Kinabukasan ay masigla na si Ely na pumasok sa kompanya. Nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang marinig ang sinabi ng Daddy niya. Akala niya ay mahihirapan siyang ipaintindi ang kanyang sitwasyon."Ah, Wendy please ready the file of Mr. Dela Cruz. And bring to me inside my office" utos ni Ely sa sekretarya niya."Okay, Sir" tugon ni Wendy. Papasok na sana si Ely sa loob ng opisina niya nang may pahabol na sinabi si Wendy sa kanya."Nasa loob po ang girlfriend niyo" imporma ni Wendy. Napalingon ang amo sa kanya. Saka tumango ng ulo. At tumuloy ng pumasok sa loob ng opisina niya. Andoon nga sa loob si Gemma na nagbabasa ng diaryo. Diretso siyang pumunta sa swivel chair niya. At umupo."Good morning, Babe" bati ni Gemma. Tumayo ito at hinalikan sa pisngi si Ely."Good morning din" walang ganang bati din ni Ely. Napansin iyon ni Gemma at hindi na lamang kinontra si Ely."Nagbreakfast ka na ba? Ang aga mo naman pumunta dito" tanong na dugtong ni Ely."Hindi pa nga, e. Gusto ko sana kasaba
"Bitawan mo nga ako, Ely! Hindi ako sasama sayo! At hindi na ako maniniwala pa sa mga kasinungalingan mo. Sapat na sa akin ang mga nakita ko at nalaman!" madiing tanggi ni Cory habang pumapalag sa pagkakahawak ni Ely sa kanyang kamay."I'm not going to let you go, Cory. Kung ayaw mong sumama sa akin. Kakaladkarin kita! Hindi ako bibitaw! Hinding hindi na kita ulit pakakawalan pa" matigas na pagkakasabi ni Ely habang mahigpit na hawak si Cory sa braso nito. Walang nagawa ang mga pagtanggi ni Cory at hinila siya pabalik sa restaurant ni Ely."Ely, please. Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo ang kapakanan namin ni Calli ang gusto ko mong mangyari. Gusto mo bang mapahiya ako sa lahat ng tao? Ang mga kutyang sasabihin nila. Maatim mo bang marinig iyon mula sa bibig ng mga taong huhusga sa pagkatao ko dahil lang sa pumatol ako sa lalaking may girlfriend na""Cory, I will not let that happen. I will protect you and my child at any cost. Hindi ako tatayo lang at hahayaan ang iba na alipustahin ka.
Agad na pinagbuksan ni Ely si Cory ng pinto ng kanyang sasakyan. Hawak kamay silang naglakad papunta sa bahay na inuupahan nila Cory. Nagmamadali si Ely at seryoso lang itong nakatingin sa dinadaanan nila. Lumingon si Cory kay Ely na seryosong diretso lang na nakatingin sa daan.Kaagad na pumasok sila sa loob ng bahay. At kaagad ding hinanap ang anak nila si Calli."Calli" tawag ni Cory. Lumabas naman ng kuwarto si Carvie at nilapitan ang kapatid at Kuya Ely nia."Ate, bakit?" nagpalipat lipat ng tingin siya sa kapatid at kay Kuya Ely niya. Tinapik naman ni Ely sa balikat si Carvie."Kukunin ko na sila. Isasama ko na ang mag ina ko sa bahay ko" si Ely na ang sumagot. Napangiti si Carvie at tumingin sa kapatid. Tumango ng ulo si Cory. Tuwang tuwa naman si Carvie na malaman na magsasama na ang Ate niya at Kuya Ely niya. Kasama ang anak nila. Isang buo na silang pamilya."Sobrang masaya ako para sayo, Ate Cory. Sa wakas magkakaroon na ng totoong Tatay si Calli" masigla ng sambit ni Carvi
"What is this Eliseo? Nakabuntis ka ng kung sinong babae na pinulot mo lang sa kalsada. Ano na lamang ang sasabihin ng Mama ni Gemma?! You make me dissapointed na nakabuntis ka ng isang babae na hindi naman kilala ng Daddy mo!""Mom, I don't care. Saka wala akong pakialam sa kung sino siya! Mahal ko po si Cory. At si Cory lamang ang gusto kong makasama at hindi si Gemma" maririing sagot ni Ely. Nanlaki ang mga mata ni Eladia at mas lalong nagalit ito."Ibalik mo na ang mag ina na iyan kung saan man sila! Ayaw ko na mabahiran ng dumi ang pamamahay ko, Ely!" bitaw na salita ni Eladia."Kung hindi niyo po matatanggap ang mag ina ko. Mabuti pa na pati ako ay aalis dito sa sobrang malinis mong bahay! Tutal, takot ka naman na madumihan ang bahay mo. Diba, Mommy? Ngayon wala na akong pakialam kung tanggap niyo o hindi ang aking mag ina. Ang mahalaga sa akin ay si Cory at Calli lang! Mas kailangan ako ng aking mag ina kesa sa inyong masyadong matapobre! Sarili ninyong apo ganyan ang trato niy
Sinamahan ni Omar si Ely para bumili ng singsing sa jewelry shop niya."Pare, sigurado ka na ba na gusto mo nang pakasalan iyang si Cory?" tanong ni Omar."May anak na kami at mahal ko si Cory. Hindi pa ba sapat iyon na dahilan para pakasalan ko si Cory?" sagot ni Ely."Tulungan mo na lang akong pumili ng magandang singsing para kay Cory" dugtong na sabi ni Ely kay Omar.Tinawag naman ni Omar ang isa sa taga assist sa mga customer. Kinuha nito ang mga singsing na mga nakatago. Bagong collection iyon sa shop ni Omar."Ito, Pare. Maganda ito. 18k gold at may 1 carat diamond ito. May malilit din na diamond sa paligid nito. Bagay na bagay ito kay Cory" suhestiyon ni Omar. Napangiwi si Ely. Sa pagkakakilala niya kay Cory. Hindi ito mahilig sa materyal na bagay. Lalo na sa alahas."Hindi ba masyadong malaki ito para sa kanya. Simple lamang si Cory. Baka hindi niya magustuhan ang singsing" sabi naman ni Ely.Napakibit ng balikat si Omar."Ikaw na lang ang pumili dahil mas kilala mo naman si
Ely's POVThis night is our wedding day. Mabilis na pinaayos ko ang aming mga papel. Para mapakasalan ko na ang kaisa isang babaeng nagpapatibok ng puso ko. Si Cory.When I got a broken hearted to Cindy. Gumuho ang mundo ko. Pero nuong nakausap ko si Cory that night I saw a new light. Ang bagong liwanag sa buhay ko. I meet her when I'm down. And she give me all the best in my life. Nuong naangkin ko siya. I am the luckiest man on earth. Dahil ako ang nakauna sa kanya. Ibinigay niya ang sarili niya sa akin. At dahil doon hindi ko na siya nakalimutan pa.Heartbeats fastColors and promisesHow to be braveHow can I love when I'm afraid to fallBut watching you stand aloneAll of my doubtSuddenly goes away somehowOne step closerI have died everyday waiting for youDarling, don't be afraid I have loved youFor a thousand yearsI love you for a thousand moreMag isang naglalakad ang aking bride. Wearing just a maxi dress. Nakakatawa diba? Ikakasal kami na ganoon lang ang aming mga, kas
After two weeks on honeymoon. Ely and Cory decided to go home. Namiss na nila ang anak nilang si Calli. Kung puwede lang na dalhin nila sa honeymoon si Calli ay ginawa na nila. Pero si Carvie na ang nagkomento na dapat ay sila lamang dalawa ang dapat na magbakasyon. Tutal kakasal lang nila. And they need to spend together on a vacation."Nanay, Tatay!" masayang sigaw ni Calli habang nakikitang palapit sa kanila sina Ely at Cory.Niyakap naman kaagad ni Cory ang anak. Pagkatapos ay hinagkan ni Ely ang anak sa pisngi. Masaya silang mag-asawa na makita ang anak. "Namiss kita, Calli" magiliw na sabi ni Cory habang hawak sa baba ang anak."Ako din po" tugon din ni Calli."Susunduin na namin si Calli, Carvie. Salamat sa pag aalaga kay Calli" ani Ely habang kinakarga ang anak."Walang problema, Kuya Ely. Basta si Calli. Anytime puwede ninyong iwanan si Calli sa akin" sabi ni Carvie. Nakatingin lang si Carvie sa mag anak na papalapit sa sasakyan ng asawa nito. Napapangiti siya. Walang pagsi
Tulog pa din si Ely. At medyo may tampo si Cory na mag uumaga na umuwi ng bahay ang asawa. Habang pinapakain ni Cory ang anak ay hindi niya maiwasan na hindi titigan ito. Magtatatlong taong gulang na ito. At mas lalong nakita sa mukha nito si Ely. Girl version talaga si Calli ng asawa."Nay, si Tatay po?" tanong ni Calli."Tulog pa.""Laro po kami mamaya, ha" masiglang sabi pa ni Calli."Baka pagod si Tatay. Kaya hindi muna puwedeng makipaglaro si Tatay kay Calli. Pero may suggestion si Nanay" wika ni Cory habang mataman na nakatingin ang anak sa kanya. At hinihintay ang huling sasabihin nito."Gusto mo bang sumama kay Nanay. Punta tayo ng supermarket. At ibibili kita ng ice cream" masaya na dugtong ni Cory. Nanlaki naman ang mga mata ni Calli."Talaga po, Nanay?" tumango tango naman ng ulo si Cory sa anak."Ready ka na ba, Anak? Aalis na tayo" tanong ni Cory."Opo, Nay" magalang na sagot ni Calli."Hawak ka na sa kamay ni Nanay" utos ni Cory sa anak at iginiya ang anak pa palabas ng
Bumalikwas ng bangon si Cory. Mataas na ang sikat ng araw sa labas. Tanghali na? Napasarap ang tulog niya. May mga pasok ang mga anak nila ngayon.Nagmamadali siya na bumaba ng kama ng kama. Saka pumunta ng banyo. Mabilis na ginawa ang morning routine niya. Nang matapos ay nagbihis siya at lumabas ng kuwarto nilang mag asawa.Bumaba siya sa sala. Tahimik ang paligid. Nasaan ang mga tao? Maaga bang umalis si Ely papunta sa opisina niya? Hindi man lang siya ginising ni Ely. Nafrustrated na hindi siya ang nag-asikaso sa mga anak.Pumunta na lang siya ng kusina. Para tignan kung anong niluluto ni Manang Ester. Pero wala siyang nadatnan na tao doon. "Nasaan ang mga tao dito sa bahay?" usal na tanong ni Cory sa isip.Umakyat siyang muli para puntahan ang mga anak sa kuwarto ng mga ito. Una niyang binuksan ang kuwarto ni Calli. Wala doon ang panganay na anak. Sinunod niya ang kuwarto ni Elias. Katulad kay Calli ay wala din doon si Elias. Pati si Mari ay wala doon. Pati na ang bunso nila.Ag
"Nanay, may nanliligaw na po kay Ate Calli sa school." sumbong ni Elias sa ina. Napatingin si Cory sa kanyang panganay na anak. Dalagita na ngayon si Calli."Totoo ba iyon, Calli?""No, Nanay. Hindi po iyon totoo. Nagsisinungaling lang po siya. Si Elias kaya ang may crush na. Nahuli ko po siya na may kausap na student sa kabilang school." tangging sagot ni Calli sa ina. Nagtuturuan na ang dalawang bata sa kanya.Nagsalubong ang kilay ni Cory sa narinig. Malalaki na talaga ang mga anak nila ni Ely. Nagkakaroon na nang crush o nagugustuhan."Pag aaral muna ang atupagin ninyong dalawa. Okay lang kung magka-crush. Huwag lang pabayaan ang pag aaral." pangaral niya sa mga anak. "Nag aaral po akong mabuti. Ewan ko lang po kay Elias." sagot ni Calli. Fifteen years old na si Calli at nasa high school na. Habang si Elias ay labing tatlong taong gulang.Apat na ang anak nina Cory at Ely. Si Calli ang panganay nila. Sumunod si Elias, pangatlo si Mari, pang apat si Eliseo Jr. Eliss ang palayaw na
Cory's POV After nang kasal namin ni Ely sa simbahan ay mas lalong tumibay ang relasyon naming dalawa. Mas lalong napamahal si Ely sa akin. He is so perfect to me. Kung puwede lang sabitan siya nang medalya sa pagka uliran niyang asawa at ama ng mga anak namin ay ginawa ko na. Ilang beses kaming pinaglayo ng tadhana. Pero si Ely ang mas lumaban para matalo namin ang mga pagsubok ni Tadhana. Magsucced kami. At ngayon nga ay masayang masaya na nagsasama kasama ang aming mga anak. "Mahal, umuwi kana" tinawagan ko si Ely sa phone para lamang pauwiin sa bahay. "Why, Baby? Hinif pa tapos ang trabaho ko" "Kapag hindi ka umuwi. Aalis ako ngayon. Bibitbitin ko ang tatlong anak mo!" pananakot ko sa asawa ko. Ganito ako ngayon maglihi sa aming pang apat na anak. Navison ko na napasabunot ng buhok ang asawa ko. Kilalang kilala ko ang asawa ko. Kilos pa lang niya alam na alam ko na. "Okay. Uuwi na po" napabuga ito nang hangin na pumayag sa gusto ko. Hinid siya under de saya. Mahal na mahal
This is it! Ang araw na ikakasal sina Ely at Cory sa simbahan. Sa loob ng simbahan ay halos mapuno na ng mga bulaklak na paborito ni Cory. Ang tulips at white roses.Lahat ay excited na makita ang bride. Habang ang groom ay naghihintay sa pagpasok ni Cory sa loob ng simbahan. Si Omar ang kanyang bestman. Invited ang lahat ng kaibigan niya. Si Peter ay kasama sa mga abay at si Carvie. Pati na din si Vince. Kasama din sa mga groomsmen si Francis at Ashton. Kaibigan ni Parker. Habang ang kay Cory na maid of honor ay si Sierra. Pinsan ni George. Kasama sa bridesmaid sina Edna, Ditas, Sandra at Glenda. Naaliw sila kay Francis dahil hindi ito umaalis sa tabi ni Glenda. Si Glenda naman panay ang taboy kay Francis. Si Peter ay hindi na naalis ang tingin kay Edna. Naiinis naman si Sandra kay Ashton na kanina pa siya kinukulit. While Vince, tahimik lang sila ni Ditas. Napipi ang madaldal na si Ditas. Si Carvie ay isinama ang girlfriend na si Anastacia na maging partner niya.Ang flower girl ay
Buhat ni Cory ang isang bag na pinaglagyan ng mga gamit ng kanyang mga anak. Damit, laruan at kung ano ano pa. Nauna nang pumasok sina Ely kasama ang dalawang bata. Habang si Yaya Katring ay akay ang bunsong anak. Si Ditas ay nauna na ding pumunta ng kusina para tingnan kung ano pa ang puwede niyang iluto para sa hapunan nila.Nagulat si Cory nang biglang namatay ang ilaw sa buong kabahayan. Nanlaki ang mga mata niya. Naisip kaagad ang mga anak. Tiyak na mag iiyak ang bunso nilang si Mari. Pati na din si Elias. Takot pa naman sa dilim ang panganay na anak.Ang ipinagtataka niya ay walang tumatakbo para puntahan siya at igiya papasok sa loob ng bahay. Tangan ang cellphone na siyang nagsilbing flashlight sa kanyang daraanan."Ely!" tawag niya sa asawa. Tahimik ang buong paligid. Wala siyang marinig na ingay mula sa mga anak.Inilapag ni Cory ang dalang bag sa sofa saka dahan-dahan na humakbang. Sa sobrang dilim ay halos mangapa siya. Idagdag pang ramdam niyang mag isa lamang siya sa iba
"Sobrang miss ko na kayo. Mama, Papa at Cathleen. Nagsasaya na kayo diyan sa Itaas. Salamat po, Mama. Binigyan mo po ako ng isa pang kapatid. Si Kuya George. Masaya ako na nadadagdagan ang aking pamilya. May Kuya na ako at Ate pa kami ngayon ni Carvie. Hindi po kami ulila dahil palagi kayong andiyan para sa amin. Hindi man namin kayo kasama o nakikita. Andito kayo sa puso namin. Kailanman ay hindi mawawala" nitong nakalipas na dalawang taon ay hindi pumalya si Cory na dalawin ang namayapang magulang at kapatid. Pumupunta sila ng Samar para madalaw sila at muling makasama kahit na tuwing Araw ng mga Kaluluwa.Dalawang taon ang lumipas nuong nangyari ang insidente ng pagdukot kina Calli at Elias. Akala ni Cory ay tuluyan nang may mawawala sa kanyang buhay. Magluluksa kagaya nuong nawala si Cathleen sa kanilang magkapatid.Halos gumuho ang mundo niya nang malaman na isinugod sa ospital si Ely. Nagkaroon ito ng tama sa balikat. Dahil sa tama ng baril mula na kagagawan ni Mr. Martino. Nagp
Matalim na tingin ang ipinukol ni Ely. Tumatagos ito sa katawan ni Gerardo. "Bitawan mo ang anak ko! Kung hindi mauubos ang pasensiya ko na kanina ko pa tinitimpi! I can be evil that you cannot imagine. Sinusubukan kong pigilan ang konti kong pasensiya. Pero, nasasagad na ang pasensiya ko! Sobrang maiksing-maiiksi na. Better to let go of my child, now!" mga babala ni Ely habang nakatiim bagang at nasa likod ang kanyang kamay.Papalapit siya kay Gerardo nang hindi nito napapansin. Habang si Calli ay panay ang piglas sa hawak ni Gerardo sa kanya."Bitawan niyo po ako! Maawa po kayo sa akin. Sabi niyo Lolo namin kayo ni Elias" umiiyak na sabi ni Calli. Tumingin si Gerardo sa bata."Kaya po kami sumama ni Elias sa inyo kasi mabait kayo. Binilhan niyo pa po kami ng ice cream. Binantayan namin si Tita Gemma. Kasi sabi niyo gusto ninyong bumalik si Tita Gemma sa dati. Kagaya po ni Nanay. Pero, bakit po ngayon sinasaktan niyo kami ni Elias? Wala naman po kaming ginawa kay Tita Gemma na masama
Isa isang nagsibabaan ang mga pulis sa mga patrol car nila. Kasama nina Ely si Omari sa HiAce van na lulan sila."Dito lang kayo. Huwag na kayong sumunod pa sa amin sa loob" bilin ni Omari sa magkakaibigan. Magsasalita na sana si Ely nang pigilan ito ni Omari."Huwag nang matigas ang ulo, Ely" saad ni Omari ka Ely. Walang nagawa si Ely kundi ang magpaiwan sa loob ng van.Lumabas na ng sasakyan si Omari. Naiwan ang magkakaibigan sa loob. Hindi mapakali si Ely. Dalawang anak niya ang nasa loob ng bahay ng mga Martino. Napapapikit siya sa isiping puwedeng mangyari sa dalawang bata. Maghahanap pa siya ng mga salitang puwedeng ibigay na ipaliwanag sa asawa. Sa nakikita palang niya na gagawin ni Cory ay nanghihina na siya.Makakaya kaya niya na may mawala sa mga taong importante sa buhay niya?"Payagan niyo na ako. Kailangan kong makita ang mga anak ko!" pamimilit ni Ely. Hawak siya sa braso ni Parker at Nickson."Pare, hayaan mo na ang mga pulis. Ililigtas nila ang mga bata. Maghintay na l
Malakas na nahampas ni Ely ang manibela. Kung kailan siya nagmamadali. Saka pa siya maiipit sa traffic. Wala siyang magawa kundi ang maghintay. Masyado na siyang nag aalala para sa kalagayan ng mga anak. Pati na din sa kalagayan ng asawa niya. Kagagaling lang ni Cory at ayaw na ni Ely na bumalik ang sakit ng asawa. Sana lang ay hindi totoo ang hinala niya. Huwag naman sana ang kanilang dalawang anak."Cory!" alalang alala na tawag ni Ely sa asawa. Mabilis ang paghinga sa hingal dahil sa pagmamadali. Hinahanap ng mga mata niya ang asawa na ayon kay Edna ay kanina pa hindi humihinto sa pag iyak."Sir Ely?" si Edna ang nasalubong niya sa sala."Ang Ma'am Cory mo?""Nasa kuwarto niyo po. Kasama si Ditas at Yaya Katring. Kanina pa po umiiyak si Ma'am. Nag aalala na po kami ni Ditas" sagot ni Edna. Mababanaag ang ang takot para sa kaniyang aamong babae. Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo si Ely pataas ng hagdan. Papunta sa kuwarto nilang mag asawa. Nang makarating sa tapat ng pinto ay k