Share

Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)
Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)
Author: Rouzan Mei

Kabanata 1

Author: Rouzan Mei
last update Last Updated: 2022-12-26 17:51:37

A/N: Maaaring nabasa na ninyo ang story na 'to sa ibang platform sa ibang username pero ako pa rin po 'yon. I will delete my series there para mailipat dito. Hope you understand.

*****

AIRISH

"DALIAN mong magbihis, Airish, sasayaw ka na," sabi ng katrabaho ko rito sa club. Nagbibihis na 'ko ng pang-sëxy na damit para sa gagawin kong sayaw mamaya.

Nang makapagbihis, tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakasuot ako ng 'di kaaya-ayang damit. Wala akong choice, ito ang trabaho ko.

Maya-maya nang ipatugtog na ang malamyang sayaw ay siyang paglabas namin ng dalawa ko pang kasamahan sa entablado, sumasayaw sa harap ng maraming tao.

Hindi ko makita kung ano-anong mukha ang nasa club dahil sa ilaw na nakatutok sa 'min. Ganito ang trabaho ko tuwing gabi, sasayaw ng mabagal sa harap ng maraming tao habang nakadamit na halos kita rin ang dibdib ko at binti.

May mga naghahagis ng pera sa entablado. May papel at barya. Habang sumasayaw, nakita ko ang dalawa kong kasamahan na nahuhubad na ng suot nila sa pang-itaas at tinakpan ang dibdib nila ng kanilang braso at kamay.

Napapikit nalang ako habang patuloy na sumasayaw bago ako tumalikod habang mabagal parin na gumigiling. Tinanggal ko ang strap ng bra ko at unti-unti 'yong tinanggal. Tinakpan ko ang dibdib ko ng aking kamay at braso bago humarap sa mga nanonood. Kahit matagal ko nang ginagawa ang bagay na 'to, parang hindi ko parin mai-apply sa sarili ko.

Dahil sa tuwa, maraming manonood ang naghiyawan at naghagis pa ng mga pera na tila nagustuhan ang ginawa namin.

NANG matapos kami sa ginawa namin, napaupo ako sa isang tabi at tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Halos sa araw-araw kong ginagawa 'yon, nahihiya ako sa sarili ko.

Uminom ako ng alak at gustong kalimutan ang ginagawa ko tuwing gabi. Pero kahit pala gano'n, hindi ko malimot-limot.

Ilang mga pagtatrabaho pa sa gabing 'to ang ginawa ko bago dumating ang oras para umuwi. Pumunta kami kay manager upang bigyan kami ng gabi-gabing sahod. Mas malaki ang sahod namin kung may nagti-tip sa 'min na customer.

"Salamat, manager," sabi ko nang ibigay niya sa 'kin ang suweldo ko. Ngayon, oras na para umuwi.

Dahil gabi na masyado, halos wala na rin akong makitang sidecar o trycicle sa daan kaya naglalakad lang ako pauwi.

Ilang paglalakad pa sa bawat street na madaraanan ko bago ako makauwi. Maya-maya nang tumatawid ako sa kalsada, may nakita akong ilaw ng sasakyan dahilan at binilisan ko ang paglakad ko. Mukhang matulin ang pagmamaneho kaya pwede akong mabangga.

Balak ko sanang sigawan ang mga 'to dahil sa inis. Muntikan pa 'kong mamatay dahil sa tulin nilang magpatakbo.

Nagtaka nalang ako nang huminto sa may 'di kalayuan ang sasakyan dahilan at kinabahan ako. Ipinagpatuloy ko nalang ang paglalakad ko at 'di sila nilingon.

Pero habang naglalakad, ramdam ko na may sumusunod sa 'kin dahil sa tunog ng sapatos. P-Parang may sumusunod sa 'kin. Sinusundan ba nila ako?

Wala halos katao-tao rito dahilan kaya't binilisan ko ang paglalakad at nagsimulang matakot dahil baka kung ano pang mangyari sa 'kin.

Napahinto nalang ako nang may huminto namang dalawang motorbike sa tapat ko. Halos mapatalon pa 'ko sa gulat dahil sa biglaan nilang pagsulpot. At dito nagsimula na ang sobrang pagkatakot ko.

Balak ko pa sanang tumakas sa kanan at kaliwang daan pero may mga nakaharang na dalawang lalaki. T-Teka... A-Ano 'to?

May mga nakakatakot silang pintura na nakadisenyo sa kanilang mga mukha. May mga hawak din sila na baril at ang iba ay baseball bat na may patalim sa dulo. Sino ba 'tong mga 'to?

"Saan ka pupunta, miss?" tanong ng boses ng lalaki na nasa likuran ko. Tiningnan ko 'yon kahit natatakot ako sa kaniya.

"U-Uuwi na..." nauutal ko namang tugon dito. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko at nakasagot pa 'ko sa tanong niya.

May kulay itim, puti at pula ang pinturang nakadisenyo sa kanyang mukha at may hawak siyang baril.

Tumawa siyang bigla nang nakakaloko at tiningnan ako mula paa hanggang ulo. At sa pagkakataong 'to, nawi-weirdo-han ako sa kaniya.

Lumapit ito sa 'kin nang dahan-dahan habang nakatitig sa 'kin. Nakakatakot ang presensya niya. Sino ba 'to?

"A-Anong gagawin mo sa 'kin?" Kinakabahan kong tanong sa kaniya habang umaatras. Napahinto ako nang may humawak sa magkabilang braso ko dahilan at 'di na 'ko nakaatras pa.

Tumawa siya ng nakakaloko at ramdam ko ang paghawak nito sa binti ko pataas hanggang sa bewang ko.

"Gusto mo ng umuwi, binibini?" tanong niya habang tumatawa. Magkalapit na ang mga mukha namin dahil sa paglapit niya sa 'kin. Gusto kong iiwas ang mukha ko sa kaniya dahil sa takot. Napalunok nalang din ako ng laway.

At dahil sa takot sa kanya, naiyak nalang ako.

"Sshhh... Tinatanong lang naman kita eh," sabi niya at pinupunasan ang mga luhang pumupunta sa pisngi ko.

"H-Huwag niyo po akong patayin. P-Please?" Nauutal ko pang sabi habang humihikbi.

Natawa siyang bigla nang malakas gayundin ang mga kasamahan niya. Hindi ko sila maintindihan.

"Nahulaan niya yung gagawin natin sa kanya oh? Ang galing mo naman!" Natutuwa pang sabi nito sa 'kin. Nanginginig na ang mga tuhod ko dahil sa takot sa kaniya.

Hindi ko na kinaya pa kaya't lumuhod ako at hinawakan ang mga hita niya.

"Pakiusap, huwag mo 'kong papatayin. K-Kailangan pa 'ko ng lola ko," sabi ko rito habang umiiyak. Hindi pa 'ko handang mamatay.

"Uuhhh... Nakikiusap siya oh?" sabi naman nito sa mga kasamahan niya at biglang tumawa.

"Please..." sabi ko at hinawakan pa nang mas mahigpit ang binti niya.

Nakita ko nalang ang paglingon ng mga ito sa ibang direksyon at saka nagsalita ang lalaki.

"Malapit na sila. Sakay!" sabi niya at saka sila dali-daling sumakay sa mga sasakyan nila at pinaandar 'yon ng mabilis.

Gumaan ang pakiramdam ko at kaagad tumayo at kaagad naglakad ng mabilis. Maya-maya'y nakita ko ang sunod-sunod na police mobile at kaagad silang napahinto nang makita nila ako.

"Miss, miss. Alam mo ba kung nasa'n ang grupo ni Dean?" tanong ng pulis nang puntahan ako.

"S-Sinong Dean po?" tanong ko rin naman sa kaniya dahil hindi ko 'yon kilala.

"Yung may mga pintura sa mukha," sabi nito sa 'kin dahilan kaya't nagka-ideya ako.

"P-Pintura sa mukha..." pag-uulit ko sa sinabi nito kahit alam ko naman na ang lalaking 'yon kanina ang hinahabol nila.

"Oo, 'yon nga," sagot naman nito. Tiningnan ko ang daan kung saan sila umalis at mabilis na tinuro 'yon.

"Pumunta po sila ro'n," sabi ko rito para mahuli na nila ang lalaki.

Kaagad naman siyang nagpasalamat at sinundan ang daan ng mga may pintura sa mukha. Dahil naman sa takot ko, umuwi na ako kaagad.

KINABUKASAN pagkagising ko palang ay pinaghandaan ko na si lola ng almusal. Kami nalang dalawa ang natitira sa bahay dahil wala na ang mga totoo kong magulang.

"Apo, bakit may gasgas 'yang tuhod mo?" tanong ni lola nang makita ang tuhod ko.

"Ahh...wala po ito," sagot ko lang dito.

"Sinaktan ka na naman ba ng kasintahan mo? Ano pang ginawa niya sa'yo?" tanong na naman ni lola.

"Lola, hindi po," sagot ko.

May boyfriend ako, si Eljoe. Tulad ng sinabi ni lola, sinasaktan ako no'n kapag 'di ko sinunod ang gusto niya. Tulad ng p********k. Kaya lagi niya akong nabubuhatan ng kamay.

"Hmm...siguraduhin mo lang ha? Baka naglilihim ka sa 'kin," sabi nito. Nginitian ko nalang siya para hindi na siya mag-alala pa.

Siguro nakuha ko 'tong gasgas kagabi? Hindi ko na kinuwento kay lola at baka mag-alala pa siya masyado.

Huminga ako ng malalim dahil sa mga dumarating na problema. Ano ba naman 'tong buhay na 'to?

"Oh tara na't kumain. Baka mamaya masira pa 'tong pagkain 'pag hinayaan," sabi ni lola kaya naupo na rin ako at kumain.

Habang kumakain, napapaisip naman ako sa lalaking ay pintura sa mukha kagabi.

Yung Dean yata?

Nahuli na kaya siya ng mga pulis?

Sana nga nahuli siya.

Related chapters

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 2

    AIRISHKINAGABIHAN, pagtapos kong maligo ay may inutos si lola sa 'kin."Apo, pakibukas naman yung tv oh? Gusto kong manood ng balita," sabi nito kaya kaagad kong binuksan.Sumakto ang channel sa isang balita dahilan at bigla naman nitong nakuha ang atensyon ko. "Kasalukuyang nasa kostudiya ng pulisya ang lalaking matagal nang nagbebenta ng iba't ibang uri ng drögä sa bansa. Ayon kay insp. Jake Warren, matagal na nilang pinaghahahanap ang suspek dahil sa patong-patong na reklamo rito."Namukhaan ko rin ang lalaking nasa t.v. at may nakalagay na pangalan sa baba. "Jake Warren," sabi ko sa sarili ko dahil ang lalaking 'to ang pulis na nagtanong sa 'kin kagabi.May mga pulisya rin akong naabutan kagabi at inihatid nila ako rito sa bahay. Panay ang tanong nila sa 'kin kung pinagdiskitahan ba ako no'ng lalaking may pintura ang mukha pero nagsinungaling ako. Sinabi kong nakita ko lang silang dumaan at hindi nila ako pinagdiskitahan."Mabuti na lang at may magandang loob na nagsabi sa 'min

    Last Updated : 2022-12-26
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 3

    AIRISHBIGLA akong nagulat nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko at pilit na itinayo. Binitiwan niya ang baseball bat niya at inabot ang remote sa 'kin."Buksan mo," sabi nito kaya ginawa ko naman. Nang matapat sa mga channel na may balita, napahinto nalang ako dahil puro si Dean ang nasa issue."Hindi po namin sinasadya ang ginawa niyang pagtakas. Uulitin po namin, hindi po namin sinasadya. Mukha pong pinlano na niya ang mga 'yon kaya mabilis siyang nakatakas.""Tingnan mo? Ganyan sila kaböbø!" Tumatawa na sabi ni Dean."Ayon sa pulisya, hindi sila tumitigil sa paghahanap kay Dean Amresel. Kaya kung sinoman po ang nakakita sa kanya, itawag lamang sa mga numerong ito."Gustong gusto ko na siyang ipahuli at umalis na sa lugar na 'to. Alalang alala na 'ko kay lola."Ahh!" daing ko nang maramdaman ko ang mabilis niyang pagdilä sa pisngi ko."Psstt! Patulugin niyo na 'to," sabi ni Dean kaya may pumuntang dalawang lalaki sa kinaroroonan namin. Bigla nalang akong sinuntok ng isa dahila

    Last Updated : 2022-12-26
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 4

    AIRISHKAAGAD kaming nag-impake nang makauwi kami sa bahay. Sinabi ko sa mga pulis ang nangyari sa 'kin at nalaman nila kung saan nagtatago si Dean at ang grupo nito.Alam ko, ako ang sisisihin no'n sa pagsusumbong sa mga pulis. Pero kailangan ko 'yong gawin para sa kaligtasan ko--sa kaligtasan namin ni lola.Nakiusap din ako na bantayan kami ni lola, sinagot na rin nila ang sasakyan pauwi sa probinsya.Ngayon ay maraming nakapalibot na pulis sa bahay at naghihintay ang sasakyan na gagamitin namin pauwi sa probinsya. Kaagad kaming sumakay ni lola kaya kaagad din kaming umalis.Sana mahuli na si Dean at makulong na siya ng matagal.NARRATORPAGSAPIT ng hapon, pinuntahan nila Dean kung saan naroroon si Airish."Anak ng p*ta! Bakit wala yung babae rito?!" sigaw niya habang nananalisik ang mga mata niya sa galit. Nakita niya rin ang lalaking nakahandusay at wala nang buhay.Sinilip niya ang bintana nang makita naman niya ang lubid. Nakita niya na sa labas na nakahandusay narin ang limang l

    Last Updated : 2022-12-26
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 5

    AIRISH NANG sumapit ang gabi, naglinis ako ng sarili bago ako nahiga. Nag-cellphone ako saglit sa kama. Bago matulog nailagay ko ang cellphone sa bulsa ng padyama ko. Mahirap nang mawalan, 'no?.Habang nasa kalagitnaan ako ng pagtulog, bigla akong nagulat nang may narinig akong sunod-sunod na putok ng baril. Napakunot ang noo ko at palihim na sumilip sa bintana. Nakita ko ang tatlong sasakyan at may bumababa ritong mga nakaarmas.Alam ko sina Dean 'yon!.Nakaramdam kaagad ako ng takot at kaba kaya tumakbo ako palabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay siyang pagpatay ng ilaw sa buong bahay. Malaki ang bahay kaya natatakot ako lalo't wala akong kasama rito sa loob.Nagulat ako nang makarinig ako ng nakakalokong tawa. Umalingawngaw ito dahil sa laki ng bahay.Dahan-dahan akong pumasok sa isang silid at may nakita akong cabinet. Binuksan ko 'yon at do'n ako nagtago. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang paghinga ko.Naririnig ko parin ang mga putukan ng baril sa labas ng b

    Last Updated : 2022-12-26
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 6

    AIRISH NAGISING nalang ako ulit at nakita kong maliwanag na sa labas. Mabagal ang paglingon-lingon ko dahil sa sakit ng katawan ko. Buti nga't 'di pa 'ko namamatay.Napansin ko rin na nakahiga ako sa kama at mukhang kumpleto ang pagkaka-bandage sa 'kin.Totoo ba 'to?"Kumain ka na," sabi ni Dean dahilan at napatingin ako rito. Nasa may kabilang gilid siya ng kama at naka-topless. Mukhang bagong ligo dahil basa ang buhok nito.Napatingin lang ako sa kanya, gayundin siya sa 'kin."Ayokong kumain," dabi ko at inayos ang pagkakahiga ko."Hindi pwede. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo," sabi nito at narinig ko ang pagtayo niya. Lumapit siya sa 'kin at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang kutsara at platong may pagkain na nasa katabi kong mesa."Teka, umupo ka muna," sabi nito. "Kaya mo ba?" Tanong niya sa 'kin. Gusto ko sanang tumanggi pero baka bumalik 'to sa pagiging baliw niya. Kaya tumango ako bilang tugon.Tumayo siya at niyakap ako bilang alalay sa pag-upo sa 'kin."One, two, three," pa

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 7

    AIRISH DUMAAN ang maghapon at naaasikaso naman ako ng mga kasamahan ni Dean. Kahit natatakot parin ako dahil sa mga may pintura nilang mukha, binabalewala ko nalang.'Di ko parin maigalaw ang leeg ko ng maayos. Masakit parin."Love," sabi ng boses ni Dean at pumasok sa kinaroroonan ko. Napatingin lang ako sa nag-aalala niyang mukha.Nakita ko na may dala-dala siyang bouquet of red roses."Happy anniversary, love," sabi niya nang pumunta siya sa tabi ko at umupo sa may gilid. Nilagay ang bulaklak sa tabi ko. Balak ako nitong halikan pero kaagad akong umiwas.Bakit ba sa 'kin niya binibigay 'to?.Hindi ako ang asawa niya."D-Dean, h-hindi ako ang asawa mo," sabi ko habang nakatingin sa ibang direksyon."Hindi. Asawa kita, Eloisa. Asawa kita," mariing sabi nito.Eloisa?.Hindi ako si Eloisa, ako si Airish."Hindi ako si Eloi---""Hindi mo na ba 'ko mahal? Bakit? nagbago ka na ba sa 'kin?" tanong nito na animo'y parang bata. Tumingin ako sa kanya kahit nahihirapan."Dean, hindi ako ang a

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 8

    AIRISH NAPABUNTONG HININGA nalang ako dahil sa sinabi ni ate Maieth."Sabihin mo sa kanya, makakauwi na 'ko. Malapit na. Kapag tinanong kung saan ako ngayon, sabihin mo nasa Maynila at nagtatrabaho. Okay?" paalala ko.[O-o sige. Pero teka? Nasa'n ka nga ba?] tanong ni ate Maieth. Bago ko sagutin ang tanong ni ate, lumingon muna ako.Medyo nagulat ako dahil nakita ko si Dean na nasa likuran ko mismo at nakatitig sa 'kin habang may nginunguyang bubblegum."A-ahh... Basta, m-mag-usap nalang ulit ta---" hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang hablutin ni Dean ang cellphone at pinatay na ang tawag."Tapos na," sabi niya at tinabi 'yon sa bulsa ng pantalon niya."Dean. Ano ba? Kinakausap ko pa si ate Maieth," naiinis na sabi ko rito. Tumawa ito ng mahina at napailing."Tapos na," sabi niya lang bago naglakad palabas ng kwarto. Bago tuluyang umalis, lumingon muna ito sa 'kin. Kumindat ito at saka ngumiti."Love, babalik ako," sabi nito at saka sinara ang pinto at umalis. Napaupo nalang ako

    Last Updated : 2023-02-02
  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 9

    AIRISH "Ahh!..." daing ko nang bigla niya akong dinapa sa kama matapos niyang tanggalin ang tali.Nakatingin ako sa may gilid ng mesang katabi ng kama. Nanghihina ako sa pinaggagagawa niya lalo na't masakit pa ang katawan ko.May narinig akong tunog ng bakal ng sinturon at parang tinatanggal niya ito. Tinaas pa niya ang may bandang balakang ko.Habang nakatitig ako sa gilid ng mesa, bigla nalang akong napapikit at napasigaw nang maramdaman ko ang sakit."Ahh! Dean! Tama na! Tama na!..." Mangiyak-ngiyak kong sambit habang nararamdaman ang dahan-dahang pag-uga ko sa kama. Napakapit ako ng mahigpit sa anumang makapitan ko.Habang umiiyak ay siyang pagramdam ko sa masakit niyang ginagawa."D-Dean... A-Ayoko na! Dean... T-Tigilan mo na 'to," sambit ko.Maya-maya, ang iyak at sakit na nararamdaman ko ay napalitan ng panghihina ng katawan. Nakapikit ako habang humihinga ng malalim.Patuloy parin siya sa ginagawa hanggang sa alisin niya 'yon.Pinahiga niya ako sa kama at muli siyang pumaibab

    Last Updated : 2023-02-02

Latest chapter

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Epilogue

    EPILOGUENARRATOR KINAGABIHAN, nagkita sina Dean at Roman sa isang bar. "Bro," sabi ni Roman at nag-fists sila ni Dean bago ito naupo sa katabing upuan at nag-order ng alak."Bakit pala?" tanong ni Dean."Wala. Mag-inuman lang tayo," sabi ni Roman at tinungga ang alak niya. Napakunot naman ang noo ni Dean at kinuha ang order niyang alak."Inuman? Hindi ako naniniwala," sabi nito. Tiningnan naman siya ni Roman at napangisi sa kanya."Yung totoo? Kilala kita, Roman," sabi ni Dean at saka uminom ng alak. "Yung totoo? Ano ba talaga 'yang dinadala mo?" tanong pa nito."Si tatang. Kilala mo naman siya, 'di ba?" tanong ni Roman. Tumango naman si Dean bilang tugon dito."Hmm! Hindi ka pa nakakamove-on sa mga pumatay sa kanya? Sabagay, tatang mo 'yon," sabi naman ni Dean bago inumin ang alak."Nagsaliksik ako kung sino yung Solivanne na sinabi ng lalaki no'n. Ito yung nakita ko," sabi ni Roman at may pinakitang picture kay Dean. Kinuha naman ni Dean 'yon at tinitigan."Sino 'tong babaeng naka

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 46

    After 2 months...DEAN I'M STARING at my wife's tomb while letting my tears falling down."Thank you, Eloisa. My love," I just said to her. Hindi ko mapigilang maiyak dahil asawa ko parin siya.Now, everything's gone.My wife...My friend...My family...And my frienemy.Yeah, life is short. And we don't know what will going to happen next.Gusto ko munang mapag-isa. Alam kong sariwang sariwa ang kaso ko sa mga pulis pero mas maganda kung magpapagaling muna ako.That's what I promised to Airish when we were at the hospital.I just smiled at her when she followed me. Yes, she's alive. She's fine."A-Ang yaman pala ng kambal ko," She said while her tears starting to fall down. She walk towards her twin sister's tomb then she lightened the candle."Hello, E-Eloisa. Nandito na 'ko, oh? Y-Yung twin sister mo."I felt a sudden pain inside my body when I saw her like this. Parehong pareho silang umiyak ni Eloisa.Lumapit ako sa kanya para patahanin siya. Hindi na naman siya makapagsalita da

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 45

    NARRATOR TININGNAN ni Dean si Eljoe ngunit hindi matalim tulad ng kanina."H-Hindi kita gustong patayin, b-b-best friend boy," sabi nito. Napahinto nalang si Eljoe nang marinig niya ang tawag sa kanya ni Dean noong mga bata pa sila."Tumahimik ka, Dean," mariing sabi ni Eljoe at tila bumigat ang pakiramdam."Eljoe--ahh..." daing ni Dean sa natamo niya.Samantala, patakbo si Airish nang isuot niya ang kuwintas. Nagtago nalang siya nang makita sina Dean, Eljoe at si Roman.'Anong ginagawa ni Dean?' takhang tanong niya sa sarili."Bakit naduduwag ka, Dean?! Bakit 'di mo 'ko kayang patayin, Dean. You are a damn lunatic, boy. You are! So stop acting like an angelic demon or i'll kill you!" sigaw ni Eljoe at biglang tumulo ang mga luha niya."Dean, ano ba?" tanong naman ni Roman. Ang galit ni Dean sa dating kaibigan ay napalitan ng lungkot dahil sa mga ala-ala nila."S-si..." samantala, hindi na natuloy pa ni Airish ang sinasabi nang makita niya ang tumatayong lalaki na pamilyar sa kanya.

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 44

    NARRATOR SINAMAAN lang ni Dean ng tingin ang dating kaibigan. LSamantala, pasimpleng napapaamoy si Roman at napapatingin sa magkabilang gilid nang maramdaman niyang may mga nakapalibot sa kanila."Ano, Dean Amresel? Kill me!" sigaw ni Eljoe. Pinaputukan naman ni Dean ang braso ni Ortaleza imbis sa kaniya dahilan at dumaing ito.Tiningnan naman ni Eljoe ang kasama niya."I said kill me!" sigaw ulit ni Eljoe pero matalim na tingin lang ang binato ni Dean sa kanya habang nakatutok ang baril nito.AIRISH LUMINGON-LINGON ako sa paligid kung may paparating na tauhan ni Eljoe. Kinuha ko ang baril ng lalaking nakahandusay at maingat na umalis.Nangangalay parin ang magkabilang braso ko. Ang buo kong katawan. Para akong hindi kumain ng ilang araw dahil sa pagkakakadena ko kanina.Nababaril ko naman ang mga nakakasalubong ko pero may iba, sablay. Hindi na 'ko bago sa ganito dahil nagawa ko naring kumitil ng buhay noong nasa puwader ako ni Dean.Dahil sa panghihina, bumagsak nalang ako sa sahi

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 43

    AIRISH NAPATINGIN ako kay Dean na matalim namang nakatitig kay Eljoe."Alam mo, Dean? Akala mo swerte ka kay Eloisa? Hindi!" sigaw ni Eljoe at natawa. Para siyang baliw. "Hindi ikaw ang totoong minahal niya. Ako! Ako ang totoong minahal niya!"Hindi naman nagsasalita si Dean at tila inaabangan ang mga sasabihin pa ni Eljoe."Noong gabing pinakilala mo siya sa 'kin, 'yon ang naging simula ng paghulog ng loob namin sa isa't isa. Alam mo dahil sa katangahan mo? Hindi mo alam na palihim kaming nagsasama lalo na tuwing gabi. Kasi ang ibig sabihin no'n, hindi siya maligaya sa'yo," sabi pa ni Eljoe."Binigay niya ang lahat sa 'kin, lahat-lahat ng kanya. Hindi katulad ng kambal niya, walang kwenta," sabi pa niya at tumingin sa 'kin."Pero sumama ang loob ko nang malaman kong ikakasal na kayo. Dahil lang do'n kaya pinilit ni Eloisa na makipaghiwalay sa 'kin kahit alam kong ako ang mahal niya. Dapat pa nga, sa mismong kasal niyo ako manggugulo para patayin siya, kaso may awa pa ako. Kaya sa ho

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 42

    AIRISH "L-Lola, kailangan po ako ni Dean. Mapapatay po siya kapag hindi pa 'ko nakagawa ng paraan," sabi ko."Pero apo, delikado," sabi nito nang hawakan ang braso ko."Pero lola, sinalba po niya ang buhay ko. Sinalba niya tayo. Kaya ito na po siguro ang paraan para bumawi naman ako sa kanya," sabi ko. Tiningnan ako nito habang tila nag-aalala."Pero paano ka? B-Baka may mangyaring masama sa'yo.""Lola. Magiging ligtas po ako kapag napakawalan si Dean. Magtiwala po kayo," sabi ko. Binigyan ko siya ng mahigpit na yakap bago ako umalis."Apo!" tawag niya dahilan at napalingon ako. "Babalik ka," sabi nito. Ngumiti at tumango ako bilang tugon bago ako tuluyang umalis."Ano b--""Kailangan lang!" sigaw ko sa nakuhanan ko ng cellphone habang tumatakbo ako. Kaagad akong nagtago at ki-nontact ang lalaking sinasabi ni Dean. Nilabas ko ang papel na nakuha ko sa kanya."Hello?"[Sino ka? Bakit mo 'ko tinawagan?] sagot ng lalaking may kalaliman at nakakatakot din ang boses."Ikaw ba ang kaibigan

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 41

    AIRISH NAKITA ko ang pagpasok ni Dean at Ortaleza saka pumunta mismo sa unahan ni Dean."Tingnan mo nga naman ang g*go, oh? Buhay pa," natatawang tugon ni Eljoe dahilan at natawa rin si Ortaleza. Nakita ko rin ang pagtawa ni Dean."G*go ka talaga 'no?" tanong naman ni Dean sa kanya. Dahan-dahan naman akong naglakad paalis para makahanap ng pantawag at makausap si lola.Nasilayan ko pa si Dean bago ako umalis. Sinasagot-sagot niya sina Eljoe at Ortaleza para hindi nila ako mapansin. Muli, dumaan ako sa pinanggalingan ko kanina pero maingat ko 'yong ginagawa.Hindi naging madali ang pag-alis ko dahil panay ang tago ko dahil sa mga pumapalibot na mga kalalakihang nakaarmas. Napatakbo nalang ako palabas nang masigurado kong walang tauhang nakapaligid.Maraming oras ang naigugol ko sa pag-alis hanggang sa makalabas na ako. Ngayon, nagmakaawa pa 'ko sa mga driver ng trycicle bago ako pasakayin. Wala akong pera at sinabi ko na kailangang kailangan lang.Pinahatid ko ang trycicle sa ampunan

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 40

    AIRISH SINILIP ko muna ang liwanag at nakita ko na may mga nakatambay na lalaki sa may 'di kalayuan. Mataas dahil nasa kisame ako at ang taas nito ay bato na--sahig sa may taas.Nagtago ako ng bahagya dahil nakita ko ang paglabas ni Eljoe kasama si Ortaleza."Ihanda niyo ang mga sasakyan para mamayang gabi. Kung hindi mamaya, baka madaling araw na natin magagawa," sabi ni Eljoe sa mga kalalakihan. Anong gagawin nila?"Hoy, kayo. Ilagay niyo na ang mga bagahe sa likod para kay g*gong Amresel," sabi naman ni Ortaleza. Nakita ko ang mga lalaki na may nilalagay na pa-square na kahoy sa may likuran ng truck habang may nilalagay naman sa likuran ng van ni Eljoe. Sigurado ako, pupunta siya kay Dean.Kaagad akong nag-isip ng paraan para makababa rito at para makasakay ako sa likuran ng van nang hindi nalalaman ni Eljoe.Inabangan ko ang pag-alis ng mga lalaki nang matapos sila sa paglalagay. Kaagad akong kumapit sa puwedeng makapitan sa gilid para makababa. Tumalon ako sa may banda pang gili

  • Don't Play With The Lunatic (Don't Play Series 1)   Kabanata 39

    AIRISH "Ortaleza," sabi ni Eljoe kay Ortaleza dahilan at binuksan nito ang isang pintuang gawa sa bakal. Pagkapasok namin ni Eljoe, tumambad sa aming harapan si Dean. Halos mapatulala ako at parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita siya.May mga bakas ng sugat, may dugo at pasa siya sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan. Halos lamunin na ng dugo ang kanyang mukha at nakakadena parin ang kanyang mga kamay habang nakatayo siya."Gisingin mo 'yang g*gong 'yan," sabi ni Eljoe dahilan at kumuha ang isang lalaki ng balde na may malamig na tubig at binuhos 'yon kay Dean. Nagising ang diwa ni Dean at tiningnan isa-isa ang mga kalalakihang nakapaligid sa kanya. Napahinto siya at napatitig sa 'kin nang makita ako. Gusto ko siyang tulungan dahil sa itsura niya ngayon."Look, Dean. Nandito lang naman kaming mga ginago mo noong araw," biglang sambit ni Eljoe. Nakatitig parin ako sa kanya at tinititigan ang itsura niya."E-Eloisa," Rinig kong sabi nito sa kanyang sarili habang nakat

DMCA.com Protection Status