Thank you so much po for reading!
Hindi ko agad sinagot ang tawag pero naisip ko na kung iiwasan ko ng iiwasan si Lander lalo na ngayon ay mas maiisip niya na naniwala ako sa nakita kong larawan kahit pa umiiwas na ako sa kaniya dahil sa pagkakamali na ginawa ko.He's now receiving the negative opinions from others when in fact, sa relasyon namin, ako ang unang tumalikod dahil nagkagusto ako sa iba. Ako ang unang nagkasala."Hello..." pagkasagot ko at pagkatapat ng cellphone sa tainga ko ay humugot ako ng malalim na paghinga."Ara, do you... believe me?"Iyon agad ang unang tanong niya sa akin na sigurado akong tungkol sa larawan niya at ng estudyante niya na kumakalat. Pero, wala naman doon ang totoong problema naming dalawa, eh."Alam mo na malaki ang tiwala ko sa 'yo, Lander. Alam ko rin na hindi mo magagawa kung ano man ang hindi magandang iniisip ng iba dahil lang sa picture na 'yon. Hindi kita ganoon na... nakilala."Kaya nga sobra akong nakonsensiya sa ginawa ko sa kaniya. I know he's a kind person, yet, I still
“Ara, okay ka lang ba?”I was deep in thought about what happened last night when Ariana called me. She’s my classmate."Oo. Okay lang ako," sagot ko naman sa kaniya.Narito na kami sa hall at nakikinig sa speaker. Second day sa job fairs and seminar. On the second thought, I wasn't listening. Hours had passed, and my mind felt like it was floating and I was unable to focus. I couldn’t understand anything. My thoughts were still tangled because of my encounter with Leonariz last night. hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya pagkatapos ng nangyari sa villa niya. And every time I remember him saying he wouldn’t bother me anymore, a sharp pain hits my chest.Nag-sorry rin siya, hindi lang isa. Humingi siya ng tawad sa lahat ng ginawa niya para sa akin.In that moment, I wanted so badly to explain to him that he misunderstood me. It wasn’t because I loved Lander so much that I defended him like that against my brother. I just didn’t want things to escalate because I knew Lander was inn
Inaasahan ko nang hindi sasama si Leonariz sa imbitasyon ni Lander na mag-lunch kasama namin dahil sa nangyari kagabi. And earlier, when I turned to look at him, he didn’t even glance at me, as if I wasn’t there. But I caught him looking down at my hand that Lander was holding.Sandaling-sandali lang 'yon pagkatapos ay nagpaalam na ito na aalis. Nakaramdam ako ng kirot, lalo pa nang hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin kahit isang segundo lang. But... after that, a lot of what ifs rushed through my mind.If Leonariz weren’t a playboy—a man who I know would only end up hurting me because he used to sleep with women and was vocal and real about what he wanted from me—I might have confessed my feelings. Hindi naman rin kasi ako sobrang tanga na basta na lang aamin ng nararamdaman ko pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan namin noong umpisa. I know what I like, and I know what I hate the most—and that’s him, his personality.But it's funny how I fell so hard for a man like hi
"I... don't know what to say, Ara..."I understand Reiz's reaction. Napangiti na lang rin ako ng tipid sa sagot niya pagkatapos ko ikwento sa kaniya ang lahat ng nangyari. Simula nang umaga na makita ako ni Leonariz sa daan at isabay nito hanggang sa pangatlong araw ko sa seminar na si Lander na ang nakasama ko."So, when Lander came, he was like he’s guarding you? Hindi ka inalisan ng tingin?"I nodded. Inabot ko ang mango smoothie ko at ininom 'yon. "Ipinaliwanag ko naman rin sa kaniya, Reiz. Pero, matigas ang desisyon niya na susubukan niya ulit. That he will court me again. But... h-he said that we should keep our breakup a secret."Napaikot ang mga mata niya sa sinabi ko.Narito ako ngayon sa pottery shop niya. It's been two days since I came back after the 3 days of job fairs and seminars. Pagkauwi ko ay ang dami kaagad itinanong sa akin ng Kuya Ariston dahil nga alam niya na nasa seminar rin si Leonariz. Ang inaasahan ko naman ay ang pagtatanong niya tungkol sa larawan ni Lande
That's what I felt too... Lander is indeed being selfish. He really doesn't want anyone to know that we already broke up. Even if I told him many times na hindi na namin maaayos ang relasyon namin, patuloy pa rin siya na nakikiusap. And because of my conscience, of what I did to him, hinahayaan ko siya. Pero tama rin ang sinabi ni Reiz kanina, na hindi pwedeng hindi ko ito sabihin sa dad at kay Kuya Ariston, at hindi rin pwede na maging sunod-sunuran ako sa mga gusto ni Lander dahil sa isip ko, ako ang unang nagkamali.Na malaki ang naging kasalanan ko."I just don't understand why Lander is acting like you two have been in a relationship for a year or more. Ayoko na mag-isip pa ng masama, Ara. But what he's doing right now is not right. Sana ay irespeto naman niya ang desisyon mo. Naging totoo ka naman, at agad-agad sinabi mo sa kaniya ang dahilan."That's what I hope too. Pero sa mga nangyayari, ramdam kong hindi rin basta titigil si Lander.I really need to tell Dad and be honest wi
It was hard for me to tell everything to Kuya Ariston. Sa lahat, sa kaniya ko gustong huling sabihin ang nararamdaman ko para kay Leonariz. He’s the last person on my mind, or the one I don’t want to know the truth. Pero sa naging pag-uusap namin kanina, naramdaman ko na hindi pala dapat, na pwede ko rin pala siyang sandalan at p-pwede akong maging totoo sa kaniya.I was afraid that he might judge me, that he would see me as a failure. But he didn’t. I never heard a single word of blame from him for what I did. Naging tahimik lang siya pagkatapos kong aminin ang lahat ng nangyari. He was silently caressing my back... c-comforting me. "Sigurado ka na sasama ka pa? Pwede naman na hindi. Ako na ang bahala na magpaliwanag kay dad."Napangiti ako sa kuya. Kabababa ko lang at narito na siya sa sala, naghihintay sa akin. Tuloy pa rin ang dinner kasama si Lander, at ilang beses niya akong tinanong tungkol dito kanina pa lang, noong hindi pa ako umaakyat para ayusin ang sarili ko. He’s worrie
"Everyone is nice to me, kuya. May mga nakakausap ako at kaclose naman sa university kahit ang ibang year. H-Hindi lang talaga ako nagkaroon ng mga kaibigan na palagi kong nakakasama." Nang tumigil kami dahil nag-red ang traffic light ay napatingin siya sa akin. He smiled at me and tapped my head three times. Pagkatapos ay ibinalik ang mga kamay sa manibela. "Naparanoid lang rin siguro ako lalo at kapag nasa bahay ka ay nagkukulong ka lang sa kwarto mo. Tumutugtog ng piano. Dad told me before that you play when you're sad. Doon ako nagsimulang mag-isip na baka nga dahil wala kang mga kaibigan na madalas kasama, ni hindi ka rin lumalabas kapag weekend. Tapos after class, bahay ka na agad. Kaya nang maipakilala ko si Reiz, it made me happy that you two are getting along with each other. Naging malapit kaagad kayo sa isa't-isa." Napayuko ako at nakaramdam ng kirot sa puso ko. Kahit noon pala... ako palagi ang iniisip ng kuya. "Don't cry, Ara. Iiyak ka na naman ata. Baka isipin ni dad
Habang kinakalma ko ang sarili ko ay napabalik rin ang tingin ko kay Kuya Ariston nang hawakan niya ako sa balikat."Nagbago na isip mo? Ano? Iuuwi na kita?" tanong niya, ,may halong biro na ikinangiti ko at iniling ko."Tara na," sagot ko sa kuya at ako na ang naunang bumaba ng kotse. After getting out of the car, that’s when the gate opened and I saw Lander smiling.Napalabi ako at seryosong tinignan siya. He didn’t message me, as if he knew I would really come. Na siguradong-sigurado siyang pupunta ako. Alam niya, eh. Si dad ba naman ang inimbita at sumang-ayon na makararating ako.Nang lumapit siya sa akin at makuha kong hahalik siya sa noo ko ay nilingon ko kaagad si Kuya Ariston na nakaikot na at nakalapit sa amin. "Na-late kami, pasensiya na," sagot ng kuya na ikinatigil rin ni Lander sa paglapit sa akin lalo pa at pumagitna ang Kuya Ariston. Tahimik naman ako na nagpasalamat, pero may pangamba rin sa maaaring mangyari kung maubos ang pasensiya ng kuya.I swallow hard when Lan
Teka nga! Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin!“Basta, hindi ka pwedeng sumama bukas sa outreach. Balik tayo sa sinasabi ko,” pagtukoy ko sa birthday ni Lander, bago ako magsalita ulit ay napigilan ko pa na mapangiti ako dahil inilayo sandali ni Leonariz ang tingin, kumibot ang mga labi niya dahil sa pag-ayaw ko sa kagustuhan niya na sumama.“Let’s talk to your brother after his celebration. Please? Ayokong masira ang magiging masayang araw niya.”And he was fast to look back at me, parang hindi pa makapaniwala sa narinig, ‘yon ang nakikita kong reaksyon sa mukha niya.“You… are still thinking about his happiness…” he said, and it was obvious he sounded so jealous! His reaction said it all!“Leonariz.”Huminga ako ng malalim at napahimas pa ako sa noo ko.“When Lander and I talked earlier, all he asked for was for me to attend his birthday. At nagdesisyon ako na pumunta. I wanted to give him that for the last time, and yes, I’m still thinking about his happiness. Kapatid mo pa r
Leonariz and I both apologize for what happened. Hindi na rin naman namin maibabalik pa ang dati. Sa ngayon, ang kailangan talaga namin ay harapin ang mga taong nasaktan namin.Thinking about Lander, I know this will hurt him even more, so I’m preparing myself for the moment when we face him together.And as for his birthday celebration a few days ago…I plan to attend–for the last time, I will give him what he wants. Hindi ko rin kasi siya nabati sa mismong kaarawan niya, which he didn’t mention when we talked.My mind was messed up pero ‘yon rin kasi ang mga araw na iniiwasan ko na siyang kausapin pa.Pero sasandali lang ako sa birthday niya, pagkatapos ay uuwi na rin agad. Saka palilipasin ko muna ang selebrasyon bago namin siya kausapin ni Leonariz.“What are you thinking?”I stepped away from Leonariz a little. Then, I tapped his shoulder and looked down. I guess he understood what I wanted, because he placed his hands on my waist and carefully put me down.When my feet touched t
“You two broke up already… that time?”Tumango ako, pinalis rin niya ang luha na nahulog sa magkabilang pisngi ko. Nang hindi siya nakuntento ay hinalikan niya pa ang mga ‘yon.“Hindi niya agad-agad tinanggap ang pakikipaghiwalay ko. Sumunod rin siya non sa La Union kahit na may usapan na kaming mag-uusap ulit pagbalik ko. And, when he arrived, I didn’t have the courage to correct him in front of you that we’re no longer together because in my mind, I caused him pain. I should let him take his time, or d-do what he wants. Sinisisi ko palagi ang sarili ko na nasaktan ko siya. Ayoko rin noon na mapahiya pa si Lander and if ever we could keep the broke up a secret, ‘yon ang mas ginusto ko non.”“I-I was so mad at myself back then, I rushed things too much, and ended up hurting someone. So even though I wanted to tell you at that time that Lander and I were done, I didn’t. B-Because I also wanted to forget about you, sabi ko sa sarili ko na tama na, na lalayuan ko kayong dalawa kahit m-ma
Leonariz was just staring at me, as if he couldn’t process what I had just told him. I knew he understood, especially with how many times I caught him swallowing hard, his eyes unblinking as he stared at me. Nababasa ko ngayon sa mukha niya na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko, ganoon ang nakikita ko lalo pa at imbis na lumuwag ay mas humigpit ang kapit niya sa akin, mas dumiin.“You… are… saying yes to m-me?”Ikinangiti ko ang bagal ng pagsasalita niya tapos talagang nautal pa siya sa dulo!Nang tumango ako ay nailayo niya ang tingin at napapikit siya ng mariin, pero hindi lang ‘yon, mariin na mariin ang pagkagat niya sa pang-ibabang labi.“Fck. Really? B-But, I haven’t even started yet courting you.”“Ayaw mo?” mabilis kong sagot, pero ganoon rin ang bilis ng pag-iling niya, as if he was afraid, I might change my mind.Katulad ng sinabi ko kanina, wala na rin namang saysay ang gusto ko sanang panliligaw niya dahil pareho na rin naman kami ng nararamdaman. It's funny ho
Nang mailagay na namin sa dining area ang mga pagkain na dinala niya ay bumalik kaming pareho sa kusina dahil naisipan ko na magtimpla ng juice. Sabi ko nga ay ako na lang pero para siyang buntot ko talaga. Cute pa rin! Pagkahalo ko ng juice sa isang baso ay inilagay ko na ‘yon sa pitcher. Nagsalin rin ako ng kaunti sa isa pang baso para malaman ko kung okay na ba ang lasa. When I tasted it, I nodded because of the right blend. Okay na ‘yong tamis at asim. “Okay na ‘to,” sabi ko sabay balin kay Leonariz, pero nang maisipan ko rin na ipatikim ay iniumang ko sa kaniya ang baso. Kinuha naman niya ‘yon at ininom rin. “How was it?” I asked after he placed the glass beside him. He even licked his lips. “A bit bland,” he looked at the glass, his eyes even narrowed to it. Huh? Napakunot tuloy ang noo ko at nagsalin ulit ako sa baso para tikman. “Sa akin, okay naman?” sagot ko, medyo nagtataka. I took another sip. “Hmm... Oh, it’s good.” Nang inilapat ni Leonariz ang kamay sa lamesa ay
Napapailing na lang ako habang nasa loob ako ng kwarto ko. Sinabihan ko muna si Leonariz na aakyat ako para kumuha ng damit na maisusuot niya, dahil nga itinapon niya sa basurahan ‘yong suot niya.Naisip ko sanang manghiram kay Kuya Ariston, pero baka nag-uusap sila ni Reiz ngayon, kaya nagdesisyon na lang ako na damit ko na mismo ang ipahiram.“Ang lakas rin talaga ng tama niya, eh.”Just because I told him I liked his natural scent more, he went and removed his shirt. Kinabahan talaga ako—what if mahuli kami nila Kuya o ni Reizzan tapos nakahubad siya? Syempre, ano na lang ang iisipin nila? Gosh! At dito pa sa bahay namin nila kami makikita, tapos nasa ganong sitwasyon kami ni Leonariz.Baka rin kung ano ang gawin ng kuya kay Leonariz at isipin na nagte-take advantage ito sa binigyan kong chance.“Buti na lang rin at may mga oversized shirt ako dito. Siguradong kasyang-kasya lang sa kaniya.”Pagkakuha ko sa kulay maroon na shirt ay dali-dali rin akong lumabas ng silid ko. I even sme
Napapikit ako ng mariin. I pressed my lips together and then turned my gaze to Leonariz, who was now with his arms crossed, leaning against the wall while his eyes pierced through me.Ilang hakbang ang layo ko sa kaniya pero sa tingin ay para niya akong hinahatak mismo palapit."W-Why are you staring at me like that?" tanong ko.Gosh! Hindi ko pa naiwasan na hindi mautal! Ganoon ako kakabado? It's not like I'm doing something bad behind his back!"Like what, Arazella Fhatima?" and he answered my question with a question!"Na parang may... ginawa akong mali!" I hissed. At mula sa seryosong tingin niya at nanunuring mga mata ay bigla naman siyang napayuko at unti-unting napangiti."Of course, I wasn't thinking like that, baby."Napasinghap ako sa naging sagot niya, and how his voice softly let out those words, as if he was trying to make me believe him without saying anything more. Otomatiko na nag-init ang buong mukha ko at napahinga ako ng malalim."Don't... call me b-baby, Leonariz.
"H-Ha? No, hindi sa akin 'to."Ngayon, habang nakatingin ako kay Leonariz ay nakita ko na unti-unting nawala ang ngiti sa mga labi niya pagkasagot non ni Reiz sa kuya. Lalo na at sa gilid ng mga mata ko ay bumaling ang huli sa akin."Kay..."Doon ko naramdaman ang pagdaan ng malamig na pawis ko sa gilid ng ulo ko na kanina ay wala naman. Naikuyom ko rin ang isang kamay ko na parang nanlalamig na rin."Ara..."My heart was beating wildly! Iba yung kaba ko ngayon lalo na nang naningkit ang mga mata ni Leonariz sa bulaklak!"What? Kanino galing?" tanong ng kuya, kinuha niya ang bulaklak kay Reizzan, pero ganon na lang rin ang gulat ko nang hablutin 'yon ni Leonariz mula sa kaniya."L-Leo–" I was about to call him, pero bigla naman natabunan ang boses ko ng Kuya Ariston."Hoy! Tinitingnan ko pa!""Sino ang nagpadala?" tanong ni Leonariz, his jaw clenching while looking inside the bouquet, and when I noticed that he was probably looking for something to figure out who sent it, I immediatel
I sighed and leaned back in my chair. I also wiped my hands with a tissue after washing them, since I had just put the cupcakes back in the oven."Parang balak na naman niya akong kulitin. Ewan ko, ang hirap i-explain, eh. Mas lalo lang nagiging usapan ng ibang mga estudyante tungkol sa amin dahil ayaw niyang tumigil. All this time, I thought he hated being talked to, but he continues following me and telling other people that he plans to court me.""Baka kasi talagang tinamaan sa 'yo..."That's really hard to believe."Kung gusto niya talaga ako, Reiz, bakit niya ako sinubukan pahiyain sa harap ng mga tao noon sa job fair? Ghad, ang daming malalaking tao doon, not to mention na pina-hiya pa ako sa mga choir members at ibang estudyante ng university namin.""Hmm. May point ka naman. Pero infairness, hindi siya takot sa kuya mo, ha? Nakatanggap na ng suntok kay Ariston ay hindi pa rin tumitigil. Malay mo sa suntok ni Leonariz, magising 'yong si Kade?"Namilog naman ang mga mata ko sa s