Reminiscing the memories on the past is the most mesmerizing moment to happen, but how can you appreciate it if your mind lost it.
Author's Pov:Isang patalim na sumasalamin sa kasakiman ang hawak ng binatang nakatayo sa likuran ni Shan na nakasuot ng mask at kalo na siyang nagtatago sa katauhan nito.Tanging mata lamang ang nasisinagan ng araw at ang dalawang kamay na mahigpit na nakahawak sa matalas na kutsilyo. Hindi pa tumatagal ang segundong nakatayo ito sa likuran ni Shan ay mabilis na nitong ibinaon ang kutsilyo animo'y nagtatanggal lamang ng dumi sa laman loob ng isang hayop. Pero kung titignan mong mabuti ang senaryong 'yon, ay makikita mo talaga kung paano nagdadalawang-isip ang binata na gawin ang karumadumal na gawain na para bang hindi ito sigurado kung tama ba ang gagawin niya gayong alam naman talaga nitong labag ito sa batas ng pamahalaan at lalong-lalo na sa mata sa itaas ng kalangitan."Stop it there," utos ni Zach sa kanyangForgiveness must be expressed from the heart not from the mind. Sorry must be spoke once with sincerity not twice with ignorance. Author's Pov:Natutulog na ang lahat ng tao sa mansyon ngunit narito pa rin si Shan na nakaupo sa harap ng kanyang study table habang nakasindi ang lamp shade upang magbigay ng liwanag sa kanyang mga binabasang mga agreements, kontrata at iba pa na may kinalaman sa negosyo nila. Magkahalong agreement sa pagbebenta ng mga high-tech at customised na mga baril at iba't-ibang armas na nagmumula sa iba't-ibang panig ng mundo, kontrata sa pagbibili ng mga sasakyang second handed at iba pang mga negosyo. Kanina pa niya itinutuon ang kanyang buong atensyon sa pagbabasa ng limpak-limpak na papel na nakapatong sa ibabaw ng kanyang lamesa dahil ayon kay Rage Manuel ay kakailanganin na raw ng mga kasosyo nila ang papel ng may pirma niya kaya heto siya ngayon at uubusin ang oras para lang maibigay na ang mga papeles ura-urada. N
"Dad..." tanging nasabi na lamang ni Shan tila nanghihinang nakikitang umiiyak ang ama lalo pa't ito ang unang beses niyang makitang maging totoo ito sa nararamdaman. Parang pinupunit ang paulit-ulit ang puso ni Shan lalo nang makita niya kung paano nito ipikit ang mga mata upang pigilan ang umaapaw na emosyon kasabay ang agresibong paghulog ng mga butil ng luha sa likod ng mga palad nito na nakakapit sa dulo ng lamesahan hanggang sa mga papel na nakapatong sa lamesahan dahilan para mabasa ang mga ito. Marahas na napabuga ng mabigat na hininga si Erick tsaka wala sa sariling tumingala sa ere kasunod ang mariing pagsapo sa noo at ang pagmasahe sa tulay ng ilong na para bang pilit pinapakalma ang sarili. "This is a-all my f-fault... I shouldn't done this. I'm sorry for causing you too much pain, Anak. I'm sorry for treating you like a peasant... I'm sorry for everything. I'm sorry for being a heartless f-father... I'm sorry for b-being me..." aniya habang
It's the issue itself who speaks, not the one who made the issue. Author's Pov:"Nasaan na sila?" Salubong ni Shan kay Rychll na nakatayo sa labas ng pintuan ng kwarto ni Zach habang nakakrus ang mga braso at nakasandal sa pader na nakatulala lamang sa kawalan.Bahagyang tumaas ang mga balikat ni Rychll sa gulat tsaka napatingin kina Shan bago nagsalita, "He's inside kagigising lang," turo niya sa loob ng silid dahilan para mapahinga ng malalim si Shan bago nilingon ang kanyang ama na nasa likuran lang niya. Wala naman na siguro pang dapat ipunta rito si Shan dahil bukod sa naibsan na ang pag-aalala niya ay paningin rin niya ay magtataka at magtataka na naman si Zach sa presensya niya at ke-kwestiyonin ang pagkatao niya na kahit siya ay nahihirapan ring ipaintindi sa sarili kung sino ba talaga siya. Tumango lamang si Shan at napahugot ng malalim na hininga tsaka akmang aalis na sana nang hawakan ni Rychll ang palapulsuhan niya upang pigilan siya. "He's waiting for you." saad ni Ryc
"Zach, this is my Dad and Dad this is Zach-" naputol ang dapat na pagpapakilalang sasabihin ni Shan nang makita sa gilid ng mga mata ang agresibong pagbangon ni Zach. Mabilis na bumaling si Shan sa gawi ng binata sa pag-aalalang baka mapa'no na naman ito ngunit agad ring natigilan matapos makita ang salubong na mga kilay at ang panliliksik ng mga asul nitong mata habang tiim-bagang na nakatitig sa kanyang ama. Parang si Shan ang kinabahan nang makita ang ganoong ekspresyon ni Zach. "You're the one who raped and killed my sister." Pang-aakusa nito at mariing kinuyom ang mga kamao dahilan para magusot ang hawak nitong puting kumot. "Zach!" Gulat at pasigaw na pagsaway ni Shan sa binata kasabay ang pagkunot ng noo, pero kahit gano'n pa man ay hindi niya pa rin maiwasang isipin na maaaring may katotohanan nga ang sinabi nito. Base pa lang sa reaksyon at ekspresyon ng mukha nito simula nang makita ni Zach ang ama niya ay talagang makikita mo ang galit at hinanakit nito. "Dad?" Pagbali
You don't know the struggle and trials that he forced to overcome just to fulfill his assumed responsibilities, so better understand him.Author's Pov:Isang araw na ang nakalilipas mula nang may matanggap silang sulat na galing sa palasong lumipad sa kung saan papunta sa silid ni Zach. Pagkatapos ng nangyaring 'yon ay mas pinili na lamang ng ina ni Zach, isa sa mga ekspertong doktor sa ospital na ilipat ang anak sa kanilang bahay at doon na lamang magpahinga dahil sa malaking posibilidad ng kanyang kapahamakan sa kwartong iyon. Hindi na rin naman na umangal si Zach dahil pabor sa kanya ang suhestiyon na 'yun dahil bukod sa magpapahinga raw siya ay gusto rin niyang imbistigahan ang nangyari. Ilang araw na niyang pinag-aaralan ang clip noong may nangyari kay Shan at nasisiguro siyang konektado ang palasong lumipad sa kanilang bintana sa isyung 'yun. Pagkatapos no'n ay ikinwento rin niya kay Shan ang nangyari sa kanyang nakakatandang kapatid. Kung tama ang pagkakaalala niya ay masaya
The game will never begin without a player. Author's Pov:"Si Mr. Hans? Lintek, kausap ko 'yan sa illegal shop!" Malutong na mura ni Jake na mukhang hindi maintindihan kung dapat bang matuwa dahil sa wakas ay kilala na nila kung sino ang may gawa ng lahat o dapat bang mainis dahil nasayang niya ang pagkakataong iyon na gantihan si Mr. Hans sa mga ginawa nito lalong-lalo na kay Shan. "Siya rin ba ang sumaksak sa'yo, Shan? Pati 'yong humabol sa amin no'ng araw na may sumugod rin sa'yo, siya rin ba ang may utos noon?" Sunod-sunod na tanong ni Sofilia. Salubong ang mga kilay nito at malalim ang pagkunot ng noo tila gulong-gulo na sa nalalaman. Inaasahan ng lahat ay masasagot na lahat ng katanungan nila sa kanilang sarili. Ang inaakala ng lahat ay mabubuo na nila ang puzzle na iniimahe nila. Ang akala nila'y tama ang naging hinuha at iniisip nila sa panghuhusgang ginawa sa pagkatao ni Mr. Hans base lamang sa pinakita at sinasabi ng mga ito, pero ang lahat ng iyon ay tila isa-isang nagpi
"Putanginang mga kasong 'yan dinaig pa si satanas." Pagmumura ni Justine at padabog na bumalik sa pagkakaupo habang diring-diring napapailing. "He's the one who's behind these shits," ani Aaron at padabog na sinirado ang libro sabay inayos ang bahagyang nahulog na salamin. Sabay na nagtanguan ang lahat bilang pagsang-ayon sa sinabi nito. Maging sila ay hindi rin kayang sikmurahin ang kasamaang ginagawa ni Frederick kaya gano'n na lang ang kanilang pandidiri at pagkainis ng mga ito sa kanya. "Mag-ama sila ni Mr. Hans pero bakit magkaibang-magkaiba sila ng ugali?" May halong panlalait sa tinig ng boses ni Samer habang palihim na kinokomplemento ang ugali ni Mr. Hans kaysa kay Frederick. "Pa'no mo naman nalamang magkaiba sila ng ugali, aber? Nakasama mo na ba?" Pangangantyaw ni Sofilia at malokong tinaas-baba pa ang magkabilang kilay habang nakatingin kay Samer dahilan ng biglaang pamumula ng pisnge nito. Kagat-labing naiilang na umiwas ng paningin si Samer lalo na nang marinig ang
Life is like a weather. The rain symbolises the tears, cries and even pain in your eyes. The sun symbolises your joy, happiness and the bright side of your life. If you keep looking at the bright side and accepting your downside, there will be always a rainbow after the rain and that symbolises your win in your battles. Everyone changes for a reason, and you changed yourself to be a better person.Author's Pov:Kinabukasan ay maagang nagising si Shan para paghandaan ang gagawin nila ngayong araw. Pikit-mata siyang nag-unat ng katawan tsaka dahan-dahang nagtungo sa banyo para maligo at magbihis.Kahapon lamang ay nakabuo na sila ng napaka-simple ngunit napakahirap gawin na plano. Ang plano lang naman kasi nila ay kunin ang hustisya na karapat-dapat sa mga taong biniktima ni Frederick at pagbayarin niya ito sa pamamagitan ng pagtira sa loob ng selda at panagutan ang kahihinatnan ng mga kaso nito. Kung tutuusin ay hindi nga ata sila aabutan ng isang araw para lamang maiskatuparan ang pl