Ang mga sumunod na araw ay parang normal na kay Claire. Kahit nalaman niyang hindi niya tunay na ama si Mr. Khaleed ay hindi pa rin siya nalungkot nang labis dahil hindi nagbago ang relasyon nila. Tinuturing pa rin siya nitong tunay na anak. Noong kinompronta niya si Manson tungkol dito ay inamin nito na alam na ang totoo pero dahil ayaw nitong pangunahan ang desisyon ni Mr. Khaleed kaya hindi ito nagsalita. Ang tanging gumugulo na lang sa kanya ngayon ay walang iba kundi si Mr. Perie.Magmula nang malaman nitong hindi niya tunay na ama si Mr. Khaleed ay muling bumalik sa dati ang trato nito sa kanya. Tulad na lang ngayong araw. Binisita siya nito sa kanyang bahay na may dala-dalang iisang rason. Ang hiwalayan niya si Manson. “Ilang beses ko ho bang sasabihin sa inyo na hindi ko hihiwalayan si Manson? I already gave him up once. Hindi ko a ulit gagawin iyon.”Tumalim ang tingin sa kanya ni Perie at inilapag ang cellphone sa harapan niya kung saan nagpe-play ang isang recording. Sa b
Halos sumikip ang dibdib ni Claire nang makita ang kalagayan ng kanyang ina. Nasa ICU ito at may tubong nakakabit sa bunganga upang tulungan itong huminga. Ligtas na ito sa kapahamakan pero dahil malubha ang lagay ay nasa coma pa rin ito. “‘Wag kang mag-aalala, Claire. Malalampasan ito ni Auntie Leonora. Magiging ayos siya.” Nilingon ni Claire si Lucas at mapait na ngumiti. Hindi niya kasama si Manson dahil bago siya pumunta ng ospital ay hindi niya ito hinayaang sumama sa kanya at nagtalo sila. She also blamed him for bringing danger to her life. Alam niyang masasaktan na naman niya si Manson dahil sa pagtataboy niya rito pero nang maisip niya na ang ama nito ang gustong manakit sa kanyang ina ay hindi niya maiwasang sumama ang loob. Kaya’t tulad ng dati, itinaboy niya ito para wala nang magpapahamak sa relasyon nila. Pero kahit sinabihan niya itong bumalik sa Pilipinas ay hindi siya nito sinunod. “Sana nga, Luke. Sana nga. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyar
“Sigurado ka ba sa ginawa mo, Lucas? Paano kung malaman nila na ikaw ang maysala at panagutin ka ng batas? Paano kung makulong ka?”Mahinang napatawa si Lucas dahil sa pag-aalala sa boses ni Claire. “Huwag kang mag-alala. Hindi malala ang kalagayan niya dahil kilay niya lang ang pumutok. Maraming dugo lang ang nawala sa kanya kaya kailangan niyang manatili sa ospital ng ilang araw. But besides that, there were no serious injuries. Don’t worry too much, Claire. Hindi ko ito ginagawa para sa ‘yo kundi para sa aking ina. Alam mo kung gaano kalalim ang galit ko sa lalaking iyon.”Napayuko si Claire. Alam niyang may inosenteng tao na naman ang nadamay sa hidwaan ng dalawang pamilyang ito. Dahil doon ay binalot siya ng konsensya. Kahit ibahin pa ni Lucas ang rason sa nangyari kay Perie ay alam naman niyang ginawa nito iyon upang paghigantihan siya. Dahil hindi siya agad nakasagot ay tila nababasa ni Lucas kung ano ang nasa isip niya. “Don’t overthink about it, Claire. Walang nadamay na ino
Habang nagbabantay sa kanyang ina ay pabalik-balik sa isip ni Claire ang sinabi ng kanyang ina tungkol kay Manson. Paano kung huli na nga ang lahat at hindi na sila tuluyang magkabalikan nito? Kakayanin ba niya? Upang kahit papaano ay maibsan ang pananabik niya sa lalaki ay pinanood niya lahat ng recent interviews nito nang paulit-ulit hanggang sa nakatulugan niya iyon. Hindi niya namalayan na pumasok sa loob si Lucas at nang makita siyang natutulog ay kinumutan siya nito saka itinabi ang cellphone niyang nahulog sa sahig na patuloy pa rin sa pagpi-play ng video. Bahagyang dumilim ang mukha ni Lucas nang makita iyon pero agad ring nawala nang tingnan niya si Claire. Nilapitan niya ang nakaratay na si Leonora saka marahang hinaplos ang buhok nito at mahinang nagsalita. “Aunt Leonora, kailangan niyo na hong magising. Nangangayayat na si Claire dahil hindi makakain nang ayos sa sobrang pag-aalala sa inyo. Kahit ang pagmamahalan nila ni Manson ay isinakripisyo niya kahit alam kong nasas
Nang mga oras na iyon ay mag-isang nakaupo si Claire sa mesa, malayo sa bagong kasal, at matamang nagmamasid. May ngiti sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang kababata na minsan ay naging karamay niya rin. Hindi man totohanan ang kasal ng mga ito ay masaya pa rin siya para rito dahil kahit papaano ay napasaya nila si Lola Rosa. At kaya siya mag-isang nakaupo sa sulok ay para iwasang makita ni Lola Rosa na siyang ikakasira ng lahat kung sakali. Kaya nang biglang dumating si Zhia at muntik nang manggulo ay ganoon na lang ang kaba niya dahil baka makita siya nito at masabi na hindi naman siya ang ikinasal kay Lucas. Kapag malaman iyon ni Lola Rosa ay baka mapahamak ito at imbes na mabuhay pa ito ng ilang araw ay matitigok agad ito na ayaw nilang mangyari. Hindi alam ni Claire kung saan kinuha ni Lucas ang babaeng pinakasalan nito pero kahawig niya ito pati pangangatawan ay magkapareho sila. Kaya naman kaunting make-up na lang ang ginawa nila para maging kamukha siya nito nang sa gay
Habang hawak ni Claire ang relo na binigay ni Lucas ay hindi matigil sa pagtulo ang kanyang luha. Hindi niya kayang tanggapin ang pagkamatay ni Manson. “Lucas, please… sabihin mo sa akin na hindi siya patay. Manson can’t be dead.”Kahit si Lucas ay hindi mapigilan ang mamasa ang mata dahil sa pinipigilang luha. “Claire…” gusto siya nitong yakapin pero pinigilan nito ang sarili lalo pa at nasa lugar na ng aksidente ang assistant ni Manson at ilang bodyguards nito na tulad nila ay nanlulumo din sa nangyaring pagkawala ni Manson. “I found this watch beside that burnt body inside the car,” dagdag pa ni Lucas. Patuloy sa pag-iling si Claire at sa pagluha. She felt that something was squeezing her heart until she couldn't bear the pain. Pinagsisihan niya na pinagtabuyan niya ito. Ni hindi man lang niya ito nakausap bago ito mawala. Kahit ano’ng pagsisisi ang gagawin niya ay alam niyang hindi na maibabalik ang buhay nito kaya naman lalo siyang napahagulhol. Mas nanaisin niyang mabuhay ito n
Kaagad nilang dinala sa pinakamalapit na ospital si Manson dahil sa biglang pagkawala nito ng malay. Bago ito pumunta sa villa nina Lucas ay pinagbawalan na pala ito ng doctor na lumabas ng ospital pero nagpumilit ito dahil gustong makita si Claire. Ang sabi ng assistant, ang findings ng doktor, ay may ugat daw sa utak nito na napunit dahil sa pagkabagok ng ulo nito noong mabangga ang taxi na sinasakyan nito. Maari siyang humantong sa koma ngunit nagising ito agad kaya dali-dali siya nitong pinuntahan. Napapailing si Claire sa narinig saka hinaplos ang nakabendang mukha ni Manson. “Why did you do that?” mahina niyang saway rito kahit alam niyang ‘di siya nito naririnig. “Miss Claire, ang mabuti pa ay maligo na kayo at magbihis. Eto,” iniabot sa kanya ng assistant ni Manson ang isang paper bag na naglalaman ng damit. Kinuha ito ni Claire at tumayo. “Salamat. Ikaw na muna ang bahala sa kanya.”Madungis na ang bestida na suot niya kaya inutusan niya ang assistant ni Manson na ikuha s
Hindi alam ni Manson kung bakit kakaiba ang tingin ng kanyang ina kay Khaleed. Tila may ibang kahulugan iyon pero dahil solo na nila ni Claire ang kuwarto ay napunta na sa kasulok-sulukan ng isip ang isiping iyon. “Claire—”Biglang bumukas ang pinto at bumungad ang kanyang ama na nakaupo sa wheelchair habang tulak-tulak ng alalay nito. Nang makita ang kalagayan niya ay lumitaw ang pag-aalala sa mukha nito. “Manson, paanong nangyari sa ‘yo ang ganito? Who could’ve done this to you?”Napaismid si Manson at bumakas ang inis sa mukha dahil sa biglang pag-istorbo nito sa kanila. “Bakit ka narito?”Naihilot ni Mr. Perie ang sentido dahil biglang sumakit ang ulo niya sa sagot ng anak. “Manson, you are my son. My heir. Sa tingin mo ba ay hindi ako nag-aalala sa ‘yo kahit may nangyari sa ‘yong masama? Anak kita. Natural lang na mag-aalala ako sa ‘yo.”Marahas na bumuga ng hangin si Manson. Kung kaya niya lang batuhin ng unan ang ama para palayasin ito sa loob ng ward ay nagawa na niya. Tahim
Ang buong akala ni Claire ay makikilanlan ng kanyang ina ang pangalang Onyxie, pero isa iyong pagkakamali dahil ang sumunod na sandali ay bigla siyang hinampas nito ng unan. “No! Umalis kayo! Umalis kayo! Huwag niyong kunin ang anak ko!” Dahil hindi agad nakatayo si Claire sa kama ay nahablot siya ng kanyang ina sa braso at kahit nangangayat ito ay pwersado pa rin ito. Hinila siya nito patayo sa kama saka itinulak sa sahig. dahil nagulat ang lahat sa bayolenteng kilos ni Odette ay hindi agad nakahuma si Manson at hindi niya napigilan ang pagbalibag ng katawan ni Claire. “Claire!” Mabilis siyang nilapitan ni Manson at inalalayan na makatayo. Kahit naging bayolente ang kanyang ina ay walang sumigaw at nanatiling kalmado ang lahat para hindi ito ma-aggravate. “Mom, mom, stop. It’s Onyxie. Hindi siya lalayo sa ‘yo. Hindi ka niya iiwan.” Lumapit si Vincent sa ina at inalo ito habang ang isang kamay ay pinindot ang bell para tumawag ng nurse. Dahil hindi pa rin tumitigil sa pagwawala
“Ano’ng ibig sabihin nito, Doc?” Magkahalong tuwa at pagtataka ang nababadha sa mukha ni Claire habang nakatingin sa doktora. “Sigurado ho ako sa check-up na ginawa ko noong nakaraan na positibo akong buntis pero bakit sa ultrasound ay lumalabas na hindi ako buntis?”Nauunawang nginitian siya ng doktor saka nag-umpisang magpaliwanag. “May cases na ganito, iha. It is called blighted ovum or anembryonic pregnancy. It means, an early miscarriage pero hindi mo malalaman hangga’t hindi nau-ultrasound.” Itinuro ng doktora ang synogram at binilogan ang tila itim na bilog doon. “Mayroon na-develop na gestational sac sa matris mo pero ang bata na mabubuo ay hindi na-develop kahit na fertilized egg pa ang pumasok sa ‘yo. So, even if the embryo fails to develop, the gestational sac will continue to grow. Kaya napagkamalan kang buntis dahil sa bahay-bata.”“Pero bakit ho nakaramdam ako ng pagkahilo at pagsusuka na tulad ng ibang babaeng buntis?”Nanatili ang ngiti sa mukha ng doktora at malumana
“I am sorry to say, pero sa ngayon ay hindi pa stable ang kalagayan ni Aunty Odette. Nakita mo naman ang kagayan niya ‘di ba? Kahit si Vincent ay hindi niya nakikilala. Let’s wait a little bit more, okay?” nakikiusap ang boses ni Manson para lang paniwalaan siya ni Claire. Walang nagawa si Claire kundi tumango gaano man kalungkot ang puso niya. Upang pagaanin ang loob niya ay niyakap siya ni Manson at nanatili sila sa ganoong posisyon sa loob ng ilang segundo bago siya bumitaw. Ngayong alam na niya ang totoo tungkol sa tunay niyang pagkatao ay labis-labis na pananabik ang nararamdaman niya para sa ina. Kailangan niyang kumalma ngayon at pilitin ang sarili na mag-isip ng tama kaya naisipan niyang bisitahin ang ina ni Manson, si Morsheire. Sa pagkakatanda niya ay may naikuwento ito sa kanya noon tungkol sa pagdo-donate nito habang buntis ito kaya gusto niyang makahingi ng advice rito. Hinatid siya ni Manson sa opisina ng kanyang ina na dalawampung minuto ang layo mula sa opisina nito
Pagtapos ng tanghalian ay pinigilan ni Claire ang antok at nagpasyang bumisita sa ospital. Habang nasa sasakyan na minamaneho ng tauhan ni Manson ay tinawagan niya ang lalaki.“May balita na ba kayo tungkol kay Veena?”“Wala pa. Mukhang may kasabwat siya sa ospital dahil pati ang CCTV ay mayroong nagmanipula. ‘Wag kang mag-alala, ginagawa ng ng kapulisan ang lahat para mahanap ang babaeng iyon.”“Hmn…” tanging sagot niya. “Pupunta ako ngayon sa ospital parabisitahin ang aking guro,” pagbibigay alam niya. “Claire…” Manson softly whispered. “Manson, ‘wag kang mag-alala. Bibisitahin ko lang siya. Your father already reminded me na hindi ko pwedeng ipahamak ang anak natin,” mabilis na paliwanag niya. Habang naliligo kanina ay ay napag-isip-isip ni Claire na tama naman ang sinabi ni Mr. Perie. Minsan ay dapat maging selfish din siya katulad ni Veena. “Thank you, Claire. At huwag ka ring mag-alala dahil gagawi ko ang lahat mahanap lang ang babaeng iyon, oka
Imbes na sa bahay ni Claire dumiretso ay sa ospital ang kanilang tungo. Naghihintay na sa kanila ang doktor na mag-oopera sana kay Mr. Campbell. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala dahil sa kalagayan ni Mr. Campbell. “Ano’ng nangyari? Paano kayo natakasan ng babaeng ‘yon?” madilim ang mukhang tanong ni Manson. Pigil ang galit nito na ‘wag sigawan ang doktor. Nasa tabi niya si Claire na hindi mapakali dahil sa ginawa ni Veena. Napakasama talaga ng ugali ng babaeng ‘yon! Sinadya nitong ilagay sa alanganin ang buhay ng lolo nito para walang magawa si Claire kundi ang mag-donate. “Naghahanda na kaming lahat pero biglang nagpaalam si Miss Veena na magsi-CR daw muna dahil nininerbyus siya pero hindi na ito bumalik,” may takot sa boses na paliwanag ng doktor. “Hindi porke’t tinawagan mo si Claire at pinapunta rito ay papayag na akong mag-donate siya. Isang beses na siyang nakunan at kapag mawala ulit ang anak namin ay malabo na ang susunod niyang pagbubuntis,” matigas ang boses ni Manson a
Habang pwersahang pinapalabas ng guards sina Veena at Benjamin ay bigla namang dumating sina Manson at Khaleed. “What is happening here?” malakas ang boses na tanong ni Manson. Gad na dumiretso ang tingin nito kina Benjamin at Veena. “Manson, we came here in a peaceful way. Gusto lang namin pakiusapan si Claire na tulungan si Lolo na mag-donate. Pero pinagtatabuyan niya kami!” Hindi pinansin ni Manson si Veena at dumiretso siya kay Claire. Samantala si Khaleed ay huminto sa tapat ni Benjamin. “Why are you here forcing someone to donate when you know she is not capable? Buntis ang anak ko at pinipilit niyo na mag-donate siya? Ano namang silbi niyang anak mo na wala namang karamdaman sa katawan? Siya ang apo ni Mr. Campbell kaya siya ang karapat-dapat na mag-donate!” Dumilim ang mukha ni Benjamin dahil sa sinabi ni Khaleed. Mataas siyang tao, nirerespeto kaya hindi siya papayag na basta-basta na lang pagsasabihan ng ibang tao. “Sino ka para pagsabihan ako ng ganyan? Nasaan ang u
Natigilan si Claire sa sinabi ng doktor. Saka lang niya naalala na halos isang linggo nang delay ang menstruation niya. Kahit hindi sigurado kung buntis siya o hindi ay tinanong niya ang doktor. “Puwede pa rin ba akong mag-donate kung buntis nga ako?”“No. Imposible ‘yon, iha. Ikakamatay ng bata kung magdo-donate ka pa.”“Hindi ba at kukuhanan lang naman ako ng dugo saka stem cells?” pamimilit niya. “Iha, hindi ganoon kadali ang sinasabi mo. Bago ka kuhaan niyon ay kailangan ka pang turukan ng anesthestia at mobilization agent para i-stimulate ang paggalaw ng hematopoietic stem cells at delikado iyon sa fetus,” paliwanag ng doktor. Hindi nakaimik si Claire. Pinasalamatan niya ang doktor at lumabas ng opisina nito at hinayaan si Veena kahit tinatawag ang pangalan niya para pigilan siya. Dumiretso siya sa OB-gyne department ng hospital para magpa-check up kung tama nga ang hinala niya at hindi nagtagal ay nakuha din niya ang resulta. She was pregnant indeed…“Oh, bakit sambakol ang m
Agad-agad na pinuntahan nina Manson at Claire si Mr. Campbell sa ospital kung saan ito nakaratay. Kahit hindi pinayagan ni Claire si Manson ay nagpumilit ito dahil sa maganda rin ang samahan nito sa kanyang guro. Ilang buwan pa lang ang nakakalipas pero ibang-iba na ang mukha na nakikita ngayon ni Claire. Humpak ang pisngi ni Mr. Campbell at ang laki ng ipinayat ng katawan nito. Agad siyang nakaramdam ng awa sa guro. Nilapitan niya ang matanda at maingat itong hinawakan sa braso. “Master…” pnigilan niya ang mapaluha dahil sa bigat ng nararamdaman niya. Maraming naitulong sa kanya si Mr. Campbell at hinding-hindi niya makakalimutan ang lahat ng aral na nakuha niya rito. Hindi man ganoon katagal ang naging pagsasama nila bilang guro at estudyante nila ay malalim pa rin ang pinagsamahan nila para balewalain ni Claire ang matanda. Pahirapang nagmulat si Mr. Campbell at pilit na ngumiti kahit nahihirapan. “Claire, iha. Wala kang dapat na ikabahala. Nasa cycle na ako ng buhay ko na handa
Sumapit ang araw ng pasko at nakatanggap ng imbitasyon si Claire mula kay Nana na magsalo-salo sa mansyon ng mga ito pero magalang niya itong tinanggihan dahil gusto niyang makasama ang kanyang ina. Hindi lang iyon, ayaw niyang makita si Veena at si Bruce kaya siya tumanggi. Naiintindihan siya ni Manson kaya’t pinadalhan siya nito nang maraming pagkain na galing pa sa isang mamahaling hotel. Kasama niya si Manang Delia at silang tatlo ang nagsalo-salo sa noche buena. Hindi makapunta si Manson at naiintindihan iyon ni Claire dahil tradisyon ng pamilya nito ang magsalo-salo sa tuwing pasko. Noon ay nakakasama siya pero dahil may nangyari sa kanyang ina ay naiintindihan siya ni Nana. Kakatapos lang nilang kumain at habang nagliligpit sa kusina si Manang Delia ay nasa salas naman si Claire at nanonood ng TV. Nasa tabi niya ang kanyang ina na nakaupo sa wheelchair. Sinusubuan niya ng prutas ang ina nang biglang tumunog ang doorbell. Akmang tatayo si Claire para pagbuksan iyon nang biglan