NAGKATINGINAN ang mag-asawang sina Evelyn at Rolan. Wala man salita ngunit pareho nilang naiintindihan ang nasa isip ng isa't isa. Hindi nila gustong mabahala si Shiela kaya kailangan nilang magsinungaling.Lumapit at hinawakan ni Evelyn ang kamay nito saka nagsalita, "Maagang nagpahinga at medyo hindi maganda ang pakiramdam.""Ayos lang po ba siya?" nag-aalalang tanong ni Shiela."Oo naman, sa dami ng ginagawa niya. Kung sa'n-sa'n pumapasyal ay hindi na bago sa'min ang ganito," agap na sagot ni Rolan. "Hindi naman namin mapagbawalan at ito na lamang ang kaligayahan niya, sa paggagala siya sumasaya.""Alam mo naman ang sakit niya, 'di ba?" ani Evelyn. "Matagal siya sa ospital, ilang taon. Ngayon lang siya bumabawi sa mga panahong hindi niya magawang makalabas at pumasyal."Tumango-tango naman si Shiela dahil nauunawaan niya ang sinasabi ng mga ito.Matapos ay nag-aya si Evelyn na magtungo na sila sa dining area upang makakain na ng hapunan.Habang kumakain ay nag-uusap ang tatlo. Kung
SANDALING katahimikan ang namayani ng mga oras na iyon at nasaktan si Shiela sa pananahimik ni Tanya.Iyong tuwang nararamdaman niya na makasama ang bagong pamilya ay biglang naglaho dahil may tao palang hindi siya tanggap.At iyong taong malapit pa sa kanya."A-Ayos lang kung hindi mo ko tanggap, naiintindihan ko. Ako na lang ang aalis sa halip na ikaw," ani Shiela."'Wag!" agap ni Evelyn. "Walang aalis sa pamamahay na 'to, naiintindihan niyo?" Lalong-lalo ka na Shiela, parang anak na rin kita. Hindi mo kailangan umalis. Nabigla lang ang kapatid mo, nasisiguro ko sa'yong darating ang araw na matatanggap ka rin niya. Ang mas mabuti pa ay magpahinga ka't 'wag masiyadong dibdibin ang nangyari ngayon." Saka marahang tinulak si Shiela patungo sa hagdan.Habang papalayo ay maririnig namang sumisigaw si Tanya mula sa loob ng kwarto nito, "No! Kahit na kailan ay hindi kita matatanggap. Umalis ka na rito!"Nanginginig ang labi ni Shiela sa pagpipigil na tumulo ang luha sa mga mata. Nasasaktan
PALUBOG na ang araw nang makabalik sa mansion sila Jeric. Nasa backseat ng sasakyan si Chris na nakatulog dahil sa pagod.Sa isang araw na kasi ang launching ng bagong itinayong negosyo kaya dobleng trabaho ang ginagawa nito.Matapos iparada ang kotse ay ginising ni Jeric ang amo. "Sir, nakauwi na po tayo."Nagmulat naman ng mata si Chris saka lumabas. Halata sa lakad na pagod talaga ito.Sa living area ay naroon si Maricar na kalong ang apo na si Archie. "Mabuti at nakauwi ka na."Itinaas ni Chris ang kamay. "Mamaya na lang, 'Ma at kailangan kong magpahinga."Hindi na rin nagsalita si Maricar at hinayaan ang anak dahil halata naman talagang pagod ito.Pagpasok ni Chris sa kwarto ay naghubad lang siya ng suit saka nahiga sa kama at muling nakatulog.At madilim na nang magising. Pagtingin sa oras ay pasado alas otso na ng gabi kaya bumangon siya sa kama.Hindi na rin masama ang makatulog ng dalawang oras, kahit papaano ay nakabawi siya ng lakas.Mayamaya pa ay naalala niya si Shiela, g
NAGMULAT ng mata si Shiela. Una niyang nakita ang bukas na bintana. Ang ganda ng panahon, maulap at asul na asul ang kalangitan.Hanggang sa bigla na lamang niyang naalala ang nangyari. Kumirot ang ulo niya at agad nasapo ang noo."Mabuti at gising ka na."Nang marinig ang boses ni Evelyn ay bigla na lamang siyang napalingon at nahintakutan."Huminahon ka lang, Shiela. Hindi ka namin sasaktan."Bagama't nanunuyo ang lalamunan ay nagsalita siya, "Alam ko nang plano niyo sa'kin, sinabi nang lahat ni Tanya."Bakas ang lungkot sa mukha ni Evelyn. Si Claire naman ay lumapit saka nagsalin ng tubig sa baso. Matapos ay ibinigay kay Shiela."Uminom ka muna. 'Wag kang mag-alala, wala kaming nilagay na kahit ano sa inumin mo."Ngunit puno ng pagdududa si Shiela. "S-Si Tanya? Sa'n niyo dinala ang kapatid ko?" Saka nilibot ang paningin sa paligid."Pina-CT scan ni Rolan," ani Evelyn. "Pwede bang makinig ka muna sa sasabihin namin, bago ka humusga?" Matapos ay naiyak na lamang si Evelyn.Lumuluha n
NAGKATINGINAN sina Evelyn at Rolan sa isa't isa at pareho rin nagkaintindihan."B-Ba't hindi muna kayo maupo, 'Pa," ani Evelyn sa biyenan at aalalayan pa sana ito patungo sa sofa nang iniwas ni Mario ang kamay."Sa tingin niyo ba ay maloloko niyo 'ko?"Muling nagkatinginan ang mag-asawa. "A-Anong ibig niyong sabihin, 'Pa?" si Rolan na may kabang nararamdaman.Naging matalim ang tingin ni Mario sa anak. "Hindi ako umabot ng ganito katanda sa mundong 'to habang nagpapatakbo ng malaking kompanya para mauto sa pinaggagagawa niyo. Matagal ko nang alam na 'yung babae kanina ang anak mo sa labas."Kinabahan si Rolan sa sinabi nito at maging si Evelyn ay ganoon din."A-Alam niyo? Kung gano'n ay ba't parang wala lang sa--""'Wag kang mag-isip nang kung ano-ano. Hinayaan ko lamang silang umalis dahil ayoko nang eskandalo. Sa oras na magkagulo ay baka maapektuhan pa ang reputasyon ko," ani Mario."Pakiusap, 'Pa, 'wag mo siyang sasaktan. Anak ko siya't apo mo."Mas lalong tumalim ang tingin ni Ma
HINDI naging madali para kay Chris na makausap si Mario. Kahit may tulong ni Louie ay parang binabalewala lang siya ng kampo nito. Constantly siyang nagpapadala ng mensahe mula sa secretary ng matanda pero ang daming dahilan. Kahit naresolba na ang problema sa negosyo dahil na rin sa tulong ng bayaw ay ramdam pa rin niya ang impact sa nangyari. Ngayon, panibagong araw na naman ang dumating. Muli niyang susubukan na makipag-usap sa matanda. "Good morning," bulong ni Shiela. Nasa kama pa si Chris habang yakap ang asawa. Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata. "Good morning, kanina ka pa ba gising?" Umiling si Shiela saka mas lalong siniksik ang katawan sa asawa, gustong-gusto niyang inaamoy ito sa umaga. "Ngayon-ngayon lang." Ilang sandali pa ay lumayo siya para bumangon na sa kama at kailangan niya pang ihanda ang pampaligo nito maging susuotin sa trabaho. Pagkatapos ay sunod niyang aasikasuhin ang anak. Pero hindi siya pinakawalan ni Chris at niyakap nang mahigpit.
BIGLANG nagmanhid ang katawan ni Shiela. Sinasabi ng utak niya na wala na ang kapatid na si Tanya pero... hindi niya maramdaman.Parang nawalan siya ng emosyon habang pinapakinggan ang iyak ni Evelyn sa kabilang linya."K-Kailan po siya namatay, Tita?" iyon lang ang lumabas sa bibig niya sa halip na makisimpatya."Kanina lang, mag-iisang oras na ang lumipas," ani Evelyn na halos hindi na makapagsalita dahil sa labis na pag-iyak.Nagbaba lang ng tingin si Shiela. Talagang hindi pa nagsi-sink in sa kanya ang lahat. "Si Papa po?""Nasa morgue, ako lang ang lumabas dahil hindi ko kayang makita si Tanya na wala ng buhay."Kusa na lamang pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela kahit hindi naman siya naiiyak. Parang doon lang tuluyang nagsink-in sa kanya ang lahat.Matapos ay isang mahabang katahimikan ang namayani sa dalawa hanggang sa ibaba na ni Evelyn ang tawag dahil iyak na lamang ito ng iyak.Si Shiela naman sa kabilang dako ay natulala na hanggang sa lumapit si Archie."Mama!" Nagpapap
MAAGA pa lang ay nakahanda na sa pag-alis si Shiela at ganoon din si Chris na siya mismong maghahatid sa airport.Gising na rin ng mga sandaling iyon si Maricar at naghanda pa ng babaunin ni Shiela kung sakaling magutom sa biyahe."Hanggang ilang araw ka ro'n?" aniya sa manugang."Hanggang sa mailibing na po si Tanya, 'Ma.""Kaya pala dalawang luggage ang dala mo." Matapos ay tiningnan ang anak. "Kailan ka naman luluawas?""Baka sa makalawa o kung wala ng masiyadong aasikasuhin sa opisina."Matapos ay naglakad na ang dalawa patungo sa kotse kung saan ay naghihintay si Jeric, may dala rin itong luggage."Hindi ko nga pala nasabi sa'yo na sasamahan ka ni Jeric sa Cebu," ani Chris.Hindi na tumanggi si Shiela bilang proteksyon na rin. Mas mapapanatag nga naman siya kung may kasama sa oras na magkaharap sila ni Mario.Inilagay ng driver at ni Jeric ang luggages sa trunk saka sila bumiyahe patungo sa airport.Kahit maaga naman silang umalis ay hindi pa rin naiwasang ma-stuck sa traffic. Ha
NAPATINGIN si Chris sa kamay nitong nasa kanyang braso. Hanggang sa unti-unti niyang inangat ang tingin sa mukha ni Sheilla.Ang ngiti naman ng dalaga ay naglaho at pareho silang nagkatitigan."Ang kamay mo," ani Chris.Sa narinig ay parang napasong inilayo ni Sheilla ang kamay. "S-Sorry po," paghingi pa niya ng paumanhin. "Hindi ko po sinasadya, Sir.""Ayos lang," saad ni Chris saka tumayo sa kinauupuan. "Hindi mo na 'ko kailangan pang ihatid sa labas. Kaya ko na."Umiling si Sheilla. "Sa labas lang naman. Tara na po, ihahatid ko na kayo sa kotse niyo."Wala na rin nagawa si Chris sa pagpupumilit nito at pinauna na niyang maglakad.Pero habang pinapanuod ang likod nito ay napapansin niyang hindi maayos ang paglalakad ng dalaga. Para itong susuray-suray."Ayos ka lang ba, Sheilla?"Lumingon ito na muntik nang ikatumba. Mabilis naman nilapitan ni Chris at inalalayan.Natawa si Sheilla dahil sa kalampahan. "S-Sorry po, Sir.""Ang mas mabuti pa ay bumalik ka na sa loob at lasing ka na pa
PANIBAGONG araw na naman ang dumaan. Naka-ready na si Shiela para muling pumunta sa Cruz mansion.Bumaba siya upang kumain ng almusal nang matigilan matapos makita ang Abuelo na nakaupo sa hapagkainan. Buong akala niya ay umalis na ito dahil iyon naman talaga ang madalas na nangyayari. Napaatras tuloy siya dahil hindi niya ito gustong makasabay sa pagkain."Sa'n ka pupunta?" ani Mario matapos mapansin ang unti-unting pag-atras ng apo habang siya ay nagbabasa ng balita sa hawak na tablet."M-May naiwan lang ako sa taas," pagsisinungaling pa ni Shiela."Maupo ka, saluhan mo 'kong kumain ngayon at may sasabihin ako sa'yo."Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Shiela saka naupo malapit sa puwesto ng matanda."Hindi ko nasabi sa'yo dahil palagi kang wala pero may pupuntahan tayong event sa makalawa. Naka-ready na lahat kaya wala ka ng dapat pang alalahanin sa susuotin.""Ba't ngayon niyo lang po ito sinasabi sa'kin?"Isang seryosong tingin lang ang pinukol ni Mario sa apo. "Dahil biglaa
NANG una ay natigilan si Shiela hanggang sa mapakunot-noo. "Anong pinagsasasabi ninyo? Hindi 'to ang pinag-usapan natin!" kasabay ng pagtaas ng boses ay ang biglaan niyang paglayo."Huminahon ka muna," ani Mario."Pa'no ako hihinahon kung ganito ang ginagawa mo? Iniwan ko ang pamilya ko dahil sa mga banta mo tapos ngayon ay ganito naman?! Sumusobra ka na!"Biglang binagsak ni Mario ang hawak na baston na ikinagulat ni Shiela maging ni Castro."Senior, huminahon po kayo. Ang mas mabuti pa ay sa susunod na lamang natin 'to pag-usapan," saad ng lawyer saka niligpit ang mga dokumento sa center-table. Pagkatapos ay yumukod bilang pamamaalam. "Babalik na lang ako sa susunod, Senior." Saka ito tuluyang umalis.Nang maiwan ang dalawa ay tiningnan nang masama ni Shiela ang Abuelo. "Gusto ko ng paliwanag kung ba't mo 'to ginagawa."Tumayo sa kinauupuan si Mario at mataman itong tinitigan sa mga mata. "Bilang aking apo. Ayokong madungisan ang pangalan natin kaya inaalis ko sa buhay mo ang mga ba
SA MGA SUMUNOD na sandali ay pareho silang natahimik habang lumuluha. Lugmok at nakatungo si Chris habang nasa mga mata ang isang kamay. Si Shiela naman ay nakatingala, animo ay kayang ibalik ang luhang pumapatak.Ilang sandali pa ay may dumating na katulong. Kumatok sa bukas na pinto. "S-Sir... tumawag po ang security guard sa may entrance ang sabi ay may kotse pong gustong pumasok para sunduin si Ma'am Shiela.Sumenyas lang si Chris, itinataboy ang katulong kaya agad rin itong tumalima at umalis."Sino 'yung susundo sa'yo?""Tauhan ni Lolo," tugon ni Shiela.Biglang tumayo si Chris saka lumabas ng kwarto habang nanlilisik ang mga mata. Nang mapansin iyon ni Shiela ay bigla na lamang siyang kinabahan.Hinabol niya agad ang asawa pero sa bilis ng paglalakad ni Chris ay hindi niya ito mapigilan. "Sandali lang, Chris!"Sina Zia at Maricar ay nabigla rin nang mabilis itong dumaan habang nakakuyom ang kamay at galit na galit."Pigilan niyo siya!" sigaw ni Shiela nang patungo na sa gate si
PALABAS na ng police station si Shiela nang humarang si Jeric."Anong ginagawa mo? Tumabi ka.""Pero tinatawag po kayo ni Sir--""Naririnig ko pero ayaw ko na siyang kausapin pa," ani Shiela na matalim ang tinging ipinupukol kahit pa bakas ang pagluha."Shiela!" sigaw ni Chris sa loob ng selda."Hoy, tumahimik ka't nakakabulahaw ka sa mga nagtatrabaho," saway ng isang pulis."Sir, baka pwede niyo naman akong palabasin na nang maaga? Kailangan ko lang kausapin ang asawa ko. Ayon siya." Sabay turo.Nang marinig iyon ni Shiela ay dali-dali siyang naglakad paalis sa lugar, na sinundan naman ni Jeric."Sa'n po kayo pupunta?""Uuwi na.""Ihahatid ko na po kayo, sandali lang," ani Jeric saka mabilis na bumalik sa selda. "Sir, gusto ng umuwi ni Ma'am Shiela, ihahatid ko lang po siya," paalam pa niya sa amo.Saka lang natahimik si Chris. "Sige..." aniya kahit gulong-gulo pa rin sa binitawang salita ng asawa. "Magkita na lang tayo mamaya sa mansion."Tumango naman si Jeric saka umalis upang sun
KANINA pa tinitingnan ni Shiela ang screen ng cellphone. Ilang oras na siyang naghihintay pero wala pa ring reply ang asawa kung dumating na ba ito sa Cebu?Malapit ng magtanghali pero wala pa rin siyang balita. Kapag naman tinatawagan niya ay 'cannot be reach'."Shiela," tawag ni Evelyn. "Tara, kumain muna tayo at paniguradong maraming darating mamaya."Tumango lang siya saka itinago ang cellphone sa bulsa. Sinundan niya ito na lumapit kay Rolan na agad napansin ang pananamlay ng anak."Ayos ka lang ba? Masama ba ang pakiramdam mo?"Umiling si Shiela. "Medyo hindi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan na lamang niya.Kahit ang totoo ay kung saan-saan na tumatakbo ang isip.'Pa'no kung nagkaproblema ulit sa factory?''Pa'no kung may nangyari nang masama nn wala siyang kaalam-alam?'"Shiela, sigurado ka bang ayos ka lang? Pwede ka naman magpahinga," ani Evelyn.Nasa hapagkainan na sila pero kanina niya pa napapansin na tumutulala ito. Ni hindi na nga nababawasan ang pagkain.Tipid na pag
NAGPALIPAT-LIPAT ang tingin ni Chris sa dalawa. "'Ma, Zia, sa taas po muna kayo at ako nang bahala rito."Ngunit ni isa sa dalawa ay walang kumilos. Sa sinabi ng pulis ay nakaramdam ng takot ang mga ito para kay Chris.Natakot sina Zia at Maricar na muli itong makulong gaya ng nangyari noon."Dito lang kami, anak," ani Maricar na naluluha na nang mga sandaling iyon."Ako rin Kuya. Kung ano man ang sasabihin nila ay makikinig kami."Napabuntong-hininga si Chris. "Please, sundin niyo na lang ako." Mas mapapanatag ang loob niya kung hindi maririnig ng mga ito ang lahat.Pero sadyang matigas ang ulo ng dalawa kaya kahit palubog na ang araw ay sinabi na lamang niyang sasama sa police station upang doon makipag-usap.Hindi na nakasunod ang kapatid at Ina nang umalis siya kasama ang mga pulis. Habang nasa police car ay tumunog ang kanyang cellphone, tumatawag si Louie."Hmm, napatawag ka?""Pauwi na 'ko nang tumawag si Zia, umiiyak habang kinukwento ang nangyari.""Masiyado lang silang nag-a
PINANUOD ni Chris ang footage pero hindi niya nakikilala ang tinutukoy ng pulis. Hinalukay niya ang memorya nang bumisita kanina sa factory pero hindi niya talaga ito namumukhaan."Kate, nakikilala mo ba siya?" aniya sa assistant.Pinagmasdan naman nito ang monitor. "Hindi rin po, Sir pero pamilyar siya sa'kin. Sa tingin ko'y bagong trabahador sa factory.""Alamin mo kung kailan siya natanggap," utos ni Chris saka muling itinuon ang atensyon sa monitor. Ilang segundo siyang tulala na ipinagtaka ng pulis."Sir, ayos lang kayo?"Natauhan naman si Chris saka tumango. "O-Oo, ayos lang."Napansin naman ni Kate na tila distracted o wala ito sa wisyo kaya kinausap niya ito, "Sir, ang mas mabuti pa'y umuwi na muna kayo at magpahinga. Ako na lamang po ang bahala rito.""Hindi, ayos--" hindi na niya natapos ang sasabihin nang tumunog ang cellphone. Kaya kinuha niya mula sa bulsa at nakitang tumatawag ang asawa.Natigilan siya at hindi makuhang sagutin ang tawag hanggang sa tumigil ang pagtunog.
MARIING pinikit ni Chris ang mga mata sa narinig. Hindi niya akalaing sa isang iglap. Ang tatlo sa mga nakasalamuha niya kanina ay wala na ngayon. "Malapit na 'ko," iyon na lang ang nasabi niya saka tinapos ang tawag. Mabuti na lamang at naging maayos naman ang daloy ng trapiko kaya nakarating agad siya, hindi gaya kanina. Tatlong ambulansya at isang fire-truck ang naroon sa factory. Maraming mga manggagawa ang nasa labas at ang ilan ay halatang may mga natamong sugat o galos. Hinanap ng mga mata niya si Kate at si Fernan. "Sir!" Narinig niya ang boses nito sa kumpol ng mga manggagawa. Kaya tumakbo siya palapit at nakita na may nire-revive ang isang rescuer. "Ilan ang bilang ng mga nasaktan?" aniya kay Kate. "Kanina ay nasa fifteen pero may ilan pa pong naiwan sa loob at patuloy na nililigtas." "Nililigtas? Bakit, hindi ba lahat ay nakalabas?" "Nagkasunog at mabilis na kumalat ang apoy. Mabuti na lamang po at naapula bago pa matupok lahat ng gamit sa loob." "Si ku