Share

Kabanata 5

Author: Rouzan Mei
last update Last Updated: 2022-12-26 18:08:04

AIRISH

NANG sumapit ang gabi, naglinis ako ng sarili bago ako nahiga. Nag-cellphone ako saglit sa kama. Bago matulog nailagay ko ang cellphone sa bulsa ng padyama ko. Mahirap nang mawalan, 'no?.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog, bigla akong nagulat nang may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Napakunot ang noo ko at palihim na sumilip sa bintana. Nakita ko ang tatlong sasakyan at may bumababa ritong mga nakaarmas.

Alam ko sina Dean 'yon!.

Nakaramdam kaagad ako ng takot at kaba kaya tumakbo ako palabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay siyang pagpatay ng ilaw sa buong bahay. Malaki ang bahay kaya natatakot ako lalo't wala akong kasama rito sa loob.

Nagulat ako nang makarinig ako ng nakakalokong tawa. Umalingawngaw ito dahil sa laki ng bahay.

Dahan-dahan akong pumasok sa isang silid at may nakita akong cabinet. Binuksan ko 'yon at do'n ako nagtago. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghinga ko.

Naririnig ko parin ang mga putukan ng baril sa labas ng bahay at may mga sigaw pa siguro ay dahil natamaan sila ng bala.

"Love? Love, nandito na 'ko," sabi ng boses ni Dean at tumawa ito ng nakakaloko. Naririnig ko ang paglakad nito. Maya-maya'y mas lalo kong hinawakan ng mahigpit ang bibig ko nang marinig ko ang yapak ng sapatos niya rito sa kwarto kung nasa'n ako. Napapikit pa 'ko nang marinig ko ang pagtawa niya.

"Binibini? 'Di ba gusto mo nang umuwi? Halika, uuwi na tayo," sabi nito at biglang humalakhak.

Ayoko na.

"Tagu-taguan, maliwanag ang buwan. Pagkabilang kong sampu, nakatago na kayo..." Kumakanta pa ito habang naghahanap.

"Isa..." mas lalo akong kinabahan dahil sa pagbibilang niya.

"Dalawa..."

Nanlaki bigla ang mga mata ko nang tumunog ang cellphone na nasa bulsa ko.

"Tatlo!"

Bumukas ang pinto ng cabinet at nabalutan ng takot ang buong katawan ko nang tumambad sa 'kin si Dean na nakadila habang nakangiti at matalim na nakatitig sa 'kin.

Napasigaw ako sa takot at bigla ko siyang nasipa dahilan at natumba ito. Mabilis akong umalis sa cabinet at patakbong umalis pero kaagad niyang nakuha ang paa ko.

"Saan ka pupunta?!" tanong nito pero kaagad ko siyang sinipa at mabilis na nilisan ang kwarto.

"Ahh!..." d***g ko nang hablutin niya ang buhok ko at nilapit sa kanya. Kinuha ko ang vase na malapit sa 'kin at pinalo 'yon sa ulo niya.

Kaagad akong tumakbo pababa at ramdam ko ang mabilis niyang paghabol sa 'kin.

"Maglaro tayo?" sabi nito habang tumatawa ng nakakaloko nang humarang siya sa dadaanan ko. May dugo na ang ulo niya dahil sa pagkakapalo ko sa kanya.

"Wahh! Hahahahaha!..." paulit-ulit niyang sabi nang harangan niya ang bawat madaanan ko. Para kaming nagpapatintero sa dilim.

"Do'n ka! Lubayan mo na 'ko!" sigaw ko at pinaghahagis sa kanya ang bawat makita ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Airish!" tawag ni insp. Jake Warren dahilan at parehas kaming napalingon ni Dean sa kanya. Balak bumunot ni Dean ng baril pero muli, kaagad ko itong binato ng vase.

Dito na nawalan ng malay si Dean dahil sa pagkakabato ko sa kanya. Kaagad naman akong tumakbo kay insp. Jake at lumabas.

Sakto naman ang pagbuhos ng ulan at pagkidlat kaya mas lalo pa naming binilisan. Napapaiwas kami sa mga nagpapaputok ng baril sa 'min mula sa mga kasamahan ni Dean.

Sumakay ako sa police mobile at si insp. Jake naman sa driver seat. Mabilis niya 'yong pinaandar paalis. Habang papalayo, nilingon ko ang bahay. Nakita ko ang paglabas ni Dean sa bahay habang matalim na nakatitig sa kinaroroonan namin. Sumakay siya ng sasakyan at mabilis kaming sinusundan.

"M-malapit na po sila," sabi ko. Napaiwas kami nang magpaputok sila ng baril. Mas lalo pang bumilis ang sasakyan namin at in-overtake ang bawat sasakyan na madaanan.

"Ahh!..." d***g ko nang biglang prineno ni insp. Jake ang police mobile dahilan at tagus-tagusan akong lumabas sa may salamin sa harap ng sasakyan. Nanghina ako at naramdaman ko ang pagtulo ng dugo sa mukha ko.

Bago ako mawalan ng malay, nakita ko ang isang sasakyan na nakahinto sa tapat ng police mobile at nakita ko rin si Dean na pinaputukan niya si insp. Jake ng sunod-sunod.

"HMM..." d***g ko at unti-unting lumiliwanag ang paningin ko. Nararamdaman ko na may humahalik sa kamay ko at nakita ko si Dean.

Napakunot ng bahagya ang noo ko dahil nakita ko siyang umiiyak. "Don't leave me, love. Don't leave me," sabi nito. Napatingin siya sa 'kin kaya kaagad siyang lumapit.

"Love," sabi nito at hinalikan ako sa pisngi.

Anong love?

"L-lumayo ka s-sa 'kin. M-mamamatay tao k-ka," sabi ko at pilit siyang nilalayo kahit na nanghihina ako. Nang mapaatras siya sa pagkakaupo, bigla nalang siyang natawa habang patuloy na lumuluha.

"Binibini! Gising ka na pala!?" Tumatawang sabi nito habang napapailing. Talagang may sira siya sa utak.

Naglabas siya ng baril at tinutok sa noo ko. Sa pagkakataong 'to, sumeryoso na ang mukha niya.

"Pinahirapan mo pa 'ko, binibini! Ha?! Binibini!" sigaw niya at mabilis na kinasa ang baril at muling tinutok sa noo ko.

"P-patayin mo n-nalang ako," nahihirapang sabi ko at umiyak. Tumingin ako sa may ilaw at hinahanda ang sarili ko sa pwedeng mangyari sa 'kin.

"Love," dahan-dahan akong napatinging muli sa kanya nang sabihin niya 'yon. Biglang umamo ang mukha nito at napatingin sa hawak na baril. Tila hindi siya makapaniwala na hawak niya 'yon habang nakatutok sa noo ko.

Binitiwan niya 'yon at kaagad na lumapit sa 'kin saka ako hinaplos sa pisngi ng dahan-dahan.

"Love? Love, be with me. I'm your man," sabi nito at may namumuong luha sa mata niya. Bigla nalang niyang pinatong ang ulo niya sa kama at umiyak nang umiyak. Baliw na talaga siya.

Natatakot na 'ko sa kanya at sa pwede niyang gawin.

"L-love, patawarin mo 'ko kung 'di kita naligtas," Umiiyak na sabi nito habang hinahaplos ang pisngi ko. "Patawarin mo 'ko kung 'di kita naligtas noon"

Ano?

Anong pinagsasasabi niya?

Related chapters

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 6

    AIRISH NAGISING nalang ako ulit at nakita kong maliwanag na sa labas. Mabagal ang paglingon-lingon ko dahil sa sakit ng katawan ko. Buti nga't 'di pa 'ko namamatay.Napansin ko rin na nakahiga ako sa kama at mukhang kumpleto ang pagkaka-bandage sa 'kin.Totoo ba 'to?"Kumain ka na," sabi ni Dean dahilan at napatingin ako rito. Nasa may kabilang gilid siya ng kama at naka-topless. Mukhang bagong ligo dahil basa ang buhok nito.Napatingin lang ako sa kanya, gayundin siya sa 'kin."Ayokong kumain," dabi ko at inayos ang pagkakahiga ko."Hindi pwede. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo," sabi nito at narinig ko ang pagtayo niya. Lumapit siya sa 'kin at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kutsara at platong may pagkain na nasa katabi kong mesa."Teka, umupo ka muna," sabi nito. "Kaya mo ba?" Tanong niya sa 'kin. Gusto ko sanang tumanggi pero baka bumalik 'to sa pagiging baliw niya. Kaya tumango ako bilang tugon.Tumayo siya at niyakap ako bilang alalay sa pag-upo sa 'kin."One, two, three," pa

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 7

    AIRISH DUMAAN ang maghapon at naaasikaso naman ako ng mga kasamahan ni Dean. Kahit natatakot parin ako dahil sa mga may pintura nilang mukha, binabalewala ko nalang.'Di ko parin maigalaw ang leeg ko ng maayos. Masakit parin."Love," sabi ng boses ni Dean at pumasok sa kinaroroonan ko. Napatingin lang ako sa nag-aalala niyang mukha.Nakita ko na may dala-dala siyang bouquet of red roses."Happy anniversary, love," sabi niya nang pumunta siya sa tabi ko at umupo sa may gilid. Nilagay ang bulaklak sa tabi ko. Balak ako nitong halikan pero kaagad akong umiwas.Bakit ba sa 'kin niya binibigay 'to?.Hindi ako ang asawa niya."D-Dean, h-hindi ako ang asawa mo," sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon."Hindi. Asawa kita, Eloisa. Asawa kita," mariing sabi nito.Eloisa?.Hindi ako si Eloisa, ako si Airish."Hindi ako si Eloi---""Hindi mo na ba 'ko mahal? Bakit? nagbago ka na ba sa 'kin?" tanong nito na animo'y parang bata. Tumingin ako sa kanya kahit nahihirapan."Dean, hindi ako ang a

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 8

    AIRISH NAPABUNTONG HININGA nalang ako dahil sa sinabi ni ate Maieth."Sabihin mo sa kanya, makakauwi na 'ko. Malapit na. Kapag tinanong kung saan ako ngayon, sabihin mo nasa Maynila at nagtatrabaho. Okay?" paalala ko.[O-o sige. Pero teka? Nasa'n ka nga ba?] tanong ni ate Maieth. Bago ko sagutin ang tanong ni ate, lumingon muna ako.Medyo nagulat ako dahil nakita ko si Dean na nasa likuran ko mismo at nakatitig sa 'kin habang may nginunguyang bubblegum."A-ahh... Basta, m-mag-usap nalang ulit ta---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang hablutin ni Dean ang cellphone at pinatay na ang tawag."Tapos na," sabi niya at tinabi 'yon sa bulsa ng pantalon niya."Dean. Ano ba? Kinakausap ko pa si ate Maieth," naiinis na sabi ko rito. Tumawa ito ng mahina at napailing."Tapos na," sabi niya lang bago naglakad palabas ng kwarto. Bago tuluyang umalis, lumingon muna ito sa 'kin. Kumindat ito at saka ngumiti."Love, babalik ako," sabi nito at saka sinara ang pinto at umalis. Napaupo nalang ako

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 9

    AIRISH "Ahh!..." daing ko nang bigla niya akong dinapa sa kama matapos niyang tanggalin ang tali.Nakatingin ako sa may gilid ng mesang katabi ng kama. Nanghihina ako sa pinaggagagawa niya lalo na't masakit pa ang katawan ko.May narinig akong tunog ng bakal ng sinturon at parang tinatanggal niya ito. Tinaas pa niya ang may bandang balakang ko.Habang nakatitig ako sa gilid ng mesa, bigla nalang akong napapikit at napasigaw nang maramdaman ko ang sakit."Ahh! Dean! Tama na! Tama na!..." Mangiyak-ngiyak kong sambit habang nararamdaman ang dahan-dahang pag-uga ko sa kama. Napakapit ako ng mahigpit sa anumang makapitan ko.Habang umiiyak ay siyang pagramdam ko sa masakit niyang ginagawa."D-Dean... A-Ayoko na! Dean... T-Tigilan mo na 'to," sambit ko.Maya-maya, ang iyak at sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng panghihina ng katawan. Nakapikit ako habang humihinga ng malalim.Patuloy parin siya sa ginagawa hanggang sa alisin niya 'yon.Pinahiga niya ako sa kama at muli siyang pumaibab

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 10

    AIRISH KAAGAD namang sinagot ni ate Maieth ang tawag.[Hello? Si---]"Ate Maieth, tumawag ka ng pulis. Ipapa-locate ko 'tong kinaroroonan nina Dean Amresel at ng mga kasamahan niya. Ipakita mo 'yon sa mga pulis. Dali! Ngayon na," mahinang sabi ko sa kanya. Baka marinig pa ako ng iba.[O-o sige, sige,] sagot kaagad nito kaya kaagad kong pinatay ang tawag.Pagtapos kong ipunta sa map ang lugar na 'to upang ma-locate, nilagay ko ang cellphone sa cabinet at mabilis pero maingat kong binasag ang kama."Hoy!" sigaw ng isang lalaking nakakita sa 'kin pero kusa ko siyang pinaputukan ng baril. Nang wala nang salamin ang bintana, tinuonan ko naman ng pansin ang mga kumot at tela na nasa kwarto at tinali-tali ito upang gamitin sa pagbaba ko.Nang makababa ako, kaagad akong nagtago sa may isang tabi at dahan-dahang umalis.Mukhang maganda ang bahay dahil may pa-pool pa ito. Kay Dean ba 'tong bahay?.Kaagad akong tumakbo nang makita ko ang mga nakatambay sa baba na umakyat sa taas. Maingat kong b

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 11

    AIRISH Maya-maya'y nag-impake na kami ni lola nang bigla naman itong magsalita, "Hija, sasama ba tayo sa kanya?" tanong nito dahilan at kaagad akong napatingin sa kanya.Palagay ko, hanggang ngayon ay wala pa ring tiwala si lola kay Eljoe dahil sa mga sumbong ko ritong pananakit niya sa 'kin noon.Hinawakan ko si lola sa kamay bago sumagot."O-Opo, lola. At tsaka isa pa po, wala na tayong ibang pwedeng matakbuhan."Napatingin nalang ito sa ibang direksyon. "Inaalala lang naman kita, apo," sabi niya at tumingin sa 'kin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Apo, matanda na 'ko. Mamamatay rin ako anumang araw at oras dahil manghihina rin ako. Pero ikaw, bata ka pa't walang asawa. Gusto kong maramdaman mo na totoo ang pagmamahal na binibigay sa'yo ng nasa paligid mo. Ayokong masaktan ka," sabi pa ni lola sa 'kin.Napangiti lang ako sa kanya ng mapait. Si lola kahit kailan, ako parin ang iniisip."Nakahanda na ba kayo?" tanong ni Eljoe nang makapunta sa kinaroroonan namin. Napatingi

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 12

    AIRISH PALIHIM akong napatingin sa kanya habang nakapikit ito. Napangiti ako ng tipid dahil sa nakikita ko sa kanya ngayon. Sana ganito palagi."Amen..." sabi niya kaya sabay-sabay kaming umayos ng pagkakaupo bago kumain. Tumayo pa si Eljoe at pinagsandok kami ni lola sa mga plato namin at pati sabaw."Salamat, hijo," sabi ni lola. Ngumiti lang naman ako sa kanya.Habang kumakain, nagkukuwentuhan sina lola at Eljoe habang ako ay nakikingiti lang.Ilang minuto lang nang matapos kaming kumain. Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan. Nasa salas si lola habang nanonood ng telebisyon."Airish," muntikan pa 'kong mapatalon dahil sa tawag ni Eljoe. Nilingon ko naman ito."Hmm?" Nakangiting tugon ko. Ngumiti ito at lumapit sa 'kin.Napahinto nalang ako nang yakapin niya ako."I miss you," sabi niya. Hindi naman ako makahawak sa kanya dahil may sabon-sabon ang kamay ko."A-ahh..." ito ang tanging lumabas sa bibig ko dahil wala naman akong masabi."Hindi mo ba 'ko na-miss?" tanong niya at saka

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 13

    AIRISH MAYA-MAYA, kumakain kami nina lola at Eljoe nang dumating naman ang mga pulis. Tumayo kami ni Eljoe at kinamayan ang mga ito."Ahmm... do'n nalang po tayo sa may salas" sabi ni Eljoe.Nagpaalam muna kami kay lola at sinabing kumain lang muna siya. Nakikita ko kasi sa itsura niya na nagtatakha siya dahil may pulis.Ako ang nakaupo ngayon kasama ang mga pulis, habang si Eljoe ay binabantayan si lola at baka pumunta rito."Paano ka nakita ni Amresel at naging biktima?" tanong ng isa sa 'kin."Pauwi na po ako no'n galing sa trabaho nang makita ko po siya. Akala ko po mamatay na 'ko ng mga oras na 'yon nang may dumating na pulis. Si sir Jake Warren. Kaya po tumakas sila kaagad," sabi ko. Sinusulat naman ng isa niyang kasamahan ang mga sinasabi ko."Pero ang sabi niya sa 'min nang mahuli namin siya, asawa ka raw niya. Totoo ba 'yon?" tanong muli nito."Hindi po. Hindi po totoo 'yan. Ikinabigla ko po 'yan nang sabihin niya sa 'kin na ako raw ang asawa niya. Pero simula naman po noong

    Last Updated : 2023-02-02

Latest chapter

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Epilogue

    EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 46

    After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 45

    NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 44

    NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 43

    AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 42

    AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 41

    AIRISH NAKITA ko ang pagpasok ni Dean at Ortaleza saka pumunta mismo sa unahan ni Dean."Tingnan mo nga naman ang g*go, oh? Buhay pa," natatawang tugon ni Eljoe dahilan at natawa rin si Ortaleza. Nakita ko rin ang pagtawa ni Dean."G*go ka talaga 'no?" tanong naman ni Dean sa kanya. Dahan-dahan naman akong naglakad paalis para makahanap ng pantawag at makausap si lola.Nasilayan ko pa si Dean bago ako umalis. Sinasagot-sagot niya sina Eljoe at Ortaleza para hindi nila ako mapansin. Muli, dumaan ako sa pinanggalingan ko kanina pero maingat ko 'yong ginagawa.Hindi naging madali ang pag-alis ko dahil panay ang tago ko dahil sa mga pumapalibot na mga kalalakihang nakaarmas. Napatakbo nalang ako palabas nang masigurado kong walang tauhang nakapaligid.Maraming oras ang naigugol ko sa pag-alis hanggang sa makalabas na ako. Ngayon, nagmakaawa pa 'ko sa mga driver ng trycicle bago ako pasakayin. Wala akong pera at sinabi ko na kailangang kailangan lang.Pinahatid ko ang trycicle sa ampunan

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 40

    AIRISH SINILIP ko muna ang liwanag at nakita ko na may mga nakatambay na lalaki sa may 'di kalayuan. Mataas dahil nasa kisame ako at ang taas nito ay bato na--sahig sa may taas.Nagtago ako ng bahagya dahil nakita ko ang paglabas ni Eljoe kasama si Ortaleza."Ihanda niyo ang mga sasakyan para mamayang gabi. Kung hindi mamaya, baka madaling araw na natin magagawa," sabi ni Eljoe sa mga kalalakihan. Anong gagawin nila?"Hoy, kayo. Ilagay niyo na ang mga bagahe sa likod para kay g*gong Amresel," sabi naman ni Ortaleza. Nakita ko ang mga lalaki na may nilalagay na pa-square na kahoy sa may likuran ng truck habang may nilalagay naman sa likuran ng van ni Eljoe. Sigurado ako, pupunta siya kay Dean.Kaagad akong nag-isip ng paraan para makababa rito at para makasakay ako sa likuran ng van nang hindi nalalaman ni Eljoe.Inabangan ko ang pag-alis ng mga lalaki nang matapos sila sa paglalagay. Kaagad akong kumapit sa puwedeng makapitan sa gilid para makababa. Tumalon ako sa may banda pang gili

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 39

    AIRISH "Ortaleza," sabi ni Eljoe kay Ortaleza dahilan at binuksan nito ang isang pintuang gawa sa bakal. Pagkapasok namin ni Eljoe, tumambad sa aming harapan si Dean. Halos mapatulala ako at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita siya.May mga bakas ng sugat, may dugo at pasa siya sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Halos lamunin na ng dugo ang kanyang mukha at nakakadena parin ang kanyang mga kamay habang nakatayo siya."Gisingin mo 'yang g*gong 'yan," sabi ni Eljoe dahilan at kumuha ang isang lalaki ng balde na may malamig na tubig at binuhos 'yon kay Dean. Nagising ang diwa ni Dean at tiningnan isa-isa ang mga kalalakihang nakapaligid sa kanya. Napahinto siya at napatitig sa 'kin nang makita ako. Gusto ko siyang tulungan dahil sa itsura niya ngayon."Look, Dean. Nandito lang naman kaming mga ginago mo noong araw," biglang sambit ni Eljoe. Nakatitig parin ako sa kanya at tinititigan ang itsura niya."E-Eloisa," Rinig kong sabi nito sa kanyang sarili habang nakat

DMCA.com Protection Status