To be continued~
NAKATITIG lamang sa kisame si Ilana. Hindi siya makatulog. Pagod ang katawan niya pero hindi mapakali ang isipan niya. Natatakot siya na muling masaktan kung sakaling dumating ang araw na pakasalan nga ni Gray si Michelle. Nababaliw na siya! Ginusto niyang layuan siya ni Gray pero nang maramdaman niya na tila hindi na ito apektado ay nasasaktan siya. Natatakot siyang tuluyan itong mawala. Natatakot siyang…tuluyan silang maghiwalay. Bumuntong-hininga si Ilana. Alam niyang hindi matatahimik ang kaniyang isip kaya inabot niya ang kaniyang cellphone. Gusto niyang malaman kung anong nangyayari ngayon sa party. Dahil kilalang pamilya ang mga Herrera at Montemayor ay naisapubliko ang nagaganap sa party. Kagat-labi si Ilana habang iniisa-isa ang mga litrato sa internet. Halos sa lahat ng kuha ay naroon ang magpinsan. Hindi maiwasan ni Ilana na mamangha sa dalawa. “They looked so powerful…” bulong niya sa mapait na boses. Natawa siya. “Rich, young, fine… How did you fall in love with me?”
ILANA could see the changes in her body. Nakatulala siya ngayon sa salamin sa loob ng banyo. Maitim ang paligid ng kaniyang pagod na mga mata. Halata ang pagod at stress sa kaniya pero natitiyak niyang kaya pa naman ng katawan niya. Alam niya sa sarili na ang pisikal na hitsura niya ngayon ay hindi pa talaga malala. Kailangan niya lamang ng pahinga at salamat dahil linggo, araw ng pahinga niya. Lumabas siya ng banyo at naabutan ang nurse na nag-aayos ng mga damit sa laundry basket. Nilapitan niya ito. “Ate, ako na ang magpapalaundry.” “Pero, ma’am, medyo malayo ang laundry shop. Twenty minutes pa kung sasakay ng tricycle.” Tumango si Ilana. “Kaya dito ka lang kasi baka kailanganin ka ni papa. Mamimili na rin ako ng groceries natin at magwiwithdraw para sa monthly check-up ni papa bukas.” “Okay, ma’am. Ayusin ko lang ang mga ipapalaundry.” Tumango muli si Ilana. Itinali niya ang kaniyang buhok bago kinuha ang kaniyang wallet at cellphone. Ilang araw na ba ang lumipas? Ang bi
"I'M sorry..." Napapikit si Ilana. She was so stupid for thinking she's the most pitiful person in the world for going through worse hardships. She's dwelling too much in self-pity when her sufferings were nothing compared to what Cloudio had been through. “Our pains couldn't be compared, Ilana, but I want you to know that after everything I went through, I found a reason to live…” Nanatili ang titig ni Cloudio sa kaniya. “...my little sister loves sculpture, I learned it. My mother loves flowers, so I bought a flower farm. My father likes collecting comic books, so I have a huge shelf full of comic books at home.” Napalunok si Ilana. “H-How strong are you?” Ngumiti si Cloudio. “I’m not strong, Ilana. I just learned to live with the pain. Sinakyan ko hanggang nasanay ako. But I’m not telling you to do the same because we are different. It will not be a good choice for you.” “What do you think…is good for me?” Matagal na namayani ang matahimikan sa pagitan nilang dalawa. Dahan
DUMIRETSO si Cloudio sa police headquarters. Agad siyang dumiretso sa dulong mesa kung saan nakasulat ang isang pangalan. Police Captain Dan Tristan Fortunato the third. Ang kaibigan niyang pulis na ginago lang pala siya. Cloudio slammed his fists on his desk. “Why didn't you tell me that that person is alive?” “What are you talking about—” “I’m talking about Abelardo Silva, Tres! Sabi mo sa ‘kin patay na ang hayop na iyon!” Galit na sagot ni Cloudio at nakaturo sa hangin ang kamay. “Cloud—” “And don't you fcking try to get away from this! I saw him! Alive and breathing! Ang gago mo para itago sa ‘kin ang katotohanan. Sa lahat ng gagago sa akin, Tres, ikaw pa!” Walang pakialam si Tres sa mga kasamahan nitong pulis. All he needs is to confront him. “Cloud, I just want you to move on and forget what happened.” Sarkastikong tumawa si Cloudio. Paano siya basta makakalimot sa pagkamatay ng buong pamilya niya? “Forget what happened? Buhay pa sana ang kapatid ko kung hindi dahil sa
NATAGPUAN ni Ilana ang sarili sa harap ng bahay ni Cloudio. Simple lang ang bahay nito, katamtaman ang laki at moderno ang disenyo na may dalawang palapag. May garahe para sa isang sasakyan at maliit na garden malapit sa porch. Bumuga ng hangin si Ilana saka pinindot ang doorbell sa gate. Tirik na tirik ang araw pero narito siya sa initan dahil kay Bianca. After lunch ay pinagtulakan siya nito paalis. Ito na rin ang kumuha ng taxi at nagbigay ng address ni Cloudio sa driver kaya wala siyang nagawa kundi sumakay. Naiwan niya pa nga sa coffee shop ang cellphone niya. “Ilana?” Gulat si Cloudio nang mapagbuksan siya ng pinto. Magulo ang buhok nito. Nakasuot lamang ng sweat pants, puting t-shirt at tsinelas. Hapit ang damit nito kaya bakat ang muscles pero hindi nakaramdam ng pagkailang si Ilana. Ngumiti siya. “Surprised?” Hindi ngumiti ang lalaki. Bahagya nitong binuksan ang gate para makapasok siya. “Why are you here?” “May sakit ka raw e.” “Kainitan ang punta mo. Saka mas mukha ka
NAGISING si Ilana mula sa mahimbing na pagkakatulog. Ramdam niya sa kaniyang likod ang malambot na kama at ang magaang kumot na nakabalot sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya ay nabawi ang pagod at puyat niya sa mga nagdaang linggo. Isang mahabang pagtulog at pakiramdam niya ay narefresh na ulit siya.Namulatan niya si Cloudio na nakaupo sa kama at nakatingin sa kaniya. Agad na gumuhit ang malambing na ngiti sa mga labi nito nang magtama ang kanilang paningin. “Sarap ng tulog…”Bumangon si Ilana at agad na napatingin sa bintana. Napabuntong-hininga siya nang makitang madilim na ang langit sa labas. Kinusot niya ang mata saka bumangon.“You didn’t wake me up.”Ngumiti muli si Cloudio. “May sweldo naman ang pagtulog mo, ayos lang iyan.”Ngumiti na rin si Ilana saka lumapit sa binata. Nakita niya kung paano ito natigilan nang salatin niya ang noo nito sa ibabaw ng medyo magulong buhok. Cloudio stared at her with parted lips pero hindi iyon pinansin ni Ilana.“Okay ka na.”Tumayo ang binat
SINAPO ni Ilana ang sariling ulo matapos magmumog. Nakaramdan siya ng matinding panghihina kaya naman mahigpit siyang humawak sa lavatory para suportahan ang sarili. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalala kung bakit nagising siya na masama ang pakiramdam. Nahihilo siya, naduduwal, at nanghihina. Bakit? “Ayos ka lang, ma’am?” Tanong ng nurse nang lumabas ng banyo si Ilana at naupo sa stool chair. Hindi sumagot si Ilana dahil muli siyang nakaramdam ng pagduduwal nang ilapag ng nurse ang isang bowl ng sinangag sa kaniyang harapan. Matindi ang amoy ng bawang nito at hindi niya nagustuhan. Umubo si Ilana at muling nasapo ang noo matapos magmumog muli. Bakit ang baho ng bawang para sa kaniya? “Ma’am…” Napalingon si Ilana sa nurse na sinundan siya sa banyo. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa kaniya. Bumuntong-hininga si Ilana. “Mamaya na, ate. Medyo masama ang pakiramdam ko.” “Ma’am, gusto ko lang malaman… B-Buntis ka ba?” Tila nabingi si Ilana sa n
“MALAKAS ang kapit ng bata pero hindi ibig sabihin ay pababayan na niya ang sarili niya. Alagaan mong mabuti ang asawa mo.” Hindi maalis sa isipan ni Cloudio ang mga salitang binitawan ng doktor nang dalhin niya si Ilana sa hospital pagkatapos mawalan ng malay. Hindi niya alam kung paano magrereact. Clearly, bago palang nalaman ni Ilana ang pagbubuntis. It was the reason she was crying so hard. Kumuyom ang mga kamao ni Cloudio saka napayuko. Ginulo niya ang sariling buhok at napatingin kay Ilana na walang malay sa hospital bed. Biglang nahawi ang kurtina at tumambad kay Cloudio ang nag-aalalang mukha ng stepsister ni Brian na si Lovella. “Is she alright?” Bago pa makasagot si Cloudio at gumalaw na si Ilana. Mabilis na tumakbo sa tabi ng kaibigan si Lovella samantalang tumayo si Cloudio sa isang tabi at pinagmasdan si Ilana. Ang nag-aalalang mukha ni Lovella ang namulatan ni Ilana. Nakasuot pa ito ng scrub uniform at bakas sa mukha ang takot. Ilana blinked, remembering what
“ANONG nangyari sayo? Ano, nalumpo ka na?” Bungad ni Grant sa pinsan. Nakabenda ang binti ni Gray matapos mabundol ng sasakyan. Hindi naman sana lalala kung hindi siya tanga na pinilit pa ring habulin si Ilana. Grant was so frustrated with his cousin’s stupidity. “Shit happened.” “Shit happens whenever you hurt Ilana, Gray. Sinabi ko na sayong mas magandang pakawalan mo na siya.” Nagtagis ang bagang ni Gray. “Hindi ko siya kayang pakawalan, Grant. Mahal ko siya!” “Mahal ko rin siya kaya pinakawalan ko na siya!” Umiwas ng tingin si Gray sa pinsan. “Magkaiba tayong dalawa.” “Pakawalan mo nalang si Ilana at maghanap ka ng iba.” “Says the man who swore to not get married after letting Ilana go.” Bumuntong-hininga si Grant at naupo sa upuang katabi ng kamang kinauupuan ni Gray. Natahimik silang dalawa. “Nakipag areglo na pala ako sa nakabundol sayo. Kung hindi ka ba naman kasi tanga na sa gitna ng kalsada pa tumakbo.” Umismid lamang si Gray at tumingin sa labas ng bintana. “Kumus
PAGOD na umuwi si Ilana at inabot na siya ng madaling araw sa daan. Tahimik siya nang buksan ang pinto at sa tingin niya ay tulog na rin si Cloudio sa kwarto. Dumiretso si Ilana sa kusina para uminom ng malamig na tubig. Pakiramdam niya ay tuyong-tuyo ang lalamunan niya at wala siyang lakas. An argument with Gray literally took her strength away. Para siyang kandila na naupos. Lumabas si Ilana matapos uminom ng tubig. Ayaw niyang magising si Cloudio at makita ang hitsura niya kaya tumambay siya sa harap ng pinto ng unit. Nakahawak siya sa railing habang tulala sa kawalan nang may magsalita. “You look exhausted.” Agad na napalingon si Ilana sa kaliwa niya. Nasakandal ang likod ni Tres sa railing habang ang kaliwang kamay ay may hawak na beer. Nasa tapat ito ng unit ni Cloudio. “You’re here…” Tumingin sa kaniya ang binata. “Nalipat ako ng station kaya magiging madalas ako dito. Nag-offer rin si Cloud na dumito na ako sa unit niya.” Tumango si Ilana at hindi na nagsalita. Tumitig si
NAPATINGIN si Ilana kay Gray. “Wag kang magsinungaling dito, Gray.” Nag-angat ito ng tingin at tinitigan siya sa mga mata. Ang mga mata nito ay nangungusap. “Three months bago matapos ang agreement natin, nasa akin na ang divorce papers na iyon, Ilana. Hindi ko…mapirmahan kasi naguguluhan ako. Hindi ko alam kung…kakayanin ko pa ang buhay na wala ka matapos kong masanay na nasa tabi kita.” Natawa si Ilana. “Hindi ba nga’t bumalik na ang ex mo bago pa matapos ang tatlong taon natin? Nahuli ko pa nga kayong nagtatawanan sa opisina. Masayang-masaya ka noon, Gray. Kaya paano ako maniniwala na hindi mo siya ginustong balikan?” “We were catching up. Nagkukwento siya ng experiences niya abroad.” Natawa muli si Ilana—mas malakas, mas sarkastiko. “You were planning your marriage with her, Gray!” “She was planning it, I wasn’t.” Nagtagis ang bagang ni Ilana. “Tama na, Gray! Kung talagang wala kang planong pakasalan siya, sana sinabi mo na kaagad noon pa pero hindi mo sinabi. Pinagmukha niyo
ILANA set another schedule to meet Gray to talk about the divorce. Tulad ng unang beses ay hindi siya pinigilan ni Cloudio. Ito pa mismo ang nagpresinta ng kotse nito para gamitin niya kahit noong una ay tumanggi siya dahil matagal na siyang hindi nakakapagmaneho. Cloudio supports her in everything, and that’s what she likes about him. “Here, take this.” Inabutan siya ni Cloudio ng water tumbler nang makasakay siya sa kotse. Buhat nito si baby Nayi habang nasa parking lot sila ng apartment. “Ano ‘to?” Tanong ni Ilana habang tinitingnan ang pink na tumbler. “Lemon water. Maganda iyan sa katawan.” Marahang tumango at ngumiti si Ilana. Dumungaw siya sa bintana at marahang hinila palapit ang binata. She planted a kiss on baby Nayi’s lips before she kissed Cloudio’s cheek. “I’ll be home by midnight.” Ngumiti at tumango ang binata. “Opo, Cinderella. Sige na. Sayang ang oras.” “Ang mga bilin ko ha?” Pabiro pang sumaludo si Cloudio saka siya kinindatan. Ilana started the engine and dro
NAKANGANGA si Lovella kay Ilana mula sa screen ng laptop. Hindi na nagsalita si Ilana matapos sagutin ang tanong ni Lovella. It's been a week since she met with Gray, and she hasn't reached out to him since then. Kahapon ay tumawag si Lovella sa kaniya dahil nagtanong daw dito si Gray kung may sinabi na siyang oras, araw, at lugar. Ngayon naman ay tumawag para kumustahim siya. “Hindi mo siya sisiputin?” Hindi makapaniwalang tanong ni Lovella. Nakaupo sa kama si Ilana at patuloy sa ginagawang pagtutupi ng mga damit. Tulog si baby Nayi, samantalang nasa trabaho naman si Cloudio. Tanghali na at tiyak na sa mga oras na ito ay naiinip na sa paghihintay si Gray. “Hayaan mo siya.” Bahagyang naningkit ang mga mata ni Lovella. “So, you gave him the date, time, and location, but you have no plans of showing up today?” Umiling si Ilana. “Hayaan mo siyang mabulok roon nang maramdaman niya kung ano ang pakiramdam ng naghihintay sa wala.” Bumuntong-hininga si Lovella. “Gumaganti ka ba?” Nagk
“KAWAWA naman siya.” Kanina pa paulit–ulit na sinasabi iyon ni Lovella. Nagpapahangin sila sandali dahil talagang tumaas yata ang presyon ni Ilana sa inis kay Gray. “Kawawa naman siya… Para siyang naliligaw na tuta nang iwan mo…” Tiningnan ng matalim ni Ilana ang kaibigan. “Hindi siya naawa sakin nang ako ang saktan at iwan niya, Lovella. Saka akala ko ba gaganti ka sa ginawa niyang pananakit sakin? Balak mo pa ngang pasabugin ang mga Montemayor. Ano? Bumaliktad ka na?” Sumimangot ang dalaga. “Syempre hindi! Naawa lang ako kasi mukhang nagsisisi naman iyong tao.” Umismid si Ilana. “Hindi siya nakakaawa.” “Pero infairness, very good ka don! Pintrakis mo?” Umiling si Ilana at humigop ng iced coffee. Leche! Bakit ba iced coffee ang binili ni Lovella para sa kaniya? Ipinatong ni Ilana ang cup sa bench saka sinagot ang kaibigan. “Impromtu iyon. Nairita lang talaga ako nang manghingi siya ng isa pang chance. Ni hindi nga niya alam ang mga ginawa niyang kasalanan sakin. Ang ak
GRAY was stunned. The sharp contour of her face. Her arched brows emphasizing her deep expressive eyes and long eyelashes. The high bridge of her pointed nose. The natural glow of her pinkish cheeks. Her red, plump—always been kissable lips. Her soft and smooth hair, dancing with the wind. Everything about her changed. The way she carries herself was full of confidence. The heaviness of her stare holds power. Biglang nanliit si Gray. This is what a happy Ilana looks like. “Pinagtataguan mo ba ako?” Ulit nito sa kalmadong boses. Malayong-malayo sa garalgal at nagmamakaawang tono nito noon na malinaw pa sa kaniyang alaala. Malayong-malayo sa babaeng sinaktan niya ng husto. “Ilana…” “Bakit hindi ka sumagot?” “Ilana…” “Kapag hindi ka tumigil sa katatawag sa pangalan ko, ihahampas ko sayo ang bag ko. Sagutin mo ang tanong ko, Gray. Pinagtataguan mo ba ako?” Umiwas ng tingin ang binata at napalunok. “H-Hindi—” “E bakit sinabi ni Grant kay Lovella na hindi ka pa nakakauwi?” “Sinunga
SA LUMIPAS na mga araw at linggo ay napatunayan ni Ilana na handa na siyang harapin ulit ang dating asawa. Habang nakatitig sa salamin at pinagmamasdan ang sariling repleksyon ay hindi na makita ni Ilana ang babaeng dating mahina at baliw na baliw sa pagmamahal sa isang Gray Montemayor. Ang babaeng handang isuko ang lahat para sa pagmamahal na nakakaubos, nakakaupos…Pwede pala iyon… Pwede palang magwork ang isang relasyon kahit hindi ka desperada sa sitwasyon. Pwede palang maging masaya kahit hindi ibuhos ang sarili sa sobrang pagmamahal. Mas magwowork pala kapag may natira pang pagmamahal sa sarili.Isang magaang halik sa pisngi ang nagpabalik kay Ilana sa realidad. She was sitting in front of the vanity, behind her was Cloudio—smiling sweetly, and holding three pieces of tulips.A sweet smile crept on Ilana’s lips. “Mapupuno na ng tulips ang apartment ko.”Mahinang natawa ang binata. “Paalala iyan kung gaano ako kabaliw sayo.”“Bolero.” Inamoy ni Ilana ang bulaklak bago pinatakan n
INALIS ni Gray ang suot na jacket nang makalabas ng terminal. Luminga-linga siya sa paligid para hanapin ang sundo niya nang may sasakyang pumarada sa kaniyang harapan. Bumaba ang bintana sa passenger seat at bumungad sa kaniya ang mukha ng pinsan. Sumilip si Gray sa backseat bago binuksan ang pinto ng passenger seat. “Nasaan ang anak mo?” “Iniwan ko sa sekretarya ko.” “Sekretarya? Akala ko ba ayaw mong malaman ng iba ang tungkol sa kaniya.” Bumuntong-hininga si Grant saka pinaandar ang kotse. “Wala akong choice. Nahuli ako ni Elenita na bumibili ng formula kasama si Gavin.” “Gavin?” “Iyong bata. Last week napansin ko na may nakaburdang pangalan sa panyo na kasama sa mga gamit niya. Gavin ang pangalan niya.” “Napapaternity test mo na ba?” “Oo.” Bumuntong-hininga si Grant. “Ngayong week ko makukuha ang result.” “Anticipating a positive result?” “Hindi ko alam.” Napalunok si Grant. “Sa ilang buwan kasi…parang umiikot na sa batang iyon ang mundo ko.” Pumikit si Gray.