NAPATIIM-BAGANG si Chris habang nakakuyom ang dalawang kamay. "Alam ko naman na nagkamali ako. Dapat inisip ko ang mararamdaman--""Pero hindi mo ginawa," putol ni Shiela. "Hindi mo naisip na kami dapat ang priority mo hindi siya."Tila sigaw na nakakabingi ang sinabing iyon ni Shiela kahit na mahinahon lang naman itong nagsasalita. Sigaw na nagpaulit-ulit sa tenga ni Chris.Sinubukan niyang lumapit pa nang husto para hawakan sa kamay ang asawa pero agad na umiwas si Shiela at matapang siyang tiningnan sa mga mata."'Wag mo 'kong hahawakan. Kanina pa ako nagtitimpi, baka hindi ako makapagpigil," babala ni Shiela."I'm really sorry--""Sorry ka nang sorry. Babawi pero sa huli ay uulitin mo pa rin. Napapagod na 'ko, Chris. Matagal na 'kong hindi masaya sa--""At anong gusto mo'ng palabasin?" si Chris naman ngayon ang pumutol sa sasabihin nito. "Makikipaghiwalay ka dahil lang sa walang kakuwenta-kuwentang bagay?""Walang kuwenta? Sinasabi mo'ng walang kuwenta si Irene? Kung gano'n naman
KATOK sa pinto ang nagpahinto kay Shiela sa pamimili ng damit na susuotin. Lumabas siya ng cloakroom saka binuksan ang pinto."Ma'am, pinapatanong ni Madam Maricar kung anong putahe po ang gusto niyo para sa tanghalian?" tanong ng kasambahay."Aalis ako mamaya, Ate at sa labas na kakain, pakisabi na lang kay Mama.""Sige po, Ma'am."Pag-alis ng katulong ay muling bumalik si Shiela sa cloakroom. Ngayong araw ang punta niya sa ospital para sa check up.Nang matapos makapili ng komportableng damit ay pumasok na siya sa banyo para maligo. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na siya ng kwarto, sakto naman nasa living area si Maricar. Ang dalawang Nanny na kandong sina Archie at Lucas.Lumapit si Shiela para magpaalam sa biyenan. "'Ma, aalis po muna ako," aniya saka hinalikan sa noo ang anak at hinaplos ang ulo ni Lucas."Sa'n ang punta mo?" ani Maricar."Sa ospital po, may check up ako ngayon.""Ang kasama mo? Ikaw lang mag-isa?"Tumango si Shiela. "Magpapahatid na lang po ako sa driver."
SAMANTALANG si Shiela nang mga sandaling iyon ay bigla na lamang natigilan nang makaramdam nang tila may kung anong mainit na dumadaloy sa kanyang hita pababa sa binti hanggang sa paa. At ang suot na dress ay may bahid na ng dugo. Nang tingnan niya nang maigi ay nahintakutan siya, kinabahan at biglang nanlamig. "Shiela!" ani Michelle na nakalapit na nang mga sandaling iyon. Agad niya itong inalalayan sa magkabilang balikat saka tumawag ng tulong sa staff ng ospital na nasa malapit. "A-Anong nangyayari?" may takot at kabang tanong ni Shiela nang lingunin ang doctor. "'Wag kang mag-alala, magiging maayos lang ang lahat," iyon lang ang sinabi ni Michelle. Ilang sandali pa ay dumating din ang tulong. Inihiga si Shiela sa stretcher at dinala sa emergency room. "Ba't ako nagdurugo?" natutulirong tanong ni Shiela. "Huminahon ka lang, 'wag kang mag-alala at tutulungan ka namin," ani Michelle. Pero nagpa-panic na nang husto si Shiela at gustong umalis sa stretcher. Kaya walang nagawa si
HUMINGA nang malalim si Michelle sa sinabi nito. "Sigurado ka ba?"Tumango si Shiela. "Ayoko na siyang pahirapan pa dahil ang sakit-sakit nang isipin na mawawala rin siya sa'kin sa susunod na mga araw," aniya saka muling nagpunas ng luha sa pisngi.Habang nasa ganoong tagpo ang dalawa ay tumunog ang cellphone ni Shiela na nasa loob ng bag. Nang tingnan kung sino ang tumatawag ay napatingin siya kay Michelle.Nakita ng Doktora kung sino ang caller saka nagsalita, "Gusto mo bang ako nang kumausap kay Zia?""Ako na lang." Saka sinagot ang tawag ng hipag, "Hello, Ate?""Pauwi ka na ba?" ani Zia sa kabilang linya.Huminga muna nang malalim si Shiela saka nagsinungaling, "Matatagalan pa ako, Ate. Bigla kasi akong nag-bleed.""Ano?! Safe naman kayo ng bata?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Zia."Yes, pero pinag-advice ako na mag-stay muna nang matagal para masigurong hindi na 'ko muling duduguin.""Salamat naman, sige, pupunta na lang ako riyan--""Hindi na kailangan, Ate. Maayos lang talag
TILA nabingi si Chris sa narinig. Tinitigan niya pa nang matagal si Shiela habang iniisip na nagkamali lang siya ng dinig.Hinintay niyang bawiin nito ang sinabi pero hindi. Ang tingin ni Shiela, ang seryoso nitong ekspresyon na parang normal lang ang sinabi.Sa isang iglap ay tumaas ang emosyon ni Chris, sinugod niya si Shiela at mahigpit na hinawakan sa magkabilang balikat."Ulitin mong sinabi mo!" sigaw niya saka ito niyugyog. "Sumagot ka! Sabihin mo'ng hindi mo ginawa 'yun?!"Pero hindi nagsalita si Shiela. Hinayaan niya si Chris na ilabas ang galit sa kanya. Sa paraang iyon, kahit papaano ay naparusahan na rin siya sa kasalanang pagpapalagl*g sa bata.Ngayon niya napagtanto na sana, hinintay na lang siguro niyang tuluyan itong mawala sa kanya kaysa siya mismo ang bumawi sa munti nitong buhay.Marahas na binitawan ni Chris ang asawa saka nagsisisigaw sa kwarto. Parang gusto niyang manakit, magwala. Halo-halo na ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Matapos ay saka muling ni
NANG magising si Shiela ay maliwanag na. Gusto niyang bumangon sa kama pero nanghihina pa ang kanyang katawan.Kaya pinagmasdan na lamang niya saglit ang bukas na bintana. Sumasabay sa hangin ang kurtina at ramdam niya ang malamig na simoy ng hangin kahit pa mataas na ang sikat ng araw.Mayamaya pa ay muli niyang sinubukan na bumangon at kahit papaano ay nagawa niya naman.Nilingon niya ang pinto at nakitang may mga dumadaan na tao mula sa window portion."May tao ba riyan?" aniya pero walang sumagot kaya muli siyang nagsalita at mas nilakasan ang boses, "May tao ba riyan?!"Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at sumilip mula sa labas ang isang lalakeng naka-uniporme gaya ng security staff sa ospital."Sandali lang po, Ma'am at i-inform ko si Doktora," anito saka kinuha ang two-way radio. "Dok Michelle, gising na po ang pasiyente," anito."Okay, papunta na 'ko riyan," tugon naman nito mula sa kabilang linya."Ayos na po, Ma'am. Hintayin niyo na lang po si Dok," anito kay Shiela."An
NAPATAYO si Chris saka tinanaw ang daan patungo sa kwarto ng asawa. Hindi na niya kayang kausapin lang ito at nagpasiya nang puntahan mismo.Mabilis ang lakad niya habang ang cellphone ay nasa tenga. "Iiwanan mo sa'kin si Archie at basta na lang aalis sa buhay namin, gano'n ba ang gusto mong mangyari?" pagkausap niya pa rito.Hindi naman nagsalita sa kabilang linya si Shiela. Tanging paghinga lang nito ang nahihimigan niya.Mula sa malayo ay natatanaw na ni Chris ang kwarto ng asawa at ang dalawang security staff na nagbabantay sa labas."Sumagot ka, Shiela!" sa biglang taas ng boses ay napalingon sa kanya ang dalawang staff at agad pumusisyon sabay harang.Tumigil si Chris nang nasa tapat na siya ng pinto."Hindi kayo pwedeng pumasok sa loob," sabi ng isa sa dalawang security staff.Nang marinig iyon ni Shiela ay awtomatiko siyang napatingin sa pinto. Nagtagpo ang tingin nilang dalawa ni Chris mula sa window portion.Habang nakatitig ay nagsalita si Shiela, "Oo, 'yun ang matagal ko n
SA GABING iyon ay nagpakalasing si Chris nang muling maalala, sumagi sa isip at mangulila kay Shiela.Sa isang bar, habang mag-isang umiinom ay hindi na niya namalayan ang sariling tinatawagan ang numero nito.Oo, mataas ang pride niya at tinikis ang asawang huwag kontakin. Pero ngayong alak na ang nagpapatakbo sa kanyang sistema ay hindi na niya nakontrol ang sarili.Matiyaga siyang naghihintay na sagutin ni Shiela ang tawag. At kapag hindi ay saka siya muling tatawag.Makailang ulit niya iyong ginawa hanggang sa wakas... kumonekta ang tawag."Hello," boses ni Shiela mula sa kabilang linya.Awtomatikong ngumiti si Chris. Namiss niya nang husto ang boses nito sa puntong naluluha siya.Ilang segundong katahimikan ay hindi pa rin tumutugon si Chris kaya nagsalita na si Shiela, "Ibababa ko na 'to," aniya."S-Sandali lang!"Ilang segundo muling katahimikan hanggang sa nagsalita si Chris, "Ka-Kamusta ka na? Nasa Cebu ka ba ngayon?" Saka napahilamos sa sariling mukha dahil sa walang kuwenta
MATAGAL bago sinagot ni Chris ang tawag, "Hello, Shiela, napatawag ka?""Totoo ba, na nagpunta riyan si Harry para makita si Lucas?""Oo," tipid na sagot ni Chris.Si Shiela na nakatingin sa salamin at nakikita ang sarili sa repleksyon ay hindi maiwasang mahabag."Bakit hindi mo sinabi sa'kin na magkapatid si Henry at Harry?""Sasabihin ko naman sa'yo pero gusto kong magkausap muna kayo ni Harry dahil iyon ang hiniling niya--""Kahit na! Sinabi mo sana sa'kin, hindi 'yung para akong tanga. Ibang tao ba 'ko sa'yo, Chris para ilihim mo sa'kin ang totoo?" sumbat niya."Hindi gano'n ang intensyon ko--""Kung ganito at mananatiling ganito ang lahat ay mas mabuti pang ituloy na natin ang annulment. Sawang-sawa na 'kong magmukhang tanga. Walang kaalam-alam sa mga nangyayari," ani Shiela."Nang dahil lang kay Harry ay nagkakaganyan ka? 'Wag mo sabihing may gusto ka sa kanya?" pang-aakusa pa ni Chris."Hindi tungkol sa kanya ang ikinasasama ko ng loob! Nasasaktan ako na inililihim mo sa'kin la
LUMIPAS ang mga araw na hindi na nagpupunta sa pastries shop si Harry.Noong una ay binalewala iyon ni Shiela pero habang tumatagal ay napapatanong na rin ang kapwa niya staff."Mukhang natakot ata ang customer natin sa asawa mo," komento ng isa nilang kasamahan na lalake. "Kung ako rin naman siguro ang nasa posisyon niya, paniguradong hindi na 'ko magpapakita--"Pinandilatan sabay siko naman ito ng kasamahan."'Yang bibig mo talaga, daig mo pa babae. Baka lang may inasikaso. Hindi lang naman dito sa shop umiikot ang mundo ng mga tao.""Naks, lalim no'n, a!" pagbibiro pa ng isa."Magsibalik na nga kayo sa trabaho, baka mapagalitan pa tayo ni Manager, kayo rin."Matapos iyong sabihin ng isa nilang kasamahan ay nagkanya-kanya na sa pagtatrabaho ang iba habang naiwan si Cory at Shiela."Ayos ka lang?" ani Cory.Tumango naman si Shiela. "Iniisip ko lang kasi na baka may nangyaring masama sa kanya. Mag-iisang linggo na siyang hindi nagagawi rito.""Concern ka ba sa kanya?""Oo naman, nagin
KAGABI ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Benji. Sinabi nito ang tungkol sa totoong pagkatao ni Harry kaya ngayon ay sasadyain niya ito bago man lang umalis.Habang naglalakad ay may mga mangilan-ngilan na taong nakatambay sa labas. Tinitingnan si Chris na bagong dayo."May hinahanap ka, hijo?"Napalingon siya sa nagsalita. Isang matandang lalake na sa tingin niya ay nasa edad limampu pataas.Lumapit naman si Chris para ito ay kausapin. Sinabi niya ang pakay at tinuro naman nito ang daan patungo sa bahay ni Harry."Salamat po," aniya saka nagpatuloy.Ang sabi sa kanya ng matanda ay liliko siya sa maliit na eskinitang makikita sa pagitan ng asul na bahay.Nang gawin niya iyon ay natigilan siya. Sa liit ng eskinita ay halos isang tao lang ang kasiya. Magkaganoon man ay nagpatuloy siya.Hanggang sa marating ang maliit na bahay na halatang pinagtagpi-tagpi na lamang.Kumatok siya nang makailang-beses sa pinto pero walang sumasagot. Napaatras pa tuloy siya saka nagpalinga-linga sa palig
TATLONG ARAW nanatili sa Cebu si Chris at ang bata. Noong una ay masakit pa sa loob ni Shiela na iwan ang dalawa sa apartment dahil buong araw siyang magtatrabaho.Buti na lamang at nagpupunta si Chris kasama ang bata sa pastries shop pagsapit ng hapon. Diretso, tatlong araw nitong ginagawa.Umu-order ng inumin habang ang ibang staff na medyo libre ang oras ay nakikipaglaro sa bata.Na kung minsan pa nga ay tinutukso ng mga ito si Shiela, "Naghiwalay na ba talaga kayo, para namang hindi?""Oo," tipid na tugon ni Shiela dahil abala siya sa paghuhugas ng tasa at platito."Sayang naman kung gano'n. Ang gwapo ng asawa mo, mas magandang lalake kaysa kay Harry."Kunot-noo itong nilingon ni Shiela. "Anong sinasabi mo? Ba't nasali si Harry?"Nagkibit-balikat ito saka umalis.Habang ang isa pang kasamahan ay nanatili at nagkomento rin, "Parang hindi kayo naghiwalay, Ate. Ramdam ko kasing may feelings pa rin sa'yo ang asawa mo," anito dahil mas matanda ng ilang taon si Shiela."Ganyan lang tala
SA EKSPRESYON pa lang ni Chris ay alam na ni Shiela na magkakagulo. Kaya bago pa iyon mangyari ay pumagitna na siya sa dalawa.Asiwa niyang tiningnan si Harry. "Asawa ko nga pala, si Chris. Anak naman namin, si Archie." Sabay turo sa bata na nasa loob ng kotse.Bakas ang pagkabigla sa mukha ni Harry nang balingan nang tingin si Chris. "Hindi ko alam, pasensya na."Nagpalipat-lipat ang tingin ni Shiela sa dalawa hanggang sa lingunin si Cory."Sa tingin ko ay hindi na 'ko tutuloy," aniya."Bakit, may lakad kayo?" sabat naman ni Chris."Magsisimba sana kaming tatlo," tugon ni Shiela saka hinawakan ang kamay nitong kanina pa nakakuyom. Gusto niyang huminahon ang asawa dahil walang ginagawang masama si Harry.Lumambot naman ang tingin ni Chris at pinagsalikop ang kamay nilang dalawa ni Shiela. "Kung gano'n ay ba't 'di tayo magsimbang lahat?"Si Cory na kanina pa nanunuod at nakikiramdam ay pansin ang bigat ng hangin sa paligid simula nang dumating ang asawa ni Shiela. Pero ang mas ipinagta
MALIKOT ang mga mata ni Shiela ng mga sandaling iyon. Kung saan-saan na siya tumitingin dahil hindi niya alam kung anong sasabihin. Naa-awkward na siya sa harap ni Harry at gusto na nga sanang umalis pero nagsasalita pa ito, nagkukuwento ng kung ano-anong hindi na niya nasundan."Kung may gusto kang bilhin na damit ay may maire-recommend akong store na malapit dito. Quality at mura pa," ani Harry.Tumango-tango naman si Shiela. "Okay."Napatitig naman si Harry, ang ngiti sa labi ay biglang naglaho. Pansin na niyang naiilang ito kaya pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid."Ahm... may pupuntahan pa pala ako, nice meeting you ulit," aniya sabay turo sa direksyong hindi naman niya sigurado kung anong meron.Tumango lang si Shiela saka ito sinundan ng tingin habang papalayo. Wala naman siyang ginawang mali pero tila naging snob siya rito.Kaya matapos ang araw na iyon, sa tuwing nagpupunta sa pastries shop si Harry, umo-order ng inumin at cheesecake ay kinakausap niya ito para man la
NAKAUPO at nakasandal si Chris sa pader nang magising. Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagbabantay ng shop.Madilim pa rin ang kalangitan at sobrang tahimik ng paligid. May mga huni ng insekto at alulong ng aso sa hindi kalayuan. Medyo nagmamanhid ang paa niya dahil sa posisyon kaya nag-inat-inat muna siya saka kinuha ang cellphone sa bulsa para tingnan ang oras.Pasado alas-tres ng madaling araw. Dalawang oras din siyang nakatulog sa ganoong posisyon, na hindi niya akalaing magagawa niya, epekto marahil ng alak na nainom.Nang muling tingnan ang cellphone ay may nag-missed calls pala, hindi niya napansin dahil naka-silent mode.Numero ng piloto sa private plane ni Louie. Hindi kasi siya pinayagang makasakay sa eroplano kaya gumawa na ng paraan si Louie upang matulungan siya.Doon lang din niya naalala na isang oras lang ang napag-usapan na maghihintay ang piloto at dapat ay bumalik siya sa tamang oras.Napaisip tuloy siya kung iniwan na ba siya nito, huwag naman sana d
NAKABALIK si Shiela bago pa man magsara ang pastries shop. Naabutan niyang kaunti na lamang ang customer saka nagliligpit na rin ang mga kasamahang staff.Agad siyang tumulong para mapabilis ang paglilinis."Day-off mo pa ngayon," pabirong sita ng staff na si Cory na siyang tumulong sa kanya para makapasok sa shop.Napangiti lang si Shiela saka naalala ang natuklasan ngayong araw. Kahit na planado ang pagtulong nito ay nakikita naman niyang mabait talaga si Cory. Ramdam niyang bukal talaga sa loob nitong tumulong kahit may kapalit."Salamat, a.""Para sa'n?" anito.Umiling siya. "Gusto ko lang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa'kin noon."Napakunot-noo si Cory at nagtatakang tumingin. "Anong meron? Nagpapasalamat ka na naman sa'kin."Ngumiti lang ulit si Shiela saka pinagpatuloy ang ginagawa.Ilang sandali pa ay wala ng customer at nagpapaalam na ang mga staff na uuwi na. Dahil si Shiela ang maiiwan ay siya na ang tumapos sa paglilinis."Close na po kami ngayong gabi, Ma'am."Iy
MAGKASAMA na dumating si Chris at Louie sa bar kung saan ang napiling venue ng pa-welcome party ni Michael. Marami ng bisita pagdating nila, halos puno.Pawang mga pamilyar na mukha ang nakikita nila sa pagpasok. May ibang agad na napansin si Chris pero tinatanguan lang niya habang si Louie ay nakikipag-usap din sa ibang kakilala.Agad na napalibutan ang dalawa ng mga bisita, isang kilala dahil sa criminal record nito habang ang isa ay dahil sa namamayagpag na pangalan sa mundo ng business."Louie, Chris!" boses ni Austin na sumisingit sa kumpulan makalapit lang. "Tara sa table, nando'n na ang iba." Tinapik niya ang dalawa sa balikat sabay akbay. Iginigiya ang dalawa papunta sa table.Pagkaupo ni Chris ay pansin niya ang kakaibang tingin ng dating mga kaibigan. May ibang asiwa habang ang ilan naman ay tila pinagkakatuwaan pa siya."Ito, uminom muna kayo," ani Austin na agad binigyan ng tag-iisang baso ng alak ang dalawa."Tinanggap ni Chris pero hindi niya ininom at siya pa naman ang