MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
SA LAKAS ng sampal na pinadapo ni Shiela ay napaling sa ibang direksyon ang mukha ni Chris. May parang tusok-tusok itong naramdaman sa pisnging nakatikim ng palad nito. Medyo may kaunting tinis na tunog din siyang naririnig sa kaliwang tenga.Pero sa halip na magalit sa ginawang pananakit ni Shiela ay napaismid lang si Chris. "Oppss, nabisto agad ako." Saka hinimas-himas ang pisngi na nasaktan. "Ito ba ang pang-welcome mo sa'kin?" sarkasmo niyang tanong.Nanlisik naman ang mga mata ni Shiela saka ito pinagsususuntok sa dibdib. "Walanghiya ka! Anong kasalanang ginawa ni Lolo para gawin mo 'to?!"Nang una ay tinitiis lang ni Chris ang natatamong suntok nito hanggang sa tuluyan na niyang pigilan at mahigpit na hinawakan ang magkabila nitong braso. "Tumigil ka na! Tinatanong mo kung anong nagawa niyang mali?! 'Wag mo sabihing lumipas lang ang isang taon ay nakalimot ka na sa mga ginawa niya sa'kin, sa'tin?!"Sa narinig ay natauhan si Shiela. Napagtanto niya ang mga maling nagawa ng Abuelo
PARANG nakakita ng multo si Shiela sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala--mali. Hindi niya talaga mapaniwalaan dahil napaka-imposible iyong mangyari sa kanyang Abuelo."Sinong nagsabi sa'yo niyan?""Tinawagan po kami ng secretary at sinabing 'wag magpapapasok ng kahit sino, utos ni Senior. Wala rin pong pinapayagan na lumabas.""Pa'no ko mapupuntahan si Lolo kung hindi--" Natigilan si Shiela nang tumunog ang phone. Sa pag-aakalang emergency ay agad niyang kinuha sa bulsa para lang mag-alangan na sagutin ang tawag mula sa ama.Huminga muna siya nang malalim saka ito sinagot, "Hello, 'Pa?""Papunta pa lang kami sa hotel ng makatanggap ng tawag na hinuli ng pulis si Papa?" tukoy ni Rolan sa ama."Hindi ako pumunta kaya ngayon ko lang din po nalaman. Ang sabi ay sinugod siya sa ospital matapos atakihin, puntahan niyo po siya ngayon, 'Pa. Hindi rin po kasi ako makalabas dito dahil inutos ni Lolo na walang magpapapasok at lalabas--" Saka muling tiningnan ang gate. "Nakaharang po ang mga t
KALANSING ng kubyertos ang maririnig sa hapagkainan. Kanina pa kumakain si Shiela at ganoon din si Mario. Matatapos na nga sana ang matanda dahil kaunti lang naman itong kumain kaya sinamantala na niya ang pagkakataon bago pa ito umalis. "'Lo, advance happy birthday po." "Salamat," tipid na sagot ni Mario. "Gusto ko sanang pumunta bukas sa celebration." Nag-angat ng tingin si Mario. "Pupunta ka? Akala ko ba'y ayaw mo?" Asiwang napangiti si Shiela. "Wala na rin pong rason para iwasan ko si Chris dahil nagkita na kami." Mataman ang tingin ni Mario saka muling binalingan ang pagkain. "Gusto mong pumunta? Walang problema sasabihan ko si Cedric na sunduin ka rito." Napakurap si Shiela. "Ba't siya, 'Lo? Hindi ba pwedeng sa'yo na lang ako sumama?" "Mas mainam na makita kayo ng mga bisita bukas na magkasama." Parang wala lang kay Mario ang sinabi nito pero hindi para kay Shiela. Hindi niya nagustuhan ang ideya na kailangan niyang pumunta sa celebration na kasama ng binata. Pa
HININTAY muna ni Shiela na magising ang anak saka sila bumaba para makakain ng almusal. Nakaharap na rin niya ang bagong Nanny ng anak na naghihintay sa sala at mukha naman itong mabait. Galing sa isang kilalang agency kaya panatag siya.Nagpakilala si Aileen na mas matanda ng sampung taon kay Shiela. Ayon dito ay isang dekada na rin nagtatrabaho bilang Yaya."Katatapos lang po ng kontrata ko sa dating amo, Ma'am. Dalawang taon din ako sa kanilang nanilbihan," kuwento pa nito."Anong rason at ba't hindi ka na nagtatrabaho ro'n?" tanong naman ni Shiela saka binaba ang anak sa upuan."Hindi na po nila ni-renew, Ma'am at nagbabawas sila ng tao. Malaki na rin po kasi ang inaalagaan ko, five years old."Tumango-tango naman si Shiela saka kinausap ang isang katulong. "Ate, kakain na po kami ni Archie. Pakikuha ng cereal niya at pakakainin ko.""Okay po, Miss." Na bahagya pang yumukod.Nakasunod ang tingin ni Aileen sa katulong. "Miss pala po ang tawag nila sa'yo rito, Ma'am. Kung gano'n ay
MATAGAL tinitigan ni Shiela ang Abuelo saka nagsalita, "Sigurado po ba kayong gusto niyong malaman kung anong napag-usapan namin?"Nagbaba ng tingin si Mario sa pagkain na animo ay walang narinig. "Hindi na pala kailangan." Saka humigpit ang hawak sa kubyertos matapos mapagtanto na nawala siya sa sarili at nasabi iyon. Nagmumkha siyang desperado kung ano man ang napag-usapan ng dalawa. "Baka lang kasi may sinabi na naman siyang hindi totoo.""Wala pong nangyaring gano'n. Kinarga lang niya ang bata at pagkatapos ay umalis na. Natagalan lang kami dahil iyak nang iyak si Archie pagkaalis nito," paliwanag ni Shiela saka pinagpatuloy ang pagkain.Pero kahit anong gawin niya ay ayaw ng kumain ang anak, nagtatampo. Hanggang sa matapos na silang maghapunan. Lumipat silang muli sa sala kung saan ay nag-usap pa sina Janette at Mario. Habang si Shiela ay napagpasiyahan na iakyat ang anak dahil aborido na talaga ito.Pero sa hagdan pa lang ay natigilan na sila dahil sa tauhan na nagbabantay sa la
NAPATINGIN si Shiela sa Abuelo matapos iyong sabihin ng katulong. Mabilis siyang tumayo pero bago umalis ay nagtanong ito."Anong nangyayari, Shiela? Sa'n ka pupunta?""M-May kukunin lang po ako, 'Lo," palusot niya pa kahit alam naman niyang sasabihin ng katulong ang totoo. Matapos ay naglakad na siya patungo sa bukana ng mansion.Saglit siyang tumigil upang pagmasdan mula sa malayo ang gate. Pansin niyang may nakaparadang sasakyan sa labas ng gate at doon nagsimulang kumabog ang kanyang dibdib, hindi sa excitement na muling makita ang dating asawa. Alam niyang malabong iyon ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya lamang mapangalanan.Naglakad siya palapit hanggang sa unti-unti niyang nakikita ang lalakeng nakasandal sa itim na kotse, nakatalikod ito kaya hindi niya makita ang mukha pero nasisiguro niyang si Chris. Wakang duda kahit matagal na niya itong hindi nakikita.Umungot ang gate ng buksan niya kaya napalingon si Chris na may subo-subo pa sa bibig. Kumunot
NATIGILAN si Shiela at napakurap pa ng mata. "H-Hindi ko alam na ganito pala kayo mag-celebrate. Sorry."Mabigat ang ginawang pagbuntong-hininga ni Mario. "Ano pang magagawa ko kung nandito ka na... Gusto mo bang um-attend?"Umiling si Shiela. "Hindi pa 'ko ready na makaharap sila ate Zia."Sandaling katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa muling nagsalita si Mario, "Ang mas mabuti pa'y magpahinga ka na muna. Ngayong nandito ka na'y may gusto akong ipakilala sa'yo.""Sino po?""Malalaman mo rin mamaya sa dinner."Gusto pa sanang magtanong ni Shiela ngunit halata naman na abala ito sa trabaho kahit nasa bahay lang. "Okay po, 'Lo," aniya saka nagpaalam ng aalis. Bumalik siya sa kwarto at tinabihan ang anak sa pagtulog.Nang magising ay palubog na ang araw. Paglingon ay bigla na lamang siyang napabangon dahil wala na sa kanyang tabi si Archie."A-Anak?" Bumaba siya sa kama saka naghanap sa buong kwarto ngunit hindi niya ito makita. Sa huli ay lumabas siya at bumaba.Wala siyang na
SANDALING katahimikan ang namayani sa dalawa. Gustong magsalita ni Shiela pero pinangunahan siya ng sariling emosyon. Sobrang unfair sa kanya ng sitwasyon."Sa tingin ko, mas mabuti na rin sigurong ganito ang kinalabasan ng relasyon natin dalawa. Kasi, napagtanto ko na baka... hindi talaga tayo para sa isa't isa. Na kahit anong gawin na'tin, darating at darating tayo sa puntong 'to," matapos iyong sabihin ay tumalikod na siya bago pa tuluyang umiyak sa harap nito. Si Chris naman ay napalingon at tinangka itong hawakan ngunit hindi niya maabot ang kamay ng asawa. Malayo-layo ang distansya nilang dalawa mula sa kama. Akmang babangon pa nga sana siya ngunit nahihirapan ng gumalaw, walang lakas sa katawan."Magpagaling ka at hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa," dagdag pa ni Shiela saka mabilis na naglakad palabas ng kwarto."S-Shiela! Sandali lang!" ani Chris, nakataas ang kamay at pilit itong inaabot. "Sandali lang, 'wag kang umalis..."Ngunit huli na para roon dahil nakalabas na
HINGANG MALALIM ang ginawa ni Shiela saka pinaunang isakay sa kotse ang anak. “Mama,” sambit ni Archie saka nagpupumilit na kumandong. Napangiti naman si Shiela at niyakap ang anak. Ilang sandali pa habang bumabiyahe sa national highway ay pinagmasdan niya ang paligid sa labas ng kotse. “Isang taon na rin,” sambit niya sa hangin. Pero tandang-tanda niya pa ang mga nangyari na animo ay parang kahapon lang naganap. Nagsimula iyon noong bumalik siya sa bansa matapos malaman na naaksidente si Chris. Dahil hindi naging maganda ang pag-uusap nila ni Zia ay pinagpatuloy nila iyon sa sumunod na araw kung saan ay pareho na silang mahinahon... “Hindi pa rin ba nagigising si Chris, Ate?” Umiling si Zia. “Hindi pa rin… Pero umaasa kaming magigising siya sa lalong madaling panahon.” “… E, ang babaeng ‘yun?” Nag-angat ng tingin si Zia, direkta sa mga mata nito. “Pansamantala siyang nasa puder namin—” “Bakit?!” kunot na kunot ang noo na tanong ni Shiela. “Wala siyang ibang matutuluyan. Lum