nagsinungaling pa siya kay Rosenda para lamang mapayagang hindi pumasok sa club.Pagkalabas niya ng banyo, nadatnan niya si Len na inihahanda ang pagkain ni Vanna."Papasok ka na ba, Velora, sa part time mo?" tanong ng ginang."Opo, ate. Kayo na po muna ang bahala kay Vanna. Dadagdagan ko na lang po ang bayad ko sa inyo." Tugon ni Velora. Pakunswelyo sa dagdag na oras na pagbabantay at pag-aalaga sa kapatid niya."Naku, itong batang 'to. Kahit 'wag na. Okay naman ang ibinabayad mo sa akin buwan buwan. Nakakasapat sa panggastos naming mag-anak," tangging sagot ni Len. Sobra naman ang buwanang sahod na natatanggap niya mula kay Velora."Nakakahiya naman po. Halos kayo na po ang palaging kasama ni Vanna. Wala din po akong
KABADO si Velora, pinagpapawisan ang kanyang palad sa nerbiyos habang nakatingin sa pinto ng condo unit ng kanyang amo na si Dewei. Wala na itong atrasan, andito na siya at hindi na makakawala pa sa anumang gustong gawin ng binatang amo.Napahinga siya ng malalim saka kinuha ang key card na inabot sa kanya sa reception kanina. Ang pakilala niya ay empleyado ni Mr. Dewei Hughes. Maigi na lamang ay nag-iwan pala ang binata ng spare key card para sa kanya. 'Di na niya maistorbo ang amo para pagbuksan siya ng pintuan."Para sa pagpapagamot ni Vanna. Kaya ko 'to..." ani Velora, kahit halata ang pag-aalangan sa kanyang tinig.Nai-swipe niya ang key card at agad bumukas ang pinto. Naihakbang ni Velora ang paa papasok sa loob. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa loob ng condo unit ng amo. Dinig niya na hindi ito madalas puntahan ni Dewei. Dahil naninirahan ito kasama ng parents at kapatid na bata sa kanya ng limang taon.Dahan dahan ang bawat hakbang ni Velora, tila nag-iingat na huwag m
MABILIS na tumulin ang mga araw. Makalipas ang isang taon, kinabukasan ay kasal na nina Velora at Dewei. Ginanap ang bridal shower ni Velora sa condo ni Dewei. Sabi ng asawa niya mas okay na roon kaysa umupa pa sila ng mamahaling kuwarto sa hotel. Pero ang totoo ayaw ni Dewei payagan ang asawa sa idea ng bridal shower. At dahil kasal na rin nila kinabukasan ay pinagbigyan siya ng kanyang asawa. "Sure ka bang walang palpak ito, Aster? Baka pagalitan ako ni Dewei kapag malaman niyang may lalaki sa bridal shower ko. Ang kondisyon pa naman nun ay dapat walang lalaki," nag-aalalang tanong ni Velora. "Ako pa. Kapag ako ang nagplano walang palpak. Huwag mo ngang intindihin ang asawa mo. First time mo lang mararanasan ang bridal shower. Itodo mo na! Enjoy mo lang ang gabi mo!" May agam-agam naman si Velora. Hindi niya talaga gusto ang idea na 'to ni Aster. Nag-hire ang kaibigan niya ng stripper. Kabado siya sobra. Ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan na mag-asawa, lalo na sa
"I want us to get married in the church, babe. Hindi pa tayo nagpapakasal sa simbahan. Ako lang ang nakakaalam na kasal tayong dalawa. Maybe it's time I show the world how much I love you, Velora," wika ni Dewei, punong-puno ng pagmamahal. Suminghot si Velora habang nakatitig sa mga mata ni Dewei. Tumulo na ang luha, hindi na niya iyon napigilan nang pumatak sa kanyang pisngi. Inihilig niya ang ulo sa balikat ng asawa. "Ano, itutuloy pa ba natin ang pag-uusap na 'to? Mukhang okay na ang lahat kina Dewei at Velora," biro ni Donny, sabay ngiti habang tinitingnan ang dalawa. Nagmo-moment na sila sa kanilang upuan. Nagtawanan ang lahat. Napaayos ng upo si Velora, namumula ang pisngi, pero bakas sa mukha ang tuwa at kilig. "Puwede ko po bang makausap kayo, Papa Vener?" seryosong tanong ni Dewei sa ama ni Velora. Biglang natahimik ang paligid. Lahat ng mata ay nakatuon kay Dewei, nakikiramdam sa susunod niyang sasabihin. "Oo naman, hijo. Ano ba 'yon?" sagot ni Vener, tumango-tango hab
KIMING nakaupo lang si Velora habang nasa harapan niya ang mag-asawang Hughes. Biyenan pala niya ang mga ito. Parang ang hirap mag-sink in sa utak niya na hindi iba sa kanya ang mag-asawa. Ang bilis ng pintig ng puso niya sa kaba. Sana'y dumating si Dewei para makaalis na siya. Pinagpapawisan na kaya ang mga kamay niya sa sobrang nerbiyos. Napayuko siya na itinago ang mukha sa sobrang hiya. Nakatitig lang ang mag-asawa kay Velora. Mamaya pa'y napatingin na sa kanyang relo si Donny saka napatingin sa pintuan na tila may hinihintay. "Why did they take so long? Dapat kanina pa sila andito.." Napaangat bigla si Velora sa narinig. Kinokontrol na mang-usisa. Hindi pa rin sila close at ayaw niyang magkamali. "Let's just wait, hon. They will come..." sabi naman ni Donny. Halata na ang pakainip sa mukha ni Solara. Sabay na napatingin sina Donny at Solara sa pintuan. Umaliwalas ang mga mukha ng mag-asawa. Sumilay din ang magandang ngiti sa kanilang mga labi. "They are here..." kita ang
HINAWAKAN ni Donny ang kamay ng kanyang asawa at napatingin si Solara sa kanya. "Hindi lingid sa akin ang lahat ng mga pinagdaanan mo. Napahanga mo ako sa katatagan ng loob mo. Matapang kang babae, Velora. Sa totoo lang... kami ang nahihiya sa iyo." Wika niya. Napahinga ng malalim si Donny. Sila ang nagkamali kay Velora, dapat silang humingi ng tawad. Kahit parang ang hira-hirap para sa kanila. "Salamat po sa magagandang sinabi n'yo sa akin. Mataas po ang tingin ko sa inyong dalawa. Naulila kami sa ina kaya alam ko ang hirap mawalan ng magulang. Hindi po ako gumanti o sumama ang loob ko. Gusto ko lang po ay mamuhay ng tahimik kasama ang pamilya ko," litanya ni Velora at sumabog na ang emosyon niya. Dumaloy ang mga luha sa kanya, sunod-sunod ang pagbagsak sa kanyang mga mata. "We're very sorry, hija. Kailangan mong pagdaanan ang malupit na kamay naming mag-asawa. Taos-puso akong humihingi ng kapatawaran sa lahat ng mga nasabi at nagawa ko sa'yo," sabi ni Solara at napatingin sa asa
"UUWI na ba kayo kaagad?" tanong ni Marilyn nang makitang naghahanda sina Vanna at Velora. "Opo, Ate. May naghihintay sa amin sa bahay." Sagot ni Velora. "Bakit hindi na lang dumito muna kayo? Dito na kayo mananghalian, mamaya na kayong gabi umuwi." Mungkahing pangungumbinsi ni Marilyn sa dalawang kapatid. Nasa kuwarto sila ni Marilyn, katabi niya ang anak na si Marizca sa kama. "Oo nga naman, mga anak. Humihiling ang kapatid n'yo nang kaunti pang oras sa inyong dalawa," segunda rin ni Vener. Pilit kinukumbinsi sina Velora at Vanna. Nagkatinginan sina Velora at Vanna. Nginitian ni Vanna ang Ate niya saka tumango. "Sige po... tatawag na lang po ako sa bahay mamaya." Pagpayag na rin ni Velora. Lumapad ang ngiti ni Marilyn. "Magpapahanda ako ng meryenda kay Aida. Anong gusto n'yo?" Masiglang sabi niya. Napangiti na rin si Velora at Vanna, at maging ang kanilang amang si Vener ay halatang masaya, ang ngiti niya'y sumasalamin sa kagalakang matagal na niyang hindi naramdaman
UMUWI na muna sina Velora at Vanna. Naiwan sa ospital ang Papa nila at si Dwight para magsalitang magbantay kay Marilyn. Pagkapasok nilang magkapatid sa loob ng bahay, sinalubong sila ni Len, karga si Baby Devor. Malawak ang ngiting ibinigay ng anak ni Velora sa kanya. "Namiss mo si Mama, Devor?" tanong ni Velora habang kinukuha ang anak mula kay Len. Ibinigay naman ito sa kanya, at pinanggigilan niya ang malalambot na pisngi ni Devor. "Kumusta ang kapatid n'yo?" tanong ni Len habang nakatingin sa kanila. "Ayos na po siya, Ate Len," sagot ni Vanna. "Salamat at ligtas siya. Kapag maayos na ang pakiramdam niya, samahan n'yo ako sa ospital para makilala ko naman siya." "Hayaan mo, Ate Len. Ipapakilala ko rin si Devor. May pamangkin na rin po kami para sa kanya," nakangiting sagot ni Velora. "Ay, siyanga ba? Marami na kayo ngayon. Dati kayo lang dalawa ni Vanna." Napatango si Vanna habang nakangiti. "Oo nga po, Ate. Nakakatuwa pong malaman na may pamangkin pa ako kay Ate Marilyn.
Inilipat na sa private room si Marilyn. Palaging nasa tabi niya ang asawang si Dwight. Hindi siya iniwan nito kahit na isang saglit. Nahihiyang pumasok sina Vanna at Velora sa kuwarto, sinamahan sila ng kanilang ama para dalawin si Marilyn. Ligtas na ito at nagpapagaling na lang. Ayon sa doktor ay nagtamo lang ito ng minor injuries at ilang sugat sa tuhod, at ulo. Pero hindi naman masyadong malala. Nagpapasalamat sila na 'yon lang ang natamong sugat ni Marilyn. "I'm just outside, hon," nakangiting paalam ni Dwight sa asawa para bigyan sila ng oras na makapag-usap na pamilya. Hinalikan niya muna sa noo si Marilyn bago lumabas ng kuwarto. "Salamat, Dwight," nakangiting sabi ni Velora. Tinanguan siya nito at lumabas na ng silid. Pagkaalis ni Dwight, saglit na katahimikan ang bumalot sa loob ng kuwarto. Tila nagpapakiramdaman sila kung sino sa kanila ang unang magsasalita.a Lumapit si Vener sa kama ng anak. Hawak niya ang kamay ni Marilyn, mahigpit pero maingat. "Anak..." mahina ni
BUHAT ni Dwight ang asawang si Marilyn. Wala itong malay at duguan ang damit. Kasunod niya ang ama ng asawa, mga kapatid nito, at si Dewei. "Doktor! Doktor!" malakas na sigaw ni Dwight habang napatingin kay Marilyn. Mula sa isang kuwarto ay lumabas ang isang babaeng nurse at agad silang nilapitan. "Ano pong nangyari sa pasyente?" "She got hit by a speeding car," sagot ni Dwight. "Ipasok n'yo na po sa loob at ihiga niyo sa bed. Tatawagin ko lang po ang doktor." Utos ng babaeng nurse at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Sumunod si Dwight sa sinabi ng nurse at naiwan sina Velora sa labas na nakasilip lamang sa loob habang maingat na naihiga si Marilyn sa bed. Takot na takot sila habang ang kanilang mga mata ay nasa kapatid. Ilang minuto lamang ay bumabalik ang babaeng nurse, kasama na ang doktor. "Excuse me po..." sabi ng doktor at binigyan nila ng daan ang lalaking doktor para makapasok sa loob. Napatingin si Dewei kay Velora. Banaag na banaag sa mukha nito ang pag-aalala at so
NATULALA si Marilyn nang marinig ang salitang "Papa" mula sa dalagita patungkol sa kanyang ama. Sinundan na lang niya ng tingin ang mga ito, parang naumid ang dila at hindi makapagsalita. Kaagad na tumayo si Vener at nilapitan ang magkapatid. "Buti nakarating kayo, mga anak ko, sa kasal ng kapatid n'yo." Nagkatinginan sina Velora at Vanna, saka muling napadako ang tingin kay Marilyn. Nagulat din ang mag-asawang Hughes sa narinig na magkapatid sa ama sina Marilyn at Velora. "Hindi totoo ’to..." mahina at hindi makapaniwalang sabi ni Marilyn. "Marilyn, totoong magkakapatid kayong tatlo. Anak ko sila kay Minerva," paliwanag ni Vener. Hinawakan ni Vener ang mga kamay nina Velora at Vanna saka lumapit kay Marilyn. Parang biglang namanhid ang buong katawan ni Velora nang mapagtantong magkapatid nga sila ni Marilyn. Nagtatanong ang kanyang tingin sa ama. "Mga anak, ang Ate Marilyn n'yo…" pakilala pa niya sa panganay. "Si Vanna ang bunso, at si Velora ang panganay sa kanilang dalawa