TULUYAN nang humagulgol si Shiela sa sinabi ng Doctor. Hindi niya nais isuko ang anak."H-Hindi na ba magagawan ng paraan? Baka pwede pa natin siyang mailigtas, please, Dok. Hindi ko siya gustong isuko," iyak ni Shiela. Hinawakan niya pa ang kamay nito habang nakikiusap."Pero ikapapahamak mo rin kung mananatili siya," ani Michelle. "Pasensiya ka na, hindi ko gustong saktan ang damdamin mo pero ito lang ang nakikita kong paraan."Marahang binitawan ni Shiela ang kamay nito saka tinakpan ang sariling mukha. Hindi ganitong balita ang gusto niyang sabihin sa pamilya lalo na kay Chris.Iniyak niya ang sakit na nararamdaman. Ilang sandali pa ay suminghot siya at pinunasan ang pisngi kahit dumadaloy pa rin ang luha. "Pwede... pwede bang saka niyo na lang siya kunin 'pag tuluyan ng hindi tumitibok ang puso niya? Gusto ko rin sanang ilihim na muna natin 'to dahil hindi ko alam kung magagawa ko bang sabihin sa pamilya ang--" hindi na niya kayang magsalita pa sa sobrang sakit ng nararamdaman.P
NAGING mabilis ang pagresponde ng mga pulis na naka-standby sa malapit. Agad na binuksan ang selda at nilapitan si Irene na nakahandusay sa sahig, duguan. Saka, tinakpan ang leeg nitong may lasl*s.Ang iba namang pulis ay inilabas ang dalawang bilanggong na sugatan at wala ng malay.Si Chris naman, bagama't humakbang palapit ay natuliro. Tila bumagal ang oras para sa kanya ng sandaling iyon. Hindi siya makapag-isip. Nabablangko sa nasaksihan.Parang aparisyon na umulit-ulit sa paningin niya ang ginawa ni Irene.Kung hindi pa nilapitan ni Ramirez at tinapik sa likod ay hindi siya matatauhan."Ayos ka lang?" anito.Tumango siya kahit hindi naman iyon ang totoo. Pinagpapawisan siya ng malamig, maging ang kamay ay nanginginig."Ang mas mabuti pa'y sumama ka sa'kin. Nabigla ka sa ginawa niya." Saka inakbayan ni Ramirez palayo.Ngunit nanatili ang tingin ni Chris sa kumpol ng mga medics na sinusubukang iligtas si Irene."M-Magiging okay lang siya, 'di ba? Maililigtas pa siya, 'di ba?""Oo n
MAKALIPAS ang dalawang araw ay nagising si Irene. Nang una ay inakala niyang tuluyan na siyang namatay ngunit nang makitang may Nurse ang sa kanya ay sumusuri ay bigla na lang siyang naiyak."B-Bakit?" garalgal na halos walang boses ang lumalabas sa kanyang bibig.Napansin naman iyon ng babaeng Nurse na agad inilapit ang mukha. "Ano po 'yun, Ma'am?""Bakit niyo pa ako binuhay. Hinayaan niyo na lang sana akong mamatay."Mahina man pero naunawaan iyon ng Nurse na makikitaan ng pagkabigla sa mga mata.Tumayo ito nang maayos at saka lumingon. "Gising na ang pasiyente."Ilang sandali pa ay nagpakita kay Irene ang pulis na dumakip sa kanya noon. Agad na rumehistro ang galit na nararamdaman."Ba't niyo pa ako dinala rito? Hinayaan niyo na lang sana akong mamatay!" ani Irene na gusto itong sugurin pero hindi niya kayang bumangon mula sa kama.Nanghihina pa ang buo niyang katawan. Bukod roon ay may posas ang magkabila niyang kamay kaya hindi niya rin ito maaabot at masasaktan."'Wag ka nang gu
HUMINGA siya nang malalim saka nagpatuloy pabalik sa kwarto. Sinara at ni-lock ang pinto para walang sino man ang makakaistorbo sa kanya.Pagkatapos ay d-in-ial ang numero ng Doctor na si Michelle. Pero hindi boses nito ang sumagot."Pwedeng pakausap kay Dok Michelle?""Ako po ang assistant niya, may kailangan po kayo, Ma'am?""Pakisabi na si Shiela Cruz ang tumawag.""Okay, sandali lang po at may appointment pa siya sa ibang pasiyente. Balikan ko po kayo 'pag tapos na siya."Matapos ang tawag ay napahawak si Shiela sa sariling dibdib habang humihinga nang malalim.Paulit-ulit niyang sinabihan ang sarili sa isip na hindi dapat siya magpaapekto sa nararamdaman at naririnig pero hindi niya mapigilan ang sariling maging padalos-dalos.Mali man o tama ay mauuwi pa rin naman sa ganoong sitwasyon ang lahat. Na kailangan niya pa rin isuko ang batang nasa sinapupunan.Ilang minuto ang lumipas ay tumatawag na ang numero ni Michelle, "Hello, Shiela. Anong sadya natin?""Napatawag ako para itano
SA HALIP na mainis o magalit ay sinimulan na lamang ni Shiela ang araw na parang walang nangyari. Mabilis siyang naligo at pagkatapos ay pinuntahan ang mga bata sa kwarto kung saan ay kagigising lang din ng mga ito.Hindi na niya hinintay ang Nanny na siyang magpaligo sa dalawa at nagkusa na. Pagdating nito ay binibihisan na niya si Archie at Lucas."Napaliguan niyo na po pala sila Ma'am," saad ng Nanny."Pakikarga na lang si Lucas at sa baba na natin pakainin."Si Archie ang binuhat niya dahil mas higit itong malikot kumpara sa isa. Pagdating sa dining area ay naglalapag na ng pagkain ang mga kasambahay sa hapagkainan."Good morning po Ma'am," saad ng isang katulong hanggang sa sunod-sunod na ang bumabati kay Shiela."Morning," tipid naman niyang tugon saka naupo habang kandong si Archie.Uupo na rin sana ang Nanny ng tawagin niya, "Dito ka na maupo sa tabi ko."Sumunod naman ang Nanny na ikinandong din si Lucas.Mayamaya pa ay dumating si Maricar na agad natuon ang atensyon sa manug
SA GALIT ni Chris ay hindi niya napigilan ang sariling hawakan nang mahigpit ang braso nito upang tumigil sa walang kuwentang sinasabi."Tumigil ka na sabi, e!"Biglang bumukas ang pinto saka pumasok ang isang Nurse, na dali-daling lumapit at pinigilan si Chris. "Ano po'ng ginagawa niyo, Sir? Sinasaktan niyo po ang pasiyente!"Nabitawan ni Chris ang braso nito saka lumayo. Yamot na yamot siya sa sinabi ni Irene at hindi na nakontrol ang sariling emosyon."'Di na sana ako nagpunta rito kung ganito lang din naman pala ang mangyayari," aniyang sising-sisi."Sino bang nagsabi sa'yong pumunta ka rito? Ilang beses na kitang pinagtabuyan pero sinisiksik mo pa rin ang sarili mo!" ani Irene.Lalapit pa sanang muli si Chris nang humarang ang Nurse. "Tama na po, Sir, ang mas mabuti pa ay lumabas na muna kayo."At iyon naman ang ginawa ni Chris. Pagbukas niya ng pinto ay nagtagpo ang tingin nilang dalawa ni Ramirez."Anong nangyari?""Uuwi na 'ko," iyon na lang ang sinabi niya. "Sa susunod na may
NAPATIIM-BAGANG si Chris habang nakakuyom ang dalawang kamay. "Alam ko naman na nagkamali ako. Dapat inisip ko ang mararamdaman--""Pero hindi mo ginawa," putol ni Shiela. "Hindi mo naisip na kami dapat ang priority mo hindi siya."Tila sigaw na nakakabingi ang sinabing iyon ni Shiela kahit na mahinahon lang naman itong nagsasalita. Sigaw na nagpaulit-ulit sa tenga ni Chris.Sinubukan niyang lumapit pa nang husto para hawakan sa kamay ang asawa pero agad na umiwas si Shiela at matapang siyang tiningnan sa mga mata."'Wag mo 'kong hahawakan. Kanina pa ako nagtitimpi, baka hindi ako makapagpigil," babala ni Shiela."I'm really sorry--""Sorry ka nang sorry. Babawi pero sa huli ay uulitin mo pa rin. Napapagod na 'ko, Chris. Matagal na 'kong hindi masaya sa--""At anong gusto mo'ng palabasin?" si Chris naman ngayon ang pumutol sa sasabihin nito. "Makikipaghiwalay ka dahil lang sa walang kakuwenta-kuwentang bagay?""Walang kuwenta? Sinasabi mo'ng walang kuwenta si Irene? Kung gano'n naman
KATOK sa pinto ang nagpahinto kay Shiela sa pamimili ng damit na susuotin. Lumabas siya ng cloakroom saka binuksan ang pinto."Ma'am, pinapatanong ni Madam Maricar kung anong putahe po ang gusto niyo para sa tanghalian?" tanong ng kasambahay."Aalis ako mamaya, Ate at sa labas na kakain, pakisabi na lang kay Mama.""Sige po, Ma'am."Pag-alis ng katulong ay muling bumalik si Shiela sa cloakroom. Ngayong araw ang punta niya sa ospital para sa check up.Nang matapos makapili ng komportableng damit ay pumasok na siya sa banyo para maligo. Ilang minuto ang lumipas ay lumabas na siya ng kwarto, sakto naman nasa living area si Maricar. Ang dalawang Nanny na kandong sina Archie at Lucas.Lumapit si Shiela para magpaalam sa biyenan. "'Ma, aalis po muna ako," aniya saka hinalikan sa noo ang anak at hinaplos ang ulo ni Lucas."Sa'n ang punta mo?" ani Maricar."Sa ospital po, may check up ako ngayon.""Ang kasama mo? Ikaw lang mag-isa?"Tumango si Shiela. "Magpapahatid na lang po ako sa driver."
NANG una ay natigilan si Shiela hanggang sa mapakunot-noo. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi 'to ang pinag-usapan natin!" kasabay ng pagtaas ng boses ay ang biglaan niyang paglayo."Huminahon ka muna," ani Mario."Pa'no ako hihinahon kung ganito ang ginagawa mo? Iniwan ko ang pamilya ko dahil sa mga banta mo tapos ngayon ay ganito naman?! Sumusobra ka na!"Biglang binagsak ni Mario ang hawak na baston na ikinagulat ni Shiela maging ni Castro."Senior, huminahon po kayo. Ang mas mabuti pa ay sa susunod na lamang natin 'to pag-usapan," saad ng lawyer saka niligpit ang mga dokumento sa center-table. Pagkatapos ay yumukod bilang pamamaalam. "Babalik na lang ako sa susunod, Senior." Saka ito tuluyang umalis.Nang maiwan ang dalawa ay tiningnan nang masama ni Shiela ang Abuelo. "Gusto ko ng paliwanag kung ba't mo 'to ginagawa."Tumayo sa kinauupuan si Mario at mataman itong tinitigan sa mga mata. "Bilang aking apo. Ayokong madungisan ang pangalan natin kaya inaalis ko sa buhay mo ang mga ba
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari