Share

Chapter 7: Api

Author: Georgina Lee
last update Last Updated: 2025-02-21 21:34:47

Kinabukasan ay maaga paring gumising si Scarlett para pumasok sa trabaho. Kahit pa may malaking pera na siya sa bangko, hindi pa rin siya liliban sa trabaho. Imbes na ubusin niya iyon, dapat ay mag-ipon parin siya para sa hinaharap niya lalo na't napakadali lang maubos ng pera sa panahon ngayon. Sapat na ang nagastos niya kahapon. Bukas ay weekend na kaya makakapagpahinga parin naman siya.

Nakipagsiksikan siya sa bus kung saan kasabayan niya ang iilang mga empleyado ng iba't-ibang kumpanya sa siyudad. Pagdating niya sa opisina ay nalaman niyang kanselado pala ang meeting dahil sumama si Section Chief Darwin sa Director at may dinaluhan na conference meeting.

"Bakit kaya lagi nalang si Chief Darwin ang isinasama ng Director sa meeting sa Municipal Bureau. Mabilis lang naman matapos ang meeting tapos si Chief hindi na bumabalik dito pagkatapos. Hindi ba napakaunfair nun?" Biglang sambit ni Nina, ang kasamahan niya na nakaassign sa Budget Section.

Graduate si Nina mula sa isang prestihiyosong unibersidad. Pulis ang tatay nito samantalang ang ina naman ng dalaga ay nasa pulitika. Pumasok ito noong nakaraang taon. At siguro dahil may kaya ang pamilya ni Nina, medyo may pagkaspoiled ang babae. Halos wala din itong preno kung magsalita pero maayos parin namang kasama.

"Matagal ng nagtatrabaho dito si Chief Darwin kaya natural lang na siya ang dadalhin ng director sa mga meetings na dadaluhan din nito. Kabisado ni Chief ang pasikot-sikot sa mga conferences at hindi din iyon madali. Mahabang oras ang gugugulin kahit pa maikli lang ang oras ng meeting."

"Kahit na. Wala namang ibang ginagawa si Chief Darwin kapag nandito yan eh. Paupo-upo lang yan sa swivel chair niya tapos inom ng kape at panay pa ang cellphone. Dapat ikaw ang isinama ng Director kasi halos ikaw naman ang gumagawa ng trabaho dito na dapat ay kay Chief!" Himig nayayamot nitong sambit.

Walang buhay siyang natawa. Isa lang naman siyang ordinarying empleyado. Bakit siya pagtutuunan ng pansin ng isang Director? Maraming koneksyon si Chief Darwin samantalang siya ay wala.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at huminga ng malalim. Pinili niyang manahimik nalang at huwag ng patulan pa ang mga sinasabi ni Nina pero mukhang wala yatang balak na tumigil ang dalaga.

"Alam mo Scarlett, feeling ko pinag-iinitan ka talaga ng Chief Darwin nayan! Biruin mo, yung trabaho na ibinigay sayo noong nakaraan, dapat bawat department may representative para hindi ka na mahirapan pa sa dami ng dokumento na tatrabahuin mo pero anong ginawa ni Chief, sinabi niya sa Director na kaya mo yung gawin mag-isa. Tapos pinagtrabaho ka niya ng weekend at holiday ng wala man lang double pay? Ano yun? Gaguhan?! Kung ako ang nasa kalagayan mo, natapunan ko na yan ng resignation letter sa mukha!"

Bahagya siyang nalungkot sa sinabi ni Nina. Naiingit siya kung paano ito pinalaki ng mga magulang nito para maging ganun katapang kung magsalita. 

Una palang ay alam na niya na pinag-iinitan siya ni Chief Darwin at sinasadya nitong pahirapan siya sa trabaho niya. Halos lahat naman ng mga kasamahan nila alam ang bagay na iyon pero hindi lang nagsasalita. Pero ngayong narinig niya mismo sa bibig ni Nina ang mga ginagawa ni Chief sa kanya, hindi niya maiwasang maawa sa sarili niya.

Siguro kung nasa telenobela lang siya, sinampal na niya si Darwin ng resignation letter sa mukha pero siya naman ang sinampal ng katotohanan na nasa realidad siya at hindi niya magagawa ang bagay na iyon lalo pa't kailangan niya ng trabaho para mabuhay siya.

Pilit siyang ngumiti. "Ayos lang Nina. Kailangan ko rin naman ng pera kaya pumayag ako sa trabaho na ibinigay ni Chief."

Huminga ng malalim si Nina at mukhang hindi parin humuhupa ang inis nito. "Yun na nga. Kailangan mo ng pera pero hindi parin makatarungan yung ginawa niya."

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga bago napasandal sa kanyang upuan. "Alam mo kasi, maganda ang family background mo kaya mataas din ang posisyon mo at mas malaki ang sahod mo kumpara sakin. Napakalaking bagay na sa kagaya ko na hindi marangya ang buhay yung dagdag na isang libo, Nina."

Tila natuwa naman sa papuri niya si Nina kaya't tipid itong napangiti. "Sabagay, pambili ko lang ng lotion yang isang libo eh."

Kung hindi lang siguro siya nakatanggap ng malaking halaga ng pera kahapon ay masama na ang loob niya sa mga sinabi ni Nina. Napatingin siya sa mukha ng dalaga at napansin ang ilang pimples nito sa pisngi. "Siguro mas mabuti kung bumili ka ng mamahalin na cosmetics para sa iyong mukha."

Nang marinig ni Nina ang sinabi ni Scarlett ay hindi naman ito nagalit, bagkus ay ngumiti pa habang nakatingin sa salamin. "Alam mo tama ka, bibili nga ako sa Watsóns mamaya para mawala itong mga pimples ko."

Ilang sandali pa'y ibinaba ni Nina ang hawak nitong salamin at hinila ang upuan palapit sa kanya. "Totoo ba na hiwalay na kayo ni Liam?" Pabulong nitong tanong.

Hindi naman niya iniwasan ang tanong ni Nina at kaswal na tumango. Katunayan nga, iilan sa mga kasamahan nila ay alam na ang tungkol sa bagay na iyon pwera lang sa pagkawala ng anak niya. 

"Talaga? Hindi ba't gwapo at mabait naman si Liam? Bakit kayo naghiwalay?"

"Nina, hindi ba't may iniutos pa si Chief sayo? Bumalik ka na sa trabaho. Kanina ka pa kaya dito. Sige ka at baka mapagalitan ka rin," pagtataboy niya sa babae.

Hindi man niya inililihim ang tungkol sa paghihiwalay nila ni Liam, wala naman siyang balak na ipagsabi kahit kanino ang dahilan ng hiwalayan nila. Baka makarating pa iyon sa tenga ni Chief Darwin at magalit ito sa kanya't mas pahirapan pa siya sa trabaho niya. 

"Sige na. Sabihin mo naaaa...." Pangungulit pa nito.

Tinapik niya ang makapal na dokumento sa kanyang mesa. "Marami pa akong gagawin, Nina."

Napasulyap naman sa mga dokumento si Nina. Alam niyang nakakapagod ang trabaho ni Scarlett kaya't hindi na siya namilit pa. "Okay. Hindi na kita iistorbohin," pagsuko nito.

Pinagmasdan niya ang papalayong bulto ni Nina. Mukhang masaya ang buhay nito bilang dalaga. Malaya nitong nagagawa anuman ang gustuhin nito.

Nang muli niyang maalala ang hiwalayan nila ni Liam ay halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. May parte parin ng puso niya ang nalulungkot. In the process of loving someone and making him her world, she didn't notice that she had already lost herself.

Siguro nga blessing in disguise narin ang paghihiwalay nila. At least hindi na niya kailangan pang pakisamahan ang mga biyenan niya na araw-araw pinaparamdam sa kanya na isa siyang walang kwentang babae. At least hindi na niya kailangan pang linisin ang bawat kalat ni Liam tuwing lasing ito kasama ang mga barkada. At least hindi na magulo ang buhay niya.

Siguro nga patutuunan nalang niya ng pansin kung paano mahalin ang sarili niya...

Related chapters

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 1: Kabiguan

    "A—anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses na sambit ni Scarlett Dorothy nang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang kanyang asawa sa ibabaw ng kama, hubo't-hubad kasama ang isang babae.Gulat na napatingin sa gawi niya si Liam Griffin Vergara—ang kanyang pinakamamahal na asawa."S—scarlett," tanging naibulalas nito.Mabilis na bumangon sa kama si Liam at isinuot ang hinubad nitong boxer shorts samantalang ang babaeng kasama nito ay kaswal lang na nagtakip ng katawan para itago ang sarili habang siya ay halos hindi na makahinga dahil sa sakit na nararamdaman niya. Para bang pinipiga ang puso niya at mamatay yata siya sa sakit."P—paano mo nagawa sakin 'to Liam?" Hindi makapaniwala niyang hagulhol.Naalala pa niya kung paano siya niligawan noon ng lalaki. Lumabas siya sa library bitbit ang kanyang libro sa English subject. Malungkot siyang nagtungo sa pinakamalapit na bench para umupo. Nag-aral naman siyang mabuti. Maaga nga siyang gumigising pero hindi parin siya pumasa. M

    Last Updated : 2025-02-14
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 2: Galit

    Inilibot ni Scarlett ang tingin sa loob ng bahay. Walang emosyon at sinlamig ng yelo ang mga mata nito nang i-angat ang hawak nitong patpat na kahoy. Unang tumama ang kahoy sa malaking TV na nasa dingding. Isinunod niya ang refrigerator, salaming mesa, mga pigurin, mga larawan, at kung ano pang mahagip ng kanyang mga mata. Hindi siya tumigil hanggang sa hindi niya nakikita na nabasag na niya ang lahat.Isang matinis na sigaw at tahol ng mga aso ang gumising sa nahihibang niyang diwa."Oh my God! Anong ginawa mo!"Nabitawan niya ang patpat na kahoy na hawak niya at napatingin sa duguan niyang mga kamay subalit kahit na may sugat siya, hindi siya nakaramdam ng anumang hapdi. Mas masakit parin ang ginawa ni Liam sa kanya. Napaatras siya pero natigilan din nang makaapak siya ng mga bubog. Inilinga niya ang tingin sa paligid. Basag lahat!Sobrang gulo ng buong bahay! Sira na ang lahat ng gamit na naroon…Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa mga kalat sa paligid. Siya ba talaga an

    Last Updated : 2025-02-14
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 3: Pagbabanta

    "Pag-isipan ninyong mabuti kung ano ba talaga ang nais ninyo para matapos na ang gulo sa pagitan ninyo. Marami pa akong gagawin kaya't tawagan niyo nalang ako kapag nagkasundo na kayo tutal ay dati naman kayong magkapamilya," ani ng pulis bago sila iniwang dalawa.Pinukol ni Amelia ng nang-aalipustang tingin si Scarlett na nakasandal sa upuan. "Mabuti nalang talaga na hiniwalayan ka na ng anak ko! Hindi ka nababagay sa kanya!" Mataray nitong anas at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa."Ikaw ang bumili ng mga gamit ha? Nakakalimutan mo na yata kung sino ang tumulong sayo para makahanap ka ng matinong trabaho! Kung hindi dahil sakin, isa ka paring inutil at palamunin sa bahay namin!"Hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng mga luha sa kanyang pisngi. Naalala niyang balak niyang magtake ng civil service exam noong nagpakasal sila ni Liam pero dahil nais niyang pagsilbihan ang kanyang asawa, hindi muna siya tumuloy.Kaya noong kailangan na niyang magtrabaho para makatulong din sa

    Last Updated : 2025-02-14
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 4: Pagdududa

    Napatitig si Scarlett sa sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Matangkad ito at may itsura. Mukhang galing sa isang prominenteng pamilya. Siya na ba si Mr.Vasquez na siyang tumawag sa kanya kanina? Bakit kaya? Sa pagkakaalala niya ay hindi pa niya ito kailanman nakita.Subalit kahit ano paman ang sadya nito sa kanya, nagpapasalamat parin siya at dumating ito. Nang sa ganun, makapagpahinga siya sa pakikipagtalo kay Amelia. Napahawak siya sa gilid ng mesa at dahan-dahang umupo at iniwasang masulyapan si Amelia.Sinipat naman ng tingin ni Amelia ang lalaking kaharap mula sa maganda nitong tindig, mga matang nakakatunaw kung tumingin, simpleng pananamit subalit napakaeleganteng tingnan at galing pa sa isang sikat na law firm. Napagtanto niyang hindi ito ang klase ng tao na sasantuhin ang sinumang makakalaban nito.Matagal din siyang nagtatrabaho sa gobyerno kaya't marami siyang alam na law firm at isa na doon ang Nexus. Nais niyang matawa. At nagtawag pa talaga ng isang abogado si Scarlet

    Last Updated : 2025-02-14
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 5: Anak

    "Nagbibiro ka ba?" Nanginginig ang boses na tanong ni Scarlett kay Kairo nang masabi ng lalaki ang pakay nito sa kanya."Unfortunately, hindi ako nagbibiro, Miss Lopez. Romero Hospital… Does it ring a bell?" Ani Kairo.Of course alam niya ang tungkol sa Romero Hospital. Madalas itong banggitin ng kanyang ina sa kanya noon kung gaano kalaki ang nagastos nito mula sa panganganak sa kanya.Dahil mahirap ang buhay ng mga magulang niya noon sa bukirin, lumuwas ang kanyang ama sa Maynila para magtrabaho sa construction, sumunod naman ang kanyang ina habang buntis ito sa kanya at tumulong bilang tagapagluto subalit hindi paman nito kabuwanan ay napaanak ito ng wala sa oras at isinugod sa Romero Hospital.Hindi niya aakalain na malaki ang magiging parte ng ospital sa buhay niya at magdudulot ng kaguluhan sa isipan niya. Pilit man niyang pinapakalma ang sarili, sobrang lakas parin ng tibok ng puso niya.Halo-halo ang emosyong nararamdaman ni Scarlett kaya naman lumipas muna ang ilang minuto

    Last Updated : 2025-02-20
  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 6: Kabayaran

    "This is Doctor Shan and nurse Erin," pakilala ni Kairo sa dalawang panauhin na pumasok sa loob ng opisina nito. "Sila ang mag-aasikaso sa DNA testing na gagawin sayo," dagdag pa ng lalaki.Agad na binuksan ni Nurse Erin ang dala nitong medical box at inabot kay Doctor Shan ang isang pares ng hand gloves. Kumuha ng isang gunting ang doktor habang muling nag-abot ang nurse ng isang malinis na plastic na lagayan ng buhok ni Scarlett. Lihim niyang pinagmamasdan ang dalawa. Iba na talaga kapag mayaman. Isang tawag lang ay andyan agad ang doktor na aasikaso sa mga kakailanganin ng kliyente.Tinaguan ni Doctor Shan si Kairo senyales na magsisimula na sila. Tumango naman pabalik si Attorney Vasquez at nagset-up na ng isang camera at inirecord ang lahat ng ginagawa nila.Nang mapansin ni Scarlett ang camera malapit sa kanya ay nagsimula ulit siyang makaramdam ng kaba. Halos umabot lang ng sampung minuto ang proseso. Mabilis lang ding natapos ng dalawa ang paggupit ng kanyang buhok.Nang matap

    Last Updated : 2025-02-21

Latest chapter

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Chapter 7: Api

    Kinabukasan ay maaga paring gumising si Scarlett para pumasok sa trabaho. Kahit pa may malaking pera na siya sa bangko, hindi pa rin siya liliban sa trabaho. Imbes na ubusin niya iyon, dapat ay mag-ipon parin siya para sa hinaharap niya lalo na't napakadali lang maubos ng pera sa panahon ngayon. Sapat na ang nagastos niya kahapon. Bukas ay weekend na kaya makakapagpahinga parin naman siya.Nakipagsiksikan siya sa bus kung saan kasabayan niya ang iilang mga empleyado ng iba't-ibang kumpanya sa siyudad. Pagdating niya sa opisina ay nalaman niyang kanselado pala ang meeting dahil sumama si Section Chief Darwin sa Director at may dinaluhan na conference meeting."Bakit kaya lagi nalang si Chief Darwin ang isinasama ng Director sa meeting sa Municipal Bureau. Mabilis lang naman matapos ang meeting tapos si Chief hindi na bumabalik dito pagkatapos. Hindi ba napakaunfair nun?" Biglang sambit ni Nina, ang kasamahan niya na nakaassign sa Budget Section.Graduate si Nina mula sa isang prestihiy

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 6: Kabayaran

    "This is Doctor Shan and nurse Erin," pakilala ni Kairo sa dalawang panauhin na pumasok sa loob ng opisina nito. "Sila ang mag-aasikaso sa DNA testing na gagawin sayo," dagdag pa ng lalaki.Agad na binuksan ni Nurse Erin ang dala nitong medical box at inabot kay Doctor Shan ang isang pares ng hand gloves. Kumuha ng isang gunting ang doktor habang muling nag-abot ang nurse ng isang malinis na plastic na lagayan ng buhok ni Scarlett. Lihim niyang pinagmamasdan ang dalawa. Iba na talaga kapag mayaman. Isang tawag lang ay andyan agad ang doktor na aasikaso sa mga kakailanganin ng kliyente.Tinaguan ni Doctor Shan si Kairo senyales na magsisimula na sila. Tumango naman pabalik si Attorney Vasquez at nagset-up na ng isang camera at inirecord ang lahat ng ginagawa nila.Nang mapansin ni Scarlett ang camera malapit sa kanya ay nagsimula ulit siyang makaramdam ng kaba. Halos umabot lang ng sampung minuto ang proseso. Mabilis lang ding natapos ng dalawa ang paggupit ng kanyang buhok.Nang matap

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 5: Anak

    "Nagbibiro ka ba?" Nanginginig ang boses na tanong ni Scarlett kay Kairo nang masabi ng lalaki ang pakay nito sa kanya."Unfortunately, hindi ako nagbibiro, Miss Lopez. Romero Hospital… Does it ring a bell?" Ani Kairo.Of course alam niya ang tungkol sa Romero Hospital. Madalas itong banggitin ng kanyang ina sa kanya noon kung gaano kalaki ang nagastos nito mula sa panganganak sa kanya.Dahil mahirap ang buhay ng mga magulang niya noon sa bukirin, lumuwas ang kanyang ama sa Maynila para magtrabaho sa construction, sumunod naman ang kanyang ina habang buntis ito sa kanya at tumulong bilang tagapagluto subalit hindi paman nito kabuwanan ay napaanak ito ng wala sa oras at isinugod sa Romero Hospital.Hindi niya aakalain na malaki ang magiging parte ng ospital sa buhay niya at magdudulot ng kaguluhan sa isipan niya. Pilit man niyang pinapakalma ang sarili, sobrang lakas parin ng tibok ng puso niya.Halo-halo ang emosyong nararamdaman ni Scarlett kaya naman lumipas muna ang ilang minuto

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 4: Pagdududa

    Napatitig si Scarlett sa sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Matangkad ito at may itsura. Mukhang galing sa isang prominenteng pamilya. Siya na ba si Mr.Vasquez na siyang tumawag sa kanya kanina? Bakit kaya? Sa pagkakaalala niya ay hindi pa niya ito kailanman nakita.Subalit kahit ano paman ang sadya nito sa kanya, nagpapasalamat parin siya at dumating ito. Nang sa ganun, makapagpahinga siya sa pakikipagtalo kay Amelia. Napahawak siya sa gilid ng mesa at dahan-dahang umupo at iniwasang masulyapan si Amelia.Sinipat naman ng tingin ni Amelia ang lalaking kaharap mula sa maganda nitong tindig, mga matang nakakatunaw kung tumingin, simpleng pananamit subalit napakaeleganteng tingnan at galing pa sa isang sikat na law firm. Napagtanto niyang hindi ito ang klase ng tao na sasantuhin ang sinumang makakalaban nito.Matagal din siyang nagtatrabaho sa gobyerno kaya't marami siyang alam na law firm at isa na doon ang Nexus. Nais niyang matawa. At nagtawag pa talaga ng isang abogado si Scarlet

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 3: Pagbabanta

    "Pag-isipan ninyong mabuti kung ano ba talaga ang nais ninyo para matapos na ang gulo sa pagitan ninyo. Marami pa akong gagawin kaya't tawagan niyo nalang ako kapag nagkasundo na kayo tutal ay dati naman kayong magkapamilya," ani ng pulis bago sila iniwang dalawa.Pinukol ni Amelia ng nang-aalipustang tingin si Scarlett na nakasandal sa upuan. "Mabuti nalang talaga na hiniwalayan ka na ng anak ko! Hindi ka nababagay sa kanya!" Mataray nitong anas at tiningnan pa siya mula ulo hanggang paa."Ikaw ang bumili ng mga gamit ha? Nakakalimutan mo na yata kung sino ang tumulong sayo para makahanap ka ng matinong trabaho! Kung hindi dahil sakin, isa ka paring inutil at palamunin sa bahay namin!"Hindi na niya napigilan pa ang pagpatak ng mga luha sa kanyang pisngi. Naalala niyang balak niyang magtake ng civil service exam noong nagpakasal sila ni Liam pero dahil nais niyang pagsilbihan ang kanyang asawa, hindi muna siya tumuloy.Kaya noong kailangan na niyang magtrabaho para makatulong din sa

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 2: Galit

    Inilibot ni Scarlett ang tingin sa loob ng bahay. Walang emosyon at sinlamig ng yelo ang mga mata nito nang i-angat ang hawak nitong patpat na kahoy. Unang tumama ang kahoy sa malaking TV na nasa dingding. Isinunod niya ang refrigerator, salaming mesa, mga pigurin, mga larawan, at kung ano pang mahagip ng kanyang mga mata. Hindi siya tumigil hanggang sa hindi niya nakikita na nabasag na niya ang lahat.Isang matinis na sigaw at tahol ng mga aso ang gumising sa nahihibang niyang diwa."Oh my God! Anong ginawa mo!"Nabitawan niya ang patpat na kahoy na hawak niya at napatingin sa duguan niyang mga kamay subalit kahit na may sugat siya, hindi siya nakaramdam ng anumang hapdi. Mas masakit parin ang ginawa ni Liam sa kanya. Napaatras siya pero natigilan din nang makaapak siya ng mga bubog. Inilinga niya ang tingin sa paligid. Basag lahat!Sobrang gulo ng buong bahay! Sira na ang lahat ng gamit na naroon…Hindi siya makapaniwala habang nakatingin sa mga kalat sa paligid. Siya ba talaga an

  • Divorced Wife is a Billionaire Heiress   Kabanata 1: Kabiguan

    "A—anong ibig sabihin nito?" Nanginginig ang boses na sambit ni Scarlett Dorothy nang makita mismo ng dalawa niyang mga mata ang kanyang asawa sa ibabaw ng kama, hubo't-hubad kasama ang isang babae.Gulat na napatingin sa gawi niya si Liam Griffin Vergara—ang kanyang pinakamamahal na asawa."S—scarlett," tanging naibulalas nito.Mabilis na bumangon sa kama si Liam at isinuot ang hinubad nitong boxer shorts samantalang ang babaeng kasama nito ay kaswal lang na nagtakip ng katawan para itago ang sarili habang siya ay halos hindi na makahinga dahil sa sakit na nararamdaman niya. Para bang pinipiga ang puso niya at mamatay yata siya sa sakit."P—paano mo nagawa sakin 'to Liam?" Hindi makapaniwala niyang hagulhol.Naalala pa niya kung paano siya niligawan noon ng lalaki. Lumabas siya sa library bitbit ang kanyang libro sa English subject. Malungkot siyang nagtungo sa pinakamalapit na bench para umupo. Nag-aral naman siyang mabuti. Maaga nga siyang gumigising pero hindi parin siya pumasa. M

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status