Mayabang at matapang pa kanina si Moss pero biglang tumigil ang kanyang mga hakbang."Siya ba si Ruan mula sa RAN Financial Consortium?" nag-isip sandali si Moss bago muling nagsalita. "Kaya pala parang pamilyar siya. Madalas ko siyang makita sa TV dati."Sarkastikong tumingin si Bryson sa kanya."Hindi ba gusto mong ipagtanggol ako na kaibigan mo? Sige, ikaw na ang lumaban."Hinawakan ni Moss ang kanyang ilong at medyo napaatras sa hamon ni Bryson."Mas mabuti pang huwag na lang."Sa harap ng isang makapangyarihang pamilya tulad ng Esquivel, wala talagang laban ang pamilya ni Moss.At si Ruan, siya ang ehemplo ng lahat ng mayayamang tagapagmana ng mga high-class na pamilya.Mas sumikat pa ito kaysa kay Bryson.Ayon sa mga narinig niyang tsismis, si Ruan ay may aking talino at kakayahang hindi maihahalintulad sa iba.Lahat ng taong nakasamaan niya ng loob ay napahamak sa huli.Dahil dito nangilabot si Moss at biglang napaisip."Sandali lang. Si Ruan at Rana? Esquivel?” nanlalaki ang m
Muling inisang lagok ni Bryson ang alak na kasasalin pa lang ni Moss.“Easy there, bud.” puna sa kanya ng kaibigan.Bryson's thumb is giving a small massage to the glass. “Ganoon din ang sinabi nina Bryenne at Pey.”“Anong relasyon mayroon sina Ruan at Rana?” bulong ni Moss.“Parang ngayon lang ipinakilala ni Vern si Rana kay Ruan. Pero sa nakita kong pagiging malapit nila, parang matagal na silang magkakilala.” patuloy ang kanyang pag-iimbestiga sa dalawa.Narinig lahat ito ni Bryson at inisip niya na kailangan niyang alamin ang totoo sa bagay na ito.Sinasabi ng isip niya na magkapatid nga ang dalawa ngunit hindi niya maintindihan bakit tila naniniwala siya sa mga sinabi ni Rana kanina.Pero ang pagsisiyasat ng pagkakakilanlan ay para sa ibang araw.Tila hindi ito ang mas bumabagabag sa kanya.Hindi siya mapakali sa isang dahilan.Rana’s been distant with him, when in fact, she was fine and casual noong nakuha nila ang divorce certificate nila.Kaya ang malamig at ilang nitong trato
Habang pinakikinggan ni Ruan ang sinabi ng kanyang kapatid na babae ay halos matunaw ang kanyang puso.Talagang ito lang ang nagpapalambot sa kanyang puso.Muli itong nagsalita.“Mula ngayon makikinig na ako sa kuya ko at hinding-hindi na ako lalayo sa kanya.”Lubos na nasiyahan si Ruan sa pagiging malapit ng kanyang kapatid.Sa mundong ito, bukod kay Rana ay wala na silang ibang kadugo.Kung meron man ay masyadong mapaghangad ang mga ito at lumalapit lang sa kanila kung may kailangan.Dapat sana'y sila ang magiging sandigan ng isa’t isa.Kung hindi lang para sa kapakanan ng kanyang kapatid ay hindi sana niya pinilit makipaglaban sa isang mundo na puno ng mga mababangis na hayop upang magkaroon ng sariling lugar. Kahit ibigay niya ang lahat ng kanyang pagmamahal at kayamanan kay Rana, pakiramdam niya'y hindi pa rin sapat.Ngunit tila hindi ito naunawaan ni Bryson at ng kanyang pamilya.Kaya mula ngayon, hinding-hindi na siya bibitaw rito.Kung may sinuman sa pamilya Deogracia na muli
Nagulat sandali ang ginang at saka lang niya hinampas ang kanyang noo.“Ay oo nga pala, ‘yung patapon na si Rana ay umalis na. Dapat nga lang na tawagin ang katulong para maglinis.”Napansin ni Bryson ang tawag na ginamit ng kanyang ina, kaya't lalong lumalim ang kunot sa kanyang noo. “Mama, ganito mo ba palaging inuutusan at pagsalitaan si Rana noon?”Napansin ng ina ni Bryson ang titig ng kanyang anak at sandaling nakaramdam ng pagkabalisa.Pero naalala niyang hiwalay na ito sa kanyang anak kaya’t agad na lumakas ang loob at bumawi sa pagkatameme“Anong inuutos? Wala naman siyang ginagawa sa bahay buong araw, kaya anong masama kung tumulong siya sa paglilinis?”Bryson was always out.Maaga kung pumasok at gabing-gabi na ang uwi.Kung madalas pa ay hindi siya nakakauwi.Sa kanyang day off naman ay kung wala sa kanyang office ay nasa labas ito kasama ang barkada.Nakita ng ginang na tahimik pa rin ang anak kaya't muli itong nakaramdam ng kaunting takot sa anumang pwedeng sabihin at i
"Siyempre, kung hahanapin mo ang mga balita noon baka makahanap ka pa. Sa tindi ba naman ng pagpapahalaga ni Ruan sa kanyang nakababatang kapatid marahil ay may mga report tungkol dito. Isa pa kung si Rana talaga ang kanyang kapatid malamang na noon pa siya kumilos. Paano siya nanatiling tahimik sa loob ng tatlong taon? Kaya siguradong peke si Rana!""Hindi naman sinabi ni Rana na siya talaga ang nakababatang kapatid ni Ruan ah. Kaya hindi mo pwedeng sabihing impostor siya.” kunot-noong sita ni Bryson sa kaibigan.Umarangkada na naman ang kwento nitong dagdag-bawas.Napasimangot ang bakla."Tsk. Una niyang nilandi si Vern. Tapos dahil lang sa pagkakapareho ng pangalan, sinubukan niyang akitin si Ruan? Isang babae at dalawang de-kalidad na binatang lalaki iyon. Nilalaro niya silang pareho. Paano mo pa siya pinagtatanggol?"Hindi natuwa si Moss kung paano mag-isip si Bryson.Kahapon pa niya ito napapansin.Nang kaharap na ni Bryson si Rana ay parang wala siyang lakas ng loob.Si Bryson
Narinig ni Froilan ang hindi magandang tono ni Bryson at agad na kinabahan.Agad siyang nagtanong.“Bry? Ayos ka lang? May nasabi ba akong mali?”Froilan served Bryson for decades. aya kahit ang pagtawag ng “sir” or “boss” dito ay hindi na pinagawa sa kanya ni Bryson.Gustong mag-build ni Bryson ng friendship sa kanilang relasyon ngunit alam pa rin ni Froilan ang hangganan niyon.Also, he was five year ahead of Bryson pero tila magka-edad lang ang turingan nila.Bumalik sa huwisyo si Bryson masyado siyang nalulong sa pag-iisip.Nanatiling hindi maganda ang kanyang ekspresyon.May hinala siya, ngunit wala pa siyang konkretong ebidensya.Kaya hindi pa niya ito kayang ipaliwanag.Umiling lang siya at ipinagsawalang bahala nalang iyon.Lihim na napabuntong-hininga si Froilan nang makita iyon.Ngunit nang makita niyang tinakpan ni Bryson ang takip ng lugaw, nakaramdam siya ng kaunting pag-aalangan.“Tapos ka nang kumain?”He really cared for him.Bryson is like a brother to him.Sa sampun
Ang Orion ay kasalukuyang nagsasagawa ng isang emergency meeting.At ganoon din ang RR Corporation.Ito ay dahil biglang pinutol ni Rana ang napakaraming negosyo.Gumastos ng malaking halaga upang suportahan ang ilang industriya na hindi gaanong pinapaboran ng iba.She invested on small businesses or ‘yung mga nagsisimula pa lamang.Dahil dito, maraming matataas na opisyal sa RR ang hindi natuwa.Kahit pa ang pagkatao ni Rana bilang Esquivel ay hindi sapat na dahilan upang kumbinsihin silang lahat.Sa huli ay may ilan na naglakas-loob na harapin siya nang direkta.“Gentlemen, please, Miss President is busy right now. She will get back to all of you once she’s done.”“This is an important and urgent matter too!”Ang isang babaeng sekretarya ni Rana ay pilit na pinipigilan ang ilang opisyal na sumugod sa penthouse.Naitawag na niya ito kay Rana habang pasakay ang mga iyon sa regular elevator kaya naman agad na tumawag si Rana sa utility unit upang magpadala ng service personnel sa confe
Namula ang kulubot na mukha ni Willard.Hindi niya inaasahan ang sinabing iyon ni Rana sa kanila.Hindi niya inakala na magiging ganito katapat ang dalaga.Na diretsahang sasabihin ang lahat.Nakita niya ang pagtahimik ng kanyang mga kasamahan.He started this conflict and now he just can’t let it die down.Hindi siya pwedeng matalo rito.Kailangan niyang maging presidente!Nang muli niya sanang ibubuka ang bibig para magsalita, biglang tumama sa kanya ang matalim na tingin ni Rana.Ang maganda nitong mga mata ay parang kristal na may nakakaakit na kinang ngunit tila nakakasugat ang talas kung matitigan ka."May anumang pagtutol pa ba tayo, Vice Willard?"Napalunok ang matandang lalaki at sumagot."Wala naman akong anumang pagtutol. Pero hindi ba masyadong marahas ang iyong paraan? Maraming beteranong empleyado sa kumpanya. Mga mas nakatatanda pa sa iyo. Kapag kumalat ang mga sinabi mo ngayon, paano na ang kanilang dangal?""I respect all of you. But you have to remember na kahit mas
“Hah!”Namumula na ang tenga ni Bryenne sa galit.Sa isip niya ay nagtawag na si Rana ng kakampi dahil hindi na siya nito kaya.Napangisi siya sa sariling imahinasyon.“Sino ka ba ha? Pumapayag kang maging tuta ng babaeng ‘yan? O baka naman pareho kasi kayong social climber?!”“Alam mo Bryenne, sayang ka.” sabi ni Rana.Tumaas ang kilay ni Bryenne ngunit hindi na rin nagsalita.“Apelyido mo lang tanging maipagmamalaki mo. But, the rest of you?”Ni- head to foot ni Rana si Bryenne.Kitang-kita ang pandidiri sa kanyang mukha.“All of it. Are trash.”“Ikaw ang dapat ilagay sa basurahan!”Susugod na sana si Bryenne ngunit mabilis siyang pinigilan ni Pey.Nabitin sa ere ang kanyang kamay.“Ano ba, Bryenne. Stop acting like a kid! My gosh.” muli siyang tumingin sa paligid. “Ang daming nakatingin!”Muli ay natauhan si Bryenne.Nilingon niya ang mga taong nagbubulugan na ngayon.Ang iba ay may hawak pang cellphone.“That’s right. Ipakita mo kung gaano ka kababa, Bryenne. Hayaan mo silang i-re
Nang makita ni Pey na seryoso si Froilan sa pag-asikaso ng kanyang mga papeles para makalabas ng bansa at pati ang tirahan nila ng kanyang ina sa ibang bansa ay inayos na.Nataranta siya.Nauna na niyang kinausap ang ina nina Bryson at Bryenne.Ngunit, sa kasamaang-palad ay hindi rin mabuti ang ugali ng pamilya Deogarcia.Sa halip ay puro paghingi lang sila ng kung anu-anong bagay sa kanya.Bawat buka ng kanilang bibig ay kailangan may kapalit kang ibibigay sa kanila.Kung hindi niya maibigay ang mga hinihingi ng ginang na Deogarcia, tiyak na ni katiting na tulong ay hindi niya pwedeng asahan.Galit na galit si Pey halos pumutok ang kanyang ngipin sa inis.Ngunit wala na siyang malalapitang iba.Habang siya'y puno ng poot at kaba, bigla niyang nakita sa balita na sinubukan ni Bryson na makipagbalikan kay Rana.Ngunit tinanggihan ito ng huli.Sa sandaling iyon ay parang nalaglag si Pey sa kailaliman ng tubig na puno ng yelo.Nanlamig ang kanyang buong katawan.Ang dami na niyang ginawa
“Sa madaling salita, isa lamang itong malaking hindi pagkakaunawaan.”Ni hindi alam ni Bryson kung paano ipapaliwanag ang ginawa niya.Kaya't nakaramdam siya ng matinding kawalang pag-asa.Ayaw niyang aminin na sinusundan nga niya ang dalaga.Dahil na rin sa pag-aalala.Gabi na at hindi dapat ito lumalabas ng mag-isa.Ngunit sa puso ni Rana ay malamang halos wala na siyang natitirang magandang imahe.Kaya hindi na rin niya pinilit ipaliwanag ang sarili.At sa pagtrato palang ni Rana sa kanya ngayon ay mukhang wala na rin siyang pakialam.Talagang ayaw na ayaw na siya nito.Hindi na rin nais ni Rana na makipagtalo pa.Kaya't magaan lamang siyang nagsalita.“Bilang tao, dapat may konsiderasyon ka. Huwag basta-bastang magtapon ng basura kung saan-saan.”Wala nang nagawa si Bryson kundi damputin muli ang maliit na kahon at ipasok ito sa kanyang bulsa nang walang emosyon.Nang makita ni Rana na pinulot niya ang kahon ay hindi na siya nag-aksaya pa ng salita.Agad na siyang lumakad palayo.
Sandaling natahimik si Froilan.Hindi inasahan na seryoso si Bryson sa pagkakataong ito.Kaya't tumugon na lamang siya.“Naunawaan ko.”“Mm, may iba ka pa bang sasabihin?”“Ah, bukas may isang charity auction. Nabalitaan ni Sir Moss na posibleng dumalo si Master Hara.”Dumilim ang paningin ni Bryson.Dahil sa dalawang bagay.Una ang muling marinig ang pangalan ni Moss.Pangalawa ay dahil nakita niyang bumaba si Vern mula sa itaas ng building.Kasunod si Rana na mukhang maghahatid sa kanya.Kaya’t hindi na niya nasundan ang mga sinasabi ni Froilan sa kabilang linya.Basta na lamang siyang sumagot nang hindi ito pinag-iisipan.Hindi na niya hinintay ang sagot ni Froilan at direktang binaba ang tawag.Nakita niyang si Vern ay sumakay na ng kotse at umalis.Paalis na rin sana siya dahil kahit papano’y kumalma na ang kanyang dibdib.Natigilan lang siya sa pagmamaniobra ng sasakyan dahil nakita niyang hindi pa pumasok agad si Rana sa tinutuluyan nito.Nakasuot lamang ito ng tsinelas at papu
Walang sabi-sabi ay kinuha ni Bryson ang kamay ni Rana saka pilit na inilagay ang maliit na kahon sa palad nito.At walang anu-ano’y umalis nalang.Hindi na rin nag-abalang lumingon upang magpaalam.Susugurin pa sana siya ni Vern ngunit pinigilan na siya ni Rana.Titig na titig siya sa kahon na iyon.Hindi niya alam kung bakit mas lumakas pa ang kabog sa kanyang dibdib.Her throat was suddenly blocked by something.Kunot-noong tinitigan din iyon ni Vern.Pinaglaruan niya ang maliit na kahon sa kamay.Pinag-iisipan niya kung bubuksan niya ba o hindi.Vern noticed Rana’s silence.Hindi niya iyon nagustuhan.Tila ba naguguluhan agad ang dalaga sa isang galaw ni Bryson.Kaya naman agad niyang inagaw ang kahon para itapon sana sa labas.Pero mabilis din itong nabawi ni Rana."Ano ka ba?! Sa akin 'yan. Bakit mo itatapon ang gamit ko?"Nabingi si Vern.Halos gusto niyang sugurin si Bryson at suntukin.“Nakakainis. Ano na naman kaya ang plano ng lalaking iyon?” sa kanyang isip."Siguradong ma
Paglabas nila ng ospital, si Rana at Vern ay dumiretso sa RR Group.Halatang hindi maayos ang estado ni Vern.Nakatitig lang siya sa hawak niyang kwintas at matagal na hindi nagsalita.Alam ni Rana na iniisip niya ang kanyang ina.Maaaring nasabi niya ang lahat ng masasakit na salita sa mag-ina, ngunit hindi sapat iyon.Sigurado siyang tumagos rin sa puso ni Vern lahat ng sinabi ni Eliza patungkol sa kanyang ina.Kaya hinayaan niya itong lumubog muna sa sarili nitong emosyon.Dahil alam niyang sa kalaunan ay maiintindihan at matatanggap din nito ang lahat.Nang medyo bumuti ang kalagayan ni Vern ay saka lamang siya nagsalita."Sa susunod na araw, may banquet ang Lopez family. Kailangan kong maghanda. Puwede ba kitang imbitahan na maging kasama ko?"Nagulat si Vern.Tinitigan niya si Rana na para bang puzzle pieces.Pero hindi na hinintay ng babae ang sagot niya.Kahit tumanggi pa siya ay kailangan pa ring sumama siya.Kaya mataray na niyang pinindot ang elevator papunta sa design depa
Muli pa sanang ipapatak ni Pey ang kanyang luha.Ngunit nang mag-angat siya ng tingin kay Bryson ay natigilan siya.Hindi niya inasahang matalim ang tingin nito sa kanya.Hindi niya maiwasang matakot.Lalong bumagsak ang damdamin ni Pey.Parang nauuyam pa ito sa kanya.Hindi pa niya kailanman nakita ang ganitong tingin mula kay Bryson.Malamig, walang emosyon at parang nakatingin sa isang bangkay.Siguradong iniisip ni Bryson na niloko sila nina Pey at ng kanyang ina.Sa kanilang mga kwento noon sila ay laging biktima ng pang-aabuso ni Vern.Hindi kailanman sila nakatikim ng awa sa lalaki.Ang naging reaksyon ng kanyang ina kanina dahil sa galit ay malayong-malayo sa mga kasinungalingang sinabi nila noon. Pati ang problema sa kanilang pamilya ay nalaman na nito.Tila nahubaran sila sa harap ni Bryson.Siniwalat ang kanilang baho kung kailan hindi nila iyon napaghandaan.Kaya naman alam na ni Bryson ang kanilang tunay na pagkatao.At ngayon ay nais na silang talikuran.Ayaw na niyang
Nang ilabas ang footage ng CCTV ay agad na naunawaan ni Bryson na naloko siya.Hindi si Rana ang nambully sa kanila.Kundi sina Eliza at ang kanyang bodyguard.Hindi na kailangan ni Rana na ipaliwanag ang nangyari.Kahit sino ay makikitang malinaw kung sino talaga ang nang-aapi at nagmamalaki gamit ang koneksyon nila."‘Yan ba ang sinasabi n'yong hinimatay dahil kay Rana? Nagdala kayo ng bodyguard para pilitin sirain ang pintuan ng bahay ng iba. Tapos bawal pang ipagtanggol ang sarili at tumawag ng pulis?"Asik ni Vern.Nag-iinit na ang kanyang mata sa galit.Halos manginig na siya sa inis para sa mag-ina.Kahit kailan ay wala itong ginawanag tama."At dahil tinawagan kayo ng mga pulis, nagkunwari pa kayong hinimatay. Pagkatapos lahat ng sisi ay isinisi kay Rana!”Malamig ang tono ni Bryson habang malamig ding nakatingin kina Eliza at Pey.Hindi na mapakali ang dalawang babae.Hindi na alam kung paano pang lulusutan ang gusot na ito.Wala nang lakas ang mag-ina para magsalita.Nakayuk
“Wala kang karapatang magsalita dito, Rana. Pwedeng tumahimik ka na lang?! Mas lalo mong pinapagulo ang sitwasyon.”Natatakot si Pey na magsabi pa ng hindi kontroladong bagay si Rana, kaya agad niya itong pinigilan.Tumawa si Rana ng may pang-iinsulto.Halos itulak niya si Vern na sa kanyang harapan para lang mas maharap ang mag-ina.“Ginagawa niyo na tapos hindi niyo kayang aminin? Parang ngayon lang. Klarong klaro na ang nanay mo ang unang naghanap ng gulo sa akin. Siya ang pumunta sa lugar ko. Sumubok pang pwersahang pumasok mismo sa bahay ko. Tapos ako pa ang pinapalabas na may kasalanan?”Napayuko si Bryson.Inilagay niya ang nakakuyom na kamao sa kanyang bulsa.Nagtatagis ang kanyang panga dahil sa mga naririnig.At sa nagiging tahimik na response ng ginang.If they are innocent they would react.“Ang mga kasinungalingan niyong mag-ina ay talagang nakakabilib! I-KMJS na ‘yan!”Sinubukan pa ni Rana na magbiro habang nagtatagis ang panga sa galit para sa mag-ina.They never learn