Share

CHAPTER 19

Author: Nam Sae
last update Last Updated: 2021-12-07 23:00:36

Zoe Colette's POV

"Takte! Ano bang problema niya? Bakit hindi niya sinasagot ang mga tawag ko sa kanya?!"

Naitapon ko na yung cellphone ko doon sa sofa dahil sa sobrang galit na nararamdaman. Bukod kasi sa dalawang araw na akong walang maayos na tulog. Pinapatayan pa ako ni Atlas ng telepono. Dalawang araw na din itong hindi umuuwi at nagpaparamdam samin. Dahil doon dalawang araw na ding panay iyak itong si Miles at hindi kumakain ng maayos. Nagigingmaligalig ito dahil hindi niya nakikita ang kanyang ama.

Nakakatulog na lang ito sa kakahintay niya sa kanyang ama. Kaya pinalabas ko yung kama sa guest room para ilagay dito sa sala. Hindi na din kasi kami na kakaakyat sa kwarto para doon matulog dahil umiiyak itong si Miles kapag iaakyat na siya.

Kahit sila Mia hindi na din umaakyat sa mga kwarto nila para doon matulog dahil nag-aalala sila sa bunsong kapatid.

Takte! Wala ba siyang balak na umuwi? Hindi niya ba alam na may naghihintay sa kanya?

Awang-awa na ako kay Miles dahil sa kakaiyak nito. Okay naman siya pagdating ng umaga ngunit mababakas mo sa kanyang mukha ang lungkot na nararamdaman sapagkat hindi niya nakikita ang kanyang ama. Pagdating naman ng gabi doon nagiging maligalig itong si Miles. Nagsisimula na itong umiyak at hindi kumakain. Kung hindi ko pa pipilitin isubo yung pagkain sa kanya hindi din talaga siya kakain.

Pagdating naman ng madaling araw kung saan sobrang himbing na nang tulog namin muli na naman itong iiyak ng malakas. Maglalakad ito papunta sa bintana at doon sisilipin kung andyan na ba si Atlas mananatili siya doon ng ilang minuto at kapag bigo itong makita ang kanyang ama muli itong hahagulgol sa pagiyak. Lalapit ito sakin at magpapakarga. Walang tigil siyang iiyak sa aking bisig hanggang sa mapagod at doon makatulog. Hindi ko na ito mababa doon sa kama dahil magigising ito at muli na namang iiyak.

Ayaw din niyang magpakuha kila Mike at Mia. Kapag kukunin na siya ng mga ito sakin muli na naman siyang iiyak kaya hinahayaan ko na lang itong matulog sa aking bisig. At para makatulog naman ako habang mahimbing siyang natutulog sakin isasandal ko naman ang ulo sa sofa at doon matutulog kahit na saglit. Ganun ang naging routine ko sa loob ng dalawang araw.

Nakaupo ako ngayon dito sa sofa habang mahimbing namang natutulog si Miles dito sa aking hita habang nasa kama naman ang dalawa niyang kapatid. Marahan kong inangat ang ulo niya para makaalis ako at maingat ding inilapag.

Kinuha ko yung cellphone na ibinato ko sa sofa at tiningnan ang oras. Alas kuwarto na ng madiling araw muli kong itinapon yung cellphone doon sa sofa. Pumunta ako sa kusina para kumuha nang tubig. Naabutan ko doon si Manang na naglilinis.

"Good morning po, Manang." Wala ganang bati ko sa kanya. Gulat naman itong tumingin sa direksyon ko.

"Madam, ano pong kailangan niyo?"

"Tubig po, Manang." Tipid kong sagot.

Pumunta ito ng repridyeretor para kumuha ng tubig. Habang ako naman umupo dito sa harap ng lamesa.

"Madam, magpahinga po muna kayo. Simula nung nakaraang araw wala pa kayong maayos na tulog." May pagaalala sa boses nito. "Kaya po habang mahimbing ang tulog ni Young master Miles, magpahinga rin po kayo. Kapag po kasi nagising ulit si Young master hindi na naman po kayo makakapagpahinga." Dagda na wika nito.

"Tumawag na po ba si Atlas?" Seryosong tanong ko dito.

"Hindi po." Mabilis na tugon nito at inilapag yung tubig sa harapan ko.

Naihilamos ko ang sariling palad sa aking mukha dahil sa pagod at antok na nararamdaman. Hindi ko na alam ang aking gagawin, hindi din kasi ako pinapalabas ni Manong dahil ayun daw ang inutos sa kanya ni Atlas pero lintik na demonyong yun hindi niya naman sinasagot ang mga tawag ko sa kanya. Bwesit!

Tanging kay Manang Faye lang siya tumatawag at sinasakto niya iyon sa oras na tulog ako. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba iyon o talagang nagkataon lang pero hindi na ako natutuwa sa lintik na yun. Dahil alam kung alam niya ang nangyayari ngayon sa anak niya at nasisiguro kong sinasabi din ni Manang Faye ang nangyayari dito sa bahay habang wala siya.

"Manang Faye, paki sabi sa lalaking yun kapag hindi pa siya umuwi ngayon. Hindi ko maipapangako kung hanggang kailan ko pagtitiisan ang anak niya. BWESIT SIYA!" Galit na galit kong wika. "WAG NA SIYANG UUWI. PISTI SIYA!" Muli kong wika bago ko ininom yung tubig na kinuha niya.

Padabog kong inilapag yung baso sa lamesa bago ako naglakad paalis ng dining area.

Takte! Pwede naman siyang tumawag sakin at sabihin na hindi siya uuwi diba?! Para naman hindi din ako maghintay sa wala. Bwesit!

Muli akong umupo doon sa sofa na katabi lang ni Miles. Mahimbing pa din itong natutulog ganun din ang kanyang mga kapatid. Isinandal ko ang ulo doon sa sofa at ipinikit ang aking mata at hinayaan ang sariling kainin ng antok.

...

TAWANAN SA PALIGID ang siyang gumising sakin. Iminulat ko ang aking mata at laking gulat ng makita siya dito. Nakikipag-harutan ito kay Miles.

Takte! Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito.

"Good morning, Colette." Nakangiting bati nito sakin.

Mabilis na lumapit sakin si Miles ng makita akong gising. Kumandong ito sa hita ko at humiga dito sa aking d****b.

Ano naman kaya ang sadya niya sakin? Pisti!

"Anong ginagawa mo dito?" Seryoso ngunit may inis sa boses ko ng itanong iyon sa kanya.

Nawala naman ang ngiti sa labi niya ng mapansin iyon. "Pinapunta ako dito ni At-"

"At bakit?" Putol ko sa sasabihin niya.

"Hindi ko alam basta pinapapunta niya lang ako dito. May pinabili din siyang damit sa akin at mukhang para sayo ito." Inabot niya sakin yung paper bag na nasa gilid niya.

Suhol niya ba yan?

"I don't care about that thing. Kung ano lang ang tinatanong ko sayo yun lang din ang sagutin mo. Wag mo nang dagdagan ng kung ano-ano." Malditang wika ko dito. "Isa pa, hindi naman ako nagpabili nan sayo. Bakit mo sakin inaabot ang lintik na paper bag na yan?!" Hinawi ko yung paper bag palayo sakin.

Pinapapunta siya dito ni Atlas? E, hindi pa nga umuuwi yung gagong yun.

Binuhat ko si Miles para isama papuntang dining area nasa lubong ko naman sila Mia na pababa ngayong dito sa sala at mukhang narinig niya ang sinabi ko kay Maisha.

"Nagtataray ka at bakit?" Sa lubong na tanong nito sakin. "Girl, mas lalong kumakapal yang pagmumukha mo huh? Hanggang kailan ka ba magtatagal dito?" Dagdag pa nito

"Hanggang sa nabubuhay ka." Malditang tugon ko dito.

Ayoko patulan ang batang 'to pero inuubos niya talaga ang pasensiya ko.

"Try mong magpakamatay kid, aalis ako." Nginitian ko ito bago nagpatuloy sa paglalakad papuntang dining area.

Hinawakan niya ako sa aking braso at hinawi paharap sa kanya.

"You want me to die? How dare you to say that to me!" Galit na galit ito ng sabihin iyon. "I'm the daughter of the most notorious business man in the Philippines.

Natawa ako, "You want me to leave, right? Then die, I will leave." Binigyan ko siya nang nakakasaar kong ngiti.

Natawa ako sa sagot ko sa kanya kahit naman kasi mamatay siya hindi pa din ako makakaalis sa demonyong bahay na ito.

Takte! Ang sarap lang patulan ng batang 'to ang bilis kasi mapikon, same as his brother.

Nam Sae

Hi guys, pasensiya na kung di ako naka pag-update kahapon, busy po kasi.

| Like

Related chapters

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 20

    Zoe Colette's POV"Mom, nagaaway po ba kayo ni Ate Mia?"Takang tanong nito nang mailapag ko na siya doon sa kanyang upuan."Nope baby, naguusap lang kami ni Ate Mia."Bahagya akong natawa sa sagot ko.Kinuha ko yung earphone at cellphone ko para ilagay sa tainga ni Miles. Mukhang hindi kasi matatapos ngayong araw na ito ang pakikipagtalo ko sa demonyo niyang kapatid.Pisti! Naguusap pa e, kung nahawa lang ako nang pagiging demonyo ni Atlas sinabi ko na sana ang totoo sa batang 'to. Edi sana alam niya na ngayon na hindi ko siya anak at hindi niya ko tunay na ina. Alam na sana ng mga batang 'to kung ano talagang kababuyan ang ginawa sakin ng kanilang ama. Kung bakit hindi ko magawang umali

    Last Updated : 2021-12-08
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 21

    Zoe Colette's POV "Psh."Napatingin ako kay Mike na tawang-tawa ngayon sa kinauupuan niya. Ano naman kaya ang tinatawa ng batang 'to? "Pilit mong sinasabi kay Mia na makakaalis ka lang dito sa bahay kapag namatay na ito? Napaka-lupit naman ata nun?"Seryosong wika ni Mike. Natawa ako,"Ngayon ako pa ang naging malupit huh?" Takte! Sila nga itong malupit hindi lang halata sa mga itsura nila dahil sa mukha nilang mas maamo pa sa tupa pero sa loob-loob nila may itinatago silang ka-demonyohan. "Kid, hindi pa yun ang pinaka-malupit kong ugali. Kaya hindi ka dapat

    Last Updated : 2021-12-09
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 22

    Zoe Colette's POVBinigyan ko siya nang pilit na ngiti bago ko kinuha si Miles at umalis dito sa dining area.Umakyat muna ako sa taas at inilagay si Miles sa kwarto niya. Binigyan ko siya ng laruan at iniwan ko din ang cellphone at earphone ko sa kanya. Bago ako pumunta sa kwarto para maligo.NGINIG ANG IDINULOT sakin nang tubig sa shower ng buksan ko ito.Pinikit ko ang aking mga mata bago tumingala at dinamdam ang patak ng tubig sa aking mukha na nanggagaling doon sa shower.Yumakap siya sa baywang ko mula sa aking likuran. Idiniin niya ang sarili sakin."Baby."Mahinang bulong nito sa aking tainga.Napaharap ako at

    Last Updated : 2021-12-10
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 23

    Zoe Colette's POV"Don't mad at me na, Misis ko."Nangungutyang wika nito.Yumakap siya sa baywang ko mula sa aking likuran at isiniksik ang mukha sa leeg ko."Takte! Magpalit ka kaya muna diba?!"Inis kong wika dito.Hindi pa kasi ito nagpapalit at dahil doon nabasa tuloy ang suot kong damit.Tinanggal ko ang kamay niya sa aking baywang at humarap sa kanya."Misis ko, wag ka ng magalit. Hmmm?"Nakikiusap ngunit mahahalata pa din ang pang-aasar sa boses nito."Madami akong ginawa itong nakalipas na dalawang araw kaya hind

    Last Updated : 2021-12-11
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 24

    Zoe Colette's POV"I told you get some sleep."Seryosong wika ko dito."Ibaba mo na ako at matulog kana"Dagdag ko pa."Ayoko."Tanggi nito tapos binigyan niya ako nang pagod na ngiti.Nagsimula itong maglakad dahilan para mapahawak ako sa kanyang batok. Marahan niya akong inilapag sa kama. Hindi na ako nakapalag ng tumabi ito at yakapin ako ng mahigpit. Napapikit ako ng maramdaman ang labi niya sa aking noo."Yah!"Tinulak ko ito palayo pero masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sakin."Baby, let me hug you until I fall asleep."Inaantok na wika nito.

    Last Updated : 2021-12-12
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 25

    Zoe Colette's POV Hindi ko tuloy maiwasang hindi matanong sa aking sarili kung may minahal na ba nang lubos itong si Atlas att ganun na lang ang pagpapakita niya nang labis na emosyon sakin. Ayoko ng pahabain pa ang pagtatalong ito kaya tumayo ako para lumipat ng upuan at tumabi sa kanya. Sinulyapan ko ito at nakita ko ang bahagya niyang pagngiti sa ginawa ko. Isinandal ko ang katawan dito sa sofa."Ano bang gusto mong sabibin?"Walang ganang tanong ko. "Pumapayag na ako sa gusto mo."Seryosong wika nito na siyang ikinagulat ko at ikinatuwa ng aking puso. Napatayo ako sa pagkakasandal sa upuan."Talaga pumapayag kana? Hahayaan mo na akong makalabas at makapagtrabaho?"

    Last Updated : 2021-12-13
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 26

    Zoe Colette's POVNakita ko ang pagpipigil ni Maisha sa kanyang tawa doon sa tabi.Tsk! Bakit ba siya tumatawa?Gulat na gulat kong binalingan ng tingin si Atlas nang hawiin niya ang baywang ko palapit sa kanya."Good baby, ako lang dapat ang pinakagwapong lalaki diyan sa iyong mapangakit na mga mata."Napahawak ako sa kanyang dibdib ng ilapit niya ang mukha sa akin para halikan ako. Hindi naman nawawala ang eskpresyon ng aking mukha."Ako lang..."Muli niya akong hinalikan.Nginitian niya ako pagtapos niyang gawin iyon. Binitawan niya din ang pagkakahawak sa baywang ko. Hindi ko pa din nagagawang alisin ang tingin sa kanya. Lumingon ito ka

    Last Updated : 2021-12-14
  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 27

    Zoe Colette's POVHindi na ako nakagalaw pa nang ipulupot niya ang kanyang braso sa aking baywang."Baby, you are the most beautiful and sexy women in my eyes."Binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Bago ako hinalikan."Only in my eyes..."Tinulak ko ito palayo."Tsk. Pang-ilan ako sa babaeng sinabihan mo ng ganyang mga mabulaklaking salita?"Hindi naman ito natuwa sa tanong ko kaya mahigpit niyang hinawakan ang braso ko."Babae,pinipilit kong maging mabait sayo, wag mong ubusin ang pasensiya ko!""I know that, Devil. Alam kong peke

    Last Updated : 2021-12-15

Latest chapter

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 76

    WARNING: 18+ EXPLICIT CONTENTZoe's POVIsang malakas na halakhak ang siyang nagpagising sakin sa araw na ito. Kinusot-kusot ko ang aking mata at bahagyang iminulat ang kaliwang mata. Ganun na lang ang gulat ko ng makita si Atlas at si Miles na nagkukulitan sa aking tabi. Hindi ko alam kung isang buwan na ba o lagpas na sa isang buwan simula ng magkulong sa kwartong iyon si Atlas, pero ito ang kauna-unahan kong masulyapan siya ng malapitan. Matapos ang lahat ng nangyari sa nakalipas na araw.Ang mga mukhang iyon na hindi ko nasulyapan ng sobrang tagal ay talagang namiss ko ng husto. Gusto kong tumayo ngayon sa aking kinahihigaan at yakapin siya ng mahigpit, ngunit sa mga sandaling ding ito pinipigilan ako ng aking

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 75

    Mia's POV Ilang linggo na ang nakakalipas simula ng pumunta ako kila Tita Zoe at umalis dito sa bahay si Kuya Mike. Ilang araw na din pabalik-balik ang lagnat ni Daddy at hindi ito gumaling-galing sa kanyang sakit. Habang si Miles naman ayun hindi na gaanong umiiyak ngunit bakas pa din ang lungkot at pangungulilang nadarama dahil sa pagkawala ni Tita Zoe dito sa bahay. Habang si Kuya Mike naman di nakakalimutan tumawag samin para kamustahin kaming dalawa ni Miles araw-araw. Gaya ng inaasahan ko di nito hinahanap si Daddy na mukhang hanggang ngayon, di pa din nawawala ang galit sa loob niya dahil sa ginawa niya kay Tita Zoe. Minu-minuto ko ding tinitingnan ang aking telepono upang i-check kung may message ba na mula kay Tito Zoe, ngunit tanging kabiguan lang ang aking nakuha. Tuluyan na nga kaming nakalimutan ni Tita Zoe. Walang ibang nagaalaga ngayon kay Daddy kundi ako lang. Inaasikaso kasi ni Tito Chase ang k

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 74

    Zoe Colette's POV Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakaupo o oras na ba talaga ang lumipas. Nakaupo lang ako dito sa harap ng puntod nila mama. Tanging paghikbi na lang ang maririnig mo sakin ngayon. Unti-unti kong pinapatahan ang sarili ko at pilit na kinakaya ang sakit na iniwan nila sakin at dahil na din sa ginawa ni Atlas sakin. Ngunit kahit na ganun may nararamdaman pa din akong pagaalala dito sa aking puso na sana ay hindi ko na lang naramdaman una palang. Ang demonyong Atlas na iyon hindi ko alam kung anong ginawa niya sakin, sa kabila kasi ng lahat nang narinig at ginawa niya sakin, siya pa din itong inaalala ko. Lalo na ngayong alam kung hindi pa din ito gumagaling sa kanyang sakit. Bakit pakiramdam ko ngayon baliw na baliw ako sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Anong bang problema mo Zoe, tigilan mo na angkabaliwanmo. Di ka naman niya talaga mahal diba?!

  • Devil Don't Come Near Me   CAHPTER 73

    Zoe Colette's POV Sa ngayon di ko alam kung kakayanin ko bang makita si Atlas. Baka kasi mas lalo lang madadagdagan ang sakit ng aking nararamdaman. Kahit gusto kong ibuka ang aking bibig di ko magawa. "Tita, pumunta na po si Kuya Mike sa amerika, wala na po siya Tita. Si Daddy naman po may sakit. Habang si Miles ayun hinahanap pa din kayo at hindi na nakakakain ng maayos." "Tumuloypa din pala sa amerika si Mike kahit hindi ako sumangayon." Ngayong nilalagnat ito sino ang nagbabantay sa kanya? Pinuntahan ba siya ng taong mahal niya? Sino ngayon nagdurusa diba siya? At dahil sa pinaggagagawa niya nadadamay tuloy sila Mia. "Desisyon po iyon ni Kuya Mike, Tita. Galit na galit po kasi si Kuya kay Daddy dahil sa ginawa nito sainyo at itong huli nagkaroon sila ng matinding pagaaway." Napakunot ang noo ko sa sinab

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 72

    Zoe Colette's POVSandali akong natahimik at muli na namang naiyak. Ang sakit lang kasi ang akala kong pagmamahal puro kasinungalingan lang pala. Matapos ang lahat isang pagbabalat kayo lang pala ang aking natanggap sa huli.Binigay ko ang lahat kahit ang aking sarili, kahit gaano kasakit nanatili ako dahil ang akala ako minahal niya talaga ako pero hindi. Isang malaking AKALA lang pala iyon.Hindi niya na sana pinaramdaman sakin kung sasaktan niya rin pala ako. Di na sana siya nageffort pa kung sa huli hahayaan niya din naman niya pala itong masira lahat."When I see that man, I really hate him because he is really a pervert. He forced me to have sex with him that night."Sa hindi malamang dahilan bigla akong natawa.Biglang nagsink-in sa utak ko ang unang pagkikita naming dalawa."Akala ko nga katangian niya na ang pagiging malibog niya."Muli akong natawa pero kasabay nun ang pa

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 71

    Maisha's POV Bangag at wala ako sa sarili ngayong araw. Pangatlo araw na ngayon simula ng pumunta dito si Zoe sa bahay at dito na nanatili matapos ang nangyari doon sa bahay nila Atlas. Hindi naman kami umiinom pero tatlong araw na itong walang tulog at walang tigil sa pagiyak, kaya ending pati ako ay wala ding tulog. Hindi niya din sinasagot ang lahat ng mga tumatawag sa kanya. Alam ni Chase na nandito ito ngayon sa bahay. Alam ko na din kung anong nangyari at kung bakit ito nagiiiyak ngayon. All of her pain it was may fault, kung sinabi ko lang sana sa kanya ang totoo lahat sa simula palang edi sana hindi ganito kasakit ang matatanggap niya. Di ito magdurusa ngayon at magmumukmok dahil sa sinabi ni Atlas. Ako ang kaibigan niya pero ito ako walang magawa kundi itago ang lahat ng mga nalalaman ko sakanya. Gusto ko man sabihin sa kanya lahat, ngunit pinangungunahan ako ng natakot ngayon. Nagtatalo ang isip at puso kung sasabihin ko ba

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 69

    Soe's POVHindi ako makapaniwala na susundin ko sa unang pagkakataon ang payo sakin ng bunso kong kapatid na babae. Nasa harap ako ngayon ng ZC Group, kinakabahan sa mangyayari once na makapasok na ako sa loob at makita si Haley.Being alone in so many years, so hurt that what I expected. Akala ko kakayanin ko na wala siya sa buhay ko ng ilang taon pero nagkamali ako, noong gabing pumayag ako na lumayo sa kanya dahil iyon ang gusto niya ay talagang pinagsisihan ko ng husto. Dahil noong araw na iyon, yun na din pala ang huling sulyap ko sa kanya. Kahit kasi alam nito kung saan ako nagtatago hindi lang naman niya ako magawang dalawin o puntahan man lang, walang araw na hindi ko ito hinihintay. Ngunit kahit anino lang naman niya ay hindi ko nakita sa pinto ng aking bahay.Madaming tao ang napatigil sa kanilang ginagawa ng makita ako dito sa ZC Group, gulat na gulat ang mga ito at animoy nakakita ng multo."Ms. Soe, you're alive? We t

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 68

    Zoe Colette's POV Tumayo ako at lumapit sa kanya bago ito binigyan ng isang malakas na sampal. Mukhang hindi pa kasi siya nagigising sa ginawa kong pagsampal sa kanya kanina. Muli ko ulit itong hinawakan sa kanyang damit. "Gumising kana sa katotohanan na hindi na babalik si Ate Soe. Hindi na babalik yung babaeng yun sayo dahil di naman ikaw ang tunay niyang mahal. Kaya lang siya nanatili sayo para hindi masaktan si Kuya Haley. Si Kuya Haley ang prinoprotektahan niya at hindi ikaw!"Muli ko ulit itong niyugyog."Tumigil kana Atlas dahil walang mangyayari kung patuloy mongitataliang sarili mo sa isang taong hindi ka naman kayang mahalin."Sa hindi malamang dahilan bigla kong naramdaman ang pagtulo ng luha mula sa aking mga mata."Gumising kana sa katotohanan na hindi nababalik pa ang taong gusto mong bumalik sayo. May mga anak kang

  • Devil Don't Come Near Me   CHAPTER 70

    Soe's POV Andito kami ngayon sa Blackbird fine dining restaurant sa Makati. Inupahan ni Haley ang buong lugar na ito para kami lang dalawa ang magiging tao dito. Kakilala niya din kasi ang may ari ng lugar na ito. Hinayaan ko na din siyang magorder ng kakainin namin. Halos lahat ng inorder nito ay kilalang dishes dito sa Blackbird like, Lobster Spaghetti, Flatiron Steak, Apple Tart, Potato Gratin, Wagyu Steak, Soft Shell Crab. Habang busy ito na tinitingnan ang kanyang telepono, di ko naman mahiwalay ang tingin dito. Di ko maiwasang hindi mapatitig dito dahil siguro ito ang unang pagkakataon na muli ko ulit nasilayan ang mukha nito makalipas ang limang taon. "I know I'm handsome, but please don't stare me like that, babe..."Nakangiting wika nito bago inangat ang tingin at ibinaling sakin. Nginitian ko lang ito pero hindi ko pa din inaalis ang tingin dito. Gusto ko pa itong titigan

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status