AIRISH NAGDILIG-DILIG muna ako sa may garden para libangin ang sarili ko. Ayoko munang mag-isip nang mag-isip tungkol sa lalaking 'yon dahil baka ako naman ang maging baliw.Kahit gusto ng isip kong lumabas, hindi naman gusto ng katawan kong mapahamak. Kaya nililibang ko nalang ang sarili ko rito sa mansion."Are you okay here?" Napatingin akong bigla kay Eljoe nang magsalita ito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon."Okay narin 'to at nang malibang ko ang sarili ko," sabi ko at tinuon ang ginagawa ko. Napatingin nalang ulit ako sa kanya nang may marinig akong nagri-ring. Nakita kong dinudukot niya ang cellphone sa bulsa niya."Wait lang ha?" sabi nito saka nailabas ang phone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Saktong pagkalabas niya ng phone ay may nakita naman akong nalaglag na maliit na bagay at napunta sa may halaman."Teka," sabi nito at kaagad na umalis para sagutin ang tawag. Hindi man lang niya nakita yung nalaglag.Kaagad ko 'yong pinuntahan at pinulot. Tiningnan ko kung
AIRISH HALOS hindi rin ako nakatulog dahil sa kakaisip. Mag-a-alas sais na ng umaga pero nakatitig parin ako sa t.v.At hanggang ngayon, hindi parin maalis-alis yung kaba at takot ko sa katawan.Naisipan kong lumabas ng kwarto at bumaba para pumunta sa may dining area. Pero habang bumababa ako sa hagdan, nakita na may mga lalaking naririto kaya nagtakha ako.Sino sila?."Airish..." Napatingin ako kay Eljoe nang tawagin niya ako. "Ang aga mo namang nagising ngayon?" tanong pa nito."Eljoe, sino sila?" tanong ko."Sila ang mga magbabantay sa 'tin. Nagpatawag ako ng mga tauhan para bantayan tayo," sabi nito at niyakap ako mula sa likuran. "Babantayan kita, Airish. Sisiguraduhin kong hindi ka makukuha ni Dean," bulong nito sa 'kin.Napahinto nalang ako dahil naalala ko na naman ang balita kagabi.Nasaan kaya sila ngayon?Pinagdarasal ko na sana walang masamang mangyari lalo na sa lola ko.Nang silipin ko ang labas ng mansion, kita ko ang maraming kalalakihan na nakapalibot upang bantayan
AIRISH HINDI parin ako mapakali at nandirito lang ako sa kwarto. Nag-aalala na sa 'kin si lola pero ang sabi ko, magpapahinga lang muna ako.Nakatulala parin ako sa mga nagbabantay. Hindi ako kampante na nandito lang ako sa loob ng mansion. Pero kahit saan naman ako magpunta, alam kong hahanap-hahanapin ako ni Dean.Para akong nababaliw habang iniisip ang mga bagay na posibleng mangyari. Para akong tumatakbo sa gitna ng maze at 'di ko alam kung paano at kailan ako makakalabas.NARRATORPINIPINTURAHAN na nilang lahat ang kanilang mga mukha. Nakakatakot at nakakatindig balahibo ang kanilang mga itsura. Para silang nahawaan sa pagiging baliw ni Dean."Dean, paano tayo makakapagsimulang umatake kung hindi pa natin alam kung nasasaan yung lalaking 'yon?" tanong ni Railey nang tumabi kay Dean. Tumingin naman ito sa kanya at ngumisi."Huwag kang mag-alala, Ortaleza. May spy tayo," sabi niya at ti-nap ang balikat nito. Tila nandiri pa siya nang mabilis siyang hinalikan ni Dean sa pisngi."Ts
AIRISH NASA kalagitnaan ako ng tulog nang maalimpungatan naman ako. Narinig ko ang malakas na pagkulog at kidlat. Nakakatakot dahil gabi parin.Iniwan ko muna si lola at tumayo ako para sana lumabas at pumunta sa kusina nang bigla nalang bumuhos ang malakas na ulan kasabay ang kulog at kidlat.Bubuksan ko palang ang pinto kwarto nang may dumaan na ilaw roon. Napatingin ako sa likod. Nakita ko ang bintana na may nagre-reflect na ilaw mula sa labas. Sumilip ako ng kaunti at tiningnan ang mga nagbabantay.Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita na sunod-sunod silang napapahandusay sa sahig. Wala naman ni isang sasakyan ang nasa labas.Nakita ko ang mga nagbabantay na nakapuwesto at may mga hawak na iba't ibang uri ng baril habang hinahanap kung sino ang mga umaatake na 'yon. Hindi ko gaanong marinig dahil sa lakas ng ulan at kulog.Napalingon nalang akong bigla nang bumukas ang ilaw nitong kwarto."Airish..." sabi ni Eljoe at kaagad na lumapit sa 'kin."Anong nangyayari sa labas, Elj
AIRISH HINAWAKAN ng dalawang lalaki ang magkabilang braso ko habang sinusundan namin si Dean. Nasa kalagitnaan kami ng kagubatan at tila dito ang pinagtataguan nila.Pilit akong nagpupumiglas sa dalawang lalaki pero mahigpit ang pagkakahawak nila sa 'kin. Maputik din ang daan dahil sa ulan kanina."Bitiwan niyo 'ko," sabi ko at kinuha ang mga kamay ko mula sa kanila. Huminto si Dean at tumingin sa 'kin. Pati ang mga lalaki, nakahinto sa tabi ko."Iwan niyo kami," sabi ni Dean sa dalawa kaya kaagad namang sumunod ang mga ito at nauna na silang naglakad. Lumapit sa 'kin ng dahan-dahan si Dean at huminto sa tapat ko."Bakit? Tatakas ka?" tanong nito at tumawa sa harapan ko. Nakatingin naman ako sa kanya ng seryoso. "Alam mo naman na kahit saan ka pumunta, kahit magtago ka pa, o kahit maglagay ka pa ng milyon-milyong bantay sa tabi mo, makukuha't makukuha parin kita," sabi niya at naglakad ng dahan-dahan palibot sa 'kin."Naku naman, binibini. Sinasayang mo lang ang lakas mo sa 'kin," sa
AIRISH WALANG reaksyon si Dean habang nasa harapan niya ang babae. Umiinom lang siya ng alak at animo'y walang nakikita.Binaling niya ang tingin niya sa 'kin dahilan at kaagad kong iniba ang tingin ko."Ay! Ayaw niya. Ayaw niya," Rinig kong sabi ng lalaki."Ahh... Baka gusto niya yung babaeng 'yon? Psstt kayo! Kunin niyo 'yon tapos itapat niyo kay Amresel at nang sumaya," sabi ng lalaki. Napatingin ulit ako sa kinaroroonan nila."A-anong..." hindi ko natuloy ang sinasabi ko nang kalasin nila ang kamay ko mula sa tali at dinala sa kinaroroonan nilang lahat. Nakita ko silang lahat. Mapababae man o lalaki ay nakatingin sa 'kin.Tumingin ako kay Dean at nakatingin lang ito sa 'kin."Oh? Ano pang ginagawa mo? Sayawan mo si Amresel," sabi ng lalaking katabi niya."Oo nga. 'Di ba nagtatrabaho ka sa isang club? Sumasayaw ka, 'di ba?" tanong naman ng isang lalaki. Napapatingin lang ako sa kanila at nakaramdam ako ng takot.Tiningnan ko si Dean pero umiinom lang ito."Ano? Sayaw" sabi ng lala
AIRISH "NAPAKASEGURISTA mo naman. Sa tingin mo? Makakatakas ako sa mga kriminal na kagaya niyo?" tanong ko at inis na nilapag ang pagkain sa sasakyan. Nakatingin lang ito sa 'kin habang nakangiti ng nakakaloko."Eh di alam mo rin na wala kang kawala sa 'kin," sabi naman niya. Tiningnan ko lang ito ng masama pero ngisi naman ang binato nito sa 'kin."Kung tapos ka nang kumain, bumalik na tayo" sabi pa niya at hinawakan ng mahigpit ang braso ko. Sinara niya muna ang pinto ng sasakyan bago kami umalis."Aray ko! Ano ba?! Napakahigpit mo namang maghawak!" sigaw ko pero wala lang itong pake. "Hmm!" sabi ko at kumalas sa pagkakahawak niya. Tumingin lang ito sa 'kin. Napahawak ako sa bulsa ko. Pero kinapa-kapa ko ito nang may maramdaman ako. Sinilip ko 'yon at 'di gaanong nilabas sa bulsa ko.Oo nga pala! Yung singsing na galing kay Eljoe."Ano 'yan?" Napatingin ako kay Dean na nakatitig na pala sa 'kin."Wala kang pakialam," inis na sabi ko sa kanya. Tinago ko nalang ulit ang singsing sa b
AIRISH MALAMBOT na gumigiling ang katawan ni Dean sa gitna habang may hawak na alak. Pinalibutan naman siya ng mga babae.Habang nakapalibot, sila namang paggiling ng mga kababaihan at tila dinidikit nila ang katawan nila sa kanya."Woah!...""Woo! Woo! Woo!.."Sigawan nila sa kanilang pagsasaya.Isinandal ko nalang ang noo ko sa may puno at 'di nalang sila pinagpapansin.Mga tatlong oras ang kanilang pagsasaya nang matapos na ito.Ang iba ay bagsak na ang katawan dahil sa sobrang alak. Ang iba ay nag-e-enjoy pa sa mga kinuha nilang babae."Hmm... Ano ba", Rinig kong malanding sabi ng babae. Naglalakad sila ng pagewang-gewang at halata ang kalasingan sa kanila."Rar!..." sabi ni Dean at itinapat ang mukha sa leeg ng babae. Tumawa naman ang babae at napakapit sa batok ni Dean. Nakita kong pumasok sila sa tent. Naunang pumasok si Dean bago ang babae.Pero bago pa man pumasok ang babae, tumingin ito sa direksyon ko. Ngumisi siya at tinarayan muna ako bago siya pumasok."Ahh...ano ba? Ma
EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka
After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da
NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.
NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi
AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho
AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan
AIRISH NAKITA ko ang pagpasok ni Dean at Ortaleza saka pumunta mismo sa unahan ni Dean."Tingnan mo nga naman ang g*go, oh? Buhay pa," natatawang tugon ni Eljoe dahilan at natawa rin si Ortaleza. Nakita ko rin ang pagtawa ni Dean."G*go ka talaga 'no?" tanong naman ni Dean sa kanya. Dahan-dahan naman akong naglakad paalis para makahanap ng pantawag at makausap si lola.Nasilayan ko pa si Dean bago ako umalis. Sinasagot-sagot niya sina Eljoe at Ortaleza para hindi nila ako mapansin. Muli, dumaan ako sa pinanggalingan ko kanina pero maingat ko 'yong ginagawa.Hindi naging madali ang pag-alis ko dahil panay ang tago ko dahil sa mga pumapalibot na mga kalalakihang nakaarmas. Napatakbo nalang ako palabas nang masigurado kong walang tauhang nakapaligid.Maraming oras ang naigugol ko sa pag-alis hanggang sa makalabas na ako. Ngayon, nagmakaawa pa 'ko sa mga driver ng trycicle bago ako pasakayin. Wala akong pera at sinabi ko na kailangang kailangan lang.Pinahatid ko ang trycicle sa ampunan
AIRISH SINILIP ko muna ang liwanag at nakita ko na may mga nakatambay na lalaki sa may 'di kalayuan. Mataas dahil nasa kisame ako at ang taas nito ay bato na--sahig sa may taas.Nagtago ako ng bahagya dahil nakita ko ang paglabas ni Eljoe kasama si Ortaleza."Ihanda niyo ang mga sasakyan para mamayang gabi. Kung hindi mamaya, baka madaling araw na natin magagawa," sabi ni Eljoe sa mga kalalakihan. Anong gagawin nila?"Hoy, kayo. Ilagay niyo na ang mga bagahe sa likod para kay g*gong Amresel," sabi naman ni Ortaleza. Nakita ko ang mga lalaki na may nilalagay na pa-square na kahoy sa may likuran ng truck habang may nilalagay naman sa likuran ng van ni Eljoe. Sigurado ako, pupunta siya kay Dean.Kaagad akong nag-isip ng paraan para makababa rito at para makasakay ako sa likuran ng van nang hindi nalalaman ni Eljoe.Inabangan ko ang pag-alis ng mga lalaki nang matapos sila sa paglalagay. Kaagad akong kumapit sa puwedeng makapitan sa gilid para makababa. Tumalon ako sa may banda pang gili
AIRISH "Ortaleza," sabi ni Eljoe kay Ortaleza dahilan at binuksan nito ang isang pintuang gawa sa bakal. Pagkapasok namin ni Eljoe, tumambad sa aming harapan si Dean. Halos mapatulala ako at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita siya.May mga bakas ng sugat, may dugo at pasa siya sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Halos lamunin na ng dugo ang kanyang mukha at nakakadena parin ang kanyang mga kamay habang nakatayo siya."Gisingin mo 'yang g*gong 'yan," sabi ni Eljoe dahilan at kumuha ang isang lalaki ng balde na may malamig na tubig at binuhos 'yon kay Dean. Nagising ang diwa ni Dean at tiningnan isa-isa ang mga kalalakihang nakapaligid sa kanya. Napahinto siya at napatitig sa 'kin nang makita ako. Gusto ko siyang tulungan dahil sa itsura niya ngayon."Look, Dean. Nandito lang naman kaming mga ginago mo noong araw," biglang sambit ni Eljoe. Nakatitig parin ako sa kanya at tinititigan ang itsura niya."E-Eloisa," Rinig kong sabi nito sa kanyang sarili habang nakat