Pwede bang si Celestine talaga ang nagligtas sa kanya?Kung si Celestine nga ang nagligtas sa kanya, bakit hindi niya ito kailanman binanggit sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama bilang mag-asawa?Nagduda si Benjamin at nagplano siyang direktang tanungin si Celestine kung ano ang ginawa niya noon.Tatanungin na sana niya ito nang biglang bumukas ang pinto ng private room, at dumating ang chef dala ang mga putahe, "Ginisang gulay po, malambot na baka, at sopas po na may secret ingredient para sa inyo.”"Mr. Peters Mrs. Peters, enjoy your meal po,” sabi noong chef.Hindi naman gutom si Celestine pero nang makita niya ang pagkain sa mesa, biglang umungol ang kanyang tiyan. Nakaramdam na siya ng gutom.Pagod siya buong araw at hindi kumain ng dinner sa japanese restaurant, kaya gutom na gutom na siya ngayon!"Celestine." Tawag ni Benjamin sa kanya, nais niya sanang itanong ang tungkol sa nangyari apat na taon na ang nakalipas.Pero nagsandok si Celestine ng sopas at itinataas ang kam
Wala na siyang nagawa kung hindi sagutin ang tawag, kung hindi kasi niya gawin iyon ay baka magtampo na naman si Diana sa kanya."Benj, nasa mansion ka na ba?" Ang boses ni Diana ay malambing at banayad nang tanungin niya si Benjamin.Tumingin si Benjamin sa pinto at binaba ang kanyang boses, "Oo. Nasa mansion na ako. Bakit mo naitanong?”"Kung gano'n, bukas ng umaga, pwede mo ba akong ihatid sa trabaho?" Ngumiti nang bahagya si Diana kahit hindi iyon kita ni Benjamin, medyo malambing.Uminom si Benjamin ng tubig at sinabing, "Susunduin na lang kita pagkatapos ng trabaho. Pwede ba iyon? May mga kailangan kasi akong gawin bukas ng umaga.”Bukas ng umaga kasi, pupunta siya sa kulungan para kausapin ang natitirang testigo sa kidnapping niya. Sasamahan niya si Veronica."Hindi, ang gusto ko, ihatid mo ako sa trabaho! Tapos sunduin mo ako pagkatapos ng trabaho, pagkatapos noon sabay tayong kakain ng dinner, pwede ba?" Lalong lumambot ang tono ni Diana para masigurado niyang papayag si Benj
Binlock ni Celestine si Benjamin?Agad na tinawagan ni Benjamin si Celestine pero natuklasan niyang naka-block na rin ang numero niya sa cellphone nito.Habang tumatawag siya, nalaman niyang busy ito at may katawagan na iba! Biglang dumilim ang mukha ni Benjamin, at isang alon ng galit ang sumiklab mula sa kanyang puso hanggang sa kanyang mga mata. Ang buong katawan niya ay nagpakita ng labis na galit.‘Ang babaeng ito ay talagang matapang, naglakas-loob siyang i-block ako?! Anong gusto niyang palabasin?!’ Iyon ang nasa kanyang sarili.Bukod pa rito, ayos naman siya noong kumakain sila kanina. Ano ang nangyari sa kanya sa loob ng maikling oras na pumunta siya sa comfort room? Dati lang, gusto niya laging sumama rito kahit saan. Ngayon, ayaw na niya?Tinitigan ni Benjamin ang pagkaing iniwan ni Celestine sa mesa, at isang bahagyang pag-aalala ang sumilay sa kanyang puso.Si Benjamin ay naglakad palabas nang mabilis.Sa harap ng counter bar ng private restaurant, sinabi ng may-ari, "Mr
Itinaas ni Reynaldo ang kanyang ulo at nakipagtitigan kay Benjamin.Matalim ang tingin ni Benjamin sa kanya, may halong pagkabalisa.Sa sandaling ito, hindi si Diana ang pangalan na umiikot sa kanyang isipan, si Celestine.Umaasa siyang si Celestine ang isagot nito, pero natatakot din siya kung si Celestine nga ang sumagip sa kanya."Pag-isipan mong mabuti at sagutin ang tanong ko! Huwag na huwag kang magkakamali ng sagot!" malamig na sabi ni Benjamin habang unti-unting nagiging mapanganib ang kanyang tingin.Ibinaling ni Reynaldo ang kanyang ulo pababa, nanginginig nang bahagya ang kanyang mga kamay na nakalawit sa kanyang mga binti.Siya ang utak ng pagdukot kay Benjamin noon, at matapos niyang bihagin si Benjamin, palagi niya itong binabantayan. Siya ang may kapangyarihan.Siyempre alam niya kung sino ang sumagip kay Benjamin noon!Inalala niya tuloy ang pangyayari dati.Si Celestine! Ang panganay na anak na babae ng pamilya Yllana, isang dalaga mag-isang sumunod sa kanila at nakip
Nagulat na lang si Diana nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mas nagulat siya nang makita na si Evelyn ang tumatawag."Miss Diana, si Benjamin po ay pumunta sa bilangguan para may bisitahin. Isang lalaki po, medyo matanda na ng konti.”Nasa trabaho si Diana noong mga oras na iyon at agad na bumilis ang tibok ng puso niya nang marinig ang sinabi ni Evelyn."Ano ang pinag-usapan nila? Alam mo ba?” tanong ni Diana, sobrang takot pa rin ang kanyang boses.“Ang narinig ko lang po, sabi ni Benjamin, ‘sino ang nagligtas sa akin noon?’ Parang ganoon lang po ang sinabi. Iyong full context po, hindi ko na alam.”Nalagutan ng hininga si Lu Diana sandali, saka siya kalmadong nagtanong, "Paano siya sumagot? Sinabi ba niya ang totoo?""Hindi ko na nga po alam kung anong sinagot niya. Ang malinaw lang po sa akin ngayon, tungkol sa kidnapping niya noon ang pinag-usapan noong dalawa.”Kumibot ang kilay ni Diana at nakaramdam siya ng pagka guilty.Si Benjamin ay naghihinala na pala sa kanya pero w
Sa lounge area.Binuksan ni Celestine ang pinto at nakita ang lalaking nakaupo sa sofa. Nakasuot siya ng itim na suit at nakayuko habang nagbabasa ng isang magazine, ang kanyang mahahabang binti ay walang pakialam na nakasalikop. Tikas ang bumabalot sa kanyang buong pagkatao. Bawat kilos niya ay puno ng dignidad. Kumatok si Celestine sa pinto para kunin ang atensyon ni Benjamin at pumasok.Itinaas ni Benjamin ang kanyang ulo at nagtagpo ang kanilang mga mata, ang kalmado at malamlam na tingin ni Celestine sa kanya."May kailangan ka ba? Kung meron, ano? Bilisan mo at marami kaming ginagawa dito." Malamig at malayo ang tono ng kanyang boses, paulit-ulit na ipinaalala kay Benjamin na hanggang dito na lamang ang kanilang relasyon.Sinabi niya dati na hindi na niya ito mahal at tila napakadali lang noon para sa kanya. Pero hindi maiwasan ni Benjamin ang magtanong sa kanyang sarili.Si Celestine nga ba ang nagligtas sa akin noon?Itinuro ni Benjamin ang isang coffee table. Noon lang nap
Sa katunayan, ito ay panlilinlang lang sa sarili!Nang muli niyang binanggit ang tungkol sa divorce, bahagyang tumigil ang tibok ng puso niya. Parang may kung anong masakit siyang naramdaman.Pero, malaki na rin ang pasasalamat niya dahil sa wakas ay matatapos na ang relasyon nilang wala namang buhay, una pa lang.Patuloy na humihingal si Celestine at pilit inaayos ang kanyang isipan.Pero hindi niya namalayan na isang luha ang palihim na pumatak mula sa sulok ng kanyang mata.Mabilis na nagpunta si Celestine sa trabaho. Kailangan niyang gawing busy ang sarili para hindi siya mapuno ng lungkot.Sa lounge, dahan-dahang pinunit ni Benjamin ang divorce agreement. Itinaas niya ang kamay, hinawakan ang kanyang noo gamit ang dulo ng kanyang daliri, at malalim na huminga.Pakakawalan na niya si Celestine, pero hindi siya nakaramdam ng gaan sa kanyang dibdib. Parang masakit para sa kanya na roon sila matatapos ni Celestine.Makalipas ang ilang sandali, bumalik siya sa kanyang ulirat nang bumu
"Mga dokuments daw. Nasaan na?" Tumalikod siya at pinaalalahanan si Celestine.“Ah ito.” Ibinaba ni Celestine ang lahat ng kanyang dala at binigay na roon sa empleyado.Tumingala ang empleyado sa kanilang dalawa at nagsabi."Sigurado ba kayong gusto na ninyong mag-divorce? Alalahanin niyo, walang problemang hindi malalampasan ng dalawang taong nagsasama.”Agad namang lumapit din ang isa pang empleyado, sumang-ayon din siya sa sinabi noong isa.“Ay, oo nga po. Normal lang naman sa mag-asawa ang mag-away. Aba, kung hindi niyo naitatanong, malala na ang ginagawa sa akin ng asawa ko pero hindi namin naisipan na maghiwalay.”Napakunot ang noo ng isang empleyado dahil alam niya ang buhay noong babaeng nagsasalita.“Maggie, iba naman ang sitwasyon mo sa kanila. Ikaw, tanga ka eh. Pisikal ka nang sinasaktan ng asawa mo, hindi ba? Pero, hindi ka pa rin umaalis sa poder ng asawa mo.”“Hala. Talagang sabihin pa iyon? Grabe ka naman sa akin. Masakit, ha.”Nang mapansin ni Celestine na nag-aaway n
Kumakain si Celestine ng kanyang dinner nang bigla siyang makatanggap siya ng tawag mula kay Lola Belen."Celestine, makikipag-afternoon tea ako sa isang matagal ko ng kaibigan bukas ng gabi. Gusto mo bang sumama sa akin? Huwag kang mag-alala sa susuotin mo, ako na ang bahala roon." Malambing ang boses ni Lola Belen noong mga oras na iyon kaya mahirap tumanggi.Nakita ni Wendell na may kausap sa cellphone si Celestine kaya agad siyang nagtanong sa kanyang anak, "Sino 'yan?"Tumingala si Celestine sa kanyang ama at mahinahong tumanggi agad sa kanyang kausap, "Lola Belen, may gagawin po akong importante bukas kaya baka hindi po ako makasama sa inyo."Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas sa kabilang linya bago napabuntong-hininga si Lola Belen, "Sige na nga. Wag ka nang sumama sa akin. Kung anuman ang gagawin mo bukas ay gawin mo na."Ibinaling ni Celestine ang tingin at mahina niyang sinabi, "Lola Belen, may kailangan po talaga kasi akong tapusin sa ospital. Ilang araw po akong hin
Iniisip ni Celestine na siguradong nakita ni Nancy si Benjamin na isinama si Diana roon sa press conference.Nakaramdam siya ng awa para sa pamilya Yllana dahil kahit hindi man nila sabihin, alam ni Celestine na napahiya sila.Talagang sumobra si Benjamin sa pagkakataong ito at hindi na niya pinahalagahan ang pamilya Yllana bilang pamilya ng kanyang asawa.Napangiwi si Celestine noon at hindi napigilang tumingin kay Nancy. Naglilinis si Nancy habang pinapagalitan si Celestine, "Hindi mo man lang malinis nang maayos ang bahay na ito!"Nagdilim ang mga mata ni Celestine pagkarinig noon, alam niyang may iba pang ibig sabihin ang mga salita nito. Kaya ngumiti siya at nagbiro, "Nagpa-kalkula na naman ba si Lolo Manuel sa mga nabasa niya tungkol sa general cleaning?"Kumaway si Nancy bilang tugon sw anak, "Ay hindi ‘no! Hindi na tayo maniniwala sa Lolo Manuel mo. Maghugas ka na ng kamay, sabay tayong kakain, nandito na rin naman ang Tito Axl mo ngayon.”Kumurap si Celestine nang marinig ang
Napunta tuloy kay Diana ang atensyon ng media. Siya na ang tinatanong ng mga ito ng kung anu-ano."Miss Valdez! Ano ang masasabi mo sa sinabi ni Mrs. Belen Peters kanina? May katotohanan ba ito?"Hindi pa man nasasagot ni Diana ang tanong ay may isa na namang reporter ang kanyang narinig."Miss Valdez, ano ang relasyon mo kay Mr. Peters? Kayo ba ay palihim na nagde-date at niloloko niyo si Mrs. Peters?"Hindi pa roon nagtatapos, may nagtanong pang ibang reporter kay Diana."Bakit namutla ka Miss Valdez nang marinig mo na gusto kang ampunin ni Mrs. Belen Peters bilang anak-anakan ng pamilya Peters?”Sa reception area, dinala si Benjamin ni Lola Belen at nakaramdam ng awa si Diana para sa kanya.Pinalibutan si Diana ng mga reporter na sunod-sunod ang tanong, at hindi siya makaalis."Miss Valdez, totoo bang magdi-divorce na sina Mr. and Mrs. Peters? Dahil ba ito sa'yo? Tuluyan na ba kayong nagkaroon ng relasyon?""Miss Valdez, pakiusap, sagutin mo ang mga tanong namin! Kanina pa namin gu
Malamig na napasinghal si Lola Belen at sinermonan si Benjamin, "Mukha talagang nalilito ka na! Wala ka na sa sarili mo, ‘no?" Kumunot ang noo ni Benjamin, halatang medyo galit na siya sa sitwasyon, "Grandma, pwede ba huwag ka nang makialam sa mga bagay na inaayos namin? Hayaan niyo na lang po kami. Kaya naman po namin iyon." "Ito ay tungkol sa reputasyon ng pamilya Peters, kaya kailangan kong makialam! Naiintindihan mo ba iyon?" Hindi umurong si Lola Belen kahit na nakiusap na si Benjamin sa kanya. Nagkatensyon sila sa gitna ng stage.At ang masaklap pa, si Lola Belen mismo ang nakaharang sa harap ni Benjamin, dahilan para lalo siyang mabuwisit. Tumingin si Lola Belen sa lahat ng mga tao at seryosong sinabi, "Maraming salamat sa inyong pag-aalala sa mga usapin ng apo kong si Benjamin at asawa niyang si Celestine. Sana ay maintindihan niyo kami.""Aaminin ko sa inyo ngayon, sa inyong lahat na hindi pa annulled o divorced sina Benjamin at Ce
Biglang hinawakan ni Diana ang kamay ni Benjamin. Sinulyapan niya ang gilid ng mukha ni Benjamin, umaasang sasabihin nito sa reporter na oo, hiwalay na sila ni Celestine at sila na ni Diana ang ikakasal very soon. Napansin ng reporter ang kilos ni Diana at agad na inilapit ang camera sa kanya. Akala ni Celestine na sa pagkakita sa dalawa na ganyan ang kilos, hindi na siya maaapektuhan. Pero sa sandaling iyon, may kaunting galit pa rin pala sa kanyang puso na hindi matanggal-tanggal. Ang dahilan ng kanyang galit ay hindi ba't pareho nilang itinago ito sa ibang tao? Isa itong press conference, at naka-livestream pa sa buong bansa. Nakakahiya sa lahat ng makakakita. Kung makita ito ng mga magulang at Lolo Manuel at Lola Celia niya, siguradong magagalit na naman sila at kung anu-ano na naman ang sasabihin nila kay Celestine. "Si Celestine at ako ay talaga namang..." Hindi pa tapos si Benjamin sa pa
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Pakiramdam ni Danica ay nawawalan na siya ng hininga.Parang lumilihis na ng landas ang mga pangyayari sa harapan niya. Kagabi ay nag-aalala si Mr. Peters tungkol kay Dr. Yllana at pinuntahan pa siya sa gabi.Bakit ngayong tungkol kay Diana ang usapan, agad-agad niyang hinarap si Dr. Yllana? Hindi man lang niya tinanong kung ano ang nangyari, basta na lang siya sinisi.Ibinaba ni Celestine ang kanyang ulo, naupo sa silya at napabuntong-hininga.“Dr. Yllana…” tawag ni Danica kay Celestine.Tumingala si Celestine, “Ha? Bakit?”“Hindi mo narinig ang tanong ko. Sabi ko, ayos ka lang ba?” may pag-aalalang tanong ni Danica.Napa-nguso si Celestine, ano bang masama ang pwedeng mangyari sa kanya? Tiningnan niya ang sarili. Okay naman siya.Hindi na ito ang una o pangalawang beses na siya’y hindi nauunawaan ni Benjamin, matagal na siyang manhid sa mga ganito. Hindi na iyon bago sa kanya.Dumating si Dr. Feliciano ng huli, tinawag siya, “Dr. Yllana.”Tiningnan siya ni Celestine, at nagtanong si
Hinawakan ni Celestine ang braso ni Diana gamit ang likod ng kanyang kamay at itinulak siya pabalik. Nakakunot ang noo ni Celestine, at may mabigat na ekspresyon sa kanyang magandang mukha habang sumigaw, “Tama na!” Agad na natahimik ang buong departament.Hindi sinasadyang natumba si Diana sa sahig, namula ang buong mukha niya, at dalawang butones ng kanyang blouse ang napigtas. Itinaas niya ang ulo at tiningnan si Celestine, biglang tumulo ang kanyang mga luha. “Celestine, kinakaya-kaya mo na lang ako?”“Bakit, masama bang saktan ka? Hindi ba dapat lang? Palengkera ka kasi!” malamig na sabi ni Celestine habang nakasigaw pa rin.Itinuro siya ni Diana, habol-hininga at umiiyak. Kinuha niya ang kanyang cellphone at agad na tinawagan si Benjamin at umiiyak, “Benj, sinaktan ako ni Celestine, bilisan mo! Pumunta ka rito! Baka mamaya ay patayin niya na ako eh!”May pag-aalalang sumagot si Benjamin, “Ha? Ikaw? Papatayin ni Celestine?”Nainis pa si Diana dahil parang hindi naman naniwala s
Sa Cardiac Surgery Department..Pagkabukas na pagkabukas ni Celestine ng pintuan ng kanyang opisina, agad niyang narinig si Dr. Feliciano na nagrereklamo, "Nakakahiya talaga ang pamilya Valdez ngayon. Maaga pa lang sinabi na nila sa media na magpapadala sila ng snow lotus grass, pero peke naman pala ang pinadala! Ginawa nilang tanga si Mrs. Belen Peters!"Tumango ang isa pang doktor, "Oo nga, parang sila pa mismo ang bumaril sa sarili nila. Sila ang tanga.""Uy, Dr. Yllana!" Kumaway si Dr. Feliciano kay Celestine, "Ayos ka na ba? Nakalabas ka na pala ng ospital.”Tumango si Celestine at hindi na nagsalita pa.Sumunod si Dr. Feliciano at nagtanong habang nanlalaki ang mga mata, "Dr. Yllana, paano mo nga pala nakuha ang snow lotus grass?"Binuksan ni Celestine ang kanyang bibig, pero paano niya sasagutin ang tanong na iyon?Sasabihin ba niyang isa siyang boss ng base na kahit anong gusto niya ay nakukuha niya? Hindi naman pwede siguro iyon?Habang nag-iisip pa si Celestine ng isasagot,