KINABUKASAN ang unang araw ni Lara bilang full-time mother and wife kina Joaquin at Callie. Dahil doon ay siya na ang nagprisintang maghanda ng almusal para sa mga ito. Pero tinulungan at inalalayan pa rin naman siya ni Yaya Loring. Ito na rin ang pagkakataon na nagkaroon siya para makilala ng lubusan ang asawa niya sa pamamagitan ng mga kwento ng matanda.“Mabait na bata si Joaquin noon pa man. Magiliw sa kahit kanino. Kaya siguro madalas siyang ma-misinterpret ng mga babaing nagiging kaibigan niya,” kwento ng matanda na nang mga sandaling iyon ay abala sa paggagayat ng bawang at sibuyas na gagamitin para sa isasangag niyang kanin.“Mabait naman po talaga siya at malambing,” ang naisagot niya. “Kaya nga po nagpapasalamat ako ng sobra dahil sa kabila ng sitwasyon ko ay minahal niya ang at pinakasalan. Kahit kung tutuusin maraming mas higit sa akin ang pwede siyang makuha.”Sa sinabi niyang iyon ay mabilis na ibinaba ni Yaya Loring ang hawak nitong kutsilyo. Maging ang ginagayat nitong
MAS maaga kaysa inaasahan niya ang oras ng uwi ni Joaquin kinagabihan. Kaya naman nagkaroon din sila ng mas mahabang panahon para makapamasyal at makapamili katulad ng gustong mangyari ni Joaquin.“Hindi ka ba pagod? Gusto mo bang tulungan kita sa mga iyan?” tanong ni Lara kay Joaquin habang ang tinutukoy naman niya ay ang maraming paper bags na bitbit nito.Agad na umiling ang lalaki. “No, I’m okay,” ani Joaquin sa kanya saka ngumiti.“Naku huwag mong masyadong ini-spoil ang batang ito at baka masanay,” aniyang sinulyapan si Callie na hawak niya ang isang kamay at busy sa paglingon-lingon sa mga nadadaanan nilang paninda.“Oh, don’t mention it. Nag-enjoy nga ako ng husto eh,” ani Joaquin sa kanya.Kung tutuusin ay hindi naman na kailangan pang sabihin ni Joaquin sa kanya ang tungkol doon. Dahil ang totoo ay nakikita niya iyon sa mukha nito. Maging sa kislap ng mga mata nito.“I know. At masaya akong makita na nag-enjoy ka,” sagot niya.Sa isang Italian restaurant sila kumain ng hapun
PAG-UWI nila ng bahay ay ipinaubaya na ni Lara kay Yaya Loring ang pag-aasikaso kay Callie. Hindi lang naman kasi siya basta pagod lang. May dinaramdam siya sa kalooban niya.Nanatili siyang tahimik hanggang nang makaligo na siya. Nakahiga na siya at minabuting talikuran si Joaquin nang yakapin siya nito mula sa kanyang likuran.“Kanina ka pa tahimik. May problema ka ba?” tanong nito sa kanya.Noon siya napabuntong hininga at saka hinarap ang lalaki.Katulad ng sinabi niya kanina, kailangan niyang ilabas iyon sa kanyang sistema. Kundi ay hindi rin siya mapapanatag.“Anong iniisip mo? Bakit kanina ka pa tahimik?” muli ay itinanong sa kanya ni Joaquin nang maharap niya ito.Tumitig si Lara sa mukha ng kanyang asawa at pagkatapos ay nagbuntong hininga. Bumangon siya ay isinandal ang likod sa headboard ng kama. Pagkatapos ay itinuon ang paningin sa screen ng bukas na TV.“Alam mo bang nakita ko si Tessa kanina?” simula niya.Kahit hindi niya lingunin ang asawa niya ay alam niyang nagulat
“TOTOO ba ang sinabi mong aalisin ka ng Papa mo sa kompanyang pinaghirapan mong itaguyod mula nang mag-retire siya?” iyon ang naitanong niya kay Joaquin makalipas ang ilang sandali.Nakahiga na sila noon. At siya ay panatag na nakaunan ang ulo sa matipuno nitong braso.Sa bigat ng buntong hiningang pinakawalan ni Joaquin ay halatang “oo” ang sagot sa tanong niyang iyon. Pero sa kabila ng lahat ay iba ang narinig niyang isinagot sa kanya ni Joaquin. Hindi tuloy niya alam kung sinasabi lang iyon sa kanya ng asawa niya para mapawi ang pag-aalala niya.“I don’t think seryoso si Papa sa sinasabi niyang iyon,” anito saka siya nilingon at nginitian.“Pero paano kung seryoso siya? Willing kabang mawala ang lahat ng pinaghirapan mo sa iyo? Nang dahil sa amin ni Callie?” kusang humina ang tono ng pananalita niya nang sambitin niya ang huli niyang katanungan.“Mahal na mahal ko kayong dalawa. Kaya ang totoo kahit alisin ako ni Papa sa kompanya, well, oo masasaktan ako kasi marami akong sakripisy
“OH Lara.”Habang abala si Lara sa pagsuyo ng pagkalalaki ni Joaquin gamit ang kanyang bibig. Paulit-ulit niyang naririnig ang tila ba walang katapusang pagsambit ng asawa sa kanyang pangalan. Bagay na hindi niya maitatangging gustong-gusto naman niya.Alam niya kung ano ang nararamdaman ni Joaquin nang mga sandaling iyon. Dahil ganoon rin naman ang nangyayari sa kanya tuwing siya ang nasa ganitong sitwasyon. Kaya kung ano ang kosenstrasyong ginagawa ng kanyang mister ay ganoon rin ang sinunod niya.Ilang sandaling nasa ganoong ayos silang dalawa. Siya ang nagtatrabaho dahil gusto niyang bigyan ng kasiyahan si Joaquin. Well, kailangan niyang aminin na kasama na rin ang goal niyang ipakita rito na natututo na siya mula rito.“Oh fuck!” nang marahil hindi na makatiis ay hinila ni Joaquin ang kamay niya saka siya nito hinila paitaas. “I’m sorry sweetheart but I need you now,” anitong hinalikan ang kanyang mga labi pagkatapos.Sa mabilis na paraan. Kahit pa sabihing siya ang nasa itaas n
GANOON nga ang ginawa ni Lara. Nanatili siyang nakatitig kay Joaquin habang nilalapastangan ng kamay at mga daliri nito ang kariktan na nasa pagitan ng kanyang mga hita.Itinukod niya sa kanyang likuran ang dalawa niya kamay upang hindi mapahiga. Habang ginagawa iyon ni Joaquin ay nagagawa niyang paglipat-lipatin ang paningin niya mula sa mga mata nito patungo sa kanyang kasarian na mukhang hindi nito pakikitaan ng kahit simpleng kapatawaran man lang.“Godd, ang sarap, oooohhhh,” ungol ni Lara habang pinagmamasdan ang ngayon ay pagpapadaan na naman ni Joaquin ng dila nito sa kanyang kaselanan.Noon itinaas ni Joaquin ang ulo nito. At dahil nakuha niya kung ano ang ibig nitong sabihin ay mabilis niya itong niyuko. At noon nga muling naglapat ang kanilang mga labi.Sandali lang ang halik na iyon dahil muling binalikan ni Joaquin ang pagkababae niya na sinimulang lampasuhin ng dila nito.Kapag parang napapagod ito sa kakalampaso ay saka nito iyon sinusupsop na para bang itong kumakain ng
PARANG natuka ng ahas na itinulos si Lara sa kanyang kinatatayuan habang nakatitig siya sa lalaking bagong dating.Hindi siya pwedeng magkamali. Alam niya at sigurado siya na ito ang lalaking kumuha sa kanya noon kay Nati para ipanregalo siya kay Joaquin.Mabilis na nakaramdam si Lara ng matinding panlalamig sa kanyang buong katawan dahil sa kaisipang iyon. Kung makikilala siya nito ay siguradong malalaman ni Joaquin ang sekreto niya. Hindi naman imposibleng mangyari iyon. Napakatalino ng asawa niya kaya tiyak na magagawa nitong tahiin ang lahat ng pangyayari lalo na ang malaking pagkakahawig ni Callie rito at lalong higit sa namayapa na nitong ina.“Pasensya na kayo kung naka-istorbo ako,” ani Patrick na nang mga sandaling iyon ay titig na titig sa kanya.“It’s okay buddy. Sige na, have a seat,” ani Joaquin sa kaibigan.Agad namang tumalima si Patrick sa sinabi ng asawa niya. Ilang sandali lang pagkatapos noon ay pormal na nga siyang ipinakilala ni Joaquin rito.“Gusto mo bang kumain
NAGING kataka-taka para kay Lara ang pananahimik ng asawa niya nang mga sandaling iyon. At dahil nga sinabi nitong sorpresa ang pupuntahan nila ay hindi na siya nagtanong.Pero iyon nalang ang gulat niya nang dalhin siya ni Joaquin sa isang pamilyar na gusali. Dahilan kaya mabilis na tumahip ang kanyang dibdib.Natatandaan niya ang building na iyon.Iyon ang hotel kung saan niya unang ibinigay ang sarili niya sa kanyang asawa ilang taon na rin ang nakalilipas. Hindi niya maunawaan at maipaliwanag kung gaano katindi ang kabog ng dibdib niya nang mga sandaling iyon. Pero sa kabila ng lahat ay nanatili pa rin siyang kalmado at hindi nagtatanong rito. Sa kabila iyon ng katotohanang gustong-gusto na niyang alamin sa kanyang asawa kung ano ba talaga ang tunay na nangyayari at kung bakit sila naroroon.Nang makababa sila ng kotse ay noon lang nagsalita ang asawa niya.“Hindi talaga dito ang destinasyon natin, sweetheart. May importante lang tayong gagawin kaya tayo dumaan,” anito sa kanya ha