Share

Chapter 70

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-03-07 09:50:56

Pagkaalis ni Celestine, agad na kinuha ni Diana ang kanyang cellphone. Tinawagan niya ang isang lalaki at nagtanong, "Nahanap mo na ba ang snow lotus grass? Kanino ito napunta?"

Sa kabilang linya, walang magawang sagot ng lalaki, "Ms. Valdez, ginawa ko na talaga ang lahat ng makakaya ko. Wala akong kahit anong bakas ng snow lotus grass! Hindi ko alam kung sino ang may hawak nito!"

Gusto rin niyang magtanong sa sarili. Kung hindi nga lumitaw ang snow lotus grass, paano ito pwedeng makuha ng iba?! Sino ang kumuha nito? Napakalakas naman ng taong iyon kung ganoon.

"Wala kang silbi!" Galit na tinapakan ni Diana ang sahig. Nakasimangot siyang nagtanong, "Bilisan mo at humanap ka ng paraan para sa akin. Paano ko mahahanap ang snow lotus grass kung ganyan ang mga sagot mo sa akin ha?"

Nalalapit na ang birthday ni Lola Belen, at ipinangako niya na dadalhin niya ito. Pero, hanggang ngayon, wala pa rin siyang anumang bakas nito!

Kung hindi niya ito makukuha, hindi ba't pagtatawanan siya ng buon
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 71

    Noong una ay gusto pang tumanggi ni Celestine, pero nang malaman niyang si Diana iyon, bigla siyang naging interesado sa kausap ni Vernard.Matagal na niyang hindi gusto si Diana, pero wala siyang pagkakataong gumawa ng anuman laban dito noon.Sa isip-isip niya, hindi naman labag sa batas ang magbiro ng kaunti, hindi ba? Siguro, okay lang naman ang gagawin niya.Sa pag-iisip nito, nag-log in si Chu Mian sa kanyang base account at direktang nakipag-usap sa lalaki."Isang bilyon. Isang bilyon para sa snow lotus grass.”"Isang simpleng isang bilyon lang, basta makuha mo ang snow lotus grass, anong halaga niyon, hindi ba?”"Magkita tayo at mag-usap nang masinsinan para rito kung gusto mo talagang kunin ang snow lotus grass.""Sige ba! Iyon lang pala eh. Walang problema!" sabi pa noong lalaki."Tawagan mo ang boss mo at makipag-usap sa akin nang personal ha? Siya ang gusto kong makipagkita sa akin.”"Bakit siya? Hindi ba pwedeng ako na lang? Ako naman ang kausap mo, ‘di ba? Ako na lang ang

    Last Updated : 2025-03-07
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 72

    Binuksan ni Diana ang pinto ng Box 999 ng The Rock Bar at ito'y walang katao-tao sa loob.Mahinang nagtanong ang bodyguard, "Miss, maaasahan ba talaga ang boss na iyon Bakit wala pa siya rito?""Siyempre naman pupunta iyon! Baka na-late lang. Alam mo na, busy na tao iyon eh!" pagkasabi noon ay sinulyapan niya ang kanyang bodyguard.Ito ang boss na makakatulong sa kanya para mahanap ang snow lotus grass. Kung may magsasabing hindi maaasahan ang boss na iyon, siya ang unang magagalit!Umupo si Diana sa sofa, kinuha ang kanyang cellphone, at masayang nagpadala ng mensahe kay Benjamin."Benjamin, hindi mo na kailangang hanapan ako ng snow lotus grass ha? Nahanap ko na ‘yon! Huwag ka na mag-alala sa akin!”Matapos iyon, isinara niya ang kanyang cellphone na may ngiti sa kanyang mukha.8 o’clock na ng gabi at tumayo si Diana, handang salubungin ang boss na sinasabi nila anumang sandali.Bihirang magpakita ang boss sa kahit sino sa pang-araw-araw. Ang pagkakataong makilala siya ay isang mala

    Last Updated : 2025-03-07
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 73

    “Sinabi niya na pagkatapos maayos ang sasakyan, napansin niyang sobrang lakas ng ulan, kaya bumalik siya sa parehong daan at hindi na darating ngayong gabi!”Galit na galit si Diana noong mga oras na iyon.Hinintay niya ito nang buong gabi, mula alas-otso hanggang alas-dose y media, pero bigla na lang niyang sinabi na hindi siya darating. Niloloko ba siya nito?!Siya si Diana Valdez! Diana Valdez! Ang panganay na anak ng pamilya Valdez! Maganda, mayaman at halos lahat ay nasa kanya na! Tapos, pinaghintay lang siya sa wala? Paano siya naloko ng ganito?!Siya ang laging nagpapalampas sa iba, pero ngayon siya ang pinalampas? Bakit?!Galit na galit si Diana, kinuha niya ang kanyang cellphone at handa nang magmura.Biglang may dumating pang isang message sa kanya."Pasensya na talaga sa nangyari, mag-set tayo ng panibagong oras bukas sa tanghali Promise! Matutuloy na talaga ito!"Naninikip ang mga mata ni Diana. Mag-set ng panibagong oras? Seryoso ba talaga ang kausap niya?"Hindi ka na ba

    Last Updated : 2025-03-07
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 74

    Nang lumabas si Celestine mula sa bar, malakas ang ulan. Madilim ang langit, at paminsan-minsan ay kumikidlat, pero tahimik ang kulog. Medyo kakaiba siya at mahilig sa mga araw na maulan, lalo na kapag nasa bahay lang siya, nanonood ng kdrama, kumakain, at umuulan sa labas. Pakiramdam niya ay tahimik at kumportable ang kanyang puso kapag ganoon ang weather. Pero, takot siya sa kulog. Natakot siya sa kulog noon matapos mahulog sa kailaliman ng dagat, dahil ang tunog nito ay nagbigay sa kanya ng matinding takot, na parang may sumabog sa kanyang mga tainga. Nang paalis na si Celestine para sumakay sa kotse, napansin niya ang isang itim na Maybach na nakaparada malapit. Bumukas ang pinto ng kotse, at isang lalaking naka-suit at leather shoes ang bumaba nang nagmamadali, may hawak na payong sa kamay, para salubungin si Diana. Saglit na tiningnan ni Celestine ang lalaki, at dumilim ang kanyang mga mata. Ang pinakamakapangyarihang tao at tila-diyos sa buong Nueva Ecija ay sumundo ka

    Last Updated : 2025-03-07
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 75

    Malakas ang ulan, at bahagyang nakita niya si Celestine na nakasandal sa manibela. Matagal nang hindi gumagalaw ang sasakyan.Nakahilig si Celestine sa manibela, tinatakpan ang kanyang mga tainga gamit ang magkabilang kamay, sinusubukang hadlangan ang nakakainis na kulog.Pero sa hindi malamang dahilan, parang alam ng kulog na takot siya, at sinadyang umalingawngaw ng mas maraming beses na parang nanunukso.Nang muling itinaas ni Celestine ang kanyang ulo, namumutla na ang buong mukha niya.Kinuha niya ang kumot mula sa likod at ibinalot ang sarili.Patuloy sa pag-ikot ang mga wiper, at pinilit ni Celestine na yakapin ang sarili sa isang maliit na bola, sinusubukang makahanap ng kahit kaunting pakiramdam ng seguridad.Dapat ay nagsisimula pa lang ang buhay-gabi sa Nueva Ecija bandang ala-una, pero dahil sa ulan, kakaunti lamang ang mga tao sa kalsada.Nagdilim ang mga ilaw sa bar, at na

    Last Updated : 2025-03-08
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 76

    Malabo ang isip ni Celestine, kaya hindi niya napansin na sinusundan siya ni Benjamin. Binilisan tuloy ni Eduard ang takbo ng kotse, sinusubukang iwan si Benjamin. Pero nang bumilis siya, bumilis din si Benjamin.Umakyat ang sasakyan sa viaduct, at humampas ang malakas na ulan sa salamin. Aksidenteng nakita ni Celwstine ang sasakyan ni Benjamin sa rearview mirror. Sandaling natigilan siya at lumingon.Sinabi ni Eduard, "Sinusundan tayo ni Benjamin.”‘Bakit siya nandito? Hindi ba niya hinatid si Diana pauwi?’ iyon ang nasa isip ni Celestine noong mga oras na iyon."Baka nadaan lang siya,” sagot ni Celestine, inaalis sa kanyang isip na posibleng sinusundan sila ng ni Benjamin.Pero hindi ito ang naisip ni Eduard sa ganoong paraan. Kitang-kita sa bilis ni Benjamin na hindi lang siya basta nadaan doon.Dalawang sasakyan ang bumabaybay nang mabilis sa viaduct. Magaling magmaneho si Benjamin, at paminsan-minsan ay pumapantay siya kay E

    Last Updated : 2025-03-08
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 77

    "Ikaw ang anak ko, sa tingin mo ba wala akong alam tungkol sa'yo?" Singhal ni Wendell at hinila si Celestine para sabay silang kumain ng noodles.Naupo si Celestine sa tapat ni Wendell. Habang naamoy ang mabangong noodles, nakaramdam siya ng lungkot.Noong taon na iyon, tinamaan ng matinding ulan ang buong Nueva Ecija at nawalan ng kuryente ang buong lungsod. Tinawagan niya si Benjamin, na noon ay kasama si Diana.Kalaunan, nang hindi na niya alam ang gagawin, tinawagan niya si Wendell.Ang lalaking paulit-ulit na nagsasabing nais niyang putulin ang ugnayan nilang mag-ama ay dali-daling pumunta sa mansion para samahan siya, sa kabila ng masungit na panahon na bumali ng mga sanga ng puno.Kinabukasan, ipinagluto siya ni Wendell ng isang mangkok ng braised beef noodles, katulad noon.Pero dahil sa ilang masasamang salita ni Wendell laban kay Benjamin, nag-away silang dalawa, at natapon ang noodles sa s

    Last Updated : 2025-03-08
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 78

    Binuksan ni Diana ang kanyang bibig, at ang ekspresyon sa kanyang mukha ay halatang may kakaiba."Gusto rin bang makita ni Celestine ang ‘Boss’?""Miss Valdez, napakalakas mo na kaya mong makita ang mga ganitong klaseng tao. Hindi tulad ko, naririnig ko lang ang tungkol dito..." May ekspresyong "Gusto ko rin makita ang Boss" si Celestine.Suminghal si Diana, syempre. Siya ang panganay na anak ng pamilya Valdez, si Diana Valdez, at palagi niyang nakukuha ang gusto niya!"Kahit na mayaman na ang pamilya Yllana ay malayo pa rin ito sa apat na sikat na pamilya dito sa Nueva Ecija. Sa huli, magkaibigan tayo, kaya dalhin mo ako para makita ang boss na iyan, pwede ba?" Sinubukan ni Celestine na ibaba ang tingin sa pamilya Yllana para maging kapani-paniwala siya.Itinaas ni Diana ang kanyang kilay. Hindi niya matiis na tingalain siya ng iba. Gustong-gusto niya ang pakiramdam ng hinahangaan, lalo na't ang taong nasa harap

    Last Updated : 2025-03-08

Latest chapter

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 259

    Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 258

    Palabas na sana siya ng kanyang cellphone, pero napansin niyang nagbabasa rin si Celestine ng balita sa kanyang cellphone.Agad niyang inagaw ang cellphone ni Celestine at itinuro ang nilalaman nito, "Hindi ba't ikaw ang may gawa nito? Aminin mo na kasi!”"Celestine, napaka-despicable mo! Gaano katagal na ba mula nang nangyari ang insidente sa snow lotus grass? Bakit mo ito muling binuhay? Dahil ba gusto ka nang hiwalayan ni Benjamin kaya gusto mong gumanti sa pamilya Valdez? Ganoon ba?”Tiningnan ni Celestine si Diana at naunawaan kung bakit ganoon na lang ang galit niya ngayon.Lumabas na siya pala ang pinaghihinalaan ni Diana na nagpakalat ng issue tungkol sa snow lotus grass.Tumayo si Celestine noong mga oras na iyon at akmang itutulak na naman siya ni Diana pagkatayo niya.Inalis ni Celestine ang kamay ni Diana, kaya napaatras ito ng dalawang hakbang.Nakapagkunot-noo si Diana habang tinititigan si Celestine.Maayos na inayos ni Celestine ang kanyang damit, isinuklay ang buhok,

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 257

    “Para ba sa iyo ay nakakadiri akong babae?!” galit na sambit ni Celestine habang nakangiwi ang mga ngipin. Kung ang nakaraang segundo ay puno pa ng lambing, sa susunod na segundo’y pawang kalupitan na lamang ang natira para sa kanya. Hinawakan ni Benjamin ang kanyang damit, ngumisi siya, nakakadiri? Kailan niya sinabi iyon? Ang ganitong klase ng pakikitungo ay bagay na bagay sa kanyang mayabang at dominanteng ugali! “Puntahan mo na si Diana, pakasalan mo siya. Sana’y maging masaya kayo! Wala nang pipigil sa inyo!” Kinuha ni Celestine ang mansanas sa tabi ng kama at inihagis ito kay Benjamin, “Lumayas ka! Hindi kita kailangan dito!” Pakiramdam niya ay malas kung manatili pa ito ng isang segundo sa loob ng kwarto niya! Nandoon nga si Diana, pero nandoon din naman siya, hindi ba? Buhay na buhay! Sinabi pa ni Benjamin na iba siya kay Diana. Oo nga naman, magkaibang-magkaiba sila. Si Celestine ay mas marangal at mas mataas kaysa kay Diana nang maraming ulit! Nawalan ng pasensya si

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 256

    Mahigpit na hawak ni Celestine ang kanyang cellphone, kinukumpirma ang hinala sa kanyang isipan.Nag-panic si Benjamin dahil hindi niya agad nakita si Celestine sa kwarto nito.Nagkakagusto na ba siya kay Celestine kaya ganoon ang reaksyon ni Benjamin?"Makakalabas ka na ba bukas sa ospital?" tanong niya bigla.Pinatay ni Celestine ang kanyang cellphone, at nang siya’y tumingin pataas, hawak ni Benjamin ang hair dryer at pinatutuyo ang kanyang buhok.Tumango si Celestine, "Oo. Bukas na nga.""Hindi ka na kailangang sunduin pa ni Eduard sa ospital, ako na ang maghahatid sa’yo pauwi. Basta, hintayin mo ako rito bukas." Habang sinasabi niya iyon, patuloy siyang nagpapatuyo ng buhok.Isinuksok ni Celestine ang sarili sa kumot at nag-mutter siya, "Huwag mo na akong alalahanin, Benjamin. Kaya ko naman na ang sarili ko.”"Ha?” Napangisi siya, kinamot ang buhok gamit ang dulo ng daliri, at isinara ang hair dryer.Itinapon niya ito sa cabinet, tapos tumingin kay Celestine, "Kung ayaw mong maka

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 255

    Hanggang sa tumigil na ang mga yabag.Nang mapatingin si Celestine nang hindi sinasadya, nakita niya ang isang pamilyar na lalaki.Dahan-dahang ibinaba ni Celestine ang mga hawak niya at tumayo, saka tinitigan ang lalaki mula ulo hanggang paa.“Benj.. Benjamin? Anong nangyari sa’yo?" medyo tulala si Celestine noong mga oras na iyon.Napatingin si Danica sa kanila. Kitang-kita ang gulat sa kanyang itsura. Basa ng ulan ang buhok ni Benjamin. Nakakunot ang noo at nakatitig kay Celestine, halatang puno ng kaba at pag-aalala.Nasa likod ni Benjamin sina Veronica at dalawang guards mula sa ospital."Bakit hindi mo sinasagot ang cellphone mo? Kanina pa ko tawag nang tawag." Galit at puno ng paninisi ang tono ni Benjamin pagbungad pa lang ng mga salita niya.Kinapa ni Celestine ang bulsa niya. Cellphone niya?Ah, nakalimutan niyang kunin ito noong nagpalit siya ng damit. Naiwan ni

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 254

    Tahimik si Benjamin ng ilang ulit.Naging seryoso ang mukha ni Celestine, parang galit na galit ang kanyang mukha.Napakatahimik sa kwartong iyon, at kitang-kita ang mainit na paghinga ng dalawa. Nakita ni Celestine na bumibilis ang paghinga ni Benjamin, at sa huli ay nawalan ito ng kontrol at itinulak siya palayo.“Wag kang umasa na mangyayari iyon sa atin.” Hinding-hindi niya mamahalin si Celestine. Hindi niya makita ang sarili na mamahalin niya ito.Ang malamig at walang emosyon na sagot ay nagpadapa ng damdamin Celestine.“Hindi talaga ako aasa,” mahinang sagot ni Celestine sa sagot ni Benjamin.Ilang ulit na rin niya itong sinabi sa sarili kaya sanay na siya. Hindi na nagulat pa sa sinabi ni Benjamin.Tumindig si Benjamin, inayos ang kanyang kwelyo, at kita sa leeg niya ang gumagalaw na lalamunan. Hindi na niya kayang tingnan pa si Celestine, kaya tumingin na lamang siya sa bintana.Matagal na nakatitig si Celestine sa likod niya, bago siya tumawa. “Nagbibiro lang naman ako, para

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 253

    Pagkatapos magsalita ni Eduard, sinulyapan niya si Benjamin na para bang ibang layunin.Nakita niyang nakatitig sa kanya si Benjamin nang walang emosyon. Kung nakakamatay ang tingin, pakiramdam ni Eduard ay patay na siya sa mga sandaling iyon. Ngumiti si Eduard sa gilid ng kanyang labi at umalis na nang tuluyan.Nang maisara ang pinto ng kwarto, dahan-dahang pinisil ni Benjamin ang kanyang mga kamao. Nagpipigil siya, nagliliyab ang kanyang mga mata."Hindi ka ba aalis dito? Umalis na si Eduard, umalis ka na rin," sabi ni Celestine na umalingawngaw sa kanyang tainga.Mabilis na tumingin si Benjamin kay Celestine at hindi napigilang matawa."Celestine, dinalhan kita ng dinner, at hindi pa nga ako naka-upo ng limang minuto, pinalalayas mo na ako? Do you have manners?”Samantalang si Eduard pa nga ang parang ayaw niyang paalisin kanina! Uminit na naman tuloy ang ulo ni Benjamin noong mga oras na iyon.Napakabilis talagang magpalit ng isip ng babaeng ito! Papalitan na lang siya nang ganoo

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 252

    She will strive to live for her life. Iyon ang natutunan ni Carene kay Celestine. Gabi na noon. Nakahiga si Celestine sa kama at naglalaro ng games sa kanyang cellphone nang may kumatok sa pinto ng kanyang kwarto. Lumingon si Celestine at natigilan nang makita kung sino ang dumating, saka tumayo, “Eduard, ikaw pala iyan.” Naka-itim na suit si Eduard at may suot na gold-rimmed na salamin. Mayroon siyang kakaibang karisma at elegante rin ang kanyang dating. Lumapit siya bitbit ang isang bouquet ng lilies at may basket of fruits sa isang kamay, at pabirong nagsabi, “Dumating ako para bisitahin ang isang bayani.” Napasimangot si Celestine, “Anong bayani? Sa huli, may ibang humarang para sa akin. Kung may bayani rito, siya iyon at hindi ako.” “Bakit parang nadismaya kang hindi ikaw mismo ang nasaksak? Iba ang tono mo ah,” Ibinaba niya ang basket of fruits at iniabot ang mga bulaklak kay Celestine, “Lilies para sa iyo, sariwang-sariwa, kasing fresh ng mga ngiti mo.” Tiningnan ni Cel

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 251

    “Miss Georgia, pakawalan mo na po dito sa ospital. Gusto ko na umuwi, at saka, ayos na ayos na po ako! Ang lakas ko na nga eh!”Bumisita si Georgia kay Celestine noong mga oras na iyon. Agad na hinawakan ni Celestine ang braso ni Georgia at nagmakaawang palabasin na siya, kawawang-kawawa ang kanyang itsura.Binuklat ni Georgia ang medical record ni Celestine at tamad na nagsalita, “Hindi ako ang ayaw kang palabasin, si Mr. Macabuhay ang ayaw. Wala akong magagawa. Siya na ang nagsalita eh.”“Oh…” Napaupo si Celestine sa kama na parang nawalan ng pag-asa, nakasimangot na tumingin kay Georgia. “Gusto ko nang bumalik sa trabaho. Mahal na mahal ko ang trabaho ko. Miss Georgia, naiintindihan mo naman ako, hindi ba?”Napatawa si Georgia sa narinig.Araw-araw silang magkasama sa operating room, busy mula umaga hanggang gabi, at madalas pa niya itong pinapagalitan. Mahal niya ang trabahong ‘yon? Iyon ba talaga ang dahilan kung bakit gusto niyang bumalik sa trabaho?“Sige, kakausapin ko si Mr.

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status