Nadaanan ni Ely si Carvie sa labas ng ospital na nakaupo mag isa. May mga dala siyang mga damit at pagkain nila. Nilapitan niya ito.
"Carvie, anong ginagawa mo dito sa labas?" tanong ni Ely. Nagpunas bigla ng kanyang luha si Carvie.
"Wala po, Kuya Ely. Nagpapahangin lamang po dito sa labas ng ospital" pagsisinungaling nitong sagot sa kanya.
"Kung ang ikinababahala mo ay si Cathleen. Huwag ka nang mag alala. Diba, sinabi ko na simula ngayon ako ang bahala sa inyo. Hindi ko pababayaan na may masamang mangyari kay Cathleen" wika ni Ely. Napatunghay si Carvie kay Ely.
"Bakit mo po ito ginagawa?"
"Gusto ko lang makatulog sa inyo ng Ate mo" sagot ni Ely.
"Mahal mo po talaga si Ate, Kuya Ely. Kaya kahit na ipagtabuyan ka niya heto ka pa din tinutulungan kami" ngumiti si Carvie kay Ely. Masaya siya dahil handang tumulo ng ang Kuya Ely niya sa kanilang magkakapatid.
Inakbayan ni Ely si Carvie. "Masyado ka pang bata para maintindihan mo ang sa amin ng Ate mo. And yes, gusto ko ang Ate mo. Mahal ko na siya. Pero ayaw niya sa akin. Hindi ko nga alam kung anong mali sa akin. Kaya niya ako pinatatabuyan."
"Kuya, kinse na po ako. Alam ko na at naiintindihan ko na ang lahat ng mga sinasabi mo."
"Salamat, Kuya Ely sa pagmamahal mo para kay Ate Cory. Huwag ka sanang magsawa na mahalin siya. Alam mo po siguro po iniisip niya na mahirap lamang kami. At ang yaman mo po. Sa itsura niyo pa lamang po alangan ka na sa amin. Kilala ko si Ate Cory. Kaya alam ko na iyon ang iniisip niya." dagdag pang sabi ni Carvie.
"Sa pagmamahal walang mayaman o mahirap. E, ano kung mahirap kayo. Tao pa din kayo at pantay pantay tayo sa paningin ng Diyos. Basta ilakad mo ako sa Ate mo, ha" nakangiting sabi ni Ely.
"Ikaw pa, Kuya Ely. Ang lakas mo kaya sa akin. Kahit itakbo pa kita kay Ate, Bayaw" nakangiti ng sagot ni Carvie. Hinawakan sa ulo ni Ely si Carvie at ginulo ang buhok.
"Pasok na tayo sa loob. Baka hinahanap kana ng Ate mo" aya ni Ely kay Carvie. Tumango naman ang binatilyo sa kanya. Kinuha ni Carvie ang ibang dala ni Ely at naakbay na naglakad sila papunta sa kuwarto ni Cathleen.
Inilipat ng private room si Cathleen. At naitakda na ang araw ng operasyon ng bata.. Ang hinihintay na lamang nila ay ang donor na malusog na puso para kay Cathleen.
Nakabantay pa din si Cory sa kapatid. Si Ely ay nakaupo malayo kay Cory. Matiyaga itong kasama ni Cory magbantay kay Cathleen. Pinauwi na muna ni Cory si Carvie para makapagpahinga.
Napapasara na ang mga mata ni Ely dahil sa antok at pagod. Kahit si Cory ay pagod na din at halos walang tulog. Napalingon si Cory sa kanyang likuran. Nakapikit si Ely na nakasandal ang ulo sa pader. Nakaramdam naman ng awa si Cory kay Ely. Kaya nilapitan niya ito.
"Ely, Ely" gising ni Cory dito at niyuyugyog sa balikat. Napamulat ng kanyang mga mata si Ely. Nagtama ang mga tingin nilang dalawa ni Cory.
"U-Umuwi ka muna" sabi ni Cory na Umiwas ng tingin. Babalik na sana siya sa upuan niya nang hawakan ni Ely ang kamay niya.
"Cory, can we please talk?" pakiusap na tanong ni Ely.
"Hindi pa ito ang tamang panahon para pag usapan natin ang kung ano man ang gusto mong sabihin, Ely" pagmamatigas pa din ni Cory. Binitawan ni Ely ang kamay niya at nilapitan na ni Cory ang kapatid niya.
"Thank you, Ely. Sa lahat ng naitulong mo sa kapatid ko. Mababayaran din kita sa lahat ng naitulong mo" sabi ni Cory na hindi tumitingin kay Ely. At umupo sa upuan sa tabi ng bed ni Cathleen.
"Hindi naman ako naniningil, Cory. Naiintindihan ko kung ayaw mo talaga akong harapin at ayaw mo akong tanggapin sa buhay mo. Huwag mo naman iparamdam sa akin ang pambabalewala mo sa akin. Nakakasakit ka na, Cory. Nasasaktan na ako ng sobra. Kapag naging okay na si Cathleen. Babalik na ako ng Manila at hindi na ako magpapakita pa sayo. Uuwi muna ako sa hotel room ko. Kung may iba kapang kailangan. Sabihin mo na lamang kay Carvie. Kung hindi mo pa din ako kayang kausapin ng maayos" paalam ni Ely kay Cory. Malungkot na lumakad na ito paalis.
Nakalabas na ng kuwarto ni Cathleen si Ely nang napalingon si Cory sa pintuan nilabasan ni Ely. Tumulo ang luha niya. Hindi niya gusto na maging matigas kay Ely. Sa totoo lang mayroon naman na siyang nararamdaman para sa binata. Pero natatakot siyang sumugal. Ang daming dapat ikonsidera kung tama bang tugunin niya ang gustong mangyari ni Ely para sa kanilang dalawa. Isa pa a ng mga isang gabi na iyon ay hindi dapat maging rason para gusto ni Ely na mapalapit sa kanya. Gusto niya may pagmamahal. Wala pa naman sinasabi si Ely sa kanya. Pero ipinaparamdam niya sa pamamagitan ng mga pag tulong niya sa kanilang magkakapatid. Hindi ito umalis kahti na ipagtabuyan pa niya.
Nakabalik na si Ely sa kanyang hotel room. Ilang araw din siyang halos hindi umuwi dito ng matagal. Uuwi man siya para lamang maligo at magbihis ng damit. Inihiga ang sarili sa kama at pinilit na makatulog. Magpapabook na siya ng flight pabalik ng Manila. Siguro kailangan na niyang sumuko.
Ilang araw na lamang at ooperahan na si Cathleen. Hahayaan na lamang niya si Cory sa gusto niyang mangyari, ang huwag niyang guluhin ito."Tristan, please book a flight for me pabalik ng Manila. I want it by next week" utos ni Ely sa kabilang linya.
"Noted, Sir. I just want to inform you Sir that your Dad is looking for you. Sinabi ko po na nasa out of town business meeting kayo" sagot at imporma ni Tristan ang sekretarya ni Ely.
"Salamat. Pabalik naman na ako ng Manila. I will just call Dad" tugon ni Ely sa kausap sa telepono. Saka pinatay na ang tawag.
Araw ng operasyon ni Cathleen at nasa loob na ng operating room na ito. Mataman na naghihintay sina Cory at Carvie sa labas ng operating room.Dumating si Ely at nilapitan si Cory."Puwede ba tayong mag usap, Cory? Gusto ko lamang na magpaalam. Babalik na ako ng Manila" sabi ni Ely."Kuya Ely, aalis kana?" tanong ni Corvie. Tumango ng ulo si Ely. Malungkot naman na tumingin si Carvie sa itinuring niyang Kuya."Ikaw na ang bahala sa mga kapatid ko, Carvie. Ikaw ang lalaki kaya protektahan mo sila. Pati ang Ate mo" bilin ni Ely dito. Tumango ng ulo si Carvie. Saka bumaling kay Cory."Dito ka lang muna, Carvie. Babalik ako" paalam ni Cory sa kapatid.Naunang lumakad si Cory at sinundan naman ito ni Ely. Nasa labas sila ng ospital para mag usap."Cory, I'm sorry kung naging makulit ako. Kung ginugulo kita. I'm really sorry. It's just I'm thinking I have a responsibility sayo dahil sa nangyari sa atin nuong gabi na iyon. Hindi ka lang din talaga maalis sa isipan ko simula ng may mangyari s
"Waitress, ang order namin! Kanina pa kami naghihintay, ah" angal ng customer."Sandali po" sagot ni Cory. Kinukuha niya ang order ng isa pang customer sa ibang lamesa."Cory, halika nga dito!" sigaw ng may ari sa kanya. Natataranta na si Cory. Kung sino ang uunahin. Mag isa lang kasi siyang serbedora sa isang kainan."Ah Ma'am ano po iyon?" magalang na tsnign niya."Kanina ka pa sa lamesang iyon. Nagrereklamo na 'yung nasa kabilang lamesa. Hala! Kunin muna ang order 'nun sa loob ng kusina!" galit na utos ni Meding."Pasensiya na po. Kukunin ko na po" nagmamadali naman ito na pumunta ng kusina para kunin ang order nung customer na nagrereklamo.Nagpatuloy ang buhay ng magkapatid na sina Carvie at Cory. Nawala man ang isa ay kailangan nilang bumangon at tumayo muli. Si Carvie ay muling nagpatuloy ng pag aaral. High school nga lang. Pero ang sabi ng gur9 niya ay puwedeng mag exam si Carvie para sa susunod na pasukan ay kolehiyo na siya. Ang bilis ng panahon. Kaya ito nagtitiyaga si Cory
Ito ang araw ng pag alis at pagpunta ng Maynila nila Carvie at Cory. Kasama si Calli. Nakasakay sila ng barko. At bukas ng umaga ay nasa Maynila na sila. Ang daming pumapasok sa isip ni Cory. Paano kung magkita sila ulit ni Ely? Ano ang gagawin niya kapag nalaman nito na may anak pala sila? Dalawang taon din niyang itinago si Calli. Baka kapag nalaman ito ni Ely ay ilayo nito ang anak niya sa kanya."Ang lalim ng iniisip mo, Ate" napalingon si Cory sa kapatid na tumabi na umupo sa higaan nila."Iniisip ko lang si Calli. Natatakot ako, Carvie. Ngayon na pupunta tayo ng Maynila. Kinakabahan ako para sa anak ko" hindi na niya na itago ang kanyang nararamdaman."Dapat nga matuwa ka pa. Dahil babalik na sayo si Kuya Ely. Kapag nalaman niyang may anak kayo. Hindi mo na ba talaga mahal si Kuya?" "Alam mong wala akong ibang lalaki sa buhay ko. Kundi si Ely lamang. Siyempre dahil mahal na mahal ko siya. Kahit na isang pagkakamali ang gabi na iyon sa aming dalawa. Hindi ko pinagsisihan iyon. I
"Mr. Andrew, sana na ma-final na natin ang resolusyon sa napipintong project sa Tagaytay. Kailangan na nating maayos kung kailan natin sisimulan ang project na ito" sabi ni Siegfrid Baltazar. Isa sa mga shareholder ng Andrew Industrial Corporation. Ito ay pag aari ng pamilya nina Ely. Sina Ely ay shareholder din sa HMG na pag aari ng ama ni Cindy."Yes, Fred. I will ask Dad kung ano ang gusto niya. Mas maganda na alam niya ang tungkol sa napakalaking project sa Tagaytay Sunrise. Sila ang mamahala sa construction sa napakalaking subdivision sa Tagaytay."Okay, Ely. But we need it as soon as possible. Alam namin na si Mr. Allen ang isa sa pioneer ng kompanya. But we trust you Ely that you can decide better than your father" ani Mr. Bert Sinas. Tumango at ngumiti si Ely."Salamat sa inyong tiwala sa akin. Pero mas gusto ko pa rin na si Daddy ang magdedesisyon para sa Tagaytay Sunrise" saad ni Ely.Nang matapos ang kanilang meeting ay isa isang nakipagkamay si Ely sa kanyang mga, empleyad
Hinihintay ni Ely si Cory na matapos sa trabaho nito. Nasa opisina ito ng Manager ng restaurant naghihintay. Nagbubulungan naman ang mga kasamahan niya dahil sa nalaman na magkakilala pala sina Cory at Mr. Andrew. Ang iba ay kinikilig habang ang iba naman ay naiinggit. Mayroon ding galit sa kanya. Si Eliseo Andrew kaya iyon. Ang may ari ng Andrew Industrial Corporation. At iba pang mga negosyo na pagmamay ari ng pamilya niya. Siyempre siya ang nag iisang anak na magmamana ng lahat nang iyon."Sir Andrew, baka po may kailangan po kayo? Juice or coffee?" baling na tanong ng Manager kay Ely. Napapansin niya ang mga malalagkit na tingin nito sa kanya. Umiling ng ulo si Ely. Siyang pasok naman ni Cory. Nakangiti itong sinalubong ni Ely."Tapos ka na?" masuyong tanong ni Ely."Oo, tapos na ako. Out na nga ako" sagot ni Cory. Hinawakan ni Ely ang kamay ni Cory."Let's go" aya ni Ely. Muling sumulyap ni Cory ang Manager nila."Ma'am, alis na po kami. Salamat po" paalam ni Cory. Hindi naman n
Kung wala pang tumawag kay Ely ay hindi ito uuwi at doon na muna sa bahay nina Cory matutulog. Sobrang ayaw nang malayo ni Ely sa anak. Dalawang taon niya itong hindi nakasama. Siyempre nangungulila pa siya sa anak niya na itinago ni Cory."Carvie, ikaw na muna ang bahala sa mag ina ko. Uuwi lang ako. Bukas ay babalik ako para makasama silang muli" bilin nitong kay Carvie."Oo naman, Kuya Ely. Ako naman talaga ang laging tumitingin sa mag ina mo" sagot ni Carvie.Hinalikan ni Ely sa noo ang anak. Pagkatapos ay hinalikan niya sa labi si Cory."I will be back. And get ready, Cory when I'm back. Dahil isasama ko na kayo sa bahay ko" paalam ni Ely kay Cory."Baby, uwi muna si Tatay. Babalik si Tatay, ha. Hintayin mo ang Tatay" paalam din nitong sabi sa anak. Yumakap naman si Calli sa ama na nakasampay ang mga kamay sa leeg ni Ely. Tumalikod na si Ely sa kanyang mag ina. At sumakay ng kanyang kotse. Muling sinulyapan si Ely ang kanyang mag ina. Bago pumasok sa loob ng kanyang kotse. Kumaw
Nagising si Cory na katabi si Ely. Nasa sahig sila natulog na dalawa habang ang anak nila ay nasa higaan. At tulog pa din ito. Nakangiti na pinagmamasdan ni Cory si Ely. Naulit na naman ang mga nangyari sa kanila. Ibinigay na naman niya ang sarili ng buong puso dahil mahal niya si Ely.Kinintalan ng halik ni Cory si Ely sa pisngi saka tumayo. Diretso siyang pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos maligo at makapagbihis ay pumunta na siya ng kusina para magluto ng almusal ng mag ama niya.Masayang inaayos niya ang lamesa nang may marinig siyang boses."Gemma, I'm not at home. Okay. I have important thing to do today. So I can't be with you" ang sabi ni Ely habang nasa tenga niya ang telepono niya."Just wait when I come to the office. Bye" saka pinatay ni Ely ang tawag ni Gemma.Dali daling umalis si Cory sa may pinto at bumalik sa kusina. Nagkunwaring inaayos ang mga pinggan at baso. Nang may yumakap sa kanya. Kahit hindi niya tingnan ay alam niyang si Ely iyon."Good morning, Baby"
Pagkapark ng kotse ni Ely ay dumiretso na siyang lumabas ng kanyang sasakyan. At pumasok sa loob ng bahay nila. Naabutan niya ang Mommy niya na nasa sala at kausap si Gemma. Parehong napalingon silang dalawa. At malawak na ngumiti si Gemma ng makita si Ely.Tumayo at sinalubong ni Gemma si Ely ng yakap. Pero hahalikan na niya sa labi si Ely nang umiwas ito. Nagtatakang tumingin si Gemma kay Ely."What's wrong?" tanong ni Gemma. Umilig lang ng ulo si Ely."Kanina pa naghihintay si Gemma sayo, Ely. Saan ka ba galing?" singit na tanong ni Eladia sa anak."May pinuntahan lang pong importante, Mom" sagot ni Ely. Makahulugang tiningnan ni Gemma si Ely."Oh siya. Maiwan ko na kayo diyan. Mag usap kayo" sabi ni Eladia sa dalawang magkasintahan. At umalis na ito para pumunta ng kusina.Hinahawakan ni Gemma sa braso si Ely. Pero umiiwas ito."Can you sit down? And let's talk" pakiusap ni Ely kay Gemma."Sa akin ka pa ngayon nakikiusap para makipag usap sa akin. Why Ely? What happening to you?"
Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag
"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal
This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay
Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba
"Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp
Matalim na tingin ang ipinukol ni Ely. Tumatagos ito sa katawan ni Gerardo. "Bitawan mo ang anak ko! Kung hindi mauubos ang pasensiya ko na kanina ko pa tinitimpi! I can be evil that you cannot imagine. Sinusubukan kong pigilan ang konti kong pasensiya. Pero, nasasagad na ang pasensiya ko! Sobrang maiksing-maiiksi na. Better to let go of my child, now!" mga babala ni Ely habang nakatiim bagang at nasa likod ang kanyang kamay.Papalapit siya kay Gerardo nang hindi nito napapansin. Habang si Calli ay panay ang piglas sa hawak ni Gerardo sa kanya."Bitawan niyo po ako! Maawa po kayo sa akin. Sabi niyo Lolo namin kayo ni Elias" umiiyak na sabi ni Calli. Tumingin si Gerardo sa bata."Kaya po kami sumama ni Elias sa inyo kasi mabait kayo. Binilhan niyo pa po kami ng ice cream. Binantayan namin si Tita Gemma. Kasi sabi niyo gusto ninyong bumalik si Tita Gemma sa dati. Kagaya po ni Nanay. Pero, bakit po ngayon sinasaktan niyo kami ni Elias? Wala naman po kaming ginawa kay Tita Gemma na masama
Isa isang nagsibabaan ang mga pulis sa mga patrol car nila. Kasama nina Ely si Omari sa HiAce van na lulan sila."Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod pa sa amin sa loob" bilin ni Omari sa magkakaibigan. Magsasalita na sana si Ely nang pigilan ito ni Omari."Huwag nang matigas ang ulo, Ely" saad ni Omari ka Ely. Walang nagawa si Ely kundi ang magpaiwan sa loob ng van.Lumabas na ng sasakyan si Omari. Naiwan ang magkakaibigan sa loob. Hindi mapakali si Ely. Dalawang anak niya ang nasa loob ng bahay ng mga Martino. Napapapikit siya sa isiping puwedeng mangyari sa dalawang bata. Maghahanap pa siya ng mga salitang puwedeng ibigay na ipaliwanag sa asawa. Sa nakikita palang niya na gagawin ni Cory ay nanghihina na siya.Makakaya kaya niya na may mawala sa mga taong importante sa buhay niya?"Payagan niyo na ako. Kailangan kong makita ang mga anak ko!" pamimilit ni Ely. Hawak siya sa braso ni Parker at Nickson."Pare, hayaan mo na ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga bata. Maghintay na l
Malakas na nahampas ni Ely ang manibela. Kung kailan siya nagmamadali. Saka pa siya maiipit sa traffic. Wala siyang magawa kundi ang maghintay. Masyado na siyang nag aalala para sa kalagayan ng mga anak. Pati na din sa kalagayan ng asawa niya. Kagagaling lang ni Cory at ayaw na ni Ely na bumalik ang sakit ng asawa. Sana lang ay hindi totoo ang hinala niya. Huwag naman sana ang kanilang dalawang anak."Cory!" alalang alala na tawag ni Ely sa asawa. Mabilis ang paghinga sa hingal dahil sa pagmamadali. Hinahanap ng mga mata niya ang asawa na ayon kay Edna ay kanina pa hindi humihinto sa pag iyak."Sir Ely?" si Edna ang nasalubong niya sa sala."Ang Ma'am Cory mo?""Nasa kuwarto niyo po. Kasama si Ditas at Yaya Katring. Kanina pa po umiiyak si Ma'am. Nag aalala na po kami ni Ditas" sagot ni Edna. Mababanaag ang ang takot para sa kaniyang aamong babae. Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo si Ely pataas ng hagdan. Papunta sa kuwarto nilang mag asawa. Nang makarating sa tapat ng pinto ay k