It's always the conscience that makes you feel bad at yourself.
Author's Pov:Magtatatlong araw na simula nang may mangyaring masama kay Shan. Magtatatlong araw na simula nang mawalan ng malay si Zach dulot ng matinding pag-atake ng sakit ng ulo. Magtatatlong araw nang nakaratay ang dalawa sa puting malambot na kama na hanggang ngayon ay wala pa ring balitang nahihita.Matapos ang matinding paulit-ulit na pananaksak ng mga estrangherong humabol kay Shan ay hindi pa rin nila nakikita ang paggaling ng kalagayan nito. Para bang sa tuwing lumilipas ang araw ay mukhang mas lalo lang lumalala ang sitwasyon ng kanyang katawan. Si Zach naman ay maayos na raw ang kalagayan at hinihintay na lang itong magising. Ang biglaang pag-atake ng sakit niya sa utak ay normal lang at nasisigurong nagkaroon lamang ng madaliang pagbabalik ng kanyang memorya dahilan para mabigla ang kanyang utak at mawalan ng malay.Sa paglipas ata ng tatlong araw ay si Rychll lang anShould you trust the person that you have known of being a monster in a game, or should you start worrying because the person who once circled the game will be with you in making the plan.Author's Pov: "As I was saying, you need to follow all my commands without hesitations." Pagpapatuloy pa ni Erick na ngayo'y prenteng nakaupo sa single sofa habang ang dalawang braso ay nakapatong sa sandigan ng sofa at ang katawan ay maayos na nakasandal. Mas lalong kumunot ang noo ng lahat kasunod ang agresibong pag-iisa ng mga kilay habang napapantiskulang tumingin kay Erick tila ba isa siya sa makapangyarihang tao sa mundo na dapat sundin ng mga tinuturing nitong alipin. Napangiwi si Justine na nasa isang tabi habang magkakrus ang mga brasong nag-angat ng paningin. "Hindi naman sa binabastos kita, Sir pero may bilin sa amin si Shan na hindi namin kailangan sundin ang mga utos mo." Mariing puna ni Justine sa sinabi nito na mukhang kanina pa nagtitimpi sa p
Waking up on a reality. Author's Pov:Napilitan na lamang bumaling si Yhurlo sa kanilang lahat at minsanang inalala kung ano nga ba ang ipinunta niya rito bago nagsalita. "Shan's awake," anito na siyang nagpahinto sa lahat. Parang may isang utak silang lahat dahil sa sabay-sabay nilang paglingon kay Yhurlo kasabay ang panlalaki ng mga mata at pag-awang ng mga labi."Akala ko ba lumalala ang sitwasyon niya?" Bakas ang hindi makapaniwala sa boses ni Samer na ngayo'y salubong ang mga kilay. Kani-kanina lang kasi ay inanunsyo ng isa sa mga kaibigang doktor ni Yhurlo na matatagalan pa raw bago gumising ulit si Shan kaya hindi nila maiwasang magulat at magtaka dahil mababalitaan na naman nilang gising na raw si Shan kahit pa'y lumalala nang lumalala ang kalagayan nito. Natawa na lamang si Yhurlo tsaka napailing na para bang may nakakatuwa sa sinabi ni Samer. "Knowing her, babangon at babangon 'yon kahit na nahihirapan." P
You should learn how to look forward not look back in the past. Learn to forgive the unforgiven and understand all the situations.Shan's Pov: Ito na nga ba ang sinasabi ko. Magkaka-ilangan at magkaka-ilangan talaga kami ni Dad pagkatapos niyang umiyak kanina. Sino ba naman kasi ang hindi maiilang kung ang taong isa sa dahilan ng iyong paghihirap ay bigla-bigla ka nalang susunggaban ng yakap sa ospital at umiiyak pa. Pero kahit ganoon, hindi ko pa rin maitatangging naging magaan ng kaonti ang kalooban ko sa kanya lalong-lalo na sa pagdadalawang-isip ko kung mahal niya ba ako o minahal niya lang ako dahil anak ako ni Mommy. Napakakaawa-awa ko namang tignan kung minahal niya lang ako ng sapilitan o di kaya'y dahil utos ni Mommy na mahalin ako. "Shan..." rinig kong pukaw ni Dad sa aking atensyon dahilan para tumingin ako sa kanya. Nakita ko ang kagat-labi niyang pagyuko sa kanyang balisang gumagalaw na mga binti habang palihim na pinapa
The heart will always help you remember who's the person you cherish the most.Shan's Pov:Napahinga ako ng malalim tsaka tumingin sa maliwanag na buwang nakapaskil sa malawak na kalangitan. Parang kailan lang nang mabigyan ko ng oras ang sarili ko. Iyong tipong walang inaalala na iba kundi ang sarili ko lang. Hinayaan ko ang aking sarili na tanawin ang buwan na makikita sa nakabukas na binata nang bigla ko namang maalala si Zach. Kanina nang bisitahin at magkausap kami ni Jake ay nabanggit niya sa aking sinundan raw ako ni Zach sa eskenitang iyon at bigla na lang nilang naabutan na wala ng malay. Ang sabi daw ng doktor ay siguro may alaala na namang biglaang bumalik sa isipan niya kaya ganoon ang nangyari. Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya dahil kahit papaano ay nakalimutan niyang ako ang dahilan kung bakit siya nagkaroon ng ganoon o dapat ba akong malungkot dahil ni isa sa mga pinagsamahan namin ay hindi niya maalala.
The more you hide the truth, the more it reveals. Author's Pov:Ilang minuto nang nangangapa ng masasagot si Shan sa nakakawindang na tanong ni Zach. Nakaawang ang mga labing napatulala siya sa kunot na kunot nitong noo habang pilit na kinakalkal ang isipan kung ano nga ba siya sa buhay ni Zach. Kung siya ang tatanongin, matik na magiging sagot niya ay babaeng nagdala ng kaguluhan at kamalasan sa buhay niya. Hindi man gaanong nakilala ni Shan si Zach pero alam niyang bago pa sila magkakilala ng binata ay maganda at maginhawa ang takbo ng buhay nito na taliwas naman sa takbo ng buhay niya. "What? Who are you in my life?" Pamimilit ni Zach na mukhang bawat minutong lumilipas ay mas nagiging atat sa magiging sagot niya. Malalim siyang napalunok kasunod ng mariing pagkagat ng pang-ibabang labi bago napahugot ng malalim na hininga upang humugot ng lakas na magsalita. Akmang sasagutin na niya ang tanong ni Zach ng salitang 'hindi ko rin ala
Hindi kakayanin ng konsensya mo ang pagsisinungaling mo sa isang tao sa oras na nakikita mong nasasaktan na ang taong pinoprotektahan mo. Author's Pov:Magdadalawang linggo na ang nakalilipas simula nang may nakitang higit pa na pinagsisisihan ni Aya. Sa loob ng dalawang linggong lumipas ay walang ibang ginawa si Shan kundi ang gumising sa umaga, kumain, maligo, kumain at matutulog muli. Araw-araw ay ganito ang naging takbo ng buhay niya sa loob ng dalawang linggong pamamalagi sa ospital. Pagkatapos no'ng gabing pinuntahan ni Shan si Zach na lingid sa kaalaman ni Yhurlo ay mabilis at agarang binigyan ng lunas ng mga doktor ang tahi niya na bahagyang naigalaw dahil sa katigasan ng ulo nito. Inulit ang pagkakatahi sa sugat niya sa likuran at siniguradong talagang matibay pa ito sa panahon nang sa gayon ay hindi na ulit maoperahan si Shan. Naiinis at nabubugnot na si Shan dahil araw-araw ay may nakatokang magbantay sa kanya para lamang s
Yhurlo's Pov:"How's my daugther?" Father asked as he sat on his swiveling chair, eyes were focussed on the sleeves that he was rolling up until his elbow. Kaswal akong nagkibit-balikat tsaka naglakad papunta sa visitor's chair bago pinagkrus ang mga binti. I smoothly laid my back on the soft sofa before closing my eyes to feel the warmth of it. "She's recovering after her second operation," I replied. I was expecting him to say something like giving me advices and even tips on how will I take a good care on my little sister, but didn't talked back. I jokingly opened my one eye to take a peak on what he's doing making me see his worryingly face. Ano na naman ba iniisip nito?Napahinga ng malalim na hininga si Papa bago padabog na binagsak ang sarili sa swivelling chair dahilan para umalingawngaw sa opisina niya ang langitngit ng kanyang upuan. He closed his eyes before massaging the bridge of his nose whil
If you really want to, you will do everything no matter how impossible it is to reach.Author's Pov:Madilim na ang kalawakan at tahimik na ang kapaligiran. Narito ngayon sila Samer at ang kanyang mga kasamahan sa loob ng silid ni Shan upang magtipon-tipon dahil gusto raw silang makausap. Kung normal na tao siguro ito na magyayaya sa'yo sa kanilang lugar dahil gusto ka niyang makausap paniguradong mapapantig ang puso mo, pero sa kalagayan ni Shan siguradong kakabahan ka lalo na't bigla-bigla na lang itong magtatawag kahit hindi naman dapat. Katatapos lang nilang lahat na kumain at sari-sarili itong nakaupo sa bawat bakanteng silya ng silid upang ayusin ang sarili. Kung iisipin ay para silang isang buong batalyon na binisita ang isa sa miyembro nila sa ospital dahil sa kabulastugan na ginawa. Buti at sa ospital napunta at hindi sa kulungan. Malakas na dumighay si Elton tsaka sumandal sa malambot na sofa habang hinimas-himas ang busog na tiyan. Ang iba naman ay tahim
Nangunot ang noo ni Kreizser nang mapansin na inaalalayan ito ni Zach sa balikat habang bahagyang nakakuba ang katawan dulot na rin ng katandaan. "Are you sick, po?" Nag-aalalang tanong ni Kreizser at wala sa sariling hinawakan ang kulubot na braso ni Erick. Tumingkayad pa ito para pilit na abutin ang noo dahilan upang bahagyang ibaba ni Erick ang sarili. "You're not sick but why do you look so weak, po? Do you tire yourself everyday? You know what po, my Mommy studied in medical field and I certainly know that she can heal you! Come here, po!" Sunod-sunod na sinabi niya pa at hinila si Erick papunta sa long sofa para paupuin doon. Lahat ay parang mga manonood na hinihintay ang magiging climax ng eksena habang nakatingin sa kanilang dalawa. Tahimik lamang sila tila inaabangan ang susunod na mangyayari. Maya-maya pa ay napansin nila na tumayo si Kreizsure at tahimik na naglakad papunta sa direksyon ni Shan. "Mommy, you can heal him, right?" Tanong nito matapos hilahin si Shan sa d
Naputol lamang ang tila nawalang ulirat ni Shan nang aksidenteng dumapo ang mga mata niya sa halatang may kaedaran ng lalaki na paroo't-parito ang paglalakad habang sapo-sapo ang noo. Nakasuot ito ng simpleng puting shirt na pinaresan ng jaggy pants at simpleng pares ng asul na tsinelas. Mukhang hindi sa kanya ang suot na damit dahil halata ang pagiging maluwang nito. Wala sa sarili man ay pinagmasdan ni Shan ang lalaking tila balisang-balisa at atat na atat sa kung ano. Kung dati ay itim ang buhok nito at mukhang malusog sa lahat ng malulusog, ngayon naman ay halos wala ka ng mahita na kulay itim sa buhok nito dahil mas pumapaibabaw ang puti. Nangangayayat rin ang katawan nito at konting-konti na lang ay makikita mo na ang buto-buto nito na dati-rati'y puro kalamnan. Bahagyang kumuba rin ang likuran niya na para bang nahihirapang ituwid ang katawan at maglakad ng hindi humihingi ng pangbalanse. Aksidenteng dumapo ang mga mata ni Shan rito nang huminto ito sa paglalakad dahilan par
"You'll stick with your tito and tita, okay?" Bilin ni Shan sa dalawa niyang anak na nakahawak sa magkabilang kamay ni Yhurlo. Atat na tumango-tango naman si Kreizser tsaka mabilis at nakangiting tinakbo ang anak ni Yhurlo na kanina pa nakasampa sa sahig habang hinihintay si Kreizser para makapaglaro na sila ng mga manika. Umiling na lamang si Shan nang makita kung gaano kasaya makita nila Kreizser ang isa't-isa tsaka niluhod ang isang paa para pantayan ang tangkad ni Kreizsure. "Take care of your sister, okay?" Paalala ulit ni Shan at ginulo ang basang buhok nito. Tahimik na nakangiting tumango naman si Kreizsure dahilan para bumalandra ang dalawang malalim nitong dimples. Kahit pa hindi magawang ipagtanggol ni Kreizsure ang kanyang sarili ay alam ni Shan na kayang-kaya nitong ipagtanggol aa nakakabatang kapatid. "Kayo na muna bahala sa kanila." Pagkausap ni Shan kay Yhurlo pagkatapos kausapin si Kreizsure tsaka bahagyang tinapik ang balikat nito. Napangiwi naman si Yhurlo bag
"Kreizser..." Maya-maya'y pagtawag ni Zach at bahagyang lumapit sa anak. Awtomatiko namang napanguso si Kreizser nang dahil sa pagtawag sa kanya ni Zach tsaka mabilis na nagtago sa likuran ng nakakatandang kapatid. Sumilip siya mula sa maiksing siko ni Kreizsure para tignan ang kanyang ama."Kuya, tell him everything..." mahinang bulong pa ni Kreizser at bahagyang hinila ang dulo ng damit habang ang kalahati ng mukha ay nakasilip pa rin sa siko ni Kreizsure. "We were just playing and they accidentally hit me but it's okay. It's not that serious, anyway." Pagpapaliwanag nito na nagkibit pa ng balikat dahilan para agresibo siyang tignan ni Kreizser, halata ang matinding pag-alma sa mukha. "Tinapunan ka nila ng bato, kuya!" Pagmamatigas pa nito at sinubukan ulit hanapin ang batong tinapon sa nakakatandang kapatid. Ngumiti lamang si Kreizsure tsaka ginulo ang buhok ng kapatid. "It's fine. It's just an accident," anito pa at hindi na hinayaan pa ang kapatid na magsalita tsaka walang p
It's been six years since Zach proposed to Shan to be his wife forever and forever and forevermore. In six years of being married, Zach never failed to shower Shan with his love, affection and care. He would always remind Shan how his life changed when he has no hope to change. Ni minsan ay walang araw na pinalipas si Zach na hindi batiin si Shan ng good morning, good noon at good night. Araw-araw nitong ginagawa at sinasabayan ng halik bagay na mas lalong nagpapahulog sa loob ng dalaga. Kasalukuyang nakahiga sina Zach at Shan sa malambot na kama. The sun is completely displayed above the orange and yellow skies so as the wind that keeps kissing the silk curtains causing it to sway in a smooth manner. Kanina pa gising si Zach at natapos na niyang lutuin ang magiging umagahan nila sadyang hinihintay na lang niyang magising si Shan na mahimbing na mahimbing pa ring natutulog sa tabi niya. Hinigpitan ni Zach ang pagkakayakap niya sa bewang ni Shan mula sa likod tsaka bahagyang umukl
Nagsimulang kumunot ang noo ko nang magsimulang maglakad sina Margou papunta sa akin dala-dala ang hawak na pulang rosas. Mas lalong lumalim ang gitla ng aking noo nang isa-isa nila itong binigay habang sinasabayan ang nakakahalinang intro ng kanta. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatayo rito na parang walang kaalam-alam sa nangyayari nang iabot sa akin ni Jake ang rosas na dala niya tsaka ako binigyan ng isang mahigpit man ngunit maingat na yakap. Nagtagal iyon ng ilang minuto bago niya ako nagawang harapin at ngitian. "I wish your happiness." anito bago tuluyang umalis sa harapan ko dahilan para maiwan akong nakatanga habang hawak-hawak ang mga rosas na inabot nila sa akin. Napapantiskulang kong tinignan ang ngayo'y isang palumpon ng rosas at napabuga ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung anong nangyayari ang huling naaalala ko lang ay narito ako para umattend ng kaarawan hindi para ipagdiwang ang tila debut ko. Napailing ako at muling nagtaas ng paningin dahilan para
Tatlong linggo na ang nakakalipas simula no'ng tumalon si F.H sa napakataas na rooftop. Tatlong araw na ang lumipas simula no'ng mabigyan nila ng hustisya ang mga taong pinaglaruan at dinamay ni F.H sa kanyang kahibangan. Noong panahong tumalon si F.H sa rooftop ay laking pasasalamat nila dahil ligtas ito. Pakiramdam ko nga ay inaasahan na ng mga pulis na tatalon si F.H sa rooftop dahil imbis na sa sahig na bumagsak ang katawan nito at mamatay ng duguan at bugbog sarado ay unang humalik sa katawan ni F.H ang napakalambot na sampung foam bed na pinagpatong-patong dahilan para maging ligtas ang kalagayan nito. Laking pasasalamat rin ni Mr. Hans nang malaman niyang ligtas ang kanyang ama pero kahit gayun pa man ay hindi pa rin nito magawang maging tuluyang masaya dahil alam niya saan pupulutin ang kanyang ama o kung may pupulutin pa ba siya. Ako naman ay hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na nang mapagtantong maaaring ginawa iyon ni F.H para takasan na pagbayaran ang mga
What will you do if the person that you know happened to be suspicious to you and ended up as your older brother?Author's Pov:Mabilis na hinawakan ng mga pulis si F.H matapos na ibigay iyon ni Alvin. Nakaposas ang dalawa nitong kamay sa likuran habang ang mga mata ay hindi maawat sa panliliksik na nakatingin kina Erick at Alvin na ngayo'y nagtutulong-tulong na alsahin ang mga tauhan ni F.H na nakabulagta sa sahig. Napaismid na lamang si F.H lalo na nang makita ang matagumpay na ngiti sa mga labi nina Shan. "Papa!" Parang batang nawala sa mall na tawag ni Margou sa kanyang ama tsaka niya ito naiiyak na niyakap ng mahigpit. Ganoon rin ang ginawa nina Justine at niyakap rin ang kapamilya nila na matagal na nilang gustong makita at mayakap muli, maliban na lamang kay Nick na nahahalatang ayaw ni Tonton na makipag-usap o tignan man lang siya. Napabuntong-hininga na lamang si Nick tsaka wala sa sariling ginulo ang buhok ng nakakabatang kapatid na para bang nakasanayan na nito bago tinan
Mistake is a mistake. It's up to you if you do it twice just don't beg for forgiveness for your sake. Author's Pov:"Hindi nagtaksil si Mommy. Pagkakamali iyon na hindi na niya gugustuhing ulitin." Pagtatanggol ni Shan, halata sa mukha nito ang pagkainsulto sa sinabi ni F.H. "At kahit kailan ay alam kong hindi nagsisisi si Mommy na buhayin ako."Natawa si F.H sa sagot ni Shan bago mas diniinan ang pagkakasakal sa kanya. Napangiwi na lamang si Shan nang maramdaman ang magaspang nitong balbas na kanina pa patuloy na humahalik sa pisnge niya. "Sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? Hindi ka naman ata tulog, ano?" ani F.H gamit ang nang-aasar na tono. Bahagyang natigilan si Shan sa sinabi nito at wala sa sariling nilingon ito ngunit agad ring nag-iwas ng paningin nang sumalubong sa kanyang mata ang nakakadiri nitong pagmumukha. "Oo! At mahal na mahal ako ni Mom. Hinding-hindi mo na mababago ang katotohang 'yan," pagmamatigas ni Shan at inis na siniko ang sikmura ni F.H. Parang bigla na