MULI ay nanubig ang mga mata ni Shiela. Parang gusto niya ulit umiyak, hindi niya akalaing sa dami ng ibinuhos na luha kanina ay may mailalabas pa siya.“Sabihin mo na masama ang pakiramdam ko’t bumalik na lang sa susunod.”“Okay po,” anito saka umalis.Nang mapag-isa si Shiela ay pumasok siya sa banyo at nakita sa salamin ang sarili. Mugtong mga mata at namumula ang ilong kaya naghilamos siya upang maibsan ang pamamaga ng mata. Pero sa huli ay napagpasiyahan niyang iligo na lamang ang lahat. Nagbabad siya sa shower habang lumuluha at yakap-yakap ang tuhod.Nang makaramdam ng panlalamig ay saka lang siya nagpasiyang tumayo, kinuha ang tuwalya saka lumabas ng banyo habang tumutulo sa sahig ang ilang butil ng tubig mula sa basang katawan.Naglakad siya papasok sa cloakroom at nagbihis. Habang nasa loob ay narinig niyang tumunog ang cellphone kaya lumabas siya at tiningnan kung sino ang caller.Walang iba kundi si Chris. Mahigit fifty-missed calls ang ginawa nito. Huminga lang siya nang
HABANG kausap ni Chris ang dalaga sa video call ay nakaramdam siya ng kakaiba mula sa likod kaya lumingon siya at nagtagpo ang tingin nila ni Shiela.Binaba niya ang cellphone saka mabilis na lumapit dito upang magpaliwanag. Hinawakan niya ang kamay nito pero nang mapansin ang nanunuot na tingin ng asawa ay napaiwas siya. “M-Magpapaliwanag—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong binawi ang kamay.“Magpapaliwanag ka na naman? Wala na bang bago, Chris? Ano naman sa pagkakataong ‘to?” halata sa boses ni Katherine ang disappointment.“Si Sheilla kasi—”Bago pa makapagpaliwanag ay tinulak na ito ni Shiela. “Tama na, Chris! Hindi ko kailangan ng walang kwenta mong paliwanag dahil halata naman na siya ang mas matimbang.”“Hindi ‘yan totoo!”“E, ba’t hanggang ngayon may koneksyon pa rin kayong dalawa? Hindi mo pa siya tinatanggal sa trabaho?”“Hindi ko siya pwedeng basta-basta na lamang tanggalin. Wala siyang ginagawang mali sa trabaho.”Pagak na natawa si Shiela. “Sobrang gal
ISINUGOD sa ospital si Shiela dahil sa taas ng lagnat. Kinaumagahan na ito nagkamalay at tanging private nurse lang ang nabungaran pagmulat ng mata.“S-Sino ka?”Napalingon ang nakaunipormeng babae saka ngumiti. “Ako po si Pia, Miss.”“Kailan pa ‘ko rito?” Gusto niyang bumangon pero nanghihina pa siya nang husto.“Kagabi po, Miss at ngayong umaga lang ako na-hired para magbantay sa inyo.”Pinagmasdan ni Shiela ang putting kisame. “May dumating ba para sa’kin?”“Wala po.”“Ang cellphone ko ba nandito?”Kinuha ni Pia ang bag na binigay sa kanya. “Pinadala ito kanina, mga gamit niyo, Miss pero… Ay, ito, may cellphone.” Pagkatapos ay inilabas sa bag.“Akin na.” Bahagya lang itinaas ni Shiela ang kamay pero hirap na hirap na siya. Matapos makuha ay tiningnan niya kung may missed call ba si Chris pero wala. Maski man lang message ay wala rin siyang natanggap.Mas lalo siyang nadismaya na hindi man lang ito tumawag sa kanya matapos ng nangyari. Naiiyak siya na ewan, hindi niya maintindihan a
Chapter 144MATAGAL ang titig ni Mario sa apo saka naupo sa kama habang nakasandal naman ito sa headboard. “Ba’t gusto mong sa abroad? Marami naman maayos na university sa bansa.”Napatingin si Shiela sa magkasalikop na kamay. Hindi niya masabing gusto niyang magpakalayo-layo muna sa problema na kinakaharap.“Dahil ba kay Chris? Kahit hindi mo sabihin ay may tenga ako rito sa bahay. Ang ano man naririnig ng mga katulong dito ay inire-report nila sa’kin kaya hindi mo kailangan na maglihim.”Napabuntong-hininga si Shiela. “Nahihirapan na ‘ko sa sitwasyon namin, ‘Lo. Parang kahit anong gawin ko ay palala nang palala ang hindi namin pagkakaunawaan,” pag-amin pa niya.“Natural lang naman iyon sa mag-asawa pero kung talagang gusto mong sa ibang bansa mag-aral ay hindi kita pipigilan. Dahil kung ako rin naman ang tatanungin ay mas maganda nga ang makapag-aral abroad,” ani Mario. “May naiisip ka na bang bansa?”Umiling si Shiela dahil ang priority lang niya talaga ng mga sandaling iyon ay pan
DAHIL sa pagsigaw ni Shiela ay natakot ang bata at agad itong umiyak. Hinaplos-haplos ni Chris ang likod ng anak upang tumahan ito nang hindi inaalis ang tingin kay Sheilla na nakatungo lang.“Kung hindi kayo aalis dito ay mapipilitan akong tumawag ng security,” banta ng Doctor.Hindi gumalaw si Shiela, tulala siya sa kinatatayuan habang lumuluha. Kaya si Chris na ang humila rito palabas. “Pasensiya na po sa istorbo,” aniya sa Doctor pero nakatingin naman sa dalaga.Pagkasara ng pinto ay marahas na binawi ni Shiela ang braso mula sa asawa. Matapos ay kinuha ang bata at tuloy-tuloy sa paglayo.Sumunod naman agad si Chris pero natigilan saka nilingon ang saradong pinto… Hindi niya kayang balewalain ang gumugulo sa isip. Dahil kung talagang buntis si Sheilla ay gusto niyang alamin kung sino ang ama ng dinadala nito.Mariin niyang naikuyom ang kamay saka sinundan ang asawa’t anak. Sa ngayon ay ang dalawa ang priority niya… Sa susunod na lamang niya aalamin ang totoo.Pagpasok sa opisina a
KUMUNOT ang noo, naguluhan at nalilito si Chris ng mga sandaling iyon. Para siyang nakarinig ng salitang mula sa ibang lengguwahe, hindi makaproseso ng maayos ang utak.“A-Anong sinasabi mo? Pa’nong aalis sila ng bansa? Wala silang sinasabi sa’kin!” biglang taas ng boses dahilan kaya nagsilingunan ang mga empleyadong nasa malapit.“Pakiusap, ‘wag kang sumigaw rito. Nasabi ko na ang kailangan mong malaman kaya maaari ka nang umalis.”Umiling-iling si Chris saka humakbang palapit, tila gusto itong kuwelyuhan. “Gano’n na lang ‘yun?! Basta mo na lang ako paaalisin?!”Nabigla ito sa inakto ni Chris pero nakabawi rin naman. “At anong gusto mong gawin? Pasalamat ka nga’t sinasabi ko ‘to sa’yo kahit ayaw ipaalam ni Senior.”“Sa’ng bansa?”Ngunit hindi na ito nagsalita.“Nasa’n ang amo mo? Gusto ko siyang makausap ngayon.”“Sinabi ko na sa’yong—”Pero hindi na ito pinansin ni Chris at naglakad na palayo. Siya na lamang ang maghahanap kay Mario. Kung kailangan na halughugin niya ang buong build
Chapter 147BAKAS ang kalituhan sa mkha ni Zia. “Gamit ng sister-in-law ko ang apelyido na Cruz kaya hindi namin alam kung sino ‘yang tinutukoy niyo,” paliwanag niya pa.Tumango naman ang pulis. “Kung gano’n ay iimbestigahan namin ‘to…” Matapos ay tiningnan ang kasamahan at parehong tumango sa isa’t isa. “Maraming salamat po sa inyong kooperasyon. Sa ngayon ay babalik po muna kami sa estasyon upang asikasuhin para mag-imbestiga pa.”“S-Salamat sa inyo,” ani Maricar na mugto ang mata sa kakaiyak.Pagkaalis ng pulis ay naiwan ang dalawa, matiyagang naghihintay hanggang sa mapagtanto ni Maricar na… “Ba’t wala si Shiela? Hindi ba dapat ay nandito siya?”“Hindi kaya ay nag-away silang mag-asawa? Sabi nga kanina ng pulis ay makailang ulit na tinatawagan ni Kuya si Shiela.”“Sinong Shiela ang tinutukoy? Dalawa silang binanggit ng pulis.” Ang lungkot sa mga mata ni Maricar ay nag-iba. “Hindi kaya ay may ginagawa na namang kalokohan si Chris na hindi natin alam?”Biglang sumagi sa isip ni Zia
NAGPALIPAT-LIPAT ng tingin si Zia at Louie sa dalawang babae. Parehong naguguluhan sa nangyayari. Mabuti na lamang at mabilis nakabawi si Louie at nagtanong, “Miss, pwede bang malaman kung anong kailangan mo?”Si Sheilla ay agad nakaramdam ng hiya, guilt at takot. Wala talaga siyang balak na muling bumalik matapos magpasiya na magpakalayo-layo na kasama ang magulang. Nakokonsensya na siya sa ginagawa pero nang matunton siya ng tauhan ni Mario at sapilitang pinababalik ay wala na rin siyang nagawa sa takot na kantiin nito ang kanyang pamilya.Sa pagbabalik na rin niya nalaman ang nangyari kay Chris kaya napasugod siya, iyon pala ay magkukrus ang landas nila ni Sheila na sa pagkakaalam niya ay nasa ibang bansa na.At ngayong tinatanong siya ng pamilya ni Chris ay bigla siyang nablangko… Ano ang dapat niyang sabihin?“A-Ako ang…” nahihirapan siyang magsalita.Hanggang sa Shiela na ang nagkusang magpatuloy, “Ba’t hindi mo masabi? Ga’no ba kahirap na magpakilala? Nakakahiya ba pero hindi k
NAPALUNOK si Chantal habang nakatitig sa Ina. Kulang na nga lang ay mabuwal siya sa labis na kabang nararamdaman."... 'Ma," sambit niya pa rito.Bumuntong-hininga si Shiela saka in-off ang ilaw. "Dis-oras na ng gabi pero nag-iingay kayong dalawa ni Archie. 'Wag niyong hintayin na si Chris ang magising." Pagkatapos ay tumalikod na siya upang lumabas."S-Sandali lang, 'Ma," pigil ni Chantal. "Hindi ba kayo magtatanong?"Lumupaypay ang balikat ni Shiela saka nagsalita ng hindi ito nililingon. "Hindi na kailangan ng tanong, halata naman." Saka sinara ang pinto.Akmang magsasalita at pipigilan pa ito Chantal pero sa huli ay pinili na lamang manahimik. Nanghihina siyang bumalik sa kama at naupo.Ilang minuto siyang natahimik, lumuluha habang iniisip kung anong sunod na gagawin ngayon natuklasan na ang lihim nilang relasyon ni Archie?Ang pag-iyak niyang iyon ay nakatulugan niya hanggang sa magising na halos hindi niya maibuka ang mga mata. Namamaga sa labis na pag-iyak.Nanunuyot din ang l
NANATILING tahimik ng ilang segundo sa kwarto kaya binuksan na ni Shiela ang pinto at tumambad sa kanya ang anak na nakatayo sa malapit. "Si Chantal?" tanong niya nang hindi ito makita, saka pumasok sa loob.Nilibot niya ang paningin sa buong kwarto at nilingon si Archie. "Ba't 'di ka sumasagot, nasaan ang kapatid mo?"Napalingon naman si Archie sa pinto ng banyo nang bumukas ito at lumabas si Chantal na nakatungo.Kumunot-noo naman si Shiela saka nagpalipat-lipat ang tingin sa dalawa. "Ano bang nangyayari sa inyo at ba't kayo nagsisigawan?""Wala lang po 'yun--""Nainis ako," putol ni Archie sa sasabihin ni Chantal. "Kasi naman, ilang beses ko ng sinasabi na kung hindi naman niya gusto ay 'wag siyang basta-bastang um-oo sa mga request niyo."Napasinghap si Shiela sabay baling ng tingin kay Chantal. "Totoo ba? Napilitan ka lang na um-oo na makipag-date kay Edward?""Kilala niyo naman si Chantal, 'Ma. Mahihiya 'yang humindi sa inyo," si Archie ang sumagot.Naikuyom naman ni Chantal ang
BAGO pa makapag-react si Archie ay may dumaan na babaeng customer patungo sa restroom. Kaya nagpigil siya, mariin kinuyom ang kamay. Bakas sa mukha niya ang iritasyon pero nagawa pa rin huminahon. "Sa bahay na natin 'to pag-usapan." Pagkatapos ay nauna nang umalis.Si Chantal naman ay pumasok sa restroom, naghugas ng kamay kahit hindi naman kailangan. Wala lang, gusto lang niyang mapag-isa kahit sandali."Ayos ka lang?" tanong ng babae kanina na dumaan.Tiningnan ito ni Chantal saka malungkot na nginitian, hindi alintana na naluluha siya ng sandaling iyon."Magkakaayos din kayo ng boyfriend mo," patuloy pa ng babae."Salamat." Pagkatapos ay umalis na siya. Pagbalik sa table ay ang malawak na ngiti agad ni Edward ang sumalubong."Ayos ka lang ba?"Natigilan si Chantal dahil pangalawang beses ng may nagtanong sa kanya, ibig sabihin ay mahahalata talaga sa mukha niya na hindi siya totally fine.Pagkatapos ay nilingon niya ang table kung saan nakaupo ang Ina saka si Archie, na masama ang
NABIGLA at napakunot-noo pa si Chris habang nakatingin sa anak. Nagtataka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon nito. "Ba't parang gulat na gulat ka?"Kumurap-kurap ang mata si Archie, biglang natauhan. "W-Wala lang po, nabigla lang. Ito ang unang beses na ginawa niyo 'to. Masiyado pa naman kayong over-protective kay Chantal."Naging relax ang ekspresyon ni Chris sa sinabi ng anak. "Well, ayoko rin sa ideya na 'to. Para sa'kin ay walang sinong lalake ang nababagay para sa anak ko."Napalunok ng laway si Archie sa narinig ngunit pinanatiling walang reaksyon ang mukha. "Totoo, walang sino man ang nararapat kay Chantal--"'Dahil akin lang siya.'Iyon ang isinisigaw ng isip ni Archie. "Pero bakit niyo hinayaan, 'Pa?""Iyong isang kaibigan ng Mama mo, nakiusap dahil 'yung tarant*do-- Well, hindi naman talaga siya gano'n, ang sabi pa nga ay matino naman na binata--" Saka umakto na parang nasusuka. "Ang sabi ay nagustuhan ng anak ng kaibigan ni Shiela si Chantal kaya gustong makipag-date."
TUMANGO-TANGO si Chantal sa hiling ng bata. Hindi niya gustong masira ang wish nito. “Hmm… Oo naman, magiging happy family tayo. Forever.” Pag-angat ng tingin kay Archie ay nakatitig din pala ito sa kanya.Ilang segundo silang ganoon hanggang siya na ang unang umiwas ng tingin. Pagkatapos ay tuloy-tuloy na sila sa labas ng bahay.Si Shiela agad ang unang nakapansin sa kanila. “Kanina pa kita hindi nakikita, sa’n ka galing?” aniya habang nakahawak sa balikat nito. “Umiyak ka ba?”“Kasalanan ko, ‘Ma,” agap ni Archie.“Nag-away kayo?”“Wala lang po ‘yun, ‘Ma,” si Chantal ang nagsalita para hindi na lumalim ang usapan. “May fireworks po kayong hinanda?” pag-iiba niya pa ng topic.Tumango lang si Shiela at hindi na masiyadong inalam ang pinagtatalunan ng dalawang anak.Hindi nagtagal ay inaabangan na nila ang fireworks hanggang sa nagsimula na nga.Lahat ay nakatingala sa madilim na langit at pinagmamasdan ang makukulay na paputok. Napapahiyaw pa nga si Amber sa tuwa at pagkabigla sa sunod
PIGIL-HININGA si Chantal ng sandaling iyon. Gusto niyang marinig kung anong sasabihin ni Archie. Kulang na nga lang ay sumilip siya ngunit nanatili na lamang siya sa puwesto.“Kailangan mo talagang pakisamahan ang mga kapatid ko kung gusto mong maging parte ng pamilya. Lalo na kay Chantal dahil mas close ako sa kanya.”Tila daan-daan karayom ang tumusok sa puso ni Chantal nang marinig iyon mula sa lalakeng iniibig.Natawa si Heather sa sinabi nito. “Wow, akala ko ba’y hindi ka interested sa gustong mangyari ng mga parents natin? Ba’t ngayon ay parang willing ka ng ma-engaged sa’kin?”Napatiim-bagang si Archie at hinarap ito. “Dahil iyon ang gusto nila Papa.”“What an obedient child, indeed,” komento naman ni Heather. “I think, wala talaga siya rito kaya sa ibang lugar na lang tayo maghanap?” Saka niyakap ang braso nito.“Anong ginagawa mo?” react naman agad ni Archie.“Ano pa ba? Dapat nagsasanay na tayong maging ganito sa isa’t isa. Kasi, sooner or later ay haharap tayo sa mga tao bi
PINAGMASDAN muna ito ni Archie saka marahan hinaplos ang pisngi gamit ang likod ng kamay. Hindi pa siya nakontento at inayos ang ilang takas na hibla ng buhok.“Wala naman kaming pinag-usapan. Tinanong ko lang siya kung saan niya pa gustong pumunta tapos bumalik na kami dahil hindi siya interested,” iyon na lamang ang sinabi niya sa halip na bigyan ng iisipin ang nobya.“Maganda siya… Tingin mo ba, may chance na magkagusto ka sa kanya?” ani Chantal.“No.”“Pero pa’no kung ipag—“ hindi na niya natapos ang sasabihin nang haplusin ni Archie ang kanyang bibig gamit ang daliri.“’Wag na lang natin siyang pag-usapan. Hindi naman siya mahalaga.”Iyon man ang sinabi nito pero hindi talaga maiwasan na mabahala ni Chantal. Kitang-kita niya kung gaano kagusto ng Ina si Heather. Lalo na nang umalis ang dalawa kanina ay wala itong ibang bukang-bibig kundi ang dalaga. Maging si Zia tila gusto rin ang dalaga.Ayaw niya man aminin sa sarili pero naiinggit siya. Dahil kahit kailan ay hindi niya marara
PAREHONG natigilan sa paghinga ang dalawa habang nakatitig sa inosenteng mga mata ni Amber. Nang walang ano-ano ay bigla itong tumakbo palapit sa kanila sabay yakap.“Power hug~!” hiyaw pa ng bata na tuwang-tuwa.Asiwa naman na napangiti si Chantal saka humiwalay ng yakap kay Archie. Pagkatapos ay naupo upang pantayan ang height ng bata sabay yakap. Nakahinga siya nang maluwag nang hindi sila mahuli ng bata. Buong akala niya ay iyon na ang katapusan ng maliligayang sandali nilang dalawa ng nobyo.Matapos ang yakapan ay binuhat naman ni Archie ang limang taon gulang na kapatid saka hinalik-halikan sa pisngi. “Namiss mo ba si Kuya?”Tumango si Amber saka ito niyakap sa leeg. “Play tayo, Kuya.” Lambing pa niya sabay sandal ng ulo sa balikat nito.“Punta muna ako sa kwarto ko,” saad ni Chantal saka iniwan ang dalawa. Paglabas ay halos makasabay niya ang katulong na dala ang kanyang bagahe.Sa halip na kunin mula rito ang gamit ay sinabayan na lamang niya ang katulong hanggang sa makapasok
ILANG KILOMETRO ang layo mula sa bahay ng mga Cruz ay nakaparada ang isang mamahaling kotse sa madilim na bahagi ng lugar, iyong hindi madalas daanan ng sasakyan at ng kahit sino.Mula sa loob ay maririnig ang dalawang magkaibang boses na kapwa nahihirapan at nasasarapan sa ginagawa habang umu*ngol. Kulang na lamang ay umalulong ang lalakeng nakasandal sa backseat habang hawak sa bewang ang babaeng nakaupo at taas-baba na gumagalaw.“Sige pa, bilisan mo pa,” ung*l na may kasamang daing na sabi ni Archie. Nararamdaman na niyang malapit na siya kaya gusto niyang bilisan nito ang paggalaw.Ang babae naman na nakaupo ay hirap na hirap na sa pwesto, napapagod na rin dahil hindi naman sanay sa ganoong posisyon. “P-Pagod na ‘ko,” hinihingal pang sabi ni Chantal.Umigting ang panga ni Archie, hindi niya gustong doon pa ito tumigil kaya niyakap niya ito sabay ikot para magpalit sila ng puwesto. Ngayong siya na ang nasa itaas kaya malaya na niyang magagawa ang gusto.Inangat niya ang kanan niton