SA GABING iyon ay nagpakalasing si Chris nang muling maalala, sumagi sa isip at mangulila kay Shiela.Sa isang bar, habang mag-isang umiinom ay hindi na niya namalayan ang sariling tinatawagan ang numero nito.Oo, mataas ang pride niya at tinikis ang asawang huwag kontakin. Pero ngayong alak na ang nagpapatakbo sa kanyang sistema ay hindi na niya nakontrol ang sarili.Matiyaga siyang naghihintay na sagutin ni Shiela ang tawag. At kapag hindi ay saka siya muling tatawag.Makailang ulit niya iyong ginawa hanggang sa wakas... kumonekta ang tawag."Hello," boses ni Shiela mula sa kabilang linya.Awtomatikong ngumiti si Chris. Namiss niya nang husto ang boses nito sa puntong naluluha siya.Ilang segundong katahimikan ay hindi pa rin tumutugon si Chris kaya nagsalita na si Shiela, "Ibababa ko na 'to," aniya."S-Sandali lang!"Ilang segundo muling katahimikan hanggang sa nagsalita si Chris, "Ka-Kamusta ka na? Nasa Cebu ka ba ngayon?" Saka napahilamos sa sariling mukha dahil sa walang kuwenta
SA NARINIG ay natigilan si Shiela. Sumikip ang dibdib niya at pagkatapos ay bigla naman bumilis ang tibok ng puso.Hindi niya alam ang gagawin o sasabihin sa narinig. Hanggang sa hindi na lamang siya nag-iwan ng komento sa sinabi ni Chris.Ilang segundong katahimikan ay napagpasiyahan na niyang tapusin ang tawag, "Ibababa ko na 'to.""Okay, hihintayin ko ang pagdating mo bukas," ani Chris saka naghintay na ito na mismo ang tumapos sa tawag.Kahit ilang segundo ng putol ang linya ay hindi niya pa rin magawang alisin sa tenga sa cellphone. Inaalala niya ang boses ni Shiela na matagal-tagal niyang hindi narinig.Hanggang sa katok mula sa pinto ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. Pagbukas ng pinto ay sumilip lang ang katulong."Sir, pinapatawag po kayo ni Ma'am Zia, nasa baba siya at may kasamang bisita.""Sino?""Hindi ko po kilala, Sir," anito."Sige, susunod ako."Pagkaalis ng katulong ay inayos muna ni Chris ang sarili dahil ika nga nito, may bisita.Nang masigurong presentable na
HINDI na nabigla si Chris sa sinabi nito. Pero kahit anong pagmamatigas pa ang sabihin o gawin ni Shiela ay hindi niya ito hahayaang mawala sa buhay niya.Kung kinakailangan na magbanta siya huwag lang matuloy ang annulment ay gagawin niya."Pa'no si Archie? Kapag tinuloy mo 'to sisiguraduhin kong hindi mo na siya makikita pa kahit na kailan."Nabigla at hindi makapaniwala si Shiela sa sinabi nito. "Hindi mo pwedeng gawin 'yan, karapatan ko pa rin makita ang anak ko!""Kaya nga binibigyan kita ng option na bumalik sa'kin, sa'min," ani Chris.Bakas sa mukha ni Shiela ang disgusto sa sinabi nito. "Para ano?! Ikaw nga ang sumagot sa tanong ko, Chris. Sa tingin mo, kung ikaw nasa katayuan ko, gugustuhin mo pa rin bang manatili?" Saka nag-iwas ng tingin dahil naiiyak siya ng mga sandaling iyon. "Ayoko nang masaktan, Chris! Maayos na ang buhay ko ngayon, tahimik at nakakahinga! Pakiramdam ko, tao ulit ako. Maawa k-ka naman sa'kin," hindi na napigilan at tuluyang pumiyok si Shiela dahil sa n
ILANG MINUTO ang lumipas nang marating nila ang subdivision. Habang papalapit sa mansion ay palakas nang palakas ang kabog sa dibdib ni Shiela.Very nostalgic na nakabalik siya sa lugar na minsan niyang minahal at tinuring na tahanan.Matapos iparada ang kotse ay hindi agad siya lumabas. Parang biglang umurong ang tapang niyang harapan ang pamilya ni Chris matapos ang nangyari. Naaasiwa siya."Tara na, baka naghihintay na sila sa loob," ani Chris habang nakadungaw rito na nanatili sa kinauupuan.Saka lang kumilos si Shiela at sumunod rito papasok sa mansion."Welcome back po, Sir, Ma'am," saad ng mga katulong."Si Mama, ang mga bata?" ani Chris sa mga ito."Nasa kusina si Madam Maricar habang ang mga bata ay nasa taas kasama ng Nanny," tugon nito."Gusto mong umakyat muna sa taas habang hinihintay na maluto ang pagkain?" ani Chris.Tumango naman si Shiela saka umakyat patungo sa kwarto ng dalawang bata.Habang papalapit ay nanlalamig ang kamay niya, kinakabahan at nai-excite siyang ma
MATAPOS ang pananghalian ay nagtagal pa ng ilang oras si Shiela dahil sa hapon pa naman ang flight niya pabalik ng Cebu."Ba't hindi ka na lang dito mag-stay ngayong araw at bukas ka na bumalik?" saad ni Maricar.Nasa living area sila ng mga sandaling iyon at kandong pa rin ni Shiela ang anak, tila ayaw ng mahiwalay sa kanya."May ticket na po kasi ako pabalik.""Pwede ka naman namin ibili ng panibago," ani Zia na kasama nila ng mga sandaling iyon, kandong naman si Lucas.Ang dalawa nitong anak ay wala ng mga sandaling iyon at may activities sa school."Hayaan niyo lang siya sa gusto niya," ani Chris na nasa may hagdan. Bagama't hindi nakikisalamuha ay hindi rin naman umaalis. Nananatili lang sa malapit.Habang si Louie naman ay bumalik na sa kompanya.Kaya hindi napigilan ni Shiela na magtanong, "Wala kang trabaho, um-absent?"Hawak ni Chris ang cellphone ng sandaling iyon. Kapalitan ng mensahe ang tauhan nang marinig ang sinabi nito. "Abala ako ngayon sa pagtatayo ng bagong negosyo.
MAGKASAMA na dumating si Chris at Louie sa bar kung saan ang napiling venue ng pa-welcome party ni Michael. Marami ng bisita pagdating nila, halos puno.Pawang mga pamilyar na mukha ang nakikita nila sa pagpasok. May ibang agad na napansin si Chris pero tinatanguan lang niya habang si Louie ay nakikipag-usap din sa ibang kakilala.Agad na napalibutan ang dalawa ng mga bisita, isang kilala dahil sa criminal record nito habang ang isa ay dahil sa namamayagpag na pangalan sa mundo ng business."Louie, Chris!" boses ni Austin na sumisingit sa kumpulan makalapit lang. "Tara sa table, nando'n na ang iba." Tinapik niya ang dalawa sa balikat sabay akbay. Iginigiya ang dalawa papunta sa table.Pagkaupo ni Chris ay pansin niya ang kakaibang tingin ng dating mga kaibigan. May ibang asiwa habang ang ilan naman ay tila pinagkakatuwaan pa siya."Ito, uminom muna kayo," ani Austin na agad binigyan ng tag-iisang baso ng alak ang dalawa."Tinanggap ni Chris pero hindi niya ininom at siya pa naman ang
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
PANIBAGONG araw na naman ang dumaan. Naka-ready na si Shiela para muling pumunta sa Cruz mansion.Bumaba siya upang kumain ng almusal nang matigilan matapos makita ang Abuelo na nakaupo sa hapagkainan. Buong akala niya ay umalis na ito dahil iyon naman talaga ang madalas na nangyayari. Napaatras tuloy siya dahil hindi niya ito gustong makasabay sa pagkain."Sa'n ka pupunta?" ani Mario matapos mapansin ang unti-unting pag-atras ng apo habang siya ay nagbabasa ng balita sa hawak na tablet."M-May naiwan lang ako sa taas," pagsisinungaling pa ni Shiela."Maupo ka, saluhan mo 'kong kumain ngayon at may sasabihin ako sa'yo."Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Shiela saka naupo malapit sa puwesto ng matanda."Hindi ko nasabi sa'yo dahil palagi kang wala pero may pupuntahan tayong event sa makalawa. Naka-ready na lahat kaya wala ka ng dapat pang alalahanin sa susuotin.""Ba't ngayon niyo lang po ito sinasabi sa'kin?"Isang seryosong tingin lang ang pinukol ni Mario sa apo. "Dahil biglaa
NANG una ay natigilan si Shiela hanggang sa mapakunot-noo. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi 'to ang pinag-usapan natin!" kasabay ng pagtaas ng boses ay ang biglaan niyang paglayo."Huminahon ka muna," ani Mario."Pa'no ako hihinahon kung ganito ang ginagawa mo? Iniwan ko ang pamilya ko dahil sa mga banta mo tapos ngayon ay ganito naman?! Sumusobra ka na!"Biglang binagsak ni Mario ang hawak na baston na ikinagulat ni Shiela maging ni Castro."Senior, huminahon po kayo. Ang mas mabuti pa ay sa susunod na lamang natin 'to pag-usapan," saad ng lawyer saka niligpit ang mga dokumento sa center-table. Pagkatapos ay yumukod bilang pamamaalam. "Babalik na lang ako sa susunod, Senior." Saka ito tuluyang umalis.Nang maiwan ang dalawa ay tiningnan nang masama ni Shiela ang Abuelo. "Gusto ko ng paliwanag kung ba't mo 'to ginagawa."Tumayo sa kinauupuan si Mario at mataman itong tinitigan sa mga mata. "Bilang aking apo. Ayokong madungisan ang pangalan natin kaya inaalis ko sa buhay mo ang mga ba
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni