"REALLY?" Malokong ngumisi si Vivian at tumayo. "Even if you die right here?"
Tamad akong tumango. "Try me."
Mabilis siyang naglabas ng baril at tinutok sa akin. Kunwari pa akong umatras at tinaas ang kamay.
"Now you're afraid, Tatiana." Humakbang siya palapit sa akin. "Hanggang salita ka lang pala."
"Vivian." Dad stood up. "Put it down."
"No, Kuya. Hindi magtatanda ang babaeng 'to kapag hindi naturuan ng leksyon."
Barbara laughed. "That's why I like you, Vivian. Lagi mo akong pinapahanga."
"What, Tatiana?" ngisi niya. "Aalis ka sa mansyong 'to o ipuputok ko sa'yo 'to?"
"Eh, 'di iputok mo. Tapos anong gagawin niyo sa bangkay ko? Hahayaan niyo lang, 'di ba?" Malamig akong tumitig sa kanila. "Hahayaan niyo lang gaya nang ginawa niyo kay Mommy Talitha. Pinalabas niyo pang siya ang gumawa no'n sa sarili niya."
Nasaksihan ko kung paano siyang naestatwa. Sina Dad at Barbara naman ay parang natakasan ng dugo.
"Sino nga bang totoong pumatay sa kaniya?" Binaba ko ang kamay at huminto sa hallway. "Isa ba sa inyong tatlo?"
Kinasa ni Vivian ang baril at maliksing lumapit sa akin. "Sumosobra ka na!"
Bago pa niya makalabit ang gatilyo ay agad ko nang dinakma ang isa niyang braso at pinilipit 'yon. Akma pa siyang papalag pero tinuhuran ko ang sikmura niya at mabilis na inagaw ang baril. Hinigit ko ang kwelyo niya at sinandal siya sa pader.
"I told you, Vivian." Dinikit ko ang dulo ng baril sa sentido niya. "Magkamatayan man."
"L-Let me go, Tatiana!" angil niya. "Naging matapang ka nga pero hindi mo pa rin magagawang pumatay."
"Oh, wench. You have no idea what I went through for the first five years in France." Maloko akong ngumisi at mas lalo pa siyang diniin. "At baka kapag nalaman niyo, kusang yuyuko sa akin ang hawak mong intelligence security."
"Tatiana," Dad uttered calmly. "Ibaba mo 'yan."
"What can you say, Barbara?" I mused. "Hindi ba't paborito mo si Vivian dahil malakas siya? Eh, bakit ang dali ko lang natalo sa close combat?"
"You think high of yourself, Tatiana." She chuckled. "I can't believe this."
"S-Sinuwerte ka lang," pilit na tawa ni Vivian, sumasagap ng hangin. "Pero kapag natyempuhan kita..."
"Sure. Aabangan ko 'yan."
Akma pa siyang magsasalita nang makarinig kami nang pagbagsak ng isang bagay. Sabay kaming napalingon sa dulo ng hallway. Naroon si Elias, namimilog ang mata sa gulat at 'yong hawak na mop ang siyang nalaglag. Lumayo ako at doon na humupa ang tensyon.
"You're using a cheap gun." Pinasak ko ang baril sa lumuluwa niyang dibdib. "Hindi na rin dapat ako magtaka dahil cheap din ang bumili."
Vivian glared at me. "We're not yet done."
"Hangga't hindi ko kayo nakikita sa loob ng kulungan, hindi tayo matatapos."
"Tatiana!" hiyaw ni Dad. "Come back here!"
Ngunit hindi na ko lumingon pa. Hinigit ko ang braso ni Elias at sinama siya sa pagsakay ng elevator.
"Kanina ka pa ba ro'n?" tanong ko.
Sunod-sunod ang paglunok niya. "H-Hindi naman."
"You must be startled." Bumuntong-hininga ako. "Masanay ka na. Gano'n kami mag-away."
"S-Sige, pero saan ba tayo pupunta? Naiwan ko 'yong mop. Baka mapagalitan ako ni Ma'am Barbara."
"Nakaka-trauma 'yong nasaksihan mo kaya umuwi ka na. Ako na ang bahala sa mop at sweldo mo."
"Pero..."
Hindi ko na siya kinausap pa at bumaba ng elevator hanggang makalabas ng mansion saka nagmaneho paalis.
Pagdating ko sa hospital ay dumeretso ako sa VIP room kung saan namamalagi si Lolo Rowan. Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang pamilyar na pigura ng isang babae.
"Tatiana Rae," nagugulat na sambit ni yaya Fely. Ang yaya ko na hindi na ako kinausap at kinamusta magmula nang ipatapon ako sa France. "Salamat naman at dumalaw ka."
Walang emosyon ko siyang tinignan. "Leave me alone." Akma pa siyang magsasalita pero tinaas ko na ang kamay bilang pagpapatigil. "The moment you cut ties with me twelve years ago, naputol na rin ang pagiging close natin. Alam kong kumampi ka kina Barbara at Vivian."
"T-Tatiana..."
"Leave. I want to have a moment with my grandpa."
Wala na siyang nagawa kundi sumunod at tahimik na lumabas.
Bawat hakbang ko palapit kay Lolo Rowan ay siya ring pagbigat ng aking kalooban, tila may sumasakal din sa puso ko. Magmula nang makaalis ako ng Pilipinas labindalawang taon na ang nakalilipas hanggang ngayong nakabalik na ako, nakaratay pa rin siya sa kamang ito. Comatose pa rin siya.
"G-Gumising ka na, Lolo," bulong ko kasabay nang pagpatak ng luha sa aking mga mata. "Alam mo namang ikaw na lang ang natitirang kakampi ko sa mundong 'to. Kahit gaano man ako naging matapang ngayon, kailangan ko pa rin ng suporta mo. Kailangan pa rin kita bilang pamilya ko. Miss na miss na kita."
"Sino pong may gawa sa inyo nito?" Pinalis ko ang luha at kinuyom ang kamao. "Sinong nagmamaneho ng truck na bumangga sa'yo? Nasa pamilya ba natin? Kailangan kong malaman, Lolo. Para maipaghiganti po kita. Hindi mo deserve mahiga sa kamang 'to."
Kung tutuusin, mas naging ama ko pa si Lolo Rowan kaysa kay Daddy Rafael. Sa tuwing paglabas ko sa school, sinusundo niya ko at kumakain kami sa labas. Napalapit ako sa kaniya dahil sobrang bait niya at kahit hindi ako humingi ay halos ibigay na niya sa akin ang lahat ng mga bagay na kailangan ko man o hindi.
"Sabi mo maglalaro pa tayo ng chess," hikbi ko. "Tatalunin pa po kita. Bumangon ka na r'yan. Tara na po."
Para akong batang hinigit ang kamay niya pero nanatili iyong malamig at hindi gumagalaw.
Napayuko ako at hinayaang bumagsak ang natitirang luha. Nang mahimasmasan ay inayos ko ang sarili at humalik sa noo niya.
"I'll visit you again, Lolo."
Pagbukas ko ng pinto ay naroon sa gilid si yaya Fely. Napaayos siya ng tayo nang makita ako. Hindi ko siya pinansin at akma nang aalis pero humawak siya sa braso ko.
"I don't think we have something left to talk about."
"Tatiana," nauutal pa niyang sambit. "Gusto ko lang ibigay sa'yo 'to."
Napatitig ako sa brown envelope. "What's that?"
"Gusto ni Chairman Rowan na ikaw ang humawak sa Gil Side."
"Gil Side? The real estate company?"
Darn, that was the second biggest company owned by our family.
Tumango siya. "Narito ang mga papeles kung paano 'yon patakbuhin, maging ang signed consent ng Chairman na pinapayagan ka niyang mamahala ro'n."
"Thanks."
Kinuha ko 'yon sa kaniya at tagumpay na naglakad paalis.
Kinabukasan, maaga akong nagising, naghanda at nagbihis. I wore my red corporate attire matched with white stilletos. Kinabit ko ang hairclip sa gilid saka kinuha ang pouch.
Nang madaan ako sa dining area ay nakita ko silang lahat na kumakain ng breakfast. As usual, fiesta na naman sa rami ang nakahandang pagkain. Nakabihis na rin sila, handa nang pumasok sa kani-kaniyang trabaho.
"Good morning, Tatiana!" Ayun na naman ang masigla at malokong tinig ni Blake. "Join us here."
Umiling ako. "I don't eat breakfast."
"Where are you going?" Dad asked. "Maaga pa for clubbing."
Natawa si Vivian. "Snap out, Tatiana. You're not in France. Sarado pa ang mga club dito sa Pilipinas."
"Palibhasa puro clubbing lang ang inaatupag mo," dagdag pa ni Barbara. "Baka naman waitress ka ro'n?"
"Bumalik lang ako, nawalan na kayo ng common sense? Can't you see my outfit? It's suitable for work." Lumapit ako kay Vivian. "Kunsabagay, parating expose ang dyoga mo sa tuwing papasok ka sa Gil Furnitures para makapang-akit ng male employees. The bad thing is, gurang ka na."
Natawa si Blake. "Bakit, ilan taon ka na ba, Tatiana?"
"29." Matamis akong ngumiti. "What about you, Vivian? I bet wala na sa kalendaryo. Like Barbara. Oldies flock together. Scratch that, kayong lahat pala wala na sa kalendaryo." Saka ako tumawa.
"Tatiana Rae," Ledger uttered in warning tone. "Enough."
"And did you just say work?" Dad slightly raised his eyebrow. "What work?"
"Did you apply to other company?" Vivian shrieked, mocking me. "May tumanggap pa pala sa tulad mong patapon?"
"Of course." Winagayway ko ang gold card na siyang magiging pass ko sa kompanya. "The Gil Side."
Napatayo si Barbara sa gulat. "What?!"
"Bumara yata ang tulok sa tainga mo. Maglinis ka nga."
"What the heck are you saying, Tatiana?" Vivian argued. "Nilaan ni Chairman Rowan ang kompanyang 'yon para kay Blake."
"It's okay, Tita," nakangiting sabat ni Blake. "Wala naman akong interes sa pagpapatakbo niyon."
"At wala ka ring karapatan dahil sa akin talaga pinapamahala 'yon ni Lolo. Wala ang pangalan mo ro'n."
"This can't be," iling ni Barbara. "No!"
"Go for it, Tatiana," muling ngiti ni Blake. "Pero bilang kapalit, mag-sponsor ka sa art exhibit ko, ha?"
"Tinuloy mo pala ang pagiging painter." Tumaas ang sulok ng aking labi. "Sure. Call me if you need it na."
"Thanks." Saka siya kumindat sa akin.
"Rafael," d***g ni Barbara. "Do something about it! She can't manage that!"
Pabuntong-hiningang umiling si Dad. "Hindi rin naman bagay kay Blake ang kompanyang 'yon."
"Eat well, fellas." Kumaway ako. "Gotta go."
Sinamaan pa ako ng tingin ni Vivian pero inirapan ko siya at umalis na.
Naisipan kong dumaan sa coffee shop. Pagpasok ko ay matyaga akong pumila at nag-scroll sa f******k. Lihim akong napangiwi nang makita ang litrato nina Ledger at Yara. Talagang sikat na sila.
At dahil hindi natuloy ang paghihiganti ko noong nakaraan, babawi ako ngayon. Gumamit ako ng dummy account at in-upload ang lahat ng pictures ni Ledger kasama ang ibang babae sa mall. Sigurado akong mayayamot si Yara hanggang mag-away sila ni Ledger.
"Next, please."
"Americano," I said and gave my credit card.
"Me or coffee?"
Kunot-noo akong nag-angat ng tingin. Sumalubong sa akin ang nakangiting mukha ni Elias. Nakasumbrero pa siya na batid kong kasama sa uniporme ng shop.
"Obviously, coffee." I rolled my eyes. "Hindi ka naman nabibili."
"Pero amerikano ako."
"You're nuts."
Ibababa ko na sana ang tingin sa cellphone nang mapansin kong nakalingon ang lahat ng customer kay Elias. At ang house boy naman, feel na feel ang atensyong nakukuha sa mga babae. Well, coffee boy siya today.
"Here's your americano."
"Thanks."
Kinuha ko 'yon at lumabas na. Akma na akong hihigop nang mapansin ko ang naka-drawing na heart sa takip niyon. Sigurado akong si Elias ang naglagay niyon at gumamit pa ng red marker.
"Tss," ngiti ko. "He's cute, though."
Pagpasok ko sa Gil Side company building ay naagaw ko ang atensyon ng lahat. Hindi ko sila pinansin at taas-noong naglalakad. Maya pa ay tumabi sa akin ang isang babae at bahagyang nagpahuli sa paglakad.
"Good morning, Ma'am Tatiana," bati niya. "Here's your schedule for today."
"So, you knew about my arrival. How come?"
"Matagal na po kayong binilin sa akin ni Chairman Rowan. Ako po ang magiging secretary niyo."
Lihim akong ngumisi. "That's great."
Alam talaga ni Lolo na babae ang gusto kong maging katrabaho. Kahit na mas madaling kausap ang mga lalaki. Hindi lang talaga ako kumportable dahil maraming pagkakataon na mataas ang tingin nila sa sarili. Well, because of the money they have in the company. They think they're powerful than women. Which is ridiculous.
Exception na lang talaga ang mga lalaking katrabaho ko sa France. Tuloy ay bigla kong namiss ang unit ko ro'n. Ano na kayang mission ang ginagawa nila? Sino ang pansamantalang pumalit sa pwesto ko ro'n?
Malalim ang naging buntong-hininga kong winaksi 'yon sa isip at nilunod ang sarili sa pag-aaral ukol sa real estate.
"Sir! Hindi ka pwedeng pumasok." Nangunot ang noo ko nang marinig ang tinig ng secretary ko sa labas. "Sa akin mo na ibigay 'yan."
Sumulyap ako sa bintana at nakitang madilim na. Inabot na ko ng gabi. Tatayo na sana ako para silipin 'yon ngunit bumukas na ang pinto. Pumasok ang isang lalaki na may suot na helmet.
"I'm sorry, Ma'am," nakayukong sambit ng secretary. "Ayaw pong papigil, eh."
"It's okay." Sinulyapan ko ang lalaki. "What?"
"Delivery for Tatiana Rae Gilbert." Saka niya binaba ang maliit na kahon sa table ko. "May I see your identification card?"
"As far as I know, signature lang ang kailangan."
"Kailangan ko talagang makita ang I.D."
Hinugot ko ang card sa wallet at pabagsak 'yong nilapag sa mesa. Kinuha naman niya 'yon upang suriin.
"Mas matanda ka pala sa akin."
I raised my eyebrow. "Who do you think you are?"
Inalis niya ang helmet at ginalaw ang ulo upang umayos ang buhok. "Elias Gentry at your service."
Ngumiwi ako. "You again."
"Ito ang resibo."
Inagaw ko 'yon sa kaniya at mabilis na pinirmahan. "Now get out of my face."
Ngumiti naman siya. "Have a good night and don't forget to pray before going to bed."
MALAKAS na bumukas ang pinto ng opisina ko saka tuloy-tuloy na pumasok si Ledger. Kunot na kunot ang noo niya at halos magdikit na ang dulo ng kilay."I know what you did, Tatiana," asik niya nang makalapit sa table ko."Then what brings you here?""I'm warning you. Don't play a trick on us, especially to Yara."Natawa ako. "Wala naman akong ginagawa sa babae mo.""She got angry with me because of the photos you uploaded.""So, nagpatulong ka kay Vivian para ma-track ang dummy account na 'yon.""Your e-mail is attached to it. Gagawa ka na lang ng kalokohan, nag-iwan ka pa ng pagkakakilanlan mo.""Para malaman niyong ako ang gumawa no'n. Simple as that." Tinaasan ko siya ng kilay. "Besides, ikaw naman ang may kasamang ibang babae sa mall.""So, you're spying on me?""Obvious naman, 'di ba?" ngiwi ko. "Kung wala ka nang sasabihin, pwede bang umalis ka na? Baka masampal lang kita.""Sirain mo na lahat, 'wag lang ang relasyon namin ni Yara.""Kayo na pala." Ngumisi ako. "Sure, mas pagbubu
"HOW was it?" I asked on the line. "Nalaman mo ba kung sino ang nagpadala ng box na 'yon?""I'm sorry, Tatiana," pabuntong-hiningang tugon ni Plum. "Pero wala akong na-trace.""Kahit isa, wala?""Address lang. Pasig City."Nangunot ang noo ko. Isa lang ang kilala kong may bahay sa Pasig pero imposibleng siya 'yon. Hindi niya ako tutulungan dahil kakampi niya ang pamilya ko."Sinong nasa isip mo?" aniya pa."Nothing. Thanks for the help, Plum.""I'm always here. One call away."Binaba ko ang tawag at tumulala sa pader upang mag-isip. Kung susuriin, malapit ang Pasig sa tinitirhan naming mansion dito sa Makati. Thirty minutes lang ay darating na agad ang parcel. But I doubt na may alam siya. At hindi rin niya ako tutulungan sa ganitong bagay.Dumukot ako sa bulsa upang kuhanin ang wallet pero may kasamang nalaglag. Pinulot ko ang insignia at tinitigan 'yon. Kailangan ko rin nga pa lang hanapin ang mysterious boss ng Omega. Ang daming dapat gawin."Tatiana!" Umalingawngaw ang matinis na
PAGBABA ay dumeretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Sinuot ko ang shades saka naglakad paalis. Awtomatiko rin akong nahinto nang makarinig ng mahihinang tawanan sa pool area.Lumapit ako hanggang masilayan sina Vivian at Blake na parehas nakahiga sa magkatabing wooden chair. May dalawa ring klase ng fruit juice sa gilid habang masaya silang nagkukwentuhan."Successful ang art exhibit ko," nakangiting anas ni Blake. "Thanks to you, Tita.""Kaya nga binuo ang Gil Intelligence Security para resolbahin ang mga problema sa pamilya natin, so you're welcome."My face crumpled in disgust. Sa loob ng dalawang magkasunod na araw, naabswelto ang kaso ni Blake ukol sa nakuhang baril sa art exhibit niya. Habang si Vivian naman ay nalinis agad ang pangalan dahil sa ginawang kwento na edited daw 'yong pictures. Ginamit niya ang buong Gil Intelligence Security upang gawing edited 'yon bilang patunay. Ang mga media naman, naniwala at nasilaw sa pera para pagtakpan ang kabaliwang 'yon."Oh, why a
Third Person's POV"BREAKING news! The famous actress and current model of Gil Airlines, Yara Alvarez made a shocking autograph signing event in a local convenience store last night. Many fans are happy in her unexpected appearance in the local store that shows her humble side.""Sila happy pero ako hindi," naiiyak na atungal ni Yara saka nagsalin ng alak. "Kasalanan 'to ni Tatiana!""Humble pa nga?" malakas na tawa ni Jill. "Lakas naman tarayan si Tatiana kahit alam niyang matatalo siya sa huli."Binatukan siya nito. "Kakampi ba talaga kita, ha?""Totoo naman, eh." Ngumuso siya at tinignan ang cellphone na sunod-sunod ang dating ng notification. "Ang saya ng text ni boss, pati ng iba mong advertisement. Autograph pa more.""May maganda namang dinulot ang nangyari, 'di ba?""Mag-report ka raw sa agency mo bukas.""Dead end na yata ng showbiz career ko." Tinungga niya ang alak. "Mag-retire na kaya ako?"Mula sa kusina ay lumabas si Elias habang nagpupunas ng kamay. Kahuhugas niya lang
HINDI ako nakatulog ng maayos dahil sa mga salita ni Elias. Hindi ko naman dapat maramdaman 'to ngunit bakit parang pinapatamaan niya ko sa devotional quote na 'yon? Entry niya 'yon sa contest pero bakit tila sinasabi niya mismo sa akin?I'm rich but sad because my mom is gone and my grandpa is still in coma. I don't have anyone in my life to stand up for me. I only have myself. I'm beautiful but rejected by my own family and sometimes, by the society. Is that all because I don't believe in God?Napailing ako. Kung talagang pinapakinggan Niya ako, hindi Niya gagawing miserable ang buhay ko. Kung talagang concern Siya sa akin, hindi Niya ako pahihirapan ng ganito. Hindi sana namatay si Mommy.Malalim ang naging buntong-hininga ko at naligo na. I wore my red and white checkered dress matched with three-inch white ribbon heels. Sinukbit ko ang sling bag at lumabas ng silid.Sakto namang kalalabas lang din ni Elias sa kwarto ni Ledger. Parehas kaming natigilan nang magtama ang aming mga m
MATAPOS maligo ay binalot ko ng robe ang katawan habang tuwalya naman sa ulo. Nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot. Video call mode pa."Quel est votre problème?" (What's your problem?) kunot-noong sambit ko. "You keep calling me these days."Plum pouted her lips. "Je m'ennuie de nos liens." (I miss our bonding)"Hindi ka na ba nagpupunta ng club right after work?" Lumabas ako sa bathroom at tumungo sa cabinet upang mamili ng damit. "That's your hobby.""Our hobby." She rolled her eyes. "Madalang na lang because you're not here.""Ano namang difference kung wala ako d'yan? Eh, no'ng hindi pa nga tayo magkakilala, sabi ng mga boylets mo parati kang nasa club.""I was just sad that time. Mas masaya kapag nandito ka."Kinuha ko ang high waisted jeans at white halter top. "On duty ka tapos kausap mo ko?""Why not? Sabi naman ni General Marchand, call me anytime."Ngumiwi ako. "Ikaw ang tumawag ngayon.""Oh, hi there!" Nakangiti siyang kumaway. "You're handsome!"Nangunot a
napamura nang masilayan ang dalawang hijacker sa tabi ng piloto habang nakatutok ang baril sa sentido nito. Base sa buka ng bibig ay nagbibigay ito ng direksyon kung saan dapat lalapag.Sumulyap ako sa wrist watch at sampung minuto na lang, magla-landing na sa Paris Charles de Gaulle Airport. Subalit iba ang pakiramdam ko. Baka hindi roon ang deretso namin. Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang bigla na lang bumulusok ang eroplano!"T-Tatiana." Nagulat ako nang yumakap sa akin si Elias. "The Lord is with us. Hindi niya tayo pababayaan."Hinugot ko ang plastic sa bulsa at binigay 'yon sa kaniya. "D'yan ka sumuka. 'Wag sa damit ko.""S-Salamat."Akala ko kakalas na siya pero nanatili ang braso niya sa bewang ko habang nakasalok ang plastik sa bibig niya at dumuduwal na naman. May silbi rin pala ang binigay na 'yon ni Blake. Napailing na lamang ako at hinayaan siya."Captain Gilbert," a familiar voice said on the radio. "This is Sergeant Plum Roche. I bet the plane is going to the foot of J
"SHOWBIZ Report: Yara Alvarez was spotted in Glorietta yesterday with a new guy. Many fans are arguing if she cheated on her current boyfriend Ledger Gilbert or they broke up since the latter was also seen with other woman."Napangisi ako, lalo na nang ipakita ang stolen shot nilang dalawa na parehas pang nakangiti. Good job, Jaime. Nag-hire ka pa talaga ng ibang lalaki para lang makalapit kay Yara at masira ang relasyon nila ng kapatid ko. Pinakita rin ang ilang funny and negative comments ng netizens sa magkasintahan.Pinatay ko ang TV at binuksan ang malaking kahon na pinadala kanina. Sinira ko ang papel na nakabalot hanggang tumunghay sa akin ang medieval silver key painting ni Blake. Naisipan kong bilhin para matitigang maigi at maanalisa.Nasa ganoong posisyon ako nang mag-ring ang phone ko. "What?" sagot ko. "Nalaman mo na ba kung saan nabili ang bracelet na 'yon?""My gosh, Tatiana," maarteng tugon ni Plum. Dinig ko rin ang pagtipa ng daliri niya sa keyboard. "Until now, I cou
7 years later..."EACH day is a blessing. Blessing to enjoy life to its fullest, blessing to correct any mistakes, blessing for us to forgive, blessing to ask for forgiveness and blessing to love and be loved. How wonderful that our God is a God of many blessings. God is good. God has been good. God is always good and will aways be good! Amen?""Amen!" sabay-sabay naming sambit. "Praise the good Lord!""Go forth, the mass is ended.""Thanks be to God."Masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong simbahan. Nakangiti naman akong tumugtog ng piano kasabay nang pagkanta ng choir ng I Will Sing Forever bilang recessional song. Mula sa altar ay nakita kong sumamang naglakad pababa si Elias kay Father Ben upang alalayan ito. Lalo na nang lumapit ang mga bata't matanda upang magmano sa pari."Maraming salamat po, Ate Tatiana!" malakas nilang wika nang matapos ang kanta. "Sa susunod na Linggo po ulit ikaw po ang tumugtog, ha?""Oo naman," ngiti ko at ginulo ang kanilang buhok. "Dumeretso
"CLASS dismissed. See you next semester."Tumayo si Elias at niligpit na ang mga gamit."Ano, pre?" Inakbayan siya ng kaklase. "Sasama ka ba sa amin mamaya? Laro tayo ng basketball.""Hindi." Sinukbit niya ang bag. "May pupuntahan ako.""Ay, alam na! Pupunta ka ulit ng France, 'no? Makikipagkita sa girlfriend." Saka sila muling naghiyawan. "Elias Gentry at your service!"Tinapik niya sa balikat ang mga ito. "Mauna na ko.""Ingat, pre! Magbaon ka ng proteksyon."Napailing na lamang si Elias at lumabas na ng room. Dumaan din siya sa simbahan bago tuluyang umuwi."Ma, ako na po r'yan," sambit niya. "Sabi ko naman po ako na ang mag-aayos ng damit sa maleta.""Patapos na ko, anak. Hubarin mo na 'yang uniporme at magpalit ng damit. Baka mahuli ka pa sa flight."Sinunod na lamang niya ang ina at pumasok na sa kwarto. Saglit siyang nag-shower at nagbihis. Bitbit ang trench coat ay lumabas siya habang sukbit ang backpack."Sana this time magkita na kayo ni Ate," nguso ni Elle. "Four months ka
"IN the world where everything seems uncertain, God always loves you beyond words, time and distance."Iyon ang mga katagang sinulat ni Elias sa kaniyang journal notebook. Ang katagang namuo sa kaniyang isipan nang mapakinggan ang sermon ni Father Ben. Kauuwi lamang nila mula sa simbahan at agad siyang tumungo sa kwarto upang gumawa ng reflection. Nakasanayan na niya ang gano'ng gawi mula pa noon at hindi siya magsasawang gawin 'yon araw-araw.Biglang nahagip ng tingin niya ang litrato nilang dalawa ni Tatiana. Stolen shot 'yon habang papunta sila sa garden ng Gilbert mansion. Nakatingin sila sa isa't isa, parehas may matamis na ngiti sa labi at magkahawak ang kamay. Si Jill ang kumuha niyon at binigay sa kaniya bilang remembrance dahil napansin nitong wala pa silang picture kahit isa.Yumuko siya, pinatong ang baba sa mesa at nilapit ang picture frame upang mas mapagmasdan ang nobya."Kamusta ka na?" bulong niya at agad na namuo ang luha. "Miss na miss na kita."Hinding-hindi niya ma
TATLONG araw pa lang akong nakakulong sa kung saang bahagi ito ng Manila ay para na naman akong mababaliw. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko nang dakpin ako ng Omega dati, tila wala akong kawala.May kumatok sa pinto. Bumukas din 'yon at pinasok ng French officer ang tray ng pagkain. Sumaludo siya sa akin kaya tumango lang ako bilang pasasalamat."Major Chastain wants to know if you're done planning the capture of Omega boss?""Yesterday pa," irap ko. "And tell him I need more special paper like this." Tinaas ko ang papel. "The scented one, okay? Like the smell of the church.""Understood, Captain." Saka siya lumabas.Nilingon ko ang salamin at nakitang nangangalumata ako dahil sa puyat. Sa sobrang pag-aalala kay Elias, hindi ako nakatulog. Wala akong balak matulog, lalo na't kailangan kong tapusin ang mahahalagang sulat. Sulat para sa baby boy ko.Kinuha ko ang tray at nag-antanda upang taimtim na pasalamatan ang Panginoon sa araw-araw na biyaya. Sumubo na rin ako ng sisig at tinuloy
"PAANO?" mahina kong usal habang nakahawak sa dibdib. "Paano akong magiging masaya kung ang sarili kong kasiyahan ay napahamak dahil sa akin?""Tatiana..." Yumakap sa akin si Plum. "I'm sorry. Hindi ko agad nakita ang pagpunta ni Elias do'n. Masyadong mabilis ang pangyayari."Hindi ako tumugon at nanatiling nakayuko habang patuloy pa ring umaagos ang masaganang luha. Ilang oras na kaming naghihintay dito sa harap ng ICU ngunit hindi pa rin lumalabas ang doktor. Naroon naman sa pinto ang pamilya ni Elias habang katabi ko sina Yara at Jill na kanina pa rin umiiyak.Ni hindi ko magawang tignan ang mga magulang ni Elias dahil nahihiya ako. Kasalanan ko kung bakit nadamay ang anak nila sa magulo kong mundo. Dapat dinoble ko ang proteksyon niya para hindi siya mapahamak. Pero heto ako, unti-unti nang nadudurog dahil sa mga nangyayari.Gusto ko na lang ulit maglaho pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Elias ay hindi ko na 'yon magawa. Nagkaroon na rin ako ng takot kay Lord na
HINDI ako nakatulog. Magdamag akong dilat habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang alaala namin ni Blake noong mga bata pa kami. Si Ledger man ang una kong nakasundo dahil sa hilig naming maglaro pero si Blake ang nagtagal dahil bukod sa bibo siya, mahusay siyang magpatawa. Sa tuwing malungkot ako ay pinapasaya niya ako. Ngunit isang araw, bigla na lang siyang umiwas sa akin.I opened my phone and played the video he uploaded minutes before he passed away. Ngiti niya agad ang bumungad sa akin ngunit malungkot 'yon, lalo na ang mga mata niya. Nagpalit pa siya ng damit, magarang suit and tie. Talaga yatang planado niya ang sandaling ito na kinasama ng aking loob."I'm Blake Gilbert, the second son of Gil Group of Companies. I committed a crime twelve years ago. I murdered Talitha Gilbert." Nakagat niya ang labi, pinigilan ang emosyon pero traydor ang kaniyang luha. "Tatiana Rae, I'm sorry. This may not help me anymore but I still want you to know that I regretted it. Since th
"ALL human beings, irrespective of sex, or race, creed, will have to come to terms with death. It is hard to bear the loss of people whom we love because of our attachment to them. It hurts to lose someone who impacted our lives and there's a huge, gaping void in us that only they could fill in. But we don't have to carry on like those without hope. We don't see this as the end of life, but rather a person's birth into eternal life."Tulala lamang ako sa casket ni Daddy Rowan na nasa harap ng altar habang matamang nakikinig sa sermon ni Father Ben at tahimik na pumapatak ang luha sa aking mga mata.Nitong nakaraan ko lang nalaman ang katotohanang siya ang ama ko pero heto siya, binawi na agad sa akin. Siguro nga na sandali siyang ginising ni Lord upang muli akong makita at mahagkan sa huling pagkakataon. Na pinaranas muna sa akin ni Lord na makasama at maparamdam ang pagmamahal ko kaniya dahil mahigit labindalawang taon kaming wala sa tabi ng isa't isa."One day, we will cross from de
"THE mind and ways of God are different from the thoughts and acts of man. As we follow Him closely, we discover that we have to 'lose to gain', 'surrender to win', 'die to live', 'give to receive', 'serve to reign', 'scatter to reap'. In weakness, we are made strong. In humility, we are made lifted up. And in emptiness, we are made full. Trust in His ways and you will never be lost."Napangiti ako nang marinig iyon paglabas ng banyo. Sigurado akong bukas ang TV at do'n nagmumula 'yon. I wore my black sando, black leather pants and black combat shoes. I put the gun inside my belt bag. Tinuyo at sinuklay ko ang buhok saka lumabas."Faith in God is still the best armor." Nadatnan ko si Plum sa harap ng TV at pinagdikit ang dalawang palad. "Amen!""Baka lumagpas ka sa langit niyan," biro ko.Natatawa niya akong nilingon. "Kumain ka muna bago umalis."Naupo ako sa harap ng dining table, tahimik na nag-antanda at taimtim na nagdasal sa Panginoon."Thank you, Father God, for this brand new
UMAWANG ang labi ko, hindi makapaniwala. "Paano po nangyari 'yon?" Hinawakan ni Elias ang nanlalamig kong kamay. "Paanong siya ang ama ko at hindi si Daddy Rafael?""Sina Chairman Rowan at Ma'am Talitha ang tunay na magkasintahan. Unang kita pa lang ni Sir Rafael sa mommy mo, nagkagusto na siya. Nabuntis si Ma'am Talitha at akala ni Sir Rafael, anak niya ang nasa sinapupunan nito. Nagpaubaya si Chairman Rowan kahit alam niyang siya ang tunay na ama. Ngunit nang sumapit ang 10th birthday mo, nalaman din ni Sir Rafael ang totoo. Lalo na nang matuklasan pa niyang ikaw ang magmamana ng Gil Group of Companies. Nagalit siya dahil buong buhay niya, alam niyang siya ang tagapagmana niyon. Doon na nagsimula ang lahat ng kalbaryo sa buong pamilya niyo."Bumigat ang dibdib ko, tila nagpatong-patong na ang mga rebelasyon at hindi makayanan ng isip ko."Bakit hindi po sinabi sa akin ni Mommy ang tungkol do'n? Buong akala ko si Daddy Rafael ang ama ko."Pero masaya ako. Masayang-masaya ako na si Lo