(Secretary Lee POV)
“Mike get out! Kung may trabaho ka. Umalis ka na!”
“Di ako aalis kung nagkakaganito ka.”
“You need too Mike. Maiinis lang ako. Ayaw mo naman ata akong makitang naiinis diba sayo?” Napabuntong hininga ako.
“Pero kailangan mo kumain.”
“Kakain ako, umalis ka na.”
Kaya sinunod ko na lamang ang gusto nito.
Nakasalubong ko sa may porch ang anak namin na abalang iniipon ang nasira bracelet na gawa sa beads.
“Mommy will get mad at me. Please help me Daddy.” taranta niyang pulot. Tinulungan ko. Ngunit ang beads na pinupulot ko, mamahaling bato to?
“Saan to galing?”
“It's Mom one of the treasures.”
“Pinapaki-alaman mo ang lalagyan ng Mommy mo?”
“I just want to try it. Hala Daddy nasira ko.”
Napatitig ako sa mga batong naipon namin. Ni minsan di ko b
(Secretary Lee POV)Wala pa atang ganang harapin si Miss Vanessa.Narinig kong napabuntong hininga. Natigilan sa paglalakad at humarap sa malawak na anyong tubig.“Bukas ikakasal na kami ni Monina. Ano kaya ang sasabihin sa akin ni Vanessa?”Di ko alam kung tinatanong niya ako. Sadyang siya lang naman ang makakasagot nang tanong na gumugulo sa kanyang isipan. Ang akin lang kailangan na niyang tapusin ang kahapon nila ni Vanessa.Nanabik na ako Master Cedrick na makita kang namumuhay nang tahimik. I know si Monina lang ang maaring makapag-bago ng prinsipyo ninyo. Malaki kaya ang tiwala ko dito.“She will be ready by hour from now.” sagot ko na malayo sa tanong niya. Sa di ko naman alam ang isasagot ko diba?Nanahimik si Master Cedrick. Hangang sa tumalikod na ito at pumasok ng kanyang pamamahay. Napatango ako kay Rhoa na ipaghanda ito ng almusal. Dahil yun din ang oras ko para sabihin sa kanya a
(Monina POV)Hahaha. Ma, dalawa lang na letra ang dumagdag sa akin. Ma, di ko ini-expect na balang araw mag-aasawa pala ako. Pero alam ko wini-wish ninyo noon sa akin yung makapaghanap ako ng lalaking magmamahal sa akin.Ma, di niya ako mahal.Pinaparamdam lang nito sa akin ang pagiging responsible. Duty niya. Yun lang. Ni minsan di ko makukuha ang puso niya. Tumitibok yun sa una niyang pag-ibig. Maari din ba ako maghanap ng pagtitibukan ng puso ko? Sa usapan kasi namin Ma, walang mafafall sa isat-isa.Siya may minamahal habang ako wala? Sa siya nga ang mahal ko. Ewan. Maghanap din kaya ako?Joke lang.Kung magpapakasal ako sa kanya, siguro maging tapat lang din ako sa responsibilidad ko. Diba Ma? Para kahit paano masaya din.Fighting Monina!Ganyan talaga ang nagagawa ng love. Kailangan mo magsakripisyo at maghintay. Makakapag-move on din yang si Cedrick. Wag naman sana dumating yung point na kailangan talaga
(Cedrick POV)Napatitig ako kay Mike na biglang nakatangap din ng tawag. Hinihintay ko ito. Hangang sa lumapit si Monina sa tarangkahan, binuksan at …“Master Cedrick...” bago pa man magsalita si Mike, napangisi na lamang ako kung sino nga itong bisita nang magiging asawa ko.“Hindi ata siya makapaghintay. Binalaan ko na siya na lumayo ito kay Monina diba?” titig ko na lamang kay Mike. Napayuko ito sa akin.“Get her ass out of my bride sight!” bulyaw ko kay Mike. Agad nitong tinawagan ang tauhan na naka-stand-by.Nakita ko ngang hinila na nila si Vanessa. Dinig ko ang pinagsasabi nito kay Monina.“Ako ang mahal ni Cedrick, hindi niya magagawang mahalin ang isang kagaya mo! Wag kang makikisali sa gulo namin. Please! Ginagamit ka lang niya!”Hangang sa sinara na nga ang tarangkahan. Natulala si Monina.Napailing ako. Napapikit at di ko din alam kung ano ang i
(Secretary Lee POV)May malaking bilog na mesang nakahanda para sa kanila. Masyadong maagwat ang distansya. Pinanghila ko ng upuan si Master Cedrick at si Miss Vanessa naman ng kanyang secretarya. Nanatili kami sa likuran ng bawat isa.“Cedrick, wag mo itong gagawin.” panimula ni Vanessa na siyang ikinatulo ng luha kaagad. Ngumisi lamang si Master Cedrick.Masyado kasing mapait ang ginawa mo Miss Vanessa sa kanya. Nasaktan mo ito ng husto. Dahil sa pagmamahal niya sayo, tuluyan ka na nga niyang papakawalan.“I am here to hear your last words. This will be our closure Vanessa. Aware ka naman ata diba?”“Cedrick…”“Ito ang gusto mo sa umpisa pa lang.”“Di ko inaasahan na mangyari ang trahedya na yun. Di lang ikaw ang namatayan. Pati pamilya ko. Pareho tayong—.”“I am happy your still alive.” tigil ni Master Cedrick sa pinagsasabi
(Secretary Lee POV)Halos mabasa na ang mukha ni Miss Vanessa. Di ko naman makita ang reaction ni Master Cedrick sa mga narinig nito.“A month before the wedding… Buntis ako. It's my last time na makikita kita ng ibalita ko nga sayong buntis ako.”“It's not my child Vanessa.” Matapang na sinabi ni Master Cedrick. Tipong di mabibilog ni Miss Vanessa ang ulo niya.“Cedrick, si Jessa ang nabuntis ni Kenneth. Galit na galit si Jessa sa akin dahil nabuntis mo nga ako! Kaya yung parents namin inilayo ako ng tuluyan. At sa oras na yun ang dinadala ni Jessa noon, ang anak ni Kenneth.”Napayuko ako bigla. Anong ibig sabihin nito? Walang emotion ang mukha ni Master Cedrick ngunit nakatitig lamang ito sa mukha ni Miss Vanessa.“Stop this wedding Cedrick, we have a child.”Napasandal sa upuan si Master Cedrick, di ata makapaniwala sa narinig nito. Even myself. Ano na ba ang m
(Secretary Lee POV)Ngunit naging abala ako na alamin nga kung totoo itong pinagsasabi ni Miss Vanessa.Nang matangap ko na ang resulta. Napapikit na lamang ako.Adrian ang pangalan ng bata. Ang resulta, positive. Anak nga ni Master Cedrick.Nanahimik na lamang ako sa tabi. Nanunuod kung ano na nga ba ang nangyayari sa loob. Alam kong maililigtas ni Master Cedrick, ang sarili niyang anak.Miss Monina, kung ano man ang magiging pasya ni Master Cedrick, sana nga may katarungan din kahit paano lalo na sayo.May tumawag sa akin na tauhan. Ang tauhan na naka-standby kay Miss Monina. Agad ko namang sinagot. “Sir Lee, nais umalis ni Miss Monina.” No. Kabilin-bilinan ni Master Cedrick na hindi lalabas si Miss Monina. Kaya agad kong sinabi na tigilan ito. Hangang si Miss Monina ang biglang narinig ko sa kabilang linya.“Mike kailangan ko kumilos sa problema ng pamilya ko. Di natin alam ang isipa
(Monina POV)Masakit mabitin sa ere. Plus, masakit mahusgahan.Wala sa akin ang control, nasa kay Cedrick. Ilang beses na namin napag-usapan ang tungkol sa aming dalawa. Unfair. Halatang napaka-unfair.Akala niya siguro ginagawa ko lang ito para sa proteksyon ng pamilya ko. Syempre yun din naman talaga ang maiisip nito.Napaupo na ako sa upuan. Para akong natruma sa muling pagkikita namin ni Miss Vanessa. Kahit pananalita lang ang ginawa nito. Kahit paano binalot ako nang takot. Napayakap ako sa unan. Tipong nagseself-pity.Bakit ang hirap i-handle ng pagmamahal? Tipong may kung anong tumatali sayo na kapag nilayasan mo masasaktan ka at magdurugo ang puso mo. Tipong mabigat sa dibdib. Gustuhin mo mang lumayas sa isang relasyon. Di mo magagawa dahil mahal mo na ito. At masasaktan ka lang kapag ginawa mong lumisan. Bakit nakakatakot masaktan?Sira ulo ka kasi Monina. Bakit nainlove ka sa lalaking yun. Napaka-komplikado niyang
(Monina POV)“Wala naman. Sige, mahalaga sinabi mo sa amin ang kaso ng pamilya ninyo.” na siyang ikinatitig nito sa kasamahan ko. Si Rhio. Makatitig sa akin parang babalian na din ako ng ulo.Ngunit mga mata niya nagtatanong kung bakit naririto ako sa police station at talagang lumapit pa ako sa kanila na wala naman talagang bilib si Cedrick sa kakayanan ng mga pulis.Sa kailangan ko kumilos, Rhio. At kagustuhan mo na sumama kung bakit ka naririto ngayon.Lumabas na kami sa station. May kalayuan din naman sa akin si Rhio kaya di mapaghahalataan na kasama ko ito. Pagkakamalan lang naman siyang may masamang motibo sa akin.Ngayon lang din ulit ako nakalabas. Muling parang di ko na naman kilala yung mundo ko.Bakit ko nga ba hinayaan na ma-adopt yung mundo ni Cedrick? Wala namang assurance na magiging maayos talaga ang pagsasama namin. Lalo na di naman ito mahuhulog sa akin.Palayain ang sarili Monina. Yun la