Share

Chapter 218

Penulis: Athengstersxx
last update Terakhir Diperbarui: 2025-04-09 10:51:37

Gumalaw ang kanyang mga labi at tumingin sa magagandang mata ni Celestine.

Hindi napigilan ni Louie ang mapakunot ang noo at lumunok ng laway. Si Celestine, ang mga mata niya ay talaga namang kamukha ng mga mata ng kanyang Mommy.

Binaba ni Louie ang kanyang boses, nakakunot ang noo, at ang kanyang matipunong mukha ay mas lalong naging kaakit-akit.

Binalaan niya si Celestine, “Sa madaling salita, huwag ka nang makipag-ugnayan sa kapatid ko! Kung may kailangan ka sa kanya, sa akin ka na lang lumapit. Ayaw kong nase-stress siya dahil sa iyo!”

Mahal na mahal ni Louie si Diana dahil iniisip niya na kung magiging mabait siya sa anak ng iba, pwedeng ang tunay niyang kapatid sa labas ay magiging mabuti rin ang trato ng mga taong umampon dito.

Si Freescia, ang tunay niyang kapatid.

Kung makakauwi lang si Freescia sa kanila, mamahalin niya ito nang higit pa kaysa kay Diana!

Hindi niya kailanman sisigawan o sasaktan si Freescia, at ibibigay niya rito ang lahat ng pinakamagandang bagay sa mundo!
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 219

    "Pasensya na kung ano man ang nasabi ko noon sa iyo..." Sabi noong babae kay Celestine.Nakatayo si Celestine sa dulo ng kama at tiningnan siya, kalmado ang mga mata. Kung kahapon ay may awa pa siya sa babae, ngayon ay wala na kundi malamig na pagtingin.Bugbog ang katawan ng babae, may benda sa noo at ang mga braso'y balot din ng gasa. Kitang-kita kung gaano kabagsik ang lalaki sa kanya.Nalungkot si Celestine sa pag-iisip na ipinagtanggol pa ng babae ang lalaking iyon kahapon! Tapos ito pala ang gagawin sa kanya ng lalaki ngayon?Ano ang naging kapalit? Mas marahas na pananakit mula sa lalaking iyon! Buti na lang din at nakaligtas pa ang babae mula sa kanya."Dr. Yllana, huwag mo akong sisihin sa nangyari sa akin. Wala akong magawa. Sa kanya ako umaasa para mabuhay. Alam kong hindi ako pwedeng lumaban sa kanya kahit ang totoo ay gustong-gusto ko na iyong gawin," Medyo nanginginig ang boses ng babae, at nasasaktan ang kanyang sugat sa mukha habang nagsasalita.Napakunot-noo si Celest

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-09
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 220

    Tumingin si Celestine sa loob ng sasakyan at nakita ang maleta ni Eduard."Hindi mo pa ibinaba ang bagahe mo? So, kadarating mo lang talaga?""Miss na kasi kita, kaya dumiretso na ako rito sa ospital. Okay lang naman siguro iyon, hindi ba?" diretsahan niyang sabi.Hindi napigilang tumingin si Celestine sa kanya nang mas matagal bago ngumiti."Pwede ba kitang yayain mag-dinner? Kung hindi ka busy," tanong niya.Tumango si Celestine, "Sige. Wala namang problema sa akin."Binuksan ni Eduard ang pinto ng sasakyan para kay Celestine na parang isang tunay na lalaki. Sa isip-isip ni Celestine, sobrang swerte ng magiging girlfriend ni Eduard dahil maalaga ito.Pagkaupo ni Eduard sa loob ng kotse, iniabot niya ang isang regalo kay Celestine. "Para sa'yo ito. Sana magustuhan mo. Pinili ko talaga iyan para lang sa iyo.""Ay, nakakahiya naman. Sana hindi ka na nag-abala pa. Pero, salamat ha? I appreciate it.""Ayos lang, iniligtas mo ang ama ko noon. Hindi pa ako nakakapagbigay ng anumang bagay n

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-10
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 221

    Magpapasalamat na sana si Mary sa taong tumulong sa kanya, pero nakita niya si Celestine. Agad na nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Tiningnan ni Celestine si Mary. Sa lahat ng mga kagalang-galang na babae, siya ang may pinakakakaibang ganda. Elegante rin ang kanyang pananamit. Halatang mahilig siya sa mamahaling mga damit, uwing magkikita sila, ganoon ang suot niya. Maganda ang hugis ng kilay at mata ni Mary Valdez. Kahit nasa 50 na ang edad niya , napakaganda pa rin niya. Napailing siya, “Bakit nandito ka rin? Anong ginagawa mo rito?” “Ay, bakit po? Hindi po ba pwedeng kumain ako rito? Hindi naman nakakagulat na nandito rin ang isang tulad ko. Maliit lang ang Nueva Ecija. Kakaunti lang ang masasarap na kainan dito sa atin!” sagot ni Celestine na may bahagyang ngiti. Tumaas ang kilay ni Mary noong mga oras na iyon at tumingin sa mesa ni Celestine. “May kasama ka o nag-iisa ka?” “Ang lungkot naman ni Miss Yllana kung pati sa dinner ay mag-isa pa rin siya.” irap ni M

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-10
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 222

    Hindi alam ni Mary kung nasaan na si Freescia at kung ano na ang buhay niya. May maganda ba siyang buhay? Mahal ba siya ng mga magulang niya o di kaya naman ay mabuti ba ang mga tao sa paligid niya?Iyon ang tanong sa isip ni Mary na kahit kailan yata ay hindi na masasagot pa."May galit ka ba kay Mrs. Valdez?" tanong ni Eduard kay Celestine na may halong pagtataka."Hindi kami magkasundo ng anak niya, paano siya magiging mabait sa akin? Hayaan mo na, ganyan talaga siya," sagot ni Celestine. Hindi lang si Mary, pati na rin ang kapatid ni Diana na si Louie ay ganoon din ang trato sa kanya. Ang buong pamilya Valdez ay tila may matinding galit sa kanya.Itinaas ni Eduard ang kanyang kilay, "Oh?" Bigla niyang ipinatong ang kanyang mga braso sa mesa at pabulong na sinabi, "Celestine, may alam akong lihim tungkol sa pamilya Valdez. Gusto mo bang marinig?"Uminom muna si Celestine ng tubig. Lihim ng pamilya Valdez? Hinila niya ang kanyang tainga bilang senyales na nakikinig siya ng mabuti.T

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-10
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 223

    "Mr. Peters?" mahinang tawag ng nurse kay Benjamin.Lumingon si Benjamin,dama sa buong katawan niya ang hindi maipaliwanag na bigat at presensya.Napalunok ang nurse at iniabot ang gamot kay Benjamin. "Ito po ang gamot ninyo. Inumin niyo po ‘yan sa oras para gumaling na po kayo.”Tumango si Benjamin, hindi nakalimutang sulyapan ang emergency room, saka mahina ang tinig na nagtanong, "Anong nangyari?""Ah, inatake po sa puso ang ama ni Mr. Villaroman," sagot ng nurse.Napakunot-noo si Benjamin. Nagka-heart attack ang tatay ni Eduard, pero bakit magkasama sila ni Celestine? Nakuha pa ba nilang maglandian kahit ganito na ang sitwasyon?Pwede bang pagkatapos ng party noon ay naging full-time na doktor si Celestine ng pamilya Villaroman?Sa pag-iisip nito, hindi naiwasang mapailing si Benjamin at bahagyang napabuntong-hininga. Gaano ba talaga kagaling si Celestine bilang isang doktor? Mukhang sobrang tiwala sa kanya ang pamilya Villaroman."Mr. Peters, mas dapat po kayong mag-ingat sa tiya

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-11
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 224

    Umiling si Celestine at dahan-dahang lumakad paabante.“Sabi mo di ba, hindi natin dapat hayaang iba ang magdikta ng buhay natin, kaya’t ako na ang magdedesisyon para sa sarili kong buhay.”Napakalungkot ni Carene ng mga oras na iyon, ang kanyang mga salita ay tila tubig na dumaloy sa puso ng lahat ng nakarinig.“Dr. Yllana, aalis na ako.” Pagkasabi niya nito, tumalikod siya at muntik nang tumalon!Mula sa bubong at labas ng ospital, nagsigawan ang mga tao, "Aaaah!"Sa sandaling iyon, isang pigura ang mabilis na sumugod at hinawakan ang kanyang pulso.Nanlaki ang mga mata ni Celestine agad siyang tumakbo at tinulungan ang lalaking humawak kay Carene.Buong katawan ni Carene ay nakabitin sa gilid ng gusali.“Bitawan mo ako! Dapat na kong mamatay, alam mo ba iyon? Gusto ko nang mamatay!” umiiyak siyang sumigaw.Hinawakan ni Celestine ang kaliwang braso ni Carene, habang ang lalaki naman sa kanan. Patuloy na pinipiglas ni Carene ang kanyang kaliwang braso, at halos duguin na ang pulso ni

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-11
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 225

    Itinaas ni Celestine ang kanyang ulo at tumingin sa likod ng kamay ni Benjamin. Ang likod ng kamay nito ay may gasgas at dumudugo.Hindi napigilan ni Celestine na titigan si Benjamin, "Hindi ba pareho lang tayo? Tumulong ka rin naman.”"Pero mas gumawa ka ng mabuti kaysa sa akin. Ni hindi mo nga inisip kung ano ang mga pwedeng mangyari kanina sa iyo," Biglang tumayo si Benjamin sa lugar kung saan kanina si Carene nakatayo.Nanginig ang puso ni Celestine.Bigla siyang lumingon at tinanong si Celestine, "Celestine. May itatanong ako sa iyo. Naalala mo ba na sinabi mo rin noon na gusto mong tumalon mula sa building? Parehas kayo ni Carene.”Hindi makapagsalita si Celestine noon."Malamang hindi mo na maalala. Paano kung tulungan kitang maalala ulit?" Tinaas ni Benjamin ang kanyang kilay at lumuhod.Ngumiti siya at sinabi, "Noong isang taon, isang gabi ay nagpadala ka sa akin ng isang text message. Sabi mo may sakit ka, at kung hindi ako uuwi, tatalon ka sa building at ako mismo ang pupul

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-11
  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 226

    “Eh ano naman ngayon kung nakita niya iyon? Wala namang problema,” Ngumiti si Celestine at tumingin kay Eduard.Hindi napigilan ni Eduard na magtanong, “Talaga bang hindi mo na siya mahal? As in, wala na talaga?”“Wala nang halaga kung mahal ko pa siya o hindi. Hindi ko na siya iintindihin kahit kailan.”Ibinaba ni Celestine ang kanyang kamay at tumingin sa bintana.Kapag minahal ko siya, hindi ko siya makuha. Kung hindi ko siya mahal, hindi ko rin siya makukuha. Talaga bang mahalaga pa ang pagmamahal nowadays?“Eduard, o!” biglang itinuro ni Celestine ang labas ng bintana.May mga bata na may hawak na balloons. Naglalaro ang mga ito sa may fountain. Sobrang saya nila, para silang walang problema sa buhay.Naintindihan ni Eduard ang ibig sabihin ni Celestine.Bumaba ng sasakyan si Celestine at akmang magpapaalala si Eduard na mag-ingat, pero ilang segundo lang ay bumaba na rin siya ng sasakyan para samahan si Celestine.“Maglilibang muna ako saglit, makikipaglaro ako sa mga bata. Gust

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-12

Bab terbaru

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 244

    Sinabi ni Celestine na isa siyang independent individual. Kahit na siya ang asawa ni James, pasyente pa rin siya na dapat tulungan. “Carene, sinabi ko dati na gagamutin kita, kaya gagamutin kita ha.” Lumingon si Celestine sa doktor sa labas at sumigaw, “Miss Georgia, nasugatan po si Carene!” “Dr. Yllana, salamat. Kahit mamatay ako, ayos lang sa akin dahil tinulungan mo na ako noon pa.” Mahina at banayad ang tinig ni Carene nang sabihin niya iyon. Ramdam ni Celestine ang matinding awa para sa kanya sa mga sandaling iyon. Sino ba naman ang ayaw maging maganda at elegante ang kanyang buhay, pero itinulak siya ng buhay para maging isang simpleng babae sa probinsya. Dinala na ng pulis si James. Hindi matahimik ang puso ni Celestine, hindi niya magawang palayain si James. Sinabi niya noon na si Carene ay duwag, at kinamumuhian niya ang ganitong uri ng tao. Pero nang papalapit na si James para saktan siya, si Carene na isang duwag at ordinaryong tao ang siyang humarang at pumrotekta s

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 243

    Mabilis na gumulong si Celestine sa gilid, kaya’t hindi tumama ang balisong ni James sa kanya. Mahigpit ang pagkakakagat ni James sa kanyang mga ngipin dahil sa galit, namumutok ang mga ugat sa kanyang noo, at sumigaw, “’Wag kang umilag! Papatayin talaga kita!”Pero hindi tanga si Celestine, kaya umiwas siya.Nakatitig si James kay Celestine, at tumayo na si Celestine. Dahan-dahan niyang ibinaba ang silver na needle mula sa manggas niya at hinawakan iyon sa pagitan ng kanyang mga daliri.Nang makitang hindi siya makalapit kay Celestine, biglang tumingin si James kay Carene.Natigilan si Carene noong mga oras na iyon, at agad siyang hinatak ni James sa kanyang harapan, itinapat ang balisong sa leeg nito.“Payagan mo kaming lumabas dito, kundi papatayin ko siya! Makikita mo!” sigaw ni James kay Celestine.Hindi napigilang mamangha ulit si Celestine sa lalaki.“James, asawa mo si Carene, hindi ba? Ilang taon na kayong magkasama sa iisang bubong! Hindi mo ito kailangang gawin!” paalala n

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 242

    "Ibaba mo ang iyong balisong. Hindi nakakatulong iyan sa problema natin. Marami ka pang madadamay," Tinitigan ni Celestine ang balisong sa kamay nito.May mga taong paroo’t parito sa ospital, at maraming doktor at pasyente ang nanonood. Masama ang kahihinatnan kung may masaktan ang lalaki."Ipa-discharge mo nga sabi ang asawa ko! Hindi ba malinaw sa iyo iyon? Kung ginagawa mo na sana, hindi na ko magwawala pa rito!" sigaw ng lalaki."Sige. Ipapa-discharge ko na ang asawa mo kung iyon ang gusto mo," Tumango si Celestine at agad na pumayag.Nagtinginan ang lahat kay Celestine. Pumayag ba talaga siyang ipa-discharge na si Carene? Ang alam ng iba ay hindi pa pwede dahil may tests pa ito na kailangang gawin."Danica." Tumalikod si Celestine at tinawag si Danica.Lumapit si Danica, "Po? Ano po ang kailangan niyo, Dr. Yllana?"Kitang-kita ang takot ni Danica sa kanyang mga mata."Pumunta ka sa kwarto ni Carene at paki-discharge mo siya. Thank you.”Napakunot-noo si Danica, litong-lito. Totoo

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 241

    Nang hindi sumagot si Celestine sa sinabi ni Shiela, alam na ni Shiela ang sagot. Hindi nga natuloy ang divorce nina Celestine at Benjamin.“Sige na, sabihin mo nga sa akin ang totoo, ayaw mo bang mawalay talaga sa kanya?” pagpupumilit ni Shiela.Nagsalin ng tubig si Celestine at napabuntong-hininga. “Ayaw na ayaw ko talaga. ID card ko kasi 'yun, at hindi ko kayang mawala 'yon!”Nagtakang tanong si Shiela, “ID card? Anong sinasabi mong ID card?”“Nawala ang ID card ko sa pinaka-importanteng oras. Doon pa talaga sa kailangan ko iyon. Wala akong magawa kundi maghintay na ma-reissue ito bago ako makapagpa-divorce.” Uminom si Celestine ng tubig, tumayo sa tabi ng bintana at tumingin palabas. Kita sa kanyang mga mata ang pagod at lungkot.Napabuntong-hininga si Shiela noong mga oras na iyon. “Ang dami niyong pinagdaanan nung nagpakasal kayo, pati ba naman ang divorce niyo may aberya pa rin? Hindi ko na talaga kayo maintindihan! Dyusko, kailan ba matatapos ito?”Napangiti na lang si Celesti

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 240

    Pagkalabas ni Celestine, agad niyang nakita ang Maybach ni Benjamin. Binuksan niya ang pinto at sumakay.Ang lalaki ay naka-suot ng suit at may suot na mamahaling relo. Maayos ang kanyang itim na buhok at ang buong anyo niya ay nagpapakita ng isang uri ng karangyaan sa buhay na mahirap ipaliwanag.Tinanong niya si Celestine, "Nahanap mo na ba ang ID mo?”Umupo si Celestine nang patagilid, nakaharap kay Benjamin."Mr. Peters, hindi ka ba naniniwala sa akin? ‘Di ba, ang sabi ko, nawawala nga kanina? Nahihilo na nga ako kakahanap eh."Napatitig si Benjamin. Ano'ng klaseng reaksyon 'yon? Parang bata. Simple lang naman ang tanong niya ah."Kung iniisip mo na parang ayaw kong matuloy ang divorce, hindi ko talaga sinadyang hindi matuloy iyon, nawala lang talaga ang ID ko." Tahimik na tinaas ni Celestine ang kamay. "Sumusumpa ako, nawala talaga. Hinanap na namin ni Mommy sa kwarto ko, pero wala eh.”Tiningnan ni Benjamin ang mukhang punong-puno ng pagsisisi ni Celestine at may naramdaman siya

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 239

    Gabi na noon. Bumili si Celestine ng maraming merienda at umuwi. Umiinom ng tsaa si Wendell habang pinagmamasdan ang anak niyang naka-pajama na kumakain ng potato chips sa sala, litong-lito. Bihira lang na makitang relaxed si Celestine ng ganito, kaya medyo kakaiba talaga iyon para sa kanya. “Ano’ng ginagawa mo?” napakunot ang noo ni Wendell, “May magandang balita ba para maging masaya ka ng ganyan?” Gustong sabihin ni Celestine na makikipag-divorce na siya kay Benjamin bukas. Pero naisip niyang palagi namang nauudlot ang divorce nila dati. Palagi siyang nagbibigay ng pag-asa, tapos mauuwi rin sa pagkadismaya. Kaya balak na lang niyang ipakita agad ang divorce certificate pagkatapos ng proseso bukas. Hindi pa siya kailanman naging ganito ka-determinado na makuha ang divorce certificate kaya sigurado siyang bukas na matatapos ang pagiging mag-asawa nila ni Benjamin. Napaisip pa siya, baliw na ba talaga siya? Simpleng bagay lang pero sobrang saya na niya. Muntik pa siyang mah

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 238

    Talagang naramdaman ni Celestine na napakabaho ng amoy ng sigarilyo, parang kahit anong gawin niya ay hindi niya ito matanggal.Siyempre, hindi lang tungkol sa amoy ng sigarilyo ang tinutukoy niya, kundi pati na rin siya.Ngumiti si Celestine at mahina niyang sinabi, “Benjamin, patawad kung kailangan pa nating umabot dito.”Pagkasabi nito, tila nakahinga siya nang maluwag.Ibababa sana ni Benjamin ang tingin at kumirot ang lalamunan niya. Pinatay na niya ang sigarilyo, saka sinabi, “Uulitin ko lang ang sinabi ko kanina sa loob ng coffee shop.”Kumunot ang noo niya, at ang tingin niya kay Celestine ay puno ng pasensya at seryosong hindi pa niya ipinakita noon. Inulit niya, “Kahit ano ang gusto mong gawin, gagawin ko na rin. Irerespeto ko ang desisyon mo.”Tumango si Celestine nang mariin, “Sige, magpa-divorce na tayo para matapos na ang lahat ng ito.”Pinindot ni Benjamin nang madiin ang kamay niyang may hawak na upos ng sigarilyo, saka tumango, “Sige. Walang problema.”“Kailan tayo ma

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 237

    Nakunot ang kanyang noo, at halatang magulo ang kanyang mga mata habang nakatingin kay Celestine. Alam ni Celestine na napahiya siya dahil sa mga sinabi ni Lola Belen. Natatakot din siyang magkamali ng pagkaintindi si Benjamin, na baka isipin nitong sinadya niya ang lahat para lang hindi ito iwan. "Hindi ako gagawa ng gano'ng kahina-hinalang hiling kay Lola Belen, huwag kang mag-alala," nakangiting sabi ni Celestine, na para bang sinisikap siyang pakalmahin. Pero habang mas lantaran ang paliwanag ni Celestine, mas lalo siyang naiinis. Malakas na isinara ang pinto ng coffee shop. Hindi maiwasang yumuko ni Celestine, at unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang mukha. Napabuntong-hininga si Lola Belen, “Celestine, ikaw naman! Bakit mo ‘yon sinabi sa kanya? Ginagawa ko nga ang lahat para hindi na kayo maghiwalay!” “Hindi mo ba nakita? Nag-alinlangan siya kanina. Ibig sabihin, sa totoo lang ay hindi—" “Lola Belen, may gusto pa po ba kayong sabihin sa akin?” sabat ni Celestine agad,

  • Divorce Me Now, Mr. Peters!   Chapter 236

    Tumawa si Celestine. Para bang marami siyang narinig kamakailan na sinasabi ng mga tao na mahal pa rin niya si Benjamin hanggang ngayon.Tiningnan ni Celestine si Benjamin, at tinanong niya ang sarili, mahal pa ba talaga niya ito o naiipit na lang talaga siya dahil ayaw ng pamilya Peters na maghiwalay sila?Marahil, may kaunti pang pagmamahal. Pero iyon ay pagmamahal na may halong panghihinayang.Panghihinayang sa mga taon na sana ay nagamit niya para maging magaling na doktor. Panghihinayang sa pagmamahal na dapat ay naibigay niya sa iba.Tiningnan ni Celestine ang gwapong mukha nito, at hindi niya maiwasang maalala ang mga panahong bagong kasal pa lang sila.Sobrang inlove na talaga siya noon kay Benjamin, feeling niya ay siya na ang pinakang swerte sa mundo.Tinanong pa siya ni Shiela noon, “Celestine, mahal mo ba talaga siya nang gano’n kalalim? Seryoso ka ba talaga? Handa kang tratuhin ka niya na para bang isa kang malalimig na bangkay pagkatapos ng kasal? Ipaliwanag mo sa akin k

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status