Limang araw pagkalipas ng gabing 'yon ay hindi pa tumatawag si Ruan sa akin. Masiyado ng matagal. Namanmanan ko na ang condo kung saan niya ako dinala noong gabing 'yon and I eventually found out na hindi pa bumabalik ang lalaki ro'n pagkatapos akong ihatid dito sa condo noong gabing 'yon. Gusto kong malaman kung nasaan siya at kung ano ang pinagkakaabalahan niya na dahilan kung bakit limang araw na siyang hindi tumatawag. It was the first time he called me, ayaw niya na agad sundan? Alam kong hindi niya naman araw-araw kailangan ng masahe. Kung bakit kasi sa pagiging personal masseuse pa ako napunta. Dapat personal assistant na lang eh. Hindi niya ba nagustuhan ang pagmasahe ko sa kaniya? What about our kiss? French kiss pa naman 'yon. Tangina niya talaga, ah. Saan ko ba mahahanap ang lalaking 'yon? “Nguso mo. Para kang pato.” Binato ko ang rolyo ng tissue na hawak ko kay Sever. Finally, tumama na ito sa mukha niya. Nasa harap ko na kasi siya ngayon at hindi ko na lang siya
“Coffee shop at this point of time? Nakahithit ka ba, Zalaria?” “I'm craving, Sever.” Nang masiguradong maayos na ang buhok ko ay agad kong pinatungan ang sando na suot ko ng isang kulay blue na hoodie. Umabot 'yon lagpas sa kalahati ng aking mga hita, dahilan upang maitago ang kulay puti na shorts na suot ko. I paired it with my white sneakers to be comfortable. “I'm going. Babalik din ako agad.” “Sasama ako—” “No need, Sever. Bibili lang naman ako ng kape. Do you want something? I can buy for you.” Umiling ang lalaki. “I'll go with—” “Alright! Bye!” Lumabas na ako agad dahilan upang hindi na ako mahabol pa si Sever. I looked like a normal person who suddenly craved for coffee in the middle of the night, kahit may iba naman talaga akong plano. To buy a coffee wasn't my intention for going out this late. Ang mensahe na natanggap ko mula sa Supremo kanina ay naglalaman ng address na siyang pupuntahan ko ngayon. Nang i-check ko ang lugar online ay nakita ko na isa itong
“Let's not talk about this through call. Are you in your condo? I'll fetch you.” Bigla akong kinabahan. Oo nga pala at alam na niya kung saan ang condo na tinutuluyan ko. Ngunit bukod sa wala ako ro'n ngayon, nandoon din si Sever. They couldn't see each other! “Nasa labas ako ngayon, Sir.” “Saan?” may diing tanong ng lalaki. May narinig akong tunog ng mga yapak sa kabilang linya, maging ang pagbukas at pagsara ng pinto, hanggang sa tunog ng kaniyang susi. “Give me your location.” “I-I thought you are out of the country?” Hindi ko alam kung tama ba na tinanong ko 'yon, pero nais kong malaman kung nasaan ang lalaki. “I just arrived at my condo from my flight.” Kaya pala mukhang pagod ang lalaki dahil sa boses niya. “You better rest first, Sir Ruan. Hindi naman natin kailangang magkita agad para pag-usapan ang pag-alis ko sa trabaho.” “It's not about it.” Kumunot ang noo ko. “Then, what?” Biglang natigil ang ingay sa kabilang linya. Narinig ko ang malalim na paghinga ng lalak
“Mawawala ako ng dalawang linggo, Asteon. I'll miss two reports.” “As long as you'll be gone for your mission, there will be no problem. Puwede mo namang ihabol ang reports.” Napatango ako. “Also, can I request for a new gun with silencer? And a katana,” I casually asked. I crossed my legs and leaned at the back of the couch where I was sitting. Nasa loob ako ng opisina ngayon ni Asteon upang bumisita at ipaalam na rin sa kaniya ang magiging pagkawala ko. Mula sa pagtitipa sa kaniyang computer ay napunta sa akin ang atensyon niya. “You'll be gone for a fight?” Ngumisi ako. “Nope, but, it's always better to be ready.” Tumango siya sa akin bago tumayo. “Follow me. Ikaw na ang pumili kung ano ang gusto mong kunin.” Gaya ng utos niya ay masunurin ko siyang sinundan. From the tenth floor, I followed him to the basement. Dalawang kuwarto ang nadatnan namin doon at sa kaliwang silid kami pumasok. It wasn't my first time to enter here, ngunit hindi pa ako nakakapasok sa kanang si
Kinailangan kong lumabas sa balcony upang makausap ang mga anak ko. Halos dalawang oras ang inabot para makuntento sila sa mga narinig mula sa akin. I watched them eat their breakfast through the screen of my iPad. Kung dati ay ako pa ang nagsusubo sa kanila, ngayon ay hanggang nood na lang ako. Naramdaman ko ang pangungulila sa kulay abo nilang mga mata habang nakatitig sa akin. Halatang iyak sila nang iyak dahil sa lagay ng mga mata nila. Nahirapan akong ibaba ang tawag ngunit kailangan. Nangako akong tatawag ulit ako bukas sa kanila dahil paiyak na ulit ang dalawa nang puputulin na namin ang tawag. Pagbalik ko sa loob ng kuwarto ay wala na si Ruan. Siguradong nagsimula na ang ribbon cutting ceremony sa baba at iniwan na lang niya ako rito. Lalabas na sana ako ng kuwarto upang puntahan siya sa baba nang biglang bumukas ang pinto. The door revealed the man— Ruan. I noticed how his jaw clenched while loosening the necktie around his neck. “I-I'm sorry. Hindi ako nakababa.” Tuma
“Let's go. The helicopter has arrived.” “Saan tayo susunod na pupunta?” “I want a break.” Sinabayan ko ang paglalakad ni Ruan palabas ng kuwarto. Hindi na namin kailangan pa na hintayin ang paghupa ng mga tao sa labas dahil ipinatawag na niya ang helicopter niya. Tama ang hinala ko na pagkatapos ng araw na 'to ay wala na siyang balak na puntahan ang mga susunod na grand opening ng kaniyang mga bagong hotels sa iba't ibang lugar dito sa loob ng Pilipinas. He hates socializing so much. Dahil doon, si Leon na kaniyang secretary pagdating sa mga negosyo na lang talaga ang tuluyang mag-aasikaso sa mga 'yon. That's a thing that I noticed about Ruan through observing. He likes to control his pawns. Malakas at malamig na hangin ang bumungad sa amin pagtapak sa rooftop ng building. Halos hindi ako nakausad dahil sa lamig at lakas nito na tumatama sa akin, idagdag pa ang ingay na nagmumula sa helicopter na siyang naging dahilan kung bakit hindi ko muling maitanong kay Ruan kung saa
Agad tinuro sa akin ni Ruan kung saan ang magiging kuwarto ko, at sa third floor 'yon, katapat lang ng kuwarto niya. Balak niya akong samahan sa pag-aayos ng mga gamit ko nang tawagin siya ng lima niyang kaibigan sa baba upang uminom at magkasiyahan. Pinuntahan siya ni Solene sa loob ng kuwarto ko. “Kaya na 'yan ng assistant mo!” Tumingin sa akin ang babae nang may mawalak na ngiti. “Right? What's your name again?” Sinuklian ko ang ngiti niya. “Elora.” “Elora! Right! So, ano? Come with me now, Ruan!” pagpipilit niya kay Ruan na nanatiling nakaupo sa kama ng kuwarto ko habang nakatingin sa akin. Nang akmang uupo na rin si Solene sa tabi ni Ruan ay doon lang lumingon sa kaniya ang lalaki. “I'll follow you downstairs, Solene. I just have something to tell to Elora.” Ngumuso ang babae. “Tell it to her now so we can go downstairs together!” Ruan shook his head firmly with a smile. “Susunod ako agad, Solene.” His voice became more serious. “They're waiting downstairs, you better
Paggising ko ay madilim na sa labas at wala na si Ruan sa tabi ko. Nang tumingin ako sa orasan na nakasabit sa pader na katapat lang ng kama ko, I saw that it was already eight in the evening. Nag-inat ako ng katawan ko nang makatayo. Hindi ko ikakailang napasarap ang tulog ko at maganda ang pakiramdam ko paggising. Nasaan kaya si Ruan? Anong oras naman kaya siya nagising? Hindi muna ako lumabas ng kuwarto. Itinuloy ko ang pag-aayos ng mga gamit ko na naudlot kanina. Kalahati lang ng mga damit ko ang inilabas ko at inayos sa loob ng cabinet. Ang iba ay iniwan ko sa loob ng maleta upang matabunan ang mga bagay na tinatago ko. Hindi ko 'yon ilalabas kung hindi kailangan. After fixing my clothes, agad akong naligo. May sariling bathroom sa kuwarto ko kaya naman hindi ko na kailangan pang lumabas upang maligo. It took me an hour to finish bathing. Simpleng kulay grey na sweatshirt at puting maong shorts lang ang sinuot ko dahil malamig ngunit hindi ko rin naman gusto kapag masiya
Ano ang nagtutulak sa 'yo upang patuloy na mabuhay?Five years ago, I used to call myself a slave of money. Hindi ko itatanggi. Pinasok ko ang trabahong dahilan upang mamulat ako sa madilim na reyalidad ng mundo sa kadahilanang kailangan ko ng pera.I needed money for my mother's medication and to sustain my daily needs to be able to continue living because I had no father to do so for us.“Sister! Zalaria, congratulations on your wedding! I'm sorry I wasn't able to come.” “No worries, Astean. Ang importante, nagpakita ka na sa akin.” At first, I was scared to enter the world of Derrivy. Entering the job means digging your own grave. Makakaya ko ba? It was scary. I could die anytime during a mission. Isang pagkakamali lang at lilisanin ko ang mundong 'to nang walang paalam sa kahit sino. It was like selling my life and soul for a huge amount of money. However, I saw it as my only hope. Hindi sapat ang kinikita ko noon bilang isang trainer at lumala na ang sakit ng nanay ko. So I
“Nasa baba na si Asteon, anak.” It was my mother who informed me. Pinapatulog ko sina Ruin at Aero nang pumasok siya sa kuwarto ko upang ibalita ang pagdating ng kapatid ko. Tulog na si Hera ngunit ang dalawa ay dilat na dilat pa ang mga mata. “Nakausap ko ang kapatid mo. Grabe, parang kailan lang. Ang bilis niyong tumanda.” My mother gave me a gentle smile. “Ako na ang bahala sa dalawa. Bumaba ka na ro'n, anak. Hinihintay ka nila.” Tumango ako at niyakap si Nanay. “Salamat po, 'Nay.” Buti na lang at hindi umalma ang dalawa kaya naging madali ang pag-alis ko sa tabi nila. Pagbaba ko, naabutan ko si Ruan na kausap si Asteon. They looked serious. Dinahan-dahan ko pa ang paglabas ko sa elevator upang hindi nila ako agad mapansin, ngunit agad lumingon sa akin si Ruan. Marahan akong ngumiti sa dalawa habang papalapit. Asteon looked at me with hesitation, worry, and fear in his eyes na ikinanabahala ko. “Ate—” I cut him off with a tight hug. “Bakit kung makatingin ka sa akin para n
We decided to throw a small celebration after Hera turned one month old. Naging daan na rin 'yon upang makauwi ang mga kaibigan ni Ruan na sina Altro, Haiver, Alshiro, Caiusent, at Ervo. Rye was also invited by Ruan, ngunit binalita ng lalaki na hindi siya sigurado kung makakadalo ba siya.Despite that, he didn't fail to greet our daughter. He even sent her a gift. “Hoy! Nasaan ka na? 'Yang cake na lang ang kulang,” reklamo ko kay Sever dahil siya na lang ang wala. Handa na ang lahat ng mga pagkain at puro mga ulam 'yon dahil lunchtime ang party. Gumawa rin ako ng dessert pero siyempre, hindi kumpleto ang celebration kapag walang cake. Nagpa-order ako kay Sever na aabutin pa yata ng isang buwan bago makarating.Si Nanay ay abala sa pag-aayos ng mga handa sa mahabang lamesa na kaka-set up lang din namin. Nandoon na ang lahat at dahil segurista ang nanay ko, siyempre uulit-ulitin niya 'yon tignan. Sina Ruin at Aero naman ay tuwang-tuwa dahil kalaro nila ang limang kaibigan ni Ruan. A
Dumating ang araw ng aming pag-alis pabalik sa Pilipinas. Naimpake na ang lahat ng aming gamit at handa na kaming lumipad. Bumalik na si Ervo sa Espanya dahil kinailangan. Bago 'yon ay ilang beses namin siyang pinasalamatan dahil sa pagpapatuloy niya sa amin dito. Si Haiver at Sever naman ay kasama naming uuwi sa Pilipinas. I was pushing the stroller where Hera was lying down and sleeping. Si Nanay naman ay abala pa rin sa pagche-check kung kumpleto ba ang mga naimpake namin kahit ilang beses na namin 'yon nasigurado na kumpleto 'yon kahapon pa. Kasalukuyan naming hinihintay ang van kung saan kami sasakay patungo sa airport. Helicopter sana upang mas mabilis ngunit naisip namin na hindi kakayanin ng mga bata. Ruin raised his arms to ask his father to carry him. “Where are we going, Daddy?” he wondered. Si Aero naman ay napakapit sa damit ko habang nakatayo sa gilid ko. Ruan gave them a gentle smile. “To our home, my son. We're going to our home.” Hindi ko alam ngunit tila pum
“Tell me what happened, Sever.” “Mula saan?” I shifted on my seat to face him. “Mula noong umalis kami.” “Wala namang masiyadong nangyari.” Umirap ako. “Pati ba naman ikaw, magsisinungaling sa akin?” Kumamot sa ulo si Sever. “Damn. Wala kang sasabihin kay Ruan, ha? Wala kang isusumbong na ako ang nagsabi sa 'yo.” My assumption was right. Sinabihan nga ni Ruan ang lalaki na huwag magsasabi sa akin. Siguro ay gano'n din ang ginawa niya kina Haiver at Ervo kaya ayaw nilang sabihin sa akin ang totoong nangyari. “Ayaw niyang malaman mo hindi dahil sa wala kang karapatan. Ayaw niyang malaman mo kasi ayaw ka niyang mag-alala pa dahil tapos na.” May nangyari talaga na dapat kong malaman. “Ano nga ang nangyari?” I asked impatiently. Nababahala ako dahil baka mamaya ay bumaba na si Ruan dahil pinapatulog lang naman niya yung kambal sa kuwarto. “Noong umalis ka dala ang mga anak niyo, alam mo bang hindi namin siya nakausap nang isang linggo? He became too focused on his plan of
Hera got his father's eyes, but she looks exactly like me. Tuwang-tuwa ang nanay ko habang ipinapakita sa lahat ang litrato ko noong sanggol pa lang ako kung saan kamukhang-kamukha ko si Hera. I have to agree too, our princess was my carbon copy. Labis ang tuwa na naramdaman ko dahil sa wakas, may kamukha na rin ako sa mga anak ko at hindi na ako ampon sa pamilyang ito. Gising si Hera ngunit hindi siya umiiyak. She was just looking at me like she could already see me. Halos manghina ang mga kamay ko habang buhat ko ang maliit niyang katawan. She was so small, fragile, and cute. Hindi rin mapakali sina Ruin at Aero sa kakasilip ng kaniyang mukha kaya naman natutuwa ako. I looked at Ruan who was sitting at my right side. Naluluha ang mga mata niya habang pinagmamasdan kami. I smiled at him. “Carry your daughter, Ruan.” Takot na umiling ang lalaki. “I-I... I don't know how. I might drop her.” Bahagya akong natawa at agad na tinuruan ang lalaki ng tamang posisyon sa pagkarga ng
I opened my eyes weakly, only to close it when the strong light hurt my eyes instantly. I counted a few seconds before slowly opening my eyes again. This time, my vision gradually adjusted with the light until it was no longer hurting my eyes. The white ceiling of the room welcomed my sight. “Anak, kumusta?” I thought I was alone inside the room until my mother rushed toward me to check on me. Agad kong naramdaman ang marahan niyang paghaplos sa buhok ko. “Ayos na po ako, 'Nay.” I slowly adjusted my position on the bed. Mula sa pagkakahiga ay maingat akong sumandal sa headboard ng kama. Dahil sa paggalaw ay naramdaman ko ang labis na sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. I scanned the whole room, hoping to see someone other than my mother but, we were alone inside. It was just the two of us. There was no trace that the man I have been longing to see was here. For a minute I thought that it was just my hallucination. Baka gawa-agawa lang 'yon ng utak ko dahil sa labis na pangungu
“Very good! Give Mommy a kiss!” Sabay na dumapo ang labi ng mga anak ko sa magkabilang pisngi ko. Natunaw naman ang puso ko nang sinunod nilang halikan ang umbok ng tiyan ko. “What's her name again, Mommy?” Ruin asked while drawing circles on my baby bump. Si Aero naman ay isinandal ang pisngi niya sa braso ko gaya ng lagi niyang ginagawa. Ngumiti ako. “We'll call her Hera.” “Just Hera?” Aero mumbled beside me. Umiling ako bago maingat na inayos ang buhok na humaharang sa mukha niya, gano'n din ang kay Ruin. “She will be Hera Tiana Anastasia Danery.” Agad na nalukot ang kanilang mukha sa sinabi ko. “Mommy! That's too long!” “She'll suffer from writing her name like us!” Agad akong tumawa sa aking mga narinig. “It's okay, boys! She'll love it when she grow up. It's long because I want her to have both of your initials.” Mukhang hindi nila matanggap na mahihirapan magsulat ng pangalan ang kapatid nila dahil sa ibinigay kong pangalan niya. They're already this thoughtful. Hi
He'll be here, soon. Haiver and Ervo told me Ruan was doing fine and I believed them. They told me he'll be here soon... pero manganganak na lang ako ay wala pa rin siya. Eight months. It has been eight fucking months. Nakailang sipa na ang anak namin mula sa loob ng tiyan ko ngunit hindi ko pa rin siya nakikita. “Mommy... why are you crying?” My teary eyes met Aero's worried grey eyes. Mas lalo akong naiyak dahil nakita ko bigla ang mukha ng tatay nila sa mga mata niya. Kung paano tumingin sa akin ang mga anak ko... gano'n din ang tatay nila. Grabeng pangungulila na 'to. Hindi ko na kinakaya. “I-I miss your Daddy, baby ko.” “Daddy?” Ruin stopped playing to look up to me. “Me too! I miss Daddy!” Nagulat ako nang biglang tumayo si Aero mula sa pagkakaupo sa sahig upang yakapin ako. Nanlalambing at marahan niyang ipinatong ang maliit na mukha sa ibabaw ng tiyan ko at tumingala sa akin. “That's okay, Mommy. Daddy will be here soon,” he comforted me with his gentle voice.