ATASHIA Lapu-Lapu, Magellan, Heneral Luna…Lahat na yata ng magigiting na taong nakilala ko sa history ay naisip ko habang ipinagtatanggol ako ni Lance laban kay Gemma. Pero hindi ko mapigilan ang mapabungisngis ng maalala ko si Gagamboy. Panay kasi ang kumpas ni Lance habang inuutusan niya ang mga guards na huwag na huwag palalapitin sa akin si Gemma. Para siyang ang pinoy hero na napanood ko. "Iyong asawa mo, may plus three sa akin," bulong ni Loida. "Grabe pala siyang magalit. First time kong nakita siyang gan'yan. Sa restaurant kasi, kahit nagkakamali kami ay hindi naman siya nagagalit. Ikaw lang pala ang may kakayahan na palabasin ang demonyo sa katawan niya.""Tumigil ka nga. Ang daldal mo," bulong ko kay Loida. Bahagyang lumayo sa akin ang kaibigan ko nang makita niyang lumalakad si Lance palapit sa 'kin."Are you hurt?" tanong ni Lance sa akin sabay tingin n'ya sa pisngi kong dinapuan ng palad ni Gemma. "Nakakainis ka. Hindi mo man lang ako hinayaan na gumanti," sagot ko.
LANCEAtashia's mother slapped me across the face, not once or twice. I couldn't even remember how many there were. I stood like a tree trunk protecting my wife. I accepted all the insults and remained silent. I am not a saint, but I did everything I could to avoid further conflict. She is, after all, my wife's parent. I must respect her despite her bad attitude."Nanay, tama na." My wife begged her mother. She was terrified and trembling. "Lance, okay ka lang ba?" I nodded kahit nahihilo na ako dahil sa mga sampal na tinamo ko. It was my first time being beaten. I, Lance Henzon, was always treated like a prince. But for my wife, I am willing to be a sacrificial lamb. "Sino ba iyang lalaking iyan, ha? Bakit kung makasigaw para patigilin ako ay akala mo kung sinong anak ng hari?" My mother-in-law asked Atashia. "He is the son of Congressman Henzon, ma'am," singit ng abogado ko. "Pwede ba, huwag kang pa-Inglis-Inglis? Pinoy tayo, Pinoy!" Atashia's mother emphasized. "Sir, would yo
ATASHIABiglang nabura ang mga ngiti sa labi nina Lance at Belle. Maging ang excited kong mukha ay napalitan ng lungkot. What the fuck! Maniniwala na sana akong mahal ako ni Lance pero nagsusumigaw ang katotohanan na isa lamang akong spare tire. I am the legal wife pero wala sa 'kin ang puso ng asawa ko. Ang pagtago niya sa akin ng mga ginagawa nila ni Belle ay isa lamang patunay na hindi ko pa nga lubos na kilala ang mister ko. “Atashia, ito ang kabayaran ng mga pangarap mo.” I told myself to boast my self-confidence. Dama ko kasing bibigay na ako dahil sa matinding selos. Bigla akong tumayo sa kinauupuan ko. Nasa office ako at inutusan ko si Loida na dalhan ng hygiene supplies ang asawa ko dahil sabi niya noong nasa condo kami ay paubos na raw ang stocks n’ya sa office. It was supposedly a surprise for him kaya nga binilinan ko si Loida na i-video call ako kapag nasa restaurant na siya para makita ko ang reaction ni Lance. Hindi ko akalain na ako pala ang masu-surprise. “Huwag ka
ATASHIALumipas ang tatlong buwan, natatawa na lang ako sa tuwing naaalala ko ang incident sa grocery store. Buong akala ko kasi noon ay giyera ang haharapin ko, iyon pala ay mamimili lang si Ma'am Olivia kasama ang isang batalyon n'yang mga alalay. Hanggang ngayon ay isa siya sa mga regular customers namin. Subalit madalas ay nagpapa-home delivery na lamang siya kaya hindi kami nagkikita. Marahil nakalimutan niya na rin kung sino ako at wala na rin siyang pakialam sa akin. Sa tuwing o-order sila ng mga kailangan nila sa mansion ay si Loida ang nakakausap ng personal assistant niya kaya hanggang ngayon ay ligtas pa rin ang sikreto namin ni Lance. Ang asawa ko naman ay madalas pa rin akong biruin dahil sa paglalayas ko ng biglaan dahil sa sobrang kapraningan ko noong araw na pumunta siya sa penthouse niya. Muntik pa silang mag-ina na magpang-abot noong sinundo ako ni Lance sa grocery store. Mabuti na lang talaga at very attentive si Loida. Agad niyang tinawagan ang mister ko bago p
ATASHIA Lance and I talked about our problems. Ngunit bigla na namang lumabas ang pagiging protective niya. Galit na galit siya habang pinagsasabihan niya ako sa ilang araw na paglilihim ko sa kan'ya ng problema ko. "Do you want me to handle your mom? I'm fed up with her. She's so annoying. Kung hindi lang talaga siya ang nanay mo, matagal ko na siyang binigyan ng lesson. She's unreasonable," litanya ni Lance. "Gusto kong matigil si nanay sa mga gawain niya pero ayaw ko rin namang masaktan siya," paliwanag ko kay Lance. Idiniin ko kay Lance ang bagay na iyon. "Mahal ko kasi si nanay sa kabila ng mga ginagawa niya sa akin." "Okay. You go to school tomorrow, and let me handle your situation, hon." Niyakap ako ni Lance mula sa likuran. He assured me na everything will be alright dahil kakausapin niya ang Dean ng school. "Sigurado ka ba? Paano kung hindi siya maniwala sa mga sasabihin mo?" nag-aalala kong tanong. "Saka ano ang sasabihin mo sa kan'ya? Baka lalo niya lang akong pag-
ATASHIAHalos magkapasa ang balat ni Lance dahil sa mga hampas ko. Buong akala ko kasi ay kung saan na niya ako dadalhin dahil may hindi magandang nangyari. Iyon pala ay pinakaba lang ako ng aking asawa para sa isang sorpresa. Sorpresa na talaga namang naging dahilan para mas mahalin ko pa ang aking asawa."You are overthinking, hon. I can't believe na magiging madali lang ang pagtangay ko sa iyo. Hindi kasi ikaw ang tipo ng tao na hindi nag-iisip muna bago kumilos," Lance told me. Oo nga naman. Ano ba ang nangyayari sa akin? Tila yata nasosobrahan na ako ng kape. I almost got a heart attack nang akala ko ay kailangan namin ni Lance na tumakas. Gosh, kasalanan talaga ito ng malikot kong utak. Napatingin ako sa paligid ng resort na pinagdalhan sa akin ni Lance. Cozy iyon kaya naman hindi ko na nagawa pa ang makipagtalo sa mister ko kahit hindi ko nagustuhan ang pananakot niya sa akin. Semi-private ang lugar kaya marami akong time para mag-relax at damhin ang kapayapaan ng nature. The
ATASHIA Dahil sa kakulitan ni nanay, pumayag ako sa gusto niya. Well, akala niya lang iyon. Ang totoo ay wala akong plano na makialam sa mga kalokohan niya sa buhay. Excited naman niyang ibinigay ang picture ng sinabi niyang Jaspher Regalado. Shit! Totoo nga! Ang nakilala kong Jaspher, ang lalaking kaaway ni Lance ay ang ipinapatrabaho sa akin ni nanay. Feeling yata ng aking ina ay isa akong investigator. Nakakawalang gana talaga siya pero mahal ko siya. “Hon, why do you have Jaspher’s photos?” Hindi tanong iyon kundi paninita. Nakatitig ng masama sa akin si Lance at naghihintay siya ng sagot ko.Bigla ko tuloy nabitawan ang mga pictures na bigay ni nanay at mabilis na tumayo ako mula sa upuan. Pinagsalikop ko ang aking mga kamay dahil nati-tense ako. “Bigay ni nanay,” pag-amin ko. “Bakit ka binigyan niyan ng nanay mo?” "Kailangan ko kasing kilalanin ang taong ito dahil kapag hindi ko ginawa ay kakausapin ni nanay ang mga magulang mo. Customer niya si Jaspher at mukhang nagustuha
ATASHIA"Darn it, hon! Why did you ruin our day?" reklamo ni Lance. Pigil na pigil akong patulan siya. Ayaw ko lang ng gulo kaya hinila ko na siya palabas ng mall. Hindi ko gustong madungisan ang maganda niyang pangalan dahil lang sa kabit ng kaniyang ina. Habang pauwi kami ay hindi kami nag-iimikan. Ang masayang gala ay nauwi lang sa away na kapwa namin hindi ginusto. I want to tell him kung ano talaga ang reason ko sa action na ginawa ko pero baka lalong umusok lang ang ilong niya. Bago matulog ay lumapit siya sa akin. Expected ko na iyon kasi hindi kami natutulog na magkaaway. Madalas niyang sabihin sa akin na kahit gaano pa katindi ang away namin, bago kami matulog dapat ay tapusin na namin iyon.Habang nakahiga kami ay pasimple pa rin niya akong tinanong kung bakit ko nagawang sirain ang dapat sana ay masayang shopping experience niya. Hindi na ako nagsinungaling pa. Sinabi ko sa kan'ya ang pagkikita namin ng kabit ng kaniyang ina. "Have you seen mommy there?" tanong niya sa
ATASHIA Makalipas ang tatlong taon, naghahanda ako sa isa na namang okasyon. Birthday ng inaanak namin ni Lance at ang restaurant ko ang magse-serve ng pagkain doon. Excited na ako para sa okasyon na iyon lalo na at matagal kong hindi nakita si Loida. "Wenna, tapos na ba tayo? Gemma okay na ba lahat?" tanong ko sa dalawa. "Okay na po, 'Wag na pong ma-pressure," sagot naman sa akin ni Gemma na ngayon ay nakakalakad na. "Naku, sobrang praning na praning na naman si Atashia," wika ni Wenna. "Kami na ang bahala rito. Umuwi ka na para makapag-prepare ka na rin. Aba, hindi ka pwedeng pumunta roon na haggard na haggard ka." "Kung sabagay, matagal ko rin na iniwan sa inyo ang restaurant at napatakbo ninyo ito ng maayos. Ano ba naman ang isang birthday party, 'di ba?" tanong ko sa kanila. "Easy," sabay na sagot ng dalawa. Nagkatawanan kaming tatlo. Pagkatapos kong ma-check ang ilan pang detalye, umuwi na rin ako kaagad. Sa bahay ay naabutan kong nanonood ng TV si Lance. Kinansela niy
LANCEMy heart is beating so fast. Dalawang taong minamahal ko ang kritikal ngayon sa ospital. Kapwa sila sa dibdib ang tama. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko habang pinapanood ko sila na kapwa lumalaban para mabuhay. Tita Olivia. Parang napakahirap tawaging tita ang taong buong buhay ko ay tinawag kong mommy. Sa paglabas ng katotohanan, my heart is aching. I keep denying that everything I have heard is true. Hindi ko alam kung dapat ko rin bang sisihin si Daddy sa mga naganap. Sa ngayon ay nasa presinto rin siya dahil sa ginawa niyang pagbaril kay mommy, Tita Olivia pala. Hindi! Mas gusto ko siyang tawagin na Mommy Olivia. Samantala, iniimbestigahan ng mga pulis si Mark na kaagad nahuli pagkatapos niyang paputukan sa dibdib si Mommy Olivia. Dumating din sa hospital ang mga Regalado. Matindi ang takot na nararamdaman ko. Wala akong masabi sa kanila kung hindi ang pasensya. "It's not your fault. Matapang ang kapatid ko kaya sigurado akong lalaban siya para sa inyo ni C
OLIVIAI am so mad. Nakatakas silang lahat at wala akong nagawa. Wala kasing silbi ang mga tauhan ko. Wala talaga akong ideya kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako isang madaling-araw na nagkakagulo na ang mga tauhan ko. Wala na ang mga bihag namin. Gosh, I am so irritated. I make paypay to myself kasi sobra akong nababanas. Lahat kasi ay nawala na sa akin; my husband, my son, everything. And it is because of Atashia. Para siyang leech na hindi maalis-alis sa sistema ko. I'm so galit na talaga. Habang naghahanap kami sa mga nakatakas na bihag, biglang dumating ang napakaraming alagad ng batas. Hindi ko alam kung sino ang nagsumbong sa kanila o tumawag sa kanila, ngunit naiinis ako dahil pakialamero sila. I want to welcome them naman. Unfortunately, hindi pagtanggap sa isang simpleng bisita lang ang gagawin ko sa kanila, kung hindi with a blast na. That's awesome, right? Dahil nilulusob na kami ng mga alagad ng batas, we decided na pumunta na muna sa kakahuyan. Instead na ako
ATASHIAParang donya na pumasok si Ma'am Olivia sa silid na kinaroroonan namin ni Misis Friol. Agad kong itinago sa aking likuran ang basa pa rin na mga kamay ko. Iniiwasan ko kasi na magtanong siya ng kung anu-ano dahil hindi pa naman ako sanay magsinungaling. “Have you seen Belle?" tanong ni Ma'am Olivia sa aming dalawa ng kasama ko. Nangatal ang mga labi ko dahil sa sobrang nerbyos. "We are not lost and found section,” biglang sagot ni Mrs. Friol. "You are so taray, huh?" Palaban na sabi ni Ma'am Olivia sa ginang na kasama ko.Hinawakan ko ang kamay ni Misis Friol para patahimikin siya. Iyon lang kasi ang paraan para mapigilan si Ma'am Olivia sa pwede niyang gawin. Hanggang sa lumabas nga siya ng silid namin. Saktong pagpasok naman ni Liza hindi sa galing sa ibang direksyon. *Bakit nandito ka?" tanong ko kay Liza. "Magmadali kayo. Tatakas na tayo," sagot ni Liza. "Agad-agad? Ngayon na?" tanong ko para makasigurado. “Bakit biglaan?”"Oo. Inutusan ako ni Sir Lance na puntahan
ATASHIAPanay ang iyak ko habang inaasikaso ko si Mrs. Friol. Mabuti na lamang at nakumbinsi ko siyang kailangan naming makaalis ng La Aurora at dapat pareho kaming buhay kapag nangyari iyon. Nilinis ko ang mga sugat niya sa katawan. Pinakain ko rin siya ng iniwang pagkain ng mga tauhan ni Ma’am Olivia. Dahil puno ng pagkain ang lamesa sa silid ko, marami siyang pagpipilian. Isang rason kung bakit hindi iyon nagagalaw ay dahil natatakot ako na baka matulad ako kay Lance. Kung may kemikal man na nilagay doon ang mga tauhan ni Ma’am Olivia, malalaman ko sa pamamagitan ni Mrs. Friol.Habang nakahiga siya sa kama na hinihigaan ko, unti-unti ko siyang tinatanong tungkol kay Belle. “We adopted her from a children foundation na tinutulungan namin dati ng aking asawa,” kwento ni Mrs. Friol. “We have no idea who her parents were. Why are you asking me these questions now?” “May nagsabi po kasi sa akin na ang tunay na ina ni Belle ay si Ma'am Olivia,” saad ko.Kahit labis ang panghihina ay p
ATASHIA Kinabukasan, parang bomba na ibinandera ni Belle sa harapan ko ang mga larawan nila ni Lance. Parang sasabog ang dibdib ko sa mga nakita ko. The bed is familiar. Kahit ilang beses lang akong natulog doon ay kabisado ko ang silid kung saan kinuha ang mga litrato. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nanginginig ang mga kamay na dinampot ko isa-isa ang mga larawan. Nangingilid din ang luha sa aking mga mata. "Hindi totoo ito," usal ko. Ngumiti si Belle na para bang tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko. Kitang-kita ko rin ang pagtaas ng kanyang kilay habang parang awang-awa siya sa akin. "Don't be so stupid. Atashia, nasa harapan mo na ang katotohanan. Kakampi talaga namin si Lance. Pinaiikot ka lang ng nobyo ko. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay alam niya. Nandito siya sa La Aurora hindi para iligtas ka kung hindi para tulungan kami na patayin ka. Hindi ako kasing sama nila ng mommy niya. Although karelasyon ko ang asawa mo, napipilitan lang talaga akong gawin ang mali dahil hawak
LANCE"Welcome home, Lance!" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa muli naming pagkikita ni Mommy. Tuwang-tuwa na niyakap niya ako at hinalikan sa aking pisngi subalit hindi ko maramdaman ang pananabik sa isang ina. My heart was full of anger. All I wanted was to punch her, but I know I shouldn't do that. I should retain my respect to my mother despite all the pain she brought in the family. "Alisin mo na ang baril na nakatutok sa anak ko. Duh, if you make him patay, I'm gonna kill you also," banta ni Mommy sa lalaking nasa likuran ko. "Marami ka na palang mga tauhan, mommy." Hindi naiwasan na bulalas ko."Yeah, I need them. You know naman na hindi ko gustong matalo sa kahit na anong kompetisyon, lalo na kung ang makakalaban ko ay ang pamilya ng asawa mo at lalong-lalo na ang asawa mo. I hate them. Kahit si Matty ay ‘di ko na crush. Kinamumuhian ko na siya, Lance." Iginala ko ang aking paningin sa buong living room ng mansion ng aking lolo at lola. Napakatahimik talaga at
LANCENabalitaan kong tumawag ang kidnaper ni Atashia sa biyanan ko. I thought it was mom pero boses matandang lalaki raw ang nakausap ni Sir Matty. The police were trying to locate the location of the caller but according to Jaspher, hindi nila nakuha iyon. Maraming tao na ang tinawagan ko para lang malaman kung nasaan ang asawa ko, pero puro negative ang result. Nawawalan na ako ng pag-asa lalo pa at halos isang linggo nang nawawala si Atahsia. Mabuti na lamang at laging pinapaalala sa akin ni Daddy na ako ang lakas ng anak ko. Charlene was crying all night. She's waiting for her mom. Dahil sa mansion ng mga Regalado pa rin ako nakatira kaya kahit paano ay natutulungan ako ni Jaspher magpatahan sa aking anak. Sa kabilang banda, hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy kung sino ang kalansay na natagpuan sa basement ng aming mansion. Even Dad could not identify the corpse. Naging isang malaking palaisipan iyon sa aming pamilya. Nang tinanong din kasi ang aming mga kamag-anak, wala
OLIVIA I make kulong si Atashia sa isang silid kung saan hindi siya pwedeng lumabas. When I visited her sa kinaroroonan niya, tuwang-tuwa ako sa nakita ko. She's so pathetic. Although hindi siya umiiyak, alam kong takot na takot siya. Habang tinitingnan ko siya, tuwang-tuwa ako. At last, nagawa ko rin makuha ang babaeng naging reason why my unico hijo distanced himself to me. Gosh, kapag naiisip ko ang mga nangyari ay parang gusto ko na siyang patayin ora mismo. "Tita, bakit hindi natin siya pahirapan habang nasa atin siya? Makaganti man lang tayo sa mga kasalanan niya sa atin," Belle suggested. Nagliwanag ang mukha ko. Bakit nga ba hindi, di ba? Habang nakataas ang kilay ko ay pinag-iisipan kong mabuti kung ano ang magandang gawin para mahirapan si Atashia. "Ma'am, saka n'yo na pahirapan ang babaeng iyan 'pag nasa atin na ang pera," sabad ni Rey— isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Tama si Rey," segunda ni Mark. "Kapag nalaman ng mga Regalado na sinaktan n'yo siya, bak