Share

CHAPTER 11

Penulis: Nam Sae
last update Terakhir Diperbarui: 2021-11-25 08:19:18

Zoe Colette's POV

Naramdaman ko na lang ang pagalis nito sa aking ibabaw. Iminulat ko ang aking

mata. Bahagya na din akong natigil sa pagiyak. Naihilamos ang sariling palad sa aking mukha bago tumayo at umupo. Tiningnan ko ang aking hinalalaki at meron na itong kulay. Ibinaling ko ang tingin

sa kaniya nang ilagay niya ang papel doon sa brown envelope. 

"Babae, matalino ka pero hindi sapat para maisahan ako."

Na-trauma na ata ako sa ginawa ng lalaking 'to kaya gano’n na lang ang naging reaksyon ko sa ginawa niya sakin ngayon. Inabot niya ang hawak na envelope kay

Mixer. 

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto ng mansion. 

"Daddy, ano po iyong narinig namin sa labas kanina?" Tumayo si Atlas sa pagkakaupo para puntahan ang kanyang mga anak. Habang ako nakaupo pa rin at hindi sila nililingon. 

"Chico?" Rinig kong tawag ni Atlas sa bunsong anak. Naibaling ko ang tingin kay Kuya Chase ng umupo ito sa tabi ko. 

"Colette, ‘wag mo ng pahirapan ang iyong sarili sundin mo na lang ang

sinasabi ni Atlas." Seryosong wika nito sakin.

Ang galing din magsalita nitong si Kuya Chase hindi niya naman alam ang nangyayari sa’kin. 

Tsk! 

Dapat naging babae na lang siya para maramdaman niya

kung ano ang nararamdaman ko ngayon. 

"Mabait naman si Atlas, buksan mo lang ang puso mo at hayaan na kilalanin siya nito." Muling wika niya. "Malay mo ikaw pa ang magpabago sakaniya." Nakangiting wika ulit nito. 

Napabuntong hininga ako, "No one can change people."

"But someone can be a reason to change people." Kuya Chase. 

Muli akong napabuntong hininga, "Kuya Chase, kung ano man ang naging problema ni Devil at Kuya Haley, hindi dapat ako madamay do’n, kung meron

man silang pag-aaway ni Kuya Haley hindi dapat siya sa’kin gumanti." Naiiyak na wika ko kay Kuya Chase. "Hindi ako isang manika para hindi masaktan sa

ginagawa niya. Pinapaalala ko lang Kuya, tao ang kapatid mo at hindi isang manika." Pilit ko itong binigyan nang ngiti. Hindi naman na ito umimik pa sa

sinabi ko. 

"Mommy." Bigla na lang umakyat si Miles sa upuan. "Mommy, bakit ka po umiiyak?" Yayakapin niya dapat ako pero hindi niya naituloy ‘yon nang makitaniya ang pamamaga ng mata mo. Nginitian ko ito. 

"Napuwing lang ang mata ni Mommy." Pagsisinungaling ko. Lumapit ito sa’kin at gamit ang sariling damit pinunasan niya ang dalawa kong mata, napapikit ako dahil sa ginawa niya. Lumapit naman ako rito para hindi siya

mahirapan. Kung ganto lang ka-sweet at maalalahanin itong si Atlas madali akong maiinlove sa

kaniya kaso hindi e, kabaliktaran ‘yong nangyari mas naging sweet pa ang anak niya. Natawa na lang ako sa naisip. 

"Mommy, bakit ka po tumatawa?" Tinigil niya ang pagpupunas sa aking

mata. Napadilat ako at halata ang pagtataka nito sa kanyang mukha. 

"Kinilig lang si Mommy, sa ginagawa nang baby ko." Kinurot ko ito sa kanyang pisngi na siyang ikinatawa niya rin. Mas lalo akong natawa sa sunod na naisip. Sana ikaw na lang talaga si Atlas, mas

madali pa kasing alagaan ang batang demonyo kaysa sa matandang demonyo. 

Naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa aking likuran na siyang ikinagulat ko. Isiniksik niya ang mukha sa aking leeg na siyang mas lalong ikinagulat ko. 

"Chico, mommy is mine, okay?" Malambing ang tono niya ng sabihin iyon. Ngumiti naman sa kaniya si Miles bago tumango. Ang gagong demonyong 'to kahit anak pinagseselosan.

"Baby, let's eat?" Naramdaman ko ang kanyang hininga sa aking leeg. Hinalikan niya ako sa aking pisngi bago ito tumayo. Nilahad nito ang kanyang kamay sakin na siyang ikinagulat ko. 

"Baby?" Gulat na

ibinaling ko ang tingin sa kaniya. Ang loko muli ko na naman nakitaan ng emosyon. Muli kong naibalik ang tingin kay Miles ng hawakan niya ang kamay ko at inabot ito kay Atlas. Napatingin ako sa kamay niya nang higpitan ang pagkakahawak sa akin

na siyang mas lalong ikinagulat ko. Hindi ko tuloy alam kung ibabalik ko ang tingin sa kanya o hindi na lang. Ngunit ang gagong 'to hinawi ang aking mukha paharap

sa kaniya. Hinila niya ako patayo ang bilis niyang kumilos dahil ang kamay nito

naramdaman ko na lang sa aking baywang. 

"Baby, be ready, I'll make you mine?"

Takte! 

Niyayaya niya lang akong kumain ‘diba? Pero bakit bigla na naman siyang naging clingy sa’kin ngayon? 

Demonyong 'to pabago-bago nang pakikitungo sa akin. Hindi ko tuloy alam kung alin ang totoo do’n at alin ang hindi. Iniwas ko ang tingin sa kaniya nang maramdaman ang pagyakap ni Miles ngiting- ngiti ito sa amin ng kanyang ama. Kusa akong binitawan ni Atlas at lumapit sa kanyang anak at kinarga ito. Muling hinawakan ni Atlas ang aking kamay, kaya napatingin ako rito. Ngumiti ito sakin. Sunod ay marahan niya akong hinila

kasabay ng kanyang paglalakad papuntang dining area. Kasabay nang paglingon

ko ang pagkita ko naman kila Mike at Mia na halata ang pagkakairita dahil nandito pa ako sa bahay nila at isa na rin siguro doon ang ginagawang ka-sweetan ng

kanilang ama sakin. 

Tahimik lang akong nagsimulang kumain ng makaupo na kami at syempre hindi ko

naman nakalimutang pagsandukan ng pagkain itong si Miles. Habang si Atlas naman kung ano ‘yong ginawa niya kaninang umaga gano’n pa rin ang ginawa niya

ngayon, ramdam ko ang titig ni Devil sa’kin, hindi ko tuloy alam kung nakakakain pa ba

siya sa ginagawa niya. Basta pinipilit kong hindi siya mabalingan ng tingin.

"Bunso, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ni Maisha?" Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ngunit mabilis din naman akong nakabawi at itinuloy ang naudlot na pagsubo roon sa pagkain. Hindi ko ito pinansin, hindi ko din sinagot ang tanong niya sa’kin. Bakit kailangan niya pa sabihin kay Kuya Chase na hindi ko sinasagot ang mga tawag niya? 

Wala naman kaming dapat pag-usapan pa ‘diba?! Ngayon nagawa niya na ang

pinapagawa sa kaniya ng demonyong 'to. Hindi niya na ako kailangan tawagan pa. Andito na ako at nakakulong sa bahay ng demonyong 'to at lahat ‘yon ay kagagawan niya. Kanina pa siya tumatawag sa’kin pero pinapatayan ko lang ito wala naman kasi

kaming dapat pagusapan. Hindi ko na din naman siya kaibigan.

Tsk! Makapagpalit na nga lang ng sim card.

Bab terkait

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 12

    Zoe Colette's POV"Hoyy, Zoe Colette Serpant?!" Napapikit ako ng marinig ang malakas na bosesnito sa aking tainga."Kuya... narinig ko ang sinabi mo. Hindi mo na kailangan pang pumunta rito sapuwesto ko at isigaw mismo sa tainga ko!" Galit ngunit mariin kong wika."Narinig mo naman pala bakit hindi mo sinagot ang tanong kokanina?" Seryosong tanong nito bago naglakad pabalik sa pwesto niya."Kailangan ko pa talagang sagutin ‘yon? Sobrang halaga ba ngsagot?" Iritableng tanong ko dito."Bunso, bestfriend mo pa rin si Maisha wag mong hayaang masira ang pagkakaibigan niyo dahil lang sa maliit ba bagay."Seryosong wika nito. Hindi ko ito pinansin bagkus nanahimik na lang ako.Tsk! Ang galing-galingmagpayo nitong si Kuya Chase pero ‘yong problema niya kay Kuya Haley pinapala

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-26
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 13

    Zoe Colette's POVPagdating namin sa kwarto roon niya lang binitawan ang kamay ko. Pinagmasdan ko lang ang pagpunta niya sa banyo. Muling nagwawala ang kaba rito sa puso ko nagpalakad-lakad ako para mawala ito. Hindi ko maintindihan ang sarili kahit kasi may ginawang kababuyan sa’kin si Atlasnaiisantabi ko ang galit ko sa tuwing nagiging sweet ito o hindi naman kaya kapag nasa harap kami ng kanyang mga anak. Ang bilis kong ding maniwala sa mgasinasabi niya para isang hipnotismo ang kanyang mga salita.Ganyan siguro ang paraan ng pang-aakit niya sa mga babae para makuha nito ang katawan nila. Napakagat ako sa sariling labi nang muling naisip ang kanyang sinabi.Baby, be ready, I'll make you mine. Patuloy na nagi-echo sa isip ko ang mga sinabi niya nangmaalala iyon. May kung anong kuryente akong naramdaman nang yumakap ito mula sa akinglikod. Isiniksik niya ang mukha sa aki

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-27
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 14

    Zoe Colette's POV UHAW ang siyang gumising sakin. Agad akong napatingin nang maramdaman ko kung gaano kahigpit ang yakap sakin ni Miles. Habang si Atlas naman ay wala sa tabi ko. Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto ngunit hindi nakita ng aking mata ang anino ng demonyong 'yon. Mukhang nasa banyo ito. Ang aga naman ata? Marahan kong inalis ang kamay ni Miles sa aking tiyan. Tumayo ako para bumaba at uminom ng tubig. Napatakip ako ng bibig nang mapahigap. Anong oras na ba? Nasa pinto na ako ng matanong iyon sa isip. Hindi na ako nagbalak na bumalik para tingnan ang oras. Pagbukas ko ng pinto tumambad ang madilim na labas. Takte! Bakit sobrang dilim? Muli kong nilibot ang paningin sa paligid ng kwarto para maghanap ng flashlight ngunit bigo akong makahanap. Pumunta ako sa drawer para tingnan ku

    Terakhir Diperbarui : 2021-11-30
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 15

    Zoe Colette's POV "Having a sex for someone in that age, dude, tingin mo nakakatuwang hobby 'yang ginagawa mo?!" Sa pagkakataong ito medyo galit na ang tono ng boses ko. Tumawa ito,"Tita Colette, hindi ba sinabi ni Daddy sayo na bawal lumabas ng alas-dose ng madaling araw. Bakit po kayo na sa labas?"halata sa ngiti nito ang pagkainis na nararamdaman."Hindi niyo po ba alam na ganitong oras nagpaparaos si Daddy? Malalagot kayo kapag nakita niya kayong pagala-gala sa bahay ng ganitong oras."Wika niya ulit. Natawa ako,"Kung gano'n bakit ka na sa labas? Gusto mong makita ang ginagawa ng iyong ama?" Muli itong nagulat sa tanong ko.

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-02
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 16

    Zoe Colette's POV Mukhang hindi napansin ni Manang Faye ang presensiya ko dahil patuloy pa din kasi itong nag-aayos ng mga panahog. Inilapag ko sa lamesa yung basong ginamit ko at lumapit sa kanya. Akmang susuutin na sana yung delantal pero marahan kong hinablot yun sa kanya na siyang ikinagulat niya. "Ma-madam?"Gulat na gulat ito ngunit may takot sa kanyang mga mata. "Goodmorning, Manang Faye."Nakangiting bati ko sa kanya."Kailangan ko po ng harina, baking powder at measuring tools."Dagdag na wika ko. "Madam, ano po ang ginagawa niyo?"Gulat na tanong nito.

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-03
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 17

    Zoe Colotte's POV"Yah! Devil, hindi ako unan kaya bitawan mo ko."Tinulak ko ito ngunit muli lang akong bumabalik sa pagkakayakap sa kanya."Mahiya ka nga andyan sila Kuya."Muli kong wika dito pero ang gagong demonyo hindi ako pinapakinggan dahil mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakayakap sakin.Halata din dito na wala itong pakealam sa presensiya nila Kuya Chase. Ginagawa niya talaga ang lahat ng gusto niyang gawin sakin.Nakahinga ako nang maluwang ng bitawan niya ko ngunit muli niyang binalik ang braso niya sa magkabilang gilid ko. May ngiti sa kanyang labi na pinagmasdan ang pagmumukha ko. Naiilang man sa kanyang ginawa sinagot ko ang nakakaakit niyang tingin."Babae, mas gusto kita

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-04
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 18

    Zoe Colette's POVPagtapos naming kumain nagmamadaling umalis sila Atlas may meeting ba daw kasi silang kailangan habulin. Paakyat naman ako sa kwarto para kunin ang cellphone kong naiwan ko kanina nang magcr ako.Hindi sinasadya na makasalubong ko si Mike na pababa ngayon. Napahinto ito sa paglalakad ng makita ako. Habang ako naman nagpatuloy sa paglalakad. Huminto din ako ng makapantay sa kanya. Nakayuko ito at hindi ako magawang bigyan ng tingin."Mike, seryoso ako sa sinabi ko. Hindi magandang libangan ang ginagawa mo."Seryosong wika ko ngunit hindi ito umimik sa sinabi ko."Isipin mo sana ang kapatid mong babae. Maaaring walang balik sayo ang mga ginagawa mo ngunit maaaring bumalik ito sa kapatid mong babae. Kaya mo ba siyang protektahan kapag nagkataon?"Muling wika ko sa pagkakataong ito tinuon niya ang tingin sakin."Hindi mo ako maiintindihan sa ngayon pero a

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-05
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 19

    Zoe Colette's POV"Takte! Ano bang problema niya? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya?!"Naitapon ko na yung cellphone ko doon sa sofa dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Bukod kasi sa dalawang araw na akong walang maayos na tulog. Pinapatayan pa ako ni Atlas ng telepono. Dalawang araw na din itong hindi umuuwi at nagpaparamdam samin. Dahil doon dalawang araw na ding panay iyak itong si Miles at hindi kumakain ng maayos. Nagigingmaligalig ito dahil hindi niya nakikita ang kanyang ama.Nakakatulog na lang ito sa kakahintay niya sa kanyang ama. Kaya pinalabas ko yung kama sa guest room para ilagay dito sa sala. Hindi na din kasi kami na kakaakyat sa kwarto para doon matulog dahil umiiyak itong si Miles kapag iaakyat na siya.

    Terakhir Diperbarui : 2021-12-07

Bab terbaru

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 76

    WARNING: 18+ EXPLICIT CONTENTZoe's POVIsang malakas na halakhak ang siyang nagpagising sakin sa araw na ito. Kinusot-kusot ko ang aking mata at bahagyang iminulat ang kaliwang mata. Ganun na lang ang gulat ko ng makita si Atlas at si Miles na nagkukulitan sa aking tabi. Hindi ko alam kung isang buwan na ba o lagpas na sa isang buwan simula ng magkulong sa kwartong iyon si Atlas, pero ito ang kauna-unahan kong masulyapan siya ng malapitan. Matapos ang lahat ng nangyari sa nakalipas na araw.Ang mga mukhang iyon na hindi ko nasulyapan ng sobrang tagal ay talagang namiss ko ng husto. Gusto kong tumayo ngayon sa aking kinahihigaan at yakapin siya ng mahigpit, ngunit sa mga sandaling ding ito pinipigilan ako ng aking

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 75

    Mia's POV Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng pumunta ako kila Tita Zoe at umalis dito sa bahay si Kuya Mike. Ilang araw na din pabalik-balik ang lagnat ni Daddy at hindi ito gumaling-galing sa kanyang sakit. Habang si Miles naman ayun hindi na gaanong umiiyak ngunit bakas pa din ang lungkot at pangungulilang nadarama dahil sa pagkawala ni Tita Zoe dito sa bahay. Habang si Kuya Mike naman di nakakalimutan tumawag samin para kamustahin kaming dalawa ni Miles araw-araw. Gaya ng inaasahan ko di nito hinahanap si Daddy na mukhang hanggang ngayon, di pa din nawawala ang galit sa loob niya dahil sa ginawa niya kay Tita Zoe. Minu-minuto ko ding tinitingnan ang aking telepono upang i-check kung may message ba na mula kay Tito Zoe, ngunit tanging kabiguan lang ang aking nakuha. Tuluyan na nga kaming nakalimutan ni Tita Zoe. Walang ibang nagaalaga ngayon kay Daddy kundi ako lang. Inaasikaso kasi ni Tito Chase ang k

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 74

    Zoe Colette's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo o oras na ba talaga ang lumipas. Nakaupo lang ako dito sa harap ng puntod nila mama. Tanging paghikbi na lang ang maririnig mo sakin ngayon. Unti-unti kong pinapatahan ang sarili ko at pilit na kinakaya ang sakit na iniwan nila sakin at dahil na din sa ginawa ni Atlas sakin. Ngunit kahit na ganun may nararamdaman pa din akong pagaalala dito sa aking puso na sana ay hindi ko na lang naramdaman una palang. Ang demonyong Atlas na iyon hindi ko alam kung anong ginawa niya sakin, sa kabila kasi ng lahat nang narinig at ginawa niya sakin, siya pa din itong inaalala ko. Lalo na ngayong alam kung hindi pa din ito gumagaling sa kanyang sakit. Bakit pakiramdam ko ngayon baliw na baliw ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Anong bang problema mo Zoe, tigilan mo na angkabaliwanmo. Di ka naman niya talaga mahal diba?!

  • Devil Don't Come Near Me   CAHPTER 73

    Zoe Colette's POV Sa ngayon di ko alam kung kakayanin ko bang makita si Atlas. Baka kasi mas lalo lang madadagdagan ang sakit ng aking nararamdaman. Kahit gusto kong ibuka ang aking bibig di ko magawa. "Tita, pumunta na po si Kuya Mike sa amerika, wala na po siya Tita. Si Daddy naman po may sakit. Habang si Miles ayun hinahanap pa din kayo at hindi na nakakakain ng maayos." "Tumuloypa din pala sa amerika si Mike kahit hindi ako sumangayon." Ngayong nilalagnat ito sino ang nagbabantay sa kanya? Pinuntahan ba siya ng taong mahal niya? Sino ngayon nagdurusa diba siya? At dahil sa pinaggagagawa niya nadadamay tuloy sila Mia. "Desisyon po iyon ni Kuya Mike, Tita. Galit na galit po kasi si Kuya kay Daddy dahil sa ginawa nito sainyo at itong huli nagkaroon sila ng matinding pagaaway." Napakunot ang noo ko sa sinab

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 72

    Zoe Colette's POVSandali akong natahimik at muli na namang naiyak. Ang sakit lang kasi ang akala kong pagmamahal puro kasinungalingan lang pala. Matapos ang lahat isang pagbabalat kayo lang pala ang aking natanggap sa huli.Binigay ko ang lahat kahit ang aking sarili, kahit gaano kasakit nanatili ako dahil ang akala ako minahal niya talaga ako pero hindi. Isang malaking AKALA lang pala iyon.Hindi niya na sana pinaramdaman sakin kung sasaktan niya rin pala ako. Di na sana siya nageffort pa kung sa huli hahayaan niya din naman niya pala itong masira lahat."When I see that man, I really hate him because he is really a pervert. He forced me to have sex with him that night."Sa hindi malamang dahilan bigla akong natawa.Biglang nagsink-in sa utak ko ang unang pagkikita naming dalawa."Akala ko nga katangian niya na ang pagiging malibog niya."Muli akong natawa pero kasabay nun ang pa

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 71

    Maisha's POV Bangag at wala ako sa sarili ngayong araw. Pangatlo araw na ngayon simula ng pumunta dito si Zoe sa bahay at dito na nanatili matapos ang nangyari doon sa bahay nila Atlas. Hindi naman kami umiinom pero tatlong araw na itong walang tulog at walang tigil sa pagiyak, kaya ending pati ako ay wala ding tulog. Hindi niya din sinasagot ang lahat ng mga tumatawag sa kanya. Alam ni Chase na nandito ito ngayon sa bahay. Alam ko na din kung anong nangyari at kung bakit ito nagiiiyak ngayon. All of her pain it was may fault, kung sinabi ko lang sana sa kanya ang totoo lahat sa simula palang edi sana hindi ganito kasakit ang matatanggap niya. Di ito magdurusa ngayon at magmumukmok dahil sa sinabi ni Atlas. Ako ang kaibigan niya pero ito ako walang magawa kundi itago ang lahat ng mga nalalaman ko sakanya. Gusto ko man sabihin sa kanya lahat, ngunit pinangungunahan ako ng natakot ngayon. Nagtatalo ang isip at puso kung sasabihin ko ba

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 69

    Soe's POVHindi ako makapaniwala na susundin ko sa unang pagkakataon ang payo sakin ng bunso kong kapatid na babae. Nasa harap ako ngayon ng ZC Group, kinakabahan sa mangyayari once na makapasok na ako sa loob at makita si Haley.Being alone in so many years, so hurt that what I expected. Akala ko kakayanin ko na wala siya sa buhay ko ng ilang taon pero nagkamali ako, noong gabing pumayag ako na lumayo sa kanya dahil iyon ang gusto niya ay talagang pinagsisihan ko ng husto. Dahil noong araw na iyon, yun na din pala ang huling sulyap ko sa kanya. Kahit kasi alam nito kung saan ako nagtatago hindi lang naman niya ako magawang dalawin o puntahan man lang, walang araw na hindi ko ito hinihintay. Ngunit kahit anino lang naman niya ay hindi ko nakita sa pinto ng aking bahay.Madaming tao ang napatigil sa kanilang ginagawa ng makita ako dito sa ZC Group, gulat na gulat ang mga ito at animoy nakakita ng multo."Ms. Soe, you're alive? We t

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 68

    Zoe Colette's POV Tumayo ako at lumapit sa kanya bago ito binigyan ng isang malakas na sampal. Mukhang hindi pa kasi siya nagigising sa ginawa kong pagsampal sa kanya kanina. Muli ko ulit itong hinawakan sa kanyang damit. "Gumising kana sa katotohanan na hindi na babalik si Ate Soe. Hindi na babalik yung babaeng yun sayo dahil di naman ikaw ang tunay niyang mahal. Kaya lang siya nanatili sayo para hindi masaktan si Kuya Haley. Si Kuya Haley ang prinoprotektahan niya at hindi ikaw!"Muli ko ulit itong niyugyog."Tumigil kana Atlas dahil walang mangyayari kung patuloy mongitataliang sarili mo sa isang taong hindi ka naman kayang mahalin."Sa hindi malamang dahilan bigla kong naramdaman ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata."Gumising kana sa katotohanan na hindi nababalik pa ang taong gusto mong bumalik sayo. May mga anak kang

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 70

    Soe's POV Andito kami ngayon sa Blackbird fine dining restaurant sa Makati. Inupahan ni Haley ang buong lugar na ito para kami lang dalawa ang magiging tao dito. Kakilala niya din kasi ang may ari ng lugar na ito. Hinayaan ko na din siyang magorder ng kakainin namin. Halos lahat ng inorder nito ay kilalang dishes dito sa Blackbird like, Lobster Spaghetti, Flatiron Steak, Apple Tart, Potato Gratin, Wagyu Steak, Soft Shell Crab. Habang busy ito na tinitingnan ang kanyang telepono, di ko naman mahiwalay ang tingin dito. Di ko maiwasang hindi mapatitig dito dahil siguro ito ang unang pagkakataon na muli ko ulit nasilayan ang mukha nito makalipas ang limang taon. "I know I'm handsome, but please don't stare me like that, babe..."Nakangiting wika nito bago inangat ang tingin at ibinaling sakin. Nginitian ko lang ito pero hindi ko pa din inaalis ang tingin dito. Gusto ko pa itong titigan

DMCA.com Protection Status