Iminulat ni Benjamin ang kanyang mga mata, nilunok niya ang laway niya at humihingal, “Ikaw si..”"Benj..”Biglang narinig ang boses ni Diana mula sa pintuan ng kwarto ng ospital.Agad na itinulak ni Celestine si Benjamin at tumayo, saka tumingin sa pintuan.Kagat ni Diana ang kanyang ibabang labi, may hawak na lunch box sa kanyang kanang kamay. Tinitigan niya si Celestine na may lantarang poot sa kanyang mga mata.Dalawang hakbang ang ginawa ni Celestine paatras at malamig na nagsalita, "Diana, huwag mo akong aawayin ha? Mali ka lang ng nakita. Napagkamalan lang ako ni Benjamin na ikaw. Iyon lang iyon.”"Talaga ba?" Saglit na tumingin si Diana kay Celestine.Hindi alam ni Celestine kung naniniwala si Diana sa sinabi niya.Tumingin si Diana kay Benjamin na nakahiga sa kama at ngumiti, "Benj, dumating ba ako sa hindi tamang oras?""Huwag kang magsabi ng kung anu-ano dyan, sumakit lang ang tiyan niya at napadaan ako, kaya binisita ko siya rito." Ayaw ni Cestine na magkaroon ng gulo kaya
Pagkatapos pumasok gamit ang face scanning, agad na lumapit sa kanya ang isang robot, at isang mekanisadong boses ang tumunog, "Boss, maligayang pagdating sa base.”Hinaplos ni Celestine ang ulo ng robot.Biglang bumukas ang pinto ng lounge, at lumabas si Vernard mula sa loob. Mukha siyang naguguluhan."Boss, bakit ka nandito? Anong oras na, ah.""Pumunta ako rito para tingnan ang sitwasyon ng snow lotus grass sa black market."Gaano na ito ka-hyped?Sumagot si Vernard at sumunod kay Celestine papunta sa information office.Sa malaking screen opisina, patuloy ang pag-scroll ng mga update, at ang paksa tungkol sa snow lotus grass sa black market ay umabot na sa mahigit 200,000 posts, na may kabuuang 2 bilyong views.Pero hindi iyon ang pinakamahalagang bagay kung hindi ang presyo nito ay patuloy na lumolobo nang walang katapusan!Ang listahan ng presyo sa kanang itaas na bahagi ay na-freeze sa 1 bilyon."Wala pang nakakakuha ng snow lotus grass," sabi ni Vernard.Nakapamewang si Celest
Dinala ni Celestine ang snow lotus grass sa hall ng base.Agad na lumapit ang isang robot, sinuri ang snow lotus grass, at nagsalita nang may sabik na tono."Wow, ito ang nag-iisang snow lotus grass na hinahanap ng lahat sa black market!"Pumalakpak si Celestine at nagkrus ng mga braso.Muling nagtanong ang robot, "Boss, saan mo nakuha ang snow lotus grass na ito?”Ngumiti si Vernard, "Sa tambak ng basura.” Hindi na nakapagsalita pa ang robot.Tinitigan ni Vernard ang robot, at nakita niyang naging magulong kumpol ng mga bituin ang screen ng robot, kasunod ang isang picture ng electrocardiogram.Anong nangyayari?Nag-freeze ba ito?Grabe, sa dami ng taon niya sa base, ngayon lang siya nakakita ng screen ng robot na nag-freeze.Ayos lang ba ito?Nag-restart ang sistema ng robot, at biglang lumabas ang isang malaking mata. Sinabi nito, "Nawalan ng malay si Ferdie at nagising ulit! Lumalabas na nasa Boss ang snow lotus grass!"Hindi alam ni Vernard kung matatawa siya o maiiyak, at lahat
Si Diana ay agad na tumango, "Sige! Promise mo iyan ha? Tutulungan mo kong makahanap ng snow lotus grass.” "Oo, sige. Pangako, tutulungan kita. Sa ngayon, umuwi ka na at magpahinga nang maaga, darating si Veronica mamaya para bantayan ako," paalala ni Benjamin sa kanya. Umiling si Diana, "Hindi ako aalis, sasamahan kita! Ako ang magbabantay sa iyo ‘no!” "Hindi mo na ako kailangan pang samahan rito, sumunod ka na lang sa sinabi ko at umuwi," malumanay na sabi ni Benjamin. Nag-isip si Diana at sa huli ay tumango nang sang-ayon. “Sige na nga, aalis na ako. Anong oras na rin eh. Pero, okay ka na ba talaga rito?” “Oo, okay na ako rito. Thank you sa pag-aalala mo sa akin. Hihintayin ko na lang si Veronica rito,” nakangiting sagot ni Benjamin. Gusto niyang hanapin agad ang kanyang kapatid at makahanap ng paraan para makuha ang snow lotus grass nang mabilis. Ilang araw na lang ang natitira bago ang birthday ni Lola Belen. Pagkaalis ni Diana, naging tahimik ang buong kwarto ni Benjami
"Ano ang sinasabi mo dyan? Kailangang dumating si Chu Mian doon sa birthday party ko!"Itinaas ni Benjamin ang kanyang mga mata at tumingin sa walang laman na pader sa likod ng sofa.Pagkatapos, naalala niya ang sinabi ni Celestine—”Benjamin, huwag mo na akong habulin o kulitin ulit."Ibinaling ni Benjamin ang kanyang paningin pababa, pinatigas ang kanyang puso, at sinabi, "Grandma, may problema na talaga sa relasyon namin ni Celestine.”"Sasabihin ko na po ang totoo sa inyo. Totoo po ang mga narinig niyo, naghahanda na kami para sa divorce naming dalawa!”Nanlumo ang taong nasa kabilang linya ng cellphone at agad na napamura, "Ikaw na walang utang na loob na apo! Ikaw, ikaw—"Natigilan si Benjamin, at biglang walang narinig mula sa kabilang linya ng cellphone.Kumunot ang noo niya, saka tinawag, "Grandma? Ayos lang po ba kayo?"Wala pa ring sagot, at biglang nakadama ng kaba si Benjamin.Mabilis siyang tumayo at tinawagan si Zsa Zsa, "Mama, pakitingnan mo kung may nangyaring masama k
Si Celestine ay nakasuot ng puting palda, ang kanyang buhok ay nakalugay sa likuran, at may hawak siyang mga prutas at supplement para kay Lola Belen sa kanyang mga kamay. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, biglang bumilis ang tibok ng puso ni Benjamin."Celestine..."Tiningnan siya ni Celestine, may hindi maipaliwanag na pakiramdam sa kanyang puso."Nabalitaan kong nasa ospital si Lola Belen, kaya pumunta ako para bisitahin siya. Okay lang naman, ‘di ba?" mahina niyang sinabi.Nang marinig ang kanyang tinig, agad na tumayo si Zsa Zsa. Nang makita niyang si Celestine iyon, dali-dali siyang lumapit para salubungin ito, na parang nakikita ang sarili niyang anak, at ipinakita ang kanyang matinding pagmamahal."Celestine!Buti naman at nandito ka! Sige, upo ka ha?""Mom, kamusta po si Lola Belen?" Inilagay ni Celestine ang mga dala niyang bagay sa tabi ng mesa at tinanong si Zsa Zsa.Umiling si Zsa Zsa "Dati niya pa kasi itong sakit eh. Sinabi ng doktor na kailangan niyang mag-stay dito
Naroon sandali ng katahimikan sa pasilyo.Nakita ni Celestine na hindi siya nagsalita nang matagal, kaya dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang ulo.Hindi makita ni Benjamin ang kanyang mukha, ngunit narinig niya ang mahina niyang bulong, "Natatakot ka bang gamitin ko si Lola Belen para mapanatili ka sa piling ko?"Nangusot ang mga mata ni Benjamin. Palagay niya’y kailangan niyang ipaliwanag ang sarili nang marinig ang tinig ng matanda mula sa kwarto.“Celestine, ikaw ba iyan?”Tumingin si Celestine sa loob at sinabing, "Ah. Gising na pala si Lola Belen.Pagkatapos nito, lumampas siya kay Benjamin at pumasok sa kwarto para kamustahin ang matanda.Tinutulungan ni Zsa Zsa ang matandang babae na makaupo nang maayos. Nakahilig ito sa ulunan ng kama, nakatingin kay Celestine, sobrang lungkot ng kanyang mga mata.Sumunod agad si Benjamin kay Celestine.Nang makita silang dalawa na magkasama, lalong sumama ang pakiramdam ni Lola Belen.Sa isip-isip niya ganito na ba ang kahihinatnan ng dalaw
Habang silang dalawa ay nasa elevator.Tiningnan ni Celestine si Benjamin at naalala ang sinabi nito kay Zsa Zsa.——”Mama, masaya naman ako sa lahat ng nagawa ni Celestine para sa akin. Pero iba ang usapin kapag tungkol sa pag-ibig eh.”——”Mama, huwag mo na akong pilitin. Hindi ko talaga mahal si Celestine eh, at wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang relasyon namin bilang mag-asawa!”Paulit-ulit niyang pinaalala sa kanya at sa lahat ng nasa paligid niya na hindi niya ito mahal.Pero sumuong pa rin siya sa pader na ito nang hindi lumilingon.Pagod na ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo.Biglang narinig niya ang lalaking nasa tabi niya na nagsabi, "Celestine, patawarin mo ako sa tatlong taong pagsasama natin.”Lumingon si Celestine para tingnan siya, at nagtagpo ang kanilang mga mata. Ngumiti si Celestine at kunwaring kalmado na sinabing, "Anong dapat ang ihingi mo ng patawad? Ginawa ko lang naman ang lahat ng iyon sa sarili kong kagustuhan.”Dati, sinisisi niya si Benjamin dahil
“Anong sinasabi mo? Mahal na ni Benjamin si Celestine? Kalokohan! Kahit yata sa panaginip, hindi mangyayari iyon!” sabi ni Shiela, inis na inis na ang mukha niya.“Totoo, mahal niya si Celestine. Hindi naman sila tatagal ng tatlong taon kung hindi,” sagot ni Sean, pinagtatanggol pa rin ang kanyang kaibigan kahit na alam niyang hindi naman totoo iyon.“Alam mo, nagkamali ako na sumakay ako sa kotse mo. Dapat pala ay humindi na agad ako kanina. Iinisin mo lang pala ko!” sigaw ni Shiela.Naisip ni Sean na wrong mo nga ang ginawa niya. Kaya naman, agad siyang nag-sorry kay Shiela.“Sorry na, sorry na! Nagsasabi lang naman ako ng totoo! Hayaan mo, hindi na ko magsasalita ng tungkol doon!” sagot ni Sean.Tumingin si Shiela sa daan, para bang gusto na niyang tumalon sa labas kung pwede lang. Ilang minuto pa ay nagpasya na siya.“Sean, ibaba mo na lang ako dyan sa tabi. Maglalakad na lang ako pauwi. Malapit naman na ang bahay namin dito. Okay na ko,” mahinahon ang kanyang tono pero malinaw an
Nasa kotse pa lang sina Shiela at Sean noon pero gusto nang bumaba ni Shiela dahil usap nang usap ang lalaking kasama niya. .Rinding-rindi na siya rito, feeling close kasi at akala mo hindi pinabayaan ng kaibigan niya si Celestine.“So, kamusta pala ang pagiging artista mo, Miss Shiela? Siguro, marami kang manliligaw ‘no? Alam mo, pangarap ko ring maging artista noon. Kaya lang, naisip ko, ayaw kong magulo ang buhay ko. Alam ko namang gwapo ako pero-” hindi na natapos ni Sean ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Shiela sa kanya.“Alam mo, kung gusto mo talagang maging isang artista, matutunan mo man lang muna sana na huwag maging mayabang. Ikaw, gwapo? Saang banda?” mataray na sagot ni Shiela.Tiningnan ni Sean si Shiela nang matagal. Hindi makapaniwala na ganoon siya kung kausapin ng dalaga. Siya si Sean Vallejo at wala pa ni isa ang gumawa noon sa kanya.“Saan banda? Miss Shiela, bulag ka na yata? Kung gusto mo, idederetso kita sa ospital para maging malinaw na ang paningin
Nagulat si Sean sa inasal ni Shiela, "Miss Sheila, hindi naman ganito ang personalidad mo online, di ba? You are praised. Akala ko ay maayos kang uri ng babae.”Ang maalamat na celebrity na si Shiela ay maganda, mabait, kaakit-akit, at maalalahanin.Paano siya magiging maalalahanin? Sa sitwasyon nila ngayon, para siyang isang maliit na bomba! Na kahit anong oras, puputok na!"Ikaw na mismo ang nagsabi, iyon ang personalidad ko online. Ibig sabihin, online lang. Hindi sa personal. Diretsahang sagot ni Shiela.Nagulat si Sean sa sagot ni Shiela. Tama nga naman! Iba rin naman ang ugali ng isang Sean Vallejo online, iba rin sa personal.Napatunayan niya, iba talaga ang mga celebrity sa stage at sa totoong buhay."Saan ka nakatira si Miss Shiela? Tulad nga ng sabi ni Benjamin, ihahatid kita pauwi." Ngumiti si Sean.Nainis si Shiela sa narinig, "May kamay at paa ako, kaya kong umuwi mag-isa. Hindi ko na kailangan sabihan ng isang kagaya mo.”"Kailangan kong sundin ang utos ni Benjamin. Baka
Si Celestine ay napakunot-noo, at ang kanyang maganda at marupok na mukha ay halos magkadikit sa kulubot."Celestine, masyado ka nang nakainom. Itigil mo na iyan.Malinaw at may bahagyang lamig ang tinig ng lalaki.Nasa ulap si Celestine. Para bang hindi niya naririnig kung ano ang sinabi ng lalaki sa kanya.Itinaas niya ang kanyang mukha at sinubukang makita nang malinaw ang lalaki sa kanyang harapan. Pero dahil sa malabong makeup niya, nalagas na pilikmata, at madilim na ilaw, hindi niya maaninag nang maayos ang mukha nito.Malabo, sobrang labo.Katulad ng nararamdaman nito para para kay Benjamin,hindi kailanman naging malinaw. At hindi na magiging malinaw pa.Tinitigan siya ni Benjamin, may madilim na bilog sa ilalim ng kanyang mga mata, at may halong komplikasyon sa kanyang tingin.Paano mo nagawang maging ganito? Hindi pa niya nakitang ganito kalasing ang dati niyang asawa. "Ako na ang maghahatid sa iyo pauwi." Hinawakan ni Benjamin ang pulso ni Celestine at sinubukang alalayan s
"Shiela." Mahinang tinawag ni Celestine si Shiela, ang kanyang boses ay puno ng paghikbi.Marahang hinaplos ni Shiela ang buhok sa tabi ng kanyang tenga at tumango, "Celestine, nandito lang ako para sa iyo. Kung ano man ang dahilan ng pag-iyak mo, sige iiyak mo lang."Hinawakan ni Celestine ang kanyang dibdib, namumula ang kanyang mga mata, at nakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa kanyang puso."Maghihiwalay na kami at napagdesisyunan na naming bumitaw sa isa't isa, pero bakit parang ang sakit pa rin? Hindi ba pwedeng madali na lang ang proseso nito?" Bahagyang kunot-noo si Celestine habang hinihintay ang sagot ni Shiela.Nang makita sa isip niyang yakap-yakap ni Diana si Benjamin at naglalambing ito sa kanya, naramdaman niya ang tila alon ng sakit na bumalot sa kanyang katawan. Maiintindihan pa rin kaya siya ni Shiela kung iyon ang iniiyak niya?"Celestine, kailangan mo lang ng oras para tanggapin ang lahat. Na hindi na talaga kayo para sa isa’t isa. Hindi madali ang proseso p
Naroon at biglang lumingon ang lalaki at nakita siya.Nagningning ang kanilang mga mata.Malinaw na nakita ni Celestine na tumatakbo papalapit sa kanya ang lalaki."Celestine, what a coincidence. Nakita kita rito. Mag isa ka lang ba?" tanong ni Sean sa masiglang tono habang lumilinga-linga.Pinagdikit ni Chu Mian ang kanyang mga labi, bahagyang walang magawa. Kahit na saan siya magpunta o kahit sumasayaw lang siya, nakakatagpo pa rin siya ng kakilala na ayaw naman niyang makita. Talagang maliit lang ang Nueva Ecija."Kasama ko si Shiela." Itinuro ni Celestine ang babae sa isang booth sa gilid.Tumingin si Sean sa booth at nakita si Shiela na nakayuko habang nakatutok sa kanyang cellphone, mukhang payat pero maganda. Kahit marami pang tao sa bar, sapat na siya para maakit ang pansin ng iba sa isang tingin.Ang ugali ni Shiela ay talagang kakaiba, isang bagay na hindi madaling gayahin ng iba. Kaya niya nga naging kaibigan si Celestine.Itinaas ni Sean ang kanyang kilay at bahagyang nags
Unti-unting lumayo ang itim na Ferrari.Si Celestine ay nakaupo sa passenger’s seat at nakatingin lang sa harapan, hindi maipaliwanag ang lungkot na nadarama.Nagawa talagang baguhin ni Diana ang sitwasyon, kanina ay siya ang talunan pero sa huli ay naging mabuti pa rin si Benjamin sa kanya.Sa isip-isip niya, baka ito na ang panahon kung kailan ipapakilala na ng tuluyan ni Diana si Benjamin sa kanyang pamilya. Siguro ay doon na rin talaga papunta ang relasyon nila.Hindi niya mapigilang maalala ang panahon kung kailan bagong kasal pa lang sila ni Benjamin.Gusto rin niyang dalhin si Benjamin sa kanilang bahay, gusto niyang sabihin sa kanyang ama na tama ang naging desisyon niya, at gusto niyang mapanatag ang loob nito.Pero ipinagpaliban niya ito nang paulit-ulit, hanggang sa ngayon, ang bilang ng beses na nakita ng kanyang ama si Benjamin ay mabibilang lang sa daliri.O pag-ibig nga naman, kung minsan ay hindi malinaw ang mga sagot nang bagay-bagay.Kinuha ni Celestine ang kanyang c
Tatlong beses nang tumawag si Diana kay Benjamin pero hindi niya ito sinagot dahil sa sobrang busy.Ilang minuto pa ay biglang nag-ring ang cellphone ni Veronica. Iyon pala, si Diana ang tumatawag sa kanya.Agad naman niya iyong sinagot at nilagay ang cellphone sa bandang tainga.“Hello, Veronica. Where is Benjamin? Kailangan ko siyang makausap!” sigaw ni Diana sa kabilang linya.Tinakpan ni Veronica ang kanyang tainga dahil sa sigaw na narinig niya.“Miss Diana, sobrang busy po ni Mr. Peters ngayon. Baka po hindi niya na kayo makausap. Pasensya -” hindi natapos ni Veronica ang kanyang sasabihin dahil sumagot agad si Diana sa kanya.“No! I want to talk to Benj! Give it to him!” sigaw ni Diana ulit.“Miss Diana, hindi nga po pwede-” natigilan na naman si Veronica sa kanyang pagsasalita dahil napansin ni Benjamin ang pagbulong ng kanyang secretary sa cellphone nito.“Veronica, sino iyan? Bakit bumubulong ka?” tanong ni Benjamin, labis ang kanyang pagtataka.“Mr. Peters, si Miss Diana po
Agad na lumayo si Celestine sa lahat para tawagan si Shiela. Aalamin niya kung bakit nagawa iyon ng kanyang kaibigan at kung may iba pa ba itong plano kay Diana.Sinagot naman ni Shiela ang tawag “Yes? Nakita mo na ba ang kinalat kong picture? Sige, sabihin mo sa akin kung ano ang reaksyon ng babaeng iyon sa ginawa ko. I want to hear it!”Napailing na lang si Celestine sa narinig. Yes, she is thankful sa pagtulong ng kaibigan niya sa kanya pero may guilt pa rin siyang nararamdaman.“Satisfied naman ako sa pagkabalisa niya, pero kailangan ba talagang umabot sa ganito, Shiela? Na gagamit tayo ng iba para lang makaganti sa kanya? Hindi ba masyadong komplikado ‘yon?”“Hey, ikaw ba talaga ang kaibigan kong si Celestine o nasapian ka na ng masamang espiritu? Alam mo, bagay lang sa kanya iyon. Kulang pa nga eh. Iisip pa ko ng igaganti natin sa kanya!”“Ikaw ang bahala. Ang akin lang naman, ayaw kong madamay ka pa rito. Kaya ko naman si Diana kahit ako lang ang umaway sa kanya,” may pag-aalal