To be continued~
WALANG ganang nakaupo si Gray sa sofa habang pikit ang mga mata at nakasandal ang ulo sa sandalan. Ramdam niya ang papalapit na mga yabag at alam na niya kung sino na naman ang dumating. “Wala ka bang balak ayusin ang buhay mo?” Malamig ang at galit ang tono ng kaniyang ama pero walang pakialam si Gray. “Gray, anak… ‘Wag mo namang pabayaan ang sarili mo…” Sinundan iyon ng boses ng kaniyang ina na may bahid ng kirot. “Kung ginagawa mo ito para kaawaan ka ni Ilana, mag-isip ka muli. She's not going back to you, and I won't accept her again!” Doon nagmulat ng mga mata si Gray. Sinalubong niya ang matalim na tingin ng kaniyang ama. “I already begged, dad, hindi na siya babalik kaya hindi ako nagpapaawa.” Humalakhak ang kaniyang ama, bakas sa mata ang matinding galit. “You begged? After everything? You lied to us, and she lied with you! Tingin mo ba mapapatawad ka ng grandma mo? Kayong dalawa? Hindi na siya makababalik pa sa pamilya natin kaya tigilan mo na iyan! Ayusin mo ang buh
“BAKIT hindi ka nagsabi, Ilana?” Bakas sa mukha ni Lovella at pinaghalong inis at pag-aalala. Hindi niya akalaing may nagbabanta sa buhay ng kaibigan at ang tanging pumasok sa kaniyang isipan ay ang mga Montemayor at Herrera.Mariing ipinikit ni Ilana ang mga mata. Hindi siya pwedeng maging mahina. Kailangang labanan niya ang takot. Kailangan niyang labanan ang kung sino mang nagtatangka sa buhay niya.“Nasa police station na si Cloudio para magreklamo. Tiyak na magrerequest rin siya ng proteksyon para sayo.”Nagmulat ng mata si Ilana at tiningnan ang kaibigan. “Pakiramdam ko pinaglalaruan ako, Lovella. Hindi ko sigurado kung gusto ba talaga akong patayin o baliwin sa takot.”Bumuntong-hininga si Lovella. “Ano man ang intensyon, krimen pa rin ang ginagawa sayo. ‘Wag kang mag-alala dahil maraming koneksyon si Cloudio. Kilala ko siya.”Hindi na umimik si Ilana. Sinapo niya ang ulo at muling napapikit dahil pakiramdam niya ay bigla siyang nanghina. Blangko ang kaniyang isipan at hindi ma
SAMANTALA walang kaimik-imik si Gray habang inaayos ng kaniyang ina ang necktie. He was wearing a black suit. His hair was brushed up while his expression was cold, and his eyes remained lifeless. Tonight is the night of banquet. Partnership ng Herrera at Montemayor ang magaganap pero pakiramdam ni Gray ay dito tuluyang matatapos ang ugnayan nila ni Ilana. He doesn’t want it to end. Kung pwede lang ay gagawa siya ng paraan para mas mapatibay ang ugnayan nila pero natatakot siyang umiyak na naman ito ng husto. Natatakot siyang makita muli ang galit at paghihirap sa mga mata nito. “Are you sure you're gonna do this?” Tanong ng kaniyang ina na bakas sa mukha ang pag-aalala. “I’ll do this, ma.” “Ginagawa mo ba ito para kay Ilana?” Hindi umimik si Gray. Isasakripisyo niya ang lahat mapabuti lang ang babaeng mahal niya. Hindi na niya pwedeng ipagpilitan ang sarili sa asawa kaya nagdesisyon siya na gawin ang gusto nito. He would leave her alone, but that doesn't mean he would stop l
NAKATITIG lamang sa kisame si Ilana. Hindi siya makatulog. Pagod ang katawan niya pero hindi mapakali ang isipan niya. Natatakot siya na muling masaktan kung sakaling dumating ang araw na pakasalan nga ni Gray si Michelle. Nababaliw na siya! Ginusto niyang layuan siya ni Gray pero nang maramdaman niya na tila hindi na ito apektado ay nasasaktan siya. Natatakot siyang tuluyan itong mawala. Natatakot siyang…tuluyan silang maghiwalay. Bumuntong-hininga si Ilana. Alam niyang hindi matatahimik ang kaniyang isip kaya inabot niya ang kaniyang cellphone. Gusto niyang malaman kung anong nangyayari ngayon sa party. Dahil kilalang pamilya ang mga Herrera at Montemayor ay naisapubliko ang nagaganap sa party. Kagat-labi si Ilana habang iniisa-isa ang mga litrato sa internet. Halos sa lahat ng kuha ay naroon ang magpinsan. Hindi maiwasan ni Ilana na mamangha sa dalawa. “They looked so powerful…” bulong niya sa mapait na boses. Natawa siya. “Rich, young, fine… How did you fall in love with me?”
ILANA could see the changes in her body. Nakatulala siya ngayon sa salamin sa loob ng banyo. Maitim ang paligid ng kaniyang pagod na mga mata. Halata ang pagod at stress sa kaniya pero natitiyak niyang kaya pa naman ng katawan niya. Alam niya sa sarili na ang pisikal na hitsura niya ngayon ay hindi pa talaga malala. Kailangan niya lamang ng pahinga at salamat dahil linggo, araw ng pahinga niya. Lumabas siya ng banyo at naabutan ang nurse na nag-aayos ng mga damit sa laundry basket. Nilapitan niya ito. “Ate, ako na ang magpapalaundry.” “Pero, ma’am, medyo malayo ang laundry shop. Twenty minutes pa kung sasakay ng tricycle.” Tumango si Ilana. “Kaya dito ka lang kasi baka kailanganin ka ni papa. Mamimili na rin ako ng groceries natin at magwiwithdraw para sa monthly check-up ni papa bukas.” “Okay, ma’am. Ayusin ko lang ang mga ipapalaundry.” Tumango muli si Ilana. Itinali niya ang kaniyang buhok bago kinuha ang kaniyang wallet at cellphone. Ilang araw na ba ang lumipas? Ang bi
"I'M sorry..." Napapikit si Ilana. She was so stupid for thinking she's the most pitiful person in the world for going through worse hardships. She's dwelling too much in self-pity when her sufferings were nothing compared to what Cloudio had been through. “Our pains couldn't be compared, Ilana, but I want you to know that after everything I went through, I found a reason to live…” Nanatili ang titig ni Cloudio sa kaniya. “...my little sister loves sculpture, I learned it. My mother loves flowers, so I bought a flower farm. My father likes collecting comic books, so I have a huge shelf full of comic books at home.” Napalunok si Ilana. “H-How strong are you?” Ngumiti si Cloudio. “I’m not strong, Ilana. I just learned to live with the pain. Sinakyan ko hanggang nasanay ako. But I’m not telling you to do the same because we are different. It will not be a good choice for you.” “What do you think…is good for me?” Matagal na namayani ang matahimikan sa pagitan nilang dalawa. Dahan
DUMIRETSO si Cloudio sa police headquarters. Agad siyang dumiretso sa dulong mesa kung saan nakasulat ang isang pangalan. Police Captain Dan Tristan Fortunato the third. Ang kaibigan niyang pulis na ginago lang pala siya. Cloudio slammed his fists on his desk. “Why didn't you tell me that that person is alive?” “What are you talking about—” “I’m talking about Abelardo Silva, Tres! Sabi mo sa ‘kin patay na ang hayop na iyon!” Galit na sagot ni Cloudio at nakaturo sa hangin ang kamay. “Cloud—” “And don't you fcking try to get away from this! I saw him! Alive and breathing! Ang gago mo para itago sa ‘kin ang katotohanan. Sa lahat ng gagago sa akin, Tres, ikaw pa!” Walang pakialam si Tres sa mga kasamahan nitong pulis. All he needs is to confront him. “Cloud, I just want you to move on and forget what happened.” Sarkastikong tumawa si Cloudio. Paano siya basta makakalimot sa pagkamatay ng buong pamilya niya? “Forget what happened? Buhay pa sana ang kapatid ko kung hindi dahil sa
NATAGPUAN ni Ilana ang sarili sa harap ng bahay ni Cloudio. Simple lang ang bahay nito, katamtaman ang laki at moderno ang disenyo na may dalawang palapag. May garahe para sa isang sasakyan at maliit na garden malapit sa porch. Bumuga ng hangin si Ilana saka pinindot ang doorbell sa gate. Tirik na tirik ang araw pero narito siya sa initan dahil kay Bianca. After lunch ay pinagtulakan siya nito paalis. Ito na rin ang kumuha ng taxi at nagbigay ng address ni Cloudio sa driver kaya wala siyang nagawa kundi sumakay. Naiwan niya pa nga sa coffee shop ang cellphone niya. “Ilana?” Gulat si Cloudio nang mapagbuksan siya ng pinto. Magulo ang buhok nito. Nakasuot lamang ng sweat pants, puting t-shirt at tsinelas. Hapit ang damit nito kaya bakat ang muscles pero hindi nakaramdam ng pagkailang si Ilana. Ngumiti siya. “Surprised?” Hindi ngumiti ang lalaki. Bahagya nitong binuksan ang gate para makapasok siya. “Why are you here?” “May sakit ka raw e.” “Kainitan ang punta mo. Saka mas mukha ka
“ANONG sinabi mo?” Pakiramdam ni Brian ay nabingi siya.Tumawa si Tres at naglakad sa harapan niya. “I said Cloud knows. Lahat-lahat.“Tangina, magkasabwat kayo? Niloko niyo si Ilana?”“I didn’t.” Umiling si Tres habang nakataas ang dalawang kamay. “Hindi ko siya niloko. Una palang sinabi ko na sa kaniya na ‘wag siyang magtiwala sa mga tao sa paligid niya. Ayan tuloy…”“Fck you, Tres! Pakawalan mo ako, hayop ka! Papatayin kita!”“See how karma works, Brian? It was cunning.”“Anong karma ang pinagsasabi mong hayop ka? Sadyang malaki lang ang diperensya mo kaya ginawa mo ito! Nasaan ang hayop na Cloudio na iyon? Dalhin mo siya dito. Tangina!”Bumukas ang pinto at natawa muli si Tres. “Well… I don’t really have to bring him here.”Pumasok si Cloudio—walang emosyon ang mga mata.Nagwala si Brian sa kinauupuan. “Hayop ka, Cloud! Pinagkatiwala ko siya sayo tapos traydor ka palang demonyo ka? Hayop ka, mamamat-y ka rin!”Humugot ng malalim na buntong-hininga si Cloudio. “Brian—”“Wag mong ba
MATAAS na ang sikat ng araw nang magmulat ng mga mata si Brian. Nakagapos ang mga kamay at binti niya sa kinauupuan. Bahagyang tumagilid ang ulo niya habang inaalala ang mga nangyari bago siya nawalan ng malay. Naabutan nila nina Tres at Cloudio ang dumukot kay baby Nayi pero may bigla nalang pumalo sa ulo niya at nawalan siya ng malay.“Fuck!” Malutong na mura ang pinakawalan ni Brian habang sinusubukang pakawalan ang sarii. Tyempo namang bumukas ang pintuang nasa harapan niya at pumasok ang isang taong hindi niya inaasahang makita sa sitwasyon niya.“What the fck is this, Tres?” Kuyom ang mga nakagapos na kamay ni Brian habang tinitingnan ang kaibigan na naglalakad palapit sa kaniya.Magulo ang buhok nito pero kalmado ang hitsura.“Makakagulo ka lang, Brian.”Kumunot ang noo ni Brian. “You fcking did this?”Bumuntong-hininga si Tres, tila dismayado. “Wala ka naman kasi dapat sa binyag. Bakit ba pumunta ka pa? Talent mo bang saktan ang sarili mo?”Inuga ni Brian ang sarili sa kinauup
“SUMAGOT ka, Gray!” Puno ng frustrasyon ang boses ni Ilana.Umiling si Gray. “Hindi ko gagawin iyon, Ilana. Hindi ko kukunin sayo ang anak natin!”“Then, why are you leaving?!” Halos magwala si Ilana habang nakaturo sa mga maleta. Nawalan ng imik si Gray at napatitig sa kaniya. Mas lalo namang tumindi ang paghihinala ni Ilana.Gulat ang pamilya ni Gray sa mga naririnig.“Anong nangyayari?”Hindi pinansin ni Ilana ang ina ni Gray, sa halip ay dumiretso siya sa hagdan para pumasok sa kwarto ni Gray. Ramdam niya ang pagsunod nito sa kaniya.“Ilana—”Pabalyang binuksan ni Ilana ang pinto ng kwarto ni Gray. Dumiretso siya sa banyo, sa walk-in closet, saka muling lumabas at binuksan ang iba pang silid. Natigilan siya nang may isang kwarto na nakalock.Hinarap niya si Gray. “Buksan mo ito.”Bumalatay ang sakit at takot sa mga mata ni Gray. “Ilana, that’s Grant’s room. Ayaw niyang pabuksan—”“Bubuksan mo o sisirain ko?!”Walang nagawa si Gray. Kinuha niya ang susi sa sarili niyang kwarto bago
PAIKOT-IKOT si Ilana habang umiiyak, nanginginig ang mga kamay at mabilis ang paghinga. Nagkakagulo sa paligid at walang malay si Lovella. Paulit-ulit na tinitingnan ni Ilana ang bawat sulok ng garden—umaasang nasa paligid lamang ang kaniyang anak pero wala…wala siyang makita at mas lalo siyang natatakot sa bawat segundong lumilipas.Tumakbo palabas si Ilana sa pag-asang mahahanap si baby Nayi pero bigo siyang muli.“A-Ano pong nangyari?” Sinubukan niyang pigilan ang isa sa paalis na sanang bisita. It was her neighbor.“Ilana, ang anak mo! May kumuha nalang bigla sa kaniya. Nahimatay ang kaibigan mo nang mauntog matapos itulak.”Mas lalong tumindi ang takot ni Ilana. Naalala niya ang sulat na natanggap niya.“A-Ano pong hitsura ng kumuha sa kaniya?”“Hindi ko nakita ang mukha niya, hija. Matangkad siya at nakasuot ng itim. Agad siyang hinabol ng kasintahan mo at ng dalawa pang lalaki.”“S-Saan po s-sila pumunta?”“Doon!” Itinuro ng babae ang direksyon. “Sumakay sila ng kotse. Ang mabut
HINDI mapakali si Ilana kinabukasan. Matapos ang binyag sa simbahan ay dumiretso sila sa venue. Naroon na at naghihintay ang mga bisita. Kaunti lamang ang bisita nila. Si Lovella na ninang, si Tres na ninong, ang ilang kapitbahay nila sa apartment at ang mga trabahador ni Cloudio sa mga negosyo nito. Simple lang ang handaan, maging dekorasyon sa venue. Halata namang masaya ang lahat pero hindi si Ilana.“May problema ba?” Lumapit sa kaniya si Cloudio at bumulong.“Wag mong aalisin ang tingin mo kay baby.” Sagot ni Ilana nang hindi inaalis ang tingin sa anak. Karga ito ni Lovella habang kausap ang ilang bisita. Sa isang mesa naman ay naroon si Tres na tahimik na umiinom. Nasa harap nito si Brian.Ilana was shocked when Brian arrived with Lovella. Hindi siya nito inimik pero tiningnan siya nito at tinanguan.“Bakit?” Nagtataka si Cloudio pero hindi na sumagot si Ilana.Naglakad siya palapit kay Lovella para kunin si baby Nayi. Nang makita siya ni Lovella ay agad nitong ibinigay ang bata.
HINDI maalis sa isipan ni Ilana ang pagtatalo nila ni Lovella. Paulit-ulit niyang naririnig ang boses nito at ang pangongonsensya. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kinakampihan ng kaibigan niya si Gray. Imposible namang nasuhulan ito ng lalaki dahil kilala niya si Lovella. May nalaman ba ito? Ipinilig ni Ilana ang ulo. Hindi na dapat niya problemahin kung may nalaman man si Lovella. Ang gusto niya lang ngayon ay tahimik na buhay kasama ang binubuo niyang pamilya. Wala naman sigurong batas na nagbabawal na hindi makipagbalikan sa asawa. “May problema ba?” Naupo si Cloudio sa tabi ng kaibigan. Nagtatrabaho ito kanina sa laptop pero nang mapansin ang paulit-ulit niyang buntong-hininga ay nilapitan na siya. Tulog sa crib si baby Nayi kaya tahimik silang dalawa sa sala. Tiningnan ni Ilana ang kasintahan. “Cloud, nagtalo kami ni Lovella.” “Dahil ba sa akin?” Nag-aalala ang tono ng kasintahan. Umiling si Ilana. “Hindi. Gusto niya kasi na kalimutan ko na ang galit ko kay Gray. I
SINALUBONG ni Cloudio si Ilana na may malaking ngiti sa mga labi. Alas diez na siya ng gabi nakauwi at naghihintay sa kaniya si Cloudio sa loob ng kaniyang apartment. Kaharap nito ang laptop nang pumasok siya pero agad siya nitong sinalubong. “Mabuti naman napaaga ka. Tulog na si baby.” Si Cloudio na humalik sa kaniyang pisngi. Tiningala ni Ilana ang kasintahan. “May hindi ka ba sinasabi sa akin, Cloud?” Natigilan ang binata. Ang ngiti sa mga labi nito ay unti-unting nabura. “A-Anong ibig mong sabihin?” “I’m giving you a chance to explain to me, Cloud.” Diretso lamang ang tingin ni Ilana sa kasintahan. Ni halos ayaw niyang kumurap dahil hindi niya lang gustong marinig ang katotohanan—gusto niya ring makita ito sa mga mata ng lalaki. “Ilana…” “What did my father do to your sister?” Mariing pumikit si Cloudio at humugot ng malalim na hininga. Hinawakan nito ang kamay ni Ilana at marahang iginiya ang kasintahan paupo sa sofa. Lumuhod ito sa kaniyang harapan—hawak pa rin ang
NILAGPASAN ni Ilana ang kaibigan nang mapansin niya ang disappointment sa mga mata nito. Hindi alam ni Ilana kung bakit parang biglang kumakampi si Lovella kay Gray. “Ilana, mag-usap tayo.” Umiling si Ilana. “Kailangan kong umuwi, Lovella. Saka na tayo mag-usap.” “Mag-usap tayo ngayon!” Hinablot ni Lovella ang braso niya nang makarating sila sa parking lot. Iritadong tiningnan ni Ilana ang kaibigan. “What? ‘Wag mong sabihing kakampihan mo na naman siya.” “Hindi ko siya kinakampihan pero sumusobra ka na!” Humalakhak si Ilana. “Saan ako sumobra, Lovella? Dapat ba patawarin ko siya dahil nasaksak siya? Dapat ba kalimutan ko nalang ang lahat dahil miserable siya? Paano naman ako? Paano ang sarili ko?” Umiling si Lovella. “Pinagsalitaan mo siya ng masama, Ilana. Pinag-isipan mo at sinaktan ng sobra sa masasakit mong salita.” “He deserves it.” Nagtiim-bagang si Ilana. “Ginagawa ko lang sa kaniya ang mga ginawa niya noon.” “Masaya ka ba? Ha? Masaya ka bang nakakaganti ka sa
“AKO nalang ang papasok.” Nakatayo si Ilana sa harap ng hospital room ni Gray habang nasa likuran niya si Lovella. Hindi naka uniporme ang dalaga dahil hindi nito duty pero sinamahan niya pa rin si Ilana. Sinadya nilang hintayin na umalis ang pamilya ni Gray. “Basta nandito lang ako sa labas.” Tinanguan lamang ni Ilana ang kaibigan bago binuksan ang pinto. Nadatnan niya si Gray na nakahiga sa hospital bed. Nakapatong sa noo nito ang braso pero alam niyang hindi ito tulog dahil hindi pantay ang ritmo ng paghinga nito. Gray immediately opened his eyes and forced himself to sit on the bed when he smelled a familiar perfume. Hindi ang amoy ng perfume na ginagamit noon ni Ilana—kundi ang bagong perfume nito na nagpapasabik sa kaniya mula nang magkita silang muli. “How did you know it was me?” Kaswal na tanong ni Ilana habang malamig ang tingin na ibinabato sa lalaki. Gray swallowed hard, staring into her eyes—shooting icy stares. “Iyong…perfume mo.” Ilana sighed, and shooked her head.