SA PAGKAKAALAM ni Zia, ang mga lalakeng nangangaliwa ay mayroong spare phone para hindi mahuli sa ginagawang kalokohan. Ngunit nang tumunog ang cellphone ni Louie habang nasa banyo at nagsa-shower ay binasa niya ang mensahe galing kay Bea. Nagpapasalamat ito sa regalong ibinigay ng kanyang asawa. Kalakip ang isang imahe na kung saan ay suot nito ang naturang damit na masiyadong pormal para sa bata at maamo nitong mukha. Kaya hindi kataka-takang saliwa ang ngiti nito sa camera. Tinitigan ni Zia ang imahe. Matagal na siyang nagdududa na may ibang babae ang asawa ngunit hindi niya akalaing sa mas bata. Nagsisisi tuloy siyang natuklasan ang lihim ng asawa. Ilang sandali pa ay lumabas ang asawa na basa at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan. “Bakit?” tanong ni Louie dahil sa matagal niyang pagtitig. Lumapit ito at kinuha ang cellphone mula kay Zia. Hindi niya nakitaan ng kahit anong reaksyon si Louie. Naroon pa rin ang kompiyansa na tila wala itong ginagaw
MAKALIPAS ang ilang araw ay umuwi sa bahay si Louie. Pinagbuksan siya ng pinto ng driver at akma pang kukunin ang luggage na dala ngunit inunahan na niya ito. “Ako na ang magdadala.” Sa may entrance naman ng bahay ay sumalubong ang ilang katulong sa kanya. “Welcome back, Sir Louie,” bati pa ng mga ito. “Si Zia nasa’n, hindi ba mukhang galit?” tanong niya. “Nasa taas po, Sir,” sagot ng isang katulong ngunit hindi na nagkomento sa pangalawa niyang katanungan. Tuloy-tuloy naman siya paakyat sa hagdan na iritado. Huli na niyang natuklasan ang nangyari sa pamilya ng asawa dahil hindi man lang kaagad pinaalam ni Alice. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nakaupo si Zia sa vicinity mirror at nag-aayos ng gamit. Pumasok siya at naupo sa kama sabay tanggal ng kurbata habang nakatingin dito. Matapos nilang makasal, isa sa napuna ni Louie sa asawa ay magaling ito sa gawaing bahay sa kabila ng kinagisnan nitong buhay. Mula sa mayamang pamilya si Zia at pinalaking prinsesa kaya nakapagtatakan
INAMOY-AMOY ni Louie ang leeg ng asawa. Gustong-gusto niya ang natural nitong bango maging ang ekspresyon sa tuwing tinitingnan niya. Kahit wala siyang nararamdaman para kay Zia ay hindi niya maiwasang makalimot dahil sa ganda nitong taglay. Maliban doon ay asawa niya ito kaya may karapatan siyang angkinin ang kung ano mang pag-aari niya. Hinubaran niya ito at walang tinira kahit na anong saplot sa katawan. Matapos ay isinunod niya ang sariling damit saka muli itong hinalikan. Pinaliguan niya ng halik sa katawan si Zia. Ang kinakapos nitong hininga ay parang musika sa pandinig ni Louie. Kaya mas lalo siyang nasasabik. Kung kanina ay itinutulak-tulak pa siya… ngayon naman ay nakayapa na sa kanyang batok. “Louie… hindi ‘ko pa naiinom ang contraceptive pills. Kung ipagpapatuloy natin ‘to ay paniguradong mabubuntis ako,” bulong ni Zia. Agad naman siyang natauhan. Kahit gaano pa siya kasabik ay hinding-hindi niya gugustuhing mabuntis si Zia. Wala sa plano niya ang magkaanak dito. "Mu
PININDOT ni Zia ang button para sa bintana ng kotse. Ramdam niya ang bigat ng atmosphere habang nasa loob ng sasakyan kaya kailangan niya ng hangin. Habang si Louie naman ay mahigpit ang hawak sa manibela. Napapahilot pa nga sa noo dahil sa iritasyon. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas?” anito. Pakiramdam kasi ni Louie na nagpapapansin na lang siya. “Hanggang sa ibigay mo na ang gusto ko. Ayoko nang makasama ka,” ani Zia. Napatiim-bagang si Louie at tumagal ang titig sa kanya. At kahit naiirita sa asawa ay naaapektuhan pa rin si Zia dahil ilang taon niyang kinahumalingan ito. Sa puntong nao-obsess siya ngunit kung ikukumpara ang noon at ngayon ay tila hindi na ganoon katindi ang nararamdaman niya para rito. Sa narinig ay dumilim pang lalo ang ekspresyon ni Louie. “Baba sa kotse… bumaba ka na!” hiyaw nito nang alisin ang automatic lock sa pinto. Kinabahan si Zia at ilang sandali pa ay lumabas ng kotse para pumasok sa bahay. Naiwan sa sasakyan si Louie na nakuha pang manigarilyo
NAPADAING si Zia at pilit itong itinutulak. “Ano ba, nasa ospital tayo!” “Wala akong pakialam,” saad ni Louie na patuloy pa rin siyang iniipit sa pader at nakuha pang ilapit ang mukha. “Kilala mo ba kung sino ‘yun?” anito. Nang una ay hindi maintindihan ni Zia kung bakit ito nagkakaganito ngunit tuluyan na rin niyang naunawaan na dahil pala sa doctor. “Louie, sa dinami-rami ng kinakaharap kong problema ngayon… iniisip mo pang lalandi ako sa iba? At kung gagawin ko man iyon, sisiguraduhin ko munang tapos na tayo,” matapos iyong sabihin ay tinulak niya nang ubod lakas si Louie para bumalik sa kwarto. Ngunit sumunod pa rin ito at natigilan nang makita na may ibang tao sa loob ng kwarto. Napatayo agad si Maricar nang makita si Louie at nag-alok pa ng mauupuan. “Maupo ka muna. Zia, anak, ipagbalat mo ng prutas ang asawa mo. Pagkatapos ay sabay na kayong umuwi na dalawa at ako nang bahala sa Papa mong magbantay,” saad pa nito. Naupo naman si Louie at nakipag-usap kay Arturo. Malamig man
ILANG ARAW ang lumipas ng ibenta ni Zia ang kanilang bahay, ang Cruz mansion.Tinatayang nasa mahigit forty-million ang halaga ng naturang bahay ngunit nakipag-negotiate ang buyer para mapababa ang presyo.Siyempre hindi pumayag si Maricar. Ngunit dahil kailangan na kailangan ni Zia ng malaking halaga ay napilitan siyang tanggapin na lamang ang nais ng buyer.Naibenta ang bahay sa halagang twenty-five million.Tutol man ay hindi na kumontra si Maricar dahil una sa lahat ay karapatan iyon ni Zia bilang anak. May kapatid itong nasa kulungan na hindi maaaring pabayaan na lamang.Pagkatapos ng transaksyon ay agad namang binigay ang perang pinagkasunduan.Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtungo si Zia sa kulungan upang dalawin si Chris. Sa non-visiting booth siya dinala kahit gusto niyang mahawakan at mayakap ang kapatid.Muntik pa nga siyang maiyak nang makita si Chris. Ang laki ng ipinagbago sa itsura at pangangatawan nito. Nang ngumiti ito ay agad napawi ang lungkot na nararamdaman niy
HINDI LANG basta nabastos kundi nakaramdam din ng pandidiri si Zia. Bukod sa natanggal ang butones ng damit ay napunit din ang laylayan dahil sa pagpupumiglas.Ngunit si Louie ay hindi man lang makikitaan ng kahit katiting na pagsisisi.Nanginginig si Zia sa galit. “W-Wala kang kuwentang tao, napakahay*p mo!” aniya saka tuluyang umalis.Nanatiling nakasunod ang tingin ni Louie mula sa glass window ng opisina habang nakangisi. Iiling-iling pa nga niyang inayos ang kurbata bago naupo sa swivel chair.Dahil hindi magtatagal ay matatauhan rin Zia. Nagmamatapang lang ito ngayon pero alam niyang hindi nito kayang mawala siya.***SAMANTALANG kahit nakalabas na sa building ay nanginginig pa rin si Zia sa sobrang kaba.Ramdam pa rin niya sa balat ang pambabastos sa kanya ni Louie. Paulit-ulit ding sumasagi sa isip niya ang sinabi nitong bumalik na siya at kakalimutan nito ang lahat. Lalong-lalo na ang galit nito sa kanya at sa pamilya niya.Nakakapanghina ang nangyari kaya hindi na muna siya u
NABIGLA man ngunit inasahan na rin ni Zia na malalaman ng kanyang biyenan ang totoo.Kilala siya ng karamihan sa alta-siyudad kaya hindi kataka-taka na makarating ang balita kay Lucia na tumutugtog siya sa restaurant, club, party at kung saan-saan pa na kailangan ng kanyang serbisyo.Nang araw na iyon habang nasa isang mall at tumutugtog ay napansin niya si Lucia sa kumpol ng mga taong nanunuod. Hindi man mababakasan ng kahit anong ekspresyon sa mukha ay pansin pa rin ni Zia ang kakaibang tingin nito sa suot niyang mumurahing damit.Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit si Lucia. “Kung hindi ka na busy ay sumunod ka sa’kin,” anito.At iyon naman ang ginawa ni Zia. Sinundan niya ito sa malapit na coffee shop matapos na sandaling magpaalam sa kasamahang musician.Nang makuha ang order ay saka lang siya kinausap ni Lucia, “Alam kong magaling ka sa violin, ngunit hindi ko akalaing may talent ka rin pala sa pagtugtog ng piano.”“Substitute lang po ako ngayong araw dahil hindi makakasipot
Chapter 144MATAGAL ang titig ni Mario sa apo saka naupo sa kama habang nakasandal naman ito sa headboard. “Ba’t gusto mong sa abroad? Marami naman maayos na university sa bansa.”Napatingin si Shiela sa magkasalikop na kamay. Hindi niya masabing gusto niyang magpakalayo-layo muna sa problema na kinakaharap.“Dahil ba kay Chris? Kahit hindi mo sabihin ay may tenga ako rito sa bahay. Ang ano man naririnig ng mga katulong dito ay inire-report nila sa’kin kaya hindi mo kailangan na maglihim.”Napabuntong-hininga si Shiela. “Nahihirapan na ‘ko sa sitwasyon namin, ‘Lo. Parang kahit anong gawin ko ay palala nang palala ang hindi namin pagkakaunawaan,” pag-amin pa niya.“Natural lang naman iyon sa mag-asawa pero kung talagang gusto mong sa ibang bansa mag-aral ay hindi kita pipigilan. Dahil kung ako rin naman ang tatanungin ay mas maganda nga ang makapag-aral abroad,” ani Mario. “May naiisip ka na bang bansa?”Umiling si Shiela dahil ang priority lang niya talaga ng mga sandaling iyon ay pan
ISINUGOD sa ospital si Shiela dahil sa taas ng lagnat. Kinaumagahan na ito nagkamalay at tanging private nurse lang ang nabungaran pagmulat ng mata.“S-Sino ka?”Napalingon ang nakaunipormeng babae saka ngumiti. “Ako po si Pia, Miss.”“Kailan pa ‘ko rito?” Gusto niyang bumangon pero nanghihina pa siya nang husto.“Kagabi po, Miss at ngayong umaga lang ako na-hired para magbantay sa inyo.”Pinagmasdan ni Shiela ang putting kisame. “May dumating ba para sa’kin?”“Wala po.”“Ang cellphone ko ba nandito?”Kinuha ni Pia ang bag na binigay sa kanya. “Pinadala ito kanina, mga gamit niyo, Miss pero… Ay, ito, may cellphone.” Pagkatapos ay inilabas sa bag.“Akin na.” Bahagya lang itinaas ni Shiela ang kamay pero hirap na hirap na siya. Matapos makuha ay tiningnan niya kung may missed call ba si Chris pero wala. Maski man lang message ay wala rin siyang natanggap.Mas lalo siyang nadismaya na hindi man lang ito tumawag sa kanya matapos ng nangyari. Naiiyak siya na ewan, hindi niya maintindihan a
HABANG kausap ni Chris ang dalaga sa video call ay nakaramdam siya ng kakaiba mula sa likod kaya lumingon siya at nagtagpo ang tingin nila ni Shiela.Binaba niya ang cellphone saka mabilis na lumapit dito upang magpaliwanag. Hinawakan niya ang kamay nito pero nang mapansin ang nanunuot na tingin ng asawa ay napaiwas siya. “M-Magpapaliwanag—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong binawi ang kamay.“Magpapaliwanag ka na naman? Wala na bang bago, Chris? Ano naman sa pagkakataong ‘to?” halata sa boses ni Katherine ang disappointment.“Si Sheilla kasi—”Bago pa makapagpaliwanag ay tinulak na ito ni Shiela. “Tama na, Chris! Hindi ko kailangan ng walang kwenta mong paliwanag dahil halata naman na siya ang mas matimbang.”“Hindi ‘yan totoo!”“E, ba’t hanggang ngayon may koneksyon pa rin kayong dalawa? Hindi mo pa siya tinatanggal sa trabaho?”“Hindi ko siya pwedeng basta-basta na lamang tanggalin. Wala siyang ginagawang mali sa trabaho.”Pagak na natawa si Shiela. “Sobrang gal
MULI ay nanubig ang mga mata ni Shiela. Parang gusto niya ulit umiyak, hindi niya akalaing sa dami ng ibinuhos na luha kanina ay may mailalabas pa siya.“Sabihin mo na masama ang pakiramdam ko’t bumalik na lang sa susunod.”“Okay po,” anito saka umalis.Nang mapag-isa si Shiela ay pumasok siya sa banyo at nakita sa salamin ang sarili. Mugtong mga mata at namumula ang ilong kaya naghilamos siya upang maibsan ang pamamaga ng mata. Pero sa huli ay napagpasiyahan niyang iligo na lamang ang lahat. Nagbabad siya sa shower habang lumuluha at yakap-yakap ang tuhod.Nang makaramdam ng panlalamig ay saka lang siya nagpasiyang tumayo, kinuha ang tuwalya saka lumabas ng banyo habang tumutulo sa sahig ang ilang butil ng tubig mula sa basang katawan.Naglakad siya papasok sa cloakroom at nagbihis. Habang nasa loob ay narinig niyang tumunog ang cellphone kaya lumabas siya at tiningnan kung sino ang caller.Walang iba kundi si Chris. Mahigit fifty-missed calls ang ginawa nito. Huminga lang siya nang
MATAAS na ang araw nang magising si Shiela. Hindi na masakit ang kanyang tiyan at maaliwalas na rin ang pakiramdam. Pagbangon ay pinagmasdan niya ang kama, wala roon si Chris.Hindi rin niya napansin kung nakatabi niya ba ito kagabi sa pagtulog. Pagbangon ay tiningnan niya kung nasa banyo ba pero wala roon ang asawa. “Maaga ba siyang nagising at lumabas?”Kinuha niya ang cellphone saka ito tinawagan. Sa una ay hindi nito sinagot kaya tumawag siyang muli hanggang sa nakatatlong attempt na at sa pagkakataong iyon ay lumabas na ng hotel room upang tingnan kung nasa labas ba ito.Pero ang sumunod na pangyayari ang nagpawasak ng kanyang mundo. Dahil sa katabing kwarto ay nakita niyang lumabas si Chris habang nagkukumahog na ayusin ang pagkakabutones ng polo. Halatang nagpalipas ito ng gabi sa ibang kwarto.“S-Shiela,” bakas ang kaba sa boses ni Chris ng sambitin ang pangalan ng asawa.“Anong ginagawa mo riyan?”Napalingon si Chris sa bukas na pinto saka muling binalik ang tingin sa asawa.
Chapter 139KAHIT abala ang mag-asawa sa pag-serve ng pagkain sa mga customer ay napansin pa rin nila ang isang babaeng papalapit kasama ng dalawang naka-unipormeng lalake.Sa suot pa lang ng babae at sa kasama nito ay walang duda na nagmula ito sa mayamang pamilya. “Kausapin mo at baka may kailangan,” ani Ernesto.At iyon naman ang ginawa ni Victoria. “Magandang araw, Miss. May kailangan po kayo o hinahanap?”Tumango si Shiela saka ngumiti. Natigilan si Victoria dahil sa malapitan ay kahawig nito ang anak lalo na nang ngumiti.“Hello po, itatanong ko lang kung may kilala kayong Sheilla?”Nagbago ang ekspresyon ni Victoria matapos nitong banggitin ang pangalan ng anak. “Bakit, anong kailangan mo sa kanya?”Nilahad naman ni Shiela ang kamay saka nagpakilala, “Ako nga po pala si Shiela, may kailangan lang ako sa kanya, nandiyan ba siya?”Mapanuri ang tingin ni Victoria pero kalaunan ay tumango. “Sandali at tatawagin ko. Tumuloy ka muna.”Ngumiti lang si Shiela. Hindi niya gustong makais
LINGGO ng araw na iyon kaya walang pasok si Chris. Pero maaga siyang umalis ng bahay kasama ang anak at ang Nanny nito upang sunduin ang asawa dahil magsisimba sila.Pagdating ay pinapasok sila sa Moreno mansion. Agad kinarga ni Shiela ang anak at hinalik-halikan. “Ang bango naman ng Archie ko… Nasa taas si Lolo, iaakyat ko muna para makita niya ang bata.”Tumango lang si Chris at naghintay sa may salas kasama ng Nanny. Mayamaya pa ay may lumapit na katulong na may dalang inumin para sa kanilang bisita.Sa taas, sa mismong kwarto ng matanda ay kumatok si Shiela. “’Lo, gising na po kayo?”“Tuloy ka,” ani Mario.Binuksan ni Shiela ang pinto at nakangiting pumasok. “Kasama ko si Archie.”Nakatalikod ng mga sandaling iyon si Mario nang mapalingon at ngumiti. “Anong ginagawa mo rito?~” malambing na saad niya sa bata.Lumapit si Shiela. “Magmano ka kay Lolo, Archie.”Ang inosenteng bata ay sinunod naman ang utos ng Ina.Bakas sa mata ni Mario ang tuwa saka hinaplos-haplos ang buhok nito. “G
PUMASOK si Chris sa cloakroom upang mabilisang magpalit ng damit habang ang cellphone ay inipit sa pagitan ng leeg at tenga. “Nasa’n ka at pupuntahan kita ngayon.”Sinabi ni Sheilla ang lugar kaya agad siyang lumabas ng kwarto.Paakyat na nang mga sandaling iyon si Maricar upang magpahinga nang mabilis na dumaang ang anak. “Sa’n ka pupunta?”“May importante lang akong gagawin, ‘wag niyo na ‘kong hintayin,” tugon ni Chris na lakad-takbo ang ginagawa. “Buksan niyo ang gate!” utos niya pa sa isang tauhan na nakabantay sa gate ng mansion bago pumasok sa sasakyan.Matapos buhayin ang makina ay agad niyang pinaharurot ang kotse. Mabuti na lamang at hindi traffic kaya agad rin siyang nakarating sa sinasabi nitong lugar.Pero nang makita ang signage sa itaas ay napakunot-noo siya. “Anong ginagawa niya sa motel?”Kahit kahina-hinala ang lugar kung saan binabalak ni Sheilla na wakasan ay sariling buhay ay pumasok pa rin siya sa loob. May sumita naman na staff at sinabi niyang may hinahanap lang
MAHIGPIT ang kapit ni Shiela sa damit ng asawa habang umiiyak. “Sorry talaga,” pagngawa niya pa.Natawa naman si Chris dahil ang pangit ng iyak nito. “’Wag ka nang umiyak, baka isipin pa nila inaaway kita.” Matapos ay pinagsalikop ang kamay nilang dalawa. “Tara sa kotse at marami-rami pa tayong dapat pag-usapan. Kailangan nating ilabas lahat ng sama ng loob sa isa’t isa para maayos natin kung ano man ang hindi pagkakaunawaan.”Tumango naman si Shiela saka nagpahila rito patungo sa kotse. Una siyang pinasakay at ito na rin mismo ang kusang nagkabit ng seat-belt. Natawa nga siya dahil sa extra effort nito. “Kaya ko na—” hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang sunggaban ng halik.Nabigla man sa ginawa ng asawa pero agad ring tumugon si Shiela. Awtomatikong nilingkis ang dalawang braso sa batok nito. Bahagya lang nilaliman ni Chris ang halik saka humiwalay. Isang matamis na ngiti ang iginawad, lumabas ng kotse at sinara ang pinto saka lumipat sa driver seat. Matapos ay nagmaneho