NAG-ANGAT ng tingin si Zia. “Bakit gusto mo ‘kong tulungan?” aniya dahil talagang naguguluhan siya. “Si Louie ang kliyente mo at kumuha mismo sa’yo para magtrabaho.”
Pasimpleng umiwas ng tingin si Mia. Sa totoo lang, maging siya ay naguguluhan din sa sarili. Sa trabahong ginagalawan ay dapat hindi siya magpadala sa sariling emosyon. Ngunit sadyang hindi lang talaga niya maiwasan lalo pa at naaalala niya ang yumaong Ina nang makita sa ospital ang sugat sa palapulsuhan ni Zia.Ang kaibahan nga lang nito kumpara sa kanyang Ina… nakikita niyang gusto nitong mabuhay. Na kailangan nito ng tutulong para maibsan ang lahat ng pinagdadaanang hirap.Nakakalungkot man pero naaawa siya para kay Zia.“Gusto ko lang tumulong,” tugon niya sa tanong nito.Tumagal ang tingin ni Zia ngunit hindi na nagtanong at ilang sandali pa ay nagpaalam ng aalis. Habang papalayo sa opisina ni Torres ay mahigpit niyang hawak sa kamay ang business card na bigay nito.MATAPOS iyong sabihin ay umiwas ng tingin si Zia saka bumulong, “Meron ako ngayon pero kung gusto mo talaga ay—"Sa isang iglap ay kinulong ni Louie ang magkabilang pisngi ng asawa gamit ang dalawa niyang kamay. Kapag nasa bahay lang ay hindi nagmi-make up si Zia. Maganda man ito kapag nakaayos ay mas higit niyang gusto ang natural nitong ganda.Parang ayaw na nga niyang bitawan at talagang gandang-ganda siya.“If you’re having your period. I won’t force you to make love with me. Hindi ako gano’n ka hayuk.”Napakurap si Zia, halata ang pagkabigla. Hindi inaasahang sasabihin niya iyon.Dahil alam niyang nabahiran na ng masama ang pagkatao niya. Na ang tingin sa kanya ni Zia ay isang lalakeng walang pakialam sa mararamdaman ng iba basta lang maligayahan. Aminado naman siya sa puntong iyon pero may limitasyon pa rin lalo at may period ito.Binitawan niya ang malambot na pisngi ni Zia saka hinawakan sa braso at marahang hinila palapi
NAMULA ang tenga ni Zia na tila may gustong itago. “W-Wala lang! Bumili ako ng bagong perfume,” pagsisinungaling pa niya. Mabuti at mayroon talaga sa drawer.“Really?” Saka hinanap ni Louie ang tinutukoy nitong pabango. “Subukan mo nga’t aamuyin ko kung bagay ba sa’yo.”Agad ini-spray ni Zia ang perfume sa sarili lalo na sa likod ng tenga.Yumuko si Louie para maamoy nang maigi ang pabango. “Hmm, smells good,” aniyang marahang kinagat ang tenga nito.“Louie!” saway ni Zia.“My bad… nakakagigil ka kasi. Muntik na ‘kong makalimot.” Matapos ay napansin ang diary.Naalalang muli ang nabasa kaya kinuha niya ito. Gusto pa ngang bawiin ni Zia ngunit hindi niya hinayaang maagaw.Nang hindi na ito nagtangka ay muli siyang yumuko at niyakap ito sa balikat.“Nahihiya kang basahin ko?” ani Louie. “Pero nagawa ko na kaya ‘wag ka ng mahiya pa.”Mula sa repleksyon ng salamin ay napansin niya ang pamumula ng pisngi ni
MULI pa sanang magsasalita si Louie nang lumabas sa operating room ang doctor na umasikaso kay Bea. Mayamaya pa ay lumapit ito at huminga nang malalim bago ipinaliwanag na matapos maisagawa ang ‘gastric lavage’— Isang paraan ng pag-pump sa stomach para malinis ang loob at maialis ang anumang content sa tiyan sa pamamagitan ng pagpasok ng maliit na tube sa bibig o hindi kaya sa ilong.“Ligtas na ang pasiyente sa ngayon. Asahan niyo ring makikipagtulungan ang ospital sa kinauukulan tungkol sa nangyaring insidente ngayon,” patuloy pa ng doctor.Tumango naman si Louie at saka inutusan si Alice na asikasuhin kaagad ang paglilipat ni Bea sa Rodriguez hospital. Nang paalis na siya ay agad humarang si Linda. “A-Alis ka na kaagad? Pa’no ang anak ko, hindi mo ba siya hihintaying magising?"“Tumigil kayo, hindi pa ba sapat sa inyong nagpunta siya rito sa kalagitnaan ng gabi?” saway ni Alice.Bahagyang hinawi ni Louie ang secretary para mag-iwan ng
PAGKAGISING ng umagang iyon ay wala na sa tabi ni Louie ang asawa. Kaya bumangon siya at nagtungo sa cloakroom sa pag-aakalang naroon lang si Zia.Ngunit wala, bagkus ay ang mga damit lang niyang susuotin ngayong araw ang naabutang nakasampay sa isang tabi.Matapos maligo at magbihis ay bumaba siya at nagtungo sa kusina sa pag-aakalang nagluluto ng agahan si Zia ngunit wala rin sa kusina maging sa dining area.Ang mga katulong lang ang nandoon na inaayos ang lamesa para sa kanya.“Si Zia?” tuluyan na niyang naitanong.“Si Ma’am Zia, Sir? Hindi po ba nagpaalam sa inyong aalis?” tugon ng katulong habang inilalagay sa lamesa ang almusal. “Ang sabi niya lang po sa’min ay uuwi siya sa kanila,” dugtong nito.Naupo si Louie saka nagsimulang kumain. Habang sumisimsim ng kape ay napangisi siya habang iniisip na baka iniiwasan talaga siya ni Zia na makaharap?Matapos ang mga nangyari kagabi… well, wala naman talagang nangyari mali
NAGKIKINANGANG mga bituin ang makikita sa kalangitan habang paauwi si Zia ng araw na iyon.Pagbukas ng pinto ay maririnig kaagad ang boses ni Louie, “When I was studying aboard ay ako po mismo ang nag-aayos ng sirang water pipe sa tinutuluyan ko.” Kaya bahagyang natigilan si Zia dahil hindi niya inaasahang nasa apartment ang asawa.“Gano’n ba? Pero nakakahiya pa rin sa’yo at nadumihan na ang damit mo,” boses naman ni Maricar.Ilang hakbang lang ay tuluyan niyang nakita ang dalawa. Si Louie na nagpupunas ng kamay habang si Maricar na may hawak na tools.Pagkakita sa kanya ng Ina ay dali-dali itong lumapit at bumulong, “Biglang nasira ang tubo ng lababo. Nagkataong dumating si Louie at nagpresentang siya na lamang ang mag-aayos. Sinusundo ka na ba niya?”“Hindi, ‘Ma, magsi-stay ako rito,” tugon ni Zia.“Gano’n ba? O, sige at magluluto muna ako—” saka muling bumulong, “Mukhang hindi maganda ang mood ni Arturo sa pagdating
BIGLANG naupo si Louie sabay bukas ng lampshade. “What do you think?” aniya. “I never really loved anyone. But this is the first time I cared for someone, it’s you Zia. Kaya kahit nakakadiri ay nag-volunteer akong ayusin ang water pipe.”Tuluyang lumingon si Zia. Pinakatitigan ang gwapo nitong mukha sa dilim.Mayamaya pa ay lumapit ito para haplusin ang kanyang pisngi. Napasinghap siya dahil sa ngiti nitong sadyang makasalanan."Gusto kong magkaroon ng pamilya, Zia. Bumuo tayo, hindi na mahalaga kung anong gender. Ang gusto ko lang ay maging masaya tayo… mahalin mo ‘ko gaya ng dati.”Sa sinabing iyon ay parang pinapahiwatig na rin nitong magsimula silang muli. Pinakatitigan niya ang mata nito, naghahanap ng mali.Ngunit napagtanto niyang totoo at walang bahid ng pagsisinungaling ang binitawan nitong salita.Na siyang tunay dahil ng mga oras na iyon ay nais talaga ni Louie na mahalin ang asawa. Kaya siya naglalambing at nagiging m
NAGKATITIGAN sila nang matagal hanggang sa unti-unting inilapit ni Louie ang mukha para siilin siya ng halik sa labi. Marahan at sadyang puno ng emosyon.Kaya kahit hesistant si Zia ay kusa siyang bumigay dahil sa malambing nitong paraan.Ang mainit na halik ni Louie ay unti-unting bumababa patungo sa leeg. Nakikiliti si Zia maging sa hininga nitong mas lalong nagbibigay init sa kanya. Hindi nagtagal ay tuluyan siyang napayakap sa batok ng asawa.Ang isang kamay ni Louie ay nagsimulang humaplos sa likod patungo sa bewang hanggang sa mapangahas na itong humawak sa pu*etan niya.Sa ilang taon nilang pagsasama at pagtatal*k ay lagi siyang nagpipigil na lumikha ng ingay kaya lagi niyang kinakagat ang ibabang labi. Ngunit ngayon ay natural at kusang lumabas mula sa bibig niya ang ung*l.Ang tunog ng halik ni Louie ay mas lalong nagbibigay sa kanya ng kakaibang sensasyon. Ang kamay nitong minamasahe ang likod niya ay lumipat na sa malulusog niy
PAGKASAGOT sa tawag ay agad na nagsalita si Louie sa malamig na tono, “Iyong nangyari kay Bea… ikaw ba ang may kagagawan?”“Ano?”“Ilang beses ko bang sasabihin na wala kaming relasyon!” sigaw pa niya.“What are you talking about?! Wala akong alam sa ibinibintang mo!”Sa iritasyon ay biglang binaba ni Louie ang tawag. Matapos ay muling nanigarilyo. Nanggagalaiti siya sa galit at kailangan niyang kumalma.Matapos ay mariin siyang napapikit nang muling sumagi sa isip ang alaala ng kanyang kabataan…Ang pag-alis ng kanyang ama’ng si Wilbert at pagsunod ng ina’ng si Lucia na naghi-hysterical habang siya ay nasa likod ng hagdan nakatagong pinapanuod ang pagtatalo ng mga magulang.“Once you leave that door ay ‘wag na ‘wag ka ng babalik!” sigaw ni Lucia. “Magsama kayong dalawa ng babae!” patuloy pa nito.Ngunit nang humakbang patungo sa pinto si Wilbert ay nagmamadali namang humabol si Lucia at humarang sa pinto. “H-Hi
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis."'Lo, advance happy birthday po.""Salamat," tipid na sagot ni Mario."Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration."Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?"Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami."Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito."Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?""Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama."Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Para na rin nitong
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na
HINGANG MALALIM ang ginawa ni Shiela saka pinaunang isakay sa kotse ang anak. “Mama,” sambit ni Archie saka nagpupumilit na kumandong. Napangiti naman si Shiela at niyakap ang anak. Ilang sandali pa habang bumabiyahe sa national highway ay pinagmasdan niya ang paligid sa labas ng kotse. “Isang taon na rin,” sambit niya sa hangin. Pero tandang-tanda niya pa ang mga nangyari na animo ay parang kahapon lang naganap. Nagsimula iyon noong bumalik siya sa bansa matapos malaman na naaksidente si Chris. Dahil hindi naging maganda ang pag-uusap nila ni Zia ay pinagpatuloy nila iyon sa sumunod na araw kung saan ay pareho na silang mahinahon... “Hindi pa rin ba nagigising si Chris, Ate?” Umiling si Zia. “Hindi pa rin… Pero umaasa kaming magigising siya sa lalong madaling panahon.” “… E, ang babaeng ‘yun?” Nag-angat ng tingin si Zia, direkta sa mga mata nito. “Pansamantala siyang nasa puder namin—” “Bakit?!” kunot na kunot ang noo na tanong ni Shiela. “Wala siyang ibang matutuluyan. Lum
NAGPALIPAT-LIPAT ng tingin si Zia at Louie sa dalawang babae. Parehong naguguluhan sa nangyayari. Mabuti na lamang at mabilis nakabawi si Louie at nagtanong, “Miss, pwede bang malaman kung anong kailangan mo?”Si Sheilla ay agad nakaramdam ng hiya, guilt at takot. Wala talaga siyang balak na muling bumalik matapos magpasiya na magpakalayo-layo na kasama ang magulang. Nakokonsensya na siya sa ginagawa pero nang matunton siya ng tauhan ni Mario at sapilitang pinababalik ay wala na rin siyang nagawa sa takot na kantiin nito ang kanyang pamilya.Sa pagbabalik na rin niya nalaman ang nangyari kay Chris kaya napasugod siya, iyon pala ay magkukrus ang landas nila ni Sheila na sa pagkakaalam niya ay nasa ibang bansa na.At ngayong tinatanong siya ng pamilya ni Chris ay bigla siyang nablangko… Ano ang dapat niyang sabihin?“A-Ako ang…” nahihirapan siyang magsalita.Hanggang sa Shiela na ang nagkusang magpatuloy, “Ba’t hindi mo masabi? Ga’no ba kahirap na magpakilala? Nakakahiya ba pero hindi k
Chapter 147BAKAS ang kalituhan sa mkha ni Zia. “Gamit ng sister-in-law ko ang apelyido na Cruz kaya hindi namin alam kung sino ‘yang tinutukoy niyo,” paliwanag niya pa.Tumango naman ang pulis. “Kung gano’n ay iimbestigahan namin ‘to…” Matapos ay tiningnan ang kasamahan at parehong tumango sa isa’t isa. “Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. Sa ngayon ay babalik po muna kami sa estasyon upang asikasuhin para mag-imbestiga pa.”“S-Salamat sa inyo,” ani Maricar na mugto ang mata sa kakaiyak.Pagkaalis ng pulis ay naiwan ang dalawa, matiyagang naghihintay hanggang sa mapagtanto ni Maricar na… “Ba’t wala si Shiela? Hindi ba dapat ay nandito siya?”“Hindi kaya ay nag-away silang mag-asawa? Sabi nga kanina ng pulis ay makailang ulit na tinatawagan ni Kuya si Shiela.”“Sinong Shiela ang tinutukoy? Dalawa silang binanggit ng pulis.” Ang lungkot sa mga mata ni Maricar ay nag-iba. “Hindi kaya ay may ginagawa na namang kalokohan si Chris na hindi natin alam?”Biglang sumagi sa isip ni Zia