NAGKULONG sa kwarto si Tanya upang ipakita na hindi niya gusto ang nangyayari na hindi niya matatanggap bilang kapatid si Shiela.Si Evelyn naman na sinundan ang anak at walang tigil sa pagkatok sa pinto ng kwarto. "Sige na, anak. Pag-usapan natin 'to.""Ayoko, Mommy! Kapag hindi niyo 'ko tinigilan ay aalis ako't pupunta kay Lolo!" banta pa ni Tanya.Sa huli ay wala na rin nagawa si Evelyn kung hindi ang bumalik sa dining area kung saan ay naabutan niya ang asawa na patapos na sa pagkain."Hindi ka ba nababahala sa reaksyon ni Tanya?"Nilapag ni Rolan ang hawak na kubyertos saka pinunasan ang labi gamit ang towel napkin. "Inaasahan kong mabibigla siya kaya hayaan na muna natin. Sigurado akong ngayon lang 'yan. Sooner or later ay matatanggap niya rin si Shiela.""Pero, hindi ko talaga maintindihan. Gustong-gusto niya naman si Shiela ba't ngayon ay iba na?" naguguluhang sabi ni Evelyn.Lumapit si Rolan at humalik sa pisngi ng asawa. "Pabayaan mo na lang muna. Sige, aalis na 'ko't marami
NAGKATINGINAN ang mag-asawang sina Evelyn at Rolan. Wala man salita ngunit pareho nilang naiintindihan ang nasa isip ng isa't isa. Hindi nila gustong mabahala si Shiela kaya kailangan nilang magsinungaling.Lumapit at hinawakan ni Evelyn ang kamay nito saka nagsalita, "Maagang nagpahinga at medyo hindi maganda ang pakiramdam.""Ayos lang po ba siya?" nag-aalalang tanong ni Shiela."Oo naman, sa dami ng ginagawa niya. Kung sa'n-sa'n pumapasyal ay hindi na bago sa'min ang ganito," agap na sagot ni Rolan. "Hindi naman namin mapagbawalan at ito na lamang ang kaligayahan niya, sa paggagala siya sumasaya.""Alam mo naman ang sakit niya, 'di ba?" ani Evelyn. "Matagal siya sa ospital, ilang taon. Ngayon lang siya bumabawi sa mga panahong hindi niya magawang makalabas at pumasyal."Tumango-tango naman si Shiela dahil nauunawaan niya ang sinasabi ng mga ito.Matapos ay nag-aya si Evelyn na magtungo na sila sa dining area upang makakain na ng hapunan.Habang kumakain ay nag-uusap ang tatlo. Kung
SANDALING katahimikan ang namayani ng mga oras na iyon at nasaktan si Shiela sa pananahimik ni Tanya.Iyong tuwang nararamdaman niya na makasama ang bagong pamilya ay biglang naglaho dahil may tao palang hindi siya tanggap.At iyong taong malapit pa sa kanya."A-Ayos lang kung hindi mo ko tanggap, naiintindihan ko. Ako na lang ang aalis sa halip na ikaw," ani Shiela."'Wag!" agap ni Evelyn. "Walang aalis sa pamamahay na 'to, naiintindihan niyo?" Lalong-lalo ka na Shiela, parang anak na rin kita. Hindi mo kailangan umalis. Nabigla lang ang kapatid mo, nasisiguro ko sa'yong darating ang araw na matatanggap ka rin niya. Ang mas mabuti pa ay magpahinga ka't 'wag masiyadong dibdibin ang nangyari ngayon." Saka marahang tinulak si Shiela patungo sa hagdan.Habang papalayo ay maririnig namang sumisigaw si Tanya mula sa loob ng kwarto nito, "No! Kahit na kailan ay hindi kita matatanggap. Umalis ka na rito!"Nanginginig ang labi ni Shiela sa pagpipigil na tumulo ang luha sa mga mata. Nasasaktan
PALUBOG na ang araw nang makabalik sa mansion sila Jeric. Nasa backseat ng sasakyan si Chris na nakatulog dahil sa pagod.Sa isang araw na kasi ang launching ng bagong itinayong negosyo kaya dobleng trabaho ang ginagawa nito.Matapos iparada ang kotse ay ginising ni Jeric ang amo. "Sir, nakauwi na po tayo."Nagmulat naman ng mata si Chris saka lumabas. Halata sa lakad na pagod talaga ito.Sa living area ay naroon si Maricar na kalong ang apo na si Archie. "Mabuti at nakauwi ka na."Itinaas ni Chris ang kamay. "Mamaya na lang, 'Ma at kailangan kong magpahinga."Hindi na rin nagsalita si Maricar at hinayaan ang anak dahil halata naman talagang pagod ito.Pagpasok ni Chris sa kwarto ay naghubad lang siya ng suit saka nahiga sa kama at muling nakatulog.At madilim na nang magising. Pagtingin sa oras ay pasado alas otso na ng gabi kaya bumangon siya sa kama.Hindi na rin masama ang makatulog ng dalawang oras, kahit papaano ay nakabawi siya ng lakas.Mayamaya pa ay naalala niya si Shiela, g
SA PAGKAKAALAM ni Zia, ang mga lalakeng nangangaliwa ay mayroong spare phone para hindi mahuli sa ginagawang kalokohan. Ngunit nang tumunog ang cellphone ni Louie habang nasa banyo at nagsa-shower ay binasa niya ang mensahe galing kay Bea. Nagpapasalamat ito sa regalong ibinigay ng kanyang asawa. Kalakip ang isang imahe na kung saan ay suot nito ang naturang damit na masiyadong pormal para sa bata at maamo nitong mukha. Kaya hindi kataka-takang saliwa ang ngiti nito sa camera. Tinitigan ni Zia ang imahe. Matagal na siyang nagdududa na may ibang babae ang asawa ngunit hindi niya akalaing sa mas bata. Nagsisisi tuloy siyang natuklasan ang lihim ng asawa. Ilang sandali pa ay lumabas ang asawa na basa at tanging tuwalya lang ang tumatakip sa maselang parte ng katawan. “Bakit?” tanong ni Louie dahil sa matagal niyang pagtitig. Lumapit ito at kinuha ang cellphone mula kay Zia. Hindi niya nakitaan ng kahit anong reaksyon si Louie. Naroon pa rin ang kompiyansa na tila wala itong ginagaw
MAKALIPAS ang ilang araw ay umuwi sa bahay si Louie. Pinagbuksan siya ng pinto ng driver at akma pang kukunin ang luggage na dala ngunit inunahan na niya ito. “Ako na ang magdadala.” Sa may entrance naman ng bahay ay sumalubong ang ilang katulong sa kanya. “Welcome back, Sir Louie,” bati pa ng mga ito. “Si Zia nasa’n, hindi ba mukhang galit?” tanong niya. “Nasa taas po, Sir,” sagot ng isang katulong ngunit hindi na nagkomento sa pangalawa niyang katanungan. Tuloy-tuloy naman siya paakyat sa hagdan na iritado. Huli na niyang natuklasan ang nangyari sa pamilya ng asawa dahil hindi man lang kaagad pinaalam ni Alice. Pagbukas ng pinto ay nakita niyang nakaupo si Zia sa vicinity mirror at nag-aayos ng gamit. Pumasok siya at naupo sa kama sabay tanggal ng kurbata habang nakatingin dito. Matapos nilang makasal, isa sa napuna ni Louie sa asawa ay magaling ito sa gawaing bahay sa kabila ng kinagisnan nitong buhay. Mula sa mayamang pamilya si Zia at pinalaking prinsesa kaya nakapagtatakan
INAMOY-AMOY ni Louie ang leeg ng asawa. Gustong-gusto niya ang natural nitong bango maging ang ekspresyon sa tuwing tinitingnan niya. Kahit wala siyang nararamdaman para kay Zia ay hindi niya maiwasang makalimot dahil sa ganda nitong taglay. Maliban doon ay asawa niya ito kaya may karapatan siyang angkinin ang kung ano mang pag-aari niya. Hinubaran niya ito at walang tinira kahit na anong saplot sa katawan. Matapos ay isinunod niya ang sariling damit saka muli itong hinalikan. Pinaliguan niya ng halik sa katawan si Zia. Ang kinakapos nitong hininga ay parang musika sa pandinig ni Louie. Kaya mas lalo siyang nasasabik. Kung kanina ay itinutulak-tulak pa siya… ngayon naman ay nakayapa na sa kanyang batok. “Louie… hindi ‘ko pa naiinom ang contraceptive pills. Kung ipagpapatuloy natin ‘to ay paniguradong mabubuntis ako,” bulong ni Zia. Agad naman siyang natauhan. Kahit gaano pa siya kasabik ay hinding-hindi niya gugustuhing mabuntis si Zia. Wala sa plano niya ang magkaanak dito. "Mu
PININDOT ni Zia ang button para sa bintana ng kotse. Ramdam niya ang bigat ng atmosphere habang nasa loob ng sasakyan kaya kailangan niya ng hangin. Habang si Louie naman ay mahigpit ang hawak sa manibela. Napapahilot pa nga sa noo dahil sa iritasyon. “Hanggang kailan ka ba magmamatigas?” anito. Pakiramdam kasi ni Louie na nagpapapansin na lang siya. “Hanggang sa ibigay mo na ang gusto ko. Ayoko nang makasama ka,” ani Zia. Napatiim-bagang si Louie at tumagal ang titig sa kanya. At kahit naiirita sa asawa ay naaapektuhan pa rin si Zia dahil ilang taon niyang kinahumalingan ito. Sa puntong nao-obsess siya ngunit kung ikukumpara ang noon at ngayon ay tila hindi na ganoon katindi ang nararamdaman niya para rito. Sa narinig ay dumilim pang lalo ang ekspresyon ni Louie. “Baba sa kotse… bumaba ka na!” hiyaw nito nang alisin ang automatic lock sa pinto. Kinabahan si Zia at ilang sandali pa ay lumabas ng kotse para pumasok sa bahay. Naiwan sa sasakyan si Louie na nakuha pang manigarilyo
PALUBOG na ang araw nang makabalik sa mansion sila Jeric. Nasa backseat ng sasakyan si Chris na nakatulog dahil sa pagod.Sa isang araw na kasi ang launching ng bagong itinayong negosyo kaya dobleng trabaho ang ginagawa nito.Matapos iparada ang kotse ay ginising ni Jeric ang amo. "Sir, nakauwi na po tayo."Nagmulat naman ng mata si Chris saka lumabas. Halata sa lakad na pagod talaga ito.Sa living area ay naroon si Maricar na kalong ang apo na si Archie. "Mabuti at nakauwi ka na."Itinaas ni Chris ang kamay. "Mamaya na lang, 'Ma at kailangan kong magpahinga."Hindi na rin nagsalita si Maricar at hinayaan ang anak dahil halata naman talagang pagod ito.Pagpasok ni Chris sa kwarto ay naghubad lang siya ng suit saka nahiga sa kama at muling nakatulog.At madilim na nang magising. Pagtingin sa oras ay pasado alas otso na ng gabi kaya bumangon siya sa kama.Hindi na rin masama ang makatulog ng dalawang oras, kahit papaano ay nakabawi siya ng lakas.Mayamaya pa ay naalala niya si Shiela, g
SANDALING katahimikan ang namayani ng mga oras na iyon at nasaktan si Shiela sa pananahimik ni Tanya.Iyong tuwang nararamdaman niya na makasama ang bagong pamilya ay biglang naglaho dahil may tao palang hindi siya tanggap.At iyong taong malapit pa sa kanya."A-Ayos lang kung hindi mo ko tanggap, naiintindihan ko. Ako na lang ang aalis sa halip na ikaw," ani Shiela."'Wag!" agap ni Evelyn. "Walang aalis sa pamamahay na 'to, naiintindihan niyo?" Lalong-lalo ka na Shiela, parang anak na rin kita. Hindi mo kailangan umalis. Nabigla lang ang kapatid mo, nasisiguro ko sa'yong darating ang araw na matatanggap ka rin niya. Ang mas mabuti pa ay magpahinga ka't 'wag masiyadong dibdibin ang nangyari ngayon." Saka marahang tinulak si Shiela patungo sa hagdan.Habang papalayo ay maririnig namang sumisigaw si Tanya mula sa loob ng kwarto nito, "No! Kahit na kailan ay hindi kita matatanggap. Umalis ka na rito!"Nanginginig ang labi ni Shiela sa pagpipigil na tumulo ang luha sa mga mata. Nasasaktan
NAGKATINGINAN ang mag-asawang sina Evelyn at Rolan. Wala man salita ngunit pareho nilang naiintindihan ang nasa isip ng isa't isa. Hindi nila gustong mabahala si Shiela kaya kailangan nilang magsinungaling.Lumapit at hinawakan ni Evelyn ang kamay nito saka nagsalita, "Maagang nagpahinga at medyo hindi maganda ang pakiramdam.""Ayos lang po ba siya?" nag-aalalang tanong ni Shiela."Oo naman, sa dami ng ginagawa niya. Kung sa'n-sa'n pumapasyal ay hindi na bago sa'min ang ganito," agap na sagot ni Rolan. "Hindi naman namin mapagbawalan at ito na lamang ang kaligayahan niya, sa paggagala siya sumasaya.""Alam mo naman ang sakit niya, 'di ba?" ani Evelyn. "Matagal siya sa ospital, ilang taon. Ngayon lang siya bumabawi sa mga panahong hindi niya magawang makalabas at pumasyal."Tumango-tango naman si Shiela dahil nauunawaan niya ang sinasabi ng mga ito.Matapos ay nag-aya si Evelyn na magtungo na sila sa dining area upang makakain na ng hapunan.Habang kumakain ay nag-uusap ang tatlo. Kung
NAGKULONG sa kwarto si Tanya upang ipakita na hindi niya gusto ang nangyayari na hindi niya matatanggap bilang kapatid si Shiela.Si Evelyn naman na sinundan ang anak at walang tigil sa pagkatok sa pinto ng kwarto. "Sige na, anak. Pag-usapan natin 'to.""Ayoko, Mommy! Kapag hindi niyo 'ko tinigilan ay aalis ako't pupunta kay Lolo!" banta pa ni Tanya.Sa huli ay wala na rin nagawa si Evelyn kung hindi ang bumalik sa dining area kung saan ay naabutan niya ang asawa na patapos na sa pagkain."Hindi ka ba nababahala sa reaksyon ni Tanya?"Nilapag ni Rolan ang hawak na kubyertos saka pinunasan ang labi gamit ang towel napkin. "Inaasahan kong mabibigla siya kaya hayaan na muna natin. Sigurado akong ngayon lang 'yan. Sooner or later ay matatanggap niya rin si Shiela.""Pero, hindi ko talaga maintindihan. Gustong-gusto niya naman si Shiela ba't ngayon ay iba na?" naguguluhang sabi ni Evelyn.Lumapit si Rolan at humalik sa pisngi ng asawa. "Pabayaan mo na lang muna. Sige, aalis na 'ko't marami
ARAW-ARAW ay laging nakakatanggap ng messages si Shiela galing kay Evelyn, na nangangamusta.Siyempre, natutuwa naman siya dahil sa kabila ng kaalaman na anak siya sa labas ay hindi nag-iba ang pagtrato nito sa kanya.Kahit pa bunga siya ng pagkakamali o maaari rin sabihin na kataksilan.Mag-iisang linggo na rin nang malaman ni Shiela ang buong katotohanan sa kanyang pagkatao. Bukod sa pamilya ng asawa ay gusto niya rin makaramdam ang pagmamahal mula sa Ama.Nasa punto na si Shiela na pinag-iisipan niyang tumira na nga sa mansion ng pamilya Moreno. Pero bago muna mangyari iyon ay kailangan niyang sabihin kay Chris ang mga nangyari. Kaya ng magkaroon ng lakas ng loob ay tinawagan niya ito."Kamusta ang araw mo ngayon?" bungad na tanong ni Chris. "Ayos lang naman medyo maraming customer kanina. tumawag nga pala ako dahil may gusto akong sabihin.""Sige lang nakikinig ako," anito sa kabilang linya. Huminga muna nang malalim si Shiela bago muling magsalita, "Hindi ko alam kung pa'no sas
GULONG-GULO at para talagang sasabog ang ulo ni Shiela dahil sa rebelasyong ni sa hinuha ay hindi niya inisip. Hindi niya akalaing ang Ama'ng hindi niya nakasama nang mahigit dalawang dekada, ngayon ay nasa kanyang harap na. Parang hindi totoo. Para siyang nananaginip ng gising. Saglit na tumigil ang oras para sa kanya habang tinititigan si Rolan. Malabo ang paligid pero malinaw niya itong nakikita. Wala rin siyang ibang naririnig ng mga sandaling iyon kung hindi ang tibok ng puso. Ang dami niyang gustong sabihin pero alin sa mga iyon ang una niyang itatanong? Sa huli ay isang katanungan lang ang nangibabaw, "K-Kaya po ba, no'ng una tayong nagkita sa ospital ay hinabol niyo 'ko?" Tumango si Rolan. "Kamukhang-kamukha mo si Anna, ang iyong Ina. Kaya agad akong naghinala na baka ikaw na nga ang matagal ko nang hinahanap." Pumatak ang luha sa mga mata ni Shiela matapos iyong marinig. "S-Si Ate? Anak niyo rin po ba siya?" Umiling si Rolan. "Anak siya ng unang kinakasama ni Anna." S
PAGBALIK ni Claire matapos maihatid si Shiela ay sinabi niya sa dalawang amo ang nangyari habang nasa sasakyan."Kinabahan po talaga ako, Sir, Madam at baka banggitin ni Shiela ang pangalan ni Tanya. Mukhang curious pa naman ang kapatid.""Nabanggit niya ba ang pangalan?" tanong ni Rolan."Hindi po, Sir. Ang alam ko lang po ay nakakatanda niya iyong kapatid dahil tinawag niyang Ate.""'Wag kang kabahan, hindi naman natin alam kung sino ang kausap niya," ani Evelyn. "E, 'yung inutos ko nagawa mo ba?" pag-iiba niya ng usapan.Tumango si Claire saka binigay ang nakuhang buhok mula kay Shiela. "Ito po, Madam." Saka ipinakita ang nakalukot na panyo kung saan itinago ang ilang hibla ng buhok.Si Rolan ang kumuha. "Salamat, Claire. Iuutos ko na lamang kay Paolo ang pagpapa-DNA nito."SAMANTALA, sa apartment ay hindi na muling tumawag ang kapatid at hindi na rin naghintay si Shiela.Alam niyang busy ito kaya hindi na niya inabala pa. Matapos magluto ng hapunan ay si Chris ang tinawagan niya,
LINGGO nang magtungo si Shiela sa bahay-- mali. Mansion ng pamilya moreno.Subdivision iyon at nang sabihin niya ang pangalan sa Guard sabay pakita ng ID ay pinapasok siya agad. Inalok pa ngang ihahatid gamit ang motor pero tumanggi na siya at nakakahiya sa tagabantay.Ang sabi ay tatlong bahay lang naman ang layo. Kaya nilakad na lamang niya. Iyon pala ay mala-palasyo ang nakatayo sa lugar na iyon. Kung normal na bahay lang ay baka pang labinglima ata ang nilakad niya.Nang marating ang gate ay medyo nag-alangan pa siyang mag-doorbell. Marangya tingnan ang labas ng mansion, paano pa kaya pagpasok niya sa loob?Ang mansion nila Chris dito sa Cebu ay malaki rin naman. Mas lalo na roon sa Manila.Pero dahil alam naman niyang mula sa mayamang pamilya ang asawa ay hindi na siya nabigla.Ito lang si Tanya ang hindi niya inasahan. Alam niyang mayaman ito pero hindi sa puntong sobra talaga. Parang papantay na sa yaman ni Louie.Ilang segundo na siyang nakatayo sa labas. Nahihiya talaga siyan
HUDYAT na iyon ni Claire na um-exit para makapag-usap ang mag-asawa. Kahit naiwan na ang dalawa ay wala ni isa ang naglakas-loob na muling magsalita."Mom, Dad, anong ginagawa niyo riyan?" ani Tanya na pababa ng hagdan at nakapagpalit na ng damit.Tiningnan naman ng dalawa ang anak saka ngumiti. "Hinihintay ka," anas ni Evelyn, saka binulungan ang asawa, "Mamaya na lamang natin 'to pag-usapan 'pag wala si Tanya."Tumango si Rolan bilang pagsang-ayon at pagkatapos ay sabay-sabay na silang tatlo na nagtungo sa dining area.Habang naghahapunan ay kinausap ni Rolan ang anak, "Balita ko ay may bago kang kaibigan?"Awtomatikong ngumiti si Tanya. "Si Shiela po ba ang tinutukoy niyo? Oo, bago ko siyang kakilala at sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya," pagkukuwento niya pa."Pa'no nga ulit kayo nagkakilala na dalawa?"Bahagyang ibinaba ni Tanya ang hawak na kubyertos saka sinimulang ikuwento kung paano sila nagkakilala ni Shiela.Nakikinig naman ang dalawa maging ang ilang katulong na naroo