SA PAGKAKAALAM ni Zia, ang mga lalakeng nangangaliwa ay mayroong spare phone para hindi mahuli sa ginagawang kalokohan. Ngunit nang tumunog ang cellphone ni Louie habang nasa banyo at nagsa-shower ay binasa niya ang mensahe galing kay Bea. Nagpapasalamat ito sa regalong ibinigay ng kanyang asawa. Kalakip ang isang imahe na kung saan ay suot nito ang naturang damit na masiyadong pormal para sa bata at maamo nitong mukha. Kaya hindi kataka-takang saliwa ang ngiti nito sa camera. Tinitigan ni Zia ang imahe. Matagal na siyang nagdududa na may ibang babae ang asawa ngunit hindi niya akalaing sa mas bata. Nagsisisi tuloy siyang natuklasan ang lihim ng asawa. Ilang sandali pa ay lumabas ang asawa na basa at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan. “Bakit?” tanong ni Louie dahil sa matagal niyang pagtitig. Lumapit ito at kinuha ang cellphone mula kay Zia. Hindi niya nakitaan ng kahit anong reaksyon si Louie. Naroon pa rin ang kompiyansa na tila wala itong ginagaw
MAKALIPAS ang ilang araw ay umuwi sa bahay si Louie. Pinagbuksan siya ng pinto ng driver at akma pang kukunin ang luggage na dala ngunit inunahan na niya ito. “Ako na ang magdadala.” Sa may entrance naman ng bahay ay sumalubong ang ilang katulong sa kanya. “Welcome back, Sir Louie,” bati pa ng mga ito. “Si Zia nasa’n, hindi ba mukhang galit?” tanong niya. “Nasa taas po, Sir,” sagot ng isang katulong ngunit hindi na nagkomento sa pangalawa niyang katanungan. Tuloy-tuloy naman siya paakyat sa hagdan na iritado. Huli na niyang natuklasan ang nangyari sa pamilya ng asawa dahil hindi man lang kaagad pinaalam ni Alice. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nakaupo si Zia sa vicinity mirror at nag-aayos ng gamit. Pumasok siya at naupo sa kama sabay tanggal ng kurbata habang nakatingin dito. Matapos nilang makasal, isa sa napuna ni Louie sa asawa ay magaling ito sa gawaing bahay sa kabila ng kinagisnan nitong buhay. Mula sa mayamang pamilya si Zia at pinalaking prinsesa kaya nakapagtatakan
INAMOY-AMOY ni Louie ang leeg ng asawa. Gustong-gusto niya ang natural nitong bango maging ang ekspresyon sa tuwing tinitingnan niya. Kahit wala siyang nararamdaman para kay Zia ay hindi niya maiwasang makalimot dahil sa ganda nitong taglay. Maliban doon ay asawa niya ito kaya may karapatan siyang angkinin ang kung ano mang pag-aari niya. Hinubaran niya ito at walang tinira kahit na anong saplot sa katawan. Matapos ay isinunod niya ang sariling damit saka muli itong hinalikan. Pinaliguan niya ng halik sa katawan si Zia. Ang kinakapos nitong hininga ay parang musika sa pandinig ni Louie. Kaya mas lalo siyang nasasabik. Kung kanina ay itinutulak-tulak pa siya… ngayon naman ay nakayapa na sa kanyang batok. “Louie… hindi ‘ko pa naiinom ang contraceptive pills. Kung ipagpapatuloy natin ‘to ay paniguradong mabubuntis ako,” bulong ni Zia. Agad naman siyang natauhan. Kahit gaano pa siya kasabik ay hinding-hindi niya gugustuhing mabuntis si Zia. Wala sa plano niya ang magkaanak dito. "Mu
PININDOT ni Zia ang button para sa bintana ng kotse. Ramdam niya ang bigat ng atmosphere habang nasa loob ng sasakyan kaya kailangan niya ng hangin. Habang si Louie naman ay mahigpit ang hawak sa manibela. Napapahilot pa nga sa noo dahil sa iritasyon. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas?” anito. Pakiramdam kasi ni Louie na nagpapapansin na lang siya. “Hanggang sa ibigay mo na ang gusto ko. Ayoko nang makasama ka,” ani Zia. Napatiim-bagang si Louie at tumagal ang titig sa kanya. At kahit naiirita sa asawa ay naaapektuhan pa rin si Zia dahil ilang taon niyang kinahumalingan ito. Sa puntong nao-obsess siya ngunit kung ikukumpara ang noon at ngayon ay tila hindi na ganoon katindi ang nararamdaman niya para rito. Sa narinig ay dumilim pang lalo ang ekspresyon ni Louie. “Baba sa kotse… bumaba ka na!” hiyaw nito nang alisin ang automatic lock sa pinto. Kinabahan si Zia at ilang sandali pa ay lumabas ng kotse para pumasok sa bahay. Naiwan sa sasakyan si Louie na nakuha pang manigarilyo
NAPADAING si Zia at pilit itong itinutulak. “Ano ba, nasa ospital tayo!” “Wala akong pakialam,” saad ni Louie na patuloy pa rin siyang iniipit sa pader at nakuha pang ilapit ang mukha. “Kilala mo ba kung sino ‘yun?” anito. Nang una ay hindi maintindihan ni Zia kung bakit ito nagkakaganito ngunit tuluyan na rin niyang naunawaan na dahil pala sa doctor. “Louie, sa dinami-rami ng kinakaharap kong problema ngayon… iniisip mo pang lalandi ako sa iba? At kung gagawin ko man iyon, sisiguraduhin ko munang tapos na tayo,” matapos iyong sabihin ay tinulak niya nang ubod lakas si Louie para bumalik sa kwarto. Ngunit sumunod pa rin ito at natigilan nang makita na may ibang tao sa loob ng kwarto. Napatayo agad si Maricar nang makita si Louie at nag-alok pa ng mauupuan. “Maupo ka muna. Zia, anak, ipagbalat mo ng prutas ang asawa mo. Pagkatapos ay sabay na kayong umuwi na dalawa at ako nang bahala sa Papa mong magbantay,” saad pa nito. Naupo naman si Louie at nakipag-usap kay Arturo. Malamig man
ILANG ARAW ang lumipas ng ibenta ni Zia ang kanilang bahay, ang Cruz mansion.Tinatayang nasa mahigit forty-million ang halaga ng naturang bahay ngunit nakipag-negotiate ang buyer para mapababa ang presyo.Siyempre hindi pumayag si Maricar. Ngunit dahil kailangan na kailangan ni Zia ng malaking halaga ay napilitan siyang tanggapin na lamang ang nais ng buyer.Naibenta ang bahay sa halagang twenty-five million.Tutol man ay hindi na kumontra si Maricar dahil una sa lahat ay karapatan iyon ni Zia bilang anak. May kapatid itong nasa kulungan na hindi maaaring pabayaan na lamang.Pagkatapos ng transaksyon ay agad namang binigay ang perang pinagkasunduan.Nang magkaroon ng pagkakataon ay nagtungo si Zia sa kulungan upang dalawin si Chris. Sa non-visiting booth siya dinala kahit gusto niyang mahawakan at mayakap ang kapatid.Muntik pa nga siyang maiyak nang makita si Chris. Ang laki ng ipinagbago sa itsura at pangangatawan nito. Nang ngumiti ito ay agad napawi ang lungkot na nararamdaman niy
HINDI LANG basta nabastos kundi nakaramdam din ng pandidiri si Zia. Bukod sa natanggal ang butones ng damit ay napunit din ang laylayan dahil sa pagpupumiglas.Ngunit si Louie ay hindi man lang makikitaan ng kahit katiting na pagsisisi.Nanginginig si Zia sa galit. “W-Wala kang kuwentang tao, napakahay*p mo!” aniya saka tuluyang umalis.Nanatiling nakasunod ang tingin ni Louie mula sa glass window ng opisina habang nakangisi. Iiling-iling pa nga niyang inayos ang kurbata bago naupo sa swivel chair.Dahil hindi magtatagal ay matatauhan rin Zia. Nagmamatapang lang ito ngayon pero alam niyang hindi nito kayang mawala siya.***SAMANTALANG kahit nakalabas na sa building ay nanginginig pa rin si Zia sa sobrang kaba.Ramdam pa rin niya sa balat ang pambabastos sa kanya ni Louie. Paulit-ulit ding sumasagi sa isip niya ang sinabi nitong bumalik na siya at kakalimutan nito ang lahat. Lalong-lalo na ang galit nito sa kanya at sa pamilya niya.Nakakapanghina ang nangyari kaya hindi na muna siya u
NABIGLA man ngunit inasahan na rin ni Zia na malalaman ng kanyang biyenan ang totoo.Kilala siya ng karamihan sa alta-siyudad kaya hindi kataka-taka na makarating ang balita kay Lucia na tumutugtog siya sa restaurant, club, party at kung saan-saan pa na kailangan ng kanyang serbisyo.Nang araw na iyon habang nasa isang mall at tumutugtog ay napansin niya si Lucia sa kumpol ng mga taong nanunuod. Hindi man mababakasan ng kahit anong ekspresyon sa mukha ay pansin pa rin ni Zia ang kakaibang tingin nito sa suot niyang mumurahing damit.Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit si Lucia. “Kung hindi ka na busy ay sumunod ka sa’kin,” anito.At iyon naman ang ginawa ni Zia. Sinundan niya ito sa malapit na coffee shop matapos na sandaling magpaalam sa kasamahang musician.Nang makuha ang order ay saka lang siya kinausap ni Lucia, “Alam kong magaling ka sa violin, ngunit hindi ko akalaing may talent ka rin pala sa pagtugtog ng piano.”“Substitute lang po ako ngayong araw dahil hindi makakasipot
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon."Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag.Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina.Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos.Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan."Sir!"Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer."Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate."Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas.""Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?""Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob.""Si kuya Fernan, nasa'n?""
HABANG bumabiyahe pauwi sa mansion ay nakatanggap ng message si Shiela mula sa asawa.Chris: Kamusta ang araw mo? Ako, kauuwi pa lang.Katabi niya ng mga sandaling iyon si Evelyn na halata ang pagod sa mukha, ang talukap ng mga mata ay bumabagsak na.Shiela: Okay lang, pauwi pa lang kami para maghapunan.Nang mabasa iyon ni Chris ay napahimas siya sa mukha. Hinihintay niyang mag-open up ito sa nangyari at ayaw niyang makahalata ang asawa na mayroon siyang nalalaman.Shiela: Tatawagan sana kita pero katabi ko si Tita, mamaya na lang after ng dinner.Chris: Okay, I'll wait.Nang mabasa iyon ni Shiela ay itinabi na muna niya ang cellphone at baka maistorbo niya si Evelyn na tuluyan nang nakatulog sa kinauupuan.Maging siya ay unti-unti na ring inaantok hanggang sa hindi na namalayang nakarating na pala sila sa mansion. Pagpasok ay agad silang nagtungo sa dining area para kumain."Manang, maglagay pa kayo ng isang pinggan," utos ni Rolan. "Ilagay niyo sa upuan na laging pinupuwestuhan ni
HUMAKBANG palapit si Shiela ngunit hinarangan agad si Rolan."'Wag kang sumama sa kanya, anak."Tipid na pagngiti ang ginawa ni Shiela saka hinawakan ang kamay nito. "'Wag kayong mag-alala, 'Pa. Hindi ako sasama at kakausapin ko lang siya."Lumapit na rin si Evelyn na bakas ang kaba sa mukha. "Sigurado ka ba? Nag-aalala kaming baka may gawin siya sa'yo."Hinaplos ni Shiela ang balikat nito upang ipakita na walang masamang mangyayari sa kanya. "Salamat sa pag-aalala. Kakausapin ko lang siya't babalik agad ako."Hindi na napigilan ni Rolan ang anak at hinatid na lamang ng tingin habang papalayo upang sundan si Mario."'Wag po kayong mag-alala at ako nang bahalang magbantay," saad naman ni Jeric saka sinundan ang mga ito.Paglabas ni Shiela sa funeral homes ay nakita niyang pabalik sa kotse ang matanda."Hindi niyo ba ako narinig? Ang sabi ko'y makikipag-usap lang ako at hindi sasama sa inyo."Sa pagtitig ng matanda ay agad nakaramdam ng kaba si Shiela. Pakiramdam niya ay may mangyayari
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap
HINDI naging madali para kay Chris na makausap si Mario. Kahit may tulong ni Louie ay parang binabalewala lang siya ng kampo nito. Constantly siyang nagpapadala ng mensahe mula sa secretary ng matanda pero ang daming dahilan. Kahit naresolba na ang problema sa negosyo dahil na rin sa tulong ng bayaw ay ramdam pa rin niya ang impact sa nangyari. Ngayon, panibagong araw na naman ang dumating. Muli niyang susubukan na makipag-usap sa matanda. "Good morning," bulong ni Shiela. Nasa kama pa si Chris habang yakap ang asawa. Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata. "Good morning, kanina ka pa ba gising?" Umiling si Shiela saka mas lalong siniksik ang katawan sa asawa, gustong-gusto niyang inaamoy ito sa umaga. "Ngayon-ngayon lang." Ilang sandali pa ay lumayo siya para bumangon na sa kama at kailangan niya pang ihanda ang pampaligo nito maging susuotin sa trabaho. Pagkatapos ay sunod niyang aasikasuhin ang anak. Pero hindi siya pinakawalan ni Chris at niyakap nang mahigpit.
NAGKATINGINAN sina Evelyn at Rolan sa isa't isa at pareho rin nagkaintindihan."B-Ba't hindi muna kayo maupo, 'Pa," ani Evelyn sa biyenan at aalalayan pa sana ito patungo sa sofa nang iniwas ni Mario ang kamay."Sa tingin niyo ba ay maloloko niyo 'ko?"Muling nagkatinginan ang mag-asawa. "A-Anong ibig niyong sabihin, 'Pa?" si Rolan na may kabang nararamdaman.Naging matalim ang tingin ni Mario sa anak. "Hindi ako umabot ng ganito katanda sa mundong 'to habang nagpapatakbo ng malaking kompanya para mauto sa pinaggagagawa niyo. Matagal ko nang alam na 'yung babae kanina ang anak mo sa labas."Kinabahan si Rolan sa sinabi nito at maging si Evelyn ay ganoon din."A-Alam niyo? Kung gano'n ay ba't parang wala lang sa--""'Wag kang mag-isip nang kung ano-ano. Hinayaan ko lamang silang umalis dahil ayoko nang eskandalo. Sa oras na magkagulo ay baka maapektuhan pa ang reputasyon ko," ani Mario."Pakiusap, 'Pa, 'wag mo siyang sasaktan. Anak ko siya't apo mo."Mas lalong tumalim ang tingin ni Ma
NAGMULAT ng mata si Shiela. Una niyang nakita ang bukas na bintana. Ang ganda ng panahon, maulap at asul na asul ang kalangitan.Hanggang sa bigla na lamang niyang naalala ang nangyari. Kumirot ang ulo niya at agad nasapo ang noo."Mabuti at gising ka na."Nang marinig ang boses ni Evelyn ay bigla na lamang siyang napalingon at nahintakutan."Huminahon ka lang, Shiela. Hindi ka namin sasaktan."Bagama't nanunuyo ang lalamunan ay nagsalita siya, "Alam ko nang plano niyo sa'kin, sinabi nang lahat ni Tanya."Bakas ang lungkot sa mukha ni Evelyn. Si Claire naman ay lumapit saka nagsalin ng tubig sa baso. Matapos ay ibinigay kay Shiela."Uminom ka muna. 'Wag kang mag-alala, wala kaming nilagay na kahit ano sa inumin mo."Ngunit puno ng pagdududa si Shiela. "S-Si Tanya? Sa'n niyo dinala ang kapatid ko?" Saka nilibot ang paningin sa paligid."Pina-CT scan ni Rolan," ani Evelyn. "Pwede bang makinig ka muna sa sasabihin namin, bago ka humusga?" Matapos ay naiyak na lamang si Evelyn.Lumuluha n