“IT’S your play this time, sweetheart,” ani Joaquin.Matapos nitong ibaba ang kanyang mga binti ay niyuko muna siya ni Joaquin at saka hinalikan sa kanyang mga labi.Ang sandata nito ay nasa loob pa rin niya. At nararamdaman niyang matigas pa rin iyon at pumipintig.Kinilabutan ng masarap si Lara sa naisip. At kasunod niyon ang naramdaman niyang paghugot ni Joaquin sa sandata nito mula sa loob niya.At dahil nga hindi niya iyon inasahan ay hindi rin napigilan ni Lara ang pagpapakawala ng marahas na pagsinghap dahil sa banayad na kaligayahang inihatid niyon sa kanya.“Second to the last round,” ani Joaquin na hinawakan ang kamay niya saka siya inalalayang tumayo mula sa pagkakahiga niya sa divan.Nagugulumihanang tumitig lang si Lara sa mukha ng kanyang mister. Nasa kanyang mga mata ang pagtatanong na alam niyang mababasa rin ni Joaquin sa mga iyon. At hindi nga siya nagkamali.“I have to admit, kailangan ko ring mag-ipon ng lakas,” anitong sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Nakatin
SA ganoong paraan muling inangkin ni Joaquin ang mga labi niya. At ang ayos niyang iyon habang hinahalikan siya ng kanyang asawa ang naghatid ng panibagong pakiramdam ng pananabik sa pagkatao ni Lara. Ang dapat sana na plano niyang pagpapakitang gilas kay Joaquin ay nabulilyaso dahil nga sa ginawa nitong pang-aagaw sa eksena na dapat sana ay sa kanya. “Akala ko ba it's my play?” ang naitanong pa niya nang magkaroon siya ng chance na magtanong dahil bumitiw ito sa paghalik sa kanya. Ngiti na humihingi ng paumanhin ang pumunit sa mga labi ni Joaquin. Pagkatapos ay muli nitong kinabig ang mukha niya saka siya masuyong muling hinalikan. Saglit lang ang halik na iyon dahil muli na naman nga itong nagbuka ng bibig para sagutin ang kanyang tanong. “I’m sorry. I thought kaya kong magpigil,” ani Joaquin at saka gumalaw pagkatapos na labis naman niyang ikinagulat. Sa maikling sandali ay tila ba nawala sa isip ni Lara na nasa loob nga pala niya si Joaquin. At kung hindi pa dahil sa ginaw
KINABUKASAN ng gabi sila bumiyahe ni Joaquin pabalik ng Maynila. Iyon ay ayon na rin sa gustong mangyari ng asawa niya. Tanghali na rin kasi silang nagising nito kinaumagahan.Madaling araw na nang marating nila ang bahay nila. Masaya silang sinalubong ni Rodolfo na halatang sabik na sabik silang makita. Lalo na siya na kung tutuusin ay araw-araw naman nitong nakakausap sa video call.At dahil nga madaling araw na iyon ay mahimbing ng natutulog ang anak nilang si Callie. Maging si Leandro na pumapasok na sa eskwelahan.“Ang ibig bang sabihin nito ay aalis na kayo at sa bahay na ni Joaquin maninirahan ng apo ko? Tama ako hindi ba?”Nasa sala sila noon at kasalukuyang humihigop ng mainit na kape nang itanong sa kanya ni Rodolfo ang ganoon.Bakas sa tono ng pananalita ng kanyang ama ang labis na kalungkutan. Pero dahil nga kasal na siya kay Joaquin ay wala siyang ibang choice kung hindi ang sumama dito. Lalo na at stable naman ang kabuhayan ng asawa niya. May magandang trabaho, sasakyan,
NAGING nakakapagod pero masaya ang araw na iyon para kina Joaquin at Lara. At kahit hindi na niya tanungin, alam niyang ganoon rin ang nararamdaman ng anak nilang si Callie. Kahit hindi naman kasi nito sabihin sa kanya ang tungkol doon. O kahit hindi siya magtanong ay hindi mahirap tukuyin dahil halata iyon sa maningning na kislap ng mga mata ng batang babae.“Tulog na,” aniya kay Rodolfo na nasa may terrace ng bahay nila at nagpapahangin.Ang tinutukoy niya nang mga sandaling iyon ay si Callie. Hindi talaga maide-deny ang lukso ng dugo sa pagitan ng mag-ama dahil hindi nila napahinuhod ang batang babae hangga’t hindi ito sinamahan ni Joaquin sa kwarto nito para basahan ng paborito nitong fairytale book. Ang Beauty and the Beast.Alas otso na ng gabi at tapos na rin silang kumain ng hapunan. Si Leandro noon ay nasa sala at abala sa panonood ng TV.“Gusto ba ninyo ng kape o kaya ay tea, Papa?” tanong niya kay Rodolfo nang maupo siya sa garden set na katapat ng okupado nito.Magkakasuno
“SUSUNDUIN kita mamaya, okay?”Si Joaquin iyon matapos itigil sa tapat ng mismong mall na pinagtatrabauhan niya ang kotse.“Seven PM?” tanong ni Lara sa mister.Tumango si Joaquin at saka siya niyuko at mariing hinalikan sa mga labi. “Yes,” sagot pa nito.Ikinibit lang ni Lara ang kanyang mga balikat at pagkatapos ay kinalas ang suot na seatbelt.“Willing to wait?” tanong pa niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Noon nakangiting kumindat sa kanya si Joaquin. “Always,” anito pa.Makahulugan ang sinabing iyon sa kanya ni Joaquin at nakuha naman agad ni Lara ang ibig sabihin. At bukod sa katotohanang hindi siya mapakali sa paraan at lagkit ng pagtitig sa kanya ng asawa ay ramdam din niya ang maalab nitong pagmamahal sa kanya. Kaya hindi na siya nagtaka nang mabilis niyang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa matinding pamumula niyon.“I have to go,” paalam pa niya sa asawa saka na umakmang bababa ng sasakyan. Pero napigil iyon nang maramdaman niya ang kamay ni Joa
“NAISIP ko lang naman,” sagot ni Patrick saka mabait na ngumiti.Nang hindi sumagot si Joaquin at manatiling tahimik ay muling kumibot ang mga labi ni Patrick saka nagsalita.“Pero higit kanino man, alam mong ikaw ang mas nakakakilala sa Papa mo. Ikaw rin ang makapagsasabi kung gaano ba ang sa tingin mo ay lebel ng pag-ayaw niya kay Lara. Kaya mas makabubuti kung pag-aralan mong mabuti ang lahat ng tungkol dito.”“Thanks,” sagot niya.“Anytime. Sumadya lang talaga ako dito para i-congratulate ka personally. I just hope na ma-meet ko na si Lara. Wala kasi kahit anong update sa mga social media accounts mo. Curious tuloy ako kung ano ang hitsura ng babaeng bumihag sa mailap mong puso,” tukso pa ni Patrick sa kanya at pagkatapos ay tinapik ang balikat niya.Mahinang tawa lang ang itinugon ni Joaquin sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Nang makaalis ito ay muli niyang ibinalik ang atensyon niya sa maraming binabasang papeles na nasa kanya ngayong mesa.Ang mga iyon ang naiwan niyang trabah
“FINALLY, inabutan rin kita!”Nagulat si Ramil nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon na nagpaangat ng kanyang paningin.Marami siyang trabahong kailangang tapusin. Hindi niya maipaliwanag pero mula nang tumira si Tessa sa bahay niya ay naging inspired na nga siya ng husto sa paggawa ng lahat ng kailangan niyang gawin.“Anong kailangan mo, Selena?” tanong niyang matapos tapunan ng sandaling tingin ang dalaga ay saka niya mabilis na ibinalik sa ginagawa ang kanyang paningin.Isang malanding tawa ang pinakawalan ng babae saka ito walang anuman na naupo sa gilid ng kanyang mesa. Sa puntong iyon ay mabilis na nag-react si Ramil.“Ano bang ginagawa mo? Hindi mo ba nakikita na may dalawang silya sa harapan ko? Dun ka maupo,” aniyang sadyang hininaan ang tinig sa pag-aalalang baka may ibang makarinig.“Wala namang ibang tao dito sa office mo ah? Tayong dalawa lang naman,” anito sa kanya na humimig pang tila nagtatampo at saka tumayo at sinunod ang gusto niyang mangyari.Napabuntong hinin
PAGKATAPOS ng nalaman ni Tessa mula kay Patrick ay minabuti nalang niyang umuwi. Kahit papaano kasi ay masama ang loob niya. Although hindi iyon kasing bigat katulad ng kung ano ang inasahan niya.“Ram,” bulong niya nang matanawan ang gate ng tinutuluyang apartment ng lalaki.Isang matamis subalit simpleng ngiti ang pumunit sa kanyang mga labi.Hindi niya alam kung mayroon bang kinalaman si Ramil sa nararamdaman niya ngayon. Pero ayaw muna niyang isipin ang tungkol doon.Alam niyang hindi si Ramil ang tipo ng lalaking titino sa isang katulad niyang playgirl din naman. Sabi nga nila, galit ang magnanakaw sa kapwa nito magnanakaw.At kung si Ramil ay the best sa pagiging babaero. Siya naman ang masabi niyang female version ng lalaki.Natawa ng mahina doon si Tessa saka nagbuntong hininga.Nasa tapat na siya ng mismong gate ng bahay ni Ramil pero minabuti niyang huwag na munang bumaba. Sa halip ay nanatili siya sa loob ng kanyang kotse at nag-isip.Marami silang pagkakatulad ni Ramil. Pe