Share

CHAPTER 109 “FEAR OF THE UNKNOWN”

KINABUKASAN ang unang araw ni Lara bilang full-time mother and wife kina Joaquin at Callie. Dahil doon ay siya na ang nagprisintang maghanda ng almusal para sa mga ito. Pero tinulungan at inalalayan pa rin naman siya ni Yaya Loring. Ito na rin ang pagkakataon na nagkaroon siya para makilala ng lubusan ang asawa niya sa pamamagitan ng mga kwento ng matanda.

“Mabait na bata si Joaquin noon pa man. Magiliw sa kahit kanino. Kaya siguro madalas siyang ma-misinterpret ng mga babaing nagiging kaibigan niya,” kwento ng matanda na nang mga sandaling iyon ay abala sa paggagayat ng bawang at sibuyas na gagamitin para sa isasangag niyang kanin.

“Mabait naman po talaga siya at malambing,” ang naisagot niya. “Kaya nga po nagpapasalamat ako ng sobra dahil sa kabila ng sitwasyon ko ay minahal niya ang at pinakasalan. Kahit kung tutuusin maraming mas higit sa akin ang pwede siyang makuha.”

Sa sinabi niyang iyon ay mabilis na ibinaba ni Yaya Loring ang hawak nitong kutsilyo. Maging ang ginagayat nitong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status