KUNG tutuusin ay para siyang pinarurusahan sa pagkakaposisyon niya sa divan nang mga sandaling iyon. Pero sa kabila ng lahat ay mas nangingibabaw pa rin sa kanya ang kaligayahang inihahatid ni Joaquin sa kanya.“You okay?” tanong pa nito sa kanya saka bahagyang itinulak ang binti niyang inalis nito sa pagkakasampay sa balikat nito.Sasagot na sana si Lara pero napigil ang pagtatangka niyang iyon nang muli ay walang kahit anong warning na biglang gumalaw si Joaquin. Kaya sa halip na magsalita, sa pang hindi mabilang na pagkakataon ay ungol ang kumawala sa kanyang mga labi.“Lara,” untag pa sa kanya ng asawa niya sa tonong tila ba nagde-demand ng sagot sa katanungan nito.Kahit hirap siya dahil nga mas na ngingibabaw sa kanya ang hindi makataong kaligayahan na patuloy na inihahambalos ng kahandaan ni Joaquin sa kanya ay pinilit niyang tumango. At para maibsan ang hirap niya sa paghinga ay noon siya magkakasunod na suminghap. Saka lumunok para kahit papaano ay maibsan ang matinding panun
“IT’S your play this time, sweetheart,” ani Joaquin.Matapos nitong ibaba ang kanyang mga binti ay niyuko muna siya ni Joaquin at saka hinalikan sa kanyang mga labi.Ang sandata nito ay nasa loob pa rin niya. At nararamdaman niyang matigas pa rin iyon at pumipintig.Kinilabutan ng masarap si Lara sa naisip. At kasunod niyon ang naramdaman niyang paghugot ni Joaquin sa sandata nito mula sa loob niya.At dahil nga hindi niya iyon inasahan ay hindi rin napigilan ni Lara ang pagpapakawala ng marahas na pagsinghap dahil sa banayad na kaligayahang inihatid niyon sa kanya.“Second to the last round,” ani Joaquin na hinawakan ang kamay niya saka siya inalalayang tumayo mula sa pagkakahiga niya sa divan.Nagugulumihanang tumitig lang si Lara sa mukha ng kanyang mister. Nasa kanyang mga mata ang pagtatanong na alam niyang mababasa rin ni Joaquin sa mga iyon. At hindi nga siya nagkamali.“I have to admit, kailangan ko ring mag-ipon ng lakas,” anitong sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Nakatin
SA ganoong paraan muling inangkin ni Joaquin ang mga labi niya. At ang ayos niyang iyon habang hinahalikan siya ng kanyang asawa ang naghatid ng panibagong pakiramdam ng pananabik sa pagkatao ni Lara. Ang dapat sana na plano niyang pagpapakitang gilas kay Joaquin ay nabulilyaso dahil nga sa ginawa nitong pang-aagaw sa eksena na dapat sana ay sa kanya. “Akala ko ba it's my play?” ang naitanong pa niya nang magkaroon siya ng chance na magtanong dahil bumitiw ito sa paghalik sa kanya. Ngiti na humihingi ng paumanhin ang pumunit sa mga labi ni Joaquin. Pagkatapos ay muli nitong kinabig ang mukha niya saka siya masuyong muling hinalikan. Saglit lang ang halik na iyon dahil muli na naman nga itong nagbuka ng bibig para sagutin ang kanyang tanong. “I’m sorry. I thought kaya kong magpigil,” ani Joaquin at saka gumalaw pagkatapos na labis naman niyang ikinagulat. Sa maikling sandali ay tila ba nawala sa isip ni Lara na nasa loob nga pala niya si Joaquin. At kung hindi pa dahil sa ginaw
KINABUKASAN ng gabi sila bumiyahe ni Joaquin pabalik ng Maynila. Iyon ay ayon na rin sa gustong mangyari ng asawa niya. Tanghali na rin kasi silang nagising nito kinaumagahan.Madaling araw na nang marating nila ang bahay nila. Masaya silang sinalubong ni Rodolfo na halatang sabik na sabik silang makita. Lalo na siya na kung tutuusin ay araw-araw naman nitong nakakausap sa video call.At dahil nga madaling araw na iyon ay mahimbing ng natutulog ang anak nilang si Callie. Maging si Leandro na pumapasok na sa eskwelahan.“Ang ibig bang sabihin nito ay aalis na kayo at sa bahay na ni Joaquin maninirahan ng apo ko? Tama ako hindi ba?”Nasa sala sila noon at kasalukuyang humihigop ng mainit na kape nang itanong sa kanya ni Rodolfo ang ganoon.Bakas sa tono ng pananalita ng kanyang ama ang labis na kalungkutan. Pero dahil nga kasal na siya kay Joaquin ay wala siyang ibang choice kung hindi ang sumama dito. Lalo na at stable naman ang kabuhayan ng asawa niya. May magandang trabaho, sasakyan,
NAGING nakakapagod pero masaya ang araw na iyon para kina Joaquin at Lara. At kahit hindi na niya tanungin, alam niyang ganoon rin ang nararamdaman ng anak nilang si Callie. Kahit hindi naman kasi nito sabihin sa kanya ang tungkol doon. O kahit hindi siya magtanong ay hindi mahirap tukuyin dahil halata iyon sa maningning na kislap ng mga mata ng batang babae.“Tulog na,” aniya kay Rodolfo na nasa may terrace ng bahay nila at nagpapahangin.Ang tinutukoy niya nang mga sandaling iyon ay si Callie. Hindi talaga maide-deny ang lukso ng dugo sa pagitan ng mag-ama dahil hindi nila napahinuhod ang batang babae hangga’t hindi ito sinamahan ni Joaquin sa kwarto nito para basahan ng paborito nitong fairytale book. Ang Beauty and the Beast.Alas otso na ng gabi at tapos na rin silang kumain ng hapunan. Si Leandro noon ay nasa sala at abala sa panonood ng TV.“Gusto ba ninyo ng kape o kaya ay tea, Papa?” tanong niya kay Rodolfo nang maupo siya sa garden set na katapat ng okupado nito.Magkakasuno
“SUSUNDUIN kita mamaya, okay?”Si Joaquin iyon matapos itigil sa tapat ng mismong mall na pinagtatrabauhan niya ang kotse.“Seven PM?” tanong ni Lara sa mister.Tumango si Joaquin at saka siya niyuko at mariing hinalikan sa mga labi. “Yes,” sagot pa nito.Ikinibit lang ni Lara ang kanyang mga balikat at pagkatapos ay kinalas ang suot na seatbelt.“Willing to wait?” tanong pa niya saka sinundan ang sinabi ng mahinang tawa.Noon nakangiting kumindat sa kanya si Joaquin. “Always,” anito pa.Makahulugan ang sinabing iyon sa kanya ni Joaquin at nakuha naman agad ni Lara ang ibig sabihin. At bukod sa katotohanang hindi siya mapakali sa paraan at lagkit ng pagtitig sa kanya ng asawa ay ramdam din niya ang maalab nitong pagmamahal sa kanya. Kaya hindi na siya nagtaka nang mabilis niyang maramdaman ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil sa matinding pamumula niyon.“I have to go,” paalam pa niya sa asawa saka na umakmang bababa ng sasakyan. Pero napigil iyon nang maramdaman niya ang kamay ni Joa
“NAISIP ko lang naman,” sagot ni Patrick saka mabait na ngumiti.Nang hindi sumagot si Joaquin at manatiling tahimik ay muling kumibot ang mga labi ni Patrick saka nagsalita.“Pero higit kanino man, alam mong ikaw ang mas nakakakilala sa Papa mo. Ikaw rin ang makapagsasabi kung gaano ba ang sa tingin mo ay lebel ng pag-ayaw niya kay Lara. Kaya mas makabubuti kung pag-aralan mong mabuti ang lahat ng tungkol dito.”“Thanks,” sagot niya.“Anytime. Sumadya lang talaga ako dito para i-congratulate ka personally. I just hope na ma-meet ko na si Lara. Wala kasi kahit anong update sa mga social media accounts mo. Curious tuloy ako kung ano ang hitsura ng babaeng bumihag sa mailap mong puso,” tukso pa ni Patrick sa kanya at pagkatapos ay tinapik ang balikat niya.Mahinang tawa lang ang itinugon ni Joaquin sa sinabing iyon ng kaibigan niya. Nang makaalis ito ay muli niyang ibinalik ang atensyon niya sa maraming binabasang papeles na nasa kanya ngayong mesa.Ang mga iyon ang naiwan niyang trabah
“FINALLY, inabutan rin kita!”Nagulat si Ramil nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon na nagpaangat ng kanyang paningin.Marami siyang trabahong kailangang tapusin. Hindi niya maipaliwanag pero mula nang tumira si Tessa sa bahay niya ay naging inspired na nga siya ng husto sa paggawa ng lahat ng kailangan niyang gawin.“Anong kailangan mo, Selena?” tanong niyang matapos tapunan ng sandaling tingin ang dalaga ay saka niya mabilis na ibinalik sa ginagawa ang kanyang paningin.Isang malanding tawa ang pinakawalan ng babae saka ito walang anuman na naupo sa gilid ng kanyang mesa. Sa puntong iyon ay mabilis na nag-react si Ramil.“Ano bang ginagawa mo? Hindi mo ba nakikita na may dalawang silya sa harapan ko? Dun ka maupo,” aniyang sadyang hininaan ang tinig sa pag-aalalang baka may ibang makarinig.“Wala namang ibang tao dito sa office mo ah? Tayong dalawa lang naman,” anito sa kanya na humimig pang tila nagtatampo at saka tumayo at sinunod ang gusto niyang mangyari.Napabuntong hinin
“KINAKABAHAN ka?”Iyon ang itinanong ni Lara sa asawang si Joaquin matapos niyang ayusin ang kurbata nito.Nagbuntong hininga si Joaquin at pagkatapos ay buong pagmamahal siyang pinakatitigan.“Mom, Dad, let’s go?” si Quin iyon ang bunsong anak na lalaki nilang dalawa.“Okay, anak,” ani Lara saka muling tiningala ang gwapong mukha ng asawa niya.“Halika na at baka isipin ng anak mo eh hindi mo siya gustong ihatid sa altar,” ang biro pa niya sa asawa na hindi man sumagot para halata pa rin sa mukha nito ang bahagyang lungkot.Iyon ang araw ng kasal ng panganay nilang anak na si Callie.Nauunawaan niya ang nararamdaman ng asawa niya dahil ito ang nag-iisang anak nilang babae.Sa loob ng mahigit dalawampung taon ay nabiyayaan pa sila ng dalawang anak na lalaki. Sina Caleb at ang bunso nga na si Joaquin Antoni III na kamukhang kamukha ng lolo nitong si Joaquin Sr.Pagkatapos ng insidente noon sa beach resort, katulad ng sinabi ni Joaquin ay inayos nito ang lahat. Naparusahan ang lahat ng
“WOW, Daddy it’s so beautiful here!” Iyon ang masiglang winika ni Callie saka nagtatakbo patungo sa private cottage ng kanilang pamilya. “Pwede tayong mag-stay doon sa beach house, kaya lang mas malayo iyon sa dagat,” ani Joaquin sa kanya saka kinarga si Callie na noon ay ilang beses nang nadapa sa buhanginan gawa ng kakatakbo nito. “Okay na dito kahit hanggang bukas lang. Tapos sa susunod na araw eh doon na tayo mag-stay sa beach house,” sagot ni Lara saka na nagpatiuna patungo sa kanilang cottage. “Sina Yaya Loring?” tanong ni Lara matapos niyang buksan ang pintuan ng cottage. “Nandoon na sa bahay at naghahanda ng pagkain. Teka, saan mo ba gustong kumain, baby? Dito o doon sa malaking bahay?” tanong ni Joaquin sa anak nito. “Here,” anito sa kanya. Tumawa si Lara sa nakita niyang naging reaksyon ng kanyang anak. “Naku, ibaba mo nga iyang anak mo. Big girl na siya kaya hindi na siya dapat na kinakarga,” aniya pa kay Joaquin. “Kahit mag-asawa pa ito, siya pa rin ang princess ko
“BAKIT ganoon Robert? Bakit ang bagal nung tao mo? Bakit hanggang ngayon eh mukhang masaya pa rin ang babaeng iyon?” ang galit na tanong ni Selena kay Robert nang gabing magkita sila nito para pag-usapan ang tungkol sa hinihingi niyang pabor.“Hindi ko rin alam. At isa pa, bakit ba kasi masyado kang atat na makaganti? May asawa naman na ‘yung babae hindi ba? Baka naman nagkakamali ka lang ng hinala mo?” ani Robert sa kanya.Noon inis na ibinaba ni Selena sa mesa ang hawak niyang wine glass. “Nakakainis ka naman eh. Bakit ba ayaw mong gawin nalang ang sinasabi ko? Kailangan kong makaganti sa babaeng iyon. Kailangan kong mabawi si Ramil!” giit niya.“Tumigil ka na! Maghintay ka kung kailan at huwag mo akong sisigawan!” ani Robert sa kanya.Sa puntong iyon ay napaupo si Selena at naiiyak na nagyuko ng ulo. Pinigil niya ang mapaiyak pero dahil na rin sa epekto ng nainom na niyang alak ay nabigo siyang gawin iyon.“Bakit kasi walang lalaking gustong magmahal sa akin?” aniyang napahikbi.Sa
HINDI inasahan ni Lara ang ang tinutukoy pal ani Joaquin na orihinal nilang destinasyon ay ang bahay nito sa Baguio. Ang bahay kung saan sila nag-honeymoon.“Ah so, dito mo pala ako talaga planong dalhin? Bakit?” ang nakangiti niyang tanong saka buong pananabik na iginala ang paningin sa kabuuan ng bahay.Nagkibit ng mga balikat nito si Joaquin at pagkatapos ay ibinaba ang mga dala nitong maleta.“Kasi nung una tayong nagpunta dito hindi ko sinabi sa’yo ang totoo, hindi ba?” tanong nito sa kanya saka siya mahigpit na niyakap mula sa kanyang likuran.Kinikilig na pumihit si Lara paharap sa kanyang asawa. Pagkatapos niyon ay naglalambing niyang ikinawit sa leeg nito ang kanyang mga braso.“Oo nga. Naalala ko nga yung sinabi mo sa akin na noon. Na sana pwede mong ibigay sa akin ang lahat ng gusto ko?”“Yeah. Nasabi ko iyon sa iyo kasi hindi ko naman talaga magawang ibigay sa iyo ang lahat kasi nga iba ang alam mo. Kung sakali ayokong magulat ka kung saan ko kinukuha ang lahat ng ito.”Na
SA madaling pamamaraan ay nagawa siyang angkinin ni Joaquin nang hindi sila umaalis sa pwestong iyon. At masasabi niyang wala nang mga sandaling iyon ang mahinahon niyang asawa na palagi niyang nakakasama tuwing nagsisimula pa lamang ang laban nilang dalawa.Pero ano ba naman ang karapatan niyang magreklamo kung siya mismo ang humingi nito sa mister niya.“You want this, don’t you, huh?” tanong nito sa kanya habang hinahambalos nito ng malalakas at buong pwersang pananalasa ang kanyang kasarian.Hindi na halos makahinga ng maayos si Lara nang mga sandaling iyon. Pero siya ang may gusto nito kaya alam niyang katulad ng nauna ng sinabi sa kanya noon ni Joaquin. She needs to face the consequences of her actions. Kaya ganoon ang ginawa niya ngayon. Tinitiis niya ang napakasarap na epekto ng malupit na pag-angking ginagawa sa kanya ni Joaquin.“Yes, oh I want this. I want you,” aniyang kumapit pa ng mahigpit sa batok ni Joaquin saka mariing hinalikan ang asawa niya sa mga labi nito.Mabili
NAGING kataka-taka para kay Lara ang pananahimik ng asawa niya nang mga sandaling iyon. At dahil nga sinabi nitong sorpresa ang pupuntahan nila ay hindi na siya nagtanong.Pero iyon nalang ang gulat niya nang dalhin siya ni Joaquin sa isang pamilyar na gusali. Dahilan kaya mabilis na tumahip ang kanyang dibdib.Natatandaan niya ang building na iyon.Iyon ang hotel kung saan niya unang ibinigay ang sarili niya sa kanyang asawa ilang taon na rin ang nakalilipas. Hindi niya maunawaan at maipaliwanag kung gaano katindi ang kabog ng dibdib niya nang mga sandaling iyon. Pero sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin siyang kalmado at hindi nagtatanong rito. Sa kabila iyon ng katotohanang gustong-gusto na niyang alamin sa kanyang asawa kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari at kung bakit sila naroroon.Nang makababa sila ng kotse ay noon lang nagsalita ang asawa niya.“Hindi talaga dito ang destinasyon natin, sweetheart. May importante lang tayong gagawin kaya tayo dumaan,” anito sa kanya ha
PARANG natuka ng ahas na itinulos si Lara sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig siya sa lalaking bagong dating.Hindi siya pwedeng magkamali. Alam niya at sigurado siya na ito ang lalaking kumuha sa kanya noon kay Nati para ipanregalo siya kay Joaquin.Mabilis na nakaramdam si Lara ng matinding panlalamig sa kanyang buong katawan dahil sa kaisipang iyon. Kung makikilala siya nito ay siguradong malalaman ni Joaquin ang sekreto niya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon. Napakatalino ng asawa niya kaya tiyak na magagawa nitong tahiin ang lahat ng pangyayari lalo na ang malaking pagkakahawig ni Callie rito at lalong higit sa namayapa na nitong ina.“Pasensya na kayo kung naka-istorbo ako,” ani Patrick na nang mga sandaling iyon ay titig na titig sa kanya.“It’s okay buddy. Sige na, have a seat,” ani Joaquin sa kaibigan.Agad namang tumalima si Patrick sa sinabi ng asawa niya. Ilang sandali lang pagkatapos noon ay pormal na nga siyang ipinakilala ni Joaquin rito.“Gusto mo bang kumain
GANOON nga ang ginawa ni Lara. Nanatili siyang nakatitig kay Joaquin habang nilalapastangan ng kamay at mga daliri nito ang kariktan na nasa pagitan ng kanyang mga hita.Itinukod niya sa kanyang likuran ang dalawa niya kamay upang hindi mapahiga. Habang ginagawa iyon ni Joaquin ay nagagawa niyang paglipat-lipatin ang paningin niya mula sa mga mata nito patungo sa kanyang kasarian na mukhang hindi nito pakikitaan ng kahit simpleng kapatawaran man lang.“Godd, ang sarap, oooohhhh,” ungol ni Lara habang pinagmamasdan ang ngayon ay pagpapadaan na naman ni Joaquin ng dila nito sa kanyang kaselanan.Noon itinaas ni Joaquin ang ulo nito. At dahil nakuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin ay mabilis niya itong niyuko. At noon nga muling naglapat ang kanilang mga labi.Sandali lang ang halik na iyon dahil muling binalikan ni Joaquin ang pagkababae niya na sinimulang lampasuhin ng dila nito.Kapag parang napapagod ito sa kakalampaso ay saka nito iyon sinusupsop na para bang itong kumakain ng
“OH Lara.”Habang abala si Lara sa pagsuyo ng pagkalalaki ni Joaquin gamit ang kanyang bibig. Paulit-ulit niyang naririnig ang tila ba walang katapusang pagsambit ng asawa sa kanyang pangalan. Bagay na hindi niya maitatangging gustong-gusto naman niya.Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Joaquin nang mga sandaling iyon. Dahil ganoon rin naman ang nangyayari sa kanya tuwing siya ang nasa ganitong sitwasyon. Kaya kung ano ang kosenstrasyong ginagawa ng kanyang mister ay ganoon rin ang sinunod niya.Ilang sandaling nasa ganoong ayos silang dalawa. Siya ang nagtatrabaho dahil gusto niyang bigyan ng kasiyahan si Joaquin. Well, kailangan niyang aminin na kasama na rin ang goal niyang ipakita rito na natututo na siya mula rito.“Oh fuck!” nang marahil hindi na makatiis ay hinila ni Joaquin ang kamay niya saka siya nito hinila paitaas. “I’m sorry sweetheart but I need you now,” anitong hinalikan ang kanyang mga labi pagkatapos.Sa mabilis na paraan. Kahit pa sabihing siya ang nasa itaas n