Yhurlo's Pov:
"How's my daugther?" Father asked as he sat on his swiveling chair, eyes were focussed on the sleeves that he was rolling up until his elbow.Kaswal akong nagkibit-balikat tsaka naglakad papunta sa visitor's chair bago pinagkrus ang mga binti.I smoothly laid my back on the soft sofa before closing my eyes to feel the warmth of it."She's recovering after her second operation," I replied.I was expecting him to say something like giving me advices and even tips on how will I take a good care on my little sister, but didn't talked back. I jokingly opened my one eye to take a peak on what he's doing making me see his worryingly face.Ano na naman ba iniisip nito?Napahinga ng malalim na hininga si Papa bago padabog na binagsak ang sarili sa swivelling chair dahilan para umalingawngaw sa opisina niya ang langitngit ng kanyang upuan.He closed his eyes before massaging the bridge of his nose whilIf you really want to, you will do everything no matter how impossible it is to reach.Author's Pov:Madilim na ang kalawakan at tahimik na ang kapaligiran. Narito ngayon sila Samer at ang kanyang mga kasamahan sa loob ng silid ni Shan upang magtipon-tipon dahil gusto raw silang makausap. Kung normal na tao siguro ito na magyayaya sa'yo sa kanilang lugar dahil gusto ka niyang makausap paniguradong mapapantig ang puso mo, pero sa kalagayan ni Shan siguradong kakabahan ka lalo na't bigla-bigla na lang itong magtatawag kahit hindi naman dapat. Katatapos lang nilang lahat na kumain at sari-sarili itong nakaupo sa bawat bakanteng silya ng silid upang ayusin ang sarili. Kung iisipin ay para silang isang buong batalyon na binisita ang isa sa miyembro nila sa ospital dahil sa kabulastugan na ginawa. Buti at sa ospital napunta at hindi sa kulungan. Malakas na dumighay si Elton tsaka sumandal sa malambot na sofa habang hinimas-himas ang busog na tiyan. Ang iba naman ay tahim
Paths were meant to lead you to your destiny. Time was meant to inform you how long did you took to do the things that you wanted. Journey will bring you to your future. No matter how hard you try to ignore and run from the cruel reality, your destined path will be evident to your eyes and the right time will come to introduce you to your new journey. Author's Pov:Tahimik na ang kapaligiran at malamig ang simoy ng hangin ang siyang sumasayaw sa mga dahon ng mga puno na naging tirahan na rin ng mga malalayang ibon na araw at gabing lumilipad sa himpapawid kasama ng mga eroplano. Dalawang araw na ang nakalilipas simula no'ng ma-discharge si Shan sa ospital at dalawang araw na rin nilang pinagpaplanuhan ang gagawin nilang hakbang ngayon. Kasalukuyang naghahanda ang lahat sa loob ng isang itim na van na dala nila para sa misyong gagawin. Kanya-kanya nilang inaayos ang mga iba't-ibang klase ng armas na sa tingin nila ay magagamit sa oras na pumalpa
A stranger can be your friend or worst, your enemy. Author's Pov:Sabay-sabay na tinahak nina Shan, Margou at Vince ang daan papunta sa opisina ni Charles. Dinaanan nila ang mahigit limang seksyon ng mga produktong nakadisplay tsaka lumiko sa isang kanto kung saan wala masyadong tao bago natanaw ang pasilyo na maghahatid sa kanila sa opisina nito. Akmang didiretso na sana sila sa paglalakad sa gitna ng mahabang pasilyo nang bigla silang hinarang gamit ang malapad na dibdib ng isa sa mga bodyguard ni Charles. Kung ang ibang bodyguards ay nakasuot ng itim na coat ito namang humarang sa kanila ay siyang katangi-tanging nakasuot ng puting coat na para bang ito ang lider sa grupong ito. Wala sa sariling tinaas ni Shan ang kanyang ulo dahil sa tangkad ng lalaking humarang sa harapan niya upang tignan ito. Salubong ang kanyang mga kilay at kunot ang mga noo niyang tinignan ang lalaking iyon na parang tinatrato na isang sagabal sa kanilang plano.
Actions can be the answer to your questions.Author's Pov:Napakurap-kurap si Charles dahil ata sa kakapalan ng mukha at kawalan ng takot na pumasok ng basta-basta na lang sa opisina niya bago napaubo. Bahagyang ginalaw ni Shan ang kamay niyang nakalahad dahilan para mabilis iyong kamayan ni Charles. "You're early," puna niya matapos tignan ang oras na nakadikit sa pader. Hindi siya sinagot ng dalaga at piniling umupo sa isa sa mga bakanteng sofa sa mini sala ng opisina tsaka hinayaan na sina Margou at Vince ang makipag-usap sa kanya. Sa katunayan ay wala silang ideya kung ano ang mangyayari ngayon tanging plano lang nila ay ang pasukin ang opisina ni Charles at nagbabaka-sakaling makahanap ng sagot sa mga tanong niya sa isipan at isa na roon kung sino ang nasa likod ng dalawang letrang nagsisilbi pa ring palaisipan sa kanya. Alam niyang founder ito ng negosyo ni Charles at hindi siya nagkakamaling malapit ang dalawang ito sa isa't-isa
Reminiscing the memories on the past is the most mesmerizing moment to happen, but how can you appreciate it if your mind lost it. Author's Pov:Isang patalim na sumasalamin sa kasakiman ang hawak ng binatang nakatayo sa likuran ni Shan na nakasuot ng mask at kalo na siyang nagtatago sa katauhan nito. Tanging mata lamang ang nasisinagan ng araw at ang dalawang kamay na mahigpit na nakahawak sa matalas na kutsilyo. Hindi pa tumatagal ang segundong nakatayo ito sa likuran ni Shan ay mabilis na nitong ibinaon ang kutsilyo animo'y nagtatanggal lamang ng dumi sa laman loob ng isang hayop. Pero kung titignan mong mabuti ang senaryong 'yon, ay makikita mo talaga kung paano nagdadalawang-isip ang binata na gawin ang karumadumal na gawain na para bang hindi ito sigurado kung tama ba ang gagawin niya gayong alam naman talaga nitong labag ito sa batas ng pamahalaan at lalong-lalo na sa mata sa itaas ng kalangitan. "Stop it there," utos ni Zach sa kanyang
Forgiveness must be expressed from the heart not from the mind. Sorry must be spoke once with sincerity not twice with ignorance. Author's Pov:Natutulog na ang lahat ng tao sa mansyon ngunit narito pa rin si Shan na nakaupo sa harap ng kanyang study table habang nakasindi ang lamp shade upang magbigay ng liwanag sa kanyang mga binabasang mga agreements, kontrata at iba pa na may kinalaman sa negosyo nila. Magkahalong agreement sa pagbebenta ng mga high-tech at customised na mga baril at iba't-ibang armas na nagmumula sa iba't-ibang panig ng mundo, kontrata sa pagbibili ng mga sasakyang second handed at iba pang mga negosyo. Kanina pa niya itinutuon ang kanyang buong atensyon sa pagbabasa ng limpak-limpak na papel na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa dahil ayon kay Rage Manuel ay kakailanganin na raw ng mga kasosyo nila ang papel ng may pirma niya kaya heto siya ngayon at uubusin ang oras para lang maibigay na ang mga papeles ura-urada. N
"Dad..." tanging nasabi na lamang ni Shan tila nanghihinang nakikitang umiiyak ang ama lalo pa't ito ang unang beses niyang makitang maging totoo ito sa nararamdaman. Parang pinupunit ang paulit-ulit ang puso ni Shan lalo nang makita niya kung paano nito ipikit ang mga mata upang pigilan ang umaapaw na emosyon kasabay ang agresibong paghulog ng mga butil ng luha sa likod ng mga palad nito na nakakapit sa dulo ng lamesahan hanggang sa mga papel na nakapatong sa lamesahan dahilan para mabasa ang mga ito. Marahas na napabuga ng mabigat na hininga si Erick tsaka wala sa sariling tumingala sa ere kasunod ang mariing pagsapo sa noo at ang pagmasahe sa tulay ng ilong na para bang pilit pinapakalma ang sarili. "This is a-all my f-fault... I shouldn't done this. I'm sorry for causing you too much pain, Anak. I'm sorry for treating you like a peasant... I'm sorry for everything. I'm sorry for being a heartless f-father... I'm sorry for b-being me..." aniya habang
It's the issue itself who speaks, not the one who made the issue. Author's Pov:"Nasaan na sila?" Salubong ni Shan kay Rychll na nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto ni Zach habang nakakrus ang mga braso at nakasandal sa pader na nakatulala lamang sa kawalan.Bahagyang tumaas ang mga balikat ni Rychll sa gulat tsaka napatingin kina Shan bago nagsalita, "He's inside kagigising lang," turo niya sa loob ng silid dahilan para mapahinga ng malalim si Shan bago nilingon ang kanyang ama na nasa likuran lang niya. Wala naman na siguro pang dapat ipunta rito si Shan dahil bukod sa naibsan na ang pag-aalala niya ay paningin rin niya ay magtataka at magtataka na naman si Zach sa presensya niya at ke-kwestiyonin ang pagkatao niya na kahit siya ay nahihirapan ring ipaintindi sa sarili kung sino ba talaga siya. Tumango lamang si Shan at napahugot ng malalim na hininga tsaka akmang aalis na sana nang hawakan ni Rychll ang palapulsuhan niya upang pigilan siya. "He's waiting for you." saad ni Ryc
Nangunot ang noo ni Kreizser nang mapansin na inaalalayan ito ni Zach sa balikat habang bahagyang nakakuba ang katawan dulot na rin ng katandaan. "Are you sick, po?" Nag-aalalang tanong ni Kreizser at wala sa sariling hinawakan ang kulubot na braso ni Erick. Tumingkayad pa ito para pilit na abutin ang noo dahilan upang bahagyang ibaba ni Erick ang sarili. "You're not sick but why do you look so weak, po? Do you tire yourself everyday? You know what po, my Mommy studied in medical field and I certainly know that she can heal you! Come here, po!" Sunod-sunod na sinabi niya pa at hinila si Erick papunta sa long sofa para paupuin doon. Lahat ay parang mga manonood na hinihintay ang magiging climax ng eksena habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik lamang sila tila inaabangan ang susunod na mangyayari. Maya-maya pa ay napansin nila na tumayo si Kreizsure at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ni Shan. "Mommy, you can heal him, right?" Tanong nito matapos hilahin si Shan sa d
Naputol lamang ang tila nawalang ulirat ni Shan nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa halatang may kaedaran ng lalaki na paroo't-parito ang paglalakad habang sapo-sapo ang noo. Nakasuot ito ng simpleng puting shirt na pinaresan ng jaggy pants at simpleng pares ng asul na tsinelas. Mukhang hindi sa kanya ang suot na damit dahil halata ang pagiging maluwang nito. Wala sa sarili man ay pinagmasdan ni Shan ang lalaking tila balisang-balisa at atat na atat sa kung ano. Kung dati ay itim ang buhok nito at mukhang malusog sa lahat ng malulusog, ngayon naman ay halos wala ka ng mahita na kulay itim sa buhok nito dahil mas pumapaibabaw ang puti. Nangangayayat rin ang katawan nito at konting-konti na lang ay makikita mo na ang buto-buto nito na dati-rati'y puro kalamnan. Bahagyang kumuba rin ang likuran niya na para bang nahihirapang ituwid ang katawan at maglakad ng hindi humihingi ng pangbalanse. Aksidenteng dumapo ang mga mata ni Shan rito nang huminto ito sa paglalakad dahilan par
"You'll stick with your tito and tita, okay?" Bilin ni Shan sa dalawa niyang anak na nakahawak sa magkabilang kamay ni Yhurlo. Atat na tumango-tango naman si Kreizser tsaka mabilis at nakangiting tinakbo ang anak ni Yhurlo na kanina pa nakasampa sa sahig habang hinihintay si Kreizser para makapaglaro na sila ng mga manika. Umiling na lamang si Shan nang makita kung gaano kasaya makita nila Kreizser ang isa't-isa tsaka niluhod ang isang paa para pantayan ang tangkad ni Kreizsure. "Take care of your sister, okay?" Paalala ulit ni Shan at ginulo ang basang buhok nito. Tahimik na nakangiting tumango naman si Kreizsure dahilan para bumalandra ang dalawang malalim nitong dimples. Kahit pa hindi magawang ipagtanggol ni Kreizsure ang kanyang sarili ay alam ni Shan na kayang-kaya nitong ipagtanggol aa nakakabatang kapatid. "Kayo na muna bahala sa kanila." Pagkausap ni Shan kay Yhurlo pagkatapos kausapin si Kreizsure tsaka bahagyang tinapik ang balikat nito. Napangiwi naman si Yhurlo bag
"Kreizser..." Maya-maya'y pagtawag ni Zach at bahagyang lumapit sa anak. Awtomatiko namang napanguso si Kreizser nang dahil sa pagtawag sa kanya ni Zach tsaka mabilis na nagtago sa likuran ng nakakatandang kapatid. Sumilip siya mula sa maiksing siko ni Kreizsure para tignan ang kanyang ama."Kuya, tell him everything..." mahinang bulong pa ni Kreizser at bahagyang hinila ang dulo ng damit habang ang kalahati ng mukha ay nakasilip pa rin sa siko ni Kreizsure. "We were just playing and they accidentally hit me but it's okay. It's not that serious, anyway." Pagpapaliwanag nito na nagkibit pa ng balikat dahilan para agresibo siyang tignan ni Kreizser, halata ang matinding pag-alma sa mukha. "Tinapunan ka nila ng bato, kuya!" Pagmamatigas pa nito at sinubukan ulit hanapin ang batong tinapon sa nakakatandang kapatid. Ngumiti lamang si Kreizsure tsaka ginulo ang buhok ng kapatid. "It's fine. It's just an accident," anito pa at hindi na hinayaan pa ang kapatid na magsalita tsaka walang p
It's been six years since Zach proposed to Shan to be his wife forever and forever and forevermore. In six years of being married, Zach never failed to shower Shan with his love, affection and care. He would always remind Shan how his life changed when he has no hope to change. Ni minsan ay walang araw na pinalipas si Zach na hindi batiin si Shan ng good morning, good noon at good night. Araw-araw nitong ginagawa at sinasabayan ng halik bagay na mas lalong nagpapahulog sa loob ng dalaga. Kasalukuyang nakahiga sina Zach at Shan sa malambot na kama. The sun is completely displayed above the orange and yellow skies so as the wind that keeps kissing the silk curtains causing it to sway in a smooth manner. Kanina pa gising si Zach at natapos na niyang lutuin ang magiging umagahan nila sadyang hinihintay na lang niyang magising si Shan na mahimbing na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap niya sa bewang ni Shan mula sa likod tsaka bahagyang umukl
Nagsimulang kumunot ang noo ko nang magsimulang maglakad sina Margou papunta sa akin dala-dala ang hawak na pulang rosas. Mas lalong lumalim ang gitla ng aking noo nang isa-isa nila itong binigay habang sinasabayan ang nakakahalinang intro ng kanta. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo rito na parang walang kaalam-alam sa nangyayari nang iabot sa akin ni Jake ang rosas na dala niya tsaka ako binigyan ng isang mahigpit man ngunit maingat na yakap. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago niya ako nagawang harapin at ngitian. "I wish your happiness." anito bago tuluyang umalis sa harapan ko dahilan para maiwan akong nakatanga habang hawak-hawak ang mga rosas na inabot nila sa akin. Napapantiskulang kong tinignan ang ngayo'y isang palumpon ng rosas at napabuga ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari ang huling naaalala ko lang ay narito ako para umattend ng kaarawan hindi para ipagdiwang ang tila debut ko. Napailing ako at muling nagtaas ng paningin dahilan para
Tatlong linggo na ang nakakalipas simula no'ng tumalon si F.H sa napakataas na rooftop. Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng mabigyan nila ng hustisya ang mga taong pinaglaruan at dinamay ni F.H sa kanyang kahibangan. Noong panahong tumalon si F.H sa rooftop ay laking pasasalamat nila dahil ligtas ito. Pakiramdam ko nga ay inaasahan na ng mga pulis na tatalon si F.H sa rooftop dahil imbis na sa sahig na bumagsak ang katawan nito at mamatay ng duguan at bugbog sarado ay unang humalik sa katawan ni F.H ang napakalambot na sampung foam bed na pinagpatong-patong dahilan para maging ligtas ang kalagayan nito. Laking pasasalamat rin ni Mr. Hans nang malaman niyang ligtas ang kanyang ama pero kahit gayun pa man ay hindi pa rin nito magawang maging tuluyang masaya dahil alam niya saan pupulutin ang kanyang ama o kung may pupulutin pa ba siya. Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na nang mapagtantong maaaring ginawa iyon ni F.H para takasan na pagbayaran ang mga
What will you do if the person that you know happened to be suspicious to you and ended up as your older brother?Author's Pov:Mabilis na hinawakan ng mga pulis si F.H matapos na ibigay iyon ni Alvin. Nakaposas ang dalawa nitong kamay sa likuran habang ang mga mata ay hindi maawat sa panliliksik na nakatingin kina Erick at Alvin na ngayo'y nagtutulong-tulong na alsahin ang mga tauhan ni F.H na nakabulagta sa sahig. Napaismid na lamang si F.H lalo na nang makita ang matagumpay na ngiti sa mga labi nina Shan. "Papa!" Parang batang nawala sa mall na tawag ni Margou sa kanyang ama tsaka niya ito naiiyak na niyakap ng mahigpit. Ganoon rin ang ginawa nina Justine at niyakap rin ang kapamilya nila na matagal na nilang gustong makita at mayakap muli, maliban na lamang kay Nick na nahahalatang ayaw ni Tonton na makipag-usap o tignan man lang siya. Napabuntong-hininga na lamang si Nick tsaka wala sa sariling ginulo ang buhok ng nakakabatang kapatid na para bang nakasanayan na nito bago tinan
Mistake is a mistake. It's up to you if you do it twice just don't beg for forgiveness for your sake. Author's Pov:"Hindi nagtaksil si Mommy. Pagkakamali iyon na hindi na niya gugustuhing ulitin." Pagtatanggol ni Shan, halata sa mukha nito ang pagkainsulto sa sinabi ni F.H. "At kahit kailan ay alam kong hindi nagsisisi si Mommy na buhayin ako."Natawa si F.H sa sagot ni Shan bago mas diniinan ang pagkakasakal sa kanya. Napangiwi na lamang si Shan nang maramdaman ang magaspang nitong balbas na kanina pa patuloy na humahalik sa pisnge niya. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka naman ata tulog, ano?" ani F.H gamit ang nang-aasar na tono. Bahagyang natigilan si Shan sa sinabi nito at wala sa sariling nilingon ito ngunit agad ring nag-iwas ng paningin nang sumalubong sa kanyang mata ang nakakadiri nitong pagmumukha. "Oo! At mahal na mahal ako ni Mom. Hinding-hindi mo na mababago ang katotohang 'yan," pagmamatigas ni Shan at inis na siniko ang sikmura ni F.H. Parang bigla na