(Secretary Lee POV)
May malaking bilog na mesang nakahanda para sa kanila. Masyadong maagwat ang distansya. Pinanghila ko ng upuan si Master Cedrick at si Miss Vanessa naman ng kanyang secretarya. Nanatili kami sa likuran ng bawat isa.
“Cedrick, wag mo itong gagawin.” panimula ni Vanessa na siyang ikinatulo ng luha kaagad. Ngumisi lamang si Master Cedrick.
Masyado kasing mapait ang ginawa mo Miss Vanessa sa kanya. Nasaktan mo ito ng husto. Dahil sa pagmamahal niya sayo, tuluyan ka na nga niyang papakawalan.
“I am here to hear your last words. This will be our closure Vanessa. Aware ka naman ata diba?”
“Cedrick…”
“Ito ang gusto mo sa umpisa pa lang.”
“Di ko inaasahan na mangyari ang trahedya na yun. Di lang ikaw ang namatayan. Pati pamilya ko. Pareho tayong—.”
“I am happy your still alive.” tigil ni Master Cedrick sa pinagsasabi
(Secretary Lee POV)Halos mabasa na ang mukha ni Miss Vanessa. Di ko naman makita ang reaction ni Master Cedrick sa mga narinig nito.“A month before the wedding… Buntis ako. It's my last time na makikita kita ng ibalita ko nga sayong buntis ako.”“It's not my child Vanessa.” Matapang na sinabi ni Master Cedrick. Tipong di mabibilog ni Miss Vanessa ang ulo niya.“Cedrick, si Jessa ang nabuntis ni Kenneth. Galit na galit si Jessa sa akin dahil nabuntis mo nga ako! Kaya yung parents namin inilayo ako ng tuluyan. At sa oras na yun ang dinadala ni Jessa noon, ang anak ni Kenneth.”Napayuko ako bigla. Anong ibig sabihin nito? Walang emotion ang mukha ni Master Cedrick ngunit nakatitig lamang ito sa mukha ni Miss Vanessa.“Stop this wedding Cedrick, we have a child.”Napasandal sa upuan si Master Cedrick, di ata makapaniwala sa narinig nito. Even myself. Ano na ba ang m
(Secretary Lee POV)Ngunit naging abala ako na alamin nga kung totoo itong pinagsasabi ni Miss Vanessa.Nang matangap ko na ang resulta. Napapikit na lamang ako.Adrian ang pangalan ng bata. Ang resulta, positive. Anak nga ni Master Cedrick.Nanahimik na lamang ako sa tabi. Nanunuod kung ano na nga ba ang nangyayari sa loob. Alam kong maililigtas ni Master Cedrick, ang sarili niyang anak.Miss Monina, kung ano man ang magiging pasya ni Master Cedrick, sana nga may katarungan din kahit paano lalo na sayo.May tumawag sa akin na tauhan. Ang tauhan na naka-standby kay Miss Monina. Agad ko namang sinagot. “Sir Lee, nais umalis ni Miss Monina.” No. Kabilin-bilinan ni Master Cedrick na hindi lalabas si Miss Monina. Kaya agad kong sinabi na tigilan ito. Hangang si Miss Monina ang biglang narinig ko sa kabilang linya.“Mike kailangan ko kumilos sa problema ng pamilya ko. Di natin alam ang isipa
(Monina POV)Masakit mabitin sa ere. Plus, masakit mahusgahan.Wala sa akin ang control, nasa kay Cedrick. Ilang beses na namin napag-usapan ang tungkol sa aming dalawa. Unfair. Halatang napaka-unfair.Akala niya siguro ginagawa ko lang ito para sa proteksyon ng pamilya ko. Syempre yun din naman talaga ang maiisip nito.Napaupo na ako sa upuan. Para akong natruma sa muling pagkikita namin ni Miss Vanessa. Kahit pananalita lang ang ginawa nito. Kahit paano binalot ako nang takot. Napayakap ako sa unan. Tipong nagseself-pity.Bakit ang hirap i-handle ng pagmamahal? Tipong may kung anong tumatali sayo na kapag nilayasan mo masasaktan ka at magdurugo ang puso mo. Tipong mabigat sa dibdib. Gustuhin mo mang lumayas sa isang relasyon. Di mo magagawa dahil mahal mo na ito. At masasaktan ka lang kapag ginawa mong lumisan. Bakit nakakatakot masaktan?Sira ulo ka kasi Monina. Bakit nainlove ka sa lalaking yun. Napaka-komplikado niyang
(Monina POV)“Wala naman. Sige, mahalaga sinabi mo sa amin ang kaso ng pamilya ninyo.” na siyang ikinatitig nito sa kasamahan ko. Si Rhio. Makatitig sa akin parang babalian na din ako ng ulo.Ngunit mga mata niya nagtatanong kung bakit naririto ako sa police station at talagang lumapit pa ako sa kanila na wala naman talagang bilib si Cedrick sa kakayanan ng mga pulis.Sa kailangan ko kumilos, Rhio. At kagustuhan mo na sumama kung bakit ka naririto ngayon.Lumabas na kami sa station. May kalayuan din naman sa akin si Rhio kaya di mapaghahalataan na kasama ko ito. Pagkakamalan lang naman siyang may masamang motibo sa akin.Ngayon lang din ulit ako nakalabas. Muling parang di ko na naman kilala yung mundo ko.Bakit ko nga ba hinayaan na ma-adopt yung mundo ni Cedrick? Wala namang assurance na magiging maayos talaga ang pagsasama namin. Lalo na di naman ito mahuhulog sa akin.Palayain ang sarili Monina. Yun la
(Monina POV)“Haha. Sino ang nagsabi na pupunta kayo doon?”“May sumundo sa amin. Sila?” Nang lingunin ko tauhan ni Cedrick. Clueless sila. Biglang hinila ni Angela ang ilang hibla ng buhok ko.“Ang tagal mong di nagpakita?!”“Tapos naalis lang sa trabaho, di na nagpakita. Kala ko pa naman na-depress ka masyado. Naghihintay pa naman kami ng balita na merong nagpakamatay. Tapos makikita ka namin ngayon, parang buhay princessa ah.” Titig nila sa akin mula ulo hangang paa.Oo na. Pati shampoo at toothpaste ko, mula pa sa bulsa ni Cedrick. Ganoon po kagalante ang lalaking yun.Hinampas ko ang mga balikat nito.“Ako magpapakamatay?”“Saka kick out ka bigla my friend sa school natin? Bakit?”“Ah?” Anong ibig sabihin ni Angela?“Yun ang usap-usapan. Kick out ka. Dahil nga sa paglabag mo ng ilang privacy ng mga study
(Monina POV)Pero ano naman ang kasalanan ni Cedrick kung nalaman nga ng school ang pinag-gagawa ko.Naku naman. Kung nasa school ako edi na defense ko sana ang sarili ko diba? Pero di ko din alam malalaman at mapoprotektahan ang pamilya ko kung walang Cedrick na gumulo sa buhay ko.(Secretary Lee POV)Binabalita sa akin ni Rhio kung ano ang pinag-gagawa ni Monina. Kasama na ito ng mga kaibigan niya.Malalagot ako kay Master Cedrick kung bakit hinahayaan ko si Monina na lumabas at gumala.Inabutan ng ilang oras ang operasyon. Halatang nahihirapan si Master Cedrick, ngunit anak niya ito. Magulo man ang isipan niya pero kailangan nitong tratuhing pasyente ang nasa harapan niya.Naghihintay din si Miss Vanessa. Di kami kumain ng pananghalian.Hangang ang kulay pulang ilaw, naging berde na nga. Ibig sabihin tapos na ang operasyon.Nagulat na lamang kami na nagkakagulo sa labas
(Secretary Lee POV)Natigilan ito. Humarap sa akin.“The child is mine. I know. Pero hindi ito ibig sabihin na kailangan ko talikuran si Monina.”Muling talikod niya sa akin at lumabas ng silid na siyang ikinasunod ko. Siguro… ayaw muna harapin ni Master Cedrick ang katotohanan na nalaman niya ngayon. Nahihirapan siya.Ibig bang sabihin nito, ayaw niyang bitawan si Miss Monina, kahit paano? Mayroon ka na bang nararamdaman sa kanya Master Cedrick?Ngunit sa paglabas namin, kinakailangan pa pumunta sa basement dahil nakaharang sa harapan ng hospital ang mga taga-media.At nang makapasok sa sasakyan. Katabi ko ulit ang driver nito. Napasilip ako sa kinaka-upuan ni Master Cedrick, halatang maraming iniisip. Tinawagan ko si Rhio.“Location.”“I'll send the location.”Isang mall at nasa loob ng isang KTV.Parang gusto ko tanungin si Master Cedrick kung willing
(Secretary Lee POV)Pinagmamasdan ko ang aura ni Master Cedrick. Talagang di na maganda. Hangang sa tumigil na si Rhio sa isang pinto ng KTV room. Ibig lang sabihin nasa loob si Miss Monina.Si Master Cedrick na itong nagbukas. Sumalubong sa tenga namin ang tili ng kumakanta sa microphono. Isa sa kasama ni Miss Monina at kaibigan nito. Napapalakpak naman na parang lasing yung isa.Asaan si Miss Monina?Di nila kami namalayan. Medyo madilim at abala sa ginagawa nila. Nagkalat sa mesa ang ilang bote ng beer.Napatitig sa akin si Master Cedrick. Kaya lumapit na ako sa isang babae. Napansin ako nito. Ngumiti.“Te… teka?! I-ikaw yung lala-laking kumausap kay Manager na tangalin si Monina sa trabaho diba? Ikaw yun?! Wag kang tatangi?!”“Nasaan si Miss Monina?”“Aba. Ang gentleman. May nalalaman pang pa-Miss Monina.”“Asaan siya?”“Tumawag na k