NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
ISINUGOD sa ospital si Shiela dahil sa taas ng lagnat. Kinaumagahan na ito nagkamalay at tanging private nurse lang ang nabungaran pagmulat ng mata.“S-Sino ka?”Napalingon ang nakaunipormeng babae saka ngumiti. “Ako po si Pia, Miss.”“Kailan pa ‘ko rito?” Gusto niyang bumangon pero nanghihina pa siya nang husto.“Kagabi po, Miss at ngayong umaga lang ako na-hired para magbantay sa inyo.”Pinagmasdan ni Shiela ang putting kisame. “May dumating ba para sa’kin?”“Wala po.”“Ang cellphone ko ba nandito?”Kinuha ni Pia ang bag na binigay sa kanya. “Pinadala ito kanina, mga gamit niyo, Miss pero… Ay, ito, may cellphone.” Pagkatapos ay inilabas sa bag.“Akin na.” Bahagya lang itinaas ni Shiela ang kamay pero hirap na hirap na siya. Matapos makuha ay tiningnan niya kung may missed call ba si Chris pero wala. Maski man lang message ay wala rin siyang natanggap.Mas lalo siyang nadismaya na hindi man lang ito tumawag sa kanya matapos ng nangyari. Naiiyak siya na ewan, hindi niya maintindihan a
HABANG kausap ni Chris ang dalaga sa video call ay nakaramdam siya ng kakaiba mula sa likod kaya lumingon siya at nagtagpo ang tingin nila ni Shiela.Binaba niya ang cellphone saka mabilis na lumapit dito upang magpaliwanag. Hinawakan niya ang kamay nito pero nang mapansin ang nanunuot na tingin ng asawa ay napaiwas siya. “M-Magpapaliwanag—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong binawi ang kamay.“Magpapaliwanag ka na naman? Wala na bang bago, Chris? Ano naman sa pagkakataong ‘to?” halata sa boses ni Katherine ang disappointment.“Si Sheilla kasi—”Bago pa makapagpaliwanag ay tinulak na ito ni Shiela. “Tama na, Chris! Hindi ko kailangan ng walang kwenta mong paliwanag dahil halata naman na siya ang mas matimbang.”“Hindi ‘yan totoo!”“E, ba’t hanggang ngayon may koneksyon pa rin kayong dalawa? Hindi mo pa siya tinatanggal sa trabaho?”“Hindi ko siya pwedeng basta-basta na lamang tanggalin. Wala siyang ginagawang mali sa trabaho.”Pagak na natawa si Shiela. “Sobrang gal
MULI ay nanubig ang mga mata ni Shiela. Parang gusto niya ulit umiyak, hindi niya akalaing sa dami ng ibinuhos na luha kanina ay may mailalabas pa siya.“Sabihin mo na masama ang pakiramdam ko’t bumalik na lang sa susunod.”“Okay po,” anito saka umalis.Nang mapag-isa si Shiela ay pumasok siya sa banyo at nakita sa salamin ang sarili. Mugtong mga mata at namumula ang ilong kaya naghilamos siya upang maibsan ang pamamaga ng mata. Pero sa huli ay napagpasiyahan niyang iligo na lamang ang lahat. Nagbabad siya sa shower habang lumuluha at yakap-yakap ang tuhod.Nang makaramdam ng panlalamig ay saka lang siya nagpasiyang tumayo, kinuha ang tuwalya saka lumabas ng banyo habang tumutulo sa sahig ang ilang butil ng tubig mula sa basang katawan.Naglakad siya papasok sa cloakroom at nagbihis. Habang nasa loob ay narinig niyang tumunog ang cellphone kaya lumabas siya at tiningnan kung sino ang caller.Walang iba kundi si Chris. Mahigit fifty-missed calls ang ginawa nito. Huminga lang siya nang
MATAAS na ang araw nang magising si Shiela. Hindi na masakit ang kanyang tiyan at maaliwalas na rin ang pakiramdam. Pagbangon ay pinagmasdan niya ang kama, wala roon si Chris.Hindi rin niya napansin kung nakatabi niya ba ito kagabi sa pagtulog. Pagbangon ay tiningnan niya kung nasa banyo ba pero wala roon ang asawa. “Maaga ba siyang nagising at lumabas?”Kinuha niya ang cellphone saka ito tinawagan. Sa una ay hindi nito sinagot kaya tumawag siyang muli hanggang sa nakatatlong attempt na at sa pagkakataong iyon ay lumabas na ng hotel room upang tingnan kung nasa labas ba ito.Pero ang sumunod na pangyayari ang nagpawasak ng kanyang mundo. Dahil sa katabing kwarto ay nakita niyang lumabas si Chris habang nagkukumahog na ayusin ang pagkakabutones ng polo. Halatang nagpalipas ito ng gabi sa ibang kwarto.“S-Shiela,” bakas ang kaba sa boses ni Chris ng sambitin ang pangalan ng asawa.“Anong ginagawa mo riyan?”Napalingon si Chris sa bukas na pinto saka muling binalik ang tingin sa asawa.
Chapter 139KAHIT abala ang mag-asawa sa pag-serve ng pagkain sa mga customer ay napansin pa rin nila ang isang babaeng papalapit kasama ng dalawang naka-unipormeng lalake.Sa suot pa lang ng babae at sa kasama nito ay walang duda na nagmula ito sa mayamang pamilya. “Kausapin mo at baka may kailangan,” ani Ernesto.At iyon naman ang ginawa ni Victoria. “Magandang araw, Miss. May kailangan po kayo o hinahanap?”Tumango si Shiela saka ngumiti. Natigilan si Victoria dahil sa malapitan ay kahawig nito ang anak lalo na nang ngumiti.“Hello po, itatanong ko lang kung may kilala kayong Sheilla?”Nagbago ang ekspresyon ni Victoria matapos nitong banggitin ang pangalan ng anak. “Bakit, anong kailangan mo sa kanya?”Nilahad naman ni Shiela ang kamay saka nagpakilala, “Ako nga po pala si Shiela, may kailangan lang ako sa kanya, nandiyan ba siya?”Mapanuri ang tingin ni Victoria pero kalaunan ay tumango. “Sandali at tatawagin ko. Tumuloy ka muna.”Ngumiti lang si Shiela. Hindi niya gustong makais
LINGGO ng araw na iyon kaya walang pasok si Chris. Pero maaga siyang umalis ng bahay kasama ang anak at ang Nanny nito upang sunduin ang asawa dahil magsisimba sila.Pagdating ay pinapasok sila sa Moreno mansion. Agad kinarga ni Shiela ang anak at hinalik-halikan. “Ang bango naman ng Archie ko… Nasa taas si Lolo, iaakyat ko muna para makita niya ang bata.”Tumango lang si Chris at naghintay sa may salas kasama ng Nanny. Mayamaya pa ay may lumapit na katulong na may dalang inumin para sa kanilang bisita.Sa taas, sa mismong kwarto ng matanda ay kumatok si Shiela. “’Lo, gising na po kayo?”“Tuloy ka,” ani Mario.Binuksan ni Shiela ang pinto at nakangiting pumasok. “Kasama ko si Archie.”Nakatalikod ng mga sandaling iyon si Mario nang mapalingon at ngumiti. “Anong ginagawa mo rito?~” malambing na saad niya sa bata.Lumapit si Shiela. “Magmano ka kay Lolo, Archie.”Ang inosenteng bata ay sinunod naman ang utos ng Ina.Bakas sa mata ni Mario ang tuwa saka hinaplos-haplos ang buhok nito. “G
PUMASOK si Chris sa cloakroom upang mabilisang magpalit ng damit habang ang cellphone ay inipit sa pagitan ng leeg at tenga. “Nasa’n ka at pupuntahan kita ngayon.”Sinabi ni Sheilla ang lugar kaya agad siyang lumabas ng kwarto.Paakyat na nang mga sandaling iyon si Maricar upang magpahinga nang mabilis na dumaang ang anak. “Sa’n ka pupunta?”“May importante lang akong gagawin, ‘wag niyo na ‘kong hintayin,” tugon ni Chris na lakad-takbo ang ginagawa. “Buksan niyo ang gate!” utos niya pa sa isang tauhan na nakabantay sa gate ng mansion bago pumasok sa sasakyan.Matapos buhayin ang makina ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad rin siyang nakarating sa sinasabi nitong lugar.Pero nang makita ang signage sa itaas ay napakunot-noo siya. “Anong ginagawa niya sa motel?”Kahit kahina-hinala ang lugar kung saan binabalak ni Sheilla na wakasan ay sariling buhay ay pumasok pa rin siya sa loob. May sumita naman na staff at sinabi niyang may hinahanap lang
MAHIGPIT ang kapit ni Shiela sa damit ng asawa habang umiiyak. “Sorry talaga,” pagngawa niya pa.Natawa naman si Chris dahil ang pangit ng iyak nito. “’Wag ka nang umiyak, baka isipin pa nila inaaway kita.” Matapos ay pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “Tara sa kotse at marami-rami pa tayong dapat pag-usapan. Kailangan nating ilabas lahat ng sama ng loob sa isa’t isa para maayos natin kung ano man ang hindi pagkakaunawaan.”Tumango naman si Shiela saka nagpahila rito patungo sa kotse. Una siyang pinasakay at ito na rin mismo ang kusang nagkabit ng seat-belt. Natawa nga siya dahil sa extra effort nito. “Kaya ko na—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sunggaban ng halik.Nabigla man sa ginawa ng asawa pero agad ring tumugon si Shiela. Awtomatikong nilingkis ang dalawang braso sa batok nito. Bahagya lang nilaliman ni Chris ang halik saka humiwalay. Isang matamis na ngiti ang iginawad, lumabas ng kotse at sinara ang pinto saka lumipat sa driver seat. Matapos ay nagmaneho
NAPATIIM-BAGANG si Chris nang mayabangan sa sinabi nito. Hindi rin niya gusto ang kakaiba nitong ngiti, halatang nang-iinis. “Anong kailangan mo sa asawa ko?”Napakunot-noo si Enzo na animo ay walang kaalam-alam sa tinutukoy nito. “What do you mean?”“Asawa ko ang sadya mo sa loob, si Shiela.”Nagtaas ng kilay si Enzo. “Really? Then, ba’t ko naman sasabihin sa’yo kung anong kailangan ko sa kanya.”“Kasi ako ang—”“Oh, come on! Wag na tayong maglokohan dito,” putol ni Enzo. “Matapos nang nakita namin sa ospital, nasasabi mo pa talaga ‘yan?”Naguluhan naman si Chris. “A-Anong ibig mong sabihin? N-Nasa ospital kayo ni Shiela kahapon?!”“Ano pa ba sa tingin mo?”Ang Guard na palipat-lipat ang tingin sa mga ito ay hindi malaman kung ano ang dapat gawin. Kung pipigilan ba ang dalawa bago pa magkagulo o tatawag sa Moreno mansion upang kunin ang permiso upang makapasok si Enzo.“Mawalang-galang na mga, Sir. Sa oras na magkagulo kayo rito ay tatawag ako nang pulis. Maba-ban din kayo at hindi n