Share

Chapter IV

Author: mayiilayug
last update Huling Na-update: 2022-10-14 18:59:29

Third Person's POV

"YARA!" malakas na sambit ni Jill, ang matalik na kaibigan at manager ng aktres. "Hintayin mo ko! Ang laki naman kasi ng bakuran na 'to!"

Natawa si Yara. "Kaya nga mansion ang tawag."

"Nasaan na ba si Ledger? Pababa na ba o tulog pa?"

"He texted me. He's taking his shower." Sinuot ni Yara ang apron. "Do I look pretty?"

"Oo naman! Kaya nga in demand kang artista, eh!" Dinanggil nito ang balikat ng kaibigan. "At ang rason kung bakit nahulog sa'yo ang isang Ledger Gilbert."

Impit na tumili si Yara. "I didn't expect na magkakagusto siya sa akin."

"Hanggang ngayon hindi mo pa sinasabi kung ano na ang status niyo."

"Next time na lang," ngiti niya, kinikilig. "Teka, nasaan si Elias?"

"Ayun, oh!"

Nasa gitna ng damuhan si Elias at nakapalibot sa kaniya ang malalaking palanggana kung saan nilalabhan niya ang puting kurtina. Napaliligiran din siya ng mga katulong ng Gilbert Clan, pawang kinikilig sa binata.

"Grabe," natatawang anas ni Yara. "Iba talaga ang hatak ng kagwapuhan ng kaibigan natin."

"Kung pera nga lang ang kapalit ng bilang ng mga babaeng umaaligid sa kaniya, malamang mayaman na siya."

"At hindi ko akalain na kasama sa part-time job niya ang pagiging house boy rito sa Gilbert mansion."

"Todo kayod siya, bes. Alam mo namang bread winner 'yan."

"May trabaho naman 'yong kano niyang tatay, 'di ba?"

"Oo, sa fish port yata."

"Dapat nag-artista na lang din siya. Ganyan ang mukhang hinahanap ng talent agents."

"Naku, pinilit ko na 'yan kaso ayaw. Mas mahal niya raw si Lord."

Nagkatinginan sila at sabay na tumawa. Nahinto rin sila nang makita ang isang babaeng lumabas sa pintong nasa gilid.

"Who's that?" Napanganga si Jill sa sobrang pagkamangha. "Ang ganda niya. Para siyang model."

"Tatiana Rae Gilbert, stepsister ni Ledger. She's the heiress of Gil Group of Companies but she became a rebel and decided to live in France."

"Seryoso?!" Namilog ang mata nito. "Pinagpalit niya ang yaman sa pagrerebelde?"

"That's what Ledger told me." Tumaas ang kilay niya. "And now, she's back. Tingin ni Ledger, babawiin ni Tatiana ang lahat."

"Wait, siya ba 'yong nabalita noong nakaraan? Iyong nagtrending din sa social media?"

"Siya nga."

"Grabe!" Hindi niya maalis ang tingin sa dalaga. "She's pretty and savage. Bet na bet ko ang comeback niya."

"Ano ka ba? Kontrabida 'yan. At tingin ko kaya nandito 'yan, para sirain kaming dalawa ni Ledger."

"Paano ka naman nakasisiguro? Ngayon mo lang siya nakilala."

"Never pang nagkamali ang instinct ko."

"Wow." Kinusot ni Jill ang mata at muling tumitig. "Ang haba ng hair niya, lagpas sa bewang. Saan kaya siya nagpapasalon?"

"Tingin mo anong eksaktong kulay ng hair niya? Bagay rin kaya sa akin 'yon?"

"Kunware ka pa eh, nagagandahan ka rin sa kaniya," tawa ni Jill. "I think it's havana brown. Ganyan ang buhok ng mga French at Latina."

"Tara," nakangiwing yaya ni Yara.

"Saan tayo pupunta?"

"Ikukuha kita ng palanggana para sa laway mong kanina pa tumutulo."

Wala nang nagawa si Jill kundi sumunod kay Yara hanggang marating ang kinalulugaran ng kaibigan.

"Elias," tawag ni Yara at kinumpas ang kamay. "Halika."

Nagtataka man ay naghugas ng kamay si Elias at lumapit sa kaibigan. "Bakit?"

"See her?" Tinuro ni Yara si Tatiana na kinakausap ang isang maid. "Pigilan mo siyang makalapit sa akin."

Nangunot ang noo ni Elias. "Bakit naman?"

"Kung gusto mong umusad ang love life ko, sundin mo na lang ako."

"May bayad ba 'yan?"

"Mukha ka talagang pera."

Kumamot siya sa ulo. "Nangangailangan lang."

"Oo nga naman," natatawang sabat ni Jill. "500, pwede na ba?"

"Ang laki naman no'n?" angil ni Yara. "300 lang."

"400," ngiti ni Elias. "Huling tawad."

Dumukot si Yara sa bulsa at binigay ang pera sa kaibigan.

"Make sure na hindi talaga siya makakaistorbo sa amin ni Ledger."

"Sige."

Tatiana Rae's POV

"WHAT's the real score between Ledger and Yara?" I asked. "Don't ever lie to me. At 'wag mong susubukan magsumbong kay Barbara dahil alam ko kung magkano ang sweldo mo."

Napayuko ang maid. "'Wag po, Ma'am. Marami pa po akong pinapakain sa pamilya ko."

"Sinabi ko lang na alam ko kung magkano ang sweldo mo. Hindi kita sisisantihin." Napabuntong-hininga ako. "Now, answer me."

"Base po sa pagkakarinig ko, nanliligaw raw po si Sir Ledger kay Ma'am Yara."

Mapakla akong natawa. Kailan pa natutong manligaw ang kalahating kapatid ko na 'yon? Sa pagkakatanda ko, babae ang lumalapit sa kaniya dahil bukod sa may ibubuga ang itsura, mayaman pa. Anong nangyari ngayon? Epekto ba 'yon ng pagdalo niya sa church activities na dinadaluhan din ni Yara? Nabahiran ng kabutihan ang budhi? Ngumiwi ako. Imposible.

"Thanks." Tinapik ko ang balikat niya. "May bonus ka sa akin mamaya."

"Maraming salamat po, Ma'am."

Lalong tumaas ang kilay ko nang masilayan kung paanong lumapit sa isa't isa sina Ledger at Yara. Parehas pa silang nakangiti habang nag-uusap.

Hinanda ko ang sarili at tumungo sa kanila. Limang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang humarang sa akin si Elias.

"Tulungan mo ko." Tinaas niya ang hawak na palanggana. "Masyadong mahaba 'yong kurtina, eh."

"Naririnig mo ba 'yang sinasabi mo?"

"Marunong ka pa lang magsalita ng Tagalog. Akala ko hindi."

"I'm busy. Step aside."

Umiling siya. "Tulungan mo na ko, please."

"Marami akong nakitang maids d'yan na kasama mo kanina. Sa kanila ka magpatulong."

"Pinatawag na sila ni Ma'am Barbara sa loob."

Sinulyapan ko ang dalawa at nag-uusap pa rin sila. Kailangan ko silang paghiwalayin.

"Kaya mo na 'yan. Lalaki ka naman." Muli akong humakbang ngunit lalo pa siyang humarang. "What?"

"Tulungan mo na kasi ako. At ang mga matulungin, pinagpapala ni Lord."

"Bakit ba ikaw ang gumagawa niyan? Parte ba 'yan ng pagiging house boy?"

"Absent daw 'yong labandera niyo. Nagprisinta akong pumalit muna kaya ako gumagawa."

"Then it's not my problem," iritableng asik ko. "Tumabi ka r'yan, Elias."

"Isang kurtina lang. Kailangan ko na talagang isampay 'to, eh."

Muli kong tinignan sina Ledger at Yara, masaya pa rin silang nag-uusap saka ko binalik ang atensyon kay Elias.

"Make it fast."

Ngumiti siya. "Salamat."

Nilapag niya ang palanggana at kinuha ang isang kurtina. Tama nga siya na mahaba 'yon. Kailangan talagang dalawang tao ang magtutulong para palipitan. Bakit naman kasi ganito ang biniling kurtina ni Barbara? Religious na rin ba siya? Pangsimbahan 'to, eh.

"Pakihawak 'yong dulo," aniya pa.

Tinaliman ko muna siya ng tingin bago sinunod ang kaniyang sinabi. Naglayo kami hanggang mapunta sa pagitan namin ang kurtina. Naghatakan pa kami bago pagpagin 'yon. Napaiwas ako nang mabasa ang mukha ko. Pero ayos lang, wala naman akong make up. 'Di tulad ni Barbara na nasa bahay nga lang, todo make up pa.

Sa muling pagpag ng kurtina ay hindi inaasahang maglalapit kami ni Elias. Ilang dangkal lang ang espasyo sa pagitan ng mukha namin. Ngumiwi ako saka lumayo at pasimpleng sinulyapan ang dalawa.

Ano bang pinag-uusapan nila? Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal? Parang nobela sa haba.

Nagulat ako nang malakas na ipagpag ni Elias ang kurtina at hinatak pa dahilan para mapalapit kami ulit sa isa't isa. Muntik pa siyang matumba ngunit agad niya akong nahawakan sa magkabilang braso para kumuha roon ng suporta.

Nangunot ang noo ko kung gaano kalapit ang mukha namin. "Bakit ang hina mo naman?"

"Sinadya ko talagang maging mahina." Ngumiti siya. "Para sa'yo."

Ngumiwi ako at inagaw ang kurtina sa kaniya. Isang hagis ko lang ay maayos na 'yong nakasampay.

"Kuha mo?"

"Wow." Namilog ang bibig niya sa gulat. "Ang galing mo naman. Dati ka bang labandera?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Wala akong oras para makipaglaro sa'yo."

"Sorry. Galit ka?"

Ako naman ang nagulat kung gaano nagsusumamo ang mukha niya.

"You got some problems." Problem in his kind face.

Tumango siya. "Marami."

Napailing na lang ako at nilagpasan siya. Pagtingin ko sa kinalulugaran nina Ledger at Yara ay wala na sila roon! Darn. Kasalanan 'to ng house boy na 'yon. Nilingon ko si Elias at ngumiti pa siya sa akin!

Malalim ang naging buntong-hininga ko at nagmartsa paalis.

NAGSUOT ako ng black dress at muling sinuklay ang buhok. Nagpisik ako ng pabango at sinukbit ang bag. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Blake. Katapat ko nga lang pala ang kwarto niya.

"Going somewhere?" Ngumiti siya habang nilalaro ang susi sa daliri. "Aalis din ako. Sabay ka na sa akin."

"No, thanks. Ingat ka na lang. Baka sana mabunggo ka."

Natawa siya. "Binago ka talaga ng France."

"Simple lang ako sa buhay. Kung ano 'yong pinakita niyong ugali sa akin, iyon din ang ipapakita ko."

"Hanggang kailan?" Ngumisi siya. "Tingin mo, magtatagal ka rito?"

"Alam kong hindi ako magtatagal dito dahil isa lang ako laban sa inyong lima na gusto akong ibalik sa France. Pero hangga't nandito pa ko, gagawin kong impyerno ang buhay niyo." Ginantihan ko siya ng ngisi at tumalikod na ngunit lumingon rin. "Where's your mom? I need to talk to her."

"I'm warning you, Tatiana. Don't do anything sh*t to my mom."

"She's the real example of shit. So, I'm not going to do anything more." I chuckled. "Where is she?"

He glared at me. "Third floor. Dad's office."

"Thanks." Inunahan ko rin siyang sumakay ng elevator.

Pagbaba ko sa ikatlong palapag ay red carpet agad ang natapakan ko. Pinagkagastusan talaga nila ang bahaging ito, lalo na't dito sila madalas magkita-kita para bumuo ng plano laban sa akin. Kinuha ko ang maliit na paso at kinalat ang lupa niyon sa gitna.

"Perfect." I smirked. "Paniguradong mabubwisit na naman ang Barbara na 'yon."

Palapit pa lang ako sa opisina ni Dad ay naririnig ko na ang tinig nilang tatlo. Sumandal ako sa pader at pinakinggan ang kanilang usapan.

"Kuya," maarteng sambit ni Vivian. "Kailan mo ba paaalisin dito si Tatiana? I can't take her anymore. Binutas niya ang gulong ng kotse ko yesterday."

"And because of her, my favorite plant died!" Barbara added in disappointment. "You know how much I love indoor plants!"

"Can you both keep quite?" Dad said. "I'm thinking."

"Why don't you use the Gil Intelligent Security to bring her back to France?" Barbara suggested. "You're the current head of it, Vivian."

Ngumiwi ako. Inagaw na nga niya sa akin ang Gil Furnitures, pati ba naman ang intelligence security? Sino namang nagtalaga sa kaniya ro'n?

"And you, honey," she added again. "You're the President of Gil Group of Companies and the acting Chairman. I'm sure mas dumami pa ang connections mo. Makakaya nating ibalik si Tatiana sa France."

Naiintindihan ko kung bakit siya ang acting Chairman dahil hanggang ngayon comatose pa rin si Lolo pero ginagamit niya ang kapangyarihan na 'yon para mapalawak ang koneksyon niya at muli akong ipatapon sa France? Ironic.

"We all know she's a hard-headed brat now," Dad blurted. "She became mentally strong. Hindi natin siya mapapaalis ng gano'n lang kadali."

"So, hahayaan mo lang siyang tumira rito?" bitter na wika ni Vivian. "Hindi ako papayag. Masyado na niyang pinepeste ang buhay natin."

Doon na ako humarap at marahas na binuksan ang pinto. Sabay-sabay pa silang lumingon sa akin.

"Hinding-hindi ako aalis dito," taas-noong sambit ko. "Magkamatayan man tayo."

Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman kung sino sa kanilang lima ang pumatay kay Mommy Talitha at kung sino ang bumangga sa sasakyan ni Lolo Rowan.

Kaugnay na kabanata

  • Drops of Divine   Chapter V

    "REALLY?" Malokong ngumisi si Vivian at tumayo. "Even if you die right here?"Tamad akong tumango. "Try me."Mabilis siyang naglabas ng baril at tinutok sa akin. Kunwari pa akong umatras at tinaas ang kamay."Now you're afraid, Tatiana." Humakbang siya palapit sa akin. "Hanggang salita ka lang pala.""Vivian." Dad stood up. "Put it down.""No, Kuya. Hindi magtatanda ang babaeng 'to kapag hindi naturuan ng leksyon."Barbara laughed. "That's why I like you, Vivian. Lagi mo akong pinapahanga.""What, Tatiana?" ngisi niya. "Aalis ka sa mansyong 'to o ipuputok ko sa'yo 'to?""Eh, 'di iputok mo. Tapos anong gagawin niyo sa bangkay ko? Hahayaan niyo lang, 'di ba?" Malamig akong tumitig sa kanila. "Hahayaan niyo lang gaya nang ginawa niyo kay Mommy Talitha. Pinalabas niyo pang siya ang gumawa no'n sa sarili niya."Nasaksihan ko kung paano siyang naestatwa. Sina Dad at Barbara naman ay parang natakasan ng dugo."Sino nga bang totoong pumatay sa kaniya?" Binaba ko ang kamay at huminto sa hallwa

    Huling Na-update : 2022-10-15
  • Drops of Divine   Chapter VI

    MALAKAS na bumukas ang pinto ng opisina ko saka tuloy-tuloy na pumasok si Ledger. Kunot na kunot ang noo niya at halos magdikit na ang dulo ng kilay."I know what you did, Tatiana," asik niya nang makalapit sa table ko."Then what brings you here?""I'm warning you. Don't play a trick on us, especially to Yara."Natawa ako. "Wala naman akong ginagawa sa babae mo.""She got angry with me because of the photos you uploaded.""So, nagpatulong ka kay Vivian para ma-track ang dummy account na 'yon.""Your e-mail is attached to it. Gagawa ka na lang ng kalokohan, nag-iwan ka pa ng pagkakakilanlan mo.""Para malaman niyong ako ang gumawa no'n. Simple as that." Tinaasan ko siya ng kilay. "Besides, ikaw naman ang may kasamang ibang babae sa mall.""So, you're spying on me?""Obvious naman, 'di ba?" ngiwi ko. "Kung wala ka nang sasabihin, pwede bang umalis ka na? Baka masampal lang kita.""Sirain mo na lahat, 'wag lang ang relasyon namin ni Yara.""Kayo na pala." Ngumisi ako. "Sure, mas pagbubu

    Huling Na-update : 2022-10-16
  • Drops of Divine   Chapter VII

    "HOW was it?" I asked on the line. "Nalaman mo ba kung sino ang nagpadala ng box na 'yon?""I'm sorry, Tatiana," pabuntong-hiningang tugon ni Plum. "Pero wala akong na-trace.""Kahit isa, wala?""Address lang. Pasig City."Nangunot ang noo ko. Isa lang ang kilala kong may bahay sa Pasig pero imposibleng siya 'yon. Hindi niya ako tutulungan dahil kakampi niya ang pamilya ko."Sinong nasa isip mo?" aniya pa."Nothing. Thanks for the help, Plum.""I'm always here. One call away."Binaba ko ang tawag at tumulala sa pader upang mag-isip. Kung susuriin, malapit ang Pasig sa tinitirhan naming mansion dito sa Makati. Thirty minutes lang ay darating na agad ang parcel. But I doubt na may alam siya. At hindi rin niya ako tutulungan sa ganitong bagay.Dumukot ako sa bulsa upang kuhanin ang wallet pero may kasamang nalaglag. Pinulot ko ang insignia at tinitigan 'yon. Kailangan ko rin nga pa lang hanapin ang mysterious boss ng Omega. Ang daming dapat gawin."Tatiana!" Umalingawngaw ang matinis na

    Huling Na-update : 2022-10-17
  • Drops of Divine   Chapter VIII

    PAGBABA ay dumeretso ako sa kusina upang uminom ng tubig. Sinuot ko ang shades saka naglakad paalis. Awtomatiko rin akong nahinto nang makarinig ng mahihinang tawanan sa pool area.Lumapit ako hanggang masilayan sina Vivian at Blake na parehas nakahiga sa magkatabing wooden chair. May dalawa ring klase ng fruit juice sa gilid habang masaya silang nagkukwentuhan."Successful ang art exhibit ko," nakangiting anas ni Blake. "Thanks to you, Tita.""Kaya nga binuo ang Gil Intelligence Security para resolbahin ang mga problema sa pamilya natin, so you're welcome."My face crumpled in disgust. Sa loob ng dalawang magkasunod na araw, naabswelto ang kaso ni Blake ukol sa nakuhang baril sa art exhibit niya. Habang si Vivian naman ay nalinis agad ang pangalan dahil sa ginawang kwento na edited daw 'yong pictures. Ginamit niya ang buong Gil Intelligence Security upang gawing edited 'yon bilang patunay. Ang mga media naman, naniwala at nasilaw sa pera para pagtakpan ang kabaliwang 'yon."Oh, why a

    Huling Na-update : 2022-10-18
  • Drops of Divine   Chapter IX

    Third Person's POV"BREAKING news! The famous actress and current model of Gil Airlines, Yara Alvarez made a shocking autograph signing event in a local convenience store last night. Many fans are happy in her unexpected appearance in the local store that shows her humble side.""Sila happy pero ako hindi," naiiyak na atungal ni Yara saka nagsalin ng alak. "Kasalanan 'to ni Tatiana!""Humble pa nga?" malakas na tawa ni Jill. "Lakas naman tarayan si Tatiana kahit alam niyang matatalo siya sa huli."Binatukan siya nito. "Kakampi ba talaga kita, ha?""Totoo naman, eh." Ngumuso siya at tinignan ang cellphone na sunod-sunod ang dating ng notification. "Ang saya ng text ni boss, pati ng iba mong advertisement. Autograph pa more.""May maganda namang dinulot ang nangyari, 'di ba?""Mag-report ka raw sa agency mo bukas.""Dead end na yata ng showbiz career ko." Tinungga niya ang alak. "Mag-retire na kaya ako?"Mula sa kusina ay lumabas si Elias habang nagpupunas ng kamay. Kahuhugas niya lang

    Huling Na-update : 2022-10-19
  • Drops of Divine   Chapter X

    HINDI ako nakatulog ng maayos dahil sa mga salita ni Elias. Hindi ko naman dapat maramdaman 'to ngunit bakit parang pinapatamaan niya ko sa devotional quote na 'yon? Entry niya 'yon sa contest pero bakit tila sinasabi niya mismo sa akin?I'm rich but sad because my mom is gone and my grandpa is still in coma. I don't have anyone in my life to stand up for me. I only have myself. I'm beautiful but rejected by my own family and sometimes, by the society. Is that all because I don't believe in God?Napailing ako. Kung talagang pinapakinggan Niya ako, hindi Niya gagawing miserable ang buhay ko. Kung talagang concern Siya sa akin, hindi Niya ako pahihirapan ng ganito. Hindi sana namatay si Mommy.Malalim ang naging buntong-hininga ko at naligo na. I wore my red and white checkered dress matched with three-inch white ribbon heels. Sinukbit ko ang sling bag at lumabas ng silid.Sakto namang kalalabas lang din ni Elias sa kwarto ni Ledger. Parehas kaming natigilan nang magtama ang aming mga m

    Huling Na-update : 2022-10-21
  • Drops of Divine   Chapter XI

    MATAPOS maligo ay binalot ko ng robe ang katawan habang tuwalya naman sa ulo. Nag-ring ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot. Video call mode pa."Quel est votre problème?" (What's your problem?) kunot-noong sambit ko. "You keep calling me these days."Plum pouted her lips. "Je m'ennuie de nos liens." (I miss our bonding)"Hindi ka na ba nagpupunta ng club right after work?" Lumabas ako sa bathroom at tumungo sa cabinet upang mamili ng damit. "That's your hobby.""Our hobby." She rolled her eyes. "Madalang na lang because you're not here.""Ano namang difference kung wala ako d'yan? Eh, no'ng hindi pa nga tayo magkakilala, sabi ng mga boylets mo parati kang nasa club.""I was just sad that time. Mas masaya kapag nandito ka."Kinuha ko ang high waisted jeans at white halter top. "On duty ka tapos kausap mo ko?""Why not? Sabi naman ni General Marchand, call me anytime."Ngumiwi ako. "Ikaw ang tumawag ngayon.""Oh, hi there!" Nakangiti siyang kumaway. "You're handsome!"Nangunot a

    Huling Na-update : 2022-10-23
  • Drops of Divine   Chapter XII

    napamura nang masilayan ang dalawang hijacker sa tabi ng piloto habang nakatutok ang baril sa sentido nito. Base sa buka ng bibig ay nagbibigay ito ng direksyon kung saan dapat lalapag.Sumulyap ako sa wrist watch at sampung minuto na lang, magla-landing na sa Paris Charles de Gaulle Airport. Subalit iba ang pakiramdam ko. Baka hindi roon ang deretso namin. Kumabog ang dibdib ko sa kaba nang bigla na lang bumulusok ang eroplano!"T-Tatiana." Nagulat ako nang yumakap sa akin si Elias. "The Lord is with us. Hindi niya tayo pababayaan."Hinugot ko ang plastic sa bulsa at binigay 'yon sa kaniya. "D'yan ka sumuka. 'Wag sa damit ko.""S-Salamat."Akala ko kakalas na siya pero nanatili ang braso niya sa bewang ko habang nakasalok ang plastik sa bibig niya at dumuduwal na naman. May silbi rin pala ang binigay na 'yon ni Blake. Napailing na lamang ako at hinayaan siya."Captain Gilbert," a familiar voice said on the radio. "This is Sergeant Plum Roche. I bet the plane is going to the foot of J

    Huling Na-update : 2022-10-26

Pinakabagong kabanata

  • Drops of Divine   Epilogue

    7 years later..."EACH day is a blessing. Blessing to enjoy life to its fullest, blessing to correct any mistakes, blessing for us to forgive, blessing to ask for forgiveness and blessing to love and be loved. How wonderful that our God is a God of many blessings. God is good. God has been good. God is always good and will aways be good! Amen?""Amen!" sabay-sabay naming sambit. "Praise the good Lord!""Go forth, the mass is ended.""Thanks be to God."Masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa buong simbahan. Nakangiti naman akong tumugtog ng piano kasabay nang pagkanta ng choir ng I Will Sing Forever bilang recessional song. Mula sa altar ay nakita kong sumamang naglakad pababa si Elias kay Father Ben upang alalayan ito. Lalo na nang lumapit ang mga bata't matanda upang magmano sa pari."Maraming salamat po, Ate Tatiana!" malakas nilang wika nang matapos ang kanta. "Sa susunod na Linggo po ulit ikaw po ang tumugtog, ha?""Oo naman," ngiti ko at ginulo ang kanilang buhok. "Dumeretso

  • Drops of Divine   Chapter XXXV

    "CLASS dismissed. See you next semester."Tumayo si Elias at niligpit na ang mga gamit."Ano, pre?" Inakbayan siya ng kaklase. "Sasama ka ba sa amin mamaya? Laro tayo ng basketball.""Hindi." Sinukbit niya ang bag. "May pupuntahan ako.""Ay, alam na! Pupunta ka ulit ng France, 'no? Makikipagkita sa girlfriend." Saka sila muling naghiyawan. "Elias Gentry at your service!"Tinapik niya sa balikat ang mga ito. "Mauna na ko.""Ingat, pre! Magbaon ka ng proteksyon."Napailing na lamang si Elias at lumabas na ng room. Dumaan din siya sa simbahan bago tuluyang umuwi."Ma, ako na po r'yan," sambit niya. "Sabi ko naman po ako na ang mag-aayos ng damit sa maleta.""Patapos na ko, anak. Hubarin mo na 'yang uniporme at magpalit ng damit. Baka mahuli ka pa sa flight."Sinunod na lamang niya ang ina at pumasok na sa kwarto. Saglit siyang nag-shower at nagbihis. Bitbit ang trench coat ay lumabas siya habang sukbit ang backpack."Sana this time magkita na kayo ni Ate," nguso ni Elle. "Four months ka

  • Drops of Divine   Chapter XXXIV

    "IN the world where everything seems uncertain, God always loves you beyond words, time and distance."Iyon ang mga katagang sinulat ni Elias sa kaniyang journal notebook. Ang katagang namuo sa kaniyang isipan nang mapakinggan ang sermon ni Father Ben. Kauuwi lamang nila mula sa simbahan at agad siyang tumungo sa kwarto upang gumawa ng reflection. Nakasanayan na niya ang gano'ng gawi mula pa noon at hindi siya magsasawang gawin 'yon araw-araw.Biglang nahagip ng tingin niya ang litrato nilang dalawa ni Tatiana. Stolen shot 'yon habang papunta sila sa garden ng Gilbert mansion. Nakatingin sila sa isa't isa, parehas may matamis na ngiti sa labi at magkahawak ang kamay. Si Jill ang kumuha niyon at binigay sa kaniya bilang remembrance dahil napansin nitong wala pa silang picture kahit isa.Yumuko siya, pinatong ang baba sa mesa at nilapit ang picture frame upang mas mapagmasdan ang nobya."Kamusta ka na?" bulong niya at agad na namuo ang luha. "Miss na miss na kita."Hinding-hindi niya ma

  • Drops of Divine   Chapter XXXIII

    TATLONG araw pa lang akong nakakulong sa kung saang bahagi ito ng Manila ay para na naman akong mababaliw. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko nang dakpin ako ng Omega dati, tila wala akong kawala.May kumatok sa pinto. Bumukas din 'yon at pinasok ng French officer ang tray ng pagkain. Sumaludo siya sa akin kaya tumango lang ako bilang pasasalamat."Major Chastain wants to know if you're done planning the capture of Omega boss?""Yesterday pa," irap ko. "And tell him I need more special paper like this." Tinaas ko ang papel. "The scented one, okay? Like the smell of the church.""Understood, Captain." Saka siya lumabas.Nilingon ko ang salamin at nakitang nangangalumata ako dahil sa puyat. Sa sobrang pag-aalala kay Elias, hindi ako nakatulog. Wala akong balak matulog, lalo na't kailangan kong tapusin ang mahahalagang sulat. Sulat para sa baby boy ko.Kinuha ko ang tray at nag-antanda upang taimtim na pasalamatan ang Panginoon sa araw-araw na biyaya. Sumubo na rin ako ng sisig at tinuloy

  • Drops of Divine   Chapter XXXII

    "PAANO?" mahina kong usal habang nakahawak sa dibdib. "Paano akong magiging masaya kung ang sarili kong kasiyahan ay napahamak dahil sa akin?""Tatiana..." Yumakap sa akin si Plum. "I'm sorry. Hindi ko agad nakita ang pagpunta ni Elias do'n. Masyadong mabilis ang pangyayari."Hindi ako tumugon at nanatiling nakayuko habang patuloy pa ring umaagos ang masaganang luha. Ilang oras na kaming naghihintay dito sa harap ng ICU ngunit hindi pa rin lumalabas ang doktor. Naroon naman sa pinto ang pamilya ni Elias habang katabi ko sina Yara at Jill na kanina pa rin umiiyak.Ni hindi ko magawang tignan ang mga magulang ni Elias dahil nahihiya ako. Kasalanan ko kung bakit nadamay ang anak nila sa magulo kong mundo. Dapat dinoble ko ang proteksyon niya para hindi siya mapahamak. Pero heto ako, unti-unti nang nadudurog dahil sa mga nangyayari.Gusto ko na lang ulit maglaho pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi sa akin ni Elias ay hindi ko na 'yon magawa. Nagkaroon na rin ako ng takot kay Lord na

  • Drops of Divine   Chapter XXXI

    HINDI ako nakatulog. Magdamag akong dilat habang paulit-ulit na umaalingawngaw sa isip ko ang alaala namin ni Blake noong mga bata pa kami. Si Ledger man ang una kong nakasundo dahil sa hilig naming maglaro pero si Blake ang nagtagal dahil bukod sa bibo siya, mahusay siyang magpatawa. Sa tuwing malungkot ako ay pinapasaya niya ako. Ngunit isang araw, bigla na lang siyang umiwas sa akin.I opened my phone and played the video he uploaded minutes before he passed away. Ngiti niya agad ang bumungad sa akin ngunit malungkot 'yon, lalo na ang mga mata niya. Nagpalit pa siya ng damit, magarang suit and tie. Talaga yatang planado niya ang sandaling ito na kinasama ng aking loob."I'm Blake Gilbert, the second son of Gil Group of Companies. I committed a crime twelve years ago. I murdered Talitha Gilbert." Nakagat niya ang labi, pinigilan ang emosyon pero traydor ang kaniyang luha. "Tatiana Rae, I'm sorry. This may not help me anymore but I still want you to know that I regretted it. Since th

  • Drops of Divine   Chapter XXX

    "ALL human beings, irrespective of sex, or race, creed, will have to come to terms with death. It is hard to bear the loss of people whom we love because of our attachment to them. It hurts to lose someone who impacted our lives and there's a huge, gaping void in us that only they could fill in. But we don't have to carry on like those without hope. We don't see this as the end of life, but rather a person's birth into eternal life."Tulala lamang ako sa casket ni Daddy Rowan na nasa harap ng altar habang matamang nakikinig sa sermon ni Father Ben at tahimik na pumapatak ang luha sa aking mga mata.Nitong nakaraan ko lang nalaman ang katotohanang siya ang ama ko pero heto siya, binawi na agad sa akin. Siguro nga na sandali siyang ginising ni Lord upang muli akong makita at mahagkan sa huling pagkakataon. Na pinaranas muna sa akin ni Lord na makasama at maparamdam ang pagmamahal ko kaniya dahil mahigit labindalawang taon kaming wala sa tabi ng isa't isa."One day, we will cross from de

  • Drops of Divine   Chapter XXIX

    "THE mind and ways of God are different from the thoughts and acts of man. As we follow Him closely, we discover that we have to 'lose to gain', 'surrender to win', 'die to live', 'give to receive', 'serve to reign', 'scatter to reap'. In weakness, we are made strong. In humility, we are made lifted up. And in emptiness, we are made full. Trust in His ways and you will never be lost."Napangiti ako nang marinig iyon paglabas ng banyo. Sigurado akong bukas ang TV at do'n nagmumula 'yon. I wore my black sando, black leather pants and black combat shoes. I put the gun inside my belt bag. Tinuyo at sinuklay ko ang buhok saka lumabas."Faith in God is still the best armor." Nadatnan ko si Plum sa harap ng TV at pinagdikit ang dalawang palad. "Amen!""Baka lumagpas ka sa langit niyan," biro ko.Natatawa niya akong nilingon. "Kumain ka muna bago umalis."Naupo ako sa harap ng dining table, tahimik na nag-antanda at taimtim na nagdasal sa Panginoon."Thank you, Father God, for this brand new

  • Drops of Divine   Chapter XXVIII

    UMAWANG ang labi ko, hindi makapaniwala. "Paano po nangyari 'yon?" Hinawakan ni Elias ang nanlalamig kong kamay. "Paanong siya ang ama ko at hindi si Daddy Rafael?""Sina Chairman Rowan at Ma'am Talitha ang tunay na magkasintahan. Unang kita pa lang ni Sir Rafael sa mommy mo, nagkagusto na siya. Nabuntis si Ma'am Talitha at akala ni Sir Rafael, anak niya ang nasa sinapupunan nito. Nagpaubaya si Chairman Rowan kahit alam niyang siya ang tunay na ama. Ngunit nang sumapit ang 10th birthday mo, nalaman din ni Sir Rafael ang totoo. Lalo na nang matuklasan pa niyang ikaw ang magmamana ng Gil Group of Companies. Nagalit siya dahil buong buhay niya, alam niyang siya ang tagapagmana niyon. Doon na nagsimula ang lahat ng kalbaryo sa buong pamilya niyo."Bumigat ang dibdib ko, tila nagpatong-patong na ang mga rebelasyon at hindi makayanan ng isip ko."Bakit hindi po sinabi sa akin ni Mommy ang tungkol do'n? Buong akala ko si Daddy Rafael ang ama ko."Pero masaya ako. Masayang-masaya ako na si Lo

DMCA.com Protection Status