ATASHIA
Bitbit ang maraming folder, halos liparin ko ang hagdanan makaabot lang sa ika-30th floor ng gusali kung saan ginaganap ang board meeting ng Henzon Group of Companies.
Overloaded na ang elevator kaya hindi na ako nakasakay doon. Hulas na ang make-up ko at amoy mandirigma na rin ako dahil sa sobrang pagod pero nasa ika-25th floor pa lang ako. Napangisi ako na parang baliw. Hindi ko kasi nararanasan ang lahat ng ito kung ang magaling kong tatay ay hindi kami iniwan ni nanay. Pero kaunti na lang, giginhawa rin ako. Mag-iipon lang talaga ako ng puhunan.
"Diyos ko, ano ba namang kamalasan na naman ito?" tanong ko habang nakatingala at pilit hinahabol ang aking hininga.
Napabuntong-hininga ako sa gigil habang nakakapit sa railings ng hagdanan. Naihanda ko na kasi kanina ang lahat ng folders na kailangan pero dahil sa malakas na sigaw ng masungit kong boss kaya naiwan ko iyon. Dahil sa amo ko, ito ako ngayon, parang pinarusahan na akyatin ang gusali mula sa office ni Sir Lance sa ninth floor hanggang thirtieth floor.
Hahakbang na sana ako pero narinig kong tumunog ang cellphone ko.
"Miss Magnoia, where are you?" tanong sa akin ng manager. "The meeting is about to end. Sir Lance is waiting here. He’s so fücking annoyed. Lagot na naman tayo nito. Kung pwede lang kitang tanggalin, tinanggal na kita. Hindi ako makaporma kay Sir dahil sa iyo.”
Bahagya kong inilayo ang cellphone sa aking tainga. Pagod na ako at nakakairita ang boses ni Wena. Ang malandi manager ng kumpanya ay mabait lang sa akin kapag kailangan niya ako para magpaabot ng mga suhol niya kay Sir Lance.
Kahit hinihingal ay pinilit kong abutin ang thirtieth floor. Tapos na ang meeting at isang Lance Henzon na salubong ang kilay ang naabutan ko.
“When are you going to work without lapses, Miss Magnoia?” tanong niya. Bubuka pa lang sana ang bibig ko pero may kasunod na agad ang sinabi ni sir. “Kung hindi lang ako naaawa sa iyo, sinisante na kita.”
Hindi ako umimik at baka matuluyan ngang matanggal ako sa trabaho. Kahit madalas gabing-gabi na kung umuwi ako, gugustuhin ko pa rin magtrabaho sa kumpanya ni Sir Lance na bahagi ng Henzon Group of Companies. Okay na okay ako bilang secretary niya kahit masungit siya.
Buong maghapon ay mainit ang ulo ni Sir Lance at ng manager. Panay lang ang sunod ko sa utos at hindi ako nagsasalita kung 'di ako tinatanong.
“Have you eaten your lunch?” tanong ni Sir Lance.
Ano raw? Galit siya at kulang na lang ay lunukin niya na ako dahi bwisit siya sa akin pero tinatanong niya ako kung kumain na ako. Ano kayang pumasok sa kokote ng boss ko? Siguro concern lang siya sa akin. Pero kung concern siya, bakit inaabot ako lagi ng hatinggabi sa office dahil sa dami ng trabaho na ipinagagawa niya.
“Miss, Magnoia, did you hear me?” tanong niya na naman.
“Yes, sir.”
“So, what is your answer?”
“Hindi pa po.” Nahihiya man ay umamin na ako. Alas-tres na ng hapon pero hindi pa talaga ako kumakain dahil hindi nauubos ang gawain ko. Daig ko pa ang robot sa dami ng utos ni Sir Lance.
“Let’s go.” Hinawakan ni sir ang kamay ko. Parang hihimatayin ako sa lambot ng palad niya. “I said, let’s go.” Hinila niya pa ako.
“S-sir, iyong kamay ko po,” sabi ko.
Parang wala lang na binitawan niya ako. Nagpatiuna na siya sa paglakad at sumunod naman ako kahit hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Sa isang five star restaurant kami tumungo ni Sir Lance. Iyong tiyan kong kanina pa tumutunog ay biglang nanahimik. Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinilig nang hinila ni Sir Lance ang upuan para makaupo ako. Feeling ko ay nagdi-date kami.
Hindi ko napigilan na tingnan ang makinis na mukha ng aking kaharap. Ang guwapo at ang linis niya naman kasing tingnan. Ang pula pa ng labi niya na para bang virgin na virgin pa.
“Ano ba ang iniisip mo, Atashia?” tanong ko sa aking sarili.
“Yes, what is it, Ms. Magnoia?” tanong ni Sir Lance.
Umiling ako at yumuko. Masyado na akong nadala ng imahinasyon ko.
Nang dumating ang mga orders na pagkain ni Sir Lance, tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain. Japanese five star resto ang pinasok namin at hindi ako sanay sa pagkain nila. Adobong kangkong o sitaw lang, sapat na sa akin. Nagsisisi ako na sinabi kong kung ano ang order ni sir, iyon na lang din sa akin.
“Don’t you like the food? I can order…."
"No. Don't, sir. Okay po ako sa pagkain na ito." Putol ko sa sasabihin niya pa sana.
Pero hindi ko maiwasan ang mapangiwi ng isubo ni Sir Lance ang kanin na binalot sa kulay dark green na ewan. Napatitig din ako sa plato ko.
"Diyos ko, mabubusog ba ako ng iilang tumpok na ito ng pagkain? Baka nga hindi ito umabot sa tiyan ko," reklamo ng isip ko.
Kahit hindi ko gusto ang nasa harapan ko ay napilitan na akong isubo ang mga iyon. Inisip ko na lang na fried chicken ng Jollibee at unli rice ng Mang Inasal ang kinakain ko. Sa isang kisap-mata ay nagawa kong ubusin ang pagkain.
"Would you like to eat more? Call the waiters and tell them your order," sabi ni Sir Lance.
Halos matanggal ang ulo ko sa pag-iling. Sa sobrang bilis kong kumain, hindi ko nalasahan ang pagkain pero kung ganoon pa rin ang ibibigay sa akin, baka sumuka ako sa harapan ng macho kong boss.
Lumipas ang ilang araw na madalas akong pumasok sa trabaho na walang laman ang tiyan dahil sa nanay kong kulang na lang ay gawing storage area ng mga lalaki ang pabagsak na naming bahay. Paano ba ako makakakilos ng maayos kung kulang na lang ay magiba ang bahay namin sa yugyugan nila? Nakakainis! Kasalanan talaga itong lahat ng pabaya kong ama.
Sa canteen ng company, para na naman akong patay-gutom sa sobrang pagmamadali. Dapat makatapos kasi akong kumain bago dumating ang masungit kong boss dahil baka masigawan na naman ako. Hindi ko alam kung pinaglihi ba siya sa sama ng loob kaya lagi na lang niya akong pinapahirapan. Overtime kung overtime na palagi ang drama niya to the point na madalas kaming dalawa na lang ang naiiwan sa building.
"How many days have you not eaten, Miss Magnoia?" Nasamid ako sa labis na gulat. Nakatayo sa tabi ko si Sir Lance at nakakasira ng ulo ang kagwapuhan niya.
"S-sir! Bakit kayo nandito?" naitanong ko.
"None of your business."
"Okay, none of your business din ang paraan ng pagkain ko," gusto ko sanang sabihin pero itinuloy ko na lang ang pagsubo ko. Halos matapunan pa ako ng tubig dahil sa pagmamadali ko. Umupo kasi si Sir Lance sa bakanteng upuan na nasa harapan ko.
Eksaktong tatayo na ako ng dumating ang pagkain na ipinahanda ni Sir Lance sa cook ng canteen. Napanganga ako sa sobrang dami noon. "Mas patay-gutom pa pala siya sa akin," naisip ko. Subalit bigla niya akong inutusan na umupo.
"Let's have breakfast together," sabi niya.
Baliw ba siya? Kakatapos ko lang kumain at nakita niya naman iyon.
"Sir, thank you. Tapos na po ako," sabi ko.
"I don't think so. Come on, let’s eat together.”
Napilitan akong ngumiti kahit naiinis na ako. Hindi ko kasi masakyan ang trip ng amo ko. Umupo akong muli at sinimulan ko nang lantakan ang mga pagkain sa hapag. Wala akong pake kung ano ang isipin ng kaharap ko. Sabagay, isa nga naman sa goal ko sa company na ito ay ang akitin ang boss ko para hindi niya ako tanggalin sa trabaho. Mukhang gumagana ang simplerng pang-aakit ko sa kaniya.
Ngunit, may kontrabida agad sa binubuo kong love story. Si Wena, ang manager namin. Kulang na lang ay lamunin din niya ako habang nakatitig siya sa akin lalo na ng kumuha ng tissue si Sir Lance at punasin ang sauce na nasa gilid ng aking mga labi.
"Hmmm... pagselosin ko pa kaya lalo ang kumag na ito," mga katagang naglalaro sa isip ko.
Dahil doon kaya bigla kong nahawakan ang kamay ni Sir Lance na ginamit niya pagpunas ng sauce at 'di sinasadyang nagkatitigan kami.
ATASHIA Sigawan, tuksuhan! Napaka-ingay sa loob ng bagong bukas na restaurant ni Sir Lance Henzon. Nabibingi ako sa lakas ng ingay pero nakaguhit ang isang malapad na ngiti sa aking mga labi. I am holding a bouquet of roses and a box of chocolate. Bigay iyon sa akin ni Boss Lance Henzon. Sa wakas gumana ang aking ritwal. Hindi ko lang nalusutan ang panggagantso ko sa kaniya, napaibig ko pa siya! Sa harapan ko ay nakatayo ang isang gwapong lalaki. He's wearing a white long sleeve na ipinares niya sa itim na slacks pants. His tantalizing eyes are staring at me. The kilig is running all throughout my spine. My gosh, daig ko pa ang nasa cloud nine kaya napapa-inglis na ako. "Will you be my girl?" he asked. "Ako, magiging girlfriend mo? Ikaw na anak ng isang kilalang pulitiko ang magiging bf ko? Nagkakamali ka yata, sir," nagkakandautal kong pahayag. "Why not? Wala namang batas dito sa Pilipinas na bawal ma-inlove ang boss sa empleyado n'ya," sagot ni Sir Lance. Hindi ako nakaim
ATASHIAInstead na sa hotel na sinabi niya kanina, sa isang condo ako dinala ni Sir Lance. Hindi ito kalayuan mula sa Henzon Group of Companies. Lutang ako kaya kahit siguro sa impyerno n'ya ako dalhin ay sasama ako. Ang sama ng loob ko sa nanay ko. Kahit kailan talaga ay wala siyang pakialam sa akin. "Take a rest. Mag-o-order muna ako ng food natin. Don't overthink. You have me," sabi ni Sir Lance. Pinapasok niya ako sa isang napakalinis na silid. Amoy na amoy ko ang napakalinis na kurtina at bedsheets. Umiiyak na humiga ako sa kama. Hindi ko na tinanggal ang sapatos ko at hindi na rin muna ako nagpalit ng uniform. Wala akong pakialam kung nasaan ako o kung ano man ang suot ko. Ang gusto ko lang ay umiyak at ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa mundo, lalo na sa nanay ko. Pumasok si Sir Lance sa silid kung nasaan ako. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Madalas ay casual lang kami kung mag-usap kaya hindi ko expected na magtatapat siya sa akin kanina. Dahil sa kasungitan
ATASHIADahil sa gigil ko kay Sir Lance kaya hindi ko napigilan ang maiyak habang naglalakad ako sa bangketa. Bwisit na lalaking iyon, mukhang santo sa harapan ng matapobre niyang ina.Wala akong trabaho, walang tirahan at walang pera! Bongga! Nasa akin na ang korona ng kawalan! Napakamalas ko talaga sa mundong ito. Subalit hindi ako papayag na maging isang basura sa paningin ng lahat. Patutunayan ko pa sa magaling kong ina na kaya kong magtagumpay sa malinis na paraan. “Atashia!” Dinig kong sigaw ni Sir Lance. Lumingon ako at nakita kong namumula ang pisngi niya dahil sa init. Oh my… magpapakipot ba ako o ano? Teka, I have to think first. Subalit bago pa man ako makapag-isip ay nasa harapan ko na siya. “Why did you lie to my mom? Hindi mo ba alam na pwedeng mapahamak si Gemma dahil sa ginawa mo?” tanong niya sa akin.“Wow, concern? Sir, kung sumunod ka sa akin para pagalitan ako, bumalik ka na roon kasi baka makakita ka ng mga stars sa katirikan ng araw.” “No. Don’t get me wron
ATASHIAWedding day!Hindi ko masasabi kung kasal ba talaga o lamay ng patay ang pupuntahan namin ni Lance. Ang mayor lang naman ng siyudad ang magkakasal sa amin pero matindi ang kabog ng dibdib ko. Napakaraming tanong sa isip ko. What if… what if… what if…Hindi talaga maubos-ubos. Ready na si Lance at maging ako. Puting americana suit ang suot niya. Hindi nakakasawang tingnan ang mukha ng aking future husband. Umangat kasi lalo ang kagwapuhan niya hindi lang dahil sa suot niya kung hindi dahil din sa gupit niyang sobrang simple pero ang linis. Nakasuot naman ako ng isang white lace wedding gown. Hapit iyon sa akin kaya kitang-kita ang contours ng aking katawan. Very classic din ang sweetheart neckline at cap sleeves nito. Sobrang detalyado rin ang sheer draped ng gown kaya kitang-kita ang hourglass figure ko na bihirang-bihira sa mga babae. Ang mahabang tela sa likuran ay lumilikha rin ng illusions na lalong nagpalutang ng natatangi kong ganda. Nang nakita ako ni Lance, bigla n
ATASHIA Hindi maitago sa magandang mukha ni Belle ang matinding pagkagulat nang sinabi ni Lance na asawa niya ako. Kinilig man pero parang gusto kong itago sa bulsa ko ang aking asawa. I hate the way Belled looked at him. Ako lang dapat ang may karapatan na tumingin sa mister ko ng ganon. Dala ng matinding selos, umungol ako ng bahagya. Nagmamadali na lumakad si Lance palabas ng hotel habang ang mukha ko ay nakasubsob sa malapad niyang dibdib. Nang ibaba ako ni Lance sa loob ng sasakyan, hindi ko napigilan ang mapasuka. Halo-halo na ang amoy ng mamahalin niyang kotse at kaniyang pawis, pero hindi iyon ang dahilan kung bakit bumaliktad ang sikmura ko. Ang totoo ay hindi talaga kasi sanay malapatan ng alak ang sikmura ko. “What the héck, Atashia? I had no idea that marriage could be so difficult. You're giving me a headache on our first night together as husband and wife,” reklamo ni Lance. Napahagikhik ako. Hinaplos ng hintuturo ko ang kaniyang mukha. Grabe sa kinis iyon na para
ATASHIA Habang nakasakay kami ni Lance sa private plane ay wala pa rin akong kibo. My eyes were closed pero nakikiramdam ako sa bawat galaw ng katabi ko. Sa dami kasi ng upuan ng eroplano, pinili niya pa talagang makisiksik sa tabi ko. Simula nang umalis kami ng condo ay wala na talagaakong imik. Hindi ako galit kasi nasarapan naman talaga ako sa kíss na ginawa ni Lance, kaya lang parang may mga nagtatakbuhang hayop sa sikmura ko. Nahihilo ako, naiihi, basta ang dami kong nararamdaman. Parang nakadikit pa rin sa bibig ko ang lasa ng labi ng asawa ko at para iyong bubble gum sa sarap. Dama ko pa rin ang lambot noon na parang cotton candy. Napangiti ako sa mga iniisip ko. "You're so gorgeous, hon," bulong niya sa akin. "Thank you," sakay ko naman sa sinabi niya. Matagal ko na kasing alam na maganda ako. "What are you thinking? Why are you smiling?" Bigla akong napamulagat sa mga tanong na iyon. Subalit mabilis din akong napapikit. My husband's face is just an inch away from m
ATASHIASeven days, seven days na akong trinatrato ni Lance na parang reyna. Mula paggising hanggang matulog, kulang na lang ay sambahin niya ako. For the very first time in my life, I felt how valuable I am. Hindi ko na pala kailangan malungkot dahil pilit pinupunan ni Lance ang kakulangan ni nanay. Each day na lumilipas ay lalo akong nahuhulog sa CEO kong asawa. Hindi n'ya kasi ipinararamdam sa akin ang layo ng agwat namin sa buhay. Sa halip ay ipinapakita niya sa akin how I deserve all the love and attention na hindi ibinigay sa akin ng sarili kong ina. "Hon, let's ride a Kayak," sabi niya sa akin isang umaga. Nasa Lancenta Hotel pa rin kami at nakababad ako sa pool. First time kong maligo roon dahil katatapos lang ng period ko. "Ano iyon?" Inosente kong tanong sa kaniya. "It is a boat commonly used in sports. It needs physical strength which is why I have to paddle for us to get into the deep part of the sea," paliwanag ni Lance. "Walang makina pala iyan. Huwag na. Nakakatako
ATASHIAI didn't confront Lance in front of Wenna. Hindi pwede. Bawal. Wala pa dapat makaalam kung sino ako sa buhay ng isang Lance Henzon. But I couldn't keep my mouth shut. Hindi kasi ako ang tipo ng tao na basta na lang papayag na maagawan. I must do my part to keep the marriage last for a lifetime katulad ng sumpaan namin ni Lance. Muli akong bumalik sa silid kung saan kami tumutuloy ni Lance. Hindi ko ginalaw ang mga pagkain kasi wala akong gana. Feeling ko ay busog na busog ako. Ang puso ko ay parang pinipiga dahil sa matinding paninibugho. As time passed by, lalo akong nanggigigil kay Lance. Ang dami kong naiisip na maaaring ginagawa nila ni Wenna. Hanggang sa dumating na ang mister ko. Kung kanina ay ready na ako to scold him, ngayon ay parang naputol ang dila ko. Na-blangko kasi ang utak ko kaya walang kahit na ano ang lumalabas sa bibig ko. Bigla akong naduwag na komprontahin siya. "Hi, hon. Oh, why did you not eat your breakfast?" tanong niya. Naks! Ang lambing niya. Pa
ATASHIA Makalipas ang tatlong taon, naghahanda ako sa isa na namang okasyon. Birthday ng inaanak namin ni Lance at ang restaurant ko ang magse-serve ng pagkain doon. Excited na ako para sa okasyon na iyon lalo na at matagal kong hindi nakita si Loida. "Wenna, tapos na ba tayo? Gemma okay na ba lahat?" tanong ko sa dalawa. "Okay na po, 'Wag na pong ma-pressure," sagot naman sa akin ni Gemma na ngayon ay nakakalakad na. "Naku, sobrang praning na praning na naman si Atashia," wika ni Wenna. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na para makapag-prepare ka na rin. Aba, hindi ka pwedeng pumunta roon na haggard na haggard ka." "Kung sabagay, matagal ko rin na iniwan sa inyo ang restaurant at napatakbo ninyo ito ng maayos. Ano ba naman ang isang birthday party, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Easy," sabay na sagot ng dalawa. Nagkatawanan kaming tatlo. Pagkatapos kong ma-check ang ilan pang detalye, umuwi na rin ako kaagad. Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Lance. Kinansela niy
LANCEMy heart is beating so fast. Dalawang taong minamahal ko ang kritikal ngayon sa ospital. Kapwa sila sa dibdib ang tama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko sila na kapwa lumalaban para mabuhay. Tita Olivia. Parang napakahirap tawaging tita ang taong buong buhay ko ay tinawag kong mommy. Sa paglabas ng katotohanan, my heart is aching. I keep denying that everything I have heard is true. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sisihin si Daddy sa mga naganap. Sa ngayon ay nasa presinto rin siya dahil sa ginawa niyang pagbaril kay mommy, Tita Olivia pala. Hindi! Mas gusto ko siyang tawagin na Mommy Olivia. Samantala, iniimbestigahan ng mga pulis si Mark na kaagad nahuli pagkatapos niyang paputukan sa dibdib si Mommy Olivia. Dumating din sa hospital ang mga Regalado. Matindi ang takot na nararamdaman ko. Wala akong masabi sa kanila kung hindi ang pasensya. "It's not your fault. Matapang ang kapatid ko kaya sigurado akong lalaban siya para sa inyo ni C
OLIVIAI am so mad. Nakatakas silang lahat at wala akong nagawa. Wala kasing silbi ang mga tauhan ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako isang madaling-araw na nagkakagulo na ang mga tauhan ko. Wala na ang mga bihag namin. Gosh, I am so irritated. I make paypay to myself kasi sobra akong nababanas. Lahat kasi ay nawala na sa akin; my husband, my son, everything. And it is because of Atashia. Para siyang leech na hindi maalis-alis sa sistema ko. I'm so galit na talaga. Habang naghahanap kami sa mga nakatakas na bihag, biglang dumating ang napakaraming alagad ng batas. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa kanila o tumawag sa kanila, ngunit naiinis ako dahil pakialamero sila. I want to welcome them naman. Unfortunately, hindi pagtanggap sa isang simpleng bisita lang ang gagawin ko sa kanila, kung hindi with a blast na. That's awesome, right? Dahil nilulusob na kami ng mga alagad ng batas, we decided na pumunta na muna sa kakahuyan. Instead na ako
ATASHIAParang donya na pumasok si Ma'am Olivia sa silid na kinaroroonan namin ni Misis Friol. Agad kong itinago sa aking likuran ang basa pa rin na mga kamay ko. Iniiwasan ko kasi na magtanong siya ng kung anu-ano dahil hindi pa naman ako sanay magsinungaling. “Have you seen Belle?" tanong ni Ma'am Olivia sa aming dalawa ng kasama ko. Nangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang nerbyos. "We are not lost and found section,” biglang sagot ni Mrs. Friol. "You are so taray, huh?" Palaban na sabi ni Ma'am Olivia sa ginang na kasama ko.Hinawakan ko ang kamay ni Misis Friol para patahimikin siya. Iyon lang kasi ang paraan para mapigilan si Ma'am Olivia sa pwede niyang gawin. Hanggang sa lumabas nga siya ng silid namin. Saktong pagpasok naman ni Liza hindi sa galing sa ibang direksyon. *Bakit nandito ka?" tanong ko kay Liza. "Magmadali kayo. Tatakas na tayo," sagot ni Liza. "Agad-agad? Ngayon na?" tanong ko para makasigurado. “Bakit biglaan?”"Oo. Inutusan ako ni Sir Lance na puntahan
ATASHIAPanay ang iyak ko habang inaasikaso ko si Mrs. Friol. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siyang kailangan naming makaalis ng La Aurora at dapat pareho kaming buhay kapag nangyari iyon. Nilinis ko ang mga sugat niya sa katawan. Pinakain ko rin siya ng iniwang pagkain ng mga tauhan ni Ma’am Olivia. Dahil puno ng pagkain ang lamesa sa silid ko, marami siyang pagpipilian. Isang rason kung bakit hindi iyon nagagalaw ay dahil natatakot ako na baka matulad ako kay Lance. Kung may kemikal man na nilagay doon ang mga tauhan ni Ma’am Olivia, malalaman ko sa pamamagitan ni Mrs. Friol.Habang nakahiga siya sa kama na hinihigaan ko, unti-unti ko siyang tinatanong tungkol kay Belle. “We adopted her from a children foundation na tinutulungan namin dati ng aking asawa,” kwento ni Mrs. Friol. “We have no idea who her parents were. Why are you asking me these questions now?” “May nagsabi po kasi sa akin na ang tunay na ina ni Belle ay si Ma'am Olivia,” saad ko.Kahit labis ang panghihina ay p
ATASHIA Kinabukasan, parang bomba na ibinandera ni Belle sa harapan ko ang mga larawan nila ni Lance. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga nakita ko. The bed is familiar. Kahit ilang beses lang akong natulog doon ay kabisado ko ang silid kung saan kinuha ang mga litrato. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko isa-isa ang mga larawan. Nangingilid din ang luha sa aking mga mata. "Hindi totoo ito," usal ko. Ngumiti si Belle na para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. Kitang-kita ko rin ang pagtaas ng kanyang kilay habang parang awang-awa siya sa akin. "Don't be so stupid. Atashia, nasa harapan mo na ang katotohanan. Kakampi talaga namin si Lance. Pinaiikot ka lang ng nobyo ko. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay alam niya. Nandito siya sa La Aurora hindi para iligtas ka kung hindi para tulungan kami na patayin ka. Hindi ako kasing sama nila ng mommy niya. Although karelasyon ko ang asawa mo, napipilitan lang talaga akong gawin ang mali dahil hawak
LANCE"Welcome home, Lance!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa muli naming pagkikita ni Mommy. Tuwang-tuwa na niyakap niya ako at hinalikan sa aking pisngi subalit hindi ko maramdaman ang pananabik sa isang ina. My heart was full of anger. All I wanted was to punch her, but I know I shouldn't do that. I should retain my respect to my mother despite all the pain she brought in the family. "Alisin mo na ang baril na nakatutok sa anak ko. Duh, if you make him patay, I'm gonna kill you also," banta ni Mommy sa lalaking nasa likuran ko. "Marami ka na palang mga tauhan, mommy." Hindi naiwasan na bulalas ko."Yeah, I need them. You know naman na hindi ko gustong matalo sa kahit na anong kompetisyon, lalo na kung ang makakalaban ko ay ang pamilya ng asawa mo at lalong-lalo na ang asawa mo. I hate them. Kahit si Matty ay ‘di ko na crush. Kinamumuhian ko na siya, Lance." Iginala ko ang aking paningin sa buong living room ng mansion ng aking lolo at lola. Napakatahimik talaga at
LANCENabalitaan kong tumawag ang kidnaper ni Atashia sa biyanan ko. I thought it was mom pero boses matandang lalaki raw ang nakausap ni Sir Matty. The police were trying to locate the location of the caller but according to Jaspher, hindi nila nakuha iyon. Maraming tao na ang tinawagan ko para lang malaman kung nasaan ang asawa ko, pero puro negative ang result. Nawawalan na ako ng pag-asa lalo pa at halos isang linggo nang nawawala si Atahsia. Mabuti na lamang at laging pinapaalala sa akin ni Daddy na ako ang lakas ng anak ko. Charlene was crying all night. She's waiting for her mom. Dahil sa mansion ng mga Regalado pa rin ako nakatira kaya kahit paano ay natutulungan ako ni Jaspher magpatahan sa aking anak. Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang kalansay na natagpuan sa basement ng aming mansion. Even Dad could not identify the corpse. Naging isang malaking palaisipan iyon sa aming pamilya. Nang tinanong din kasi ang aming mga kamag-anak, wala
OLIVIA I make kulong si Atashia sa isang silid kung saan hindi siya pwedeng lumabas. When I visited her sa kinaroroonan niya, tuwang-tuwa ako sa nakita ko. She's so pathetic. Although hindi siya umiiyak, alam kong takot na takot siya. Habang tinitingnan ko siya, tuwang-tuwa ako. At last, nagawa ko rin makuha ang babaeng naging reason why my unico hijo distanced himself to me. Gosh, kapag naiisip ko ang mga nangyari ay parang gusto ko na siyang patayin ora mismo. "Tita, bakit hindi natin siya pahirapan habang nasa atin siya? Makaganti man lang tayo sa mga kasalanan niya sa atin," Belle suggested. Nagliwanag ang mukha ko. Bakit nga ba hindi, di ba? Habang nakataas ang kilay ko ay pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang magandang gawin para mahirapan si Atashia. "Ma'am, saka n'yo na pahirapan ang babaeng iyan 'pag nasa atin na ang pera," sabad ni Rey— isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Tama si Rey," segunda ni Mark. "Kapag nalaman ng mga Regalado na sinaktan n'yo siya, bak