I'm glad to see you this far! Maraming-maraming salamat po sa lahat ng suporta sa librong ito. Nasa chapter 50 na tayo! Pasensya na po sa kaunting update. At sa mga comments na hindi ko po nare-replayan, nababasa ko po lahat. Thank you po! Rest assured na kahit kaunti po ang update ko ay araw-araw naman po akong mag uupdate. Thank you po ulit! <3
Mabilis na lumapit si Bryenne kay Rana at umambang sasampalin ang dalaga.Ngunit mas mabilis na kumilos si Rana.Alam na alam na niya ang balak nito. Habang papalapit ang nakababatang kapatid ni Bryson ay mabilis siyang umiwas, dahilan upang mawalan ng balanse si Bryenne at diretsong bumagsak sa sahig.Si Rana ay nakatayo sa malayo.Hindi man lang nahawakan ni Bryenne kahit kaunti.Sinadya pa niyang ipagpag ang kanyang suot na para bang inaalis ang dumi."Ay hala? Ang sipag naman ng janitress na ito. Ang aga maglinis ng sahig." nang-aasar na sabi ni Bryenne.Galit na lumingon si Bryenne.Ang tingin niya kay Rana ay puno ng matinding poot at pagkamuhi.Tila gusto nitong kalmutin ang pagmumukha ni Rana na nakangisi sa kanya.May ilang taong lumapit upang tulungan siyang bumangon.Ngunit mas marami ang nanatili sa gilid at nanood na lamang ng eksena.Ang iilan pa niyang kaibigan ay tinatawanan siya imbis na tulungan.Napahiya si Bryenne sa harap ng maraming tao.Kaya naman lalong sumikl
Isinaboy ni Rana kay Bryenne ang kinuhang baso ng alak sa tray ng isang waiter na dumadaan.Lalong tumapang ang kanyang mukha sa ginawa.She has never been this satisfied in her whole life.Paano pa kaya kapag naisiwalat na niya ang lahat?Sa isip niya ay pwede na siyang mamahinga pag nagkataon.Nagsinghapan ang ilang naroon.Ang ilang kaibigan ni Bryenne ay mabilis na lumapit sa babae upang punasan ang basang mukha at damit nito.Malaki ang hall.Kaya hindi gaanong napapansin ang kumosyon dahil tila mga babaeng nagpupulong lang ang nagaganap roon.Katulad sa iba na isang tumpok rin kung mag usap-usap.Napapikit si Bryenne sa inis."Ah! Nababaliw ka na ba?! Porket nahuli at napahiya kita? Wala kang manners kahit kailan, Rana!"Habang pinupunasan Bryenne ang alak sa kanyang kasuotan gamit ang isang panyo ay sumisigaw siya sa galit kay Rana.Sobra itong napahiya.Pero si Rana ay bahagyang ngumiti lamang.Hindi na niya mapigilan ang sarili sa pagdurog sa babaeng ito.Hindi na siya makapa
Tunay nang tumawa si Rana.“Kailangan pa ba ng mga screenshot? Ang paghabol lang ni Pey sa dati kong asawa ay alam na ng maraming tao. Lahat sila ay kitang-kita ang bawat pagdikit nito sa kanya. Isang babaeng wala nang hiya. Pero tinitingala niyo pa rin siya na parang isang mahalagang kayamanan. Nakakatawa talaga. Dapat kayong mag-ingat, bantayan niyo nang mabuti ang mga boyfriend o asawa niyo. Kung hindi baka maagaw sila ng sanay na manggagantso. Huwag kayong umiyak kung mangyari iyon.”Tinignan niya ang mga magkakaibigan saka lumipat kaya Jillian na namumula na sa galit.Ang maputi nitong mukha ay tila kamatis na.“Baka sumabog ka sa sobrang pula mo ah.” tawa pa niya.Nang marinig ang sinabi ni Rana, maraming tao sa paligid ang tila nag-iisip.May ilan na mukhang naliwanagan.Habang ang iba naman ay galit na galit.Marahil ay biktima rin ng ginagawa ni Pey. Bagama't hindi pa rin tinatantanan ni Pey si Bryson, mahilig pa rin itong maglaro sa ibang lalaki.At dahil sa kanyang pagpapan
“Gosh. Alam ko fashion gala ang pinuntahan natin. Fliptop battle at live rambulan pala.”Nang naramdaman ni Rana na ang atensyon ng lahat ay napunta na sa iba muli niyang binalikan si Bryenne.Hindi niya nakalimutan ang tunay na may kasalanan ng kaguluhang ito ay siya.Malamig niyang tiningnan si Bryenne.Napaatras ito ng bahagya sa tingin niya."Sinabi mong peke ang suot ko ‘diba? You better remember this day, Bryenne."Napamaang si Bryenne sa bantang iyon ni Rana.Bigla siyang nakaramdam ng takot.Hindi niya inakala na malalaman ni Rana ang lihim ni Jillian.Tiyak niyang magiging tampulan ito ng katatawan sa kanilang buong grupo.Palaisipan pa rin sa kanya kung paano ito nakakuha ng impormasyon.“Did Vern hired some private investigators for her?” tanong niya sa kanyang isip.Ngayon, malinaw na sa kanya na hindi na ganoon kadaling kalabanin si Rana.Hindi na niya kayang tapatan kung paano ito mag-isip ngayon.Isama pa ang pagiging handa nito sa mga ebidensya na hawak niya."Dati ako
Habang nagkukumahog si Pey patungo sa fashion gala ay natagpuan na ni Rana si Andy.Nasa isang air-conditioned room ito habang inilalatag ang ibang gown na gagamitin mamaya kapag nagsimula na ang catwalk.Si Andri Aboitiz o mas kilala sa pangalang Andy, ang punong-abala ng fashion event na ito.Siya ang tagapagtatag ng Aboitiz Entertainment at kasalukuyang may-ari ng pinaka-kilalang platform para sa paglikha at pagtuklas ng mga bituin sa bansa."Rana! It’s been a while. Ginulat mo naman ako."Lumapit si Andy at niyakap si Rana habang nakatingin sa kanya nang may lambing.“I missed you!”Si Andy ay ang pangalawang anak na babae ng pamilya AboitizMayroon siyang isang nakatatandang kapatid na babae at isang nakababatang kapatid na lalaki.Ang kanilang pamilya ay may kakaibang sitwasyon.Ang panganay at pangalawang anak na babae ay parehong mahuhusay.May matagumpay na karera sa buhay.Ngunit ang bunsong anak na lalaki ay hindi maasahan.Bagaman siya ang nagmana ng kumpanya ng pamilya, w
Naiiling na tinignan ni Andy si Rana.Hindi niya alam kung dapat ba niyang payuhan ang dalaga na maging mas madiskarte.Pero nang mapag-isipan niya ay naisip niyang mabuti rin ang pagiging ganito ni Rana.Sa kabutihan niya, tiyak na may lalaking makakaunawa at magpapahalaga sa kanya.Kahit sikat at maraming humahanga kay Bryson sa larangan ng negosyo o pagiging maganda at makisig nitong lalaki ay hindi na-iimpress si Andy.Ngunit hindi siya tulad ni Moss.Siya ay may pinong asal, may respeto, at hindi basta-basta naninira ng iba.Kahit na hindi siya sang-ayon sa isang bagay hindi siya gagawa ng gulo nang walang dahilan."Hayaan na natin, tapos na rin naman ang lahat. Ang sitwasyon mo ngayon ay hindi rin naman masama."Tumango si Rana.“Living my best life again.”Natawa si Andy.“Buti naman dahil nade-depress na sa lungkot ang kuya mo.”Nagtawanan silang dalawa.Dumating ang juice na ipinakuha ni Andy at nagpatuloy sila sa pagkukwentuhan.“Nagkakausap ba kayo ni kuya?”Saglit na napat
“Ituring mo na lang itong pasasalamat ko sa iyo, Ate Andy. Sa lahat ng kabutihang ipinakita mo sa akin noon. Maliit na bagay lang ito at hindi naman ito mahal. Kaya hayaan mo na lang akong bigyan ka ng regalo.” paliwanag ni Rana habang nakangiti.Napailing si Andy.“Ang ganda-ganda ng regalo na ito. Tapos sasabihin mong hindi ito mahal? Lalo akong nakokosensya sa’yo eh.”Napabuntong-hininga si Rana at umiling.“Isa pa, lahat ng ginawa ko para sa iyo ay maliit na bagay lang. Hindi mo kailangang suklian. Don’t say anything. Parang nagkakailangan pa tayo niyan eh. Para kang others.” tawa niya.Ngumuso si Andy. Tila gusto pang umapela. Rana sighed.“Sige na nga, hindi ko na ito ibibigay nang libre. Bibigyan na lang kita ng malaking discount, ayos ba?”“Ayan, mas okay na 'yan.” sagot ni Andy habang masayang patuloy sa pagtingin sa mga alahas.Sinabi ni Rana ang presyo.Halos one-thhird lang sa market value nito.Alam ni Andy na sobrang laki ng diskwento. Pero naintindihan niya ang intensy
“Hindi ba sinabi ko na sa’yo na pupuntahan ko si Andy?” Sinabi ni Rana.Kumuha siya ng plato para kaya Vernon at para sa kanya.Ginutom na naman siya.“Eh, tinatawagan kita nang maraming beses pero hindi mo sinagot.” Nagreklamo si Vern.“Naka-silent nga ang phone ko diba. Hindi ko narinig.”“Tss.”Napailing nalang si Vern.Sana ay hindi nalang niya iniwan ang dalaga.Napasarap din kasi ang pakikipag-kwentuhan niya sa ibang mga kakilala.Mas tumindi ang kanyang pag-aalala nang makita niya si Bryson na kasama ang mga alagad nito.Sa huling pagtatagpo nila ay hindi iyon naging maganda kaya agad na pumasok sa isip niya si Rana.“Sige, sige. Sabihin mo na lang kung saan ka pa pupunta. Sasamahan na kita..” “Wala na. Tapos na rin kaming mag-usap ni Andy.”“Ano namang pinag-usapan niyo?”“Tsismoso ka?” tawa ni Rana.Naghanap sila ng table na pwedeng kainan.Hindi natuloy ang pagkain niya kanina dahil nga hinarang siya ng bwisit na kapatid ni Bryson.Agad silang umupo nang may makitang bakant
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
“Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.
Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu
Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma
Paglabas nila ng ospital, si Rana at Vern ay dumiretso sa RR Group.Halatang hindi maayos ang estado ni Vern.Nakatitig lang siya sa hawak niyang kwintas at matagal na hindi nagsalita.Alam ni Rana na iniisip niya ang kanyang ina.Maaaring nasabi niya ang lahat ng masasakit na salita sa mag-ina, ngunit hindi sapat iyon.Sigurado siyang tumagos rin sa puso ni Vern lahat ng sinabi ni Eliza patungkol sa kanyang ina.Kaya hinayaan niya itong lumubog muna sa sarili nitong emosyon.Dahil alam niyang sa kalaunan ay maiintindihan at matatanggap din nito ang lahat.Nang medyo bumuti ang kalagayan ni Vern ay saka lamang siya nagsalita."Sa susunod na araw, may banquet ang Lopez family. Kailangan kong maghanda. Puwede ba kitang imbitahan na maging kasama ko?"Nagulat si Vern.Tinitigan niya si Rana na para bang puzzle pieces.Pero hindi na hinintay ng babae ang sagot niya.Kahit tumanggi pa siya ay kailangan pa ring sumama siya.Kaya mataray na niyang pinindot ang elevator papunta sa design depa
Muli pa sanang ipapatak ni Pey ang kanyang luha.Ngunit nang mag-angat siya ng tingin kay Bryson ay natigilan siya.Hindi niya inasahang matalim ang tingin nito sa kanya.Hindi niya maiwasang matakot.Lalong bumagsak ang damdamin ni Pey.Parang nauuyam pa ito sa kanya.Hindi pa niya kailanman nakita ang ganitong tingin mula kay Bryson.Malamig, walang emosyon at parang nakatingin sa isang bangkay.Siguradong iniisip ni Bryson na niloko sila nina Pey at ng kanyang ina.Sa kanilang mga kwento noon sila ay laging biktima ng pang-aabuso ni Vern.Hindi kailanman sila nakatikim ng awa sa lalaki.Ang naging reaksyon ng kanyang ina kanina dahil sa galit ay malayong-malayo sa mga kasinungalingang sinabi nila noon. Pati ang problema sa kanilang pamilya ay nalaman na nito.Tila nahubaran sila sa harap ni Bryson.Siniwalat ang kanilang baho kung kailan hindi nila iyon napaghandaan.Kaya naman alam na ni Bryson ang kanilang tunay na pagkatao.At ngayon ay nais na silang talikuran.Ayaw na niyang
Nang ilabas ang footage ng CCTV ay agad na naunawaan ni Bryson na naloko siya.Hindi si Rana ang nambully sa kanila.Kundi sina Eliza at ang kanyang bodyguard.Hindi na kailangan ni Rana na ipaliwanag ang nangyari.Kahit sino ay makikitang malinaw kung sino talaga ang nang-aapi at nagmamalaki gamit ang koneksyon nila."‘Yan ba ang sinasabi n'yong hinimatay dahil kay Rana? Nagdala kayo ng bodyguard para pilitin sirain ang pintuan ng bahay ng iba. Tapos bawal pang ipagtanggol ang sarili at tumawag ng pulis?"Asik ni Vern.Nag-iinit na ang kanyang mata sa galit.Halos manginig na siya sa inis para sa mag-ina.Kahit kailan ay wala itong ginawanag tama."At dahil tinawagan kayo ng mga pulis, nagkunwari pa kayong hinimatay. Pagkatapos lahat ng sisi ay isinisi kay Rana!”Malamig ang tono ni Bryson habang malamig ding nakatingin kina Eliza at Pey.Hindi na mapakali ang dalawang babae.Hindi na alam kung paano pang lulusutan ang gusot na ito.Wala nang lakas ang mag-ina para magsalita.Nakayuk
“Wala kang karapatang magsalita dito, Rana. Pwedeng tumahimik ka na lang?! Mas lalo mong pinapagulo ang sitwasyon.”Natatakot si Pey na magsabi pa ng hindi kontroladong bagay si Rana, kaya agad niya itong pinigilan.Tumawa si Rana ng may pang-iinsulto.Halos itulak niya si Vern na sa kanyang harapan para lang mas maharap ang mag-ina.“Ginagawa niyo na tapos hindi niyo kayang aminin? Parang ngayon lang. Klarong klaro na ang nanay mo ang unang naghanap ng gulo sa akin. Siya ang pumunta sa lugar ko. Sumubok pang pwersahang pumasok mismo sa bahay ko. Tapos ako pa ang pinapalabas na may kasalanan?”Napayuko si Bryson.Inilagay niya ang nakakuyom na kamao sa kanyang bulsa.Nagtatagis ang kanyang panga dahil sa mga naririnig.At sa nagiging tahimik na response ng ginang.If they are innocent they would react.“Ang mga kasinungalingan niyong mag-ina ay talagang nakakabilib! I-KMJS na ‘yan!”Sinubukan pa ni Rana na magbiro habang nagtatagis ang panga sa galit para sa mag-ina.They never learn